Ang kwento ng ate ko, mas nauna pa raw akong natutong magmura kesa magsalita. Pero syempre joke lang yun at magkaaway kami ng ate ko nung time na sinabi nya yun. Pero madaming nagsasabi na palamura nga daw ako. Ang sabi ko naman..."Tang ina hindi naman ah!" Ahaha... Isa lang yan sa mga bagay na maaga ko natutunan dahil sa environment ko nung bata ako. Pero salamat sa butihin kong mga guro nung early elementary days at tinuruan nila ako ng magandang asal. Isang araw tinanong ako ng lola ko "Reyner, anong natutunan mo sa school? Tinuruan ka ba ng magandang asal?" Ang sagot ko "Oo naman lola. Syempre school yun e, natural na makipagplastikan ang mga titser sa amin." Ahaha.. Pero syempre hindi totoo yan. Ang totoo'y walanghiya talaga ako nung bata ako at sa liit kong yun ay ako pa ang pinakabully sa classroom. Isang araw nga ay inapproach ako ng titser ko, "Reyner, top 2 ka na naman lang. Kelan ka ba titino at para maging top 1 ka naman?" Sabi ko sa kanya, "Maam, hindi ako interesado sa ranking na yan. Kung pwede lang ibigay ko na lang dun sa kaibigan kong nasa row 4 ang pagiging bibo ko, gagawin ko." Oo, mayabang din ako at nung time time na yun una ko yung natuklasan. Dahil mayabang ako nun at maangas, normal lang na makita ako ng nanay ko na punit-punit ang damit o putol ang tsinelas. Punit-punit ang damit dahil nakipaglaban o putol ang tsinelas dahil tumakbo at natakot sa kalaban. Pero alam mo, minahal ako nun ng marami dahil kahit pangit ang ugali ko, cute naman ako. At hindi lang dahil cute ako, madali lang din akong lapitan pag kelangan nila ng sagot during exams. Grumadweyt ako nun ng elementary na nagmamartsa sa pinakaunahan. Hindi dahil by height ang arrangement kundi dahil...ehem...alam mo na yun. Proud sakin ang ate ko at syempre pati mga magulang ko. Pero alam mo ang iniisip ko nung mga time na yun habang sinasambit ang katagang "what you sow is what you reap" na part ng speech ko? Alam mo kung ano? "Mamimiss ko ang mga biniyak kong mga kalaro..ehe...yung mga kalaro ko sa trumpo. Wala kasing trumpo nun ang hindi kayang biyakin ng super trumpo ko at ako ang hari ng trumpo nung mga time na yun." Hehehe... Seriously, may impact sakin yung line na yun sa speech ko na nabanggit ko. Actually, sa dami ng itinanim ko...matumal pa rin ang ani ko. :-(
Monday, July 11, 2011
Adventure ni Reyner
Labels:
reyner
Wednesday, July 6, 2011
TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!)
Time out muna sa mga kaseryosohan. Magpalipas oras muna tayo at alamin ang mga bagay na naghihintay malaman. haha...
111,111,111 x 111,111,111= 12345678987654321
Galing nu? E anu kaya ang pwedeng i-multiply para ma-obtain ang sagot na, 14344?
Labels:
trivia
Saturday, June 25, 2011
9 na bagay na "WAG" mong sasabihin sa boyfriend mo
Girls, narito ang mga nakalap kong ideya tungkol sa mga bagay na totoong hindi maganda sa pandinig at maaaring wag nyo na lang banggitin o sabihin sa inyong boyfriend. Ito ay para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at maiwasan din ang pagtatalo lalo na kung ang boyfriend mo ay mas sensitive pa sa ngipin na nangangailangan ng isang drum na sensodyne.
1. "Di mo pa rin sya malimutan nu?"
-- Ang totoo nyan, wala talagang maganda sa pagiging paranoid at ayaw ng mga lalaki sa mga paranoid na girlfriend. Hindi dahil biglang isang araw ay nagising ka na lang na parang may bumubulong sa'yo na "mahal pa rin nya ex nya" ay bigla mo na lang ioopen ito sa bf mo. Laging tatandaan na magkaiba ang hinala sa tiyak o sigurado.
2. "Puro ka na lang gastos. Kung anu-anong gadget ang binibili mo."
-- Ang ayaw ng mga lalake ay yung parang kinokontrol sila tulad ng "dapat ganito...dapat ganyan". At ang pinakapangit na iopen-up sa kanya ay ang tungkol sa paggastos nya ng pera lalo na sa mga bagay na trip nya lalo na ang gadgets. Siguro naman ay alam mo na ang pagkakaiba ng girlfriend sa asawa.
3. "May napapansin ka bang kakaiba sakin?"
-- Kung hinihintay mo lang na purihin ng bf mo ang bagong pedicure mong kuko sa paa, hayaan mo na lang na sabihin nya at wag mo nang pasaringan para lang mapansin. Minsan kasi pag maliit na bagay lang at hindi naman talaga masyadong pansinin, nanghuhula lang si bf at baka madissapoint ka lang kung biglang sabihin nya "ah oo may kakaiba sa'yo ngayon, may bago kang pimple.". Kung mapapansin nya, magtatanong sya. "uy ganda ng haircut bhie, bagay na bagay. uy ganda ng kuko bhie, kelan ang libing?"
4. "Ang tali-talino talaga nung classmate kong yun..."
-- Sa totoo lang, mas gusto marinig ng boyfriend ang mga compliment tungkol sa kanya. Ang mga compliment para sa ibang lalake na sounds nagkukumpara sa kung anung kakayanan na meron sya ay nagbibigay lang kay bf ng insecurity. So, wag mo na sanang i-test ang damdamin ni bf dahil hindi naman magsasalita yan kung nasasaktan na sya kung hindi sya ganun katalino, hindi ganun kagaling kumanta o hindi ganun kagaling magbasketbol na katulad ng iba. Masasaktan sya pero kelangan bang saktan ang damdamin ng nagmamahal sayo para lang sabihin mo na mahal ka nga nya talaga?
5. "Ok na."
-- "Anung ok na? Yun lang ang masasabi mo?" Pag hindi nagkakaintindihan, may awayan, hindi magandang idea na manahimik na lamang at mag-agree na lang bigla. Oo, peaceful nga yun pero hindi yun gusto ng mga lalake. Ang gusto ng mga guys ay tapusin ang usapan o at least bigyang linaw ang problema ninyong dalawa sa paraang tingin nya ay the best. Kahit may konti man kayong pagtaas ng boses, ituloy nyo lang ang usapan. Huwag basta-basta na lang sabihing"ok na" para lang matahimik. Ano yun, sinasakyan mo na lang para lang walang gulo?
Labels:
9 bf hates
Location:Bulacan
Bulacan, Philippines
Friday, June 24, 2011
Isang Kwentong Jeepney
JEEPNEY LOVE RIDE
"Ang makilala ka ay perpektong aksidente..."
------------------------------------------
Dear Mr. Love,
Tawagin mo na lang ako sa pangalang Cathy. Isa akong call center agent. Napaka busy ng buhay ko at ang tulog ay isang bagay na masasabi kong pinakamahalaga para sa akin sa mga panahong ito. Sa sobrang kulang ko po sa tulog ay kung saan saan na lang ako naiidlip dahil sa sobrang antok. Antukin po kasi talaga ako. Hindi ko nga mainitindihan kung bakit pagiging call center agent pa ang napili kong trabaho. Pero siguro ganun talaga lalo na pag graduate ng nursing, andami-dami kasi naming ito ang piniling tapusin na kurso. Sa sobrang dami namin, parang mas marami pa kami kesa sa mga taong may sakit at nangangailangan ng aming serbisyo.
Anyway, kaya pala ako sumulat dahil gusto ko i-share ang isang di ko malilimutang karanasan sa isang lalake. Ito po ay nangyari sa jeep. Hindi po ito bastos at walang halong malisya. Isang umaga, habang nakasakay ako sa jeep, nanggaling po ako nun sa trabaho. Ok pa ko nung una habang nakangiti at binibilang ang mga MMDA na nadadaanan. Akala ko dahil hindi naman tupa at mga buwaya naman yung binibilang ko ay hindi ako makakatulog sa byahe. Ayaw ko na talaga ulet makatulog sa byahe dahil minsan na ko nadukutan. Mabuti po sana kung pwede mag self detonate ang mga gadget na madudukot satin para patas lang at madala ang mga masasabugang mga adik na mandurukot (wag po sanang mao-offend ang mga mandurukot na hindi adik). Balik po tayo sa kwento, in short nga po ay nakatulog ako. Dinig na dinig ko ang awit ng mga ibon sa aking panaginip at feeling ko daw ay ako yung babae sa commercial ng care free na tumatakbo-takbo pa habang nilalanghap ang sariwang hangin ng kalikasan. Hindi ko po alam nung una pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko at para lang akong nasa sarili kong kama. Maya maya ay biglang may lapastangan na sumigaw ng malakas na "PARA!!!". Biglang lumipad ang paruparo na nakadapo sa kamay ko sa aking panaginip at ako'y nagising. "Miss ok ka lang?" tinig yun ng isang lalaki na kaboses ni Dingdong Dantes. "Oo, ok lang ako" sagot ko naman. "Ah ok. Sige sandal ka lang sa akin. Mukhang antok na antok ka na kase talaga" sambit nya. "Huh???" dun ko lang napansin na nakasandal pala ako sa balikat nya at ang kumportableng feeling na naranasan ko sa nakalipas na 40 minutes ay utang ko sa kanya. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa lalake. Muntik na ko mapakanta ng Jolina sa nakita ko... "Kung ikaw ay isang panaginip, ayoko ng magising."
Labels:
jeepney love
Location:Bulacan
Bulacan, Philippines
Monday, June 6, 2011
How to get a girlfriend through NBA Games?
Siguro nagtataka ka sa title ng sinulat ko sa araw na to. Sobrang natutuwa ako sa NBA Finals 2011 at naisip ko na pwede itong gawan ng story...ng love story. Panu ko gagawin yun? Ginawa ko na at babasahin mo na lang. :-) Sana magustuhan mo.
Miami vs. Dallas: Heart vs. Heart
Nagsusulat ng lecture ng prof nila ang isang cute pero medyo geek na 3rd year college student na girl nang may mapansin siyang makulit na tanong ng tanong sa kanya. Nilingon nya at lalo siyang nairita nang makita nya na yun pala yung pinakamayabang nyang kaklase. Nonsense na naman ang guy sa mga oras na yun at nagpapapansin. Usap usapan na gusto raw sya ng guy na ito pero may pagkatorpe daw. Habit din daw ng guy na ito ang kulitin at kunin ang atensyon ng isang girl sa paraang nakakainis samantalang pwede naman nyang ayain na lang sa date ang girl at magtapat ng maayos. Yun nga lang sa kasamaang palad ay kilala si girl bilang isang consistent na pala-aral at never nakikipagdate kahit kanino. Isang araw, hindi na talaga kinaya ni girl ang kakulitan ng guy at sinigawan nya ito sa gitna ng klase. Nagalit ang prof nila at nirequest na lumabas muna sila at pag usapan kung anung problema nila at bumalik sa loob pag ok na sila. Lalong nagalit si girl dahil first time na nangyari yun sa kanya bilang isang deans lister. Kinausap nya ang mayabang na guy at tinanong kung anung dapat nyang gawin para tantanan lang sya nito. Sinabi ng guy na wala itong balak na tantanan sya dahil lalo itong naaatract sa kanya pag nagagalit sya at naiinis. Pero since naiintindihan ng guy na gusto ni girl ng deal para di na nya ito kulitin, nakipag deal si guy na kapag natalo ng Dallas ang Miami sa Best of 7, 2011 NBA Championship ay
Labels:
nba love
Location:Bulacan
Bulacan, Philippines
Tuesday, May 31, 2011
Prinsesa by 6Cyclemind (cover)
Our own version of that popular song Prinsesa originally by Teeth and revived by 6Cyclemind. This is actually unplanned and we never intend to upload this because of a very low quality video. But one of the friend happened to insist to get this video uploaded so since we're just humble amateurs...we ended up uploading it. I hope the sound quality took it all and just ignore the video please (On the other side, it is also an advantage that our faces we're barely exposed...let just say that we still have shame left on ourselves.. hahahahaha..) :-)
Labels:
prinsesa
Location:Bulacan
Bulacan, Philippines
Friday, May 20, 2011
Mga Dahilan Kung Bakit Walang Girlfriend
Ito ay sequel sa last entry ko na may title na "Ano ang mga Dahilan ng Hindi Pagkakaroon ng Boyfriend?". Kung mapapansin natin, parami nang parami ang mga kalalakihan ngayon na single at walang girlfriend. Karamihan sa kanila ay sobrang tagal nang walang tinetext na "i love you" at "ingat ka mahal ko" at wala ring nagsasabi sa kanila ng "i love you too. wag kang mambababae". In short, marami sa mga kabaro ko ang marami ng malalamig na paskong pinalipas at valentines day na pinalagpas na wala man lang bakas na nagka-girlfriend sila o nagka-lovelife man lang. Hayaan nyong subukan kong ibigay ang ilan sa mga dahilan sa hindi pagkakaroon ng girlfriend base sa sarili kong observation.
1. Busy- Para sa akin ay ito ang pinakamatinding dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng gf ang isang guy. Busy sa work or sa studies o sa kung anupaman na dahilan para ang time na sana ay para sa romance and love ay naietsapwera. Pag may ginagawa, nakafocus lang at naniniwalang ang girlfriend ay distraction lang at sagabal sa pag-asenso. Yung iba naman ay hindi nakakapapansin kahit ginagawa na ni ate lahat ng pagpapapansin. Panu mapapansin kung ang puso ni kuya ay nakalaan sa bagay na ginagawa nya at bawat minuto ay mahalaga para sa ibang bagay na gusto nya?
2. Standards- May standards na sinusunod at di lang basta standards kundi matataas na standards ng isang babae ang hinahanap nya. May ma-encounter man syang babae along the way, kung ang babaing ito ay hindi pasado sa panlasa nya, sabihin man nating attracted sya sa girl na yun, pipigilan at pipigilan nya damdamin nya masunod lang ang pamantayan nya. Masyado syang idealistic at masyadong maraming prinsipyong sinusunod. Ang ending kakanta na lang ng "I have two hands, the left and the right...".
May iba namang wierd ang standard na gusto at dahil minsan ay parang wala at hindi matatagpuan sa tunay na buhay ang hinahanap nya, nananatili lang sya sa pangarap at ang magkagirlfriend para sa kanya ay imposible.
3. Feelings- Maaring wala talagang feelings towards anyone. Hindi sya busy, wala namang standard na sinusunod pero hindi lang talaga in love. Masyadong honest sa feelings at ayaw din namang manloko at makasakit ng damdamin. Maaaring may mga nagkakandarapa sa kanya pero di nya lang pinapansin dahil pakiramdam nya, lolokohin lang din nya sarili nya kung kakagat sya.
Eto pa ang isa, wala ring feelings pero gusto lang mang gudtym. Dahil gusto sya ng isang girl, sasakyan nya tapos pag kumagat na yung girl, biglang ida-down. Ito yung mga uri ng guy na walang pakelam sa damdamin ng iba at maaaring walang idea at hindi takot sa karma. At the end of the day, wala silang girlfriend pero andami nilang pinaiyak.
4. Diskarte- Hindi marunong manligaw o dumiskarte o sa madaling salita walang diskarte. May feelings para sa isang babae at alam nya na mahal na niya. Ang problema, ni hindi alam kung panu ipagtatapat, ni hindi alam o di sigurado kung panu ipararating sa kanyang minamahal ang nilalaman ng puso nya (parang katulad nung guy sa story na to "The Lollipop"). Minsan may idea na sila kung anung gagawin, tinatakasan naman sila ng lakas ng loob. Minsan naman ay sadyang hunghang at parang ipinanganak kahapon at ni hindi alam ang mga basic na bagay tungkol sa kung paano rin sya mamahalin ng isang babae.
Meron namang malupit dumiskarte pero sablay. Siguro nga totoo yung malas at sadyang minamalas kaya ganun. O kaya naman ay sadyang di talaga siya gusto nung girl at kahit ibenta niya kaluluwa niya kay Satanas ay baka sila pa ni Satanas ang magkatuluyan, pero hindi magiging sila nung girl.
5. Personality- Mas matimbang ang attitude at character ng isang tao kesa sa looks at naniniwala ako na maraming girls pa rin ang attracted sa panloob at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang guy. Ang problema, may mga guys na sadyang hindi kaaya-aya ang personality at totoong T.O. o turn-off para sa girls. Di ko na kelangang isa-isahin kung ano yung mga personality na yun dahil alam na especially ng girls ang mga nakakapraning na attitude na dahilan para di nila magustuhan ang isang guy. Sa kabilang banda, meron namang character o personality na ok pero dahil sobrang ok nagiging cause yun para iwasan sila ng girl, nakakaintimidate kasi. Lets take for example, Pangulong Noynoy...
Unless, maaaccept sila ng girl na gusto nila, dun lang sila makakapagsettle ng proper lovelife. Pero mostly nangyayari ito sa telenobela at mga story sa Wish ko Lang ni Vicky Morales.
6. Gender Crisis- Malinaw at hindi na kelangan pang pahabain...nahahati ang puso ni kuya, si Juan ba o si Maria? haha..
7. Past- Maaaring may mapait na nakaraan sa pakikipagrelasyon at ayaw na muna or at worst ayaw nang makipagcommit. Maaaring labis syang nasaktan sa break up nila ng dati nyang girlfriend o baka iniwan sya ng dating girlfriend nya sa hindi katanggap tanggap na dahilan or maybe, ipinagpalit sya sa ibang lalaki at naging dahilan yun para matrauma sya at kadalasa'y mawalan na ng tiwala sa mga babae. Para sa mga girls na makakaencounter ng ganitong klase ng guy, huwag na kayo mag expect na liligawan niya kayo kahit halata niyo na gusto nya kayo. Siguro ang magandang gawin ay dinggin ang totoong kwento nya, unawain at irespeto siya at kung napansin nyo na may sugat pa sa puso nya...maaaring makatulong kayo para maghilom yun. Hindi nyo kelangan magpakipot sa taong ito dahil baka madissapoint lang kayo kung wala silang gawing moves (they are maybe tired or never get thrilled of romance). Hindi ka man nya ligawan, siguro may paraan pa din na maging kayo (kung gustong gusto mo lang naman or kung mahal mo na sya). Get along with him, be nice to him and dont forget to appreciate him and recognize the things that he do. Ang mga ganitong klase ng guy ay rare at no doubt na great lover. Huwag na huwag mo lang sisirain ang tiwala nya at igarantiya na hindi ka magiging katulad at hindi mo hahayaang mangyari sa relasyon ninyo (kung magiging kayo nga) ang kinahinatnan ng nakaraan nya.
8. Calling- May calling si kuya galing sa itaas. Sa seminaryo sya nababagay. Kakanta din sya ng "i have two hands, the left and the right..."
Ang babaeng tutukso sa kanya ay mapupunta sa impyerno. haha...
Ilan lamang ito sa mga naisip kong dahilan kung bakit may mga katulad kong guy na "single". Para sa mga girls, intindihin nyo po ng mas malalim ang isang guy kung bakit ganun siya. Bakit kakaiba sya? Anu nga ba ang tunay na kwento at ang totoo sa kanya? Tripper nga lang ba siya or may mas malalalim pang dahilan kung bakit ayaw nyang ilabas ang tunay na emosyon nya (or mag-invest ng emotions)? Respect din po sa feelings and be gentle naman kung mambabasted kayo, may damdamin din po kaming nasasaktan. Para naman sa mga kapwa ko lalaki, kung masaya tayo as being single sana enjoyin natin sa paraang di tayo mananakit ng mga damdamin. Kung decided naman tayong mag engage sa specific relationship, at least make sure na may feelings talaga tayo at iingatan natin ang babaing mamahalin.
Para po sa mga tanong, comments, suggestions sulat nyo lang po sa ibaba at sasagutin ko po yan. Pwede rin po kayong mag send ng email sakin sa valenciareyner@gmail.com. Salamat sa pagbabasa.
Labels:
noynoy aquino
Location:Bulacan
Bulacan, Philippines
Thursday, May 5, 2011
Katangian ng Babaeng Magpapaibig Sayo
You look prettier when you're mad- Secret Garden |
PAMATAY NA INTRO:
Sabi daw kung totoong mahal mo ang isang tao, walang dahilan o
hindi mo halos matukoy ang dahilan kung bakit mo sya mahal. Totoo kaya ito?
Kasi nung may girlfriend ako, tinanong nya ko, "Bakit ako napili mo?" sagot ko "Di ko alam, kelangan bang may
dahilan? True love kita e.At di kelangan ng dahilan para maialay ko sayo ang
tunay na pagmamahal". Alam mo kung anong sagot nya? "Bolero, wag mo ko aningin.
Hindi pa ko handang maniwala sa mga ganyang banat..." Naniwala ako sa ex ko na at least may
dahilan kung bakit ka in-love sa isang tao. Sabihin man nating wala sa itsura o
wala sa ugali o kung sadyang hindi natin matukoy kung ano, siguradong may
dahilan kung bakit mo sya gusto. Iniisip ko nga, siguro kung naging LOVE
scientist si Einstein, siguradong maraming marereveal na bagay sa mundong ito.
Hindi sa Physics, hindi sa Mathematics, hindi sa Chemistry kundi sa mismong
subject matter na tatawaging LOVE science. Imagine kung ang henyong si Einstein
ay makabuo ng mga mathematical equations and formulas na makakapagsolve sa mga
problemang puso at makakasagot sa mga katanungang puso ng mga tao. Isipin mo
kung ang henyong si Einstein ay LOVE bomb ang inimbento at hindi ang
atomic bomb na pinasabog sa Hiroshima at Berlin?
Scene 1: Paparating na Atomic Bomb
Mga Tao: Atomic bomb! Takbo kung ayaw nyong masabugan at mamatay!
Makaligatas man tayo, siguradong abnormal na ang magiging buhay natin!
Scene 2: Paparating na LOVE Bomb
Mga Tao: LOVE bomb! Lapit tayong lahat para masabugan tayo!
Siguradong maliligtas tayo sa kamangmangan at pagtataka kung bakit mahal natin
ang gf/bf/asawa natin! Magiging normal pa buhay natin, hahahaha!!!
Ok. So now let’s proceed to the main topic. Paano mo idedescribe ang babaeng magpapaibig sayo?". Basically,
ito ay tungkol sa mga lalaki at mga posibleng laman ng utak ng karamihan sa
kanila when it comes to love. Wag muna nating pag usapan ang tungkol sa
pagiging manloloko ng mga lalaki at magpokus muna tayo sa topic na to.
Karaniwang maririnig sa bibig ng isang lalaki kapag tinanong kung anong klase
ng babae ang hinahanap nya at maaari nyang ibigin:
-maganda (mala Sam Pinto)
-sexy (mala Cristine Reyes)
-maunawain
-mabait
-atbp.
Sa apat na nabanggit sa itaas, ang
pokus lang ay dun sa unang dalawa dahil 80% ng utak ng lalaki ay yan ang
laman, (maniwala ka sakin). Pero ano kaya ang maririnig mo sa bibig ng isang
lalaking kumbaga ay may kakaiba at maayos na description sa babaeng mamahalin.
Description na doon pa lang ay malalaman mo na totoong lover ang guy na yun at
daig mo pa ang nanalo sa game show pag naging boyfriend mo yun. May i suggest these
thoughts that your type of guy might have in mind when it comes to women:
1. Simple pero ROCK- Bukod sa pananamit, bukod sa kilos, bukod sa
manners meron pang isang tinutukoy ang salitang iyan para sa uri ng girl na
tinutukoy ko dito...thoughts or concept sa mga bagay-bagay, yan yun. Ang isang
babaeng maraming sinasabi sa mga bagay bagay na kadalasan ay nagpapagulo hindi
lamang sa utak ng nakakarinig nito kundi lalo na sa sarili nyang isip ay yung
mga tipo ng mga babaeng wala talagang tiyak na ideya towards a certain thing.
(Patapon? Grabe ka naman. Hindi naman sa ganun). Samantalang ang isang babaeng
minsan lang magpahayg ng nilalaman ng isip pero consistent, definite ang
sinasabi at may firmness sa kanyang mga thoughts sa buhay ay ang babaeng
"simple, pero ROCK". Ang pangalawang nabanggit ay ang siguradong
nagtataglay ng kakaibang sense of humor na maaaring humuli sa puso ni Kuya and
at worse ay maging dahilan ng obsession ni Kuya.
Dialogue ni Kuya: Hindi
kita gusto lalong di kita mahal. Di ka maganda, maikli ang binti mo at hindi ka
sexy! Pero please pagpahingahin mo ang utak ko kakaisip sayo! Ano bang meron
sa'yo...?!
2. May Kakaibang Abilidad- Anung abilidad ang tinutukoy ko dito?
Hindi abilidad sa pagpili ng magandang damit o make up brand. Hindi abilidad sa
pagsasalita para mag-appear na sosyal at class. Hindi abilidad sa pagmemorize
ng mga non sense na love quotes o love lines mula sa pelikula at forwarded
texts. E ano? Abilidad na magsolve ng mga problema sa buhay. Ito ay isang
abilidad na talagang hahangaan ng isang lalaki mula sa babae. Ang babaeng hindi
hinahanap ang solusyon sa problema mula sa pag iyak. Ang babaeng tinitiyak na
worth ang bawat butil ng luha na papatak mula sa kanyang mata at hindi basta
basta iiyak sa walang kabuluhang bagay. Sya ang girl na may kakaibang abilidad
na maging malakas at maging matatag mula sa mga challenges ng buhay at ang
babaeng 100% na mahirap paibigin pero 110% na siguradong daig pa ng guy ang nanalo
sa lotto after years na panliligaw at mapasagot nya ito.
Dialogue ni Ate: Maaaring
maikli nga ang binti ko at talampakan lang ako ni Rhian Ramos kung iisipin. Pero ang
mga binting ito ang tatayo at matitiis na nakatindig kahit anung hampas ng
pagsubok. Itong binting ito ang magpapatunay na kahit anung mangyari, kaya kong
tumayo sa sarili kong mga paa.
3. May Magandang Hinaharap- Kung kasing dumi ng Ilog Pasig ang
iniisip mo ay makakabuting ihinto mo na ang pagbabasa sa punto pa lang na ito.
Mali ang iniisip mo dahil ang tinutukoy ko dito ay ang assumption ng isang
lalaki sa kung ano at saan patungo ang isang babaeng sa madaling salita ay
“independent” na katulad ng nabanggit ko sa itaas. Ang isang babaeng may
pangarap at hindi inuubos ang oras sa mga walang kwentang bagay (tulad ng
trying hard na paggamit ng blue at green na contact lens) ay ang babaing
madalas na gumagawa ng drama scene sa harapan ng mga magulang ng lalaki habang
ipinaglalaban ng huli ang pag ibig nya sa girl. Ang babaeng tinuturing ang bawat
segundo na precious ay ang babaing
precious din sa mata ng lalaking humahanga. She often speak of the words that
makes sense when it comes to being productive in life and impresses even the
lost soul of the tambays.
Dialogue ni Kuya: Wag ka
masyadong magmalaki sa pagiging independent mo at wag ka mag-aktong kaya mo na
ang lahat. Hindi ako bilib sa’yo at lalong lalo na ayaw kong maging bahagi at
hinding hindi ko aasamin na maging katulong mo sa pag-abot ng mga mithiin mo sa
buhay. Pero ngayon pa lang ay iniisip ko, kung hindi magiging ako…sino? Kung
mahuhulog ka lang din sa tarantadong lalaki na hindi maaappreciate ang tunay na
kagandahang taglay mo…at least wag mo ko pagbawalan na magkaroon ng kahit
konting role sa buhay mo…ang protektahan ka sa kahit anung paraan. Ok?
4. May Puso at Pakialam sa
Iba- Hindi puro sarili lang ang iniisip. Kung sa palagay mo ay matigas at
matalim ang personalidad na pinakikita at hindi magiging nice sa
iba…nagkakamali ka. Sensitive din sya at kung kelangang maunawaan ang kapwa
gamit ang puso, madali mong makikita sa kanya ang tunay na kahulugan ng
malasakit. Ang lalaking hindi lang basta nagsasabi na ang hanap nyang babae ay
mabait ay ang lalaking malamang ay ang nagsasabing babaeng may puso at marunong
dumamay ang hanap nya. Uri ng babaing once na mapaibig mo ay siguradong hindi
ka bibitiwan, magiging tapat sayo at kung sakaling “you and me against the
world” ang drama nyo, sure na magtutulungan kayo para maovercome lahat ng trials sa relasyon
nyo.
Marami sa kababaihan ngayon
ang peke at hindi sapat na basehan na 95% ang nakuha nilang grade sa CE/GMRC
nung nasa gradeschool sila para sabihing may karakter sila na tulad ng
tinutukoy ko dito. Ang medyo masakit pa nito, kung sino yung mga peke ay sila
ang nagkalat at yung mga totoo ay parang endangered specie na mahirap
matagpuan. Ang tunay na may pusong kayang magmahal sa maraming paraan pero sa
konting dahilan ay taglay ng mga babaing tinutukoy ko dito. Sabi nga sa
Economics: “When there is a small supply, there is a large demand.”. At dahil
kokonti lang sila (marami sana kung isasama sa bilang ang mga puno ng saging na
totoong may puso) marami ang maghahangad ng kanilang matamis na “oo”.
Dialogue ni Ate: Ayos ka din
e nu? Kung habang sinasabi mo yan ay inaabot mo na sakin ang resume mo, e di
sana kukunin na agad kitang bodyguard. Bakit ka hihingi ng maliit lang na role
kung kaya mo namang makuha ang main role sa buhay ko?! Kanina ka pa
nagsasalita dyan at hindi bobo ang puso ko para di maintindihan ang gustong
sabihin ng puso mo! Ok?!
5. Ngiting Pamatay, Tinging Nakakatunaw- Sa pisikal na karakter ng
isang babae na minsan ay hindi alam o unconscious ang isang lalaki kung ano ba
talaga ang dahilan kung bakit sya attracted sa isang babae, ito ang maaring
dahilan kung bakit nya nagustuhan si ate, “Ngiting Pamatay at Tinging
Nakakatunaw”. Pero maniwala ka o hindi at dahil puso ang nakakaalam at hindi
ang isip pagdating sa pag-ibig, regardless na kumpleto o hindi ang ngipin ni
ate, regardless na half the globe ang distansya ng ganda ng labi ni Angelina
Jolie sa labi ni ate, still…sya pa rin ang may pinaka magandang ngiti sa
paningin ni kuya. Ngiting halos sumira sa ulo ng dorm mate mo sa pagtataka kung
bakit magdamag ding nakaguhit ang ngiti sa mukha mo. Yan ang ngiti na sa ibat-ibang
level at uri ay humuhuli sa puso ng mga kalahi ko. Samantalang habang conscious ka ate na ngiti
mo nga ang isa sa kahinaan ni kuya, ay wag ka masyado mag expect na ganun nga
talaga yun dahil maniwala ka o hindi, ang ngiting pagkatamis tamis pero halos
kasing dalas lang ng lunar eclipse kung lumabas ang ngiting pamatay na
kinaiinlaban ni kuya. Agree ka ba? Kaya yung totoong ngiti lang please, wag
yung O.A. :-)
Tinging nakakatunaw, haisst…hindi katulad ng ngiti na kahit
iba-iba basta ngiti ay nakakaattract.
Dahil sa totoo lang, may tingin ng babae na nakakaasar at nakakasira ng
araw. Ang dahilan kung bakit hindi lahat ng tingin ay nakakatuwa ay dahil ang
mata ang sinasabing window of the soul at nakakapagtaka man pero sa pamamagitan
lang ng pagtingin sayo ay parang may idea ka na sa saloobin ng isang tao. Ate,
kung negative ang saloobin mo, magrereflect yun at mababasa yun sa iyong mga
mata. Pero kung gusto mong maging attractive ang iyong mata at di na kelangang
magsuot pa ng contact lens (bakit ba ako galit sa contact lens?) subukan mong
gawing positive ang outlook mo sa buhay and I guarantee you kahit sadyang
suplada ang nature ng pagtingin mo, sexy pa rin ang magiging dating nyan sa
isang tulad ko at yan ang tatawagin kong tunay na ngiting nakakatunaw.
Dialogue ni Ate at Kuya
Ate: O bakit bigla ka
natahimik?.... Teka, sino tinatawagan mo?
Kuya: Tinatawagan ko manager
ko.
Ate: Manager? Anung manager?
Para saan?
Kuya: Talent manager.
Kelangan ko tulong nya para siguradong mapupunta sakin ang main role…ang main
role sa buhay mo…mahirap na baka mapasakamay pa ng iba yan at hindi ako makakapapayag
mangyari yun.
Ate: Tingin mo matutulungan
ka ng manager mo makapasa sa audition?
Kuya: Haisst…! Ano ka ba?
Pahihirapan mo pa ba ako? Hindi mo ba alam kung gaano na ako nahihirapan sa
kalagayan ko? Kung alam ko lang ang lengguwahe na sinasabi ng puso ko, matagal
ko na sanang ipinaliwanag sayo kung gaano kita kamahal!
Ate: Sino ba nagsabing
pahihirapan pa kita? You suffered enough! Hindi ako tanga para di ko mapansin
yun! Pero at least i-try mo mag audition for formality! Matagal na sanang
blockbuster ang love story natin kung hindi dahil sa katorpehan mo nu!
Kuya: Sorry naman! O sige
na! May hagdan ba kayo? Aakyat ako ng ligaw…
Thursday, April 14, 2011
Malambing (Pag Lasing)
♪ ♫ Pag lasing..dun ka lang malambing...♫ ♪
Si Miss N ay age 18 that time and i was 21 then. That was 2008 and lahat ng bagay sa paligid ko nun ay napakasaya at makulay. Typical college life, happy go lucky, tamang tambay at inom pag walang klase (kahit may klase pa, ganun pa rin). Mostly sa mga inuman like house party of some sort, magkasama kami ni Miss N. Si Miss N ay hindi malambing o sweet na girlfriend at di katulad ng marami (pero at least totooo si Miss N at labas ang ugali). Palagi kaming nag-aaway nun. Palagi syang nagseselos at kahit yung nagtitinda ng yosi sa tapat ng gate ng campus ay napagselosan na nya. Bossy type sya at kung anung gusto nya ay yun ang dapat mangyari. Despite na ganun ang character nya, sya pa rin ang mahal ko nun at para bang wala ng ibang makakapantay pa sa kanya dito sa puso ko. Anyway, kahit naman ganun ugali nya, once na nakainom sya, napakalambing nya. :-)
At first inenjoy ko yung ganung side nya. Mag iinuman kami, pag may tama na, yayakap na sya sakin bubulungan ako ng mga sweet na linya. Ako naman mejo makikiliti at ikikiss sya sa noo, tapos magtatawanan kami ng mahina then tagay na ulet and more amats more lambing ang tema. Pag medyo di na kaya, stop na. hatid na sa haybol nila then tapos na ang masasayang sandali, humanda ako sa school dahil yari na naman ako kay sassy girl. Later on sa ganung routine, parang di na ok. Medyo napapadalas ang inuman nun, like every other day inuman. Tumitindi yung tolerance namin sa alak and nagiging used na sya sa amats at yung hinihintay kung lambing ay unti unting nadedelay. Tuloy napaisip ako kung ganito na ang ngyayari, i think kelangan na naming ihinto itong ganitong habit dahil personally kaya ko lang sinasakyan yun ganung gimik ay para masatisfy yung pansarili kong interes. I decided na medyo itigil muna ang nakagawian and try to put some test to her. That time kasi i already get question to my mind kung mahal ba nya ako kasi kung mahal nya ko di nya na kelangang magka-amats para maiexpress yun sakin sa way na gusto ko. And also, gusto kong baguhin na ang trend ng relasyon namin at try to experiment in a good way kung panu nga mas magiging enjoyable ang relasyon namin.
I decided to start to break the habit with myself and tried to avoid the inuman session. With a handful of our common friends, nakipag iinuman sya without me. I started to make excuses to her na di ako pwede at kesyo may sakit ako or may pupuntahan instead na maging strict sa kanya and warn her na wag uminom dahil magagalit ako kung susuwayin nya ko. Unfortunately, after just a quiet sometime a heartbreaking news came to me ad that was about her. My best friend confessed to me that he was actually seduced by my gf. That happened during their inuman session na wala ako. Nagpasalamat ako sa kaibigan ko dahil sa katapatan nya. Then i confront her about that issue. Dineny nya yun at siya pa nagalit sakin ng husto. So dahil under ako (yes, inaamin ko na ganun madalas ang tema when im in a relationship) binalewala ko lang at sinabi ko sa kanya na wag na lang gawin yun dahil may gf din yung bestfriend ko. No reaction lang sya.
Then a time came that we have to celebrate something and we have to do the inuman again. Nag observe lang ako that time. Like as usual, nilalambing na nya ako pero di ko na yun feel. Kasi naliwangagan na ko at inisip ko na hindi kailangang dumating sa ganito ang lahat at nagpromise pa nga ako nun na yun na ang huli talaga at di na ko magpapaunder at sa ayaw at sa gusto nya, iiwan na nya ang habit na yun or else magkakagulo kami ng husto. So later on nung medyo marami ng nainom, iba na trip nya, trip na nya yung bestfriend ko at sa mismong harap ko ipinakita nya kung panu nya i-flirt ang kaibigan ko. Di lang ako kumikibo habang nakatitig. Yung kaibigan ko naman pilit na umiwas hanggang sa nakulitan na sa gf ko at tumakas na sa inuman para maiwasan lang ang gulo. I was so down that time. Naluha nga ako nun sa sobrang katangahan ko. Naisip ko yung mga gabing di nya ako kasama sa gimik at nasanay sya na may nilalambing at kanino nya kaya ibinuhos ang mga lambing na yun na dapat ay para sakin?
Nun ko narealize yung pagkakamali ko. Dapat pala di ko sya tinolerate. Dapat pala di ko na sya pinayagan at the very beggining na maging habit yung pag-inom at kung lambing lang din from her, dapat pala tinanggap ko na lang ng buong-buo yung natural na pagkatao nya at dahil mahal ko naman sya, di na dapat ako nag-expect sa kanya ng bagay na wala sa kanya. At dapat ay hindi ako naging makasarili na porket nagbebenefit ako sa pagiging tipsy nya at nasisiyahan ako sa biglang transformation nya everytime na makakainom ay papayagan ko na lang na maging ganun na lang palagi. Hindi pala sign ng isang mabuti at concern na boyfriend ang pagtolerate sa maling habit ng girlfriend nya bagkus isa yung sign ng pananamantala sa pagkakataon.
Nagsimula sa pagpayag na mag inuman to gain her sweetness and pagiging malambing hanggang sa nalulong kami pareho sa bisyo at much worst sa side nya dahil di rin nagtagal at nagbreak kami and she get involed to more extreme trippings with some guys. Parang sinundot yung konsensya ko at sinabi ko sa sarili ko, bakit ako naging mahina? Bakit hinayaan ko na maging isa ako sa dahilan para makarating sya sa makulimlim na parteng iyon ng buhay nya? Alam kong may magagawa ako pero huli na at ganap na syang lulong. Tinangka ko makipagbalikan pero ayaw na nya at ineenjoy na nya ang paglalambing sa ibang guy tuwing magkaka-amats.
Alam kong isa yun sa pinaka madilim na parte ng buhay ko particularly ng college life ko. Shineshare ko to para malaman especially ng mga kabataan kung ano ang maaaring kahinatnan ng isang bagay na samantalang sa una pa lang aware ka na sa consequences ay yun pa rin ang napili mong gawin at nagawa mo pang abusuhin. At gusto ko ring malaman ng mga young minds na kahit kelan, ang ALAK, ay traydor. Ang ALAK din ay bisyong totoong masarap at pang solve ng problema (sa maikling sandali) pero kapag alak na ang nagiging dahilan ng mga problema mo sa buhay, daanin mo man sa paglalasing ang paglimot, niloloko mo na lang ang sarili mo.
Masarap magmahal at mahalin. Hindi masaya ang masaktan at kahit kailan hindi naging masaya ang manakit. Huwag tayong magtatanim ng galit o punan ng paghihiganti ang puso natin dahil hindi ito ang makakapagpaligaya satin. Nabigo at nasaktan man tayo sa nakaraan, wag mag-alala dahil ang buhay ay umuusad at ang chances para magtagumpay at maging maligaya ulet ay napakarami, kung susubukan lang nating bumangon ulet at sumabay sa panahon.
Tuesday, March 29, 2011
Kamalasan
Isang lalake ang naaksidente habang naglalakad sa kalye. Kung bakit ba naman sa lawak lawak ng kalsada ay sa kanya pa bumangga yung kotseng yun na isang kalawang na lang ang di pa pumapayag para tuluyan na itong maibenta sa junk shop. Pag minamalas nga naman, mula sa pagkabali ng halos lahat ng buto nya sa katawan ay mabuti na lang at nawalan lang sya ng malay.
Nagising sya sa ospital pagkatapos ng dalawang araw na walang malay. Muntik pa syang atakehin sa puso ng bumulaga sa kanya ang mukha ng girlfriend nya. Biglang nagflashback sa utak nya ang mga pinag daanan nila ng girlfriend nya mula pa noong college hanggang sa tagpong iyon.
"Naalala mo pa nung college tayo? Ang tindi ng struggle ko nun sa studies. Sampung beses narevamp ang thesis ko pero di mo ko iniwan at kahit benteng ulit ko pang ginawa ang thesis ko para makahabol sa graduation, anjan ka lang sa tabi ko at sumusuporta."
"Kasi mahal kita hon..."
"Tapos nakagraduate ako nun at nagdecide mag apply ng trabaho. Hehehe... Natanggap ako at napromote agad pero dahil lang sa maliit na dahilan, tinanggal din ako agad. Di mo ko iniwan nun at nanatili ka lang sa tabi ko."
"Kasi mahal kita hon..."
"Ilang beses din akonhg natanggap at natanggal sa trabaho bago ako nakahanap ng stable na job. Hindi ako napromote kahit halos dugo na ang lumalabas na pawis sa balat ko at nanatili lang sa posisyon na binigay sakin ng kumpanya simula pa nung nahire ako 5 years ago at alam mo ba...?"
"Ano yun Hon?"
"...Di ka pa rin nun umalis sa tabi ko. Andyan ka pa rin talaga..."
"Kasi mahal kita honey ko...huhuhu...alam mo yan..."
"At ngayon! At ngayon! Heto ako at halos buto na lang sa hinliliit ko ang nananatiling buo at hindi mo pa rin ako iniiwan!!!"
"Kasi mahal kita hon! mahal na mahal kita! O diyos ko! huhuhuhu...!"
"Kelan mo ba ko iiwan?"
[TOINKS]
"Bakit hon? Hindi ko yata gusto tabas ng dila mo. Kanina inisa-isa mo pa yung hindi ko pag iwan sayo tapos ngayon gusto mong iwanan na kita? Weird!"
"KASI IKAW ANG MALAS SA BUHAY KO! MAKAHALATA KA NAMAN!!! LUMAYO KA NA PLS!"
"Ah ganun? Ganun na lang? O sige akin na to! Souvenir!!!."
"*%$##* mo! #@**&$ ka talaga!! Ahhhhhhhh!!!!!!!!! Ibalik mo yang ribs ko! ahhhhh!!!!!!!"
-the end-
Gabay sa pag aaral |
- Kelangan bang isisi sa girlfriend ang mga kabiguan sa buhay?
- Matatawag bang malas ang gumradweyt sa college after makasurvive sa 20 revamps sa thesis?
- Ang hindi ba pag-alis ng girlfriend mo sa tabi mo tuwing panahon ng pagsubok ay tanda ng pagmamahal nya sayo o sadyang adik lang talaga ang gf mo sa panunuod ng mga mga telenobela?
- Bakit hindi na dapat hinahayaan pang tumakbo sa kalye ang kotseng kalawangin? Panu mo naisip na walang sense ang tanong na ito?
- Bakit may mga sipsip na empleyado at napopromote? Bakit din may mga empleyadong patas pero ni hindi man lang makatikim ng increase sa sahod?
- Ilan lahat ang buto sa katawan ng tao?
- Aling bahagi ng male anatomy ang inaakala ng karamihan na merong buto?
- Bakit hindi dapat ugaliin ng mga bata na manuod ng "happy tree friends" sa you tube?
Talasalitaan:
- mahal kita~ pangkaraniwang salita na madalas sabihin pero di talaga alam ang totoong kahulugan
- pag-ibig~ madalas mababasa sa pocketbook, binabanggit din sa mga korea novelas, bihirang banggitin sa totoong buhay, napapagkamalang totoong nararamdaman
- hindi nang-iwan~ nagkataon lang, walang choice, taken for granted, pinanganak na plastik, may secret agenda, naglalako
- hindi iniwan~ minalas, mapaniwalain, umaasa, suki
- boyfriend~ lalaki, karamihan ay adik sa dota, karamihan ay walang pera, maporma lang talaga, madalas siyang nang iiwan pero laging may dahilan dahil hindi pwedeng wala, nakakabuntis
- girlfriend~ babae, hindi adik sa facebook pero adik sa pagpost ng pics sa facebook, hanap ay may pera, kikay, madalas siyang iniiwan kaya gumaganti, nagpapabuntis
- kamalasan~ nangyayari sa lahat ng tao, naiiwasan kung gugustuhin pero madalas ay hindi rin dahil palaging nakabuntot sayo
Labels:
minamalas
Wednesday, March 23, 2011
Hurricane Strip: Touching Docu
When a prim and proper 21 year old law student suddenly loses everything in Hurricane Katrina, she turns to the last job she ever pictured herself doing, dancing nude on New Orleans legendary Bourbon Street.
I see the same story with lots of people who got very desperate from a certain catastrophe at sabi nga sa salitang Pinoy, "kapit sa patalim". Kayo na ang humusga.
Thursday, March 17, 2011
Paano Humingi ng Tawad sa Boyfriend?
"Gomenasai" ay salitang Hapon na ibig sabihin ay "sorry" o "patawarin mo ako". Karaniwan na sa mga relasyon ang tampuhan, hinanakitan at samaan ng loob. Sa magpartner, masasabi ko na mas doble ang impact ng mga nabanggit sa part ng guy o ng lalaki. Ito ay dahil mas grabe magalit ang lalaki kesa sa babae at kapag hindi nagawan ng paraan para mawala ang galit o sama ng loob nya ay maaaring maging dahilan ito ng magulong relasyon or at worst, hiwalayan. Although dapat i-consider ng girl yung gravity o yung kung gaano kabigat yung nagawa nyang kasalanan, ang bottomline pa rin ay ang pag-hingi ng tawad at kung paano ito gawin sa epektibong paraan. Lets take it in a general sense, ang paghingi ng tawad sa boyfriend para na rin sa pagkakaayos ng kung anumang gusot na dala ng nagawang kasalanan ni girlfriend:
ALAMIN sa sarili ang nagawang kasalanan- Importanteng alamin kung ano ang nagawang kasalanan. Kung hindi na kailangang itanong sa boyfriend kung ano nga ba yun at least mag effort na pag isipan kung anong nagawang kasalanan. Mas ok kung sakto mong masasabi sa kanya ang nagawa mong kasalanan dahil minsan ay "bad trip" para sa guy na parang nagtatanga-tangahan ang girlfriend nya at di alam o sadyang manhid lang talaga at di marunong makiramdam kung me nagawa na syang mali o wala. Itanong sa sarili bago matulog "Bakit sya nagalit? Ano ang nagawa kong pagkakamali? etc. Initiative kumbaga.
TANGGAPIN ang nagawang kasalanan- Pagkatapos isipin kung ano ang nagawang kasalanan, tanggapin muna ito sa sarili (syempre kelangan marealize mo muna ito with yourself dahil fake ang sorry na masabi lang na nagsorry). Pag natanggap mo na sa sarili mo na ikaw nga ang mali at yun ang naging pagkakamali mo, be ready for the next step, ihanda ang sarili sa actual na paghingi ng tawad.
I-consider ang TAMANG TIYEMPO- Hindi mo naman siguro gustong istorbohin ang boyfriend mo habang seryosong nagbabasa ng notes nya para sa paghahanda sa final exams o kaya ay kausapin habang nagmamadaling pumasok sa trabaho. Tamang tyempo, tulad ng paghihintay sa labas ng campus nya kung umuulan at wala syang payong o pagdalaw sa bahay nila pag weekend habang meron kang dalang mainit na sinigang na baboy na paborito ng boyfriend mo or any food na trip nya. Totoo talaga kasi ang kasabihan na the way to a man's heart is through his stomach.
Daanin sa SULAT- Isa rin itong way para maiparating sa kanya ang paghingi mo ng tawad. Basta wag kalimutang banggitin sa sulat ang nagawa mong kasalanan at ang pag-sosorry. Ilagay din sa sulat ang willingness mo na magkausap kayo after nya basahin ang sulat. Hindi text, hindi fb message, hindi fb wall post, hindi fb chat, SULAT as in sulat kamay mo. Sa panahon ngayon, na available na ang teknolohiya para maiparating ang mensahe, try something different para magkaroon ng impact sa bf mo and by letter, siguradong maaapreciate nya ang effort mo ng paghingi ng tawad sa kanya.
Maging SINCERE sa paghingi ng tawad- Hindi sapat na humihingi ka ng tawad, dapat ay paghingi ng tawad na may sincerity, honesty at talagang buong puso at totoong-totoo ang paghingi mo ng sorry. Magagawa mo to kung walang halong pagja-justify ang salita mo at iwasan ang mga statement na tulad ng, "Kaya ko nagawa yun dahil...", "Ano ba ang masama dun kung..." etc.
Hindi manhid ang guy at mararamdaman niya ang honesty sa bawat salitang sinasabi mo at please lang, hindi mo kelangang magdrama at daanin sa pag-iyak ng todo...tsk..
EYE CONTACT- Siyempre tanda ng pagiging sincere o tapat ay ang pagtingin ng diretso sa mata. Hindi iiling-iling at kung saan-saan ibinabaling ang paningin. Hindi nakatungo ang ulo at higit sa lahat ay hindi nakatalikod. Nakaharap sa kanya at nakatingin sa kanyang mga mata habang malinaw na sinasabi ang gustong sabihin.
SMILE- Hindi naman kelangang heavy drama ang maging eksena. Kalma lang. Sa katunayan, ang minsang pag-ngiti habang kinakausap sya at pagpapakita na maaliwalas ang iyong mukha ay pagpapakita na positive thinking ka at sya rin ay magiging ganun din at mapapatawad ka nya. Iwasan lang tumawa dahil baka bigla ka matadyakan ng boyfriend mo. Yung saktong ngiti lang. :-)
MAS MAIKSI, mas ok- Wala ng paligoy-ligoy, direct to the point, sabihin ang nagawang kasalanan, ipadama na tanggap mo na nagkamali ka and then say the word "sorry","pasensya ka na" o "patawarin mo ako". Huwag magbigay ng kung anu-anung dahilan na para bang binibigyan mo ng hustisya ang nagawa mong pagkakamali na para bang dapat ay excuse ka dahil nagawa mo yun. Iwasan ang salitang "babae ako at ganito ako", stereotyping ang tawag dyan at masyadong diktador sa pandinig at ego ng lalaki. Huwag ungkatin ang nagawang pagkakamali ni guy in the past na kesyo nambabae sya o anupaman para lang maihambing nagawang kasalanan at masabing quits o patas na. Magfocus lang sa bagay na inihihingi ng tawad. Malilito lang kasi ang guy at maaring lalo lang kayong magtalo at baka isipin nya na lalo kang nagmamataas imbes na magpakumbaba. Sabihin mo lang na nagsisisi ka dahil nagawa mo yun at tao ka lang din na nagkakamali minsan. Tandaan, ang pag-uusap na may patutunguhan ay hindi kailangang tumagal ng apat na oras o hanggang kalahating araw...away na ang tawag dun.
MANGAKOng hindi na gagawin ulet- Oo, hindi masamang mangako. Ayaw ng lalaki ng linyang tulad nito: "Ayokong mag-promise o mangako. Promises are meant to be broken kaya gagawin ko na lang ang pagbabago". Mali ito. Bakit? Dahil ang dating nun sa guy ay pagiging "playing safe". Para ano? Para maging ok lang kahit ulitin ni girl ang parehong pagkakamali? Kesyo sinubukan nya baguhin at iwasan ang dating pagkakamali pero sadyang di nya naiwasan? Then what? Pag nagalit na naman si guy sasabihin ni girl na wala naman syang iprinamis. Ang gusto ni guy ay magkaroon ng sense of commitment sa bagay na pinagsisisihan. Yung konkreto, may assurance at reliable na statement. The best kung maririnig ni bf mula kay gf ang linyang "I swear or I promise na hindi ko na gagawin ulet" dahil sa line na ito, sure na may direksyon ang gagawing pagbabago. Para din naman ito sa ikakabuti ng relasyon nilang dalawa at kung mahal talaga ni girl ang bf nya, igi-give up nya ang pride na yan na walang magagawa sa relasyon kundi ang sirain ito. Pipiliin ni girl na magpakumbaba.
Meron ding keyword na dapat laging alalahanin para maachieve ang part na ito "maturity". Maging matured mag isip at kung sa tingin mo ay hindi ka pa fully grown up, grow up! Mahalaga ang maturity ng isang tao sa anumang uri ng commitment.
Humingi ng SECOND CHANCE- Kung malala ang nagawang kasalanan at sa tingin mo pati ang pagsisisi mo ay hindi nya tinanggap o matabang ang ginawang pagtanggap, humingi ka ng second chance. Sa ganitong paraan, mas secured na magkakaroon kayo ng absolute reconciliation o tuluyang pagbabati. Isa rin itong tanda ng pagpapakumbaba at pagiging submissive kay guy sa partikular na bahaging ito ng pakikipagrelasyon. Though not in the sense na total act of being submissive at all times pero being submissive sometimes is really necessary.
HUWAG NAGMAMADALI- May mga girls na kapag nagawa na nila yung mga bagay o steps na nabanggit ko sa itaas at wa-epek pa rin kay guy, nagagalit sila at para bang gustong sabihin na dapat once na nagawa na nya yun ay dapat patawarin na agad sya. Hindi ganun. Lalo na kung medyo malaki ang sugat na nagawa mo sa puso ng boyfriend mo at nangangailangan ng time para pagalingin. Be patient, hold on. Be patient dahil hindi automatic ang pagpapatawad lalo na kung traumatic ang naging epekto ng pagkakamaling nagawa mo. Hold on at wag ka mag-jump sa conclusion na tapos na sa inyo ang lahat, stay with him in any way and if the things are not anymore the same between you dahil sa nangyari, at least keep the communication. Babalik din sa normal ang lahat,believe and have faith.
Maging SWEET at subukan siyang pangitiin- Siyempre, kelangan may follow up yan once na ok na kayo. Siguro kung afford mo, yayain mo sya lumabas (syempre ikaw ang taya) at panuorin nyo ang sineng trip ng boyfriend mo. O kung medyo busy sya, ipagluto mo sya ng paborito nyang pagkain (kung marunong ka magluto) at kumain kayo ng sabay. Do some artwork o self-made present para sa kanya at tiyakin na ikaw talaga ang gumawa nun at talagang nag-effort ka, maaapreciate nya yun. Basta alam mo na kung panu maging sweet at kung ano ang sweet na bagay para sa boyfriend mo na magpapangiti at magpapasaya sa kanya. Paraan din ito para masaisantabi ang naging hidwaan ninyo and maybe slowly but surely, tuluyang nang malimutan ang naging problema.
Just always remember how it happened, how it affected your relationship and most importantly, how would you prevent this things from happening again.
Ang mga paghingi ng tawad buhat sa uri ng approach tulad ng nabanggit ko ay mahalagang isaalang-alang. Dahil ang purpose ay para tuluyang mawala ang galit o sama ng loob mula sa puso ng taong naagrabyado para hindi na tumubo at manganak pa ulet ng isa pang gulo. Kung basta hihingi lang ng tawad katulad ng kung pano ka magsorry sa teacher mo nung grade 6 ka tuwing hindi ka nakakapagpasa ng assignment, kaplastikan yun! (aminin mo at hindi, natatawa ka pag naaalala mo kung ano ang mga alibi mo sa teacher mo tuwing hindi ka nakagawa ng assignment.)
Sabi nga ay "An apology is the superglue of life. It can repair just about anything." at para maging intact at matatag ang relasyon, kelangang maging responsable ang bawat isa sa paghingi ng tawad sa partner na naagrabyado at nagawan ng kasalanan. Otherwise, para saan pa at nagmamahal tayo?
Labels:
sorry
Thursday, March 10, 2011
Buhay Facebook
"May pila. Matuto kayong maghintay." |
Narito ang daily status ng isang kaibigan nating Facebook addict na tawagin na lang nating si Brandong Sawi:
Monday:
"Wow, shes so beautiful. Im glad nakilala ko sya. Now i have reason to get online everyday."
Tuesday:
"Yes, binigay na nya number nya. Amazing. Ngayon text-text na kami. Ang ganda nya talaga.;"
Wednesday:
"Mukang nadedevelop na ko sa kanya. Ang lambing nya tapos thoughtful pa. tsk... Iba na to..gusto ko na sya. Pepwede ba tong nararamdaman ko?"
Thursday:
"Gusto rin daw nya ako. &*(^&*(!! I cant believe it. Gusto ko na makipagkita sa kanya. I cant wait na mayakap at mahagkan sya."
Friday:
"Bat ganun, di sya nag online? Di rin sya nagrereply sa texts. Nu nangyari? Akala ko ba gusto nya ako. Should i expect anything from her? God, i really like her."
Saturday:
"Huh? Bakit ang cold na nya? Di na sya katulad nung last kami na nagchat na masaya at kulang na lang lumabas kami sa monitor at magyakapan. Tsk.. Sinasakyan lang ba nya ako?"
Sunday:
"Bakit kelangan nya akong paasahin? Gamitan na lang ba talaga sa panahon ngayon? Anung kinalaman ko sa break up nila ng bf nya? Mukha ba akong pain reliever? Unfair!! Unfair!!!"
For one week ay naipon nya ang mga status na to and after that week ay di ko na sya nakitang nagpost ng status. Tsk... Ganyan talaga. Ang facebook kasi ay isa na ngayong kasangkapan para wasakin ang puso ng isang tao. Ang nangyari kay Brandong Sawi ay bagay na nangyayari din sa karamihan mapalalaki man o mapababae. Ang moral lesson lang dito ay, wag tayo masyadong "asa". Hindi dahil ok kayo online, ay magiging ok na rin kayo in real life. Nagkalat ang mga mapaglaro sa cyberworld. Mga mapaglaro na akala mo ay mga totoo, pero yun pala ay fake. Kaya ang payo ko sa mga kapatid natin, huwag agad-agad magtiwala. Ang mga salitang ubod ng tatamis ay tulad ng kendi at matatamis na pagkain na ipinagbawal sayo ng nanay mo nung 5 years old ka pa lang sapagkat nakakasira daw ng ngipin. Di mo pinakinggan ang nanay mo noon kaya ngayong malaki ka na ay nagsisi ka, hindi dahil nabulok at naubos ang ngipin mo, kundi dahil lagi kang sinisingil ng doble sa tricycle tuwing sasakay ka. Katulad din nung pinayuhan ka ng katabi mo sa net shop na madalas mong nirerentahan. Ang sabi nya sayo "Pare, kung ako sayo maglaro ka na lang ng cafe world kesa pag-aksayahan ng oras yang babaeng yan. Pustahan tayo tokshet lang yan."
Isa pa sa mga moral lesson sa insidenteng tulad nito ay "huwag masyadong adik sa facebook." Kung employee ka, work muna bago facebook. Kung estudyante ka, magreview muna bago makipaglandian sa mga miyembro ng fb group mo. Kung ikaw ay nanay na may maliit na baby, pasusuhin mo muna yang anak mo (i recommend breastfeeding) bago ka makipagtsikahan sa kabatch mo nung high school na may bago na namang foreigner na asawa. Kung nasa abroad ka, ok lang makipaglampungan sa chat with your ex nung high school , basta siguraduhin mo na di alam ng asawa mo ang password ng fb mo. Kung katulong ka o maid, siguraduhing nahugasan na muna ang dapat hugasan bago mag-fb dahil baka magalit si Sir. Kung barangay tanod ka, siguraduhing at peace ang barangay bago i-view ang mga photos nyo ni kapitana. Kung grade 1 ka pa lang, mas mabuting mag aral ka muna mag sulat gamit ang kamay kesa magsulat sa fb chat at pagkatapos ay kukulitin mo ang ate mo kung nasan ang exclamation point sa keyboard pag nagagalit ka na sa kachat mo na kinder pa lang pero alam na gawin ang emoticon ni Chris Putnam (o ikaw alam mo ba yan? haha..). Kung ikaw ay si bantay at binilin sayo ng amo mo na bantayan ang bahay, gawin mo na lang ang tungkulin mo kesa iinsist na maglaro ng pet society (ambisyosong aso) o pwede ka rin namang maging kapitbahay ka lang pero mala-aso sa tapang ng hiya kung makigamit ng internet...nanghihingi pa ng juice sa may ari ng bahay habang pinanunuod ang fb wall post na video ni Marcelito Moy. Kung kagagaling mo lang sa break-up, baguhin muna ang fb status at burahin ang mga pictures ng ex sa album bago mag-hunting ng ipapalit sa ex-bf na basketball varsity o campus crush. Kung abusayaf ka, kahit mag fb ka na lang buong buhay mo, mas ok. Kung pulitiko ka, unahin ang pagsisilbi sa bayan kesa pagpapapogi sa fb fanpage mo. Sa madaling salita, kung responsable kang tao, unahin muna ang mga priorities bago ang kung anupaman.
May maidudugtong o maidadagdag ka pa ba sa mga "kung.." na type ng fb users na isinulat ko dito? Sige, idagdag mo lang. Feel free to comment :-)
Labels:
facebook
Location:Bulacan
Pasig City, Philippines
Tuesday, March 8, 2011
Usapang Break-up
Ang sabi ko sa kanya, Ron...
- Hindi pa katapusan ng mundo, wag mo masyadong damdamin...
- Lahat nang bagay ay dumarating sa katapusan, kailangan lang tanggapin..
- It will take time para maghilom ang sugat pero maghihilom din ito.. di ka naman diabetic di ba?
- Kung sa buong panahon na nagkasama kayo ay tinuring mong wala syang katulad at nag iisa lang sya sa mundo...isipin mo pa ring nag iisa lang sya sa mundo na gusto mo nang ibaon sa limot at kung;
- Gusto mong makalimot...wag mong sabihin..gawin mo...
- Maglasing ka pero bago mo lunurin ang sarili mo sa alak, isipin mo na hindi ang utak mo na gustong makalimot ang responsable kung bakit ka nasasaktan...kundi yang puso mo.. at tanging ibang puso lang din ang makakagamot dyan. Pero;
- It will take time until matagpuan mo ang pusong magiging katuwang ng puso mo. Sa ngayon pag -aralan mong lumimot pero maglasing gabi gabi? Huwag naman or ibenta mo na lang kaya yang atay mo sa nangangailangan, tapos hati tayo sa pera. (Tinagay ko muna yung alak dahil naghihintay and then proceed sa mala-Confucius kong mga salitaan.)
- Oopss.. I said wag mong hanapin pero pwede ka maghintay. Wag mong isipin na kelangan mo ng panakip butas... kawawa naman ung magiging panakip butas mo..
- Makialam sa pulitika, manuod ng tv, magbasa ng dyaryo, makibalita... makikita mo na "hindi lang pakikipagirlfriend ang bagay na pwede mong gawin sa mundo"..i-divert mo yan sa ibang bagay...
- Philippines is economically deprived. Mahal ang ataul. You deserve someone better.. i assure you... basta wag ka lang magmadali... darating din sya.. think positive...wag kang aayaw.
Medyo matagal na rin yun at ngayo'y mukhang OK na rin naman si Ron. Effective, nakamove on na sya at palagi na ulit syang nakangiti ngayon. Sinabi ko sa kanya na mabuti at sinunod nya ang payo ko (drunken master) at panindigan na nya yun dahil kaming mga kaibigan nya ay lubos na natutuwa para sa kanya. Alam nyo ang buhay ay maikli lang naman daw pero hindi dahil maikli lang ito ay magiging mainipin na tayo at palaging magmamadali. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natin kalevel mag isip ang chimpanzee ay para pangunahan natin ang pagpapasaya at pagbibigay buhay sa nag-iisang mundong ito na ineregalo sa atin. Ang buhay ay minsan parang wala nang halaga. Pero isipin mo na lang kung bakit pati mga ipis at butiki sa loob ng selda ni Echegaray ay nagtatatalon at naluha pa sa tuwa nung inakala nilang hindi na mabibitay ang kawawang preso. Isipin mo na lang kung bakit yung kapitbahay nyo na lubog sa utang ay nakangiti pa rin at kahit alam nya kung saan matatagpuan ang lubid at pagsasabitan nito ay mas minamabuti nyang makipagkutuhan na lang kasama ang mga kumare (take note: lalaki yung kapitbahay nyo na tinutukoy ko). See? Ang break-ups, hiwalayan at kung anupamang klase ng kabiguan ay hindi dinesign para kitilin natin ang sarili nating buhay. Masaya ang mabuhay. At kung may pagkakataon pa nga na pahabain ito, gawin natin. Tsk.. wala po akong planong magtatag ng sarili kong relihiyon.
Thanks for reading. :-)
Labels:
kabiguan
Monday, March 7, 2011
Top 10 Lines ng mga Lalake pag Ayaw Nila sa Isang Babae
Game!:
10. Parang kapatid lang kita na babae.
(Uto-uto ka.)
9. Umm... Ang laki kasi ng gap ng edad natin e.
(Naaalala ko lola ko sayo. I miss you lola.)
8. Hindi ako attracted sayo sa ganitong paraan.
(Kahit anong paraan pa man, sadyang di ka lang talaga attractive sa paningin ko.)
7. Kumplikado buhay ko ngayon.
(Marami akong # 1 sa buhay ko ngayon at di ka deserving mapabilang dun.)
6. May girlfriend na ako.
(Kung dota o ikaw? Dota na lang.)
5. Magkatrabaho/Classmates tayo, hindi ako pwede makipagdate sayo.
(Kahit gaano pa kaganda ang UFO mo, hindi mo ako mapapasama sa planeta nyo.)
4. Actually, nasa akin talaga yung problema, wala sayo.
(Wala akong problema, ikaw pa lang pag nagkataon.)
3. Focus ako sa career/studies ko.
(Naghahanap ako ng Inspiration hindi ng destruction.)
2. Magpa-pari ako...
(...dahil ako ang mage-exorcist sayo. Sinabi nga kasing ayoko sayo, nasasapian ka ba?)
1. Friends na lang tayo. Add kita sa facebook...
(...at sana i-like mo mga photos namin ng napili kong girl.)
Ouch!
Girls, dont think na ganito ka-cruel ang mga guys. You will find it ungentle and you may think na hindi kami gentlemen pero you have to think na may mga times din na naoobsess kayo sa isang guy at sabi nga ng isa ko pang kapitbahay "baliktad na baliktad na ang mundo". haha.. And hindi ka man mag-agree pero mas kelangan ng mga lalaki ang mamili ng girl (following his own choice) since there is a fact na mas marami ang mga girls sa mundo kesa sa guys. Its like picking the best from among the rest. hahaha.. Ooops, dont think na opinion ko lang yan ha, wag ka lang paplastikin nyang officemate mo na guy o classmate mo na guy sasabihin nya sayo na totoong ito ang sinasabi ng karamihan samin pag di namin type ang girl. hehe..
Again this is just a part of a joke. Wag kayo magrely purely sa isinulat ko dito, instead isipin nyo na lang halimbawa kung minsan habang umiinom kayo ng decaffeinated na kape bago matulog..."Paano kung ganito ang sabihin ko sa guy pag binasted ko sya? Paano kung karmahin naman ako? Ganito din kaya ang maririnig ko mula sa guy na gusto ko pero hindi ako gusto?" :-)
Labels:
Top 10 Rejection Lines M
Location:Bulacan
Pasig City, Philippines
Subscribe to:
Posts (Atom)