Showing posts with label Malambing pag lasing. Show all posts
Showing posts with label Malambing pag lasing. Show all posts

Thursday, April 14, 2011

Malambing (Pag Lasing)



♪ ♫ Pag lasing..dun ka lang malambing...♫ 
Habang nakaupo sa station ko at nakatutok ang kidney ko sa aircon (mga ilang oras din yun at napansin ko lang na ganun ang sitwasyon nang magsimula na ko magkabalisawsaw) nagmuni-muni ako sa kung gaano na nga ba ako katanda, ano na ang mga pinagdaanan ko at saan pa ko patungo. Nagpefacebook ako nun (as usual naman) and im searching for a friend so i typed in the letter N sa search bar. Surprisingly, lumabas at nangunguna sa list yung ex-gf ko during searching. With just a blink of an eye, gumuhit agad ang mga ala-ala saking balintataw at heto nga't naencourage pa kong ishare ito sa inyo.

Si Miss N ay age 18 that time and i was 21 then. That was 2008 and lahat ng bagay sa paligid ko nun ay napakasaya at makulay. Typical college life, happy go lucky, tamang tambay at inom pag walang klase (kahit may klase pa, ganun pa rin). Mostly sa mga inuman like house party of some sort, magkasama kami ni Miss N. Si Miss N ay hindi malambing o sweet na girlfriend at di katulad ng marami (pero at least totooo si Miss N at labas ang ugali). Palagi kaming nag-aaway nun. Palagi syang nagseselos at kahit yung nagtitinda ng yosi sa tapat ng gate ng campus ay napagselosan na nya. Bossy type sya at kung anung gusto nya ay yun ang dapat mangyari. Despite na ganun ang character nya, sya pa rin ang mahal ko nun at para bang wala ng ibang makakapantay pa sa kanya dito sa puso ko. Anyway, kahit naman ganun ugali nya, once na nakainom sya, napakalambing nya. :-)

At first inenjoy ko yung ganung side nya. Mag iinuman kami, pag may tama na, yayakap na sya sakin bubulungan ako ng mga sweet na linya. Ako naman mejo makikiliti at ikikiss sya sa noo, tapos magtatawanan kami ng mahina then tagay na ulet and more amats more lambing ang tema. Pag medyo di na kaya, stop na. hatid na sa haybol nila then tapos na ang masasayang sandali, humanda ako sa school dahil yari na naman ako kay sassy girl. Later on sa ganung routine, parang di na ok. Medyo napapadalas ang inuman nun, like every other day inuman. Tumitindi yung tolerance namin sa alak and nagiging used na sya sa amats at yung hinihintay kung lambing ay unti unting nadedelay. Tuloy napaisip ako kung ganito na ang ngyayari, i think kelangan na naming ihinto itong ganitong habit dahil personally kaya ko lang sinasakyan yun ganung gimik ay para masatisfy yung pansarili kong interes. I decided na medyo itigil muna ang nakagawian and try to put some test to her. That time kasi i already get question to my mind kung mahal ba nya ako kasi kung mahal nya ko di nya na kelangang magka-amats para maiexpress yun sakin sa way na gusto ko. And also, gusto kong baguhin na ang trend ng relasyon namin at try to experiment in a good way kung panu nga mas magiging enjoyable ang relasyon namin.

I decided to start to break the habit with myself and tried to avoid the inuman session. With a handful of our common friends, nakipag iinuman sya without me. I started to make excuses to her na di ako pwede at kesyo may sakit ako or may pupuntahan instead na maging strict sa kanya and warn her na wag uminom dahil magagalit ako kung susuwayin nya ko. Unfortunately, after just a quiet sometime a heartbreaking news came to me ad that was about her. My best friend confessed to me that he was actually seduced by my gf. That happened during their inuman session na wala ako. Nagpasalamat ako sa kaibigan ko dahil sa katapatan nya. Then i confront her about that issue. Dineny nya yun at siya pa nagalit sakin ng husto. So dahil under ako (yes, inaamin ko na ganun madalas ang tema when im in a relationship) binalewala ko lang at sinabi ko sa kanya na wag na lang gawin yun dahil may gf din yung bestfriend ko. No reaction lang sya.

Then a time came that we have to celebrate something and we have to do the inuman again. Nag observe lang ako that time. Like as usual, nilalambing na nya ako pero di ko na yun feel. Kasi naliwangagan na ko at inisip ko na hindi kailangang dumating sa ganito ang lahat at nagpromise pa nga ako nun na yun na ang huli talaga at di na ko magpapaunder at sa ayaw at sa gusto nya, iiwan na nya ang habit na yun or else magkakagulo kami ng husto. So later on nung medyo marami ng nainom, iba na trip nya, trip na nya yung bestfriend ko at sa mismong harap ko ipinakita nya kung panu nya i-flirt ang kaibigan ko. Di lang ako kumikibo habang nakatitig. Yung kaibigan ko naman pilit na umiwas hanggang sa nakulitan na sa gf ko at tumakas na sa inuman para maiwasan lang ang gulo. I was so down that time. Naluha nga ako nun sa sobrang katangahan ko. Naisip ko yung mga gabing di nya ako kasama sa gimik at nasanay sya na may nilalambing at kanino nya kaya ibinuhos ang mga lambing na yun na dapat ay para sakin?

Nun ko narealize yung pagkakamali ko. Dapat pala di ko sya tinolerate. Dapat pala di ko na sya pinayagan at the very beggining na maging habit yung pag-inom at kung lambing lang din from her, dapat pala tinanggap ko na lang ng buong-buo yung natural na pagkatao nya at dahil mahal ko naman sya, di na dapat ako nag-expect sa kanya ng bagay na wala sa kanya. At dapat ay hindi ako naging makasarili na porket nagbebenefit ako sa pagiging tipsy nya at nasisiyahan ako sa biglang transformation nya everytime na makakainom ay papayagan ko na lang na maging ganun na lang palagi. Hindi pala sign ng isang mabuti at concern na boyfriend ang pagtolerate sa maling habit ng girlfriend nya bagkus isa yung sign ng pananamantala sa pagkakataon.

Nagsimula sa pagpayag na mag inuman to gain her sweetness and pagiging malambing hanggang sa nalulong kami pareho sa bisyo at much worst sa side nya dahil di rin nagtagal at nagbreak kami and she get involed to more extreme trippings with some guys. Parang sinundot yung konsensya ko at sinabi ko sa sarili ko, bakit ako naging mahina? Bakit hinayaan ko na maging isa ako sa dahilan para makarating sya sa makulimlim na parteng iyon ng buhay nya? Alam kong may magagawa ako pero huli na at ganap na syang lulong. Tinangka ko makipagbalikan pero ayaw na nya at ineenjoy na nya ang paglalambing sa ibang guy tuwing magkaka-amats.

Alam kong isa yun sa pinaka madilim na parte ng buhay ko particularly ng college life ko. Shineshare ko to para malaman especially ng mga kabataan kung ano ang maaaring kahinatnan ng isang bagay na samantalang sa una pa lang aware ka na sa consequences ay yun pa rin ang napili mong gawin at nagawa mo pang abusuhin. At gusto ko ring malaman ng mga young minds na kahit kelan, ang ALAK, ay traydor. Ang ALAK din ay bisyong totoong masarap at pang solve ng problema (sa maikling sandali) pero kapag alak na ang nagiging dahilan ng mga problema mo sa buhay, daanin mo man sa paglalasing ang paglimot, niloloko mo na lang ang sarili mo.

Masarap magmahal at mahalin. Hindi masaya ang masaktan at kahit kailan hindi naging masaya ang manakit. Huwag tayong magtatanim ng galit o punan ng paghihiganti ang puso natin dahil hindi ito ang makakapagpaligaya satin. Nabigo at nasaktan man tayo sa nakaraan, wag mag-alala dahil ang buhay ay umuusad at ang chances para magtagumpay at maging maligaya ulet ay napakarami, kung susubukan lang nating bumangon ulet at sumabay sa panahon.


Share