Thursday, February 24, 2011

Top 10 Lines ng mga Babae pag Ayaw Nila sa Isang Lalake.


Kung papakinggan, parang ok lang ang tunog. Malumanay, mahinhin at parang labag talaga sa loob nya at kelangan nya lang talaga gawin. Pero kung mababasa mo iniisip niya, baka mawasak puso mo. ahaha.. Ok, para malaman mo kung ano ang katotohanan. Basahin mo to:

10. Parang kapatid lang kita na lalaki.
      (Kamuka mo si Bondying.)

9. Umm... Ang laki kasi ng gap ng edad natin e.
    (Parang tatay na kita e.)

8. Hindi ako attracted sayo sa ganitong paraan.
    (Ang pangit mo kasi... tsk..)

7. Kumplikado buhay ko ngayon.
    (Marami akong boylets. Nahihirapan ako pumili. Wag ka na dumagdag. At kung multiple choice a,b,c,d ang pagpipilian...letter e ka.)

6. May boyfriend na ako.
    (Mas masaya ako sa alaga kong aso at pusa.)

5. Magkatrabaho/Classmates tayo, hindi ako pwede makipagdate sayo.
    (Hindi tayo magkauri. Tao ako, si Kingkong  ka)

4. Actually, nasa akin talaga yung problema, wala sayo.
    (How can you face your problem if your problem is your face?)

3. Focus ako sa career/studies ko.
    (Mas ok pang mabored ng husto sa work/studies kesa makipagdate sayo na walang kasing
     boring kasama.)

2. Magmamadre ako.
    (Mas "hot" pa sa'yo si Father)

1. Friends na lang tayo. Text-text.
    (Ummm... Kwentuhan na lang kita about sa guy na napili ko.)

Ouch!

Katuwaan lang to and i dont believe na lahat ng girls ay ganito. Dont take it seriously. Pero kung masapul ka...sorry.. di ko sinasadya. Bakit mo kasi binasted ang kapitbahay ko! ahaha..

Coming soon... ang ganti ng mga lalaki! "Top 10 Lines ng mga Lalake pag Ayaw Nila sa Isang Babae.?!"


Share