Showing posts with label reyner. Show all posts
Showing posts with label reyner. Show all posts

Monday, July 11, 2011

Adventure ni Reyner


Tahimik at madilim ang paligid. Natural ang lamig ng simoy ng hangin at talagang napakasarap langhapin ng oxygen na ibinubuga ng mga punong matatagpuan sa bahaging iyon ng kagubatan. Hindi NPA ang mga magulang ko pero nagkataon lang na noong 1987, kasalukuyang sa gubat sila naninirahan. Alas kwatro daw nun ng madaling araw ng magsimulang sumipa ang sanggol sa sinapupunan ng nanay ko. Tumingin sya sa kalendaryo at chineck nya ang petsa. Pagkatapos ay ngumiti sya dahil naconfirm nyang hindi ako kulang sa buwan at umasa sya na magiging normal akong bata (hindi ko alam kung nadisapoint sya nang lumipas ang panahon). July 11, 1987 ayon sa aking napag alaman ay petsa kung saan na-reach ng mundo ang populasyon na 5 billion kaya tinawag itong "The Day of Five Billion". Tuwing July 11 din ginugunita ang World Population Day. Parang ang reaksyon ko, "What? Ako ang pang-five billion na dumagdag sa populasyon ng mundo? Matutuwa ba ako o maiinsulto? Bakit sa birth day ko pa napili nilang gunitain ang World Population Day? Gaganahan pa ba akong magkaanak at magpadami ng lahi nito kung tuwing mag aattempt ako ay bigla akong mumultuhin ng salitang "POPULATION"? Moving on, hayaan ko na muna yan at hindi naman yan big deal (ano daw?). So para paikliin ang kwento, ipinanganak nga ako ng nanay ko nung time na yan at nagulat silang lahat...malaki...malaki na agad...ang nunal ko sa likod (kala mo kung ano na? haha... pero slightly correct ang hula mo. hahaha...)

Ang kwento ng ate ko, mas nauna pa raw akong natutong magmura kesa magsalita. Pero syempre joke lang yun at magkaaway kami ng ate ko nung time na sinabi nya yun. Pero madaming nagsasabi na palamura nga daw ako. Ang sabi ko naman..."Tang ina hindi naman ah!" Ahaha... Isa lang yan sa mga bagay na maaga ko natutunan dahil sa environment ko nung bata ako. Pero salamat sa butihin kong mga guro nung early elementary days at tinuruan nila ako ng magandang asal. Isang araw tinanong ako ng lola ko "Reyner, anong natutunan mo sa school? Tinuruan ka ba ng magandang asal?" Ang sagot ko "Oo naman lola. Syempre school yun e, natural na makipagplastikan ang mga titser sa amin." Ahaha.. Pero syempre hindi totoo yan. Ang totoo'y walanghiya talaga ako nung bata ako at sa liit kong yun ay ako pa ang pinakabully sa classroom. Isang araw nga ay inapproach ako ng titser ko, "Reyner, top 2 ka na naman lang. Kelan ka ba titino at para maging top 1 ka naman?" Sabi ko sa kanya, "Maam, hindi ako interesado sa ranking na yan. Kung pwede lang ibigay ko na lang dun sa kaibigan kong nasa row 4 ang pagiging bibo ko, gagawin ko." Oo, mayabang din ako at nung time time na yun una ko yung natuklasan. Dahil mayabang ako nun at maangas, normal lang na makita ako ng nanay ko na punit-punit ang damit o putol ang tsinelas. Punit-punit ang damit dahil nakipaglaban o putol ang tsinelas dahil tumakbo at natakot sa kalaban. Pero alam mo, minahal ako nun ng marami dahil kahit pangit ang ugali ko, cute naman ako. At hindi lang dahil cute ako, madali lang din akong lapitan pag kelangan nila ng sagot during exams. Grumadweyt ako nun ng elementary na nagmamartsa sa pinakaunahan. Hindi dahil by height ang arrangement kundi dahil...ehem...alam mo na yun. Proud sakin ang ate ko at syempre pati mga magulang ko. Pero alam mo ang iniisip ko nung mga time na yun habang sinasambit ang katagang "what you sow is what you reap" na part ng speech ko? Alam mo kung ano? "Mamimiss ko ang mga biniyak kong mga kalaro..ehe...yung mga kalaro ko sa trumpo. Wala kasing trumpo nun ang hindi kayang biyakin ng super trumpo ko at ako ang hari ng trumpo nung mga time na yun." Hehehe... Seriously, may impact sakin yung line na yun sa speech ko na nabanggit ko. Actually, sa dami ng itinanim ko...matumal pa rin ang ani ko. :-(

Share