Ito ay sequel sa last entry ko na may title na "Ano ang mga Dahilan ng Hindi Pagkakaroon ng Boyfriend?". Kung mapapansin natin, parami nang parami ang mga kalalakihan ngayon na single at walang girlfriend. Karamihan sa kanila ay sobrang tagal nang walang tinetext na "i love you" at "ingat ka mahal ko" at wala ring nagsasabi sa kanila ng "i love you too. wag kang mambababae". In short, marami sa mga kabaro ko ang marami ng malalamig na paskong pinalipas at valentines day na pinalagpas na wala man lang bakas na nagka-girlfriend sila o nagka-lovelife man lang. Hayaan nyong subukan kong ibigay ang ilan sa mga dahilan sa hindi pagkakaroon ng girlfriend base sa sarili kong observation.
1. Busy- Para sa akin ay ito ang pinakamatinding dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng gf ang isang guy. Busy sa work or sa studies o sa kung anupaman na dahilan para ang time na sana ay para sa romance and love ay naietsapwera. Pag may ginagawa, nakafocus lang at naniniwalang ang girlfriend ay distraction lang at sagabal sa pag-asenso. Yung iba naman ay hindi nakakapapansin kahit ginagawa na ni ate lahat ng pagpapapansin. Panu mapapansin kung ang puso ni kuya ay nakalaan sa bagay na ginagawa nya at bawat minuto ay mahalaga para sa ibang bagay na gusto nya?
2. Standards- May standards na sinusunod at di lang basta standards kundi matataas na standards ng isang babae ang hinahanap nya. May ma-encounter man syang babae along the way, kung ang babaing ito ay hindi pasado sa panlasa nya, sabihin man nating attracted sya sa girl na yun, pipigilan at pipigilan nya damdamin nya masunod lang ang pamantayan nya. Masyado syang idealistic at masyadong maraming prinsipyong sinusunod. Ang ending kakanta na lang ng "I have two hands, the left and the right...".
May iba namang wierd ang standard na gusto at dahil minsan ay parang wala at hindi matatagpuan sa tunay na buhay ang hinahanap nya, nananatili lang sya sa pangarap at ang magkagirlfriend para sa kanya ay imposible.
3. Feelings- Maaring wala talagang feelings towards anyone. Hindi sya busy, wala namang standard na sinusunod pero hindi lang talaga in love. Masyadong honest sa feelings at ayaw din namang manloko at makasakit ng damdamin. Maaaring may mga nagkakandarapa sa kanya pero di nya lang pinapansin dahil pakiramdam nya, lolokohin lang din nya sarili nya kung kakagat sya.
Eto pa ang isa, wala ring feelings pero gusto lang mang gudtym. Dahil gusto sya ng isang girl, sasakyan nya tapos pag kumagat na yung girl, biglang ida-down. Ito yung mga uri ng guy na walang pakelam sa damdamin ng iba at maaaring walang idea at hindi takot sa karma. At the end of the day, wala silang girlfriend pero andami nilang pinaiyak.
4. Diskarte- Hindi marunong manligaw o dumiskarte o sa madaling salita walang diskarte. May feelings para sa isang babae at alam nya na mahal na niya. Ang problema, ni hindi alam kung panu ipagtatapat, ni hindi alam o di sigurado kung panu ipararating sa kanyang minamahal ang nilalaman ng puso nya (parang katulad nung guy sa story na to "The Lollipop"). Minsan may idea na sila kung anung gagawin, tinatakasan naman sila ng lakas ng loob. Minsan naman ay sadyang hunghang at parang ipinanganak kahapon at ni hindi alam ang mga basic na bagay tungkol sa kung paano rin sya mamahalin ng isang babae.
Meron namang malupit dumiskarte pero sablay. Siguro nga totoo yung malas at sadyang minamalas kaya ganun. O kaya naman ay sadyang di talaga siya gusto nung girl at kahit ibenta niya kaluluwa niya kay Satanas ay baka sila pa ni Satanas ang magkatuluyan, pero hindi magiging sila nung girl.
5. Personality- Mas matimbang ang attitude at character ng isang tao kesa sa looks at naniniwala ako na maraming girls pa rin ang attracted sa panloob at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang guy. Ang problema, may mga guys na sadyang hindi kaaya-aya ang personality at totoong T.O. o turn-off para sa girls. Di ko na kelangang isa-isahin kung ano yung mga personality na yun dahil alam na especially ng girls ang mga nakakapraning na attitude na dahilan para di nila magustuhan ang isang guy. Sa kabilang banda, meron namang character o personality na ok pero dahil sobrang ok nagiging cause yun para iwasan sila ng girl, nakakaintimidate kasi. Lets take for example, Pangulong Noynoy...
Unless, maaaccept sila ng girl na gusto nila, dun lang sila makakapagsettle ng proper lovelife. Pero mostly nangyayari ito sa telenobela at mga story sa Wish ko Lang ni Vicky Morales.
6. Gender Crisis- Malinaw at hindi na kelangan pang pahabain...nahahati ang puso ni kuya, si Juan ba o si Maria? haha..
7. Past- Maaaring may mapait na nakaraan sa pakikipagrelasyon at ayaw na muna or at worst ayaw nang makipagcommit. Maaaring labis syang nasaktan sa break up nila ng dati nyang girlfriend o baka iniwan sya ng dating girlfriend nya sa hindi katanggap tanggap na dahilan or maybe, ipinagpalit sya sa ibang lalaki at naging dahilan yun para matrauma sya at kadalasa'y mawalan na ng tiwala sa mga babae. Para sa mga girls na makakaencounter ng ganitong klase ng guy, huwag na kayo mag expect na liligawan niya kayo kahit halata niyo na gusto nya kayo. Siguro ang magandang gawin ay dinggin ang totoong kwento nya, unawain at irespeto siya at kung napansin nyo na may sugat pa sa puso nya...maaaring makatulong kayo para maghilom yun. Hindi nyo kelangan magpakipot sa taong ito dahil baka madissapoint lang kayo kung wala silang gawing moves (they are maybe tired or never get thrilled of romance). Hindi ka man nya ligawan, siguro may paraan pa din na maging kayo (kung gustong gusto mo lang naman or kung mahal mo na sya). Get along with him, be nice to him and dont forget to appreciate him and recognize the things that he do. Ang mga ganitong klase ng guy ay rare at no doubt na great lover. Huwag na huwag mo lang sisirain ang tiwala nya at igarantiya na hindi ka magiging katulad at hindi mo hahayaang mangyari sa relasyon ninyo (kung magiging kayo nga) ang kinahinatnan ng nakaraan nya.
8. Calling- May calling si kuya galing sa itaas. Sa seminaryo sya nababagay. Kakanta din sya ng "i have two hands, the left and the right..."
Ang babaeng tutukso sa kanya ay mapupunta sa impyerno. haha...
Ilan lamang ito sa mga naisip kong dahilan kung bakit may mga katulad kong guy na "single". Para sa mga girls, intindihin nyo po ng mas malalim ang isang guy kung bakit ganun siya. Bakit kakaiba sya? Anu nga ba ang tunay na kwento at ang totoo sa kanya? Tripper nga lang ba siya or may mas malalalim pang dahilan kung bakit ayaw nyang ilabas ang tunay na emosyon nya (or mag-invest ng emotions)? Respect din po sa feelings and be gentle naman kung mambabasted kayo, may damdamin din po kaming nasasaktan. Para naman sa mga kapwa ko lalaki, kung masaya tayo as being single sana enjoyin natin sa paraang di tayo mananakit ng mga damdamin. Kung decided naman tayong mag engage sa specific relationship, at least make sure na may feelings talaga tayo at iingatan natin ang babaing mamahalin.
Para po sa mga tanong, comments, suggestions sulat nyo lang po sa ibaba at sasagutin ko po yan. Pwede rin po kayong mag send ng email sakin sa valenciareyner@gmail.com. Salamat sa pagbabasa.