Yan ang mga katagang naririnig ko sa likod ng isip ko habang nakatingin ako sa salamin nung ika-24 ng Marso ng taong ito. 3 months straight na non-stop na ko umiinom nun. Hindi alam ng pamilya ko na malala na ang mental health problem ko at lalong hindi alam ng mga kaibigan ko ang pinagdadaanan ko. Katulad mo o katulad ng karamihan, nagdaan ako sa pinakamalalang break-up sa kasaysayan ng buhay ko na pinanawan na ko ng pag-asang mabuhay. Literal na gusto ko nang mamatay nun at everytime na nagigising ako mula sa malalang pagkalasing, galit sa mundo at hindi maipaliwanag na negatibong enerhiya ang sya lamang namamayani sa kalooban ko. "Ayoko na magising! Ayoko nang humarap sa mundo!" Hanggang isang gabi nang sa unang pagkakataon ay nailabas ko sa kapatid ko lahat ng itinatago ko sa kaloob-looban ng puso ko, nagdesisyon akong baguhin ang direksyon ng buhay ko. Ang dapat na pamamaalam sa balak kong pagse-suicide nang gabing yun ay napalitan ng muling pagbangon sa pagkakasalampak ko sa darkest moment na yun ng buhay ko. Literal na isinalba ako ng kapatid ko at heto ang iba pang parte ng kwento.
Mahirap ang naging withdrawal process ko. Isinulat ko ang mga dinanas ko sa mga previous blog ko at disaster talaga. Yung tinatawag na delirium tremens o malalang alcohol withdrawal effects ang pinakachallenging na pinagdaanan ko. Pumasok ulet sa isip ko ang pagpapatiwakal sa period na yun kaya nanghingi ako sa kapatid ko ng extra guidance na imonitor ako pala-palagi. Kaya naman halos oras-oras nya akong kinokontak nung first to second week ng withdrawal ko para i-check kung ok pa ba ako. Sa kagandahang palad, nalampasan ko yung stage na yun at dun na ako nag-start na mag-gain ng lakas para sa mga susunod pang mga araw. Dun ko narealize na mahabang proseso ito at nagsisimula pa lang ako.
Sari-saring physical activities ang ginawa ko. Naaksidente pa ako sa bisikleta at one point kaya mas madalas tumatakbo ako. Pag sobrang sakit ng mga paa at legs ko, nagseswitch ako sa paglakad ng malayo. Ang itsura ko nun kung makikita mo sa pic, may man boobs ako at parang gelatin ang tiyan ko na napakalaki. Namamaga din ang mukha ko sa pagkamanas at in total, larawan talaga ako ng basura na nagpabaya sa katawan dahil sa alak at poor diet. Pero hindi ako nagdwell sa self pity o extreme na pagkaawa sa sarili bagkus ginamit ko yun na motivation para magbago.
Isa o dalawang buwan nang mapansin ko yung mga improvement sa physique ko. Feeling ko wagi na ko at dahil may pagka-jollibee ako, nagyabang agad ako sa social media. May umaprub at nagpahayag ng suporta, meron ding nangbash. Dun ko narealize kung gaano pa ko ka-vulnerable at ang stress na idinulot saken ng mga basher ay halos nagpabalik saken sa bisyong ilang buwan ko nang naiwasan. So nilimitahan ko ang pakikipag-interact online at nagfocus sa sarili ko. Tsaka ano ba naman pakelam saken ng ibang tao? Nabubuhay ba ko according sa expectations nila? F**k them! Sa point na yun, nakakuha na naman ako ng bagong fuel na nagpupush saken para magsumikap pa lalo na gawing better ang sarili ko.
Bukod sa exercise, nagdiet na din ako. Kung dati extreme na hindi ako kumakain dahil minamadali ko yung resulta, nagswitch ako sa less carbs. Kamote, itlog, saging na saba at less rice ang madalas kong kinakain. Hindi rin ako nawawalan ng hilaw na sibuyas para tumulong sa metabolism. Hindi na ko nakikipag-interact sa social media at may times na nagdedeactivate ako para maiwasan ang distraction. I was just minding my own business at inadapt ko ang "win each day" mantra na kung saan, pag nalagpasan ko ang araw na hindi ako nakainom ng alak at nagawa ko ang exercise routine at diet ko, panalo na ako. Things become much and much better saken hindi lang sa pisikal kundi maging sa mental health ko.
July nang mapagdesisyunan ko na i-adopt ang intermittent fasting. 16 hrs na walang calories intake. Natuto ako magkape ng walang asukal at mas lalo pa ko uminom ng madaming tubig. Dahil madami na kong oras mula nang mag-stop ako sa socmed, ginugol ko yun sa pag-aaral. Nagbabasa ako, nanunuod ako ng mga lectures about wellness and health. Ginawa kong scientific ang approach ko at hindi lang puro kung ano yung feeling ko. Hindi rin nawala syempre yung philosophy at principles na akma sa results na gusto ko. Dinadahan-dahan ko ang lahat at buong tyaga kong hinihimay yung mga methods. Marami akong natuklasan sa sarili ko katulad ng kahinaan ko sa emotional na aspeto at kung gaano ako kabilis na tumitiklop sa mga bagay na nakakatrigger saken. Ambilis ko mafrustrate at everytime na down ako, dun pumapasok yung desire ko na uminom ulet ng alak. Natuklasan ko na kaya pala ako naadik sa alak ay dahil mahina akong nilalang. Nilulunod ko sarili ko sa alcohol para makaiwas sa mga mental at emotional issues ko imbes na harapin. Kaya hinarap ko yung mga issues na yun at tuwing umaga, naglalaan ako ng oras para mag-meditate. Hindi ako lumalabas ng bahay hangga't hindi ko na-sosolid yung mindset na kakailanganin ko para sa araw na yun. "Win each day!" at everytime na namemaintain ko yung pagiging kalmado at composed sa pagharap sa mga triggers, panalo na ako sa araw na yun.
July din nang naging sunod-sunod ang pagbuhos ng ulan. Natuklasan ko na ang pagtakbo na syang bread and butter ko sa transformation na inaasam ko ang syang pinakaepektibo pero hindi ko magawa dahil sa panahon. Sinubukan kong iintensify ang chalistenics o yung mga workout sa bahay lang pero hindi ko makuha yung endorphin o boost na ibinigay saken ng running. Nagsimula na naman akong bumalik sa mga habits ko tulad ng gaming at panunuod ng series (pati porn) na nagpa-couch potato saken nang malala. Nag-umpisa na namang magform yung mga negativities ko at sa isang iglap ay nararamdaman ko yung nalalapit na failure ko sa mga ginagawa ko. Sa pagiging sedentary ko, bumababa yung testosterone ko na sanhi ng pagiging bugnutin ko na naman at pagiging stressed. Nang bumuti yung panahon, napagpasyahan kong maglakad. Nabreak ko yung record ko sa pinakamalayong nalakad nung araw na yun. Napagpasyahan kong i-treat ang sarili ko dahil birthday ko naman. Pero nang akmang uupo na ko sa coffee shop para umorder ng kape at red velvet cake, natanaw ko ang mga kabataan papunta sa gym na natatanaw ko lang sa kinaroronan ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinundan sila. Ilang minuto pa at nakaregister na ko sa gym. Weight lifting ang kailangan ko para i-boost ang testosterone ko at hindi yang cake na yan. Kahit birthday ko, ipinagpalit ko ang cake sa barbels at dumbels nung araw na yun. Umuwi akong masakit ang katawan pero nag-uumapaw ang endorphine at parang nagbabounce-bounce pa ang dopamine at serotonin ko sa biglang boost. Yun ang simula ng gym habits ko.
Simula nung July, naging hybrid athlete ako. Sadyang hindi ko kayang iwan ang cardio kaya tumatakbo pa din ako pag maganda ang panahon. I've never felt so strong in my whole life until these times. Para akong bumalik sa edad na 27 na kung saan huli akong naging active at buffed. Lumabas na naman ang mga injuries dahil sa pagka-aggressive ko sa workout so medyo kinalmahan ko lang ang emosyon ko kase sadyang emotional talaga ako sa kahit saan mapa-positive o negative na dahilan. Nakuha ko yung rhtym ko at tuloy tuloy ang pag-aaral na ginagawa ko kasabay ng pag-execute ng mga pinag-aaralan ko. Sound body is sound mind at more than enough ang patotoo ko dyan.
Sa ngayon, winowork out ko nang husto ang consistency. Walang kwenta na lumalakas ako at nagagawa ko yung workout routines ko kung vulnerable pa din ako sa temptations of all kinds. As I gain physical improvements, I also gain attention from opposite sex pero I can't afford to be distracted. I would take their compliments but thats it then I'll move on. Physical, mental and emotional strengths and goal kong maabot ngayon. Malayo pa pero malayo na. Goal kong maabot ang optimum potentials ko until the 365 days na sinet kong period na sobriety. I want to make changes so I can help others din to reach theirs.
Let's not pour doubts and discouragement sa mga taong nais magbago. Suportahan natin sila at wag natin silang i-down. Ang pinaka enemy ng taong nais ng changes sa buhay nya ay ang kahinaan nya sa mga nasasabi ng iba. Sa era at society ngayon na malaking bagay yung approval at validation mula sa iba, ang pinaka maitutulong natin ay i-boost ang confidence ng isang tao, hindi ang i-bash sya. Dun lang tayo sa reyalidad. I-admit natin na nasa soft era tayo na words hurt so much now than before, therefore, be careful sa mga binibitawan nating salita. Sa mga katulad ko naman na goal pa din i-strengthen yung thick skin nila sa mga criticsms para maabot yung goals, mag-iimprove at nag-iimprove tayo everyday. Shutdown whatever needs to be shutdown kung nakakasagabal saten. Pwera syempre yung mga nagmamahal saten. Wag natin gayahin si Rendon. We want to be a beast but not his type of beast. O siya hanggang dito na lang at baka kung saan pa mapunta. Stay postive at laban lang ng laban! Win each day!