Showing posts with label facebook. Show all posts
Showing posts with label facebook. Show all posts

Thursday, March 10, 2011

Buhay Facebook



"May pila. Matuto kayong maghintay."


Narito ang daily status ng isang kaibigan nating Facebook addict na tawagin na lang nating si Brandong Sawi:

Monday:

"Wow, shes so beautiful. Im glad nakilala ko sya. Now i have reason to get online everyday."


Tuesday:

"Yes, binigay na nya number nya. Amazing. Ngayon text-text na kami. Ang ganda nya talaga.;"


Wednesday:

"Mukang nadedevelop na ko sa kanya. Ang lambing nya tapos thoughtful pa. tsk... Iba na to..gusto ko na sya.  Pepwede ba tong nararamdaman ko?"

Thursday:

"Gusto rin daw nya ako. &*(^&*(!! I cant believe it. Gusto ko na makipagkita sa kanya. I cant wait na mayakap at mahagkan sya."

Friday:

"Bat ganun, di sya nag online? Di rin sya nagrereply sa texts. Nu nangyari? Akala ko ba gusto nya ako. Should i expect anything from her? God, i really like her."

Saturday:

"Huh? Bakit ang cold na nya? Di na sya katulad nung last kami na nagchat na masaya at kulang na lang lumabas kami sa monitor at magyakapan. Tsk.. Sinasakyan lang ba nya ako?"


Sunday:

"Bakit kelangan nya akong paasahin? Gamitan na lang ba talaga sa panahon ngayon? Anung kinalaman ko sa break up nila ng bf nya? Mukha ba akong pain reliever? Unfair!! Unfair!!!"

For one week ay naipon nya ang mga status na to and after that week ay di ko na sya nakitang nagpost ng status. Tsk... Ganyan talaga. Ang facebook kasi ay isa na ngayong kasangkapan para wasakin ang puso ng isang tao. Ang nangyari kay Brandong Sawi ay bagay na nangyayari din sa karamihan mapalalaki man o mapababae. Ang moral lesson lang dito ay, wag tayo masyadong "asa". Hindi dahil ok kayo online, ay magiging ok na rin kayo in real life. Nagkalat ang mga mapaglaro sa cyberworld. Mga mapaglaro na akala mo ay mga totoo, pero yun pala ay fake. Kaya ang payo ko sa mga kapatid natin, huwag agad-agad magtiwala. Ang mga salitang ubod ng tatamis ay tulad ng kendi at matatamis na pagkain na ipinagbawal sayo ng nanay mo nung 5 years old ka pa lang sapagkat nakakasira daw ng ngipin. Di mo pinakinggan ang nanay mo noon kaya ngayong malaki ka na ay nagsisi ka, hindi dahil nabulok at naubos ang ngipin mo, kundi dahil lagi kang sinisingil ng doble sa tricycle tuwing sasakay ka. Katulad din nung pinayuhan ka ng katabi mo sa net shop na madalas mong nirerentahan. Ang sabi nya sayo "Pare, kung ako sayo maglaro ka na lang ng cafe world kesa pag-aksayahan ng oras yang babaeng yan. Pustahan tayo tokshet lang yan."



Isa pa sa mga moral lesson sa insidenteng tulad nito ay "huwag masyadong adik sa facebook." Kung employee ka, work muna bago facebook. Kung estudyante ka, magreview muna bago makipaglandian sa mga miyembro ng fb group mo. Kung ikaw ay nanay na may maliit na baby, pasusuhin mo muna yang anak mo (i recommend breastfeeding) bago ka makipagtsikahan sa kabatch mo nung high school na may bago na namang foreigner na asawa. Kung nasa abroad ka, ok lang makipaglampungan sa chat with your ex nung high school , basta siguraduhin mo na di alam ng asawa mo ang password ng fb mo. Kung katulong ka o maid, siguraduhing nahugasan na muna ang dapat hugasan bago mag-fb dahil baka magalit si Sir. Kung barangay tanod ka, siguraduhing at peace ang barangay bago i-view ang mga photos nyo ni kapitana. Kung grade 1 ka pa lang, mas mabuting mag aral ka muna mag sulat gamit ang kamay kesa magsulat sa fb chat at pagkatapos ay kukulitin  mo ang ate mo kung nasan ang exclamation point sa keyboard pag nagagalit ka na sa kachat mo na kinder pa lang pero alam na gawin ang emoticon ni Chris Putnam (o ikaw alam mo ba yan? haha..). Kung ikaw ay si bantay at binilin sayo ng amo mo na bantayan ang bahay, gawin mo na lang ang tungkulin mo kesa iinsist na maglaro ng pet society (ambisyosong aso) o pwede ka rin namang maging kapitbahay ka lang pero mala-aso sa tapang ng hiya kung makigamit ng internet...nanghihingi pa ng juice sa may ari ng bahay habang pinanunuod ang fb wall post na video ni Marcelito Moy. Kung kagagaling mo lang sa break-up, baguhin muna ang fb status at burahin ang mga pictures ng ex sa album bago mag-hunting ng ipapalit sa ex-bf na basketball varsity o campus crush. Kung abusayaf ka, kahit mag fb ka na lang buong buhay mo, mas ok. Kung pulitiko ka, unahin ang pagsisilbi sa bayan kesa pagpapapogi sa fb fanpage mo. Sa madaling salita, kung responsable kang tao, unahin muna ang mga priorities bago ang kung anupaman.


May maidudugtong o maidadagdag ka pa ba sa mga "kung.." na type ng fb users na isinulat ko dito? Sige, idagdag mo lang. Feel free to comment :-)



Share