Ang sabi nila, ang pagseselos ay ang pagdududang walang kongkretong basehan. Para sa akin, ang selos ay isang sakit na mahirap gamutin dahil hindi ito karamdamang pisikal, ito ay sakit na direktang inaatake ang utak natin para mag-isip ng mga bagay na non-sense at walang kwenta. Pag nagsimula ka nang mag-isip na baka hindi ka na niya mahal dahil may nakita syang iba samantalang wala ka namang matibay na basehan na mangyayari nga yun...tinamaan ka na ng "selos virus". Pag lumala yang sakit mo na yan, hindi ka na magiging normal. Paano mo maagapan ang sakit na yan? Ganito yan.
Panatilihin ang self-confidence- Ang hirap sa isang tao, wala na ngang tiwala sa karelasyon nya, wala pang tiwala sa sarili nya. Lingid sa kaalaman ng mga seloso't selosa, ang dahilan ng matinding selos nila ay ang pagdududa sa sarili nilang kakayahan o abilidad. Nangyayari na pinagdududahan nila ang sarili nilang kakayahan oras na simulan nilang ikumpara ang sarili sa iba. Huwag ikukumpara ang sarili sa iba dahil magkakaiba ang bawat tao. Magkaroon ka ng 100% na tiwala sa sarili na ikaw ang minahal nya dahil para sa kanya, ikaw ang "the best among the rest".
Huwag maging over-conscious- Hindi makakatulong na palagi mong iniisip na pangit ka, mataba ka, na may mas maganda/pogi at mas sexy pa kesa sayo na mami-meet ng mahal mo at maaari ka nyang ipagpalit dahil sa itsura mo. Kung lagi mo kaseng babanggitin sa kanya ang mga kapangitan mong pisikal sa kanya, baka mairita siya at mangyari ang kinatatakutan mo. Maniwala ka na mahal ka nya hindi dahil sa panlabas na kaanyuan mo kundi dahil sa kagandahang panloob mo, hinding hindi ka makakaramdam ng selos.
Huwag matakot at magkaroon ng lakas ng loob- Kung galing ka sa isang relasyon na kung saan ay pinagpalit ka ng mahal mo sa iba, may tendency na maging sobrang seloso at paranoid ka sa kasalukuyang pakikipagrelasyon mo. Alam nating lahat na hindi perpekto ang tao dahil tao lang at natutukso. Pero ngayong pumasok kang muli sa isang relasyon, hindi makakatulong na gwardyahan nang husto ang minamahal mo. Kapag yan ay sobrang napressure at nasuffocate dahil sa sobrang pagbabantay mo, baka lalong mawala yan sayo. Imbes na mag-ala Gary Payton sa pagagwardya sa mahal mo, ibigay mo ang 100% na tiwala sa kanya at maniwala na hindi pare-pareho ang mga tao at hindi ka lolokohin ng mahal mo tulad ng ginawa sayo ng ex mo.
Huwag magpakontrol sa inggit- Minsan, insecurity o inggit ang namamayani satin at ang epekto, ito na ang kumukontrol sa'tin. Pag inggit at puro inggit na lang ang nasa katawan natin, magiging hobby na rin natin ang pagseselos. Hindi lahat ng bagay na sa tingin mo ay OK at magpe-please sa mahal mo ay kelangang mapasayo, masigurado mo lang na ikaw lang talaga ang mamahalin nya. Sa totoo lang, walang challenge ang maging inggetero/inggetera dahil inaalis nito sayo ang pagiging competent mo na tao at sinisira din nito ang self-confidence mo. Hindi dahil pogi, hunk at may cute na dimple ang kapitbahay ng girlfriend mo ay palagi mo nang imomonitor ang FB wall at cellphone inbox nya. Hindi dahil wala ka ng mga characteristics na meron ang iba ay magiging paranoid ka na. Tandaan na magkakaiba ang mga tao at ang kelangan mo lang gawin ay:
1. mag-focus sa tunay na strength o asset na meron ka,
2. maging proud ka sa kung sino at ano ka,
3. magtiwala ka sa sarili mo,
4. patatagin ang tiwala at magkaroon ng faith sa partner mo at sa relasyon nyo,
Pag nasunod mo ang mga nabanggit kong yan, wag ka na masurprise kung ikaw ang laging maging bukambibig ng gf/bf mo dahil sa pagiging proud niya sayo.
Wag nang magselos baby!