Monday, June 6, 2011

How to get a girlfriend through NBA Games?


Siguro nagtataka ka sa title ng sinulat ko sa araw na to. Sobrang natutuwa ako sa NBA Finals 2011 at naisip ko na pwede itong gawan ng story...ng love story. Panu ko gagawin yun? Ginawa ko na at babasahin mo na lang. :-) Sana magustuhan mo.


Miami vs. Dallas: Heart vs. Heart

Nagsusulat ng lecture ng prof nila ang isang cute pero medyo geek na 3rd year college student na girl nang may mapansin siyang makulit na tanong ng tanong sa kanya. Nilingon nya at lalo siyang nairita nang makita nya na yun pala yung pinakamayabang nyang kaklase. Nonsense na naman ang guy sa mga oras na yun at nagpapapansin. Usap usapan na gusto raw sya ng guy na ito pero may pagkatorpe daw. Habit din daw ng guy na ito ang kulitin at kunin ang atensyon ng isang girl sa paraang nakakainis samantalang pwede naman nyang ayain na lang sa date ang girl at magtapat ng maayos. Yun nga lang sa kasamaang palad ay kilala si girl bilang isang consistent na pala-aral at never nakikipagdate kahit kanino. Isang araw, hindi na talaga kinaya ni girl ang kakulitan ng guy at sinigawan nya ito sa gitna ng klase. Nagalit ang prof nila at nirequest na lumabas muna sila at pag usapan kung anung problema nila at bumalik sa loob pag ok na sila. Lalong nagalit si girl dahil first time na nangyari yun sa kanya bilang isang deans lister. Kinausap nya ang mayabang na guy at tinanong kung anung dapat nyang gawin para tantanan lang sya nito. Sinabi ng guy na wala itong balak na tantanan sya dahil lalo itong naaatract sa kanya pag nagagalit sya at naiinis. Pero since naiintindihan ng guy na gusto ni girl ng deal para di na nya ito kulitin, nakipag deal si guy na kapag natalo ng Dallas ang Miami sa Best of 7, 2011 NBA Championship ay
hinding hindi na sya nito kukulitin pero pag natalo ng Miami ang Dallas, lalabas sila para manuod ng Troll Hunter at siya (girl) ang magbabayad ng movie ticket. Pagkatapos naman nun ay wala na silang pansinan at di na sya kukulitin ng guy. Ang pinagtataka ni girl ay panu nagkaroon ng idea ang guy na mahilig sya manuod ng NBA at favorite team nya ang Dallas Mavericks? Late na ng napansin nya ang malaking picture ni Dirk Nowitzki na nasa notebook nya habang nagsho-shoot ng bola sa trademark nitong moves. Anu't anupaman ay pumayag sya sa deal although medyo unfair lalo na't medyo tight ang budget nya sa allowance dahil halos naubos pera nya sa tuition fee para dito sa 1st semester. Ngunit para wag nang sirain ng guy na to araw-araw ang mood nya, papayag na lang sya na ilibre ito sa sine kahit di naman nya trip yung "Troll Hunter" dahil mas gusto nya panuorin sana yung "In the Name of Love" ni Aga at Angel.

During the NBA finals, puro sila kantyawan sa text at sa personal sa loob ng classroom tuwing matatalo o mananalo ang kani-kanilang team. Napapangiti na lang si girl dahil nuon nya lang nalaman (sa kabila ng pagiging geek nya) na ganun pala ka-cool ang maki-interact sa mga taong kapareho mo ng hilig at sadyang...di nya maexplain ang feeling pero parang di kumpleto ang araw nya pag di sila nagkulitan at nagsiraan tungkol sa mga top players from both team.
"Mamamatay tao ang top player ng team mo. Nazi si Dirk! Pumatay sila ng milyon-milyong Jewish!" panlalait ng lalaki.
"E yung big 3 ng team mo? Mga bading sila! Kung makayakap sila sa isa't isa parang sila na. Tulad mo sila, bading!" ganti naman ng babae.
"Lol, di ako bading.". 
"Bading!"
"Di nga ako bading!"  
"Bading ka!!""
"Hahalikan kita, humanda ka sakin!".
At maghahabulan sila habang nagtatawanan na parang mga bata. Sweet.

Sumapit ang last game ng finals
at nanunuod sila nun sa harap ng kanilang sari-sariling TV sets. 4th quarter at halos hindi sila humihinga sa bawat pitik ng game timer. Pareho ang score at 8 seconds na lang ang natitira. Nagdadasal na si girl... Tumunog ang timer, si Lebron ang tumira, pasok ang buzzer beater...panalo ang Miami! Sobrang sama ng loob nya. Ilang minuto pa at tumatawag na ang guy sa cellphone nya. Sinagot nya ang telepono, masayang masaya ang boses sa kabila at sobrang extreme ng pang aasar na inabot nya. Malungkot ang boses ni girl at dahan dahan lang sya kung magsalita. Medyo natigilan yung guy sa kabila na para bang naramdaman ang kalungkutan nya. Maya maya ay naghang-up na sila para magprepare sa "unfair date" na iyon. Nagkita sila sa Trinoma, sa may tabi ng carousel. Nakita nya agad yung guy na klasmeyt nya na tumalo sa kanya sa pustahan. Nakatalikod ito sa kanya at nakaharap sa umiikot na carousel. May suot itong sumbrero na katulad kay Bruno Mars. Bigla nya tuloy naalala ung crush nyang singer. Humarap si guy kay girl na may napakatamis na ngiti na halos nagpalaglag sa suot na eye glasses ng huli. He looks exactly like Bruno Mars except that he has that cutest dimple sa right cheek nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni girl sa hindi nya malamang dahilan habang papalapit sa kanya ang guy. Nang nasa harapan na nya ito ay bigla nitong hinubad ang suot na sumbrero at may kinuha sa loob, 2 tickets na binili ni guy para sa "In the Name of Love" na movie. Natigilan si girl at nagtaka, akala nya ay sya ang taya pero bakit bumili agad ng ticket ang lalaki at...yung movie pa na gusto nyang panuorin ang ticket na binili nito? Magsasalita na sana sya pero inunahan na sya ng guy "I know its weird pero alam kong unfair at hindi tama na ikaw pa ang manlilibre sakin."
"Ah ganun ba? Pero kala ko Troll Hunter. Bakit...?" hindi na naman nya naituloy ang sasabihin dahil sumabat na naman ang lalaki.
"Ah kasi naisip ko na maganda rin ang tagalog movies pero kung hindi mo gusto bibili na lang ako ng ibang ticket".
Gusto nyang sumigaw ng HUWAG! dahil gustong gusto nya yung movie pero nasabi na lang nya na..."Ok na yan, tara panuorin na natin". At nauna pang pumasok si girl sa sinehan na medyo nagmamadadali at hinahabol ang pintig ng puso nya.

Lumabas sandali ang guy para bumili ng popcorn kaya naiwan si girl sa madilim at malamig na sinehan. Excited sya sa movie kaya nang iniaabot ng guy ang popcorn ay walang tingin tingin na kinuha nya ito. Dumukot sya ng popcorn at isinubo nya ito. Paborito nya ang popcorn at mas lalo nya naeenjoy ito dahil binigay ito ng someone na unti unti nang napapalapit sa puso nya. Habang inienjoy nya ang pagkain ng popcorn ay may bigla syang nahawakan sa loob ng karton na lalagyan ng popcorn. Papel yun, nagtaka sya kung anung ginagawa ng papel sa loob ng lalagyan ng popcorn? Kinuha nya ito at binasa. Ito ang nakalagay "Sorry...". What? Ano to aksidenteng napahalo lang? Napaka unsanitary naman pala ng popcorn store na yun sabi nya sa sarili. Tumingin sya sa guy at nakita nya nakangiti lang ito habang nanunuod. Gusto nya itong tanungin about sa popcorn pero baka maistorbo lang so hinayaan na muna nya. Ayaw na nya kainin ang popcorn at nung akmang itatabi na nya ito ay may naaninag syang iba pang papel sa loob ng popcorn. Kinuha nya ito at binasa, ito ang nakalagay sa pangalawang papel "Sorry dahil lagi kitang kinukulit." Ngayon alam na nya na galing ito sa lalaking katabi nya at klasmeyt nyang makulit na sumisira ng araw nya palagi. Dumukot pa siya sa loob ng karton at natagpuan nya ang isa pang note. "Sorry sa lahat lahat ng pang iinis na ginawa ko sa'yo". Ngayon seryoso na ito, alam nyang may iba pang notes sa loob ng karton at di sya nagkamali dahil ito ang nabasa nya sa pang-apat, "Malungkot ako dahil natapos na ang NBA finals at maaaring ito na ang huli na magkakasama tayo ng ganito. Lalayo na ko tulad ng napag usapan. Sana maging masaya ka palagi.". Di nya alam kung malulungkot siya o matutuwa. Hoping for the last piece of note, wala sa loob nyang kinapa ang loob ng karton at nakita nya ang huling note..."Mahal na kita. Masakit nga lang pero kelangan ko tumupad sa usapan. Paalam." Saktong pagkatapos nya basahin ang huling note ay tumayo na ang lalaki sa upuan at humakbang na hindi man lang lumingon sa kanya. Natulala sya at hindi nya napansin na tumayo na rin pala sya para sundan yung guy. Naabutan nya ito sa entrance ng sinehan at sinimulan nya itong kausapin.
"Wag kang makasarili Rod. Akala mo nakakatuwa na bigla mo na lang ako iiwan sa sinehan na to? At akala mo ba nakakatuwa na hindi na tayo magpapansinan dahil tapos na ang deal at natapos na ang NBA? Bakit wala na bang next season? Magsasara na ba ang NBA? Ipapadala na ba sa Libya sina Dwayne Wade, Lebron James at Chris Bosh para makipaglaban sa giyera? Bakit dahil hindi na ba maglalaro si Nowitzki at tuluyan nang magiging NAZI kahit tapos na ang World War 2? Bakit mo ko iiwan ngayong...mahal na din kita? Bakit Rod???"
Imbes na sagutin sya ng lalaki na ngayon ay may pangalan na (Rod) ay dahan dahan sya nitong hinalikan sa labi. Nagalit si girl, "Bastos! Bakit mo ko hinalikan?"
Ito ang sinabi ni Rod.
"Dahil hindi ako naniniwala na ipapadala sa giyera ang Big 3 ng Miami dahil hindi naman sila sundalo at hindi ako naniniwala na sasapi sa NAZI si Nowitzki dahil matagal nang nabuwag ang NAZI at.... naniniwala ako na mahal mo rin ako tulad ng nararamdaman ko sa'yo!!!
Sa sobrang emosyon na pinaghalong saya at unexplainable excitement biglang niyakap ni girl ang lalaki ng buong higpit at nagkatitigan sila. Ilang sandali pa ay di na nila napigilan na maglapat ang kanilang mga labi. Nagpalakpakan ang mga employee ng Cinema at mga ilang daan ding moviegoers na nakasaksi sa kanila para sa ilang minutong libreng palabas sa entrance ng sinehan. Magkahawak kamay silang bumalik sa loob ng sinehan habang namumula ang mukha sa hiya. Kung ilang NBA finals pa ang pagpupustahan nila habang sila'y magkasintahan...sila na lang ang nakakaalam nun. :-)

*Ito po ay iniaalay ko sa mga girls na confuse at palaging naghahangad ng masayang love story. Sinadya kong hindi pangalanan ang character na girl para sinumang magnais na maging ganito rin ang kanilang kwento, malaya silang angkinin ang character ni "girl" sa kwento kong ito at palitan ng kanilang pangalan. :-) Salamat sa pagbabasa.- Reyner


Share