Ang kwento ng ate ko, mas nauna pa raw akong natutong magmura kesa magsalita. Pero syempre joke lang yun at magkaaway kami ng ate ko nung time na sinabi nya yun. Pero madaming nagsasabi na palamura nga daw ako. Ang sabi ko naman..."Tang ina hindi naman ah!" Ahaha... Isa lang yan sa mga bagay na maaga ko natutunan dahil sa environment ko nung bata ako. Pero salamat sa butihin kong mga guro nung early elementary days at tinuruan nila ako ng magandang asal. Isang araw tinanong ako ng lola ko "Reyner, anong natutunan mo sa school? Tinuruan ka ba ng magandang asal?" Ang sagot ko "Oo naman lola. Syempre school yun e, natural na makipagplastikan ang mga titser sa amin." Ahaha.. Pero syempre hindi totoo yan. Ang totoo'y walanghiya talaga ako nung bata ako at sa liit kong yun ay ako pa ang pinakabully sa classroom. Isang araw nga ay inapproach ako ng titser ko, "Reyner, top 2 ka na naman lang. Kelan ka ba titino at para maging top 1 ka naman?" Sabi ko sa kanya, "Maam, hindi ako interesado sa ranking na yan. Kung pwede lang ibigay ko na lang dun sa kaibigan kong nasa row 4 ang pagiging bibo ko, gagawin ko." Oo, mayabang din ako at nung time time na yun una ko yung natuklasan. Dahil mayabang ako nun at maangas, normal lang na makita ako ng nanay ko na punit-punit ang damit o putol ang tsinelas. Punit-punit ang damit dahil nakipaglaban o putol ang tsinelas dahil tumakbo at natakot sa kalaban. Pero alam mo, minahal ako nun ng marami dahil kahit pangit ang ugali ko, cute naman ako. At hindi lang dahil cute ako, madali lang din akong lapitan pag kelangan nila ng sagot during exams. Grumadweyt ako nun ng elementary na nagmamartsa sa pinakaunahan. Hindi dahil by height ang arrangement kundi dahil...ehem...alam mo na yun. Proud sakin ang ate ko at syempre pati mga magulang ko. Pero alam mo ang iniisip ko nung mga time na yun habang sinasambit ang katagang "what you sow is what you reap" na part ng speech ko? Alam mo kung ano? "Mamimiss ko ang mga biniyak kong mga kalaro..ehe...yung mga kalaro ko sa trumpo. Wala kasing trumpo nun ang hindi kayang biyakin ng super trumpo ko at ako ang hari ng trumpo nung mga time na yun." Hehehe... Seriously, may impact sakin yung line na yun sa speech ko na nabanggit ko. Actually, sa dami ng itinanim ko...matumal pa rin ang ani ko. :-(
High school days! Puro paso ng sigarilyo ang pantalon ko. 14 y/o ako nang winelcome ko ang bisyo at barkada sa buhay ko. Hindi na ako naging ganun ka-active nun sa academics at lalong naging worst ang lahat ng sunod sunod akong nainvolve sa mga trouble. Mas maraming beses kong nabisita ang guidance office nun kesa sa library. Buti na lang at isang araw ay bigla akong nain-love. Naging part ng pagpapaimpress ko nun kay girl ang good image. Naging inspiration ko din sya para unti-unting bumalik sa tuwid na daan. Hindi na ko nakahabol nun sa academics at lumamlam ang kasikatan ko sa tagisan ng dunong. Pero siguro the more na active ang utak ko sa pag iisip ng mga lessons, the more na nagiging tarantado ako. Kaya naman humiwalay ako sa dating barkada (actually, nag aaral ako nung mabuti para sa kanila, para may makopyahan sila. tsk...) at naghanap ng bago at matitino. Yun yung time na puro arts naman ang pinagkaabalahan ko at natuklasan ko na marami pala akong talent! Yes! One time nga nun ay gusto akong kunin ng VIVA films. Pero di pumayag yung nanay ko...menor de edad pa daw ako para sa bold films... nyahaha...
Dumating ang madilim na bahagi ng buhay ko nung sometime of 21st century. Nagdarahop kami nun at salat sa salapi (shet na pananagalog yan). Napadpad ako nun sa sementadong gubat at ako'y tinawag na promdi. Sa mga panahong nabigo ako na pumasok sa college, natagpuan ako sa loob ng tahanan ni "Masayahing Bubuyog". Masaya rin ang mga manok dun pero hanggang tingin at amoy lang ako dahil ayoko materminate sa trabaho. One time pinagawa ako ng IR. Dahil mayabang ako, English ang pagkasulat ko: "I apologize that i accidentally intake the pineapple juice that is suppose to be waste and needed to be disposed. This is for the reason that i grew up from the place where pineapple are considered miracle fruit and i just can't throw away that precious thing. I hope you understand that breaking the norms and culture is a hard thing to do especially in times that you've been working for 7 straight hours with only a piece of hope to get at least 5 minute break." Natouch yung manager at hindi ako tinanggal. Eto namang loko lokong crewmate ko, kumain ng ice cream! Mag eend of contract na ko nun pero nagresign ako. Bakit? Kasi ako ang lider ng mga tirador ng pagkain at baka ikanta nya ko. Ahahaha... Hindi pa pala ako nadala dun sa pineapple at yun pala yung tinatawag na "good start". Halos magtayo pa ko nun ng Mafia kung hindi lang nahuli yung kasama ko na yun...."Chicken Joy Mafia".
Eto na ngayon. College days. Panahon na kung saan naganap ang pinakamalaking pagpapanggap sa buhay ko. Madaming hot chick sa college. Pero tamang tingin lang ako nun. Parang yung kanta ni Yano: "Patingin-tingin...di naman makakain...". So syempre kelangan ko kunin atensyon nila. E dahil nga hindi naman sa pagyayabang e biniyayaan tayo ng konting kabibuhan, nag aral pa ako maige. Tapos everyday, pag di na ko nakita ng mga friends ko...malamang nasa important mission ako nun...nagiging misyonaryo ako na parang Saksi ni Jehova. Naghahanap ako ng mga "palung-palo" na chick na nangangailangan ng magtuturo sa lectures o sa assignment nila. Alam mo kung anung ending nun? Hindi naman din ako nagka-girlfriend. Ahaha... Pero nung late part ng college at dahil aksidente at talagang hindi inaasahan na naging Mr RTU ako (naks!) naging in demand ako. May magtetext sakin "Pwede ka ba makilala?" Reply ko "Hindi na ako tumatanggap ng manliligaw. Sorry". Ganun kakapal ang mukha ko! Ganun ako ka-feeling, ahahaha... Uhmmm...60% sa kanila ay bading, actually so hindi pa rin ako masyadong proud. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung itong malaking ano ko ang dahilan...itong malaking ano...nunal ko sa likod....kung bakit puro gays and bi and umaaligid sakin... hahahaha... So para paikliin ulet ang humahabang istorya, masalimuot pero masaya ang college life ko at dahil naenjoy ko ng husto, ang dapat na 4 years para sa course ko ay naging 5 years. Nakakadissapoint pero pinagbayaran ko yung mga kalokohan ko at nag extend pa ko ng isang taon. Ang positive thought naman dun ay hindi ako gumive up at sinikap ko pa rin makagraduate...with zero casualty and without anyone carrying something in their womb. :-)
Currently, ako ay isang butihing tambay. Nalay-off ako sa previous work ko at ngayo'y searching for a new job. Sa lahat ng pinagdaanan ko isa lang ang naconclude ko...ang buhay ay hindi simple. Kumplikado ang buhay at ito ay lalong magiging mahirap kung magiging paeasy-easy ka lamang. Hindi masamang maging cool, pero kung long term ang target mo para magrelax at mag chill...bakit hindi ka na lang maglaslas ng pulso? Minsan kasi ok lang satin na wala tayong silbi tutal kumakain pa rin naman. Pero shet isinusuka ng lipunan yung mga tulad ng marami na hindi man lang kakitaan ng sign ng pagsusumikap sa buhay. Huwag tayong panghihinaan ng loob na subukin ang sarili natin para makamit ang mga bagay na gusto natin. Basta ba yung mga gusto natin ay para sa ikakabuti ng sarili natin at hindi rin makakasira ng buhay ng iba at ng lipunan. Make the most out of this short life pero always remember na lagi yang may kaakibat na responsibilidad...wag tayong aabuso. Last but not the least, lagi nating iisipin ang pagbabago at sabi nga'y "nothing is constant in the world except change". Change for the better or change for the worst...option yan para satin. Luko-loko ka kung may opportunity ka na baguhin ang buhay mo para sa kaayusan pero di mo pa sinamantala. Although change is change and will still change and will keep changing, kelangan lang natin maging aware, prepared at maging makapal ang mukha este malakas ang loob sa pagharap sa mga pagbabago. Ok? Oryt? :-)