Saturday, June 25, 2011

9 na bagay na "WAG" mong sasabihin sa boyfriend mo


Girls, narito ang mga nakalap kong ideya tungkol sa mga bagay na totoong hindi maganda sa pandinig at maaaring wag nyo na lang banggitin o sabihin sa inyong boyfriend. Ito ay para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at maiwasan din ang pagtatalo lalo na kung ang boyfriend mo ay mas sensitive pa sa ngipin na nangangailangan ng isang drum na sensodyne.


1. "Di mo pa rin sya malimutan nu?"
-- Ang totoo nyan, wala talagang maganda sa pagiging paranoid at ayaw ng mga lalaki sa mga paranoid na girlfriend. Hindi dahil biglang isang araw ay nagising ka na lang na parang may bumubulong sa'yo na "mahal pa rin nya ex nya" ay bigla mo na lang ioopen ito sa bf mo. Laging tatandaan na magkaiba ang hinala sa tiyak o sigurado.


2. "Puro ka na lang gastos. Kung anu-anong gadget ang binibili mo."
-- Ang ayaw ng mga lalake ay yung parang kinokontrol sila tulad ng "dapat ganito...dapat ganyan". At ang pinakapangit na iopen-up sa kanya ay ang tungkol sa paggastos nya ng pera lalo na sa mga bagay na trip nya lalo na ang gadgets. Siguro naman ay alam mo na ang pagkakaiba ng girlfriend sa asawa.


3. "May napapansin ka bang kakaiba sakin?"
-- Kung hinihintay mo lang na purihin ng bf mo ang bagong pedicure mong kuko sa paa, hayaan mo na lang na sabihin nya at wag mo nang pasaringan para lang mapansin. Minsan kasi pag maliit na bagay lang at hindi naman talaga masyadong pansinin, nanghuhula lang si bf at baka madissapoint ka lang kung biglang sabihin nya "ah oo may kakaiba sa'yo ngayon, may bago kang pimple.". Kung mapapansin nya, magtatanong sya. "uy ganda ng haircut bhie, bagay na bagay. uy ganda ng kuko bhie, kelan ang libing?"


4. "Ang tali-talino talaga nung classmate kong yun..."
-- Sa totoo lang, mas gusto marinig ng boyfriend ang mga compliment tungkol sa kanya. Ang mga compliment para sa ibang lalake na sounds nagkukumpara sa kung anung kakayanan na meron sya ay nagbibigay lang kay bf ng insecurity. So, wag mo na sanang i-test ang damdamin ni bf dahil hindi naman magsasalita yan kung nasasaktan na sya kung  hindi sya ganun katalino, hindi ganun kagaling kumanta o hindi ganun kagaling magbasketbol na katulad ng iba. Masasaktan sya pero kelangan bang saktan ang damdamin ng nagmamahal sayo para lang sabihin mo na mahal ka nga nya talaga?


5. "Ok na."
-- "Anung ok na? Yun lang ang masasabi mo?" Pag hindi nagkakaintindihan, may awayan, hindi magandang idea na manahimik na lamang at mag-agree na lang bigla. Oo, peaceful nga yun pero hindi yun gusto ng mga lalake. Ang gusto ng mga guys ay tapusin ang usapan o at least bigyang linaw ang problema ninyong dalawa sa paraang tingin nya ay the best. Kahit may konti man kayong pagtaas ng boses, ituloy nyo lang ang usapan. Huwag basta-basta na lang sabihing"ok na" para lang matahimik. Ano yun, sinasakyan mo na lang para lang walang gulo?


6. "Ang taba ko na ba?"
-- O may panalo ba naman ang boyfriend mo sa'yo kung sabihin nyang "OO"? E kung sabihin man nyang "HINDI" sasabihin mo naman sinungaling siya. Anlabo di ba? At tsaka hindi gusto ng mga guy ang mga babaeng kulang sa self-confidence. Kung nag-gain ka man ng weight, e ano naman? Wala namang mababawas sa pagtingin nya sa'yo. Kaya itigil na ang pagiging over-conscious.


7. "Mga kaibigan mo nonsense, walang kwenta, etc.!"
-- Kung ganun, siguro wag ka na lang maki-get along sa mga friends nya. Pero wag kang magsalita lalo na sa harap ng bf mo nang against sa kanila. May freedom of expression nga tayo pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay applicable yan lalo na kung maaapektuhan ang damdamin ng mahal mo. Kung hindi mo tanggap mga friends nya or relatives nya, try to learn to adapt to them. Malay mo baka wrong judgement lang yan at sa totoo lang e super nice naman pala talaga sila. Ikaw din baka pag pinapili mo bf mo kung ikaw o yung friends niya magulat ka sa pipiliin nya. Tsaka isipin mo na lang kung maging ganyan din sya sa mga friends mo di ba?


8. "Alam mo ba kung anung petsa ngayon?"
-- "Petsa uno. Bakit? " So what kung hindi maalala ni bf ang date ng anniversary nyo? Ang mga boys ay hindi tulad ng girls na masyadong updated sa mga ganyang selebrasyon. Pero hindi dahil nakalimutan na ni bf ang foundation day ng relasyon nyo ay hindi ka na nya mahal. Mag-isip ka. Bakit hindi mo na lang kaya sya sorpresahin at instead na tanungin mo ng tanungin hanggang makulitan, show him how important he is sa'yo and let him know about that important day by giving him a present or a gift.


9. "Alam mo yung ex ko...blah, blah, blah."
-- "E anung pakelam ko sa ex mo?". Ang mga lalake ay kuntento na marinig ang history of the past mo once lang at ang iba nga sa kanila ay hindi na inaalam ang detalye ng past relationship mo dahil hindi na mahalaga sa kanila ang nakaraan mo at ang importante sa kanila ay ang kasalukuyan at ang hinaharap na kasama mo sya. Actually, dapat both of you ay hindi na nagbi-bring-up ng mga stories or topic tungkol sa mga ex nyo. Ang ending kasi ay iisipin nyo na hooked up pa rin kayo sa mga ex nyo at syempre hindi healthy yung ganun sa isang relasyon.

Share