Friday, February 25, 2011

Ano ang mga dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng Boyfriend?



Bakit nga ba sa edad mong yan na 24 ay wala ka pa ring boyfriend ate? Ano ba kasi ang nangyari? Ano ba ang meron sila na wala ka? "Ayoko pa e. Di pa ko inlove." Asus maniwala ako. E bakit yung kapitbahay nyong 16 y/o kahapon lang sinabi nya na di pa sya inlab pero kanina nakita ko me kayakap na guy sa mall? Ano ba ate? Anung petsa na? Magtataas na naman ang pasahe sa MRT wala ka pa ring boyfriend? Ano ka ba naman? Wag ka na kasi magpapaniwala sa kasabihang kung darating ay darating at di kailangang hanapin. Panahon pa ni Tandang Sora yang kasabihan na yan e. Wala nang Wowowee para maqualify ka sa Wheel Of Fortune pag ang category ay girls na NBSB o girls na single since last millenium(may WilingWillie pa naman daw). O sige bakit nga ba zero boyfriend ka ate? Ah siguro ganito yan:

1. Hindi mo man gusto pero madalas ka lang sa bahay. O kaya ay hindi mo gusto nung una pero nagustuhan mo na rin pagtagal na maburo lang sa loob ng bahay nyo. Hindi ka naglalabas kaya ang puti puti mo pero walang kwenta dahil hindi ka man lang masilip at makausap ni kuya na matagal nang me crush sayo simula pa nung hindi pa nauuso ang dota. Tsk... ngayon si kuya, mas ginusto na lang magdota kesa maghintay na makausap ka kahit 59 seconds man lang. Tsk...

2. Lalabas ka ng bahay nyo, maglalakad ka sa kalye, pero ang lakad mo, daig mo pa si Robin Padilla. "Mga tol, tinigilan ko na yan, nakasama sa atay ko, kaya ngayon liverspread na lang". Te babae ka, at tsaka pwede patawarin mo na yang mga chucks mo at butas na pantalon? Hindi ni kuya iniisip na tibo ka pero iniisip nila na ganun ka kya dyahe kung popormahan ka nya na mas macho ka pa kesa sa kanya. 

3. O ngayon pormang lalaki ka na nga, puro boys pa mga kaibigan mo. Tapos tatanungin ka ng isa pang ate," Anung trip mong basahin nung teenage days mo?" "Wow dahil stuck-up ako sa bahay me koleksyon ako ng candy magazine." Astig, pero gusto mo lagi kasama mga boys na puro "bar room jokes" ang alam na topic. Si kuya tuloy pati tela ng damit nya umurong dahil sa pagka turn-off..

4. Oo nga minsan nakita kita nag iisa. Nakita ka din ni kuya at lumapit sya sayo. Ewan ko kung anung iniisip mo sa mga oras na yun at parang pinagsalpok na Neptune at Jupiter ang porma ng muka mo. Bakit? Di ba pwede ngumiti man lang? Me bayad ba ang pag-smile? Tsaka alam mo mabuti pa yan kilay mo nagtataas baba, samantalang yung elevator natin once in a blue moon lang makitang gumalaw. Tsk... Ang suplada ng dating mo te. Si kuya tuloy ni hindi man lang nasabi sayo kahit yung initials ng pangalan nya. Tsk..

5. Teka lang, tama ba yung narinig ko sayo nung isang araw? Na narealize mo na T.O. ang guy pag puro guys din ang kasama mo. Kaya ngayon puro girls naman ang kasama mo? Pero te, ikaw naman ngayon ang nagmukang lalaki pag kasama mo sila. Mga anghel sila at muka kang si San Pedro. Ayan limang guys papalapit sa inyo. Sakto lima lang kayo.... ... ... ahmmm... biglang bumilis yung lakad ng isa..papalayo. Whoa! lahat sila me partner, ikaw lang wala. Kasi naman di ka gumamit ng ponds kaya ayan parang pond ng oil ang muka mo te. Mag ayos din kasi ng sarili pagmiminsan at kung alam mong masyadong magaganda ang kasama mo, distansya ka konti. Kahit si Ultraman Ace ay hindi nanalo dun sa isang laban nya dahil talaga namang wala syang itatapat. Parang ikaw, ilusyon lang ang kaya mong itapat sa mga friends mong palung-palo. Hmmm... makeover kelangan mo te. Oooopss.. author lang ako ng blog na to, hindi ako parlorista. ahaha..

6. Good morning! O anu naman yan? Me bago ka na bang career? Hiring ba ng clown ngayon? Bakit ganyan kakapal make up mo? Pagpagin mo yang foundation mo, nahahatsing na din ako sa sobrang kapal nyan. Tsaka yang buhok mo, buhay pa ba ang nagkulot sayo? Nagmuka kang poodle na hindi pinakain ng isang linggo at isang isang gabi...anung nagawang kasalanan sayo ng buhok mo? Te wag namang OA. Make over hindi make over acting. Ok?

7. Anung ginagawa mo? OO, alam ko nagbabasa ka ng libro. Pero bakit? Bakit si Edward na naman? Lagi na lang bang si Edward? Andito naman si Popoy, wala ba syang karapatang mahalin? Te pag ganyan ng ganyan magnewnew moon, mag eeclipse at magugunaw ang mundo pero mananatili kang single at mamamatay na nagpapantasya. Si Edward ay hindi totoo at walang ganyang kaperfect na guy na nag eexist sa mundo. Eto si Popoy, pansinin mo naman sya. Si Popoy ang muka ng reality kaya sana wag ka nang choosy. :-(

8. O ano? Sinasabi mo na gusto mo nang magkaboyfriend pero di mo naman maiwan yang pinagkakaabalahan mo. Te pag weekends pahinga ka naman. Hayaan mo na muna yang Barangay and have time for yourself. Tsaka ambata mo pa para maging ganyan ka kaaktibo sa homeowners association. Tsk... Me palabas ngayon, yung My Valentine Girls. Pag inaya ka ni Popoy, pagbigyan mo din. Hindi ko sinabing para mapanuod mo yung role ni Eugene Domingo pero mas ok na mapanuod mo. Te have time for yourself and to some other thing. Di ka magkaka-bf kung kahit katiting ng time mo ay hindi mo kayang ispend para sa love and romance.

9. Oo naiintindihan ko. Bread winner ka pero kahit ang tinapay ay paminsan minsang naghahanap ng kape na mapagsasawsawan. Ate lahat ng tao ay naiintindihan ang kalagayan mo, at kahit ang pamilya ay siguradong magiging masaya kung sa edad mong yan ay may someone ka na nagtetext sayo ng "i love you babe", "Kain ka na po, wag ka pagutom", "good nyt babe, mawawalang ng ningning ang mga tala pero ang ilaw mo'y di kailanman maglalamlam (dinaig pa philips bulb)". Yung mga ganyang text tsaka maexperience mo man lang magkaron ng hindi pekeng "in a relationship" na status sa facebook. Di ba masaya yun? Te maikli lang ang buhay, enjoy mo sarili mo. Lagyan mo ng kulay ang buhay mo...patulong ka kay Popoy. (epic na si Popoy)

10. Get over from your past. Sabi nga ni Master Oogway (yung pagong na master ng kungfu) sa Kungfu Panda: Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the present. Ang ibig sabihin nyan, kalimutan mo na yung past mo. Kung sinaktan ka ni Buknoy noon, decades ago, wag isipin na ganun din ang gagawin ni Popoy (nabanggit na naman si Popoy. Naalala ko tuloy yung dati kong crew mate sa Wendy's na palaging puyat pero palaging nakangiti. Tsk..) Malay mo, pag naging kayo ni Pops (Popoy) maging ok ang relasyon nyo. Wala kang idea kung ano ang mangayari sa future pero lalo ka namang magiging clueless kung hindi mo susubukan. Hindi mo malalaman na "gift" pala ang pag-ibig at ito'y dapat na magsimula na ngayon. Kaya kung ako sayo iexperience mo magmahal ulit at mahalin. At wag mong ipreserve nang matagal yang matamis mong "oo"...papait ang lasa nyan.

Pops ok na. San ka na Pops? Popoy? Ready na si ate. San ka na Poy? Tsk... ang tagal ko sinulat to tapos hindi rin pala magiging kayo. Pero teka, anong meron sa mata mo ngayon? Hindi naman yan dahil sa contact lens di ba? Ang ganda ganda pala ng mata mo, ngayon ko lang napansin. Parang nakakamagnet ang tingin mo...Ahmmm...wag ka naman tumingin ng ganyan...nadadala ako e. Single din ako, sige ka. :-)

Ahahaha... at sana pagkatapos mo to basahin, makapag isip ka kung ano ba talaga ang gusto mo. Kumanta ng "Single Ladies" habang panahon o simulan nang kumanta ng "You belong With Me". :-)


Share