Tuesday, March 8, 2011

Usapang Break-up



Habang nanunuod ako nitong "Ghost Adventure" dito sa rin sa site ko na kung saan ay pinag-uusapan ang mga ispiritu, mga kaluluwa ng mga namatay, mga demonyo, mga traffic enforcer, mga adik na pulitiko (mas nakakatakot yung huling dalawang nabanggit) etc. biglang pumasok sa isip ko yung kaibigan kong broken hearted at iniwan ng girlfriend. Naalala ko yung itsura nya na parang tinakasan na ng pag-asa at isang hibla na lang ang nagdudugtong sa buhay nya at sa kamatayan. Kaya nung nagkaroon kami ng tsansa na magkausap sa isang session at dahil ang inyong lingkod ay nagdaan na rin sa naturang karanasan, pinayuhan ko sya.


Ang sabi ko sa kanya, Ron...


- Hindi pa katapusan ng mundo, wag mo masyadong damdamin...

- Lahat nang bagay ay dumarating sa katapusan, kailangan lang tanggapin..

- It will take time para maghilom ang sugat pero maghihilom din ito.. di ka naman diabetic di ba?

- Kung sa buong panahon na nagkasama kayo ay tinuring mong wala syang katulad at nag iisa lang sya sa mundo...isipin mo pa ring nag iisa lang sya sa mundo na gusto mo nang ibaon sa limot at kung;

- Gusto mong makalimot...wag mong sabihin..gawin mo...

- Maglasing ka pero bago mo lunurin ang sarili mo sa alak, isipin mo na hindi ang utak mo na gustong makalimot ang responsable kung bakit ka nasasaktan...kundi yang puso mo.. at tanging ibang puso lang din ang makakagamot dyan. Pero;

- It will take time until matagpuan mo ang pusong magiging katuwang ng puso mo. Sa ngayon pag -aralan mong lumimot  pero maglasing gabi gabi? Huwag naman or ibenta mo na lang kaya yang atay mo sa nangangailangan, tapos hati tayo sa pera. (Tinagay ko muna yung alak dahil naghihintay and then proceed sa mala-Confucius kong mga salitaan.)

- Oopss.. I said wag mong hanapin pero pwede ka maghintay. Wag mong isipin na kelangan mo ng panakip butas... kawawa naman ung magiging panakip butas mo..

- Makialam sa pulitika, manuod ng tv, magbasa ng dyaryo, makibalita... makikita mo na "hindi lang pakikipagirlfriend ang bagay na pwede mong gawin sa mundo"..
i-divert mo yan sa ibang bagay...

- Philippines is economically deprived. Mahal ang ataul. You deserve someone better.. i assure you... basta wag ka lang magmadali... darating din sya.. think positive...wag kang aayaw.



Medyo matagal na rin yun at ngayo'y mukhang OK na rin naman si Ron. Effective, nakamove on na sya at palagi na ulit syang nakangiti ngayon. Sinabi ko sa kanya na mabuti at sinunod nya ang payo ko (drunken master) at panindigan na nya yun dahil kaming mga kaibigan nya ay lubos na natutuwa para sa kanya. Alam nyo ang buhay ay maikli lang naman daw pero hindi dahil maikli lang ito ay magiging mainipin na tayo at palaging magmamadali. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natin kalevel mag isip ang chimpanzee ay para pangunahan natin ang pagpapasaya at pagbibigay buhay sa nag-iisang mundong ito na ineregalo sa atin. Ang buhay ay minsan parang wala nang halaga. Pero isipin mo na lang kung bakit pati mga ipis at butiki sa loob ng selda ni Echegaray ay nagtatatalon at naluha pa sa tuwa nung inakala nilang hindi na mabibitay ang kawawang preso. Isipin mo na lang kung bakit yung kapitbahay nyo na lubog sa utang ay nakangiti pa rin at kahit alam nya kung saan matatagpuan ang lubid at pagsasabitan nito ay mas minamabuti nyang makipagkutuhan na lang kasama ang mga kumare (take note: lalaki yung kapitbahay nyo na tinutukoy ko). See? Ang break-ups, hiwalayan at kung anupamang klase ng kabiguan ay hindi dinesign para kitilin natin ang sarili nating buhay. Masaya ang mabuhay. At kung may pagkakataon pa nga na pahabain ito, gawin natin. Tsk.. wala po akong planong magtatag ng sarili kong relihiyon.


Thanks for reading. :-)



Share