Showing posts with label sorry. Show all posts
Showing posts with label sorry. Show all posts

Thursday, March 17, 2011

Paano Humingi ng Tawad sa Boyfriend?

Update: Sa mga nagrerequest po kung saan ako pwede i-message, send me email po at valenciaprudencio@gmail.com.

"Gomenasai" ay salitang Hapon na ibig sabihin ay "sorry" o "patawarin mo ako". Karaniwan na sa mga relasyon ang tampuhan, hinanakitan at samaan ng loob. Sa magpartner, masasabi ko na mas doble ang impact ng mga nabanggit sa part ng guy o ng lalaki. Ito ay dahil mas grabe magalit ang lalaki kesa sa babae at kapag hindi nagawan ng paraan para mawala ang galit o sama ng loob nya ay maaaring maging dahilan ito ng magulong relasyon or at worst, hiwalayan. Although dapat i-consider ng girl yung gravity o yung kung gaano kabigat yung nagawa nyang kasalanan, ang bottomline pa rin ay ang pag-hingi ng tawad at kung paano ito gawin sa epektibong paraan. Lets take it in a general sense, ang paghingi ng tawad sa boyfriend para na rin sa pagkakaayos ng kung anumang gusot na dala ng nagawang kasalanan ni girlfriend:

ALAMIN sa sarili ang nagawang kasalanan- Importanteng alamin kung ano ang nagawang kasalanan. Kung hindi na kailangang itanong sa boyfriend kung ano nga ba yun at least mag effort na pag isipan kung anong nagawang kasalanan. Mas ok kung sakto mong masasabi sa kanya ang nagawa mong kasalanan dahil minsan ay "bad trip" para sa guy na parang nagtatanga-tangahan ang girlfriend nya at di alam o sadyang manhid lang talaga at di marunong makiramdam kung me nagawa na syang mali o wala. Itanong sa sarili bago matulog "Bakit sya nagalit? Ano ang nagawa kong pagkakamali? etc. Initiative kumbaga. 

TANGGAPIN ang nagawang kasalanan- Pagkatapos isipin kung ano ang nagawang kasalanan, tanggapin muna ito sa sarili (syempre kelangan marealize mo muna ito with yourself dahil fake ang sorry na masabi lang na nagsorry). Pag natanggap mo na sa sarili mo na ikaw nga ang mali at yun ang naging pagkakamali mo, be ready for the next step, ihanda ang sarili sa actual na paghingi ng tawad.

I-consider ang TAMANG TIYEMPO- Hindi mo naman siguro gustong istorbohin ang boyfriend mo habang seryosong nagbabasa ng notes nya para sa paghahanda sa final exams o kaya ay kausapin habang nagmamadaling pumasok sa trabaho. Tamang tyempo, tulad ng paghihintay sa labas ng campus nya kung umuulan at wala syang payong o pagdalaw sa bahay nila pag weekend habang meron kang dalang mainit na sinigang na baboy na paborito ng boyfriend mo or any food na trip nya. Totoo talaga kasi ang kasabihan na the way to a man's heart is through his stomach.

Daanin sa SULAT- Isa rin itong way para maiparating sa kanya ang paghingi mo ng tawad. Basta wag kalimutang banggitin sa sulat ang nagawa mong kasalanan at ang pag-sosorry. Ilagay din sa sulat ang willingness mo na magkausap kayo after nya basahin ang sulat. Hindi text, hindi fb message, hindi fb wall post, hindi fb chat, SULAT as in sulat kamay mo. Sa panahon ngayon, na  available na ang teknolohiya para maiparating ang mensahe, try something different para magkaroon ng impact sa bf mo and by letter, siguradong maaapreciate nya ang effort mo ng paghingi ng tawad sa kanya.

Maging SINCERE sa paghingi ng tawad- Hindi sapat na humihingi ka ng tawad, dapat ay paghingi ng tawad na may sincerity, honesty at talagang buong puso at totoong-totoo ang paghingi mo ng sorry. Magagawa mo to kung walang halong pagja-justify ang salita mo at iwasan ang mga statement na tulad ng, "Kaya ko nagawa yun dahil...", "Ano ba ang masama dun kung..." etc. 
Hindi manhid ang guy at mararamdaman niya ang honesty sa bawat salitang sinasabi mo at please lang, hindi mo kelangang magdrama at daanin sa pag-iyak ng todo...tsk..

EYE CONTACT- Siyempre tanda ng pagiging sincere o tapat ay ang pagtingin ng diretso sa mata. Hindi iiling-iling at kung saan-saan ibinabaling ang paningin. Hindi nakatungo ang ulo at higit sa lahat ay hindi nakatalikod. Nakaharap sa kanya at nakatingin sa kanyang mga mata habang malinaw na sinasabi ang gustong sabihin. 

SMILE- Hindi naman kelangang heavy drama ang maging eksena. Kalma lang. Sa katunayan, ang minsang pag-ngiti habang kinakausap sya at pagpapakita na maaliwalas ang iyong mukha ay pagpapakita na positive thinking ka at sya rin ay magiging ganun din at mapapatawad ka nya. Iwasan lang tumawa dahil baka bigla ka matadyakan ng boyfriend mo. Yung saktong ngiti lang. :-)

MAS MAIKSI, mas ok- Wala ng paligoy-ligoy, direct to the point, sabihin ang nagawang kasalanan, ipadama na tanggap mo na nagkamali ka and then say the word "sorry","pasensya ka na" o "patawarin mo ako". Huwag magbigay ng kung anu-anung dahilan na para bang binibigyan mo ng hustisya ang nagawa mong pagkakamali na para bang dapat ay excuse ka dahil nagawa mo yun. Iwasan ang salitang "babae ako at ganito ako", stereotyping ang tawag dyan at masyadong diktador sa pandinig at ego ng lalaki. Huwag ungkatin ang nagawang pagkakamali ni guy in the past na kesyo nambabae sya o anupaman para lang maihambing nagawang kasalanan at masabing quits o patas na. Magfocus lang sa bagay na inihihingi ng tawad. Malilito lang kasi ang guy at maaring lalo lang kayong magtalo at baka isipin nya na lalo kang nagmamataas imbes na magpakumbaba. Sabihin mo lang na nagsisisi ka dahil nagawa mo yun at tao ka lang din na nagkakamali minsan. Tandaan, ang pag-uusap na may patutunguhan ay hindi kailangang tumagal ng apat na oras o hanggang kalahating araw...away na ang tawag dun.

MANGAKOng hindi na gagawin ulet- Oo, hindi masamang mangako. Ayaw ng lalaki ng linyang tulad nito: "Ayokong mag-promise o mangako. Promises are meant to be broken kaya gagawin ko na lang ang pagbabago". Mali ito. Bakit? Dahil ang dating nun sa guy ay pagiging "playing safe". Para ano? Para maging ok lang kahit ulitin ni girl ang parehong pagkakamali? Kesyo sinubukan nya baguhin at iwasan ang dating pagkakamali pero sadyang di nya naiwasan? Then what? Pag nagalit na naman si guy sasabihin ni girl na wala naman syang iprinamis. Ang gusto ni guy ay magkaroon ng sense of commitment sa bagay na pinagsisisihan. Yung konkreto, may assurance at reliable na statement. The best kung maririnig ni bf mula kay gf ang linyang "I swear or I promise na hindi ko na gagawin ulet" dahil sa line na ito, sure na may direksyon ang gagawing pagbabago. Para din naman ito sa ikakabuti ng relasyon nilang dalawa at kung mahal talaga ni girl ang bf nya, igi-give up nya ang pride na yan na walang magagawa sa relasyon kundi ang sirain ito. Pipiliin ni girl na magpakumbaba. 

Meron ding keyword na dapat laging alalahanin para maachieve ang part na ito "maturity". Maging matured mag isip at kung sa tingin mo ay hindi ka pa fully grown up, grow up! Mahalaga ang maturity ng isang tao sa anumang uri ng commitment.

Humingi ng SECOND CHANCE- Kung malala ang nagawang kasalanan at sa tingin mo pati ang pagsisisi mo ay hindi nya tinanggap o matabang ang ginawang pagtanggap, humingi ka ng second chance. Sa ganitong paraan, mas secured na magkakaroon kayo ng absolute reconciliation o tuluyang pagbabati. Isa rin itong tanda ng pagpapakumbaba at pagiging submissive kay guy sa partikular na bahaging ito ng pakikipagrelasyon. Though not in the sense na total act of being submissive at all times pero being submissive sometimes is really necessary.

HUWAG NAGMAMADALI- May mga girls na kapag nagawa na nila yung mga bagay o steps na nabanggit ko sa itaas at wa-epek pa rin kay guy, nagagalit sila at para bang gustong sabihin na dapat once na nagawa na nya yun ay dapat patawarin na agad sya. Hindi ganun. Lalo na kung medyo malaki ang sugat na nagawa mo sa puso ng boyfriend mo at nangangailangan ng time  para pagalingin. Be patient, hold on. Be patient dahil hindi automatic ang pagpapatawad lalo na kung traumatic ang naging epekto ng pagkakamaling nagawa mo. Hold on at wag ka mag-jump sa conclusion na tapos na sa inyo ang lahat, stay with him in any way and if the things are not anymore the same between you dahil sa nangyari, at least keep the communication. Babalik din sa normal ang lahat,believe and have faith.

Maging SWEET at subukan siyang pangitiin- Siyempre, kelangan may follow up yan once na ok na kayo. Siguro kung afford mo, yayain mo sya lumabas (syempre ikaw ang taya) at panuorin nyo ang sineng trip ng boyfriend mo. O kung medyo busy sya, ipagluto mo sya ng paborito nyang pagkain (kung marunong ka magluto) at kumain kayo ng sabay. Do some artwork o self-made present para sa kanya at tiyakin na ikaw talaga ang gumawa nun at talagang nag-effort ka, maaapreciate nya yun. Basta alam mo na kung panu maging sweet at kung ano ang sweet na bagay para sa boyfriend mo na magpapangiti at magpapasaya sa kanya. Paraan din ito para masaisantabi ang naging hidwaan ninyo and maybe slowly but surely, tuluyang nang malimutan ang naging problema. 

Just always remember how it happened, how it affected your relationship and most importantly, how would you prevent this things from happening again.

Ang mga paghingi ng tawad buhat sa uri ng approach tulad ng nabanggit ko ay mahalagang isaalang-alang. Dahil ang purpose ay para tuluyang mawala ang galit o sama ng loob mula sa puso ng taong naagrabyado para hindi na tumubo at manganak pa ulet ng isa pang gulo. Kung basta hihingi lang ng tawad katulad ng kung pano ka magsorry sa teacher mo nung grade 6 ka tuwing hindi ka nakakapagpasa ng assignment, kaplastikan yun! (aminin mo at hindi, natatawa ka pag naaalala mo kung ano ang mga alibi mo sa teacher mo tuwing hindi ka nakagawa ng assignment.) 

Sabi nga ay "An apology is the superglue of life.  It can repair just about anything." at para maging intact at matatag ang relasyon, kelangang maging responsable ang bawat isa sa paghingi ng tawad sa partner na naagrabyado at nagawan ng kasalanan. Otherwise, para saan pa at nagmamahal tayo?


Share