Monday, September 12, 2011

Ang sakit na SELOS at paano ito magagamot?


Ang sabi nila, ang pagseselos ay ang pagdududang walang kongkretong basehan. Para sa akin, ang selos ay isang sakit na mahirap gamutin dahil hindi ito karamdamang pisikal, ito ay sakit na direktang inaatake ang utak natin para mag-isip ng mga bagay na non-sense at walang kwenta. Pag nagsimula ka nang mag-isip na baka hindi ka na niya mahal dahil may nakita syang iba samantalang wala ka namang matibay na basehan na mangyayari nga yun...tinamaan ka na ng "selos virus". Pag lumala yang sakit mo na yan, hindi ka na magiging normal. Paano mo maagapan ang sakit na yan? Ganito yan.


Panatilihin ang self-confidence- Ang hirap sa isang tao, wala na ngang tiwala sa karelasyon nya, wala pang tiwala sa sarili nya. Lingid sa kaalaman ng mga seloso't selosa, ang dahilan ng matinding selos nila ay ang pagdududa sa sarili nilang kakayahan o abilidad. Nangyayari na pinagdududahan nila ang sarili nilang kakayahan oras na simulan nilang ikumpara ang sarili sa iba. Huwag ikukumpara ang sarili sa iba dahil magkakaiba ang bawat tao. Magkaroon ka ng 100% na tiwala sa sarili na ikaw ang minahal nya dahil para sa kanya, ikaw ang "the best among the rest".

Huwag maging over-conscious- Hindi makakatulong na palagi mong iniisip na pangit ka, mataba ka, na may mas maganda/pogi at mas sexy pa kesa sayo na mami-meet ng mahal mo at maaari ka nyang ipagpalit dahil sa itsura mo. Kung lagi mo kaseng babanggitin sa kanya ang mga kapangitan mong pisikal sa kanya, baka mairita siya at mangyari ang kinatatakutan mo. Maniwala ka na mahal ka nya hindi dahil sa panlabas na kaanyuan mo kundi dahil sa kagandahang panloob mo, hinding hindi ka makakaramdam ng selos.

Saturday, September 10, 2011

TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!) Part 2

Kung naenjoy nyo ang part 1 (TRIVIA (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!), mas lalo nyong maeenjoy itong part 2. Informative at very educational ito. Tara basahin na natin. :-)

1. Kung uutot ka ng tuloy-tuloy sa loob ng 6 na taon at 9 na buwan, ang gas na ilalabas ng tiyan mo ay maaari ng makabuo ng "atomic bomb".

- Pero bago ka pa makabuo ng atomic bomb, patay na ang lahat ng tao sa barangay nyo!

2. Sa tao, halos wala pang isang minuto ang itinatagal ng orgasm (sa lalaki). Sa BABOY, 30 minutes ang itinatagal ng orgasm!!!

- Girl: Yuck! Ang baboy mo talaga!
  Boy: Wish ko lang...

3. DILA o tongue ang pinakamalakas na muscle sa katawan ng tao.

- O alam mo na ngayon teh?
   O bakit ka napangiti? Tsk... :-P

4. Mas mahaba daw ang buhay ng right handed na tao kesa sa left handed? (http://www.tolivelonger.net/right-handed-live-longer/)

- E ambidextrous ako...panu yun? Hahaha..

5. Ang tao ay may 10,000 taste buds in total. Ang HITO o catfish ay may 27,000 na taste buds.

- Ilan kaya ang taste bud ng JANITOR FISH?

6. Ang pulgas ng aso mo ay kayang lumundag ng 200 times na mas mataas kesa sa height nya!

- Wag ka nang magtaka kung may makita kang maliit na basketball court sa katawan ng aso mo.


7. Ang best friend mong IPIS  ay kaya pang mabuhay ng 9 na araw kahit wala na itong ulo.

- Kung sa tao ito, mapaplano mo pa ang mga bagay-bagay bago ka tuluyang matigok.
"Naputol ang ulo ko. 9 na araw mula ngayon ay dedo na ko. Iburol nyo ko sa Manila Cathedral. Gusto ko yung kabaong na may picture ni Lady Gaga. Boom, boom bass ang background music sa paghatid sakin sa sementeryo. Tsaka nga pala kung pwede dapat lahat ng makikipaglibing ay nakasuot ng favorite color ko na purple....blah, blah, blah..."

8. Ang LION ay kayang makipag-sex sa kapwa nya lion ng 50 times sa isang araw! Whoaa!!!

- Girl: Bago kita sagutin. Tatanungin muna kita. Kung ikaw ay isang hayop, anu ka?
Boy: Lion
Girl: Wow. Kase symbol ng pagiging malakas at matapang?
Boy: Ahmmm...parang ganun na nga. O panu tayo na?
Grrroowwl!!!

9. Mas malaki ang mata ng OSTRICH kesa sa utak niya.

- O wag kang judgemental. Tungkol ito sa ostrich, wag mong idamay yang seatmate mo.

10. At least ang ostrich may utak pa rin kahit paano. E ang STARFISH, walang utak! As in zero!

- Ngayon alam mo na kung bakit laging badtrip si Spongebob kay Patrick.

11. Ang inang HIPPOPOTAMUS ay naglalabas ng pink na gatas.

- batang hippo: Ang nanay ko naglalabas ng pink na gatas.
batang kambing: Ang sa nanay ko puti.
batang hippo at batang kambing: anong kulay ng gatas ng mommy mo kalabaw?
batang kalabaw: green
batang hippo at batang kambing: bakit green? di ba dapat puti?
batang kalabaw: ay sori guys. uncle kong bading kase ang nagpalaki sakin.
wahahahaha!!!

12. 35% ng utak natin ang nagagamit natin sa pag-iisip.

- Pero nung sinagot mo yang boyfriend mo...ginamit mo ba utak mo? :-)

13. Sa U.S., ang lugar na may pinakamataas na alcoholism rate ay ang Reno, Nevada.

- Sa Pinas, nahihirapang alamin kung saan ang may pinakamataas na alcoholism rate dahil maraming manginginom ang dumadayo pa sa ibang lugar para maglasing.

14. Ang puso ng HIPON o shrimp ay nasa ulo.

- "Ang puso ko ay wala sa ulo...wala rin sa dibdib...nasa'yo..." Ang keso... :-)

15. Ang pinakamalaking itlog sa mundo ay hindi si Iglot kundi ang itlog ng OSTRICH!

-May tatlong bored na batang nagpapayabangan ng mga lolo:
Boy 1: Ang lolo ko, malaki ang itlog. Sa laki ng itlog nya....TO BE CONTINUED...

Tuesday, September 6, 2011

Kelan dapat mag stay at kelan dapat lumayo?


Hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan...pero may idea ako.

Mag-stay ka pa rin kung:
  1. Pinapahalagahan ka rin nya.
  2. May natatanaw kang pag-asa na magiging kayo.
  3. Higit sa lahat...hindi lang simpleng kaibigan ang tingin nya sa'yo.
Lumayo ka na lang kung:
  1. Pinapahalagahan ka nya bilang isang kaibigan lang.
  2. Wala kang natatanaw na pag-asa na posibleng maging kayo.
  3. Higit sa lahat, kelangan mo nang umalis kung...hanggang friends na lang talaga kayo.
Farewell to you my friend
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
...

Mahirap nga bang kumuha ng NBI Clearance?


Kanina, 3 am, tumunog ang alarm clock ko. Muntik ko nang ihalibas ang inosenteng orasan sa pagkabwisit ko. Kelangan kong bumangon ng maaga para kumuha ng sinasabi nilang "NBI Clearance". Isang buwan na kasi ang nakakaraan mula ng i-require ito sa trabaho ko pero hindi ako makakuha ng pagkakataon para sundin ito dahil sa takot ko na mahirap talagang kumuha ng nasabing clearance. Nagprepare pa rin ako para sa isa sa mga pinakamahabang araw sa buhay ko at kaagad na tinungo ang Robinsons Galeria kung saan ginaganap ang pagtotorture sa mga kumukuha ng NBI Clearance.

Nang marating ko ang Gale, andun na ang 202 na katao na parang sasalang sa gas chamber dahil sa pagkasimangot ng kanilang mga mukha. Sumalubong sakin ang gwardya na mala-NAZI ang dating pero parang pari ang bunganga dahil sa walang tigil na pagsermon:

Gwardya: Ang iba sa inyo ay pumipila hindi para makakuha ng NBI Clearance kundi para makakuha ng iphone, ipod at wallet. Kung sino man sa inyo ang may balak na gumawa ng krimen dito, magdalwang isip kayo dahil binabantayan namin ang kilos nyo.
Ang mga iihi na lalaki ay maaring umihi sa urinal, wag sa pader!
Ang mga iihi na babae ay maaaring gamitin ang CR ng simbahan. (Pag isipan nyo kung kaya nyo gamitin ang urinal ng lalaki)
Yung mga proxy dyan na nagpapabayad! Wala lang magsusumbong na proxy kayo, yari kayo. OK?
Blah, blah, blah....

Sunday, September 4, 2011

T. E. C.



Wag ka magagalit kung sobra akong humanga
Hindi ko rin kasalanan kung sayo'y napapatulala
Sa kagandahan naman kasi, ika'y pinagpala
Sa langit na madilim, ikaw ay isang tala

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahang naramdaman
Nung sandaling makilala ka at marinig ang iyong pangalan
Parang nagbukas ang langit at ang mga anghel ay nagsikantahan
Ang sabi'y "Mapalad ka Reyner, anghel din ang nasa'yong harapan".

Hindi maikakailang kayganda ng iyong braces
At nagpapanic ang mga langgam sa ngiti mong kaytamis
Maganda yung kay Abie, pero sayo yung the best
Ngiti mo ay nakakaakit at hindi nakakastress.

Mahihiya si Megan Fox sa ganda ng iyong mata
Para itong mga brilyante na kumikinang sa ganda
At papayag akong titigan mo kahit ikaw si Medusa
O kahit magkatinginan man lang tayo, ganap na kong maligaya.

Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa mga dahilan
Kung bakit nung oras na iyon agad kitang nagustuhan
Pero higit pa pala dun ang aking matutuklasan
Mas friendly and nice ka kumpara sa karamihan

Masarap kang kausap at totoong hindi boring
Masaya kang kasama at hindi nakakapraning
Ang bawat minutong nandyan ka ay langit sa feeling
Basta't andito ka sa tabi ko, wala na kong mahihiling

Bagamat magulo ang iyong pinagdadaanan
At sobrang nasaktan ka sa iyong naranasan
Halos hindi sa'yo bakas ang labis na kalungkutan
Lalo mo kong pinahanga sa taglay mong katatagan

Para sakin natatangi ka sa lahat
Ang isang tulad mo'y mahirap mahanap
Kung bibigyan mo ko ng karapatan na ikaw ay ingatan?
Titiyakin ko sayo na hindi ka na muli masasaktan. :-)

Sunday, August 28, 2011

"EX"



Kung lalayo ako, wag mo na ako hanapin
Sa tingin ko kase, ito lang ang the best na gawin
Lalo ngayon na napapamahal ka na sakin
Pero nag-aalala ako na hindi mo rin naman ako mamahalin

Nagpapasalamat ako na nakilala kita
Salamat din dahil nagpaunlak ka
Masaya ako sa konting sandaling ika'y aking nakasama
Kahit ang totoo'y wala naman talaga akong pag-asa

Mahal mo pa rin sya at nauunawaan ko yun
Kahit katukin ko ang puso mo ng ilang ulit, sa kanya pa rin ang iyong atensyon
Hindi naman ako manhid, alam kong hindi fair ang ganun
Hindi patas na mahal kita habang ang pag-ibig mo ay sa kanya pa rin nakatuon

Minahal mo at nagdasal ka na wag na silang magkabalikan
Sa una'y pumayag ka na maging isa munang kaibigan
Pero maglalaon, ikaw pa rin ang masasaktan
Kaya habang maaga, ang maling pag-ibig ay pag-aralan nang kalimutan

Tuesday, August 23, 2011

Ano ba talaga ang totoong gusto ng babae?


Yosi time. Stressful na araw para sa isang college student na nagsstruggle para sa mga final exams kaya makikita sila sa isang spot kung saan mahihiya ang mga bulok na jeepney sa kapal ng usok ng sigarilyo mula sa mga nagyoyosi. Ito ang eksena nung araw na yun sa campus na pinapasukan ko nung college pa ko. Karaniwan nang makikita ang tropa namin sa labas ng campus na nagyoyosi at nagkekwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Pero sa araw na yun, isang may kwentang usapan ang magaganap. May problema ang isang tropa, problemang lovelife. Nagtatanong siya kung bakit sa kabila ng ginagawa na nya ang best nya para maging MAGANDA ang relasyon nila ng girlfriend nya, parang kulang pa rin at hindi nya nakikitang masaya ang girlfriend nya sa piling nya. Alam ng lahat kung paano tratuhin ni Bugoy ang gf nya at obvious din na masyado siyang authoritative at palaging pinangungunahan ang mga gusto ng gf nya. Sa tingin nya ay tama lang yun dahil para naman sa kapakanan ng gf nya ang ginagawa niya. Pero hindi nya talaga malaman kung ano pa ba ang gusto ng girlfriend nya. Ininom ko muna ang hawak kong buko juice na nasa plastik bago pumosisyon para sagutin ang kanyang katanungan na sisimulan ko sa isang malupit na intro. Bwelo muna...inhale...exhale...

"Pare, nung unang panahon, ang matapang na si King Arthur ay na-ambush ng mga kalaban habang nakasakay sya sa kanyang kabayo. Tiyak na ang kamatayan niya pero binigyan pa siya ng tsansang mabuhay ng kaniyang kalaban. Ito ay sa ilalim ng kondisyon na kung masasagot nya ang tanong na ibibigay ng kalabang hari, ibibigay sa kanya ang kalayaan at hindi gagambalain ang kanilang kaharian. Ang tanong ay "Ano ba talaga ang totoong gusto ng mga babae?". Binigyan sya ng isang taon na palugit para sagutin ang tanong at pag hindi nya nasagot ay papatayin sya. Bata pa sya nun at aminadong malakas ang kalaban. Kaya't kahit alam niyang napakahirap sagutin ng tanong at kung hindi niya makukumbinsi ang kalabang hari sa kanyang sagot ay buhay nya ang magiging kapalit, napagdesisyonan nyang hanapin ang sagot sa tanong kesa mamatay.

Pinabalik sya sa kanyang kaharian para magsaliksik at hanapin ang sagot sa tanong. Tinanong nya ang lahat kasama ang pari, ang mga philosopher pati ang mga nagtitinda ng popcorn sa sidewalk pero bigo sya at wala ni isang nakapagbigay sa kanya ng convincing na sagot. Isa na lang ang hindi nya natatanong at yun ay ang witch na nakatira sa yungib. Pero ayaw niyang tanungin ito dahil although madaming nagsasabi na totoong marunong ang witch at reliable ang magiging sagot nito, baka hindi kayanin ni King Arthur ang cost ng hihinging kabayaran ng bruha. Parang hindi kasi realistic ang halaga ng hinihinging kabayaran ng witch sa mga komukonsulta sa kanya.

Isang araw na lang at mag iisang taon na ang binigay na palugit kay King Arthur. Dahil wala talagang nakalkal na sagot ang hari, kinonsulta na nya ang witch. Ang nangyari, pumayag ang witch na sagutin ang tanong nya sa isang kondisyon, kelangang pakasalan ni Sir Lancelot na bestfriend ni King Arthur (at ang pinakapogi at hottest guy sa kaharian) ang mabaho, kuba at puro pimples na witch! Hindi pumayag ang hari at ninais pang mamatay kesa ipaasawa ang nag-iisang bestfriend sa isang ambisyosang, pangit na witch.

Nalaman ng bestfriend ng hari na si Sir Lancelot ang kondisyon na hinihingi ng bruha sa kanyang bestfriend. Agad syang kumilos at hinikayat si King Arthur na pumayag nang ipakasal siya sa bruha. Ayon kay Sir Lancelot, aanhin nya ang buhay na masaya sa piling ng babaeng maganda, sexy at may breeding kung mawawalan naman sya ng nag-iisang bestfriend na halos itinuring na nyang kapatid. Kaya't kung ito man daw ang magiging pinakamalaking sakripisyong gagawin nya sa buong buhay nya ay gagawin nya pa rin ito, alang alang sa ikaliligtas ng kanyang kaibigan.

Sunday, August 7, 2011

Perfect Two- Auburn (male cover)

Here's my cover of that song "Perfect Two" of Auburn. Its a male acoustic version. Yes, its not my bad day so don't think that way. Its a good trip man! :-)

Friday, August 5, 2011

Kwentong "Sperm" Cell

PAALALA:
Ang kwentong ito ay kapupulutan ng aral at pwede ring basahin ng mga may edad 18 pababa.

"UTOL"

Sa kung saan ay matatagpuan ang mga sperm cells, may magkapatid na sperm na palagi na lang nag-aaway. Ang isang sperm cell ay masyadong gahaman at makasarili. Gusto nya lahat ng protina ay kanya para daw lalo syang maging malakas at mabilis lumangoy. Hindi na raw kasi sya makapaghintay na maging ganap na sanggol at maging tao. Sa kabilang banda, meron namang sperm cell na mapagbigay at ang protina na isusubo na lang nya ay ibinibigay pa nya sa mga kapatid nya. Dahil sa magkaibang character ng dalawa ay palagi silang nagtatalo. "Mauuna akong lumabas sa'yo at sisiguraduhin ko na mas magiging maganda ang kapalaran ko sa labas ng mundo kesa sa'yo" ang sabi ni sperm 1 kay sperm 2. "Tama lang na maging maganda ang kapalaran mo dahil siguradong mamamatay ka sa inggit kung mapupunta sakin ang magandang kapalaran na yun" sagot ni sperm 2. Isang gabi habang natutulog ang lahat, nagkaroon ng matinding lindol. Nagising silang lahat at huli na nang mapagtanto nila na oras na pala yun para mamaalam sila sa isa't isa. Mabilis na lumangoy si sperm 1 at kaagad nyang natanaw ang liwanag sa dulong bahagi ng lagusan. Dahil siya'y malakas, mahusay at mabilis lumangoy, siya ang pinalad na makayakap kay itlog (egg cell). Ang milyon milyon pa nyang mga kapatid ay naiwan na luhaan at tinanggap na lang ang kanilang kapalaran. Ang ilan sa kanila ay napunta sa large intestine at ang iba'y napunta sa lalamunan at stomach. Hindi magkandatuto sa katatawa si sperm 1 sa sinapit ng kanyang mga kapatid. Si sperm 2 ay hindi pinalad na makasama sa batch ng mga lumabas dahil siya'y nanghihina kaya nagparaya na lang.

Siyam na buwan ang lumipas at ganap nang sanggol si sperm 1. Pinangalanan siyang Willie. Lumipas ang mga taon at si Willie ay malaki na. Isa syang matalino, mautak at tusong bata. Palagi siyang nangunguna sa klase at hindi lang siya kilala sa kanilang school kundi pati na rin sa iba pang school. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang sa kabila ng katotohanan na siya ang dahilan kung bakit nakatuluyan ng kanyang ama ang kanyang ina. Tama, dahil pinikot lang ng kanyang ina ang kanyang ama . Marangya ang pamumuhay ni Willie at sunod lahat ng layaw nya.

Sa kabilang banda, isang batang gusgusin at nakatira sa squatter ang busying busy sa paggawa ng kanyang homework habang talamak sa sipon ang kanyang t-shirt. Siya ay patpatin, sipunin at hindi katalinuhan. Mahirap lang sila at wala siyang ama. Ang sabi ng nanay niya ay hindi nya inakala na iiwanan sila ng kanyang ama pero hindi nya ito masisisi dahil naging biktima ang kanyang ama ng makasariling babae. Ang batang ito ay may pangalang Noel. Mabait si Noel at mapagbigay sa kapwa. Hindi man siya ganun katalino, masipag naman siya at matulungin. Hindi rin siya nanlalamang at laging iniisip ang kapakanan ng iba.

Lumipas ang panahon at si Willie ay ganap nang matagumpay na abogado. Sa kabila ng pagiging tarantado ni Willie at pagbubulakbol sa pag-aaral ay nagtagumpay ito dahil na rin sa pagiging tuso at paggamit ng impluwensya. Naging presidente kasi ng Pilipinas ang kanyang ina na naging madali dahil sa pandaraya. Ilang panahon pa ang lumipas at kahit hindi gusto ng mga tao si Willie, nanalo ito bilang senador ng Pilipinas. Katulad sa kanyang ina, kabi-kabilang iskandalo din ang kinaharap nito dahil sa pandaraya.

Friday, July 29, 2011

Hiwalayan

Au revoir- French
Auf wiedersehen- German
Sayōnara- Japanese
Adiós- Spanish
Vale- Latin
Bye- English
Paalam- Filipino

Kahit ano pa mang lengguwahe, iisa lang ang ibig sabihin e...pagpapaalam, aalis, lilisan, may tsansang magkakasama pa kayo ulet o maaaring hindi na. Alam mo yung pakiramdam na mabigat sa loob? Yung feeling na ayaw mong umalis, ayaw mong lumayo pero kailangan?

Minsan na akong nagmahal. Naexperience ko ang pakiramdam ng sinasabing "in love". Sa pagsasama namin, dumating sa point na sinabi ko sa sarili ko na "sya na nga" at nagsumpaan pa kami na hindi maghihiwalay at walang iwanan. Nung naexperience ko yan, masaya, para akong lumalakad sa ulap at special ang bawat araw sakin. Pero hindi lahat pala ng araw ay special dahil dumating din sakin ang araw ng pagluluksa at yun ay ang araw ng hiwalayan. Kailangan kong humiwalay, kelangan ko syang iwan dahil sa isang matinding dahilan. Alam kong masakit at baka di ko kayanin pero kelangan ko yung gawin dahil yun ang naiisip kong mabuting paraan. Ang tiwala kasi oras na nawala ay mahirap nang ibalik at ang relasyong wala nang sign ng pagtitiwala mula sa dalawang nagmamahalan ay hindi na dapat magpatuloy. Alam kong marerepair pa ang pagtitiwala at pwede na ulet magpatuloy. Alam ko din na the best pa rin na kasama ko siya kahit may lamat na ang pagtitiwala ko sa kanya. Pero gusto ko maging normal at ayaw kong maging habit ang pagdududa. Kaya't para sa ikakatahimik ng kalooban ko, nagdesisyon akong makipaghiwalay at umalis. Masakit, maraming luha ang nag-evaporate at sumama sa atmosphere na nanggaling sa aming mga mata. Pero ang hiwalayang yun ay hindi na mapipigilan at nangyari na nga, ganap ko na siyang iniwan. Naghihintay sya hanggang ngayon bagamat sinabi ko na hindi na ako babalik. Pero sa isang sulok ng puso ko, alam kong gusto ko pa syang balikan. Pero para ano? Para maghiwalay ulet?

Wednesday, July 20, 2011

Si UTAK, si PAA, si TIYAN, si MATA at si PWET- Sino ang dapat gawing BOSS?



Nung ginawa daw ng diyos ang tao, nagtalo-talo ang mga body parts kung sino ang dapat na gawing boss.


UTAK: Ako ang boss. Ako ang kumokontrol ng katawan ng tao.


PAA: Ikaw ang kumokontrol, kami ang nagdadala sa katawan ng tao. Kami ang boss!


TIYAN: Oh sino ang nagtutunaw ng pagkain? Sino ang nagmamanage ng nutrisyon ng katawan para manatiling malusog? Di ba't ako? Ako ang boss!


MATA: Sige nga subukan namin pumikit habang naglalakad si PAA. Naku di pwede. Siguradong di papayag si UTAK at si TIYAN...dahil damay din sila pag naaksidente ang katawan! KAMI ANG TUNAY NA BOSS!


...sandaling katahimikan...


PWET: Ehem! Mawalang galang na mga kapatid... Posisyon sa pagiging boss ba ang dahilan ng pagkakaganyan nyo? Tingnan mo nga naman talaga ang pulitika, pati katawan ng tao gustong sirain! Para walang away...IPAUBAYA SAKIN ANG PAGIGING BOSS!!!


Halos di matapos ang tawanan ng mga parte ng katawan dahil sa sinabi ni PWET. Dahil sa sama ng loob ni PWET at labis na kahihiyan, napagpasyahan nyang mag-leave ng ilang araw kaya nagsara pansamantala ang kontrobersyal na butas.


Pagkalipas ng ilang araw, hindi na normal mag isip si UTAK. Si TIYAN naman ay hindi na kayang tiisin ang sakit. Hindi na rin makalakad ng maayos ang mga PAA at nagbabanggaan pa sila. At ang mayabang na mga MATA ay tuluyan ng nagkasalubong at naduling.


Hindi na sila nagsayang ng oras at agad na ginawang boss si PWET...bumukas na muli ang butas ng kaginhawaan na taglay ang korona ng pagiging boss!


Kay PWET ang huling halakhak.


MORAL LESSON: May mga mabahong katotohanan na mahirap tanggapin. Pero habang hindi mo ito natatanggap, patuloy ka nitong pahihirapan.

Wednesday, July 13, 2011

Born This Way (male version)


Own version ko ng Born This Way ni Lady Gaga. Naisip ko lang gawin to kasi naoverwhelmed ako sa mga bumati nung birthday ko last July 11, 2011. This is to show my appreciation sa mga taong naglaan ng konting sandali para batiin ako. THANKS GUYS!

Monday, July 11, 2011

Adventure ni Reyner


Tahimik at madilim ang paligid. Natural ang lamig ng simoy ng hangin at talagang napakasarap langhapin ng oxygen na ibinubuga ng mga punong matatagpuan sa bahaging iyon ng kagubatan. Hindi NPA ang mga magulang ko pero nagkataon lang na noong 1987, kasalukuyang sa gubat sila naninirahan. Alas kwatro daw nun ng madaling araw ng magsimulang sumipa ang sanggol sa sinapupunan ng nanay ko. Tumingin sya sa kalendaryo at chineck nya ang petsa. Pagkatapos ay ngumiti sya dahil naconfirm nyang hindi ako kulang sa buwan at umasa sya na magiging normal akong bata (hindi ko alam kung nadisapoint sya nang lumipas ang panahon). July 11, 1987 ayon sa aking napag alaman ay petsa kung saan na-reach ng mundo ang populasyon na 5 billion kaya tinawag itong "The Day of Five Billion". Tuwing July 11 din ginugunita ang World Population Day. Parang ang reaksyon ko, "What? Ako ang pang-five billion na dumagdag sa populasyon ng mundo? Matutuwa ba ako o maiinsulto? Bakit sa birth day ko pa napili nilang gunitain ang World Population Day? Gaganahan pa ba akong magkaanak at magpadami ng lahi nito kung tuwing mag aattempt ako ay bigla akong mumultuhin ng salitang "POPULATION"? Moving on, hayaan ko na muna yan at hindi naman yan big deal (ano daw?). So para paikliin ang kwento, ipinanganak nga ako ng nanay ko nung time na yan at nagulat silang lahat...malaki...malaki na agad...ang nunal ko sa likod (kala mo kung ano na? haha... pero slightly correct ang hula mo. hahaha...)

Ang kwento ng ate ko, mas nauna pa raw akong natutong magmura kesa magsalita. Pero syempre joke lang yun at magkaaway kami ng ate ko nung time na sinabi nya yun. Pero madaming nagsasabi na palamura nga daw ako. Ang sabi ko naman..."Tang ina hindi naman ah!" Ahaha... Isa lang yan sa mga bagay na maaga ko natutunan dahil sa environment ko nung bata ako. Pero salamat sa butihin kong mga guro nung early elementary days at tinuruan nila ako ng magandang asal. Isang araw tinanong ako ng lola ko "Reyner, anong natutunan mo sa school? Tinuruan ka ba ng magandang asal?" Ang sagot ko "Oo naman lola. Syempre school yun e, natural na makipagplastikan ang mga titser sa amin." Ahaha.. Pero syempre hindi totoo yan. Ang totoo'y walanghiya talaga ako nung bata ako at sa liit kong yun ay ako pa ang pinakabully sa classroom. Isang araw nga ay inapproach ako ng titser ko, "Reyner, top 2 ka na naman lang. Kelan ka ba titino at para maging top 1 ka naman?" Sabi ko sa kanya, "Maam, hindi ako interesado sa ranking na yan. Kung pwede lang ibigay ko na lang dun sa kaibigan kong nasa row 4 ang pagiging bibo ko, gagawin ko." Oo, mayabang din ako at nung time time na yun una ko yung natuklasan. Dahil mayabang ako nun at maangas, normal lang na makita ako ng nanay ko na punit-punit ang damit o putol ang tsinelas. Punit-punit ang damit dahil nakipaglaban o putol ang tsinelas dahil tumakbo at natakot sa kalaban. Pero alam mo, minahal ako nun ng marami dahil kahit pangit ang ugali ko, cute naman ako. At hindi lang dahil cute ako, madali lang din akong lapitan pag kelangan nila ng sagot during exams. Grumadweyt ako nun ng elementary na nagmamartsa sa pinakaunahan. Hindi dahil by height ang arrangement kundi dahil...ehem...alam mo na yun. Proud sakin ang ate ko at syempre pati mga magulang ko. Pero alam mo ang iniisip ko nung mga time na yun habang sinasambit ang katagang "what you sow is what you reap" na part ng speech ko? Alam mo kung ano? "Mamimiss ko ang mga biniyak kong mga kalaro..ehe...yung mga kalaro ko sa trumpo. Wala kasing trumpo nun ang hindi kayang biyakin ng super trumpo ko at ako ang hari ng trumpo nung mga time na yun." Hehehe... Seriously, may impact sakin yung line na yun sa speech ko na nabanggit ko. Actually, sa dami ng itinanim ko...matumal pa rin ang ani ko. :-(

Wednesday, July 6, 2011

TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!)

Time out muna sa mga kaseryosohan. Magpalipas oras muna tayo at alamin ang mga bagay na naghihintay malaman. haha...

111,111,111 x 111,111,111= 12345678987654321 
 Galing nu? E anu kaya ang pwedeng i-multiply para ma-obtain ang sagot na, 14344?

Siya si Wilt Chamberlain. Ang dating NBA Superstar na umaming nakipag sex sa 20,000 na babae.
BOOM!!!

Ang gold fish ay meron lamang 3 seconds na memory span.
Maraming utak "gold fish" sa college. Hahaha...

Ang pinakamahabang pangalan ng isda ay "humuhumunukunukuapua'a" mula sa Hawaii.
Wrong spelling wrong!

Dachshund Sausage ang original na tawag sa HOTDOG.
Ang laki naman ng Dachshund Sausage mo...super like. hahahaha..

Ang medical term sa pagbubuntis ay gravidity.
Girl I'm in gravidity. I dont know what to do. ^_^

Saturday, June 25, 2011

9 na bagay na "WAG" mong sasabihin sa boyfriend mo


Girls, narito ang mga nakalap kong ideya tungkol sa mga bagay na totoong hindi maganda sa pandinig at maaaring wag nyo na lang banggitin o sabihin sa inyong boyfriend. Ito ay para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at maiwasan din ang pagtatalo lalo na kung ang boyfriend mo ay mas sensitive pa sa ngipin na nangangailangan ng isang drum na sensodyne.


1. "Di mo pa rin sya malimutan nu?"
-- Ang totoo nyan, wala talagang maganda sa pagiging paranoid at ayaw ng mga lalaki sa mga paranoid na girlfriend. Hindi dahil biglang isang araw ay nagising ka na lang na parang may bumubulong sa'yo na "mahal pa rin nya ex nya" ay bigla mo na lang ioopen ito sa bf mo. Laging tatandaan na magkaiba ang hinala sa tiyak o sigurado.


2. "Puro ka na lang gastos. Kung anu-anong gadget ang binibili mo."
-- Ang ayaw ng mga lalake ay yung parang kinokontrol sila tulad ng "dapat ganito...dapat ganyan". At ang pinakapangit na iopen-up sa kanya ay ang tungkol sa paggastos nya ng pera lalo na sa mga bagay na trip nya lalo na ang gadgets. Siguro naman ay alam mo na ang pagkakaiba ng girlfriend sa asawa.


3. "May napapansin ka bang kakaiba sakin?"
-- Kung hinihintay mo lang na purihin ng bf mo ang bagong pedicure mong kuko sa paa, hayaan mo na lang na sabihin nya at wag mo nang pasaringan para lang mapansin. Minsan kasi pag maliit na bagay lang at hindi naman talaga masyadong pansinin, nanghuhula lang si bf at baka madissapoint ka lang kung biglang sabihin nya "ah oo may kakaiba sa'yo ngayon, may bago kang pimple.". Kung mapapansin nya, magtatanong sya. "uy ganda ng haircut bhie, bagay na bagay. uy ganda ng kuko bhie, kelan ang libing?"


4. "Ang tali-talino talaga nung classmate kong yun..."
-- Sa totoo lang, mas gusto marinig ng boyfriend ang mga compliment tungkol sa kanya. Ang mga compliment para sa ibang lalake na sounds nagkukumpara sa kung anung kakayanan na meron sya ay nagbibigay lang kay bf ng insecurity. So, wag mo na sanang i-test ang damdamin ni bf dahil hindi naman magsasalita yan kung nasasaktan na sya kung  hindi sya ganun katalino, hindi ganun kagaling kumanta o hindi ganun kagaling magbasketbol na katulad ng iba. Masasaktan sya pero kelangan bang saktan ang damdamin ng nagmamahal sayo para lang sabihin mo na mahal ka nga nya talaga?


5. "Ok na."
-- "Anung ok na? Yun lang ang masasabi mo?" Pag hindi nagkakaintindihan, may awayan, hindi magandang idea na manahimik na lamang at mag-agree na lang bigla. Oo, peaceful nga yun pero hindi yun gusto ng mga lalake. Ang gusto ng mga guys ay tapusin ang usapan o at least bigyang linaw ang problema ninyong dalawa sa paraang tingin nya ay the best. Kahit may konti man kayong pagtaas ng boses, ituloy nyo lang ang usapan. Huwag basta-basta na lang sabihing"ok na" para lang matahimik. Ano yun, sinasakyan mo na lang para lang walang gulo?

Friday, June 24, 2011

Isang Kwentong Jeepney


JEEPNEY LOVE RIDE
"Ang makilala ka ay perpektong aksidente..."
------------------------------------------
Dear Mr. Love,

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Cathy. Isa akong call center agent. Napaka busy ng buhay ko at ang tulog ay isang bagay na masasabi kong pinakamahalaga para sa akin sa mga panahong ito. Sa sobrang kulang ko po sa tulog ay kung saan saan na lang ako naiidlip dahil sa sobrang antok. Antukin po kasi talaga ako. Hindi ko nga mainitindihan kung bakit pagiging call center agent pa ang napili kong trabaho. Pero siguro ganun talaga lalo na pag graduate ng nursing, andami-dami kasi naming ito ang piniling tapusin na kurso. Sa sobrang dami namin, parang mas marami pa kami kesa sa mga taong may sakit at nangangailangan ng aming serbisyo.

Anyway, kaya pala ako sumulat dahil gusto ko i-share ang isang di ko malilimutang karanasan sa isang lalake. Ito po ay nangyari sa jeep. Hindi po ito bastos at walang halong malisya. Isang umaga, habang nakasakay ako sa jeep, nanggaling po ako nun sa trabaho. Ok pa ko nung una habang nakangiti at binibilang ang mga MMDA na nadadaanan. Akala ko dahil hindi naman tupa at mga buwaya naman yung binibilang ko ay hindi ako makakatulog sa byahe. Ayaw ko na talaga ulet makatulog sa byahe dahil minsan na ko nadukutan. Mabuti po sana kung pwede mag self detonate ang mga gadget na madudukot satin para patas lang at madala ang mga masasabugang mga adik na mandurukot (wag po sanang mao-offend ang mga mandurukot na hindi adik). Balik po tayo sa kwento, in short nga po ay nakatulog ako. Dinig na dinig ko ang awit ng mga ibon sa aking panaginip at feeling ko daw ay ako yung babae sa commercial ng care free na tumatakbo-takbo pa habang nilalanghap ang sariwang hangin ng kalikasan. Hindi ko po alam nung una pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko at para lang akong nasa sarili kong kama. Maya maya ay biglang may lapastangan na sumigaw ng malakas na "PARA!!!". Biglang lumipad ang paruparo na nakadapo sa kamay ko sa aking panaginip at ako'y nagising. "Miss ok ka lang?" tinig yun ng isang lalaki na kaboses ni Dingdong Dantes. "Oo, ok lang ako" sagot ko naman. "Ah ok. Sige sandal ka lang sa akin. Mukhang antok na antok ka na kase talaga" sambit nya. "Huh???" dun ko lang napansin na nakasandal pala ako sa balikat nya at ang kumportableng feeling na naranasan ko sa nakalipas na 40 minutes ay utang ko sa kanya. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa lalake. Muntik na ko mapakanta ng Jolina sa nakita ko... "Kung ikaw ay isang panaginip, ayoko ng magising."

Monday, June 6, 2011

How to get a girlfriend through NBA Games?


Siguro nagtataka ka sa title ng sinulat ko sa araw na to. Sobrang natutuwa ako sa NBA Finals 2011 at naisip ko na pwede itong gawan ng story...ng love story. Panu ko gagawin yun? Ginawa ko na at babasahin mo na lang. :-) Sana magustuhan mo.


Miami vs. Dallas: Heart vs. Heart

Nagsusulat ng lecture ng prof nila ang isang cute pero medyo geek na 3rd year college student na girl nang may mapansin siyang makulit na tanong ng tanong sa kanya. Nilingon nya at lalo siyang nairita nang makita nya na yun pala yung pinakamayabang nyang kaklase. Nonsense na naman ang guy sa mga oras na yun at nagpapapansin. Usap usapan na gusto raw sya ng guy na ito pero may pagkatorpe daw. Habit din daw ng guy na ito ang kulitin at kunin ang atensyon ng isang girl sa paraang nakakainis samantalang pwede naman nyang ayain na lang sa date ang girl at magtapat ng maayos. Yun nga lang sa kasamaang palad ay kilala si girl bilang isang consistent na pala-aral at never nakikipagdate kahit kanino. Isang araw, hindi na talaga kinaya ni girl ang kakulitan ng guy at sinigawan nya ito sa gitna ng klase. Nagalit ang prof nila at nirequest na lumabas muna sila at pag usapan kung anung problema nila at bumalik sa loob pag ok na sila. Lalong nagalit si girl dahil first time na nangyari yun sa kanya bilang isang deans lister. Kinausap nya ang mayabang na guy at tinanong kung anung dapat nyang gawin para tantanan lang sya nito. Sinabi ng guy na wala itong balak na tantanan sya dahil lalo itong naaatract sa kanya pag nagagalit sya at naiinis. Pero since naiintindihan ng guy na gusto ni girl ng deal para di na nya ito kulitin, nakipag deal si guy na kapag natalo ng Dallas ang Miami sa Best of 7, 2011 NBA Championship ay

Tuesday, May 31, 2011

Prinsesa by 6Cyclemind (cover)



Our own version of that popular song Prinsesa originally by Teeth and revived by 6Cyclemind. This is actually unplanned and we never intend to upload this because of a very low quality video. But one of the friend happened to insist to get this video uploaded so since we're just humble amateurs...we ended up uploading it. I hope the sound quality took it all and just ignore the video please (On the other side, it is also an advantage that our faces we're barely exposed...let just say that we still have shame left on ourselves.. hahahahaha..) :-)

Friday, May 20, 2011

Mga Dahilan Kung Bakit Walang Girlfriend


Ito ay sequel sa last entry ko na may title na "Ano ang mga Dahilan ng Hindi Pagkakaroon ng Boyfriend?". Kung mapapansin natin, parami nang parami ang mga kalalakihan ngayon na single at walang girlfriend. Karamihan sa kanila ay sobrang tagal nang walang tinetext na "i love you" at "ingat ka mahal ko" at wala ring nagsasabi sa kanila ng "i love you too. wag kang mambababae". In short, marami sa mga kabaro ko ang marami ng malalamig na paskong pinalipas at valentines day na pinalagpas na wala man lang bakas na nagka-girlfriend sila o nagka-lovelife man lang. Hayaan nyong subukan kong ibigay ang ilan sa mga dahilan sa hindi pagkakaroon ng girlfriend base sa sarili kong observation.

1. Busy- Para sa akin ay ito ang pinakamatinding dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng gf ang isang guy. Busy sa work or sa studies o sa kung anupaman na dahilan para ang time na sana ay para sa romance and love ay naietsapwera. Pag may ginagawa, nakafocus lang at naniniwalang ang girlfriend ay distraction lang at sagabal sa pag-asenso. Yung iba naman ay hindi nakakapapansin kahit ginagawa na ni ate lahat ng pagpapapansin. Panu mapapansin kung ang puso ni kuya ay nakalaan sa bagay na ginagawa nya at bawat minuto ay mahalaga para sa ibang bagay na gusto nya?

2. Standards- May standards na sinusunod at di lang basta standards kundi matataas na standards ng isang babae ang hinahanap nya. May ma-encounter man syang babae along the way, kung ang babaing ito ay hindi pasado sa panlasa nya, sabihin man nating attracted sya sa girl na yun, pipigilan at pipigilan nya damdamin nya masunod lang ang pamantayan nya. Masyado syang idealistic at masyadong maraming prinsipyong sinusunod. Ang ending kakanta na lang ng "I have two hands, the left and the right...".
May iba namang wierd ang standard na gusto at dahil minsan ay parang wala at hindi matatagpuan sa tunay na buhay ang hinahanap nya, nananatili lang sya sa pangarap at ang magkagirlfriend para sa kanya ay imposible.

3. Feelings- Maaring wala talagang feelings towards anyone. Hindi sya busy, wala namang standard na sinusunod pero hindi lang talaga in love. Masyadong honest sa feelings at ayaw din namang manloko at makasakit ng damdamin. Maaaring may mga nagkakandarapa sa kanya pero di nya lang pinapansin dahil pakiramdam nya, lolokohin lang din nya sarili nya kung kakagat sya.
Eto pa ang isa, wala ring feelings pero gusto lang mang gudtym. Dahil gusto sya ng isang girl, sasakyan nya tapos pag kumagat na yung girl, biglang ida-down. Ito yung mga uri ng guy na walang pakelam sa damdamin ng iba at maaaring walang idea at hindi takot sa karma. At the end of the day, wala silang girlfriend pero andami nilang pinaiyak.

4. Diskarte- Hindi marunong manligaw o dumiskarte o sa madaling salita walang diskarte. May feelings para sa isang babae at alam nya na mahal na niya. Ang problema, ni hindi alam kung panu ipagtatapat, ni hindi alam o di sigurado kung panu ipararating sa kanyang minamahal ang nilalaman ng puso nya (parang katulad nung guy sa story na to "The Lollipop"). Minsan may idea na sila kung anung gagawin, tinatakasan naman sila ng lakas ng loob. Minsan naman ay sadyang hunghang at parang ipinanganak kahapon at ni hindi alam ang mga basic na bagay tungkol sa kung paano rin sya mamahalin ng isang babae.
Meron namang malupit dumiskarte pero sablay. Siguro nga totoo yung malas at sadyang minamalas kaya ganun. O kaya naman ay sadyang di talaga siya gusto nung girl at kahit ibenta niya kaluluwa niya kay Satanas ay baka sila pa ni Satanas ang magkatuluyan, pero hindi magiging sila nung girl.

5. Personality- Mas matimbang ang attitude at character ng isang tao kesa sa looks at naniniwala ako na maraming girls pa rin ang attracted sa panloob at hindi sa panlabas na kaanyuan ng isang guy. Ang problema, may mga guys na sadyang hindi kaaya-aya ang personality at totoong T.O. o turn-off para sa girls. Di ko na kelangang isa-isahin kung ano yung mga personality na yun dahil alam na especially ng girls ang mga nakakapraning na attitude na dahilan para di nila magustuhan ang isang guy. Sa kabilang banda, meron namang character o personality na ok pero dahil sobrang ok nagiging cause yun para iwasan sila ng girl, nakakaintimidate kasi. Lets take for example, Pangulong Noynoy...
Unless, maaaccept sila ng girl na gusto nila, dun lang sila makakapagsettle ng proper lovelife. Pero mostly nangyayari ito sa telenobela at mga story sa Wish ko Lang ni Vicky Morales.

6. Gender Crisis- Malinaw at hindi na kelangan pang pahabain...nahahati ang puso ni kuya, si Juan ba o si Maria? haha..

7. Past- Maaaring may mapait na nakaraan sa pakikipagrelasyon at ayaw na muna or at worst ayaw nang makipagcommit. Maaaring labis syang nasaktan sa break up nila ng dati nyang girlfriend o baka iniwan sya ng dating girlfriend nya sa hindi katanggap tanggap na dahilan or maybe, ipinagpalit sya sa ibang lalaki at naging dahilan yun para matrauma sya at kadalasa'y mawalan na ng tiwala sa mga babae. Para sa mga girls na makakaencounter ng ganitong klase ng guy, huwag na kayo mag expect na liligawan niya kayo kahit halata niyo na gusto nya kayo. Siguro ang magandang gawin ay dinggin ang totoong kwento nya, unawain at irespeto siya at kung napansin nyo na may sugat pa sa puso nya...maaaring makatulong kayo para maghilom yun. Hindi nyo kelangan magpakipot sa taong ito dahil baka madissapoint lang kayo kung wala silang gawing moves (they are maybe tired or never get thrilled of romance). Hindi ka man nya ligawan, siguro may paraan pa din na maging kayo (kung gustong gusto mo lang naman or kung mahal mo na sya). Get along with him, be nice to him and dont forget to appreciate him and recognize the things that he do. Ang mga ganitong klase ng guy ay rare at no doubt na great lover. Huwag na huwag mo lang sisirain ang tiwala nya at igarantiya na hindi ka magiging katulad at hindi mo hahayaang mangyari sa relasyon ninyo (kung magiging kayo nga) ang kinahinatnan ng nakaraan nya.

8. Calling- May calling si kuya galing sa itaas. Sa seminaryo sya nababagay. Kakanta din sya ng "i have two hands, the left and the right..."
Ang babaeng tutukso sa kanya ay mapupunta sa impyerno. haha...

Ilan lamang ito sa mga naisip kong dahilan kung bakit may mga katulad kong guy na "single". Para sa mga girls, intindihin nyo po ng mas malalim ang isang guy kung bakit ganun siya. Bakit kakaiba sya? Anu nga ba ang tunay na kwento at ang totoo sa kanya? Tripper nga lang ba siya or may mas malalalim pang dahilan kung bakit ayaw nyang ilabas ang tunay na emosyon nya (or mag-invest ng emotions)? Respect din po sa feelings and be gentle naman kung mambabasted kayo, may damdamin din po kaming nasasaktan. Para naman sa mga kapwa ko lalaki, kung masaya tayo as being single sana enjoyin natin sa paraang di tayo mananakit ng mga damdamin. Kung decided naman tayong mag engage sa specific relationship, at least make sure na may feelings talaga tayo at iingatan natin ang babaing mamahalin.

Para po sa mga tanong, comments, suggestions sulat nyo lang po sa ibaba at sasagutin ko po yan. Pwede rin po kayong mag send ng email sakin sa valenciareyner@gmail.com. Salamat sa pagbabasa.

Thursday, May 5, 2011

Katangian ng Babaeng Magpapaibig Sayo

You look prettier when you're mad- Secret Garden

PAMATAY NA INTRO:
Sabi daw kung totoong mahal mo ang isang tao, walang dahilan o hindi mo halos matukoy ang dahilan kung bakit mo sya mahal. Totoo kaya ito? Kasi nung may girlfriend ako, tinanong nya ko, "Bakit ako napili mo?" sagot ko "Di ko alam, kelangan bang may dahilan? True love kita e.At di kelangan ng dahilan para maialay ko sayo ang tunay na pagmamahal". Alam mo kung anong sagot nya? "Bolero, wag mo ko aningin. Hindi pa ko handang maniwala sa mga ganyang banat..." Naniwala ako sa ex ko na at least may dahilan kung bakit ka in-love sa isang tao. Sabihin man nating wala sa itsura o wala sa ugali o kung sadyang hindi natin matukoy kung ano, siguradong may dahilan kung bakit mo sya gusto. Iniisip ko nga, siguro kung naging LOVE scientist si Einstein, siguradong maraming marereveal na bagay sa mundong ito. Hindi sa Physics, hindi sa Mathematics, hindi sa Chemistry kundi sa mismong subject matter na tatawaging LOVE science. Imagine kung ang henyong si Einstein ay makabuo ng mga mathematical equations and formulas na makakapagsolve sa mga problemang puso at makakasagot sa mga katanungang puso ng mga tao. Isipin mo kung ang henyong si Einstein ay LOVE bomb ang inimbento at hindi ang atomic bomb na pinasabog sa Hiroshima at Berlin?

Scene 1: Paparating na Atomic Bomb
Mga Tao: Atomic bomb! Takbo kung ayaw nyong masabugan at mamatay! Makaligatas man tayo, siguradong abnormal na ang magiging buhay natin!

Scene 2: Paparating na LOVE Bomb

Mga Tao: LOVE bomb! Lapit tayong lahat para masabugan tayo! Siguradong maliligtas tayo sa kamangmangan at pagtataka kung bakit mahal natin ang gf/bf/asawa natin! Magiging normal pa buhay natin, hahahaha!!!

Ok. So now let’s proceed to the main topic. Paano mo idedescribe ang babaeng magpapaibig sayo?". Basically, ito ay tungkol sa mga lalaki at mga posibleng laman ng utak ng karamihan sa kanila when it comes to love. Wag muna nating pag usapan ang tungkol sa pagiging manloloko ng mga lalaki at magpokus muna tayo sa topic na to. Karaniwang maririnig sa bibig ng isang lalaki kapag tinanong kung anong klase ng babae ang hinahanap nya at maaari nyang ibigin:
-maganda (mala Sam Pinto)
-sexy (mala Cristine Reyes)
-maunawain
-mabait
-atbp.
Sa apat na nabanggit sa itaas, ang  pokus lang ay dun sa unang dalawa dahil 80% ng utak ng lalaki ay yan ang laman, (maniwala ka sakin). Pero ano kaya ang maririnig mo sa bibig ng isang lalaking kumbaga ay may kakaiba at maayos na description sa babaeng mamahalin. Description na doon pa lang ay malalaman mo na totoong lover ang guy na yun at daig mo pa ang nanalo sa game show pag naging boyfriend mo yun. May i suggest these thoughts that your type of guy might have in mind when it comes to women:

1. Simple pero ROCK- Bukod sa pananamit, bukod sa kilos, bukod sa manners meron pang isang tinutukoy ang salitang iyan para sa uri ng girl na tinutukoy ko dito...thoughts or concept sa mga bagay-bagay, yan yun. Ang isang babaeng maraming sinasabi sa mga bagay bagay na kadalasan ay nagpapagulo hindi lamang sa utak ng nakakarinig nito kundi lalo na sa sarili nyang isip ay yung mga tipo ng mga babaeng wala talagang tiyak na ideya towards a certain thing. (Patapon? Grabe ka naman. Hindi naman sa ganun). Samantalang ang isang babaeng minsan lang magpahayg ng nilalaman ng isip pero consistent, definite ang sinasabi at may firmness sa kanyang mga thoughts sa buhay ay ang babaeng "simple, pero ROCK". Ang pangalawang nabanggit ay ang siguradong nagtataglay ng kakaibang sense of humor na maaaring humuli sa puso ni Kuya and at worse ay maging dahilan ng obsession ni Kuya.

Dialogue ni Kuya:  Hindi kita gusto lalong di kita mahal. Di ka maganda, maikli ang binti mo at hindi ka sexy! Pero please pagpahingahin mo ang utak ko kakaisip sayo! Ano bang meron sa'yo...?!

2. May Kakaibang Abilidad- Anung abilidad ang tinutukoy ko dito? Hindi abilidad sa pagpili ng magandang damit o make up brand. Hindi abilidad sa pagsasalita para mag-appear na sosyal at class. Hindi abilidad sa pagmemorize ng mga non sense na love quotes o love lines mula sa pelikula at forwarded texts. E ano? Abilidad na magsolve ng mga problema sa buhay. Ito ay isang abilidad na talagang hahangaan ng isang lalaki mula sa babae. Ang babaeng hindi hinahanap ang solusyon sa problema mula sa pag iyak. Ang babaeng tinitiyak na worth ang bawat butil ng luha na papatak mula sa kanyang mata at hindi basta basta iiyak sa walang kabuluhang bagay. Sya ang girl na may kakaibang abilidad na maging malakas at maging matatag mula sa mga challenges ng buhay at ang babaeng 100% na mahirap paibigin pero 110% na siguradong daig pa ng guy ang nanalo sa lotto after years na panliligaw at mapasagot nya ito.

Dialogue ni Ate: Maaaring maikli nga ang binti ko at talampakan lang ako ni Rhian Ramos kung iisipin. Pero ang mga binting ito ang tatayo at matitiis na nakatindig kahit anung hampas ng pagsubok. Itong binting ito ang magpapatunay na kahit anung mangyari, kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa.

3. May Magandang Hinaharap- Kung kasing dumi ng Ilog Pasig ang iniisip mo ay makakabuting ihinto mo na ang pagbabasa sa punto pa lang na ito. Mali ang iniisip mo dahil ang tinutukoy ko dito ay ang assumption ng isang lalaki sa kung ano at saan patungo ang isang babaeng sa madaling salita ay “independent” na katulad ng nabanggit ko sa itaas. Ang isang babaeng may pangarap at hindi inuubos ang oras sa mga walang kwentang bagay (tulad ng trying hard na paggamit ng blue at green na contact lens) ay ang babaing madalas na gumagawa ng drama scene sa harapan ng mga magulang ng lalaki habang ipinaglalaban ng huli ang pag ibig nya sa girl. Ang babaeng tinuturing ang bawat segundo na precious  ay ang babaing precious din sa mata ng lalaking humahanga. She often speak of the words that makes sense when it comes to being productive in life and impresses even the lost soul of the tambays.

Dialogue ni Kuya: Wag ka masyadong magmalaki sa pagiging independent mo at wag ka mag-aktong kaya mo na ang lahat. Hindi ako bilib sa’yo at lalong lalo na ayaw kong maging bahagi at hinding hindi ko aasamin na maging katulong mo sa pag-abot ng mga mithiin mo sa buhay. Pero ngayon pa lang ay iniisip ko, kung hindi magiging ako…sino? Kung mahuhulog ka lang din sa tarantadong lalaki na hindi maaappreciate ang tunay na kagandahang taglay mo…at least wag mo ko pagbawalan na magkaroon ng kahit konting role sa buhay mo…ang protektahan ka sa kahit anung paraan. Ok?

 4. May Puso at Pakialam sa Iba- Hindi puro sarili lang ang iniisip. Kung sa palagay mo ay matigas at matalim ang personalidad na pinakikita at hindi magiging nice sa iba…nagkakamali ka. Sensitive din sya at kung kelangang maunawaan ang kapwa gamit ang puso, madali mong makikita sa kanya ang tunay na kahulugan ng malasakit. Ang lalaking hindi lang basta nagsasabi na ang hanap nyang babae ay mabait ay ang lalaking malamang ay ang nagsasabing babaeng may puso at marunong dumamay ang hanap nya. Uri ng babaing once na mapaibig mo ay siguradong hindi ka bibitiwan, magiging tapat sayo at kung sakaling “you and me against the world” ang drama nyo, sure na magtutulungan kayo  para maovercome lahat ng trials sa relasyon nyo.

 Marami sa kababaihan ngayon ang peke at hindi sapat na basehan na 95% ang nakuha nilang grade sa CE/GMRC nung nasa gradeschool sila para sabihing may karakter sila na tulad ng tinutukoy ko dito. Ang medyo masakit pa nito, kung sino yung mga peke ay sila ang nagkalat at yung mga totoo ay parang endangered specie na mahirap matagpuan. Ang tunay na may pusong kayang magmahal sa maraming paraan pero sa konting dahilan ay taglay ng mga babaing tinutukoy ko dito. Sabi nga sa Economics: “When there is a small supply, there is a large demand.”. At dahil kokonti lang sila (marami sana kung isasama sa bilang ang mga puno ng saging na totoong may puso) marami ang maghahangad ng kanilang matamis na “oo”.

Dialogue ni Ate: Ayos ka din e nu? Kung habang sinasabi mo yan ay inaabot mo na sakin ang resume mo, e di sana kukunin na agad kitang bodyguard. Bakit ka hihingi ng maliit lang na role kung kaya mo namang makuha ang main role sa buhay ko?! Kanina ka pa nagsasalita dyan at hindi bobo ang puso ko para di maintindihan ang gustong sabihin ng puso mo! Ok?!

5. Ngiting Pamatay, Tinging Nakakatunaw- Sa pisikal na karakter ng isang babae na minsan ay hindi alam o unconscious ang isang lalaki kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit sya attracted sa isang babae, ito ang maaring dahilan kung bakit nya nagustuhan si ate, “Ngiting Pamatay at Tinging Nakakatunaw”. Pero maniwala ka o hindi at dahil puso ang nakakaalam at hindi ang isip pagdating sa pag-ibig, regardless na kumpleto o hindi ang ngipin ni ate, regardless na half the globe ang distansya ng ganda ng labi ni Angelina Jolie sa labi ni ate, still…sya pa rin ang may pinaka magandang ngiti sa paningin ni kuya. Ngiting halos sumira sa ulo ng dorm mate mo sa pagtataka kung bakit magdamag ding nakaguhit ang ngiti sa mukha mo. Yan ang ngiti na sa ibat-ibang level at uri ay humuhuli sa puso ng mga kalahi ko.  Samantalang habang conscious ka ate na ngiti mo nga ang isa sa kahinaan ni kuya, ay wag ka masyado mag expect na ganun nga talaga yun dahil maniwala ka o hindi, ang ngiting pagkatamis tamis pero halos kasing dalas lang ng lunar eclipse kung lumabas ang ngiting pamatay na kinaiinlaban ni kuya. Agree ka ba? Kaya yung totoong ngiti lang please, wag yung O.A. :-)

Tinging nakakatunaw, haisst…hindi katulad ng ngiti na kahit iba-iba basta ngiti ay nakakaattract.  Dahil sa totoo lang, may tingin ng babae na nakakaasar at nakakasira ng araw. Ang dahilan kung bakit hindi lahat ng tingin ay nakakatuwa ay dahil ang mata ang sinasabing window of the soul at nakakapagtaka man pero sa pamamagitan lang ng pagtingin sayo ay parang may idea ka na sa saloobin ng isang tao. Ate, kung negative ang saloobin mo, magrereflect yun at mababasa yun sa iyong mga mata. Pero kung gusto mong maging attractive ang iyong mata at di na kelangang magsuot pa ng contact lens (bakit ba ako galit sa contact lens?) subukan mong gawing positive ang outlook mo sa buhay and I guarantee you kahit sadyang suplada ang nature ng pagtingin mo, sexy pa rin ang magiging dating nyan sa isang tulad ko at yan ang tatawagin kong tunay na ngiting nakakatunaw.

Dialogue ni Ate at Kuya

Ate: O bakit bigla ka natahimik?.... Teka, sino tinatawagan mo?

Kuya: Tinatawagan ko manager ko.

Ate: Manager? Anung manager? Para saan?

Kuya: Talent manager. Kelangan ko tulong nya para siguradong mapupunta sakin ang main role…ang main role sa buhay mo…mahirap na baka mapasakamay pa ng iba yan at hindi ako makakapapayag mangyari yun.

Ate: Tingin mo matutulungan ka ng manager mo makapasa sa audition?

Kuya: Haisst…! Ano ka ba? Pahihirapan mo pa ba ako? Hindi mo ba alam kung gaano na ako nahihirapan sa kalagayan ko? Kung alam ko lang ang lengguwahe na sinasabi ng puso ko, matagal ko na sanang ipinaliwanag sayo kung gaano kita kamahal!

Ate: Sino ba nagsabing pahihirapan pa kita? You suffered enough! Hindi ako tanga para di ko mapansin yun! Pero at least i-try mo mag audition for formality! Matagal na sanang blockbuster ang love story natin kung hindi dahil sa katorpehan mo nu!

Kuya: Sorry naman! O sige na! May hagdan ba kayo? Aakyat ako ng ligaw…

Share