Saturday, March 20, 2021

Usapang Cheating

 


Lahat naman may kakayanan mag-cheat pero hindi talaga siya makatuwiran. Laging susubukan ng nag-cheat na i-justify yung ginawa nya to make it reasonable sa mata ng niloko nya pero wala kase talagang universal na katanggap-tanggap na dahilan kaya nagloko ang isang tao. Laging ang ending pa rin nyan, nagcheat ka or nag-cheat kayo sa isa't isa at MALI sya sa kahit saang anggulo.

Kung ang reason mo ay dahil nagsawa ka, kesyo ang tagal niyo na and gusto mo maka-experience ng iba, sige magcheat ka. Pero maging fair ka. Dapat bigyan mo rin ng lisensya ang partner mo na lumandi sa iba. Kase sabi mo "normalize cheating" para labanan yung "nagkasawaan" di ba? So ang mangyayari, magkakaroon kayo ng contest ng padamihan ng cheating. Magiging ganito ang dialogue nyo:
Boy: Kumusta kayo ni Juan?
Girl: Nag-change oil kami kagabi. Kumusta kayo ni Maria?
Boy: Ganun din. Nag-enjoy ba kayo?
Girl: Oo naman. E kayo ba?
Hindi na yan cheating actually. "Polyamory" na ang tawag dyan na kung saan, ok lang sa inyo na makipagrelasyon sa iba habang kayo.
Samakatuwid, ang cheating na pinapayagan nyong dalawa ay hindi talaga cheating kundi acceptable na ginagawa ng ibang kultura. It only means na ang totoong cheating ay laging pabor lang sa iisa. So para ma-normalize ang cheating kelangan ma-normalize din ang makasakit at masaktan. Kelangan i-normalize din na may damdaming nadudurog tuwing sya'y niloloko. At lahat nang ito, para lang ma-maintain ang kahulugan ng cheating sa relasyon.
To sum it up, normalizing cheating is beating the purpose of a monogamous relationship. Kung may mindset ka ng cheating bago ka pumasok sa relasyon, that means na hindi ka naka-program na sumaya sa iisang tao lang. Which means hindi ka naka-program na pumasok sa solid na commitment. Which means, hindi ka dapat pumasok sa relasyon at nakipagcommit in the first place.
Samantalang kung nasa kalagitnaan ka ng relasyon nang nag-cheat ka, suriin mo ulet sarili mo kung gusto mo pa ba ipagpatuloy yung relasyon o hindi na. Kase ang pangunahing sangkap ng intimate na relasyon ay pagmamahalan. Yung nagsawa ka nga lang indikasyon na yun na hindi mo na mahal e, lalo pa yung naghanap ka ng iba. So just give it up, mag-break kayo, let go at gawin mo gusto mo. Bitawan mo na agad ang partner mo at wag nang lokohin ng matagal o paulit paulit. Maiksi lang ang buhay, wag kang selfish, at ibigay mo sa partner mo ang tsansa na makapag-heal agad at makatagpo ng hindi kasing-asshole mo.

Share