Wednesday, July 6, 2011

TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!)

Time out muna sa mga kaseryosohan. Magpalipas oras muna tayo at alamin ang mga bagay na naghihintay malaman. haha...

111,111,111 x 111,111,111= 12345678987654321 
 Galing nu? E anu kaya ang pwedeng i-multiply para ma-obtain ang sagot na, 14344?

Siya si Wilt Chamberlain. Ang dating NBA Superstar na umaming nakipag sex sa 20,000 na babae.
BOOM!!!

Ang gold fish ay meron lamang 3 seconds na memory span.
Maraming utak "gold fish" sa college. Hahaha...

Ang pinakamahabang pangalan ng isda ay "humuhumunukunukuapua'a" mula sa Hawaii.
Wrong spelling wrong!

Dachshund Sausage ang original na tawag sa HOTDOG.
Ang laki naman ng Dachshund Sausage mo...super like. hahahaha..

Ang medical term sa pagbubuntis ay gravidity.
Girl I'm in gravidity. I dont know what to do. ^_^
Giraffe ang may pinaka mataas na blood pressure sa lahat ng hayop.
Kaya wag natin sila asarin o galitin. Imaginine mo kung ma-stroke yan. hahaha...


Si Mrs. Vassilet (1816-1872) ay mayroong total of 69 na anak at ang kanyang proud na asawa na si Mr. Fyodor Vassilet ay masasabing isa sa pinaka-astig na lalaki dahil nakagawa sya ng 69 na anak out of 27 na pagbubuntis lamang ng asawa nya. 16 twins, 7 triplets and 4 quadruplets. Lahat po ng 69 na yan ay tumanda at nagpadagdag sa population ng Russia.
Partida, wala pang circulan nung mga panahon na yun. hahahaha...

Alam mo ba na nung unang panahon at wala pang Listerine, "IHI" ang ginagawang mouthwash?
Eeeeeeeewwwwnesss....

Ang lamok ay may 47 na ngipin.
San kaya nakalagay yun? Hahaha..

Pinapatay ng babaing praying mantis ang kanyang ka-sex na lalaking praying mantis pagkatapos niyang makaraos.
Sample lang yan ng kalupitan ng mga babae. Kawawa talaga tayong mga lalaki. :-(

Kayang matulog ng kabayo kahit nakatayo.
Kayang matulog ng call center agent kahit nagtetake ng calls. Nyahahaha...

Ang tibok ng puso ng babae ay karaniwang mas mabilis kesa sa tibok ng puso ng lalake.
Wala itong kinalaman sa mga babaeng mabilis mabola.

Ang pagsaludo na kung saan ay inilalagay ang kamay sa may noo ay evolution ng nakagawiang pagbubukas ng mga knight ng kanilang helmet o visor tuwing dadaan ang hari.
Aha!!

Ang kotex na isang brand ng napkin ay nagsimula bilang pantapal sa dumudugong sugat ng mga sundalo noong World War 1.
At dahil natapos na ang giyera pero kelangan pa rin nila ipagpatuloy ang bussiness, naisip nila na...sugat lang ba ang dumudugo at pwedeng tapalan? hahahaha...



Ang kantang ito (Got to Get You Into My Life) ay composed ni Paul McCartney ng Beatles. Ang sinasabi ditong bagay na dapat ay kasama sa buhay ay ang "marijuana".
I was alone, I took a ride,
I didn't know what I would find there
Another road where maybe I could see another kind of mind there

Si Voltaire na isang French Philosopher ay coffee addict. Umiinom sya ng 50 cups of coffee araw-araw.
Pwede syang magtrabaho sa call center.

Ang pugot na ulo ng tao ay nananatiling may malay hanggang 15-20 seconds pagkatapos mapugot.
OMG pugot na pala ulo ko! Bye bye world!

Mas maraming manok sa mundo kesa sa tao.
At parami ng parami pa rin ang mga utak manok.

Ang official name ng Bangkok na main city ng Thailand ay "Krung Thep Mahanakhon Amon Rattanakosin Mahinthara Yuthaya Mahadilok Phop Noppharat Ratchathani Burirom Udomratchaniwet Mahasathan Amon Phiman Awatan Sathit Sakkathattiya Witsanukam Prasit"
Gusto ko pumunta sa Krung Thep....Amon...Rattanakosin... Ay shet Bangkok na nga lang!

Ang mathematical term na "zenzizenzizenzic" ay ang English word na may pinakamaraming letter Z.
Ano kaya kung ipangalan ko to sa magiging anak ko nu?
Student: My name is Zenzizenzizenzic Valencia.
Teacher: Shet, anu ulet pangalan mo?
Student: Zenzizenzizenzic Valencia po.
Teacher: Huh? Anu nga ulet?
Student: Sir, hindi na po nakakatuwa.
Wahahahaha!!!

That's all folks! Sana may natutunan kayo. :-)

Share