Sunday, March 25, 2012

Reyner in Wonderland (Gumaus 2012)

Intro: Taong 2004, emosyonal at wari'y hindi matangap ng mga puno ng niyog, saging at bayabas ang aking paglisan sa Gumaus, Paracale, Camarines Norte. Bawat puno na aming madaanan ay waring kumakaway upang magpaalam. Pati mga "damo" sa kinalakhan kong lugar ay nagtangis sa aking pag-alis. Sa gitna ng tanawing iyon ay aking ipinangako ang matamis na pagbabalik bagamat hindi tiyak kung kelan.
(Vroooommm... Syet ang usok ng sasakyan namin. Papacheck-up ako ng baga pagdating sa Manila)

Fast forward: Summer 2012! Isang biyayang maituturing nang maaprubahan ang vacation leave na matagal kong minithi. May listahan ng destinasyon na pwede kong puntahan i.e. Mars, Moon, Jupiter at Boracay pero isa lang ang gusto kong puntahan at yun ay ang aking lupang sinilangan (hindi ito panunumpa sa watawat ng Pilipinas). Inimpake ko na ang mga bagahe at binitbit na rin ang aking utol para sa sumasabog sa kasiyahan na bakasyon 2012!

Yes!!
March 14, Wednesday - Hindi na ko nakaligtas sa mutant na humahabol sa kin at ganap na nyang itinarak ang palakol ng kamatayan sa aking dibdib. Maya-maya pa ay pinagsasaluhan ng mga cannibal ang aking karne. Wala pa talaga akong tulog nun dahil sa excitement kaya pati ang Wrong Turn na palabas sa bus ay nakapasok sa aking unang panaginip nung ako'y maidlip pagkalipas ng 20 oras na gising. Masaya ang byahe lalo na nang mameet namin ang cool na mag-kaibigang ito:
Hindi po sila mga characters sa sesame street at mas kwela po sila kesa kay Willie Revillame at Joey de Leon.
Mach 15, Thursday- Madaling araw at tuluyan na akong iginupo ng pagod. Biglang may isang maliwanag na ilaw na animo'y galing sa spacecraft ng mga alien ang tumama sa aking mukha. Syet, piniktyuran ako ng utol ko habang nagliliwaliw sa mundo ng panaginip...with mouth wide open:
Pero ang aga ng karma ng utol ko at daig pa nya ang tumira ng isang case na redhorse nang dumaan ang bus sa zigzag road ng Sta. Elena...mabuti na lang at may CR sa loob ng bus at dun sya nagpakain ng itik.
Ilang sandali pa at narating namin ang Bicolandia. First stop sa bahay ng tita ko sa motherside. Sa unang pagkakataon sa loob ng 8 years ay noon lang ulet ako nakakita ng "carabao shit" (sosyal) o tae ng kalabaw. Gusto sana itong tikman ng kapatid ko para makumpirma kung tae nga ng kalabaw pero pinigilan ko sya at piniktyuran na lang namin ang inosenteng tumpok ng "forbidden cake".
yummy!








Sunod na stop ay sa pinagpipitagan at labis kong iniirog na Jose Panganiban National Highschool kung saan ako grumadweyt ng hayskul. Napaka-conservative ko nung ako'y nasa highschool at ang mga usapang sexual para sakin ay imoral (kung maniniwala ka na ganun nga ako nun e bahala ka. hahahahaha!!!)

Si Sir Joven, ang taong nagkaloob sakin ng karunungan na kahit ilang beses akong holdapin sa Manila ay hinding hindi sa akin mananakaw.
Ready na kami ng utol ko na magparty-party sa bundok kaya't nakaposisyon na kami sa jumbo bus ng Gumaus na literal na aahon sa bundok.
Kuha ang matarik, paahon at mabatong kalsada na to mula sa bubong ng sasakyan kung saan ako nakasakay. Top load kung tawagin at pwedeng pwede pumwesto sa bubong dahil wala namang MMDA na manghuhuli.

Narating na namin ang Baranggay Gumaus, ang lugar na nagturo sakin ng pagmimina, pagbubukid, pangingisda at pagdadamo este paggapas ng damo. Maganda pa rin ang lugar bagamat marami nang new faces dahil sa pagdagsa ng mga taga-ibang lugar para magmina ng ginto. Malalaki na rin ang mga dating bata lang nung umalis kami. Sa katunayan ay nakagawa na rin sila ng bata. Matanda na ang lola ko pero malakas pa. Naipagluto pa nga nya kami ng pinakamasarap na tinolang native na manok:
Pasintabi po sa PETA at sa mga vegetarian dyan pero napakasarap po talaga ng tinola na to na luto ng lola ko.
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa "tailings dam" kung tawagin. Ito ay dating minahan ng ginto pero ilang dekada nang abandonado at nag-iwan ito ng magandang tanawin at paliguan.

Ang mga diwatang Bicolana na nagbabantay sa nakatagong paraiso ng Gumaus at ang mga bida ng Bourne Legacy at Terminator na wala pang tulog.
Tailings dam ilang dekada na ang nakalipas. Swimming pool ngayon.
Sinasabing may buwaya sa lawa na to pero wala pang matibay na patunay na meron nga talaga. Isa lang ang sigurado at may matibay na ebidensya...totoong may buwaya sa mga opisina ng gobyerno.
Ang buwis buhay na planking ni utol sa puno ng aguho.
Pagsapit ng dilim, sumigaw na ang umaluhokan upang ipaalam sa mga tao na oras na para uminom ng alak upang ipagdiwang ang aming pagdating. Naganap nga ang munting kapiyestahan at hindi umuwing luhaan ang lahat ng aming kababata at kamag-anak na nakipag-inuman samin...umuwi silang gumagapang at sumusuka ng konti. Hahahaha!!! Ang yabang ko pero mas matindi ang nangyari sakin nung nalasing ako. :-)

March 16, Friday- Binisita namin ang aming alma mater kung saan kami nagtapos ng elementary. Masaya ang naging experience lalo na't inulit namin ang dati'y araw-araw naming ginagawa noon, ang maglakad ng nasa 5 kilometers gamit lamang ang aming paa at pudpod na tsinelas.

Wednesday, January 25, 2012

"Mahirap ka lang! Wala kang karapatang mahalin ako!"

Yan ang mga katagang narinig ng isang binata mula sa mayamang dalaga na matagal na nyang mahal at sa unang pagkakataon na nagpropose sya dito, sagad sa butong panlalait ang inabot nya.

"Wow! San ka kumuha ng lakas ng loob para magpropose sakin? Ang ginagastos ko araw-araw ay katumbas na ng pang-isang buwang sweldo mo. Mag isip ka nga! Di tayo bagay. Bakit di ka maghanap ng babaeng ka-level mo na mahirap at mababang uri at sya ang pakasalan mo!"

Lumisan na lulugo-lugo ang pobreng lalaki at pinilit kalimutan ang sosyal, alta sociedad at mapanghamak na rich girl na wala syang naging ibang kasalanan dito kundi ang mahalin ito ng totoo at buong katapatan.

10 years ang lumipas...

Sa isang mall:

Rich Girl: Hey! Ikaw pala Mr. Poor. Kumusta ka na? Alam mo bang may asawa na ako ngayon? Kasal na ko sa isang lalaking sumusweldo ng P200,000 kada buwan. Can you imagine? P200,000 at mas matalino pa sya kesa sayo! Hahaha!

Nangilid ang mga luha sa mata ng binata matapos marinig ang sinabi ng babae.

Ilang sandali pa at dumating ang asawa ni  Rich Girl  at bago pa masambit ng babae ang iba pang makapandurog pusong panghahamak sa tinawag nyang Mr. Poor na nasa harapan nya, nagsalita ang kanyang pinagmamalaking mister:

Mister: Oh Sir andito ka na pala! Syanga pala meet my wife. Honey, siya si Sir Randy at siya ang may-ari ng worth P2 billion project na itatayo sa area na to at isa ako sa mga assistant nya. Alam mo bang bachelor pa rin yan si Sir at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa dahil isang babae lang talaga ang mahal nya at gusto nyang makasama habang buhay pero ayaw ng babaeng ito sa kanya. Napakaswerte ng babaeng yun di ba honey? Kung sino man sya, its her lost to reject someone like Sir Randy who can love sincerely and perhaps eternally.

Rich Girl: Honey I'll just go to the restroom. Excuse me...Sir... (sinabi nya ito na hindi makatingin sa mata ng tinawag nyang "Mr. Poor").

@@@

Ang buhay ay hindi permanente sa isang bagay lamang. Magkakaroon ng pagbabago sa paglipas ng panahon dahil sa mundo, pagbabago lang ang tanging permanente. Wag maging mapangmata at wag maging mapagmalaki ng husto, baka magkapalit kayo ng sitwasyon ng taong hinahamak mo pagdating ng panahon. Respeto sa kung anumang pagkakaiba na meron kayo. 
At kung ang paniniwala mo sa pag-ibig ay pera-pera lang, ang masasabi ko sayo...ang masasabi ko sayo ay....(ayoko na magmura. nirerespeto kita kung yan ang paniniwala mo.)

Tuesday, January 10, 2012

Usapang Sex Scandal



Pag sinabing sex scandal...big tym yan. Meron kang Paris Hilton, Kim Kardashian, Katrina, Hayden at ngayo'y Janelle na syang pinakabago at marami pang iba! Matindi ang epekto nito sa sambayanang manyakol. Marami ang interasadong makapanuod nito at hindi natin alam kung pati ang mga moralistang kilala natin ay lihim na nanunuod nito dahil sa curiosity sa kung paano nga ba makipag-sex ang isang sikat na personalidad.

Si Charles P. Ginsburg ang naglabas ng pinakaunang video cam nung 1950's. Napakahalaga ng role na ginampanan nuon ng video cam para sa media upang maipakalat ng epektibo ang impormasyon sa publiko. Sobrang mahal pa nun ng video cam kaya mayayamang tao lang ang afford ang instrumentong ito. May mga naglabasang sex videos nung 70's at 80's pero halos lahat yun ay mga tinawag na old school porn at hindi sex scandal. Sa pag usad ng panahon lalo na ng dumating ang 90's, eto na, naglabasan na ang mga sex scandal. Sumulpot na kase ang mga digital camera. Maraming mga celebrities ang nagbuyangyang ng kanilang mga kaluluwa sa harap ng publiko at yun ay hindi nila inaasahan. Nasadlak sila sa kahihiyan pero wala na silang nagawa dahil nagbunga na ang kanilang extreme sex adventure.

Dumating ang 20's at ang kapatid ni digicam na si internet ay ganap ng mature. Dahil sa kompetisyon ng digicam sa merkado, nagbagsak presyo ang mga digicam at dahilan yun para si Kuya ay bumili rin ng sinsabing digicam na umano'y kayang magrecord ng mga masasayang ala-ala nya nang mas malinaw at efficient. Pero isang araw, kumain ng bicol express si Kuya at nakita nya ang girlfriend nya na naka miniskirt. Dahil gusto ni Kuya na macapture ang mga unforgettable moments, kinuha nya ang consent ni Ate para ivideo ang gagawin nilang ritwal. Pumayag si Ate at nangyari na nga. Pagkalipas ng ilang araw, linggo o buwan...namiss ni digicam ang kanyang kapatid na si internet kaya gusto nya itong dalawin pero hindi nya alam kung paano. Buti na lang nailipat na ang kanyang video sa isang memory device at ready nang isalpak sa computer. Naghintay pa ng ilang panahon si digicam para mameet nya ang kanyang kapatid na si internet at natupad iyon nung araw na masira ang laptop ni Kuya. Dinala ang laptop sa repair shop at nang marescue ni Boy Demonyo si sex video sa flash drive, hindi ito nagdalawang isip na papasukin si sex video sa tahanan ng kanyang kapatid na si internet. Mula noon ay namalagi na si sex video kasama ang kanyang kapatid at si digicam naman ay hindi na makapaghintay na makagawa ulit ng pag-uusapan at pagkakaguluhang sex scandal!

Kung paano naging ganun kahalaga ang video recorder nung unang panahon ay ganun na ito ka-mapanira sa panahong ito. Pero masisisi ba natin ang pag-unlad ng teknolohiya na sadyang walang ibang pupuntahan kundi ang ika nga'y maging mas high-tech pa sa mga darating pang panahon. Kung umuunlad pala ang teknolohiya, ibig sabihin mas uunlad ang mga isipan natin at mas magiging mature tayo at responsable. Ang digicam, camcorder, iphone mong bago na may 8 megapixel o kahit yang mp5 mo na nabili mo sa Muslim, ang mga yan ay nagrerespond lang sa kung panu mo gamitin ang iyong freedom o kalayaan . Malaya kayong mag-lugawan sa harap ng camera kung yun ang magpapasaya sa inyo(Papa Jack?) pero responsibilidad nyo ang maayos na pagdispose nito upang hindi mabulgar. Kung mabulgar man despite na iningatan mo ng husto, wag ka manisi ng kahit sino o ng kahit ano, ginusto mo yan e..ginusto nyo yan. Hindi ako relihiyoso pero ang mismong pagtatalik lalo na kung di kayo mag-asawa ay malaki nang pagkakamali at mas malaking pagkakamali kung itoy irerecord nyo pa.

Boy: Irekord natin hon.
Girl: Ayoko
Boy: Sige na. Buburahin ko din agad.
Girl: Sige na nga.

Headline sa dyaryo kinabukasan: Isang sex video scandal, kumalat sa buong motel.

Girl: Shet ka! Kala ko ba buburahin mo agad! I hate you!
Boy: Hon, sensya na nahigaan ko yung cellphone pagkatapos natin e... di ko namalayan...nasend via blue tooth ... hu! hu! hu!..pero don't worry, nabura ko na hon. Ayan wala na oh.

@@@

Monday, January 9, 2012

Daily Routine ng Taong Single


Weekdays

8:30 pm- Gigising, tatanga sa tv ng mga 10 minutes. Magbibigay ng opinyon sa napanuod na balita. Magkakape, magyoyosi. 9 pm maliligo then pasok sa trabaho.

10:30 pm- Magsstart na magtrabaho, hihikab, masstress, magkakape ulet, kakain, magyoyosi, makikipagkwentuhan ng konti at pipiliting maging masaya sa tatlong 30 minutes na break sa loob ng 9 hours.

7:30 am- Labasan na sa trabaho. Tatambay konti tapos susuntok ng ilang ulit sa punching bag ng company gym then magdedecide na magbuhat ng barbel...magbubuhat pa ng ilang ulit pag natripan hanggang sa mapansin na nanggigitata na sa pawis at saka titigil. Titingin sa muscle at hahanga sa sarili sabay magtatanong sa isip..."shet, bakit single pa rin ako?". Aalis sa building pagkatapos ng 10-15 minutes na pagcheck sa FB (inaabot ng 30 minutes pag nakasabay yung type na girl sa internet kiosk).

9:15 am- Nasa bahay na. Busog na dahil nag-chow na sa nadaanang kainan. Anung gagawin? Manunuod ng balita o maglalaro ng Final Fantasy 9? Manunuod muna ng News To Go (nagpromote pa ng show) then maglalaro ng antique na PS game sa antique na PS1.

11:00 am- Showtime na. Sisilipin ng konti ang outfit ni Anne Curtis at pag ok, manunuod ng konti. Pag nabadtrip sa mapanghamak na punchline ni Vice Ganda, ililipat ang channel. May laro ang NBA, dun muna. Hahanga sa mga NBA players at mangangarap na sana ay ganun din ako katangkad. Ichecheck kung HYY na para magpantasya ng konti kay Toni Gonzaga at sa mga contestant ng My Girl. Magugutom.

12:00 pm- Lalabas ng bahay para maghanap ng foodtrip. Kung anong mapagtripang kainin, bibilhin, lalantakan at kung nagkataong kaharap ang pusa ng kapitbahay, isheshare sa pusa. Halos tapos na ang araw, magbebrainstorming ng konti- matutulog o hindi muna? Magbabasa? Magsusulat? Manunuod ng TV? Manunuod ng X? (x-men,x factor, :))Maglalaro ng PS? Maglalaba? Maglilinis ng bahay? Mag*******?

1:30 pm- Kadalasan ay tulog na pero minsan ay gising pa. Nakikinig ng mga kanta ni Baby Face o ng Eheads. Nagmumuni muni habang nakatingin sa kisame. Tatanungin ulet ang sarili... "shet, bakit single pa rin ako?"

8:30 pm- Magsisimula na naman ang monotonous, boring, one-sided at walang kathrill-thrill na daily routine ng "Taong Single".

Weekends

Depende kung anung trip. Pwedeng uuwi sa Bulacan o magsstay sa apartment. Pag umuwi sa Bulacan, either maglalaro sa PC hanggang tumilaok ang manok o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang utol ko. Pag nagstay sa apartment, either matutulog maghapon at magdamag o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang mga mukang kabayo este mga tropapips. May times din na lumalabas, pumupunta sa mall, pumupunta sa beach, sa falls, sa swimming pool at sa kung saan-saan pero..."shet, bakit hindi girlfriend ang kasama ko?"
 @@@

Boring dre, boooring ang maging single. Pero syempre inexagerate ko lang. Masaya naman ako kahit walang lovelife e. Tootoot! Tootoot!"Sana naging manok ka na lang. Para lagi mong inuupuan ang mga itlog ko." (Anu to? Sori nadistract ako nung txt ng kaibigan kong maligaya na kahit walang lovelife kasi kamunduhan at hindi pag-ibig ang naghahari sa pagkatao nya. tsk..Moving on...)
Masaya naman ako kahit walang nagtetext sakin ng "i love you, ingats bhe mmmhwa..". Pero i should admit na hinahanap hanap ko yun. Sa ngayon ang kinakapitan ko na lang ay ang pag-asa na someday...someday...darating din sya ng kusa at hindi ko sya kelangang hintayin. Darating sya na parang magnanakaw na hindi nagpapaalam at nanakawin nya ang puso ko at magmamahalan kami ng wagas at dalisay. Pag dumating yung time na yun, sisiguraduhin kong...sisiguraduhin kong...hindi yun yung kapitbahay ko.

Monday, January 2, 2012

It Will Rain by Bruno Mars (Animated Music Video by Reyner)



 
Just another boring post-2012 new year celebration. I was playing this amazing PC game called The Movies. All of a sudden, i heard a song called "It Will  Rain" by Bruno M. I got stuck for a moment while listening to its lyrics. From how I understood, the guy is begging her fiancee to stay and don't get affected by her parent's warning.The message is very vivid a dumb lover may easily understand what it means. Its really painful if you lost someone just because you can't bend what your parents ask you to do even it will impair your own happiness. 

So I rushed to my game and begin conceptualizing my customized music vid then afterwards work on making it close to Obra Maestra. It took 4 hours to complete the whole thing. I must say after i finally published this creation, my new year became amazingly complete. I hope you enjoy watching this one. :-)

Tuesday, December 27, 2011

Ako at ang 2011


Ang pinaka highlight ng buhay ko ngayong 2011 ay ang aksidenteng pagka-graduate ko sa college sa edad na 23. Oo, aksidente lang. Mangyari kasi ay 5 years kong tinake-up ang 4 year course na Pol. Sci. sa pag-aakalang masayang mag-stay sa college nang matagal. Pero nung maranasan kong bumagsak sa ilan sa mga major subjects ko ay hindi ko na ito naenjoy kaya ang nalalabing panahon sa ika-apat na taon ay ginugol ko sa pagsusunog ng kilay (pero inabot pa rin ng 5th year. tsk..). Ang maalamat na thesis ay nalampasan ko pero hindi ang trauma na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa mula sa 3 hrs na pag-defend nito. Sa wakas, nang maakyat ko ang entablado at matanggap ang coupon bond este diploma, para ko na ring natanaw ang asul na kalawakan at ang mga anghel na nag-aawitan. Ang sabi nila'y "Booooooooo!!!!" (hindi pala mga anghel yun kundi mga tropang hindi lang makapaniwala.)

Ang sunod na challenge ay ang paghanap ng trabaho para buhayin ang sarili. Kahit konti ay hindi na ko pwede umasa sa pamilya ko. Medyo pinalad dahil ang totoo'y kaya nagkanda leche leche din ang studies ko ay dahil nahook up na ko sa pagiging call center agent. Ang ending, call center agent right after the graduation. Masaya sa call center. Araw araw ka nag-eenglish at kung baguhan ka tulad ko dati ay kakailanganin mong kumain ng maraming ampalaya para pampadagdag ng dugo. Sa kakanosebleed mo kase, baka maubusan ka ng red blood cells. Kung di ka rin yung tipong sanay sa pamorningan ay hindi ka uubra sa trabahong nabanggit ko. Ang labanan sa call center ay "matira ang sanay sa konting tulog". Pag tulad ka nung asong gumagalaw-galaw ang ulo na naka-display sa taxi ni manong tuwing sasapit ang 12:00 am onwards, ikaw ang tinatawag na "planking master" (planking na kase ang kasunod nun dahil sa sobrang antok). Pero rewarding ang pagkakaroon ng trabahong ganito dahil night differential mo pa lang, halos basic na ng ibang nasa day job. Sabi nila hindi daw ok ang maging call center agent. Sabi naman ng iba, hindi it ok sa mga masyadong mapagmahal sa sariling wika. Para sa akin, ang mga call center agents at mga call center companies ay isa sa mga big time mag-ambag ng buwis sa pamahalaan at kung hindi kokorapin, baka tabihan na ng estatwa ng malaking headset ang monumento ni Rizal sa Luneta (ano daw?).

Naging masaya naman ako sa taong ito. Financially stable naman ako kahit paano at ang totoo'y nakakapagdonate pa nga ako sa mga charity (kung gullible ka ay paniniwalaan mo ang huli kong sinabi). Ang hindi lang masyadong masaya ay ang pagkakaroon ko ng walang kasing-pangit na lovelife. Early this year ay nakipag-break ako sa gf ko sa kadahilanang hindi na ko masaya. Ang sabaw ng bulalo ay tuluyan nang lumamig at ang pagsasama namin sa loob ng halos dalawang taon ay nagtapos. Sinubukan ko magmahal muli pero pakiramdam ko ay pagod na ko sa aspetong iyon ng buhay kaya pinili ko na lang maging kasapi ng SMP (Samahan ng mga Paasa). Pero likas naman talaga akong palakaibigan at namimisinterpret lamang nila ang pagiging sobrang nice ko sa kanila. Hindi ko kasalanan kung na-inlove sila sakin at wag nila akong kamuhian kung friendship lang ang maio-offer ko. Tsaka...hindi po talaga ako pumapatol sa "gay o homosexual" :-(. Sensya na.

Eto nga at magtatapos na ang taon. Sa scale of 1-10, 10 being the highest, 8 ang grade ko sa year na to. Hindi naman ito ganun kasaya na hindi katulad nung mga early years na talagang puno ng excitement. Sabi nga ng kaibigan kong si Kai "hindi ito ganun ka-historical" compare sa mga naunang taon. Ang the best lang sa taon na ito ay dito ko unang naramdaman ang total satisfaction sa pakikipag kaibigan dahil sa pagkakaroon ng maraming friends at pagtibay pa lalo ng friendship na meron na ko dati. Although wala akong lovelife, sure naman ako na maraming nagmamahal sa akin at idagdag mo pa ang pamilya ko na hindi ko pwedeng makalimutan.

Naniniwala ako na ang buhay ay hindi katulad sa isang job contract na good for a certain period of time lamang. Hindi magtatapos ang magandang paglalakbay sa buhay na ito sa loob lamang ng isa,dalawa o tatlong taon. Ang taon na dumating,darating at nagdaan ay bahagi ng landas na iyong babagtasin patungo sa nais mong marating kaya sikaping wag maging magulo ang bawat yugto ng buhay mo. Narealize ko na sa choice lang din natin at nakasalalay sa ating mga sarili ang kahihinatnan ng buhay natin sa darating pang mga taon. Salubungin natin ang taong 2012 nang may ngiti sa labi at puno ng pag-asa. Kung ito man ay bagong simula sa tulad mong unti-unti nang naluluma...huwag kang mapapagod dahil pasasaan ba at makakamit mo din ang hinahangad mong tagumpay...

Tuesday, December 20, 2011

Sendong



Tooooot!!!
-Thank you for calling H*****. Reyner speaking. How may I assist you?
-How are you Reyner? I just need to verify benefits please.
-I can assist you with that. And oh, I'm fine. A bit bothered  about what happened to southern part of the Philippines. It's so frustrating to see hundreds of dead bodies scattered all around due to enormous flash floods.
-Oh I'm so sorry to hear that. Gotta call my friend then who's residing there to check if they're ok...

Ito yung isa sa mga call na nahandle ko kagabi. Talaga namang affected ako sa nangyari sa mga kapatid natin sa Mindanao. Hindi ko matanggap na ganun karami ang buhay na nawala sa isang mapaminsalang baha at kinukurot ang puso ko pag naiisip ko kung panu magcecelebrate ng Christmas ang mga namatayan ng kaanak at mga nawalan ng ari -arian. Tsk.. Halos buong gabi na ang trahedya sa Mindanao ang naging laman ng rapport ko sa mga callers at maging sila'y nagpaabot ng kanilang simpatya sa nangyari.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa nangyari? Ang sabi'y wala daw dapat sisihin dahil natural disaster ito at talagang nangyayari kahit di natin gusto. May mga nagsasabi na ito daw ay dahil sa kapabayaan natin sa kalikasan at inani na natin ang bunga ng kapabayaang ito. Ang naisip ko naman, bakit kelangan madamay ang mga inosente sa naturang kasalanan? Aware tayo na ang di masawatang illegal logging ang itinuturong dahilan ng mga tao kung bakit ganun na lang kalaki ang pinsalang idinulot ng bagyo. Pero ang hindi tayo aware ay kung sino ang mga demonyong nasa likod ng naturang iligal na gawain. Naapektuhan din kaya ang mga pamilya nila? May namatay din ba silang kaanak dahil sa katarantaduhang ginawa nila? Kung sino man ang mga taong yun na walang damdamin na walang awang gumahasa sa kagubatan ng mga lugar na naapektuhan ng bagyo, HABAMBUHAY KAYONG HINDI PATATAHIMIKIN NG KONSENSYA NYO habang ang larawan ng kalunos-lunos na nangyari sa CDO, Iligan atbpng naapektuhang lalawigan sa Mindanao ay nananatili sa kasaysayan.

Ang Christmas wish ko...sana wag na maulit ang trahedyang ito. Sana dagdagan ng tao ang pagmamahal sa kalikasan, pahalagahan ito at wag gawing parang materyal na bagay na matapos pakinabangan ay ibabasura. Mahalin natin ang kalikasan...mamahalin din tayo nito.

Sunday, November 13, 2011

Mga Simpleng Banat



Sa mall, may isang "palung-palo" na girl na ingglesera na nagtanong sayo:

"Am I on the RIGHT way? I'm looking for the nearest restroom"
"I'm sorry? (kunwari di narinig) Are you looking for Mr. RIGHT? Ah yes you're talking to him." :-)
----
Sa library, nakita mo yung crush mong girl na matalino,cute at hindi suplada. Lalapit ka sa kanya na kunwari ay napapakamot pa dahil sa hindi masolve na math problem:

"Hi Tin. Pasensya na sa istorbo. Alam ko kase matalino ka sa math. KAYA MO BA KONG SAGUTIN?
"Huh?"
"I mean itong math problem ko. Kaya mo bang sagutin? Ang hirap e."
----
Sa office, napansin mong nagsesend ng email ang officemate mong girl na hindi kumpleto ang araw mo pag hindi mo sya nakikita:

"Oops, may nakalimutan ka yata, yung email attachment."
"Huh? E wala naman talagang attachment to e."
"Ah ganun ba? Eh tayo ba...pwede magkaroon?" (ways ways. hahaha!)
----
The best of reverse psychology:

"Alam mo naiisip ko, kung ako ang babae, di kita sasagutin. Pero sating dalawa, ikaw ang babae at alam ko na hindi mo gagayahin ang iniisip ko"

----
Gustong gusto mo talaga malaman ang number nung girl na yun pero di mo alam kung panu:

"Hi. Ako nga pala si John, isa akong numerologist. Kaya kong i-interpret ang mga numbers."
"Talaga? Wow."
"Yup. Gusto mo sabihin ko sayo kung anung meaning ng phone number mo?"

----
Habang nakapila para kumuha ng NBI clearance, halatang bored na ang lahat pati na rin ang nasa kasunod mong chick na may napakagandang smile:

"Miss wag ka maooffend pero palagay ko "hit" ang pangalan mo sa record ng NBI"
"Huh!? Panu mo yan nasabi?"
"Dahil sa "KILLER SMILE" mo." (wehhh? haha!)

----
Sa JS prom night, napatulala ka sa partner mo dahil sa sobrang ganda niya:

"Ahmm.. Angel, may tanong ako sayo."
"Ano yun?"
"Pwede mo bang sabihin sakin kung ano ang pakiramdam ng isang babaeng mas maganda pa sa gabi?"

----
Sa call center, habang avail at naghihintay kayo ng tawag. Tinanong ka ng co-agent mo na matagal mo nang gusto:

"Nakailang girlfriend ka na nga?"
"Four"
"Sabi mo dati tatlo lang"
"Bakit wala ba akong pag-asa sayo kung sakali?" :-)
----
Abangan ang mga kahindik-hindik pang mga banat sa part 2 ng "Mga Simpleng Banat". hehehe...

Monday, October 31, 2011

Love, Kamultuhan atbp.


Sa mga readers, sobrang pasensya na po talaga dahil sobrang busy ko po talaga this month kaya di ako nakapagsulat. Pero no worries dahil andito na po ako ulet para mag-share ng something sa inyo. Dahil undas ngayon, hayaan nyong i-share ko sa inyo ang mga makukulit na ideya na naglalaro sa utak ko habang nanunuod ng "Kababalaghan" ni Kabayan kagabi. Pero siyempre may twist ito at sinubukan ko talaga na iugnay ang lahat sa nag-iisang klasik na topic na ika nga ay "love":

1. Ang pag ibig ay hindi katulad ng multo na to see is to believe ang tema. Mas maihahalintulad ang pag-ibig sa hangin na kahit hindi mo nakikita ay paniniwalaan mong totoo. - Actually, ang hangin at multo ay may pagkakapareho din. Kung wala kang third eye, di mo makikita ang multo at forever na hindi mo makikita ang hangin. Pero hindi mo man makita ang mga ito, maaaring maramdaman mo sila. Tulad ng love, hindi mo makikita pero definitely, mararamdaman mo. Pero di tulad ng multo, ang hangin ay mahalaga at hindi mo kayang mabuhay nang wala ito. Parang love, although sometimes minumulto ka nito...ito pa rin ang oxygen na magbibigay sa'yo ng paliwanag kung bakit masarap mabuhay. :-)

2. Third eye sa paranormal, isang puso lang sa love- Ang ghost encounter at love encounter ay may pagkakapareho. Ayaw ng ibang tao na makakita ng multo at ayaw din ng iba na ma-fall in love. Ang iba nama'y gusto ma-in love intentionally na walang pinagkaiba sa mga naglalaro ng spirit of the glass para makaencounter ng multo. Pero di tulad nga sa paranormal na may third eye, sa love, isang puso lang ang dapat na magbukas. Yun nga lang, kapareho sa paranormal, may mga taong nahihirapan na buksan ang kanilang puso para magmahal tulad ng kung gaano kahirap buksan ang third eye para makakita ng multo.

3. Multo ng nakaraan- Marami ang takot sa multo ng nakaraan. Ang malagim na experience sa pag-ibig na nagbibigay ng matinding takot sa kanila para magmahal muli. Ngunit katulad ng multo, ang pag-ibig ay bumabalik at di mo maiiwasan na maencounter muli. Ang hindi lang tiyak ay kung ang dating multo pa rin ba ang magpapakita sayo o panibagong multo naman. :-)

4. Haunted heart at haunted house- Ang pusong inaagiw na sa katagalan ng panahon na hindi nagmahal o umibig ay tulad ng haunted house na pinamamahayan ng kung anu-anong kaweirdohan. Ang pinagkaiba lang ng haunted house sa haunted heart, ang haunted heart ay pwede ulet pamahayan ng pag-ibig na tanging pag-ibig lang ang maninirahan dito. Samantalang, ang haunted house ay maaari pa rin namang gawing tirahan pero di ka makakagarantiya na ikaw lang ang residente dito. May kakayahan ang puso na paalisin ang mga negatibong elemento na naninirahan dito at umibig muli nang puro at wagas...pero choice mo kung pananatilihin mo ang mga multo ng nakaraan mo sa puso mo tulad sa isang haunted house.

5. Doppelganger- Ang doppelganger ay term sa isang elementong nanggagaya ng itsura ng buhay na tao na nakikisalamuha sa iba pang buhay. Sa pag-ibig, ang doppelganger ay ang boyfriend mo ngayon na sinasabi mong mahal mo dahil...eksaktong eksakto at katulad siya ng ex-boyfriend mo. :-P

HAPPY HALLOWEEN!!!

Saturday, September 24, 2011

Ang Kulangot at ang Sex


May pagkakapareho nga ba ang pangungulangot at ang sex?

Weekend- Ang araw na gustong gusto ng mga working people dahil dito nila nagagawa ang lahat ng pagka-petiks na di nila magawa pag nakaduty sila during weekdays. Kabaliktaran sakin dahil sa araw na to, bored ako at malungkot. Not until may narecieve akong text na totoong nagpangiti sakin. Ang text ay nangggaling kay "humana-hole", isa sa mga kaibigan ko. Ito ang idea na nanggaling sa text nya:

"Ang Pagkakapareho ng Pangungulangot at ng Sex"

MASARAP!
Depende sa laki ng butas ng ilong mo, kahit alin sa mga daliri mo ang feel mong ipasok sa ilong mo (as long as masusungkit mo ang inaasam mong alisin na bagay na yun sa loob ng ilong mo)...oks lang. Take note, minsan, nasa performance at wala sa size.

MAS LAMANG ANG BABAE
Mas naeenjoy ng mga babae ang sex. Tulad sa pangungulangot, mas naeenjoy ito ng ilong mo kesa ng daliri mo.

HINDI DAPAT GAMITAN NG DAHAS
Ang sex ay dapat na gawin na may consent o kusang loob lalo na sa part ng babae. Kapag dinaan sa dahas ang pakikipagtalik, ito ay tinatawag na "panggagahasa" o rape. Tulad sa pangungulangot, magagalit ka kung halimbawa ay natutulog ka at walang kamalay-malay ay may bigla na lang sumundot sa ilong mo. Bad trip yun di ba?

HINDI PWEDE PAG "MERON"
Huwag mapilit at matutong maghintay. Kung "red-alert" siya lalo na kung first day, 100% na hindi siya pwede. Tulad rin sa ilong. Hindi mo gugustuhing mangulangot kung dumudugo ang ilong mo.

WALANG BALOT, MAS MASAYA
Sad but true, naeenjoy ng mga lalake ang sex kung walang "condom". Parang pangungulangot, hindi mo ito maeenjoy kung nakagwantes ka (kahit pa sabihin mong dotted o ultrathin ang gwantes mo).

AS MUCH AS POSSIBLE, GAWIN SA PRIBADONG LUGAR
Although pwede sa bus, sa elevator, o sa sinehan, hindi pa rin advisable na gawin ito sa public lalo na sa harap ng maraming tao. Ang pangungulangot tulad ng pakikipag-sex ay dapat na inilalagay sa lugar. Mas maeenjoy mo din ang pangungulangot kung hindi quickie at may konting art habang nasa loob ka ng iyong kwarto o sa loob ng CR. Kung nature lover ka, pwede mong gawin ang pangungulangot sa gitna ng kagubatan. Konting ingat lang kung gagawin ito sa tubig, maaari kase itong maexpose sa germs at ma-iritate. Basta nasasayo kung saan mo gusto mangulangot, kahit anung posisyon, kahit anung facial expression basta laging tatandaan...wag sa public place!

:-)

Wednesday, September 21, 2011

Don't play with woman's heart

Isang teenager ang tumawag sa radyo. Humihingi siya ng payo kung ano ang dapat nyang gawin ngayong inlove siya sa isang lalaki. Ayon sa kanya, nakilala daw niya yung guy months ago at isang araw nga ay niyaya siya nito for a date. Dahil bata pa si Andy (yung girl) na taga Mandaluyong, madali siyang nadala ng mabulaklak na pananalita ni guy. At dahil daw yun ang first time na may nagtreat sa 16 y/o na dalaga/dalagita ng ganun ay sobrang naappreciate daw nya yun at after a short while nga daw ay pinagtapat nya sa guy na love na nya ito. Ang response naman ng guy ay "Sorry. Akala ko wala dapat maiinlove". Malinaw na hindi sya gusto ng guy. Malungkot at tragical para kay Andy ang sagot ni guy lalo na at nadiscover nya na iba din ang niligawan ng loko at naging girlfriend nito. Dinamdam nya yun for months at hindi na nga nya natiis kaya tumawag na siya kay Papa Jack.

Ang sagot naman ng "hardcore love guru" na DJ ay move on at get over it. Since kakagaling lang daw sa break up ni lalake ay baka daw namiss lang ng tarantado na manlambing at mang-treat ng ganun sa babae. Positive naman ang reaksyon ni Andy at bagamat umiyak pa sya sa pagsasalaysay ng kwento nya, nagpaalam sya sa programa na masaya at lubos ang pasasalamat.

Hindi ko maintindihan kung bakit kelangang paasahin ang damdamin ng babae. Ginagawa ba ito ng mga lalaki para magpraktis ng skill nila sa pagpapaibig? Alam ko lalaki din ako pero i really condemn this kind of practice at hinding hindi ko to magagawa. To treat a girl like they are really special and dump them afterwards when they are starting to fall for you is really UNFAIR sa part ng girls. Daig pa ng lalaking gumagawa ng ganitong activity yung bastos na tambay sa kalye na mahilig manipol sa mga babaeng dumadaan. Masahol pa sa mamang balbas sarado na manyak na mahilig manantsing sa FX ang lalaking naeenjoy ang magpaasa ng babae. Tapos ginawa mo pa ito sa isang musmos pang maituturing pagdating sa pag-ibig? Asan ang puso mo pre?! Kung maglalaro sana tayo wag puso ang paglaruan natin...lalo na kung intensyon nating paglaruan ito. Mga pare, hindi man tayo naging babae at hindi man natin naiintindihan ang degree ng sakit na nararamdaman nila pag napaglaruan ang damdamin nila, at least maging tunay na lalake tayo at maging fair sa damdamin ng iba.

Monday, September 12, 2011

Ang sakit na SELOS at paano ito magagamot?


Ang sabi nila, ang pagseselos ay ang pagdududang walang kongkretong basehan. Para sa akin, ang selos ay isang sakit na mahirap gamutin dahil hindi ito karamdamang pisikal, ito ay sakit na direktang inaatake ang utak natin para mag-isip ng mga bagay na non-sense at walang kwenta. Pag nagsimula ka nang mag-isip na baka hindi ka na niya mahal dahil may nakita syang iba samantalang wala ka namang matibay na basehan na mangyayari nga yun...tinamaan ka na ng "selos virus". Pag lumala yang sakit mo na yan, hindi ka na magiging normal. Paano mo maagapan ang sakit na yan? Ganito yan.


Panatilihin ang self-confidence- Ang hirap sa isang tao, wala na ngang tiwala sa karelasyon nya, wala pang tiwala sa sarili nya. Lingid sa kaalaman ng mga seloso't selosa, ang dahilan ng matinding selos nila ay ang pagdududa sa sarili nilang kakayahan o abilidad. Nangyayari na pinagdududahan nila ang sarili nilang kakayahan oras na simulan nilang ikumpara ang sarili sa iba. Huwag ikukumpara ang sarili sa iba dahil magkakaiba ang bawat tao. Magkaroon ka ng 100% na tiwala sa sarili na ikaw ang minahal nya dahil para sa kanya, ikaw ang "the best among the rest".

Huwag maging over-conscious- Hindi makakatulong na palagi mong iniisip na pangit ka, mataba ka, na may mas maganda/pogi at mas sexy pa kesa sayo na mami-meet ng mahal mo at maaari ka nyang ipagpalit dahil sa itsura mo. Kung lagi mo kaseng babanggitin sa kanya ang mga kapangitan mong pisikal sa kanya, baka mairita siya at mangyari ang kinatatakutan mo. Maniwala ka na mahal ka nya hindi dahil sa panlabas na kaanyuan mo kundi dahil sa kagandahang panloob mo, hinding hindi ka makakaramdam ng selos.

Saturday, September 10, 2011

TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!) Part 2

Kung naenjoy nyo ang part 1 (TRIVIA (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!), mas lalo nyong maeenjoy itong part 2. Informative at very educational ito. Tara basahin na natin. :-)

1. Kung uutot ka ng tuloy-tuloy sa loob ng 6 na taon at 9 na buwan, ang gas na ilalabas ng tiyan mo ay maaari ng makabuo ng "atomic bomb".

- Pero bago ka pa makabuo ng atomic bomb, patay na ang lahat ng tao sa barangay nyo!

2. Sa tao, halos wala pang isang minuto ang itinatagal ng orgasm (sa lalaki). Sa BABOY, 30 minutes ang itinatagal ng orgasm!!!

- Girl: Yuck! Ang baboy mo talaga!
  Boy: Wish ko lang...

3. DILA o tongue ang pinakamalakas na muscle sa katawan ng tao.

- O alam mo na ngayon teh?
   O bakit ka napangiti? Tsk... :-P

4. Mas mahaba daw ang buhay ng right handed na tao kesa sa left handed? (http://www.tolivelonger.net/right-handed-live-longer/)

- E ambidextrous ako...panu yun? Hahaha..

5. Ang tao ay may 10,000 taste buds in total. Ang HITO o catfish ay may 27,000 na taste buds.

- Ilan kaya ang taste bud ng JANITOR FISH?

6. Ang pulgas ng aso mo ay kayang lumundag ng 200 times na mas mataas kesa sa height nya!

- Wag ka nang magtaka kung may makita kang maliit na basketball court sa katawan ng aso mo.


7. Ang best friend mong IPIS  ay kaya pang mabuhay ng 9 na araw kahit wala na itong ulo.

- Kung sa tao ito, mapaplano mo pa ang mga bagay-bagay bago ka tuluyang matigok.
"Naputol ang ulo ko. 9 na araw mula ngayon ay dedo na ko. Iburol nyo ko sa Manila Cathedral. Gusto ko yung kabaong na may picture ni Lady Gaga. Boom, boom bass ang background music sa paghatid sakin sa sementeryo. Tsaka nga pala kung pwede dapat lahat ng makikipaglibing ay nakasuot ng favorite color ko na purple....blah, blah, blah..."

8. Ang LION ay kayang makipag-sex sa kapwa nya lion ng 50 times sa isang araw! Whoaa!!!

- Girl: Bago kita sagutin. Tatanungin muna kita. Kung ikaw ay isang hayop, anu ka?
Boy: Lion
Girl: Wow. Kase symbol ng pagiging malakas at matapang?
Boy: Ahmmm...parang ganun na nga. O panu tayo na?
Grrroowwl!!!

9. Mas malaki ang mata ng OSTRICH kesa sa utak niya.

- O wag kang judgemental. Tungkol ito sa ostrich, wag mong idamay yang seatmate mo.

10. At least ang ostrich may utak pa rin kahit paano. E ang STARFISH, walang utak! As in zero!

- Ngayon alam mo na kung bakit laging badtrip si Spongebob kay Patrick.

11. Ang inang HIPPOPOTAMUS ay naglalabas ng pink na gatas.

- batang hippo: Ang nanay ko naglalabas ng pink na gatas.
batang kambing: Ang sa nanay ko puti.
batang hippo at batang kambing: anong kulay ng gatas ng mommy mo kalabaw?
batang kalabaw: green
batang hippo at batang kambing: bakit green? di ba dapat puti?
batang kalabaw: ay sori guys. uncle kong bading kase ang nagpalaki sakin.
wahahahaha!!!

12. 35% ng utak natin ang nagagamit natin sa pag-iisip.

- Pero nung sinagot mo yang boyfriend mo...ginamit mo ba utak mo? :-)

13. Sa U.S., ang lugar na may pinakamataas na alcoholism rate ay ang Reno, Nevada.

- Sa Pinas, nahihirapang alamin kung saan ang may pinakamataas na alcoholism rate dahil maraming manginginom ang dumadayo pa sa ibang lugar para maglasing.

14. Ang puso ng HIPON o shrimp ay nasa ulo.

- "Ang puso ko ay wala sa ulo...wala rin sa dibdib...nasa'yo..." Ang keso... :-)

15. Ang pinakamalaking itlog sa mundo ay hindi si Iglot kundi ang itlog ng OSTRICH!

-May tatlong bored na batang nagpapayabangan ng mga lolo:
Boy 1: Ang lolo ko, malaki ang itlog. Sa laki ng itlog nya....TO BE CONTINUED...

Tuesday, September 6, 2011

Kelan dapat mag stay at kelan dapat lumayo?


Hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan...pero may idea ako.

Mag-stay ka pa rin kung:
  1. Pinapahalagahan ka rin nya.
  2. May natatanaw kang pag-asa na magiging kayo.
  3. Higit sa lahat...hindi lang simpleng kaibigan ang tingin nya sa'yo.
Lumayo ka na lang kung:
  1. Pinapahalagahan ka nya bilang isang kaibigan lang.
  2. Wala kang natatanaw na pag-asa na posibleng maging kayo.
  3. Higit sa lahat, kelangan mo nang umalis kung...hanggang friends na lang talaga kayo.
Farewell to you my friend
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything
...

Mahirap nga bang kumuha ng NBI Clearance?


Kanina, 3 am, tumunog ang alarm clock ko. Muntik ko nang ihalibas ang inosenteng orasan sa pagkabwisit ko. Kelangan kong bumangon ng maaga para kumuha ng sinasabi nilang "NBI Clearance". Isang buwan na kasi ang nakakaraan mula ng i-require ito sa trabaho ko pero hindi ako makakuha ng pagkakataon para sundin ito dahil sa takot ko na mahirap talagang kumuha ng nasabing clearance. Nagprepare pa rin ako para sa isa sa mga pinakamahabang araw sa buhay ko at kaagad na tinungo ang Robinsons Galeria kung saan ginaganap ang pagtotorture sa mga kumukuha ng NBI Clearance.

Nang marating ko ang Gale, andun na ang 202 na katao na parang sasalang sa gas chamber dahil sa pagkasimangot ng kanilang mga mukha. Sumalubong sakin ang gwardya na mala-NAZI ang dating pero parang pari ang bunganga dahil sa walang tigil na pagsermon:

Gwardya: Ang iba sa inyo ay pumipila hindi para makakuha ng NBI Clearance kundi para makakuha ng iphone, ipod at wallet. Kung sino man sa inyo ang may balak na gumawa ng krimen dito, magdalwang isip kayo dahil binabantayan namin ang kilos nyo.
Ang mga iihi na lalaki ay maaring umihi sa urinal, wag sa pader!
Ang mga iihi na babae ay maaaring gamitin ang CR ng simbahan. (Pag isipan nyo kung kaya nyo gamitin ang urinal ng lalaki)
Yung mga proxy dyan na nagpapabayad! Wala lang magsusumbong na proxy kayo, yari kayo. OK?
Blah, blah, blah....

Sunday, September 4, 2011

T. E. C.



Wag ka magagalit kung sobra akong humanga
Hindi ko rin kasalanan kung sayo'y napapatulala
Sa kagandahan naman kasi, ika'y pinagpala
Sa langit na madilim, ikaw ay isang tala

Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahang naramdaman
Nung sandaling makilala ka at marinig ang iyong pangalan
Parang nagbukas ang langit at ang mga anghel ay nagsikantahan
Ang sabi'y "Mapalad ka Reyner, anghel din ang nasa'yong harapan".

Hindi maikakailang kayganda ng iyong braces
At nagpapanic ang mga langgam sa ngiti mong kaytamis
Maganda yung kay Abie, pero sayo yung the best
Ngiti mo ay nakakaakit at hindi nakakastress.

Mahihiya si Megan Fox sa ganda ng iyong mata
Para itong mga brilyante na kumikinang sa ganda
At papayag akong titigan mo kahit ikaw si Medusa
O kahit magkatinginan man lang tayo, ganap na kong maligaya.

Ilan lamang ang mga nabanggit ko sa mga dahilan
Kung bakit nung oras na iyon agad kitang nagustuhan
Pero higit pa pala dun ang aking matutuklasan
Mas friendly and nice ka kumpara sa karamihan

Masarap kang kausap at totoong hindi boring
Masaya kang kasama at hindi nakakapraning
Ang bawat minutong nandyan ka ay langit sa feeling
Basta't andito ka sa tabi ko, wala na kong mahihiling

Bagamat magulo ang iyong pinagdadaanan
At sobrang nasaktan ka sa iyong naranasan
Halos hindi sa'yo bakas ang labis na kalungkutan
Lalo mo kong pinahanga sa taglay mong katatagan

Para sakin natatangi ka sa lahat
Ang isang tulad mo'y mahirap mahanap
Kung bibigyan mo ko ng karapatan na ikaw ay ingatan?
Titiyakin ko sayo na hindi ka na muli masasaktan. :-)

Sunday, August 28, 2011

"EX"



Kung lalayo ako, wag mo na ako hanapin
Sa tingin ko kase, ito lang ang the best na gawin
Lalo ngayon na napapamahal ka na sakin
Pero nag-aalala ako na hindi mo rin naman ako mamahalin

Nagpapasalamat ako na nakilala kita
Salamat din dahil nagpaunlak ka
Masaya ako sa konting sandaling ika'y aking nakasama
Kahit ang totoo'y wala naman talaga akong pag-asa

Mahal mo pa rin sya at nauunawaan ko yun
Kahit katukin ko ang puso mo ng ilang ulit, sa kanya pa rin ang iyong atensyon
Hindi naman ako manhid, alam kong hindi fair ang ganun
Hindi patas na mahal kita habang ang pag-ibig mo ay sa kanya pa rin nakatuon

Minahal mo at nagdasal ka na wag na silang magkabalikan
Sa una'y pumayag ka na maging isa munang kaibigan
Pero maglalaon, ikaw pa rin ang masasaktan
Kaya habang maaga, ang maling pag-ibig ay pag-aralan nang kalimutan

Tuesday, August 23, 2011

Ano ba talaga ang totoong gusto ng babae?


Yosi time. Stressful na araw para sa isang college student na nagsstruggle para sa mga final exams kaya makikita sila sa isang spot kung saan mahihiya ang mga bulok na jeepney sa kapal ng usok ng sigarilyo mula sa mga nagyoyosi. Ito ang eksena nung araw na yun sa campus na pinapasukan ko nung college pa ko. Karaniwan nang makikita ang tropa namin sa labas ng campus na nagyoyosi at nagkekwentuhan tungkol sa mga walang kwentang bagay. Pero sa araw na yun, isang may kwentang usapan ang magaganap. May problema ang isang tropa, problemang lovelife. Nagtatanong siya kung bakit sa kabila ng ginagawa na nya ang best nya para maging MAGANDA ang relasyon nila ng girlfriend nya, parang kulang pa rin at hindi nya nakikitang masaya ang girlfriend nya sa piling nya. Alam ng lahat kung paano tratuhin ni Bugoy ang gf nya at obvious din na masyado siyang authoritative at palaging pinangungunahan ang mga gusto ng gf nya. Sa tingin nya ay tama lang yun dahil para naman sa kapakanan ng gf nya ang ginagawa niya. Pero hindi nya talaga malaman kung ano pa ba ang gusto ng girlfriend nya. Ininom ko muna ang hawak kong buko juice na nasa plastik bago pumosisyon para sagutin ang kanyang katanungan na sisimulan ko sa isang malupit na intro. Bwelo muna...inhale...exhale...

"Pare, nung unang panahon, ang matapang na si King Arthur ay na-ambush ng mga kalaban habang nakasakay sya sa kanyang kabayo. Tiyak na ang kamatayan niya pero binigyan pa siya ng tsansang mabuhay ng kaniyang kalaban. Ito ay sa ilalim ng kondisyon na kung masasagot nya ang tanong na ibibigay ng kalabang hari, ibibigay sa kanya ang kalayaan at hindi gagambalain ang kanilang kaharian. Ang tanong ay "Ano ba talaga ang totoong gusto ng mga babae?". Binigyan sya ng isang taon na palugit para sagutin ang tanong at pag hindi nya nasagot ay papatayin sya. Bata pa sya nun at aminadong malakas ang kalaban. Kaya't kahit alam niyang napakahirap sagutin ng tanong at kung hindi niya makukumbinsi ang kalabang hari sa kanyang sagot ay buhay nya ang magiging kapalit, napagdesisyonan nyang hanapin ang sagot sa tanong kesa mamatay.

Pinabalik sya sa kanyang kaharian para magsaliksik at hanapin ang sagot sa tanong. Tinanong nya ang lahat kasama ang pari, ang mga philosopher pati ang mga nagtitinda ng popcorn sa sidewalk pero bigo sya at wala ni isang nakapagbigay sa kanya ng convincing na sagot. Isa na lang ang hindi nya natatanong at yun ay ang witch na nakatira sa yungib. Pero ayaw niyang tanungin ito dahil although madaming nagsasabi na totoong marunong ang witch at reliable ang magiging sagot nito, baka hindi kayanin ni King Arthur ang cost ng hihinging kabayaran ng bruha. Parang hindi kasi realistic ang halaga ng hinihinging kabayaran ng witch sa mga komukonsulta sa kanya.

Isang araw na lang at mag iisang taon na ang binigay na palugit kay King Arthur. Dahil wala talagang nakalkal na sagot ang hari, kinonsulta na nya ang witch. Ang nangyari, pumayag ang witch na sagutin ang tanong nya sa isang kondisyon, kelangang pakasalan ni Sir Lancelot na bestfriend ni King Arthur (at ang pinakapogi at hottest guy sa kaharian) ang mabaho, kuba at puro pimples na witch! Hindi pumayag ang hari at ninais pang mamatay kesa ipaasawa ang nag-iisang bestfriend sa isang ambisyosang, pangit na witch.

Nalaman ng bestfriend ng hari na si Sir Lancelot ang kondisyon na hinihingi ng bruha sa kanyang bestfriend. Agad syang kumilos at hinikayat si King Arthur na pumayag nang ipakasal siya sa bruha. Ayon kay Sir Lancelot, aanhin nya ang buhay na masaya sa piling ng babaeng maganda, sexy at may breeding kung mawawalan naman sya ng nag-iisang bestfriend na halos itinuring na nyang kapatid. Kaya't kung ito man daw ang magiging pinakamalaking sakripisyong gagawin nya sa buong buhay nya ay gagawin nya pa rin ito, alang alang sa ikaliligtas ng kanyang kaibigan.

Sunday, August 7, 2011

Perfect Two- Auburn (male cover)

Here's my cover of that song "Perfect Two" of Auburn. Its a male acoustic version. Yes, its not my bad day so don't think that way. Its a good trip man! :-)

Friday, August 5, 2011

Kwentong "Sperm" Cell

PAALALA:
Ang kwentong ito ay kapupulutan ng aral at pwede ring basahin ng mga may edad 18 pababa.

"UTOL"

Sa kung saan ay matatagpuan ang mga sperm cells, may magkapatid na sperm na palagi na lang nag-aaway. Ang isang sperm cell ay masyadong gahaman at makasarili. Gusto nya lahat ng protina ay kanya para daw lalo syang maging malakas at mabilis lumangoy. Hindi na raw kasi sya makapaghintay na maging ganap na sanggol at maging tao. Sa kabilang banda, meron namang sperm cell na mapagbigay at ang protina na isusubo na lang nya ay ibinibigay pa nya sa mga kapatid nya. Dahil sa magkaibang character ng dalawa ay palagi silang nagtatalo. "Mauuna akong lumabas sa'yo at sisiguraduhin ko na mas magiging maganda ang kapalaran ko sa labas ng mundo kesa sa'yo" ang sabi ni sperm 1 kay sperm 2. "Tama lang na maging maganda ang kapalaran mo dahil siguradong mamamatay ka sa inggit kung mapupunta sakin ang magandang kapalaran na yun" sagot ni sperm 2. Isang gabi habang natutulog ang lahat, nagkaroon ng matinding lindol. Nagising silang lahat at huli na nang mapagtanto nila na oras na pala yun para mamaalam sila sa isa't isa. Mabilis na lumangoy si sperm 1 at kaagad nyang natanaw ang liwanag sa dulong bahagi ng lagusan. Dahil siya'y malakas, mahusay at mabilis lumangoy, siya ang pinalad na makayakap kay itlog (egg cell). Ang milyon milyon pa nyang mga kapatid ay naiwan na luhaan at tinanggap na lang ang kanilang kapalaran. Ang ilan sa kanila ay napunta sa large intestine at ang iba'y napunta sa lalamunan at stomach. Hindi magkandatuto sa katatawa si sperm 1 sa sinapit ng kanyang mga kapatid. Si sperm 2 ay hindi pinalad na makasama sa batch ng mga lumabas dahil siya'y nanghihina kaya nagparaya na lang.

Siyam na buwan ang lumipas at ganap nang sanggol si sperm 1. Pinangalanan siyang Willie. Lumipas ang mga taon at si Willie ay malaki na. Isa syang matalino, mautak at tusong bata. Palagi siyang nangunguna sa klase at hindi lang siya kilala sa kanilang school kundi pati na rin sa iba pang school. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang sa kabila ng katotohanan na siya ang dahilan kung bakit nakatuluyan ng kanyang ama ang kanyang ina. Tama, dahil pinikot lang ng kanyang ina ang kanyang ama . Marangya ang pamumuhay ni Willie at sunod lahat ng layaw nya.

Sa kabilang banda, isang batang gusgusin at nakatira sa squatter ang busying busy sa paggawa ng kanyang homework habang talamak sa sipon ang kanyang t-shirt. Siya ay patpatin, sipunin at hindi katalinuhan. Mahirap lang sila at wala siyang ama. Ang sabi ng nanay niya ay hindi nya inakala na iiwanan sila ng kanyang ama pero hindi nya ito masisisi dahil naging biktima ang kanyang ama ng makasariling babae. Ang batang ito ay may pangalang Noel. Mabait si Noel at mapagbigay sa kapwa. Hindi man siya ganun katalino, masipag naman siya at matulungin. Hindi rin siya nanlalamang at laging iniisip ang kapakanan ng iba.

Lumipas ang panahon at si Willie ay ganap nang matagumpay na abogado. Sa kabila ng pagiging tarantado ni Willie at pagbubulakbol sa pag-aaral ay nagtagumpay ito dahil na rin sa pagiging tuso at paggamit ng impluwensya. Naging presidente kasi ng Pilipinas ang kanyang ina na naging madali dahil sa pandaraya. Ilang panahon pa ang lumipas at kahit hindi gusto ng mga tao si Willie, nanalo ito bilang senador ng Pilipinas. Katulad sa kanyang ina, kabi-kabilang iskandalo din ang kinaharap nito dahil sa pandaraya.

Friday, July 29, 2011

Hiwalayan

Au revoir- French
Auf wiedersehen- German
Sayōnara- Japanese
Adiós- Spanish
Vale- Latin
Bye- English
Paalam- Filipino

Kahit ano pa mang lengguwahe, iisa lang ang ibig sabihin e...pagpapaalam, aalis, lilisan, may tsansang magkakasama pa kayo ulet o maaaring hindi na. Alam mo yung pakiramdam na mabigat sa loob? Yung feeling na ayaw mong umalis, ayaw mong lumayo pero kailangan?

Minsan na akong nagmahal. Naexperience ko ang pakiramdam ng sinasabing "in love". Sa pagsasama namin, dumating sa point na sinabi ko sa sarili ko na "sya na nga" at nagsumpaan pa kami na hindi maghihiwalay at walang iwanan. Nung naexperience ko yan, masaya, para akong lumalakad sa ulap at special ang bawat araw sakin. Pero hindi lahat pala ng araw ay special dahil dumating din sakin ang araw ng pagluluksa at yun ay ang araw ng hiwalayan. Kailangan kong humiwalay, kelangan ko syang iwan dahil sa isang matinding dahilan. Alam kong masakit at baka di ko kayanin pero kelangan ko yung gawin dahil yun ang naiisip kong mabuting paraan. Ang tiwala kasi oras na nawala ay mahirap nang ibalik at ang relasyong wala nang sign ng pagtitiwala mula sa dalawang nagmamahalan ay hindi na dapat magpatuloy. Alam kong marerepair pa ang pagtitiwala at pwede na ulet magpatuloy. Alam ko din na the best pa rin na kasama ko siya kahit may lamat na ang pagtitiwala ko sa kanya. Pero gusto ko maging normal at ayaw kong maging habit ang pagdududa. Kaya't para sa ikakatahimik ng kalooban ko, nagdesisyon akong makipaghiwalay at umalis. Masakit, maraming luha ang nag-evaporate at sumama sa atmosphere na nanggaling sa aming mga mata. Pero ang hiwalayang yun ay hindi na mapipigilan at nangyari na nga, ganap ko na siyang iniwan. Naghihintay sya hanggang ngayon bagamat sinabi ko na hindi na ako babalik. Pero sa isang sulok ng puso ko, alam kong gusto ko pa syang balikan. Pero para ano? Para maghiwalay ulet?

Wednesday, July 20, 2011

Si UTAK, si PAA, si TIYAN, si MATA at si PWET- Sino ang dapat gawing BOSS?



Nung ginawa daw ng diyos ang tao, nagtalo-talo ang mga body parts kung sino ang dapat na gawing boss.


UTAK: Ako ang boss. Ako ang kumokontrol ng katawan ng tao.


PAA: Ikaw ang kumokontrol, kami ang nagdadala sa katawan ng tao. Kami ang boss!


TIYAN: Oh sino ang nagtutunaw ng pagkain? Sino ang nagmamanage ng nutrisyon ng katawan para manatiling malusog? Di ba't ako? Ako ang boss!


MATA: Sige nga subukan namin pumikit habang naglalakad si PAA. Naku di pwede. Siguradong di papayag si UTAK at si TIYAN...dahil damay din sila pag naaksidente ang katawan! KAMI ANG TUNAY NA BOSS!


...sandaling katahimikan...


PWET: Ehem! Mawalang galang na mga kapatid... Posisyon sa pagiging boss ba ang dahilan ng pagkakaganyan nyo? Tingnan mo nga naman talaga ang pulitika, pati katawan ng tao gustong sirain! Para walang away...IPAUBAYA SAKIN ANG PAGIGING BOSS!!!


Halos di matapos ang tawanan ng mga parte ng katawan dahil sa sinabi ni PWET. Dahil sa sama ng loob ni PWET at labis na kahihiyan, napagpasyahan nyang mag-leave ng ilang araw kaya nagsara pansamantala ang kontrobersyal na butas.


Pagkalipas ng ilang araw, hindi na normal mag isip si UTAK. Si TIYAN naman ay hindi na kayang tiisin ang sakit. Hindi na rin makalakad ng maayos ang mga PAA at nagbabanggaan pa sila. At ang mayabang na mga MATA ay tuluyan ng nagkasalubong at naduling.


Hindi na sila nagsayang ng oras at agad na ginawang boss si PWET...bumukas na muli ang butas ng kaginhawaan na taglay ang korona ng pagiging boss!


Kay PWET ang huling halakhak.


MORAL LESSON: May mga mabahong katotohanan na mahirap tanggapin. Pero habang hindi mo ito natatanggap, patuloy ka nitong pahihirapan.

Wednesday, July 13, 2011

Born This Way (male version)


Own version ko ng Born This Way ni Lady Gaga. Naisip ko lang gawin to kasi naoverwhelmed ako sa mga bumati nung birthday ko last July 11, 2011. This is to show my appreciation sa mga taong naglaan ng konting sandali para batiin ako. THANKS GUYS!

Monday, July 11, 2011

Adventure ni Reyner


Tahimik at madilim ang paligid. Natural ang lamig ng simoy ng hangin at talagang napakasarap langhapin ng oxygen na ibinubuga ng mga punong matatagpuan sa bahaging iyon ng kagubatan. Hindi NPA ang mga magulang ko pero nagkataon lang na noong 1987, kasalukuyang sa gubat sila naninirahan. Alas kwatro daw nun ng madaling araw ng magsimulang sumipa ang sanggol sa sinapupunan ng nanay ko. Tumingin sya sa kalendaryo at chineck nya ang petsa. Pagkatapos ay ngumiti sya dahil naconfirm nyang hindi ako kulang sa buwan at umasa sya na magiging normal akong bata (hindi ko alam kung nadisapoint sya nang lumipas ang panahon). July 11, 1987 ayon sa aking napag alaman ay petsa kung saan na-reach ng mundo ang populasyon na 5 billion kaya tinawag itong "The Day of Five Billion". Tuwing July 11 din ginugunita ang World Population Day. Parang ang reaksyon ko, "What? Ako ang pang-five billion na dumagdag sa populasyon ng mundo? Matutuwa ba ako o maiinsulto? Bakit sa birth day ko pa napili nilang gunitain ang World Population Day? Gaganahan pa ba akong magkaanak at magpadami ng lahi nito kung tuwing mag aattempt ako ay bigla akong mumultuhin ng salitang "POPULATION"? Moving on, hayaan ko na muna yan at hindi naman yan big deal (ano daw?). So para paikliin ang kwento, ipinanganak nga ako ng nanay ko nung time na yan at nagulat silang lahat...malaki...malaki na agad...ang nunal ko sa likod (kala mo kung ano na? haha... pero slightly correct ang hula mo. hahaha...)

Ang kwento ng ate ko, mas nauna pa raw akong natutong magmura kesa magsalita. Pero syempre joke lang yun at magkaaway kami ng ate ko nung time na sinabi nya yun. Pero madaming nagsasabi na palamura nga daw ako. Ang sabi ko naman..."Tang ina hindi naman ah!" Ahaha... Isa lang yan sa mga bagay na maaga ko natutunan dahil sa environment ko nung bata ako. Pero salamat sa butihin kong mga guro nung early elementary days at tinuruan nila ako ng magandang asal. Isang araw tinanong ako ng lola ko "Reyner, anong natutunan mo sa school? Tinuruan ka ba ng magandang asal?" Ang sagot ko "Oo naman lola. Syempre school yun e, natural na makipagplastikan ang mga titser sa amin." Ahaha.. Pero syempre hindi totoo yan. Ang totoo'y walanghiya talaga ako nung bata ako at sa liit kong yun ay ako pa ang pinakabully sa classroom. Isang araw nga ay inapproach ako ng titser ko, "Reyner, top 2 ka na naman lang. Kelan ka ba titino at para maging top 1 ka naman?" Sabi ko sa kanya, "Maam, hindi ako interesado sa ranking na yan. Kung pwede lang ibigay ko na lang dun sa kaibigan kong nasa row 4 ang pagiging bibo ko, gagawin ko." Oo, mayabang din ako at nung time time na yun una ko yung natuklasan. Dahil mayabang ako nun at maangas, normal lang na makita ako ng nanay ko na punit-punit ang damit o putol ang tsinelas. Punit-punit ang damit dahil nakipaglaban o putol ang tsinelas dahil tumakbo at natakot sa kalaban. Pero alam mo, minahal ako nun ng marami dahil kahit pangit ang ugali ko, cute naman ako. At hindi lang dahil cute ako, madali lang din akong lapitan pag kelangan nila ng sagot during exams. Grumadweyt ako nun ng elementary na nagmamartsa sa pinakaunahan. Hindi dahil by height ang arrangement kundi dahil...ehem...alam mo na yun. Proud sakin ang ate ko at syempre pati mga magulang ko. Pero alam mo ang iniisip ko nung mga time na yun habang sinasambit ang katagang "what you sow is what you reap" na part ng speech ko? Alam mo kung ano? "Mamimiss ko ang mga biniyak kong mga kalaro..ehe...yung mga kalaro ko sa trumpo. Wala kasing trumpo nun ang hindi kayang biyakin ng super trumpo ko at ako ang hari ng trumpo nung mga time na yun." Hehehe... Seriously, may impact sakin yung line na yun sa speech ko na nabanggit ko. Actually, sa dami ng itinanim ko...matumal pa rin ang ani ko. :-(

Wednesday, July 6, 2011

TRIVIAS (Mga bagay na gusto mong malaman...ngayon na!)

Time out muna sa mga kaseryosohan. Magpalipas oras muna tayo at alamin ang mga bagay na naghihintay malaman. haha...

111,111,111 x 111,111,111= 12345678987654321 
 Galing nu? E anu kaya ang pwedeng i-multiply para ma-obtain ang sagot na, 14344?

Siya si Wilt Chamberlain. Ang dating NBA Superstar na umaming nakipag sex sa 20,000 na babae.
BOOM!!!

Ang gold fish ay meron lamang 3 seconds na memory span.
Maraming utak "gold fish" sa college. Hahaha...

Ang pinakamahabang pangalan ng isda ay "humuhumunukunukuapua'a" mula sa Hawaii.
Wrong spelling wrong!

Dachshund Sausage ang original na tawag sa HOTDOG.
Ang laki naman ng Dachshund Sausage mo...super like. hahahaha..

Ang medical term sa pagbubuntis ay gravidity.
Girl I'm in gravidity. I dont know what to do. ^_^

Share