Intro: Taong 2004, emosyonal at wari'y hindi matangap ng mga puno ng niyog, saging at bayabas ang aking paglisan sa Gumaus, Paracale, Camarines Norte. Bawat puno na aming madaanan ay waring kumakaway upang magpaalam. Pati mga "damo" sa kinalakhan kong lugar ay nagtangis sa aking pag-alis. Sa gitna ng tanawing iyon ay aking ipinangako ang matamis na pagbabalik bagamat hindi tiyak kung kelan.
(Vroooommm... Syet ang usok ng sasakyan namin. Papacheck-up ako ng baga pagdating sa Manila)
Fast forward: Summer 2012! Isang biyayang maituturing nang maaprubahan ang vacation leave na matagal kong minithi. May listahan ng destinasyon na pwede kong puntahan i.e. Mars, Moon, Jupiter at Boracay pero isa lang ang gusto kong puntahan at yun ay ang aking lupang sinilangan (hindi ito panunumpa sa watawat ng Pilipinas). Inimpake ko na ang mga bagahe at binitbit na rin ang aking utol para sa sumasabog sa kasiyahan na bakasyon 2012!
|
Yes!! |
March 14, Wednesday -
Hindi na ko nakaligtas sa mutant na humahabol sa kin at ganap na nyang itinarak ang palakol ng kamatayan sa aking dibdib. Maya-maya pa ay pinagsasaluhan ng mga cannibal ang aking karne. Wala pa talaga akong tulog nun dahil sa excitement kaya pati ang Wrong Turn na palabas sa bus ay nakapasok sa aking unang panaginip nung ako'y maidlip pagkalipas ng 20 oras na gising. Masaya ang byahe lalo na nang mameet namin ang cool na mag-kaibigang ito:
|
Hindi po sila mga characters sa sesame street at mas kwela po sila kesa kay Willie Revillame at Joey de Leon. |
Mach 15, Thursday- Madaling araw at tuluyan na akong iginupo ng pagod. Biglang may isang maliwanag na ilaw na animo'y galing sa spacecraft ng mga alien ang tumama sa aking mukha. Syet, piniktyuran ako ng utol ko habang nagliliwaliw sa mundo ng panaginip...with mouth wide open:
|
Pero ang aga ng karma ng utol ko at daig pa nya ang tumira ng isang case
na redhorse nang dumaan ang bus sa zigzag road ng Sta. Elena...mabuti na lang at may CR sa loob ng bus at dun sya nagpakain ng itik. |
Ilang sandali pa at narating namin ang Bicolandia. First stop sa bahay ng tita ko sa motherside. Sa unang pagkakataon sa loob ng 8 years ay noon lang ulet ako nakakita ng "carabao shit" (sosyal) o tae ng kalabaw. Gusto sana itong tikman ng kapatid ko para makumpirma kung tae nga ng kalabaw pero pinigilan ko sya at piniktyuran na lang namin ang inosenteng tumpok ng "forbidden cake".
|
yummy! |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
Sunod na stop ay sa pinagpipitagan at labis kong iniirog na Jose Panganiban National Highschool kung saan ako grumadweyt ng hayskul. Napaka-conservative ko nung ako'y nasa highschool at ang mga usapang sexual para sakin ay imoral (kung maniniwala ka na ganun nga ako nun e bahala ka. hahahahaha!!!)
|
Si Sir Joven, ang taong nagkaloob sakin ng karunungan na kahit ilang beses akong holdapin sa Manila ay hinding hindi sa akin mananakaw. |
Ready na kami ng utol ko na magparty-party sa bundok kaya't nakaposisyon na kami sa jumbo bus ng Gumaus na literal na aahon sa bundok.
|
Kuha ang matarik, paahon at mabatong kalsada na to mula sa bubong ng sasakyan kung saan ako nakasakay. Top load kung tawagin at pwedeng pwede pumwesto sa bubong dahil wala namang MMDA na manghuhuli. |
Narating na namin ang Baranggay Gumaus, ang lugar na nagturo sakin ng pagmimina, pagbubukid, pangingisda at pagdadamo este paggapas ng damo. Maganda pa rin ang lugar bagamat marami nang new faces dahil sa pagdagsa ng mga taga-ibang lugar para magmina ng ginto. Malalaki na rin ang mga dating bata lang nung umalis kami. Sa katunayan ay nakagawa na rin sila ng bata. Matanda na ang lola ko pero malakas pa. Naipagluto pa nga nya kami ng pinakamasarap na tinolang native na manok:
|
Pasintabi po sa PETA at sa mga vegetarian dyan pero napakasarap po talaga ng tinola na to na luto ng lola ko. |
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa "tailings dam" kung tawagin. Ito ay dating minahan ng ginto pero ilang dekada nang abandonado at nag-iwan ito ng magandang tanawin at paliguan.
|
Ang mga diwatang Bicolana na nagbabantay sa nakatagong paraiso ng Gumaus at ang mga bida ng Bourne Legacy at Terminator na wala pang tulog. |
|
Tailings dam ilang dekada na ang nakalipas. Swimming pool ngayon. |
|
Sinasabing may buwaya sa lawa na to pero wala pang matibay na patunay na meron nga talaga. Isa lang ang sigurado at may matibay na ebidensya...totoong may buwaya sa mga opisina ng gobyerno. |
|
Ang buwis buhay na planking ni utol sa puno ng aguho. |
Pagsapit ng dilim, sumigaw na ang
umaluhokan upang ipaalam sa mga tao na oras na para uminom ng alak upang ipagdiwang ang aming pagdating. Naganap nga ang munting kapiyestahan at hindi umuwing luhaan ang lahat ng aming kababata at kamag-anak na nakipag-inuman samin...umuwi silang gumagapang at sumusuka ng konti. Hahahaha!!! Ang yabang ko pero mas matindi ang nangyari sakin nung nalasing ako. :-)
March 16, Friday- Binisita namin ang aming alma mater kung saan kami nagtapos ng elementary. Masaya ang naging experience lalo na't inulit namin ang dati'y araw-araw naming ginagawa noon, ang maglakad ng nasa 5 kilometers gamit lamang ang aming paa at pudpod na tsinelas.
|
Kasama ang tito ko sa paglalakad sa mabatong kalsada na naging kaibigan na ng mga paa namin nung nag-aaral kami ng elementarya. |
|
Ang puno ng "katmon" na dati nang nakatayo sa likod ng elementarya
bago pa man ako nag-grade 1 nung 1994. Maraming kababalaghan ang punong
ito sa gabi at maraming kalokohan ang nagaganap dito pag-araw. Wahaha! |
|
Ang marker na kung saan ay naging piping saksi sa anim na taon na pananatili ko sa paaralang ito. Kung tatanungin nyo sya tungkol sakin? Ito ang isasagot nya sayo: "Sangkot lagi sa suntukan, magaling maglaro ng trumpo, obsess sa medal at valedictorian ng batch 1999-2000." :-) |
|
|
Bumisita rin kami sa Gumaus High School kung saan ay nag-aral din ako pero lumipat din ako sa Jose Panganiban National High School after a year.
Kinagabihan, isang bicol style adobong manok, (adobo sa gata) ang naging tema ng pagtitipon namin ng mga kaibigan. Napakasarap ng native na manok at kung makakaputak ay magsasabing "Tagay na!'. Well, hindi na kelangang ipaalala samin dahil automatic na yun. Naging abala si Pareng Carlos nang gabing yun dahil sa place nya ang party. Dumalo ang mga kababata naming sina Mayong, Adong, Roni, Pinsan Odie, Kambal Tuko at Erwin Balite. Wala si Dodo sa venue dahil nahihirapan na daw sya maglakad nang malayo mula ng magcrack ang spinal cord nya...at lasing pa rin sya dahil sa extreme na inuman nung nagdaang gabi.
March 17, Saturday- Its party time! May sayawan sa sentro ng baranggay. Syempre 8 years na din nakakalipas nung last nakaattend ako sa ganung event.
|
Everyone is invited! |
|
|
|
Pero habang hinihintay namin ang gabi, binisita muna namin ang napakagandang dagat ng Gumaus. Ang dagat na minsang naging bahagi ng aking buhay bilang mangingisda nung akoy nasa 11-12 years old. Ito rin ang dagat na pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng sugat ng kahapon. Pero dahil bata pa ko nun at lahat nang bagay sakin nun ay literal, naligo ako dito kahit bagong "tuli" ako. Ouch!!!
Pagkatapos sa dagat ay tumuloy kami sa bahay ng kontrobersyal na si Pareng Joseph a.k.a Walas na isa ko ring kababata. Kagagaling lang din nya ng Maynila at dahil feeling nya ay exhausting minsan ang magtrabaho sa senado bilang senador este ang magtrabaho para sa kay Sen. Loren Legarda, napagpasyhan niyang mag-unwind muna with us.
|
Si Pareng Walas (kaliwa) at si Brgy. Gumaus Kagawad Eric (kanan) na kapwa ko kababata. Palamig at tubig poso lang ang iniinom namin nung nasa elementary kami pero ngayon...redhorse extra strong! |
Sumapit na ang gabi at ang lahat ay all set na para sa party. Ang mga minero, mangingisda, magsasaka, kabataang baranggay at maging mga senior citizen ay magiging "party animal" sa gabing ito.
|
Kanino ang korona? |
|
Ang mga pinakamatandang party goer sa Gumaus. Teach me how to dougie baby! |
March 18, Sunday- Lilisanin namin ang Gumaus pero hindi muna ang Bicol. Babalik kami sa kabilang baranggay sa bahay ng tita ko kung saan kami unang dumating. Doon ay para makasama naman ang mga relatives namin sa mother side.
It was fun being in Gumaus after 8 years. Naging napakainit ng pagtanggap nila sa amin at walang nagbago sa samahan. Natupad ko ang pangakong pagbabalik pagkalipas ng halos isang dekada. Totoong napakatamis ng pagbabalik na ito at totoong hindi kayang ilarawan sa salita ang kaligayahan na naramdaman ko. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik muli sa lupang aking sinilangan pero isa lang ang mapapangako ko...mananatili ang Gumaus sa puso ko.
|
Now signing off. Hanggang sa muli. :-) |