Tuesday, July 28, 2020

Once Upon a Time in Facebook Dating

Zoosk - Home | Facebook

"Magmahal ka ng welder para lagi kayong may spark." – Anonymous

Tumunog ang kampana ng simbahan. Malakas! Wala naman syang PTSD pero bigla syang napabalikwas na para bang natrauma siya sa giyera. Hindi na healthy ang sobrang mobile game. Nakakastress din maging tambay pagmiminsan.

Bumangon sya sa higaan, nag-pakulo ng tubig para magkape. Isang kutsarang kape, gusto nya yung matapang, yung nananapak. Dumungaw sya sa bintana, maganda ang umaga. Medyo OA ang sikat ng araw. Papasikat pa lang pero ang init na. Parang social media influencer na napakaingay online e bobo naman. Haisst, sana kase kung di naman pinagpala sa intelektwal, sumayaw na lang. Apparently, you cannot disguise your true intellectual capacity by constantly saying things in English e Pinoy ka naman. At dahil napa-english na rin sya sa isip nya sa mga wala naman talagang kwentang mga bagay, nagsindi na lang sya ng kaputol na yosi na iniwan nya sa sa lamesa kagabi (krisis, tipirin ang yosi). Habang hinihitit ang kapirasong sigarilyo, inisip nya kung ano ang pwedeng gawin sa araw na yun. Ah teka, makapaglog-in nga sa FB. Ano kayang pauso ng mga DDS ngayong araw?

Inopen ang facebook app, nagscroll ng konti. Sa bandang taas ng app ay may icon ng puso. Inusisa, facebook dating app daw. Ah ok, matry nga ito. Ngunit nag-alala sya saglit kase para lang sa mga single ang app na to. Sabay naisip nyang wag umambisyon, wala syang dyowa. Sa madaling salita ay gumawa na rin sya ng profile sa FB dating. Pinili nya yung mga palung-palo nyang picture para ipost tulad nung isa na may yakap syang aspin para animal rights advocate ang peg nya. Yung isa ay yung nakasandal sya sa puno ng makopa habang shirtless at kunwari ay candid. Wala naman syang pakahulugan sa pic na yun pero sana ay kita yung bunga ng makopa para may variety yung kulay at hindi kasing monotonous ng lovelife nya nung kinunan yung pic na yun. So ano pa ba? Ah ok sagutan ang mga walang kakwenta kwentang questions sa profile: 

Q: Dogs or cats? Something else?
A: Style wise, I’ll go for dogs.

Q: You can only eat one food for a week, what is it?
A: If I may be honest, sardinas. Accidentally, 2 months nang ito ang kinakain ko thanks sa  COVID19.

Q: My favorite time of the day is…
A: Eight o’ clock. Its not  just the time, it’s the memory.

Q: If I could live anywhere in the world for a year, I’d choose…
A: Sa “E di sa puso mo”. Marami kase nagtatrabaho dun pero wala naman stay in.

Q: Something I’m embarrassed to admit that I love is…
A: My narcissistic self.

Q: My idea of a perfect day is…
A: Nothing in particular but if I matched with a non-Krusty Crab employee now, It’ll be a perfect day.

Q: One movie I can watch over and over is…
A: “Saving Reyner’s Private”

Q: The song that always gets me on the dance floor is…
A: “Magayunon sa Kabikulan”

(At dahil Bikolano/Bikolana ka at namiss mo ang square dance ngayong taon, sinearch mo sa youtube yung kanta. LSS ka na ngayon.)

Nang na-set na ang mga kasagutan sa mga tanong na di nya alam kung binabasa ba ng mga swipers e sinet naman nya ang preference. Must be 18-25 years old, within 240km radius, no other restrictions in particular, as long as you’re female human being in legal age. Though sa age limit na sinet nya ay may guilt na konti lalo na sa 18 y/o na part. Higit isang dekada ang gap nya if ever may kumagat man sa profile nya. “So ano naman?” tanong ng kabilang banda ng utak nya. “Age doesn’t matter” pagpatuloy nito. Oo nga naman, age doesn’t matter but why not extend the age preference to 33? “Kase age doesn’t matter lang sa mga lalake if mas bata yung babae sa kanya” sambit ng isa pang bahagi ng utak nya which is realtalk. Bago pa magkainitan nang husto ang mga parte ng utak nya sa walang kwentang argumento na parang mga kongresman sa batasan sa gitna ng pandemic ay napagdesisyunan na lang nyang simulan ang pag-swipe.

Mga dalawang oras onwards din syang nagswipe nang maencounter nya ang mga interesanteng mga nilalang sa FB dating. Narito ang breakdown:

Match 1-4:
Him: Hi.
Her: Hello
Him: Kumusta?
No more response.

Match 5, 25 y/o:
Him: Hi
Her: Hello
Him: ASL
Her: Ano to 2010? ASL? Ano to clan?
Unmatched.

Match 6, 18 y/o:
(Medyo binago nya ang opening spiel.)
Him: Hello Neng
Her: Ang creepy nyo po
Unmatched.

Match 7, 24 y/o:
Him: Hi. Ang ganda ng ngiti mo.
Her: Ganun? Hehe..
Him: Ganun nga. Working or studying?
Her: Working. Hehe..
Him: Anung stand mo sa anti terror law?
Her: Ok lang. hehe
Him: E sa kabobohang motorcycle barrier?
Her: Ok lang din. Haha
Him: Alam mo madaming letters ang alphabet.
Her: Jeje
Unmatched.

Match 8, 22 y/o:
Him: Judging sa smile mo, mukang happy ka sa buhay. Kumusta ka?
Her: Ok naman po. Masaya naman ako sa kambal ko.
Him: Ah may ganyan talaga. Yung sobrang close na magkakapatid.
Her: Mga anak ko.
Him: Ano ginagawa mo dito? Baka magalit asawa mo.
Her: Single mom po ako.
Him: I have high regard sa single moms. Pagpatuloy mo ang pagtaguyod sa kanila.
Her: Salamat po. Tagasaan ka?
Him: Hindi na mahalaga kung saan ako nanggagaling. Ingat ka palagi.

Match 9 (itinaas nya ang edad sa 33):
Her: Hello po.
Him: No offense pero magkasing edad lang tayo.
Her: So? Pag-galang lang yun.
Him: I appreciate the pag-galang pero its not cute lalo na’t same age tayo. Pero nevermind. You look gorgeous. So anung pinagkaka-abalahan mo sa buhay?
Her: Meron akong tindang aligue ng alimango. Pramis, masarap.
Him: Talaga ba. Ilan na nabentahan mo dito?
Unmatched.

(Balik sa 18-25 age range) Match 10, suspicious 19 y/o:
Her?: Hello
Him: Hi. May natuklasan na bang recipe para sa damit? Mukang naisangkap na yung dapat ay suot mo. Kumusta?
Her?: Bi po ako.
Him: Bi what? You mean gay?
Her?: Nakakaoffend ka po. Lesbian po ako.
Him: Ang layo na ng narating mo. Di ka pa nagiging ganap na babae, lesbian ka na agad? No disrespect sa partido nyo but please at least tell the truth.
Unmatched.

Match 11 and 12:
Them: Top or bottom?
No response.

Wow. 12 matches in few hours at walang man lang naka-chat nang maayos. Ganito na ba ang society natin ngayon? Wala nang makamatch na ok sa dating app? Bago pa manganak ng mga nonsense na sagot ang nonsense na tanong ay napagdesisyunan nyang magkape ulet. Nakakalimang tasa pa lang naman sya ng araw na yun, di pa sya quota. Habang hinahalo ang kape na mala eksena sa “Get Out” ay buong mangha nyang pinagmasdan ang papalubog na araw. Nasambit nya sa sarili “Sana kase nagpakumbaba si Vice. Ngayon tuloy medyo di maGanda ang nangyari sa kanya”. Nagpapalaman sya ng Coko jam sa lumang tinapay na meryenda nya habang iniisip ang mga kakatwang nangyayari sa paligid nang mapansin nyang umilaw ang cellphone nya. Ting! “My god I’m exhausted today. Enough of non-sense FB dating. Delete ko na yan” sambit nya sa sarili.

Alas siyete y media ng gabi. Medyo matumal, wala pa rin syang nakakamatch na bago na may sense. 2 hours ago, pinagbigyan nya ng chance ang mga uhaw na kaluluwa na matuklasan sya bago nya i-delete pero wala talaga, “Their lost” wika nya sa sarili. Akmang idedelete na nya nang…ting! “Bettina likes you”. Ay wow, new match. 18 y/o, 50 miles away at hindi sya nagtatrabaho sa Krusty Crab.

Him: Hi Bettina.
Bettina: Hello kuya.
Him: Ang sakit naman nung “kuya”.
Bettina: E kase matanda ka na po.
Him: Ilang minuto pa lang tayong nagmamatch pero grabe na yung pananakit na ginagawa mo saken.
Bettina: Ay bakit po? In denial kayo sa age nyo? E ayan may kasama pa kayong mini tyrannosaurus rex sa pic.
Him: Are you always that mean? Sayang ang ganda mo pa naman.
Bettina: I will not apologize po if you are wondering.

(Halos nailuwa nya ang kinakaing sili na may konting tulingan na ulam nya nung gabing yun dahil sa response ng kachat.)

Him: How could you disrespect elders like me? You know sa Korea it’s a big deal.
Bettina: We’re not Koreans po.
Him: But you get my point di ba? Tsaka bakit ganyan ka kaharsh sa mga millenials? 
Bettina: Millenials are bunch of losers po. 

(Narealize nya sa point na to na kelangan nya muna maghugas ng kamay bago sya magtype ng response.)

Him: And so Gen Z is the best generation? Yan ba pinopoint mo?
Bettina: Thanks for helping me getting to that. That is so right.
Him: Gen Z are lazy and so dependent sa technology. Don’t get us wrong, we both know the analogs and digital version of things. We watched things evolve at mas alam namin pahalagahan ang mga bagay bagay.

Bettina: Well good luck sa pagiging mapagbigay ng halaga. Pero sounds to me na excuse nyo lang yan sa sobra nyong maramdamin. Konting masaktan lang ang ego at pride nyo, nag-oover react na kayo.

(On point. Ano kayang rebut nya dito?)

Him: At masyadong rational ang mga Gen Z? Tipong mabilis makamove on sa mga bagay bagay? That’s probably because nabuhay kayo sa mga instant. Emojis lang ok na kayo.
Bettina: Whats the reason para mag-dwell sa mga negativities? Readily available ang mga diversions. Friends are one VC away. Welcome po sa 2020.
Him: So Gen z are just fond of escaping things? Mobile games/apps lang sapat na? How could you even argue to me about inner feelings with your technological dependency?

(Mejo natagalan magreply ang bata.)

Bettina: Its not escaping. Its embracing the current norm.
Him: We’ll papunta pa lang kayo pabalik na kami.
Bettina: And I assume na hindi tayo magkakasalubong kase nakasakay kami sa isang vessel habang kayo’y naglalakad. Kayong mga living relics kase kahit digital na gusto nyo manual pa rin.

(Hindi na nya napigilang magtaka kung saan nanggagaling ang batang ito at ganun na lang ang pagkadisgust sa mga Titos.)

Him: Wait lang. Are you disgusted sa mga mas matatanda? Does age matter?
Bettina: Generation gap po. And I think on our case sobrang layo talaga. You seem like a very protective and obsessive person. I personally loves freedom. Yoko ng may kumokontrol saken.

(Come on! 15 years gap lang yan…wait…oo nga ang layo.)

Him: Ok palalagpasin ko yung pagiging asyumera mo kase mas napansin ko na may bitter kang nakaraan sa mga tinatawag mong “living relic”. Pwede mo bang i-share saken?
Bettina: Its none your business.
Him: Sorry I don’t mean to piss you off but I insist. Maybe I can help.

Moments passed at talagang hindi na siya nagreply. Naging mainit ang palitan nila ng sagot. Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil talaga namang napaka-gorgeous ni Bettina. Long black hair, beautiful smile, napatanong tuloy sya kung maeere pa ba ang Darna ni Jade De Leon. Isa pa sobrang rare na may ma-meet kang ganito makipag-argue sa henerasyon ng tiktok. May sustansya ang bawat ipinupukol nya at wala syang ibang maramdaman kundi respeto para sa dalaga. Kung maibabalik lang nya yung mga minuto  na ginugol nya para baguhin yung takbo ng usapan nila para lang hindi ma-upset si Jade este Bettina, pero mukhang tuluyan nang naturn off ang FB dating match nya. Anyway, why expect so much sa platform na ito? This is just a virtual medium and nothing beats the real thing. Mas maganda pa rin yung personal interaction. Hayss… paglabas nya talaga sa quarantine facility na yun…

Pagkatapos ng ika-pitong baso ng kape habang nakatanaw sa bintanang hinahampas ng medyo malakas na hangin, di nya namalayang naghihintay pa rin sya sa response ni Match #13. Hindi kaya malas talaga ang #13? Imbes na maging numerologist sya sa mga sandaling yun, binuksan na lang nya ang youtube para makinig kay Lewis Capaldi. Wala sa loob na pinindot nya ang search result at nagplay ang kanta…Magayunon sa Kabikulan. Pwede na rin yun. Nagmimini square dance sya sa may bintana ng tumunog muli ang cellphone:

Bettina: Does it matter to you if you hear my story?
Him: Yes it does.
Bettina: I don’t think so. You’re just like them.
Him: You matter.
Bettina: Define matter.
Him: Matter is anything that occupies space and has mass.
Bettina: Lol. How is that relevant?
Him: Your reasons have mass. If theres a chance that you can occupy the empty spaces of my heart, you’ll see its relevant.

(Sa point na to, medyo nahihilo na sya at di nya alam kung dahil sa tama ng kape or sadyang tulak na ng sidhi nya na bumawi sa dalaga.)

Bettina:  Haha… no chance. You don’t know me yet for you to say that. Thanks nga pala sa time. Goodnight.

(Medyo napalakas ang sampal ng hangin sa bintana. Nasaktan sya. Nag-apuhap sya ng isasagot.)

Him: Sometimes you think you know a person pero strangers pa rin kayo sa isa’t isa after a long time. I guess its not how much you know a person, its how much you feel for him/her and how much you accept and how much you’re willing to take a risk. Love doesn’t respect reason. Love is blind. Love makes you happy but you have to decide when you are ready to be blind again.

(Sa puntong ito, mukhang nailatag na nya ang kanyang huling baraha. Its just a matter of accepting defeat. FB dating is a scam, its toxic. Buti pang i-delete na lang. But wait!)

Bettina: May whatsapp ka?
Him: Wala e. Why?
Bettina: Nevermind.
Him: Mag-iinstall ako.
Bettina: Pakibilisan.

Thursday, July 23, 2020

My Quarantine Story

April 28, Tuesday night. Magdadalawang buwan na kong nakalockdown, literal. I mean lahat naman except sa mga di nagcocomply. Ano yun? Debold? Bastos. Anyway, eto kwento ko.

Sobrang toxic ng taon na to. Ang daming nangyari saken. Start pa lang ng taon, umaapaw na yung mga kamalasan sa buhay ko. Alam ko madami din ako nagawang kamalian pero grabe naman yung naging balik sa akin. So I decided to quit my job para makalanghap ng sariwang hangin sa Bicol, its just too much. Di ko alam ang naghihintay saken sa probinsya pero either magstay ako at mag-end up sa Mandaluyong or harapin yung kawalan ng kasiguraduhan sa hometown ko na nilisan ko for 17 years.

Dumating na ang sasakyan ng kuya ko. Time check, 10 pm. Isinakay ko na ang mga gamit ko. Nang maipagpag ko ang aking huling alikabok sa Pasig, handa na kong lumisan. Hindi ko sasabihing maluha-luha ako para lagyan ng flavor ang kwento ko pero ganun talaga nangyari e. Tsaka *&*#!! ang sakit talaga mangagat ng mga lamok sa Pasig, quantity na, quality pa.

Habang lulan ng sasakyan ng kuya ko, pinag-uusapan na namin kung panu kami lulusot sa mga checkpoint. Nasa height ng ECQ ang Metro Manila nun na mistulang ghost town ang EDSA. Kahit may food pass siya dahil nagdedeliver ng mga goods sa North Luzon, hindi pa rin sya confident. Pero sabi nya ang mahalaga ay mailabas nya ko ng Metro habang matino pa akong nakakausap. Sweet.

First challenge sa SLEX, hinabol kami ng mobile despite na may food pass kami. Yun pala e nakalabas ang armchair ko sa likod. Habang puno din ng produkto ang loob ng maliit na truck, halos di na rin magkasya ang mga gamit ko. Napa exit kami sa bandang Laguna kahit di naman yun ang plano. Dahil nawala kami sa expressway, natagalan kami kakahanap ng tamang daan. Sinuggest ko na sa kanya na baliktarin na namin mga damit namin. Ayaw nya.

Nakalabas kami ng Laguna dire-deretso hanggang Quezon province. Pagdating sa Calauag, medyo mahigpit ang checkpoint, medyo natagalan kami dun. Pero level 1 pa lang pala yun kase ang tunay na aksyon ay nasa entrance ng Camarines Norte. Pinalagpas na kami ng bantay sa Calauag pagkatapos nyang sabihin ang verbatim nya, parang may QA lang. Sa dami siguro ng dumaraan na chinecheck nila, naging parang sound na sila ng nagtitinda ng hanger at ipit sa Divisoria. "Sampu lang lahat ng klase, bili na suki 99999x".

Putok na putok na ang araw nang dumating kami sa Sta. Elena. Putok na putok na rin ang mukha ko sa puyat at pagod. Pinagsanib na pwersa ng sundalo at pulis ang nakabantay. Parang papasok kami ng Marawi. Eto ang gameplan: Magpapanggap akong pahinante nya, papasok kami sa Cam. Norte at magpefeeling naisahan namin yung mga bantay. Hindi nagwork.

Lespu: Ano ka nitong driver?

Me: Kapatid po tsaka pahinante.

Lespu: First time mo ba papasok ng Bicol?

Me: Ay hindi po. Duh. Pang-ilang byahe na namin to.

Lespu: Patingin ng dala nyo.

(Tiningnan ang loob ng truck. Bawas na ang laman dahil dinrop-off na ang ibang produkto sa Quezon.)

Lespu: Namputsa lipat bahay to nu? Di ka pahinante nito. Ngayon ka pa lang papasok sa Bicol.

Me: Mali ho. Pang-ilang byahe na namin to. Pinadala lang po yan samin. Nagmagandang loob lang kami. Di mo lang kase ako napapansin, di naman kase ako famous (sana sinabi ko yung huling sentence pero baka ipinalo saken yung M16 so nagshatap na lang ako)

99.9% nang convinced yung bantay at itataas na lang yung harang nang umepal naman yung isang sundalo. Chineck ang permit ng kuya ko at natuklasan na hindi ganun kagwapo yung totoong pahinante ng kuya ko. Masyado daw akong fresh para maging pahinante lang (nagdedelusyon na ko ng mga oras na yun). Ikinakasa na ng officer yung charge laban samen sa paglabag sa Bayanihan Act pero nagbago isip nung nakiusap ako na iquarantine na lang ako sa island with coconut trees, beach everyday (malapit na ko maheatstroke sa part na yan). Nadamay pa kuya ko, binawian sya ng permit to enter sa Cam. Norte. Nagsorry ako sa kanya. Sabi nya ok lang, kesa naman mastuck ako sa Pasig. Sweet.

So isinakay na ko sa military truck papuntang holding area sa Sta. Elena, Cam. Norte. Sa sobrang bilis nung takbo pati kaluluwa mo parang gusto na humiwalay. Pagdating ko sa holding area, within 24 hrs lang daw dun then susunduin na ng bayan na nakakasakop sa PUM. Ah ok, cool, e di sige maghihintay lang ako. After all patience is virtual.

Masaya sa holding area. Iba't ibang istorya ang maririnig mo. Nariyan yung mga naglakad from Manila to Bicol. Yung mga nastranded sa Quezon Province na unli-quarantine kase magto-two months nang nakaquarantine at di pa rin nakakauwi. Kase naman lahat yata ng probinsya na daanan ng isang kasama ko na PUM ay naquarantine sya. Masaya. Nakikita na raw nya si Hesus.

Mababait ang mga pulis na bantay sa Tabugon. Friendly sila at talagang secured ang area. Mababait ang mga kasama kong PUM. Marami kaming napagkwentuhan. Naenjoy ko ang pag-stay sa sinabing holding area. Naenjoy ko sa loob ng 5 days. P*****-*** Paracale anu na?!!! Susunduin nyo pa ba ako dito? Yes, ang 24 hrs na sinabi ay fake news. Nanatili ako dun until napalapit na ang puso ko sa mga nakaquarantine na taga Sta. Elena (sa isang area ay quarantine naman ng mga taga dun). Minsan nawawasak ang puso ko pag may umaalis at sinusundo na ng bayan nila. Magkahalong lungkot at inggit ang naramdaman ko. Sana ol.

Mandatory ang diet sa holding/quarantine area. Pang Kim Kardashian ang portion ng pagkain. Tipong pati buto ng karne ay kakainin mo na rin dahil sa konti ng portion (I think di naman kase ako meant magtagal dun pero nangyari na e). Buti na lang malinis palagi ang rest room, lagi naming nililinis. Laging walang dahon na nagkalat kase uma-umaga kami nagwawalis. Ang galing, para kaming larawan ng pabalat ng tsitserya nung 90s. Pero inip na ko nun.

Sa ika-limang araw, ganap na 9 pm, dumating ang Vinzons at Labo LGU para sunduin ang mga PUM nila. Wala pa rin ang Paracale. Unti-unti na ko nasasanay. Sabi ko gagawa na lang ako ng Boysen commercial dito. Pero on my surprise, isinakay na rin ako ng mga nasabing LGU para i-drop off sa entrance ng Paracale. Parang pusa lang na ililigaw. Ok na rin, at least makakaalis na ko sa holding area at MAGSISIMULA NA ANG 14 DAYS QUARANTINE KO (Tama, inabot ng 19 days in total ang quarantine ko.). Nagpaalam na ko sa mga lamok sa Sta. Elena na nakapalagayan ko kaagad ng loob sa unang gabi pa lang. Di sila ganun kasakit mangagat di tulad sa Pasig na parang laging may "karga" ang mga lamok dun.

Malakas ang ulan nung gabing yun ng Linggo. Salamat pa rin sa NDRRMO ng Labo dahil kahit ibinaba nila ako sa boundary ng Paracale na parang pusang matakaw sa ulam, e nakaramdam na ko ng pag-asa, andito na ko sa hometown ko. Nagsindi ako ng sigarilyo pagbaba ko bilang selebrasyon. Nakita ako ng mga kakilala ko at agad akong binati at inalok ng kape. Natuwa naman ako. Pero ang hindi nakakatuwa, magpapalipas ako ng gabi sa checkpoint na yun sa tabi ng kalsada dahil hindi available ang NDRRMO ng Paracale para ihatid ako sa quarantine facility. Dito na ko nagbreakdown, literal na naluha ako. Malamig sa checkpoint, nabasa ako ng ulan, gutom na din ako at kahit mga lamok dun ay hindi ako winelcome. Di nila ako kinakagat kase PUM nga ako pero ang ingay nila sa tenga. Holy ****. Kalbaryo ang buong magdamag pero sa wakas ay nasundo na rin ako para dalhin sa quarantine facility. Welcome to hell!

Masaya sa quarantine area ng aking bayan kahit mala walk-in oven. 7 kaming nandun na umaga, tanghali, gabi na pinagsasaluhan ang sardinas or corned beef or tuyo. Di naman palaging ganun pero madalas e yun ang rasyon samin. May times na nakakatikim kami ng isda or manok pero sa sobrang bihira, yung kasama ko halos di na ma-autopsy yung natitira sa plato nya. Marami ang distribution ng kanin sa quarantine facility na yun at mahihiya ang Mang Inasal. Pero kanin lang talaga. Kaya nagpasalamat ako sa mga friends and family ko na naghatid ng pagkain saken. Lab yu ol.

May mga nakasama ako sa quarantine na hindi kasali sa free food at hindi yun katanggap-tanggap. So sharing is caring sa oblo at nagsheshare kami sa isa't isa sa lahat ng pagkakataon. Lagi rin kami nagkekwentuhan, nagtatawanan para lang madivert yung atensyon namin. Sa harap ng quarantine area ay simbahan na itinayo nung 1611 na magpapaalala sayo na pagsubok lang ang lahat. May libre pa kaming panalangin everyday at san ka pa, ang laki ng alarm clock namin, pag tumunog, gising ang buong baranggay. Tinry namin magpuslit ng pang tattoo sa loob para may extra kaming libangan. Kidding.

Isang gabi, may narinig kaming boses "I want to play a game" at lumabas sya na nakabisekleta sa room, ang pangit nya. San na nga ba yung kinekwento ko? Ang haba na e nu? Congrats pala ha nakarating ka sa part na to.

So ayun nga, isang gabi, hindi maganda pakiramdam ko. Nakaubos na ko ng pitong baso ng kopiko black sa buong maghapon. 3 days na lang lalaya na ko at bumubulwak na yung sobrang inip kaya ginawa kong tubig yung kape (at least di ako nagtiktok, ewww...Harry). Time check, 10pm at nahihilo ako. Dumungaw ako sa bintana at dinama ang malakas na hangin dahil sa bagyo. Ang sunod na namalayan ko, ginigising ako ng kasama ko kase bumagsak ako sa sahig. Seizure ang nangyari at nangingisay daw ako. Nagpanic lahat sa loob. Wtf. Positive yata ako. Sinisipon din ako nun at inuubo. Positive nga yata talaga. Isa sa mga kasama namin na miyembro ng BFP ang kumontak sa nurse para icheck ako. Inasikaso ako ng mga kasama ko. Wapakels sila kung covid man yun. Damay damay na. Dumating ang nurse, binigyan ako ng gamot sa high blood. High blood lang daw yun. Medyo na-offend ako kase sa payat ko na yun na parang POW nung WW2, high blood pa ko. Bukas na lang daw ako itetest. Ang galing talaga kase kinabukasan, walang test na nangyari. Matira na lang matibay. Buti na lang at gumaan na pakiramdam ko pero wala pa rin talagang nagcheck saken para man lang malaman ko kung bakit ako nagpass out. Pero hinala ko caffeine overdose tsaka kulang sa tulog.

Day 19, May 17, araw ng paglaya. Excited na ko lumabas. Nakaraang gabi pa lang nakagayak na mga gamit ko. Ang araw ding ito ang isa sa mga araw na hindi ako pinakain maghapon. Wala na daw akong rasyon. Ah ok, fine. Siguro naman di nyo ako paaabutin ng gabi dito at ihahatid nyo rin agad ako sa bahay nu? Mali. Inabot ako ng 6:30pm sa quarantine sa last day ko, no brekfast, no lunch and no girlfriend. Mabuti na lang at nakita ng kasama ko si Mayor at agad na tinawag para ipaalam na laya na ko and either ihatid nila ako sa bahay ko or ihatid ako sa huling hantungan dahil walang kain at walang mautusan bumili ng pagkain at bawal kami lumabas at wala na rin akong pambili talaga. Anyway, nagrespond naman si yorme at naihatid ako sa bahay. Bago ako umalis sa quarantine, nagpasimple muna ako ng dirty finger dun sa place.

Nakita ako ng tatay ko at ngumiti sya. Sa wakas nakalabas na rin ako. Di agad ako nakakain dahil nalipasan na nga ako ng gutom. Non-stop ang kwentuhan namin, pangangamusta. Mas masarap ang redhorse pag halos 3 months mo nang di natitikman.

Tinanong ako ng mga kabaranggay kung anung nangyrai saken, sabi ko natrap ako sa Bermuda Triangle. May diskriminasyon pa rin sa kabila ng cleared na ko at nagdusa na ko sa quarantine.

2 weeks pa nakalipas bago nag sink in saken na malaya na nga ako. Nagsisimula na ulet ako ng buhay dito. Yung nakikita mo sa picture na may six packs, dark skin at nakahard hat at nagmimina ng ginto? Wish ko din maging ganun.

Masaya ako na nagiging positive na ko, I mean sa pananaw. Pero nakatakas man ako sa malalang sitwasyon sa Metro Manila, ang agam-agam ko pa rin ay nasa mga kaibigan ko na nandun pa rin at patuloy na nakikipagpatintero sa chances. Sana ok lang kayong lahat palagi.

At dito nagtatapos ang walang kakwenta kwentang quarantine story ko. Pero mas better naman kesa sa story ni Marlou. So sana may napulot kayo. Ciao.

Tuesday, April 16, 2019

Paano humingi ng tawad sa minamahal gamit ang SULAT?

Image result for sorry letter icon
Ano daw? Sulat? Uso pa ba yun? Bakit di na lang sabihin ng personal? Ipasabi na lang kaya. I-chat na lang. etc, etc.

Pag nasagot ba ang mga yan ok na? Sapat na? Solve na? Bati na?.

How about the question "Paano ako magsosorry?". Maraming ways para magsorry pero bakit ang daming hangal o walang pakialam sa napakahalagang bagay na ito? And sa totoo lang, mas maraming taong hirap na hirap o sadyang walang kakayanang magsorry sa nagawa nilang kasalanan. Specially people in a relationship na madalas mamisinterpret ng mga partner nila na either weak o di kaya nama'y sobrang taas ng ihi (ma-pride). Sa previous blog ko, nadiscuss ko ang mga "Paraan kung paano humingi ng tawad sa boyfriend?" (just click the link) na applicable din mostly sa general aspect ng pagso-sorry. Pero ang dami ko narecieve na email kung paano daw ba ito gagawin sa pamamagitan ng sulat. Kaya naman susubukan kong i-discuss sa entry na to, paano nga ba mag-sorry sa sulat?

Wait lang. Magreview nga muna tayo. I-refresh natin ang mga challenges kung bakit nahihirapan humingi ng tawad and much more bakit hindi nila bet ang daanin ito sa sulat?:

Mahirap tumanggap ng pagkakamali at magsorry dahil:
*Natatakot na baka husgahan ng pangit ang buong pagkatao nya base sa pagkakamaling yun.

*Super defensive. Sadyang madami syang justification sa nagawa nya, bilib na bilib sa sarili.
Pero minsan, nagpapalusot na lang para wag lang magmukang sya ang may kasalanan o dapat sisihin.

*Natatakot na baka maging dahilan ito para lagi na lang syang pagsuspetsahan o akusahan at maging dahilan ng palaging pag-aaway. Which is tama naman yung kinakatakot nya pero ang tanong: Paano naman sya matatanggap kung ano sya at paano mag-aadjust ang partner nya sa kanya kung ganyan ang mindset nya?

Mahirap magsulat ng sorry letter dahil:
*"Ano ito 1999? Masyado nang modern, baduy na. May social media naman or text."
*Sadyang hindi fan ng pagbibigay ng sulat at ayaw subukan.
*Misconception na hindi "manly" or hindi sign ng "pagka-macho" ang daanin ito sa sulat (para sa mga lalaki).
*Tamad magsulat.
*Hindi marunong magsulat.

Once na marealize mo at tingin mo nag-fall ka sa mga challenges na nabanggit, nakadepende sa reaksyon mo kung itutuloy mo pa ba ang pagbabasa ng blog na to or ihihinto mo na sa part na to.....................................................................................wow congrats tinuloy mo! Curious ka din? :D

Ang mga sumusunod ay ang good and bad version ng letter na pwede mong gawin. Kung bakit ka nag-agree sa good version ay masasagot sa huling bahagi ng artikulong ito.

Example 1

Bad version:

"Bhe sensya na sa kaka-ML ko ha. Lakas kase makaimpluwensya ng tropa lalo na si Estong. Kilala mo naman yun di ba? Tsaka minsan kase busy ka din, di ka makontak. Pero mahal na mahal kita. Kaw lang po talaga. Pramis. Please stay by my side Bhe. I need you."

Good version:

"Bhe pasensya ka na sa pagka-adik ko sa ML. Sorry talaga dahil di mo na ko maawat. Nilamon na ko ng game na to at napapabayaan na kita. My bad Bhe, naliwanagan na ko na di isang mobile game lang ang sisira sa relasyon natin kaya dinelete ko na yung game app para di na ko makapaglaro at para di ko na mamiss yung mga chat at call mo, para marami na kong time sayo. Peace na tayo please."

Example 2

Bad version:

"Love sorry po dahil nakikipag-communicate pa ako sa ex ko. E kase ang kulit nya, nireplyan ko na lang din para tumigil na. Pero minsan kase sobrng busy mo, wala kang time kaya siguro narereplyan ko sya. Pero ikaw lang ang mahal ko. Matagal na kaming wala nun. Sana maintindihan mo."

Good Version:

"Pagpasensyahan mo na sana kung nagawa ko pang magreply sa mga mensahe ng ex ko. Mali po yun kahit saang anggulo tingnan. Kaya ko pong magpaliwanag sayo na parang abogado pero di ko nakikita yung point kase mali talaga ako. Nagsisisi po talaga ako love. Gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita at pinutol ko na lahat ng posibleng magiging komunikasyon namin ng ex ko. If you give me a chance po hindi ko sasayangin. Please forgive me."


Kung bakit ang dalawang halimbawa ang ginamit ko ay makikita ang dahilan sa sumusunod. Hango ito sa
"Elements of a Perfect Apology".


1. Say you’re sorry. Not, “I’m sorry, but . . .”, just plain ol’ “I’m sorry.”
- Mag sorry lang. Wala nang kung anu-ano pang side comments. Wag na kung anu-ano pang paliwanag bakit yun nagawa. Kase magtatalo lang kayo.

2. Own the mistake. It’s important to show the other person that you’re willing to take responsibility for your actions.
- Wag na mandamay pa ng kung sino o kung ano. Tanggapin mo pagkakamali dahil ikaw talaga ang nakagawa nun. Maluwag sa dibdib pag marunong tumanggap ng kamalian.


3. Describe what happened. The wronged person needs to know that you understand what happened and why it was hurtful to them. Make sure you remain focused on your role rather than deflecting the blame.
- Minsan kelangan mong ilagay ang sarili mo sa sitwasyon nya para bilang nagawan mo ng pagkakamali at try mo isipin kung ano ang nararamdaman nya. Kung ilalagay ito sa sulat, pwede mong isama yung struggles ng partner mo sa personal na buhay nya tapos dumagdag ka pa sa pasaway at gets mo yung feeling kaya di mo na gagawin yung pagkakamaling yun sa kanya.

4. Have a plan. Let the wronged person know how you intend to fix the situation.
- Wag kang basta mangako. Ilahad mo ang plano mo, be specific sa remedyo na naiisip mo para di na mangyari ulet yun. Di na uubra ang kakapangako. Dapat aksyon!

5. Admit you were wrong. It takes a big person to own up to being wrong. But you’ve already reminded yourself that you’re a big person. You’ve got this.
- Katulad ng nabanggit sa #2, tanggapin ang pagkakamali. At tanggapin ito bilang isang mature na tao na alam mong hindi ka perpekto at lagi kang may pagkakataon na ituwid ang pagkakamali at magbago.

6. Ask for forgiveness. A little vulnerability goes a long way toward proving that you mean what you say.
- Ang paghingi ng kapatawaran na siyang pinaka-buod ng sulating ito ay dapat gawin ng buong katapatan. Hindi mo kelangan umiyak epek pa o magpa-flash mob o magdala ng boquet sa hallway ng school nyo. Sapagkat kung marunong kang magsulat at hindi naman kawalan sa dignidad mo na magpadala ng liham sa minamahal mo, gawin mo! Dahil the fact na na-gather mo ang thoughts mo, nag-take time ka para i-summarize yun sa pamamagitan ng panulat, ibig sabihin seryoso ka talaga sa paghingi ng tawad!

Sana'y nakatulong ang munting presentasyon ng aking saloobin tungkol sa isa na namang topic tungkol sa "pagso-sorry". Pero ito ha, mga kapatid, wag naman abusuhin. Sabi nga nila puro ka sorry, para saan pa daw ang parak? Tandaan na ang patuloy na paggawa ng parehong kamalian ay pagpapakita rin ng kawalan ng respeto at pagiging selfish. Treat your love partner as sacred, someone who's very precious na iniingat-ingatan mo. Kung di mo sinasadya, learn from it, be better next time at wag gawin kung di naman talaga tama or gawin lamang kung ano ang tama.

Sunday, March 31, 2019

Masustansya nga ba ang TAMOD? (WARNING: R-18)


Ayon sa survey ng Gallup International noong 2017, ang Pilipinas ay pangatlo sa may pinakamasasayang tao sa buong mundo. Wow! At bukod sa kadahilanang bahagi na talaga ng kultura natin ang pagiging palangiti kahit nasunugan na ng bahay o dinatnan ng malakas na bagyo, naisip ko lang, baka kase may kinalaman ito sa populasyon natin. Panu napasok ang populasyon? Kase kung sa palibugan lang naman, nasa row 1 tayo! (sa mga hindi batang 90’s hindi gets yang “nasa row 1 na yan”). Meaning, madami ang nararasyunan ng gatas ni Adan! Alam nyo na kung saan papunta ang intro na ito kaya tara na at pumaimbulog sa ligaya este sa mga impormasyon tungkol sa health benefits ng T.A.M.O.D.

1. Antidepressant at Antianxiety- Una sa listahan ang dahilan kung bakit good mood sa atin. Nakakaalis ito ng stress. Well, ang sex ay totoong nakakaalis ng stress pero ayon sa pag-aaral, ang direktang pagpasok ng tamod sa katawan ng babae ay nagbibigay sa kanya ng aliwalas. Nagiging glowing si ate. Yan ay dahil sa tinatawag na nerve growth factor na meron sa tamod upang gawing mas relax ang babae at makapasok nang swabe ang semilya sa sinapupunan nito. Ang hormone na ito ay pinoprodyus ng utak para di madepress pero meron din nyan ang tamod kasama ng oxytocin, progesterone, estrone, serotonin at melatonin. Pag yang mga yan ay ipinutok sa babae, gumaganda ang mood ni ate dahil direktang sumasama yan sa dugo. Lalo na ang oxytocin na dahilan para maging super lambing ni ate after make love (kung pinutok sa loob syempre).

2. Pampahaba ng buhay!- Tama po, hindi lang pansit ang pampahaba ng buhay, pati rin ang likidong naging dahilan para magkaroon ka ng buhay. Dahil ito sa tinatawag na spermidine na kasama sa property ng tamod (obviously, from the word sperm.) Ito daw ay nakakatulong sa pagpapalusog ng atay at nakakapag-paiwas sa liver cancer. Sa katunayan mas maraming may liver cancer na lalaki kesa sa babae sa buong mundo! Unfair ito. Super unfair!

3. Pampatalas ng isip- Tulad ng nabanggit na nerve growth factor sa una, ito rin daw ay nakakatulong para maging aktibo ang mga neurons sa utak dahilan para makapag-isip ng epektibo. Siya nga ba? Kaya pala yung kapitbahay namin na tsismosa ay na-conclude agad na lalakero yung isa pa naming kapitbahay dahil lagi daw hinahatid sundo ng motor ng iba’t ibang lalake. Yun pala ay dahil sa Angkas. Wag pong tutularan ang mga advance mag-isip. Iba po yung matalas mag-isip sa judgemental.

4. At iba pang bitamina- Zinc, potassium, magnesium, calcium at citrate. Oha! At kung yan ay direktang sasama sa dugo ng babae after labasan sa loob, para kang inenjectionan ng mga nutrients na yan. At gaganda ka teh. Yang zinc ay nakakatulong sa pagpapaputi ng ngipin. 200 ibat-ibang uri ng protina kasama ng spermidine ang meron sa tamod na makakatulong para gumanda din ang buhok mo. Nakakatulong din yang epic na spermidine na yan sa pagpapaganda ng balat mo dahil yan ay anti-oxidant. Kaya yang mga bagong kasal na ate, iba ang aura e, literal na nago-glow, parang alitaptap. Pati yung mga college students…ooops.

Ganunpaman, hindi ko po inaadvise na makipagsex na lang at iputok sa loob kase maganda naman pala sa katawan ang tamod. Bukod po sa 100+ million na tayo sa kakapirasong lupain na ito at mahirap ang buhay, e hindi rin safe sa STD. Pero kung naka-pills ka naman or kung anupaman na contraceptive maliban sa condom e ok lang naman. Basta ba sa partner mo lang para nga iwas STD. Ngayon kung senior highschool ka pa lang e manahimik ka muna. Mag-aral ka muna ineng, wag kang puro landi at kalibugan. Isama mo na rin yung epekto nyan sa moralidad bilang tayong mga Pinoy ay konserbatibo pa rin naman. Well, pwede rin namang lunukin, andun pa rin naman yung sustansya pero hindi kasing epektib nung direktang sumasama sa dugo. At sa mga kalalakihan, iisipin natin na lugi naman pala tayo. Pero hindi rin. Kung gagawin natin yung tinatawag na “injaculation” ay makikinabang din tayo sa nutrisyon ng sarili nating tamod. Ano yung injaculation? Google mo na lang brad. Hahaha!

Reference: Google

Friday, October 19, 2018

Paano Makitungo sa Ex?

Naranasan mo na ba yung awkward na pakiramdam tuwing makakasalubong mo o mamimeet mo yung ex mo? Yung tipong parang nagtatime-travel ka at bigla na lang nagpa-flashback lahat sayo. Lalo na kung nagmeet kayo sa isang lugar na madalas kayo magkasama dati at bigla na lang nagtatransform yung paligid na parang pang music video na nandun kayo mismo sa eksena? Hindi masyadong healthy yan. Meron tayong isang tao na minahal natin noon, nakasama natin at talagang mahirap tuluyang burahin sa ala-ala...halimbawa ay ang ex-bf/gf. Merong ilan satin na kayang kayang itong dalhin dahil siguro moved on na talaga or sadyang strong type talaga at meron namang mga parang sugat ng diabetic, hindi gumagaling. Parang isda na may formalin, laging sariwa ang sugat sa puso dulot ng hiwalayan. Kung magkagayon, heto ang mga suggestion kung paano makitungo sa ex:
1. Casual lang- Never show signs of bitterness. Ipakita mo na normal lang ang naging buhay mo since nawala sya at hindi ka masyadong affected. Although pwede ka nang awardan ng best actor/actress sa acting na yan, hinding hindi mo pwedeng ipakita na may impact pa rin sya sayo. Paano mo gagawing makatotohanan yan? Dapat ipraktis mo nang maging kumportable sa pagiging single at independent. Oo, mahirap lalo na kung babae ka at ikaw ang pinakapabebe sa buong mundo at masyado kang naging dependent sa ex mo na ginawa kang prinsesa nuon na sinusunod lahat ng gusto mo. Anyway, pag ganyan ang babae commonly naghahanap yan ng panakip butas o door mat at hindi ka dapat ganyan. Ipakita mo na ok ka, productive ka sa work o sa school at maganda ang itinatakbo ng buhay mo. Wag ka magpost ng magpost sa social media na ok ka na, moved on ka na. Magmumukha kang pathetic at trying hard. Normal lang, go back to your normal routine o enhance mo pa by getting hobbies or discovering new adventures in life na tatalakayin sa mga susunod pang suhestyon sa ibaba.
2. Hindi ka tangkay- Ang english ng tangkay ay stalk (kung di mo alam kung ano ang tangkay,igoogle mo na lang or itanong mo sa Filipino teacher mo nung highschool). Stalker ka ba? Ang sagot ay, oo kase typical na millennial ka. Pero mali, mali magstalk lalo na sa ex. Kaya ganyan na lang reaction mo ng magkita kayo ng ex mo unexpectedly, dahil bruha ka, updated ka pa rin sa buhay nya. Check ng page sa social media, kunwari napagdaanan lang ng usapan with common friends at kung ano pang para-paraan. Parang awa mo na, sa ginagawa mong yan, para kang ibon na talented kase ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong hawla pero tanga. Palayain mo sarili mo sa past mo. Magkaroon ka ng ibang pagkaka-abalahan. Kumanta ka sa videoke kahit parang tunog  ng unang patak ng tubig sa gripo sa aluminum na palanggana ang boses mo, magbisikleta ka kahit tanghaling tapat na parang nagbibilad na bayawak, umakyat ka ng puno ng mangga habang kumakanta ng "leron-leron sinta", gumawa ka ng kakaiba sa buhay mo kahit gaano ka-nonsense. Hindi ka nila masisisi kase nagsisimula ka pa lang ulet lagyan ng sense ang buhay mo lalo na kung  after ng napakapangit na realsyon ang pinanggalingan mo. Wag mo parusahan ang sarili mo tuwing nakikita mong ok sya or may iba na ay teary eyed ka na. May sarili na syang buhay at ganun ka rin. Bigyan mo ng pabor ang sarili mo at magfocus sa sarili o sa mga mahal sa buhay. Wala kang mapapala sa kakafollow sa kanya, nagsasayang ka lang ng oras at hindi ka ba nabobobo sa ganyan?
3. Wag kang lumandi - Or wag kang lumandi agad kung sadyang pinaglihi ka sa gabing pula. Kadalasan, after break-up, lalabas ang mga kaibigang mas bugok pa sa century egg. Tutulungan kang lumandi. Hahanapan ka ng date, ipapakilala ka sa pinsan nila, classmate nung college o sa gwapong magkekwek-kwek. Wala ka na bang ibang nakikitang alternative kundi rumebound? Yan na ba yung purpose mo sa buhay? Napakalungkot mo namang nilalang. Katulad ng mga sinabi ko sa taas, marami kang pwedeng gawin para mag-heal at lumimot. Kung lalandi ka, pumapasok ka sa larong walang mananalo, pero lahat masasaktan. Bakit? Para pag nakita ka ng ex mo na may iba na ay mafeel mo na ikaw ang nagwagi? Stupid. From a broken relationship naging paligsahan? Kung sariwa pa ang sugat, wag mo munang kamutin dahil dudugo yan. Give it time hanggang kaya mo nang ngumiti ng matamis at totoo sa ex mo dahil nakahanap ka na ulet ng totoong "other half" at hindi lang basta pang-rebound. At hinding hindi magiging kalandian kung nagkajowa ka ulet after a very long time ng break up. Stop being a bitch din. Masyado ka nang mababaw pag pinarating mo pa sa level na yan. Kase kung magrerelax ka lang at magtetake time bago kumati ulet, masasabi mo sa mata ng ex mo,"I took time to wash away all your residue in my system to be a better person and to be mentally and emotionally ready in my next relationship". Kung nauna na sya lumandi, hayaan mo lang. Business nya yun, wag mo pakelaman. Di ka naman si Kris Aquino.
4. Bihisan ang utak-
Hindi lang ang katawan o itsura.  Magpapaganda ka, magpapagupit ng buhok, magmemake up ng sobrang kapal na parang pupunta sa reunion ng mga McDonalds, seryoso? Stupid. Iligo mo lang yan araw-araw I mean be the normal you and dont do drastic change in your appearance. Be natural. Naconscious ka dahil nagkita kayo ng di sinasadya at mukha kang Badjao sa jeep? Oo, ok naman na mag ayos sa sarili to look good but not too much. And after break-up and for the sake of showing your ex na ok ka pa rin, hindi praktikal na pagbuhusan ng panahon at salapi ang looks. Bagkus, dagdagan mo ng laman ang utak mo. Magbasa ka (dahil binasa mo hanggang sa puntong ito ng blog ko, congrats, magandang simula yan.), magsaliksik, makipag-usap ng may sense sa mga kaibigan mong hindi masyadong bugok at makipagpalitan ng kaalaman sa kanila. Be sharper and smart. Sa ganitong paraan din, tinuturuan mo ang puso mo na hindi lang sya ang otoridad sa pagkatao mo at may utak ka na kelangang magtake over lalo na sa sitwasyon mo. Yung iba magje-gym pa yan, magpapabuff o magpapa-abs. Ok lang naman yan, pero sana lagi ka na lang makipag-break para in shape at fit ka di ba? So sabayan mo ng pag-aaral ng mga bagong bagay. Hindi mo naman kelangan mag-enrol sa University, digital age na. Make it a habit to watch documentary sa youtube or read  lifestyle blogs, local and international news or any article sa net na hindi gawa ni Mocha Uson. Sa kabilang banda, wag ka naman magpakalosyang o magpakapariwara. Minsan gagawin mo pang mural ang katawan mo sa dami ng tattoo o kaya naman ang mga lalaki magpapahaba ng balbas at buhok na parang sasali sa senakulo. Wag naman ganun. Kung feeling mo e para sa fashion at freedom at expression mo yun, gawin mo yun after na halos moved on ka na. Para pag nagkita kayo ng ex mo, hindi nya isipin na nagbago ka ng itsura dahil sa kanya, lalo kase syang yayabang . At kung magkaroon kayo ng chance na magkausap at medyo pa-deep at pa-brainy na ang mga statement mo, ibang level na yan. You will gain his or her respect.
Madami pang pwede gawin sa sarili na magreresulta sa sound at natural na encounter with ex. Madami pang ways para maiwasan ang awkward moments at magresulta sa pag-gain mo ng respeto at paghanga mula sa dati mong karelasyon. Good news kase ikaw din mismo makakatuklas nun kung bukas lang ang mata at isip mo sa katotohanan na wala na talaga kayo at moving on ka na. Tandaan din na ang mga nabanggit dito ay nangangailangan ng proseso. Dapat willing ka na tanggapin ang sistema na ito na may kasamang tiyaga at disiplina. Hindi ito recommended sa mga mahilig sa instant.

At paalalaa na hindi ang mga suhestiyon na ito ang dapat mong gamitin kung gusto mong magkabalikan kayo. Hindi ka naman magtatry na mag-move on kung gusto mo pa ring makipagbalikan. Either tanga ka or confuse pag ganun.

Tuesday, October 16, 2018

Pinoy Xennials


Tuwing tatanungin ka, kung ilang taon ka na.
Indenial ka at para bang nahihiya pa.
Dahil ba nagkamuwang nung dekada otsenta?
In denial ka sa katotohanang "lodi maswerte ka".

Pinanganak ka ng papatapos ang martial law.
Tanging may sense na musika ang nakamulatan mo.
Bunga ng mga makabayan at intelektwal na musikero.
Na hindi pa distracted sa makabagong mundo.

May karapatan kang tuligsain ang mga musika ngayon.
Dahil namulat ka sa originals hindi sa ikalawang version.
May karapatan kang pumalag sa mga kantang walang kwenta.
Dahil namulat ka sa mga kantang, lyrics pa lang solve ka na.

Ignoramus ka sa computer nang ito'y nauso na.
Pero tinuruan ka rin nito kung paano magpasensya.
Habang ang pamangkin mo'y puro reklamo sa speed.
Ikaw nama'y relax lang, mas worst pa yan nung 90's.

Habang naenjoy mo ang VHS at cassette tape.
Mga kabataan ngayo'y di mapakali sa mga gadget.
Wala silang happinness at kulang sa contentment.
Habang alam mong pahalagahan ang simpleng entertainment.

Tinanong ka ng bata kung bakit ka may peklat.
E kasi nung bata ka, puro laro lang sa labas.
Tumbang preso, habulan at taguan ay the best.
Hindi ka man SD card, pero mayaman ka sa memories.

Naging teenager ka sa panahong puno ng sweetness at kilig.
Sa love letter namulat ka at later na lang sa text.
Bago ka naexpose sa panahon ng social media.
Alam mo kung panu manligaw at rumespeto ng dalaga.

Ikaw ay namulat sa mabilis na pagbabago.
Minsan hirap kang, kumawala sa past mo.
Kaya hindi ka masyadong old school, di rin masyadong moderno.
Alam mo ang analog bago naging otomatiko.

Maaaring labis na advance at hi-tech na ng kasalukuyan.
at maaaring mas matalino ngayon ang mga kabataan.
Pero sasabay ka at hindi magpapa-iwan.
Advance ka sa karanasan, advance ka sa wisdom.

Saturday, October 13, 2018

Hindi Ka Naging Single...


Hindi ka naging single para mainggit.
Pinili mo yan bakit ka magsusungit?
Sabi mo, tanga lang ang kumakapit pa rin ng pilit.
Sabi mo hindi ka ganun, habang ika'y nakapikit.

Hindi ka naging single para maging bitter.
Bakit ka gumive up, bakit di mo nahandle?
Dahil taksil, walangya at hindi nagke-care?
Ay oo nga pala, hindi ka nga pala martir.

Hindi ka naging single para magmataas.
Hindi mo ikinagaling na ikaw ang kumalas.
Yung iniwan mo minahal ka ng tapat.
Sadyang gago ka lang talaga, lahat sayo ay di sapat.

Hindi ka naging single para magmalaki.
Maraming higit sayo kahit dyan sa tabi-tabi.
Sa mukha mong nahiya lang ng konti sa tutubi,
sinong maniniwalang ikaw ang nagwagi?

Hindi ka naging single para magwalwal.
10 years ba kamo, ganun na kayo katagal?
Anung nangyari, bat di nagpakasal?
Kase duwag ka at takot kang masakal!

Hindi ka naging single para mangdamay.
Huwag mong sirain ang relasyon ng mga nagta-try.
Sa tukso at kamunduhan ay wag maging tulay.
Huwag nang isali pa ang mga walang malay.

Hindi ka naging single para maging miserable.
Ang ganda ng buhay, mahalin ang sarili.
Di porke't wala na sya ay wala ka nang silbi.
Ganyan talaga sa relasyon, may malas may swerte.

Hindi ka naging single para mang-abala.
Hindi mo sila diary, kaibigan mo sila.
Kahit anong advice nila sayo, kung talagang tanga ka,
uulit ka pa rin kahit nasaktan ka na.

Hindi ka naging single para maging feeling-bobo.
Hindi sa pag-ibig nasusukat ang IQ.
Kung hindi mo alam kung bakit sya ang minahal mo,
yun ay dahil sumugal ka sa pinili ng puso mo.

Hindi ka naging single para tuluyang ma-trauma.
Huwag kang maging hater, meron pa ring naiiba.
Move on and heal the wounds ika nga nila.
Sumubok kang muli pag ikaw ay handa na.










Monday, October 8, 2018

Pinoy 2018



Lahat ng sisi nasa TRAIN law. Di naman ako expert sa economics pero saan kukuha ng government expenditure kundi sa borrowing at strategy sa fiscal policy. Tsaka yang lintik na oil price hike na yan na sinabayan pa ng mga bwisit na oligarkya sa bansa ang lalong nagpapalala ng inflation. Ganunpaman, tumaas ang employment rate sa bansa meaning may purchasing power ang majority ng masa. Yung kapitbahay ko nga bukod sa makakain, pinoproblema nya din yung pangpa rebond nya at minimum wage earner sya tulad ng madami.

The opposition in this country is using this issue for their own demagoguery. Theres nothing that will get to the sense of the masses easily but the price hike issue. Pero when was the last time na may nagtry na magpaliwanag how fiscal and monetary system work side by side to establish equilibrium in lay man's term? Wala. Kase mahirap ipaliwanag sa karaniwang taong bayan so daanin na lang sa paninisi, pagtuturo ng daliri sa kung sino ang may kasalanan kesa intindihin at makipagtulungan. Ang botanteng Pinoy parang dalagita lang yan na madaling mabola e. Parang mga fans ng Victor Magtanggol na madaling utuin.

In years na naging malaking political laboratory ang mahal nating bansa, wala pa ring major breakthrough. Coz no one dares to distort their image, everyone wants to be a mainstream populists. There was a leader who tried once, but to discipline his people is equal to punishing their feelings. Filipinos would rather smile while suffering than cooperate to the government that they see would only hurt their feelings in the process. We are so stubborn, its in our blood. 300+ years invaded by Spaniards and while the rest of their colonies speak their language, here we are speaking on our own tounge. That was a good example btw, it also portray our resistance. But the bottomline is, we are not open for change, we couldnt even be positive for changes, so we resist even the good ones.

Sa panahon ngayon, ipokrito ako pag sinabi ko na hindi ako apektado ng inflation. Pero maniwala ka at sa hindi ang pinagdadasal ko ay sana, lahat ng infrastructures na ginagawa ngayon ay matapos in a timely manner at walang red tape. Sana hindi sumablay ang hybrid PPP ng administrasyong ito na maituturing na experimental. Sana mamanage ng ok ng BSP ang policy rates. Sana mag- aral na mabuti ang mga estudyante para magkaroon ng karagdagang workforce, hindi mga rebelde. Sana magkaroon na tayo ng mga "real thinking Senators". Sana...wag tayong maging mga SANABABITS! at tulungan natin ang gobyerno natin...tulungan natin ang bansa natin. Di ba mother? Di ba father?

Wednesday, August 8, 2018

Signs na HINDI ka Bagay sa Long Distance relationship (LDR)


Maraming hopefool este hopeful pagdating sa LDR. Maraming sumusugal sa uri ng relasyon na to. But let’s be real, ano nga ba naman ang opsyon mo kundi sumugal sa LDR lalo na kung kelangan talaga kayong magkalayo? Ang hard naman kung sasabihin mo, “O break na tayo, LDR e, hindi magwowork.”. Bukod sa ang weak ng datingan, it also shows na hindi ka ganun kasincere sa partner mo. Only lame people can end relationships right away because of LDR and they are certified losers for not even trying. Pero ang tanong, handa ka ba para sa LDR? Kaya mo bang i-handle ang long distance relationship? Ano ang garantiya na hindi ka or hindi sya bibigay sa malayuang pakikipagrelasyon? Heto ang mga pahiwatig na HINDI ka bagay sa LDR:
1. Wala sa Mood- Nangyayari ito sa mga matagal nang nagsasama, sanay na sa isa’t isa pero biglang nagkalayo. Ang epekto, kawalan ng epektibong komunikasyon sa isa’t isa.

Stressful na araw dahil sa traffic, heavy workload, namatay ang kuko sa paa etc. Sa LDR na sa social media,txt o tawag lang kayo nagkocommunicate, it’s a NO, NO na sabihin mong “wala ako sa mood”. If your partner ask you, “How are you bhe?”, pwede ka magkwento, pwede mo isalaysay ang mga nangyari sa araw mo after all, your partner is willing to listen,  just don’t say na wala ka sa mood na pwede nya isipin na ayaw mo sya kausap. Kahit totoong wala ka sa mood, hindi mo yun kelangang ipamukha sa kanya dahil baka mas matindi pa yung pinagdadaanan ng partner mo pero mas inuna mo yung mood mo kesa pakinggan din sya. Do not be selfish. Kahit sanay na kayo sa isa’t isa, kahit nakakapag-adjust na kayo sa mga negativities nyo, iba pa rin yung may kakayanan na gawing positibo ang pakikipagkomunikasyon sa partner lalo na kung malayo ka. Pero syempre di mo kelangan magsinungaling just to cover up and please him/her. Let your story make your partner feel and understand (as if sya mismo nakadiskubre) na you have a bad day and maybe not in the mood and he/she will try to cheer you up. Ngayon, kung sadyang balahura ka at ugali nang  ipamukha sa partner mo na wala ka sa mood…pag-isipan mo na kung hanggang saan aabot ang LDR mo.

2. Call Center/Chat Support- Tinalo mo pa ang mga taga Globe at Smart na tawag ng tawag na offer ng offer ng kung anu-ano o yung head hunter na text ng text na akala mo ay sila mismo yung kumpanya ng BPO na nag ooffer ng trabaho. Sadyang  makulit ka, ayaw mo patahimikin ang messenger ng partner mo. Tanong ka ng tanong kung kumain na, ano ang ginagawa etc. Take note, may trabaho ka din and understood na pareho kayo busy or maaaring hindi sya busy pero still, may tamang oras para mag-usap kayo.
Hindi na mainam ang palagiang pag-check. Nakipag relasyon ka sa tao na may common sense na hindi mo kelangan usisain parati dahil alam din nila kung paano patakbuhin ang buhay nila. Cute yung notion na maalalahanin ka pero creepy na pag minu-minuto ay inaalala mo sya. Its either over-possesive ka or may ADHD o kaya naman ay sadyang mali ang interpretation mo ng constant communication. Di ba’t ang saya kung maglalaan kayo ng takdang oras para mag-usap, magkwentuhan, magbulay-bulay ng mga naging kaganapan sa araw nyo kesa magflood call or text or chat? Sistema ang tawag dun. At tsaka maaaring hindi ka mapagod sa kakacheck sa partner mo pero paano kung sya na ang mapagod? Besides, ginagawa mong cheap, sobrang pangkaraniwan ang persona mo sa partner mo na dahilan para mabawasan ang pagiging espesyal mo sa kanya in the long run. At mare/pare, hindi porke ganun na lang kabilis i-access ang communication device sa panahon ngayon ay aabusuhin mo na. Mas mahalaga yung may sustansya ang pinagsasasabi at pinagtatatanong  mo at hindi paulit-ulit. Kung lagi kang ganyan, check mo sarili mo, kaya mo ba talaga ang LDR?
3. Mabuti pa ang multo- Mabuti pa yung multo sa CR nyo, nagpaparamdam. Mabuti pa yung crew sa Jollibee, naggu-good morning. Pero ikaw, parang gusto mong  talunin yung lunar eclipse sa dalang mong magtext o mag-call sa partner mo. Ano na? Kaya pa ba?
Minsan, isa ito sa mga pahiwatig na malamlam na ang pagtingin mo sa partner mo. Pero possible din na sadyang ganun ka na talaga dati pa. Hindi naman nagbago ang pagtingin mo sa partner mo pero sadyang kinulang ka ng sense of communication. Hindi na kelangang i-elaborate pa, it is very important na you constantly let your partner know what’s happening. Kung hindi mo kayang baguhin ang attitude na yan at ang pananaw sa pakikipagkomunikasyon habang LDR…hindi para sayo ang LDR kapatid.
4. War freak- Ikaw yung taong laging may rekado sa pag-aaway. Hindi tiyak kung sadyang immature ka lang o lumaki ka sa bayolenteng kapaligiran na puro gulo ang nakamulatan. Ayaw mong tantanan ang partner mo na sa konting pagkakamali (may maling nasabi o na-misunderstood) ay binulyawan mo na, nilait at para bang di ka nagkamali sa buong buhay mo.
Bukod sa selos o tamang hinala, marami pang dahilan kung bakit ganito ang nagiging attitude ng isang tao tuwing LDR. Pero isa ang sure na karaniwang ugat nito, insecurity. Ang isang taong punum-puno ng insecurity sa pagkatao ay sadyang maraming pinaghuhugutan kahit walang kwenta. Ito ang dahilan kung bakit walang distinction ang kababawan at kalaliman ng ipinag-ngingitngit nya. Ito yung mga tao na hindi nakikita ang payapang pakikipag-usap na walang sigawan, walang pagbabanta bilang epektibong paraan para magkaintindihan. May mga couples na minsan ay sadyang hangal sa pagtanggap ng ganitong ugali ng isa’t isa o ng isa sa kanila bilang senyales ng tunay na pagmamahal. Pero sa LDR, hindi mo gustong i-challenge ang pasensya mo sa ganitong pag-uugali. Sa limitado at manipis na paraan para ang magsing-irog ay maging kunektado habang LDR, hindi advisable na puro negatibong emosyon ang pamayinihin. Ang mga taong fan ng ganitong sistema ay karaniwang sanay na sa on and off na relasyon. Pero jusko naman kapatid, on and off na LDR pa? Adik? Imagine mo yung electric fan na sobrang layo na sayo e on and off pa, masaya ba yun? Kung ganito kang tao at naglakas loob ka pang makipag-LDR? Alam mo na…
Syempre  marami pang dapat na kasali sa listahan na ito para masabing hindi ka bagay o hindi ka handa sa long distance relationship. Pero kung mag-aagree ka, ang  mga nabanggit ay ang mga karaniwang tinetake for granted lang ng mga nasa LDR at pag nagkahiwalay ay saka magtatanong kung bakit. Kung agree ka dito or disagree i-comment mo na lang maam/sir. 

Tuesday, May 15, 2018

MPBL fans pagdating sa Fil-For issue


*All Pinoy basketball league related
- umay sa PBA pero pabor sya sa fil-for or foreigners kase tanging ang home and away scheme lang ang ikinatuwa nya sa MPBL at nananalangin na maging copy cat ang MPBL sa iba pang aspeto. Nagtaka ka pa kung paano tayo naging bitch ng mga kastila, amerikano at hapon?
- umay sa PBA at ayaw na sa fil-for o foreigners at all! Karamihan sa fans na ito ay matatanda na. Sinusupply naman daw ng NBA ang highest basketball level na gusto nila so its good to have a league na mapapanuod for their pride na all locals ang naglalaro.
- fan ng Pinoy Basketball regardless kung anong liga. Mas concern sa international exposure ng Pinoy ballers so ipinaglalaban na wag limitahan ang fil-for dahil madami daw sa mga ito ang talagang makikipag pitpitan ng bayag sa mga taga ibang bansa in terms of skills.
- fan ng Pinoy Basketball regardless kung anong liga. Masyado daw madami ang Pinoy sa buong mundo para limitahan ang mga fil-for pero masyado din daw malaki ang mundo para limitahan ng mga fil-for ang choices nila sa liga na sasalihan. Talking about neutral fans.

*Pabor at hindi pabor
- pabor sa 1 fil-for per team pero di pabor sa height limit. Wala daw yun sa height pero nasa skills. Truth is, we all want to be taller. To see tall players is to feed our fantasy to be such.
- hindi pabor. More than 1 daw dapat (or even unli) and drop the height limit. Drop the tenurity din, paglaruin basta may dugong Pinoy. Wag daw maging racist sa kapwa Pinoy na fil-for. Hindi daw kasalanan ng fil-for na naging ganun sya. Millenials!
- pabor sa kumpletong panukala ni Duremdes tungkol sa Fil-for kase:
A. Revolutionary fan. Open sa pagbabago. Gawin nating laboratory ang MPBL sabi nila. Saka na lang kami aalma pag di maganda ang outcome.
B. Naturalist fan. Naniniwala sa gradual na pagtubo at pagyabong ng sangkatutak na highly talented Pinoy ballers. Fan din sila ng natural contraceptive. You know, produce more, mas marami mas masaya. (Ok, off topic. Sorry.)
C. Bano fan. They barely know the rules of the game. They love Gerald and Xian. Basta nashoot, score at may nanalo after the game, ok na. Wala sila pakiaalam kung tagasaan man ang players sa team nila or kung fil-for ba yan. They want Pacman to run for president. They love their home team, they have unconscious respect in the league in all aspects. Sila ang masa at majority sa lahat ng uri ng fans na nabanggit.

Saturday, October 14, 2017

Judiciary ng Pangulo

Relationship of Judiciary with Executive and Legislative: Is there a check and balance?
By RV

Legislative makes, alters and repeals laws; executive implements laws; judiciary applies and interprets laws. This is according to them is the ingredient to have a balance of power in the government. Apolinario Mabini said that its important to have sole authority in the land but that should be ensure a balance of government power: an intellect to direct it (legislative power); a will that is active and a resolve to make it work (executive power); and a conscience that judges and punishes what is bad (judicial power). It is clear that our forefather already figured the so called separation of powers. In fact, Montesquieu, a French political philosopher, believes that power should be a check to power. Meaning it shouldn’t dwell on one hand only unless the certain society accepts its tyrannical government, special mention to North Korea. But is this separation of powers or check and balance purely exist in the country or is it just a mere decoration to the principle of our constitution?
In a presidential type of government that we have, let’s take a look at how our judiciary works. First, lets see how it go along with legislative branch. The constitutional power of the judiciary is to determine any grave abuse of discretion aggravating to excess or lack of jurisdiction in the part of the legislative branch. Under the 1987 Philippine Constitution, the judiciary enjoys more powers that are classified into three: 1) the traditional concept of judicial power that is the power to settle actual disputes involving rights that are judicially demandable and enforceable; 2) power of judicial review or the authority of courts to declare void any action of any branch that is in conflict with the constitution and; 3) the expanded certiorari jurisdiction or the power to invalidate any act or any branch or instrumentality of the government when done in grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction. If you may notice, those mentioned can be observed on the impeachment processes that known to start from legislative. There was once a time when lower house  motion to impeach Hilario Davide was rejected when placed in the high court when high court itself issued status quo ante order halting the impeachment proceedings of the Lower House. The judiciary power to invalidate any act or any branch or instrumentality of the government can be observed in the instance when it was used to delay Corona’s impeachment by issuing TRO to stop the Senate from examining the dollar accounts of the Chief Justice. Because of that, they thought they are untouchable until senate bounced back and finally resolved the problem of penetrating the SALN’s of high judiciary officials and finally thrown out Corona. Hence, due to that resolution, they are no more safe to scrutiny when it comes to their SALN. Take for example Sereno’s proposed impeachment. However, for the benefit of studying this precious course (Polsci), we always enjoy seeing things going down to politics. Yes, as to the impeachment of the past Chief justice, it was purely politically motivated commenced by ever loyal party members of the legislative that are connected to the President. Aquino being GMA’s nemesis wants the former president’s imprisonment nice and easy. So he has to bring it first to his minions in the senate and house of representatives under his strong influence. Do you smell the same thing that is happening now in Sereno?
It all started from appointments ladies and gentlemen. The executive branch should be very careful on selecting his people to be placed in the Supreme Court. Why? Because, the courts are given the power to check the acts of the legislative and executive branches as mandated by constitution and assumed to be independent. That “independent” clause is true but nothing is impossible to politics. Does our high court able to 100% exercise its power of judicial review as a means to check accountability of the executive branch? Someone will say, yes, independent nga di ba? duh. Then why is Pres Duterte so fierce on having his legislative knights throw out the current Chief Justice whom obviously was the sprout of former Aquino? EJK’s? Napagkamalang pusher? Who’s gonna question the accountability of the president? The court ofcourse. And if this court is not the president’s court (just like GMA’s), will the president sleep tight at night thinking about the security of his seat? Yes, the judiciary will stick to the mandate of the constitution and even rule cases that are slightly off or broad to interpret (e.g. jurisprudence or landmark cases), but they are also political animals, they can be influenced. Not only protecting seat but implementing policies that might put general welfare at risk can be backed up by judiciary. The challenges on the exercise of the checking power of the Supreme Court arose most notably during President Arroyo‟s administration. Presidential Decree No. 1017 [PD 1017] (Official Gazette, 2006) and Presidential Proclamation No. 1959 [PP 1959] (Official Gazette, 2009) illustrate the risks of unchallenged emergency powers of the President. These PD’s almost put the nation into martial law again but SC can rule about its constitutionality and they said yes to it. You may say “may JBC (Judicial and Bar Council) naman ah”. But where do they submit the suggestive appointments? As stipulated in Article VIII, Sec. 8 of the Constitution, the Chief Justice as ex officio chairman, the Secretary of Justice, a representative of the Congress as ex officio member, a representative of the Integrated Bar, a professor of law, a retired Member of the Supreme Court, and a representative of the private sector compose the JBC. And so? Who are the friends of the president among those? And who are their friends? Politics!  Presidential appointments can become a source of loyalty among appointed members of the bench. These presidential appointees inevitably become the president's political die hards (if properly fed) in the vulnerable judiciary.
Now, do we see an absolute independence between these branches? Are the powers really separated? Ask your lolo and lola about it and they will never reply “papunta ka pa lang, pabalik na ako”. It’s the same thing over the course of history. Executive supremacy in legislative and judicial branches exist! The appointing power of the president to the bench undermined the checking powers of judiciary to the executive branch. It is also the executive that determines the relationship between legislative and judiciary. We call it “hyperpresidentialism”.
Constitutional reforms must be introduced since most of the loopholes in the application of the system of checks and balances are constitutionally allowed. Specifically, reforms should include the apparent limitations of the emergency powers of the president and the one-year ban rule of the impeachment proceeding. Legislators should make use of the legislative committees (e.g. Committee on Oversight, Committee on Good Government, Committee on Ethics, and the Committee on Justice) to oversee the actions of the executive as part of the promotion of the institutionalization of oversight culture by the legislative department. Membership of the Judicial and Bar Council shall be further depoliticized by adopting a non-partisan court plan to ensure real judicial independence. No elected politician shall be allowed to participate in the selection or election of the possible members.




Further studies shall be conducted particularly on voting patterns and behavior in the Commission on Appointments and the patterns of preference in the selection process of the President vis-a-vis JBC shortlist. Lastly, a more proper work ethic must be integrated in the government to promote basic moral virtues such as accountability, integrity, honesty, responsibility, efficiency and others in public service and governance especially those enshrined in the Constitution

Friday, January 20, 2017

Condomization

Ang population ng USA ay more or less 300 million samantalang ang Pilipinas ay more or less 100 million. Eto ang best part, ang land area ng USA ay 9.834 million km² samantalang ang Pilipinas ay 300,000 km² lang. Sabihin mo saken ngayon, ano pang paraan ang pinaka-efffective para masolusyonan ang problemang ito?

Maraming nagsasabi na hindi solusyon ang pamamahagi ng condom sa mga high school students dahil pinoprovoke natin sila na makipagsex. Magtapatan tayo, anung edad ka nade-virginize (lalaki ka man o babae)? May internet na ba nung panahon na yun? Malamang wala pa (or hindi pa laganap) kaya mas malala ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon in terms of temptations.

Karamihan ng mga parents ngayon na nasa edad 40 pataas ay nabuntis habang "teen" pa lang sila. Sila ang nagshare ng pinakamarami sa 100 million na population na ito. Bakit sila nakipagsex agad sa murang edad nung mga panahon na yun? Saan nanggaling ang idea nila? Ano ang nagtulak sa kanila para makipagsex sa murang edad? Ang tanong ngayon, "ano ba talaga ang nagtutulak sa tao para makipag-sex?".

Masyado bang suggestive ang pamamahagi ng condom sa mga kabataan para mag-engage sila sa PMS (pre-marital sex)? Pwes, ano ang nagsuggest sa mga magulang noon na nabuntis sa murang edad at nagpalobo ng populasyon na ito? Imoral daw ba kamo? Question, so hindi imoral magkaroon ng mga batang nagugutom, hindi nakakapag-aral at paglaki'y kriminal at pasakit sa lipunan?

Sex education daw ang dapat at hindi ang pag-suggest na makipagsex sila basta may proteksyon. Anung klaseng sex education? May mga module na ba? Anung approach? Na-train na ba ang mga teachers natin? Na-prove na ba na effective ang method na ito? Gaano katagal pa bago natin masabi na "well educated na ang mga kabataan, hindi na kelangan itong pamamahagi ng condom" Kelan? pag 200 million na tayo sa kakapirasong pulo-pulong bansa na ito?

Ang problema sa ating mga Pinoy, masyado tayong konserbatibo pero GUSTO NATING ABUSUHIN ANG MGA SENSITIBONG BAGAY NG PALIHIM lalo na ang sex. Inaabuso natin ang sex pero ayaw natin itong pag-usapan dahil ito "daw" ay pribado at sensitibong bagay. 100 million!!! 12 million ay nasa kapirasong lupa ng Metro Manila at nagpapahirap sa traffic! Yet, pinapanatili pa rin natin ang pagiging konserbatibo? Seryoso? Sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, tingin mo sapat ito para i-combat ang problema sa populasyon?

Enabling law at law enforcement ang solusyon para mapaglabanan ang problemang binabanggit ko dito. Dahil sa bansang katulad natin na ang disiplina ay hindi halos nakikita at napapag-usapan lang madalas tuwing inuman, walang solusyon kundi pangunahan ng gobyerno ang pagresolba sa mga social issues partikular na ang populasyon. Gaano man ka-extreme ang maging hakbangin ng gobyernong ito.

Tuesday, February 16, 2016

Don't fuck with smokers.


Don't fuck with smokers.
Some of our soldiers do smoke coz they might die one day from bullets, not from smoke.
Some of our heroes did smoke but they died fighting for your country, not from smoke.
Most of the call center people smoke but they might die from very high income taxes and sleeplessness, not from smoke.
Even some of your teachers smoke coz government is already killing them with a low salary, not the smoke.
Some of the firemen cant get enough of smoke from burning houses and they still smoke coz fire could kill them, not the smoke.
Some of the politicians, good or bad ones do smoke but its their deeds that could kill them, not the smoke.
Smokers do not die from smoking. Like non-smokers, it is their way of life that kills them, not the smoke.
-RXV1989-

Monday, January 4, 2016

13 Tips para Pumayat (Pagkatapos ng Matinding Paglamon este PagHAMON ng Pasko at Bagong Taon)


Sikaping gawin araw-araw hanggat maaari ang mga sumusunod:

1. Huwag mag grocery. Everytime na may kelangan sa bahay, tumakbo sa sari-sari store. Hindi lakad, takbo! Piliin ang malayong tindahan kahit pa tindahan ng tita mo yung mas malapit sa inyo.

2. Patayin ang aircon at electric fan. Namnamin ang natural na simoy ng abnormal na klima sa Pinas hanggang Pebrero. Tipid ka na sa kuryente, pinawisan ka pa.

3. Sumabit sa jeep. Piliin ang jeep na punuan at sumabit lang para mastretch ang mga brasong nagwawagayway nang kusa. Basta wag nang piliting sumabit kung may bakante namang upuan. Papagkamalan kang prankster pag ganun.

4. Manood ng horror na pelikula sa kalaliman ng gabi na nakatali o nakagapos sa pwesto. Sa ganitong paraan, siguradong magpupumiglas ka, maaaring magsisigaw pero wala kang magawa. Hindi ka rin makakuha ng popcorn o chichirya dahil nakatali ka nga. Magpapawis ka dahil sa takot at pagpupumiglas. Siguraduhin lang na hindi ka pipikit dahil wala namang nanunuod na nakapikit. Siguraduhin lang na walang sakit sa puso kung gagawin ito.

5. Paganahin ang utak pag malapit ng magutom. Makipagdebate sa kapitbahay tungkol sa kung sinong pumatay kay Ninoy o kung dapat nga ba manalo si Duterte. Maglaro ng chess, magsagot ng krosword at higit sa lahat, magbasa ng libro. Kung di ka pa masaya, sagutan ang algebra, trigo at organic chemistry problems na assignment mo o kung gradweyt ka na, halungkatin ang mga old assignments na di mo ginawa dahil bulakbol ka nung college at subukang gawin. Kapag aktibo utak mo, magbabawas ka ng calorie. At pag natiis mo ang initial na gutom, tiyak na malilipasan ka ng gutom. Gawin ito at least twice a week dahil hindi ito pwedeng gawin araw-araw lalo na kung dati nang malaki ang mata mo.

6. Makipagbreak sa jowa. O kung ayaw mo makipagbreak, udyukan ang partner na i-break ka. Ang sama ng loob na maaari mong maramdaman ay magko-cause ng kawalan ng ganang kumain at magrerelease ng maraming body fluid mula sa luha at sipon. Makipagbalikan kapag nakapagbawas ka na ng timbang.

7. Magkape nang magkape. Bukod sa caffeine na magko-cause ng puyat na nakakapayat, maaari ka ring maging acidic. Pag malala na pagiging acidic mo, papayuhan ka ng doktor na wag kumain ng maraming bagay. Kung may problema ka sa pagiging masunurin, wag ka na lang magkape.

8. Uminom ng alak na walang laman ang tiyan. Ang problema sa pag-inom ng standard na 8 glasses of water a day ay...boring. Sa alak at chaser, masusunod mo yan at malilibang ka pa. Plus, wala na ngang laman ang tiyan mo, susuka ka pa. Siguraduhin lang na hindi mo ito gagawin kung under 18 ka or walang pambili ng alak.

9. Magtanga-tangahan sa pagbili. Ito yung sequel sa #1. Kunyari di mo narinig yung utos ng nanay mo at toyo binili mo instead na patis. Takbo ka ulet pabalik sa tindahan. Tiyakin lang na hindi ito gagawin ng tatlong ulet para hindi panghinayangan ng parents mo ang pinang-tuition mo sa college.

10. Maglampaso ng sahig. Siguraduhing hindi linoleum ang sahig mo para magawa ito. Pero walang basagan ng trip di ba?

11. Bumyahe sa EDSA. Mga anim na balik mula North Edsa hanggang Mantrade na alternate MRT at bus. Subukan din ang ruta papuntang Cainta, Rizal. Sa mga taga Bulacan, i-try ang Bocaue exit. Papayat ka sa konsumisyon.

12. Maglaro ng "like push-up". Hindi pa naiimbento ang larong ito at baka kayo pa lang ang gumawa kung sakali. Makipagpaligsahan sa kapatid o bespren sa paramihan ng likes sa bagong upload na pic mo sa loob ng 6 hours. Siguraduhing halos magkasindami lang ang fb friends nyo. Ang may pinakakonting likes ay ima-minus ang total likes sa likes ng may pinakamaraming likes (putsa puro likes). Example: 20 likes minus 50 likes. Ang natalo ay magpu-push up ng 30. Sa ganitong paraan, nasunod nyo na ang pagiging GGSS nyo, naexercise pa kayo. Siguraduhin lang na hindi puro dummy accounts ang naglike.

P.S. Kung magkapatid kayo at walang naglike sa pics nyo, maaaring tanungin ang nanay kung ano ang problema.

13. Magpa-check up. Ang katakawan o kasibaan ay hindi lang kabilang sa 7 deadly sins (gluttony), ito rin ay psychological problem. Kaya't makabubuting komunsulta sa psychologist para malaman kung gaano ka na kalala.

Torture ang pagbabawas ng timbang o pagpapapayat lalo na kung baliw na baliw kang abutin yung standard figure mo na katulad kay Anne Curtis. Kesa utak mo naman ang maapektuhan sa kakapangarap na mag gym pero di ka naman naniniwala na "no pain no gain" (at taksil ka rin sa sarili mo dahil sa paulit-ulit na panloloko na hindi ka na mag-eextra rice), mabuti pang gawin na lang ang mga nabanggit sa itaas. Bukod sa hussle free at halos part ng normal na buhay mo araw-araw (kelangan mo lang i-exaggerate ng konti), maaaring makapulot ka rin ng aral sa mga ito. Aral na walang kasing dalisay at kasingpanatag sa kalooban ang MAKUNTENTO at maging CONFIDENT sa kung ano ka at kung anung meron ka.

Saturday, December 19, 2015

Classification ng mga audience ng Kontrabando ng TV5


Kelan lang ay pumutok ang isyu na gumimbal sa mga tumitingala sa Kontrabando bilang online show na walang takot insultuhin ang mga trapo at sablay na pulitiko. Pero nagbago na ngayon ang ihip ng hangin dahil sa ginawang pagsuporta ng isa sa mga hosts sa isa mga kandidatong dati'y laman ng kanilang pangungutya.

Ang kontrabando ay maihahambing sa mga late night shows na purely satirical and comedy pero dapat i-maintain ang pagiging transparent at impartial lalo na sa usaping pulitika. Pero dahil nahahati ngayon ang mga uri ng audience ng kontrabando from neutral, pro and anti, para saken, ganito ko sila ika-classify:

1. Mga tinitingnan lang ang show as comedy show at nanunuod lang para tumawa - Hindi nila tinitingnan yung value nung show as information disseminating tool (through satire) especially para sa younger audience so walang problema sa kanila kung maging instant "political ad" din ang show dahil sa isa o higit pang host na may ineendorsong kandidato. As long as matatawa sila wala silang pakelam kung ano ang impact ng mga katatawanan na yun sa larger scale.

2. Mga tumitingin sa show as info disseminating tool e.g. voters education tool- Naiintindihan nila na kahit hindi umeere ito sa TV, social media era ito na malaki ang kakayanan para mag-insert ng kaalaman o mag stimulate ng mind ng mga kung hindi man purely critical thinkers ay pati na rin ng mga selective type na netizens. Naiintindihan din nila na may freedom ang mga host sa kanilang private na buhay pero ang presensya ng personalidad na nag-iendorso ng pulitiko ay maghahatid lamang ng thought na ang show ay lumalayo na sa purpose nito at nagiging one sided.

3. Mga pessimist na audience (kung hindi nihilist at worst) - na naghahanap ng show na walang ginawa kundi manglait sa mga pulitiko at sa bulok na gobyerno. Nababawasan ang kanilang pagtangkilik pag lumambot na ang show either because hindi na masyado nambabatikos (dahil meron nang pinapanigan) o nagkaroon na ng kinatatakutan.

4. Mga fanatic na loyalista- Fan sila ng original na career ng mga host i.e. artista, model, komedyante etc. at nanunuod sila just to see their idols. Wala talaga silang pakelam kung para saan ang show at hindi matitibag ang pagiging fans nila. As long as nakikita nila ang mga idol nila, walang makakapigil sa kanila sa pagtangkilik ng show.

5. Mga naniniwalang ok lang na mag-endorso ng kandidato ang show pwera lang ang hindi nila gusto - sinuman sa mga host ang mag-endorse ng kandidato ay sure na panunuorin sa buong show para lang i-criticize.

6. Mga naghahanap ng entertainment na hindi saklaw ng MTRCB- mga pagod na sa programa sa TV na censored at may halong pulitika kaya't umaasang ang mga pagmumura o profanity sa kontrabando ay hindi nagrereflect ng kababawan ng mga pag-iisip ng mga host at ng buong production bagkus ay pagpapakita na ito ang show na tunay na magpapakita ng totoong kulay ng mga issue sa bansa sa kwela at kalog na paraan.

Monday, November 16, 2015

Iba't ibang uri ng babaeng estudyante sa loob ng klase (college).

Pretentious Lara Quigaman- Ito yung mga babaeng estudyante na GGSS na akala mo nakikinig sa prof pero hindi naman. Nakatingin sa prof pero naglalakbay ang diwa sa ibang dimensyon. Tapos pag nagtawanan ang lahat, tatawa din tapos magtatanong kung ano ang tinatawanan. Ang misyon nya ay daanin ang mga bagay bagay sa ganda kahit wala naman sya nun.

Rufa Mae Ginto- Akala mo ginto sya. Wag lang masulyapan ng kaklaseng lalake kahit di sinasadya ay nag-aamok na. So wag mo lang mahawakan to kahit sa laylayan ng palda at siguradong magwawala ito and at worst ay mananakit.

Marian Nabira- Ito yung mga estudyanteng babae na pagpasok pa lang sa classroom ay parang lobat na lobat na at gulo gulo ang buhok. Para silang binira ng sampung arabo tapos tinakbuhan. Karaniwang turn-off ang mga ganitong babae dahil hindi man lang kayang magsuklay.

Angel Lukring- Karaniwang may flight of ideas o yung hindi alam ang pinagsasasabi at kung saan saan dinadala ang usapan. Ang daldal na nga sa klase, wala pang katuturan ang sinasabi.

Angelina Goli- Karaniwang ok sya tingnan pero hindi nagsisinungaling ang amoy. Sa mga State-U na bihira ang airconditioned na classroom ay matatagpuan ang mga ganito. Makabubuting magbaon ng white flower o vicks at itapat sa ilong pag katabi mo sya para di ka mahimatay.

Lito Lapid- Bukod sa mukha syang lalaki ay lagi ring amoy Lapid's Chicharon ang hininga nya. Kahit charcoal toothbrush ay hindi makakatulong sa badbreath nya kaya makabubuting i-suggest na magmumog sya ng pinakuluang dahon ng bayabas o kaya naman ay pahintuin na sa pagkain ng chicharon.

Lisa Soberano- Maraming siyang lisa at siguradong maraming kuto. Pag pinansin mo, sasabihin na di sya hiyang sa shampoo nya.

Cherry Hills- Mahilig magsuot ng matataas na takong pero hirap maglakad. Sya ang perpektong larawan ng "tiis ganda".

Miley Virus- Wala syang pakundangan bumahing. Kahit nag-eexam at tahimik ang lahat, bigla syang babahing tapos mag-e-excuse me. Minsan pag bumahing sya, mahihiya ang Yolanda sa lakas. Lagi tuloy nyang nao-offend si Angelina Goli.

Yaya Snob- Ito yung mga reyna ng snob at walang pinapansin na kahit sino. Karaniwang matalino sa klase pero loner. Ikaw na rin ang mahihiyang kopyahan sya. Kadalasang makikita sa Mcdo na kumakain ng hot fudge na nag-iisa.

Mirriam Defender Santiago- Hayok sa COC at di maawat. Laging iniisip ang depensa ng base kahit nasa gitna ng klase at siguradong aattack kahit nagkaklase pag nakakuha ng pagkakataon.

Sponge Boob- Trying hard magpalaki ng boobs kaya pilit sinisiksikan ng sponge o foam ang bra. Akala siguro ay nasusukat ang kapasidad ng utak sa size ng boobs.

Contact Person- Adik sa contact lens. Halos araw-araw ay iba't ibang contact lens ang suot. Walang pakelam sa mata kahit peke ang sinusuot na contact lens. Akala mo ay ikinaganda nya yun ng sobra pero sa totoo lang, mukha syang pusang nag-uupdate pag hindi sya gumagalaw.

Chang Amy- Kasama ng trio tagapayo, sya ang takbuhan ng mga nanghihingi ng advice. Karaniwang sya ang nakatatanda sa klase at marami nang karanasan.

Mamon Girl- Walang dudang sya ang reyna ng pabebe at ang sarap busalan ng mamon ang bunganga tuwing nagbe-baby talk. Hindi makapagrecite nang maayos sa klase dahil sa limited na choice of words at laging namimispronounce ang mga salita.

Darna- Hindi talaga sila biologically babae pero pag may debate o group activities, nagpeprisinta sya na sumama sa grupo ng mga babae o mga babae mismo ang pumipilit sa prof na maging kagrupo sya dahil feeling nila ay sya ang magiging hero at magsasalba sa grupo. CR din ng babae ang ginagamit nya. Napaka-versatile.

Share