Naranasan mo na ba yung awkward na pakiramdam tuwing makakasalubong mo o mamimeet mo yung ex mo? Yung tipong parang nagtatime-travel ka at bigla na lang nagpa-flashback lahat sayo. Lalo na kung nagmeet kayo sa isang lugar na madalas kayo magkasama dati at bigla na lang nagtatransform yung paligid na parang pang music video na nandun kayo mismo sa eksena? Hindi masyadong healthy yan. Meron tayong isang tao na minahal natin noon, nakasama natin at talagang mahirap tuluyang burahin sa ala-ala...halimbawa ay ang ex-bf/gf. Merong ilan satin na kayang kayang itong dalhin dahil siguro moved on na talaga or sadyang strong type talaga at meron namang mga parang sugat ng diabetic, hindi gumagaling. Parang isda na may formalin, laging sariwa ang sugat sa puso dulot ng hiwalayan. Kung magkagayon, heto ang mga suggestion kung paano makitungo sa ex:
1. Casual lang- Never show signs of bitterness. Ipakita mo na normal lang ang naging buhay mo since nawala sya at hindi ka masyadong affected. Although pwede ka nang awardan ng best actor/actress sa acting na yan, hinding hindi mo pwedeng ipakita na may impact pa rin sya sayo. Paano mo gagawing makatotohanan yan? Dapat ipraktis mo nang maging kumportable sa pagiging single at independent. Oo, mahirap lalo na kung babae ka at ikaw ang pinakapabebe sa buong mundo at masyado kang naging dependent sa ex mo na ginawa kang prinsesa nuon na sinusunod lahat ng gusto mo. Anyway, pag ganyan ang babae commonly naghahanap yan ng panakip butas o door mat at hindi ka dapat ganyan. Ipakita mo na ok ka, productive ka sa work o sa school at maganda ang itinatakbo ng buhay mo. Wag ka magpost ng magpost sa social media na ok ka na, moved on ka na. Magmumukha kang pathetic at trying hard. Normal lang, go back to your normal routine o enhance mo pa by getting hobbies or discovering new adventures in life na tatalakayin sa mga susunod pang suhestyon sa ibaba.
2. Hindi ka tangkay- Ang english ng tangkay ay stalk (kung di mo alam kung ano ang tangkay,igoogle mo na lang or itanong mo sa Filipino teacher mo nung highschool). Stalker ka ba? Ang sagot ay, oo kase typical na millennial ka. Pero mali, mali magstalk lalo na sa ex. Kaya ganyan na lang reaction mo ng magkita kayo ng ex mo unexpectedly, dahil bruha ka, updated ka pa rin sa buhay nya. Check ng page sa social media, kunwari napagdaanan lang ng usapan with common friends at kung ano pang para-paraan. Parang awa mo na, sa ginagawa mong yan, para kang ibon na talented kase ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong hawla pero tanga. Palayain mo sarili mo sa past mo. Magkaroon ka ng ibang pagkaka-abalahan. Kumanta ka sa videoke kahit parang tunog ng unang patak ng tubig sa gripo sa aluminum na palanggana ang boses mo, magbisikleta ka kahit tanghaling tapat na parang nagbibilad na bayawak, umakyat ka ng puno ng mangga habang kumakanta ng "leron-leron sinta", gumawa ka ng kakaiba sa buhay mo kahit gaano ka-nonsense. Hindi ka nila masisisi kase nagsisimula ka pa lang ulet lagyan ng sense ang buhay mo lalo na kung after ng napakapangit na realsyon ang pinanggalingan mo. Wag mo parusahan ang sarili mo tuwing nakikita mong ok sya or may iba na ay teary eyed ka na. May sarili na syang buhay at ganun ka rin. Bigyan mo ng pabor ang sarili mo at magfocus sa sarili o sa mga mahal sa buhay. Wala kang mapapala sa kakafollow sa kanya, nagsasayang ka lang ng oras at hindi ka ba nabobobo sa ganyan?
3. Wag kang lumandi - Or wag kang lumandi agad kung sadyang pinaglihi ka sa gabing pula. Kadalasan, after break-up, lalabas ang mga kaibigang mas bugok pa sa century egg. Tutulungan kang lumandi. Hahanapan ka ng date, ipapakilala ka sa pinsan nila, classmate nung college o sa gwapong magkekwek-kwek. Wala ka na bang ibang nakikitang alternative kundi rumebound? Yan na ba yung purpose mo sa buhay? Napakalungkot mo namang nilalang. Katulad ng mga sinabi ko sa taas, marami kang pwedeng gawin para mag-heal at lumimot. Kung lalandi ka, pumapasok ka sa larong walang mananalo, pero lahat masasaktan. Bakit? Para pag nakita ka ng ex mo na may iba na ay mafeel mo na ikaw ang nagwagi? Stupid. From a broken relationship naging paligsahan? Kung sariwa pa ang sugat, wag mo munang kamutin dahil dudugo yan. Give it time hanggang kaya mo nang ngumiti ng matamis at totoo sa ex mo dahil nakahanap ka na ulet ng totoong "other half" at hindi lang basta pang-rebound. At hinding hindi magiging kalandian kung nagkajowa ka ulet after a very long time ng break up. Stop being a bitch din. Masyado ka nang mababaw pag pinarating mo pa sa level na yan. Kase kung magrerelax ka lang at magtetake time bago kumati ulet, masasabi mo sa mata ng ex mo,"I took time to wash away all your residue in my system to be a better person and to be mentally and emotionally ready in my next relationship". Kung nauna na sya lumandi, hayaan mo lang. Business nya yun, wag mo pakelaman. Di ka naman si Kris Aquino.
4. Bihisan ang utak-
Hindi lang ang katawan o itsura. Magpapaganda ka, magpapagupit ng buhok, magmemake up ng sobrang kapal na parang pupunta sa reunion ng mga McDonalds, seryoso? Stupid. Iligo mo lang yan araw-araw I mean be the normal you and dont do drastic change in your appearance. Be natural. Naconscious ka dahil nagkita kayo ng di sinasadya at mukha kang Badjao sa jeep? Oo, ok naman na mag ayos sa sarili to look good but not too much. And after break-up and for the sake of showing your ex na ok ka pa rin, hindi praktikal na pagbuhusan ng panahon at salapi ang looks. Bagkus, dagdagan mo ng laman ang utak mo. Magbasa ka (dahil binasa mo hanggang sa puntong ito ng blog ko, congrats, magandang simula yan.), magsaliksik, makipag-usap ng may sense sa mga kaibigan mong hindi masyadong bugok at makipagpalitan ng kaalaman sa kanila. Be sharper and smart. Sa ganitong paraan din, tinuturuan mo ang puso mo na hindi lang sya ang otoridad sa pagkatao mo at may utak ka na kelangang magtake over lalo na sa sitwasyon mo. Yung iba magje-gym pa yan, magpapabuff o magpapa-abs. Ok lang naman yan, pero sana lagi ka na lang makipag-break para in shape at fit ka di ba? So sabayan mo ng pag-aaral ng mga bagong bagay. Hindi mo naman kelangan mag-enrol sa University, digital age na. Make it a habit to watch documentary sa youtube or read lifestyle blogs, local and international news or any article sa net na hindi gawa ni Mocha Uson. Sa kabilang banda, wag ka naman magpakalosyang o magpakapariwara. Minsan gagawin mo pang mural ang katawan mo sa dami ng tattoo o kaya naman ang mga lalaki magpapahaba ng balbas at buhok na parang sasali sa senakulo. Wag naman ganun. Kung feeling mo e para sa fashion at freedom at expression mo yun, gawin mo yun after na halos moved on ka na. Para pag nagkita kayo ng ex mo, hindi nya isipin na nagbago ka ng itsura dahil sa kanya, lalo kase syang yayabang . At kung magkaroon kayo ng chance na magkausap at medyo pa-deep at pa-brainy na ang mga statement mo, ibang level na yan. You will gain his or her respect.
Madami pang pwede gawin sa sarili na magreresulta sa sound at natural na encounter with ex. Madami pang ways para maiwasan ang awkward moments at magresulta sa pag-gain mo ng respeto at paghanga mula sa dati mong karelasyon. Good news kase ikaw din mismo makakatuklas nun kung bukas lang ang mata at isip mo sa katotohanan na wala na talaga kayo at moving on ka na. Tandaan din na ang mga nabanggit dito ay nangangailangan ng proseso. Dapat willing ka na tanggapin ang sistema na ito na may kasamang tiyaga at disiplina. Hindi ito recommended sa mga mahilig sa instant.
At paalalaa na hindi ang mga suhestiyon na ito ang dapat mong gamitin kung gusto mong magkabalikan kayo. Hindi ka naman magtatry na mag-move on kung gusto mo pa ring makipagbalikan. Either tanga ka or confuse pag ganun.
Showing posts with label break up. Show all posts
Showing posts with label break up. Show all posts
Friday, October 19, 2018
Wednesday, March 27, 2013
Lessons from Hancock
I Won’t Give
Up
May mga bagay sa mundo na wari'y itinadhanang magsama pero mas ok kung magkahiwalay na lang. Mga taong wari'y para sa isa't isa pero hindi pwedeng maging sila dahil sa matinding dahilan. Yung tipong sa una pa lang ay ramdam na nila na iisa ang tinitibok ng kanilang puso pero mas ok kung panatilihin na lang nila ang distansya sa isa't isa dahil siguradong hindi yun magdudulot ng kaayusan sa kanilang buhay sa mga susunod na panahon kung lubusang magiging magkalapit sila.
Lately ko lang napanuod yung movie na Hancock ni Will Smith at Charlize Theron. Naghahanap kase ako ng balita sa TV tungkol sa giyera sa Sabah na sumira ng mga property, buhay at kabuhayan ng mga Malaysian at Pilipino na nanduon. Bigla ko napindot ang remote sa Channel 6 at nahook-up ako sa mga nagigibang building, nabibitak na mga kalsada at nagliliparang mga kotse sa movie na Hancock. Anyway, sa movie na aksidente kong napanuod, dating magkasintahan sina Mary (Charlize Theron) at John (Will Smith) pero sa matinding kadahilanan, kelangan nilang maghiwalay. Pareho silang imortal at may superpowers. Sa madaling salita, magkauri sila. Ayon kay Mary, sila ni John ang itinadhana, ang soulmates sa uri nila. Pero tuwing magkasama sila, habang tumatagal ay nagiging mortal sila o nagiging normal na tao na nasusugatan, nagkakasakit, tumatanda at namamatay. Kung titingnan, parang ok lang naman. E ano naman kung maging normal sila? Mas ok nga yun kase di na sila magiging weird. Pero tulad sa mga superhero movies, "great power, comes great responsibility". Sa kanilang dalawa, si John ang nakatakdang gampanan ang trabaho ng isang superhero. Bilang superhero, kakalabanin mo ang mga masasamang loob, isang tungkulin na napakahirap at isang napakalaking responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat. Kaaway niya ang mga masasamang loob na walang magiging hangad kundi mapaghigantihan sya. Syempre idadamay ng mga kaaway nya ang pamilya nya na dahilan para laging malagay sa alanganin ang buhay ni Mary. Dahil dumarating sa punto na nawawala ang superpowers nila pag magkasama sila, hindi sila magiging capable na iligtas ang kanilang sarili. Dahilan para laging magbuwis-buhay si John sa pagligtas kay Mary. At kung malubha ang tama ni Mary na halos ikamatay na nito, the best na dapat gawin ni John ay lumayo para bumalik ang superpowers ni Mary at magamot nito ang kanyang sarili. Sa pagkakalayo nila, kapwa babalik ang superpowers at immortality nila na dahilan para magpatuloy ang buhay nila.
Nung mga unang panahon na marami pa ang uri nila sa mundo, ok lang na parang maging cycle ang pagsasama at pagkakalayo nila. Malalagay sa alanganin ang buhay ni Mary, ililigtas ni John, lalayo si John para mabuhay si Mary at after years magtatagpo ulit sila, hihina na parang mga tao, may makakaaway si John, idadamay si Mary, mamemeligro na naman buhay ni Mary at lalayo na naman si John and so on and so forth. Pero pagkalipas ng 3,000 years dalawa na lang silang natira sa uri nila. Dahil nga sa animo'y sumpa na ibinigay sa uri nila na tuwing magkakasama sila ay nagiging mortal at namamatay, unti-unting naubos ang lahi nila hanggang sa silang dalawa na lang ang natira. Sa puntong ito, kelangan na nilang isalba ang lahi nila at mangyayari lang yun kung magkalayo sila. At para maipagpatuloy ni John ang tungkulin bilang superhero, kelangan nyang tiisin ang pagiging single at walang lovelife all the time. :(
Commercial Break:
Ishinare ko kay Richie (kapitbahay ko) ang tungkol sa weird na love story ng Hancock at tinanong nya kung anung nationality ng author ng Hancock kase may mali daw sa pagkakasulat nito. Hindi daw binigyan ng kakayahang magkaanak ang mga uri nina John at Mary samantalang kung pagpapatuloy lang ng lahi ang problema, madali lang naman gawin yun kung fully-functioned ang reproductive system ng magkasintahan. Ang sabi ko naman, hindi nagkamali ang author ng Hancock at buti na lang dahil hindi Pinoy ang nagsulat nito. Dahil kung Pinoy ang author ng Hancock, siguradong bibigyan ng ability magka-anak sina Mary at John na dahilan para magkaroon ng "squatter" ng mga may superpowers sa mundo. Hindi rin magugustuhan ni Richie kung ganun ang mangyayari lalo na kung maya't maya ay sira ang bubong ng bahay nya dahil sa mga naglalarong, makukulit na mga anak ng kapitbahay nyang mga Hancock. Higit sa lahat, hindi sya magiging masaya kung mga manginginom ang mga kapitbahay nyang Hancock at mag-aya silang makipag-inuman sa balkonahe ng bahay nya.
Hindi ko na babanggitin yung iba pang detalye ng usapan namin dahil nauwi lang sa puro kalokohan at tawanan ang naging takbo ng usapan. Hahahaha...
Continuation:
Ang istorya ng Hancock ay maihahalintulad sa tunay na buhay particularly sa mga sitwasyon sa isang relasyon. May mga pagkakataon na mapupunta tayo sa isang relasyon na bagama't masaya tayo sa ating partner, time will come na kelangan natin itong putulin. Tulad kay John Hancock na may mabigat na tungkulin na kelangan gampanan and in exchange to that ay di pwedeng maging sila ni Mary, may mga kalalakihan din sa totoong buhay na may kaparehong istorya.
Ayaw ko na sanang isali si Pope Francis dito pero kase nung kabataan nya, nainvolve din sya sa isang lovelife pero dahil may calling sya mula sa itaas, kelangan nyang i-give up ang itago na lang natin sa pangalang "Aling Girlie" (actually, di ko talaga alam ang pangalan nung girl. Itatanong ko pa lang kay Cardinal Tagle).
Hindi ko rin sana gustong idawit dito si Rustom Padilla pero kung minahal man nya o hindi si Carmina, obviously, kelangan nyang makipaghiwalay para gampanan ang natatanging tungkulin sa pagtataguyod ng...(ayoko maka-offend).
Teka nga pala, wala na ko nababalitaan kay Grace Lee at Noynoy. Ginive-up na ba ni Pnoy si Grace Lee para makafocus sya sa solusyon sa mga problema ng bansa or baka naman si Pnoy ay....(shut up. wala tayong basehan).
Ilan na kaya ang ginive-up na babae ni Manny Pangilinan para ma-establish ang negosyo nya at magkaroon ng "all boys" team sa PBA? At puzzle ngayon sa akin kung may igi-give kaya si Sen. Lacson kung mapatunayan ni Mirriam ang seryosong akusasyon nito sa kanya.
To apply the lessons of Hancock in a serious manner, lets take examples from common people. May alam akong isang relasyon na kelangan nyang i-give up ang partner nya after a while para mapanatag ang loob ng isa't isa. Ang relasyong ito ay halos kahawig ng Hancock in various ways:
1. Mas masaya at harmless kung magkalayo sila.
- Sa medyo matagal ding panahon ay naging masaya sila kahit thru FB chat lang at text ang ugnayan nila. Parang sa Hancock nung ending at tawagan na lang sa phone ang naging ugnayan nina John at Mary.
2. Masaya sa simula.
- Nung nagsstart pa lang ang relasyon nila, masaya sila. Not until maencounter nila ang problema sa pagsasama nila. Nasesettle naman nila at magsisimula silang muli pero ayun at magkakaproblema na naman. Habang tumatagal at nawawala na ang peace of mind, disturbance ang naging tema ng relasyon nila. Parang sa Hancock, sa una at buo pa ang superpowers at immortality nila, masaya pa sila. Pero pagtagal at unti-unti na lang silang humihina at nagiging isyu na ang kaligtasan, puro pag-aalala na ang namayani sa pagsasama nila.
3. Puro problema pag magkasama sila.
- Nung nagdecide silang magkasama (offline), dahil sa differences ng gusto nila sa buhay, maraming times na nagkakaproblema sila. Si lalaki ay inclined sa "social studies", si babae ay focus sa "social life". Parang sa Hancock kung saan nagustuhan na ni Mary ang normal na social life habang si John ay kelangan pa rin maging superhero at para walang problema, dun na lang dapat sila sa mga gusto nila sa buhay at hindi yun mangyayari kung magkasama sila.
4. Mahina sila pag magkasama.
- Though hindi masyadong similar sa Hancock pero ang relasyon na ine-example ko dito ay naging mahina pag magkasama sila dahil tuwing ayaw nila mag-away, sinasakyan na lang nila ang gustong mangyari ng bawat isa kahit hindi naman talaga sila kumportableng gawin yun. Ang resulta, sumasama ang loob ng isa at itatago nya na lang yun sa partner nya pero pag napuno na, biglang sasambulat na dahilan para mas lumaki ang awayan nila. Sa Hancock, literal na humihina sila pag magkasama dahil yun ang nakatadhana sa kanila.
5. Cycle ang paghihiwalay at pagbabalikan.
- Tinry nilang i-settle ang mga problema pero pag di na kaya, maghihiwalay. Then magkakabalikan muli dahil mahal nila ang isa't isa. Pero finally, for the sake of peace and order sa mga pribado nilang buhay, tuluyan na nilang ginive-up ang isa't isa. Parang sa Hancock na dahil sa kumplikasyon ng pagiging superhero ni John sa buhay nila ni Mary, kelangan niyang lumayo. Pero dahil sa mahal na mahal nya si Mary, hinahanap nya pa rin ito after a while para makasama muli. Pero nung bandang huli, kelangan na nilang tuluyang maghiwalay para hindi sila tuluyang mag-extinct.
6. Ang replacement.
- Sa paghahanap ng kasiyahan at pag-asang lumigaya sa love, isa sa kanila ay masigasig na naghahanap o nakahanap na ng kapalit samantalang ang isa ay piniling manatiling single at iprioritize muna ang napili nyang misyon sa personal na buhay. Isa pa'y bakit sya maghahanap ng iba kung ang babaeng hindi na nya pwedeng makasama ang sya lang at ang natatanging gusto at minamahal nya. Parang sa Hancock kung saan after nilang maghiwalay, nagsettle down na si Mary kasama ng isang guy habang naiwang single si John na wala namang ibang mahal kundi si Mary lang at dahil hindi pwedeng maging sila habang ginagampanan nya ang tungkulin sa bayan, better be single than be worthless.
Meron lang akong tatlong komento tungkol sa pagkakaiba ng inihalimbawa kong relasyon dito at ng Hancock:
1. Nagka-amnesia si John for 80 years na dahilan para malimutan nya ng literal si Mary samantalang si lalaki sa kwentong inihahalimbawa ko, gustuhin man mang makalimot ay walang mahanap na epektibong paraan. Kaya naman kung magkakaamnesia sya, siguradong ipagpapasalamat nya yun.
2. Almost 80 years bago nagdecide si Mary na i-consider ang paghahanap ng kapalit ni John pero ang babae sa kwentong inihahambing ko ay wala pang 24 hours nang i-consider ang paghahanap ng kapalit ni lalaki.
3. Ayaw ni John ang amnesia na nangyari sa kanya kaya't pinilit nyang paaminin si Mary sa katotohanan ng kanilang nakaraan. Pero kung si lalaki sa kwentong inihahalintulad ko ang tatanungin, gusto nyang magka-amnesia forever at kung hindi forever at manumbalik man ang ala-ala nya, hindi na nya gugustuhing balikan pa ang nakaraan.
Labels:
break up
Subscribe to:
Posts (Atom)