Showing posts with label haliparot. Show all posts
Showing posts with label haliparot. Show all posts

Friday, October 19, 2018

Paano Makitungo sa Ex?

Naranasan mo na ba yung awkward na pakiramdam tuwing makakasalubong mo o mamimeet mo yung ex mo? Yung tipong parang nagtatime-travel ka at bigla na lang nagpa-flashback lahat sayo. Lalo na kung nagmeet kayo sa isang lugar na madalas kayo magkasama dati at bigla na lang nagtatransform yung paligid na parang pang music video na nandun kayo mismo sa eksena? Hindi masyadong healthy yan. Meron tayong isang tao na minahal natin noon, nakasama natin at talagang mahirap tuluyang burahin sa ala-ala...halimbawa ay ang ex-bf/gf. Merong ilan satin na kayang kayang itong dalhin dahil siguro moved on na talaga or sadyang strong type talaga at meron namang mga parang sugat ng diabetic, hindi gumagaling. Parang isda na may formalin, laging sariwa ang sugat sa puso dulot ng hiwalayan. Kung magkagayon, heto ang mga suggestion kung paano makitungo sa ex:
1. Casual lang- Never show signs of bitterness. Ipakita mo na normal lang ang naging buhay mo since nawala sya at hindi ka masyadong affected. Although pwede ka nang awardan ng best actor/actress sa acting na yan, hinding hindi mo pwedeng ipakita na may impact pa rin sya sayo. Paano mo gagawing makatotohanan yan? Dapat ipraktis mo nang maging kumportable sa pagiging single at independent. Oo, mahirap lalo na kung babae ka at ikaw ang pinakapabebe sa buong mundo at masyado kang naging dependent sa ex mo na ginawa kang prinsesa nuon na sinusunod lahat ng gusto mo. Anyway, pag ganyan ang babae commonly naghahanap yan ng panakip butas o door mat at hindi ka dapat ganyan. Ipakita mo na ok ka, productive ka sa work o sa school at maganda ang itinatakbo ng buhay mo. Wag ka magpost ng magpost sa social media na ok ka na, moved on ka na. Magmumukha kang pathetic at trying hard. Normal lang, go back to your normal routine o enhance mo pa by getting hobbies or discovering new adventures in life na tatalakayin sa mga susunod pang suhestyon sa ibaba.
2. Hindi ka tangkay- Ang english ng tangkay ay stalk (kung di mo alam kung ano ang tangkay,igoogle mo na lang or itanong mo sa Filipino teacher mo nung highschool). Stalker ka ba? Ang sagot ay, oo kase typical na millennial ka. Pero mali, mali magstalk lalo na sa ex. Kaya ganyan na lang reaction mo ng magkita kayo ng ex mo unexpectedly, dahil bruha ka, updated ka pa rin sa buhay nya. Check ng page sa social media, kunwari napagdaanan lang ng usapan with common friends at kung ano pang para-paraan. Parang awa mo na, sa ginagawa mong yan, para kang ibon na talented kase ikaw mismo ang gumawa ng sarili mong hawla pero tanga. Palayain mo sarili mo sa past mo. Magkaroon ka ng ibang pagkaka-abalahan. Kumanta ka sa videoke kahit parang tunog  ng unang patak ng tubig sa gripo sa aluminum na palanggana ang boses mo, magbisikleta ka kahit tanghaling tapat na parang nagbibilad na bayawak, umakyat ka ng puno ng mangga habang kumakanta ng "leron-leron sinta", gumawa ka ng kakaiba sa buhay mo kahit gaano ka-nonsense. Hindi ka nila masisisi kase nagsisimula ka pa lang ulet lagyan ng sense ang buhay mo lalo na kung  after ng napakapangit na realsyon ang pinanggalingan mo. Wag mo parusahan ang sarili mo tuwing nakikita mong ok sya or may iba na ay teary eyed ka na. May sarili na syang buhay at ganun ka rin. Bigyan mo ng pabor ang sarili mo at magfocus sa sarili o sa mga mahal sa buhay. Wala kang mapapala sa kakafollow sa kanya, nagsasayang ka lang ng oras at hindi ka ba nabobobo sa ganyan?
3. Wag kang lumandi - Or wag kang lumandi agad kung sadyang pinaglihi ka sa gabing pula. Kadalasan, after break-up, lalabas ang mga kaibigang mas bugok pa sa century egg. Tutulungan kang lumandi. Hahanapan ka ng date, ipapakilala ka sa pinsan nila, classmate nung college o sa gwapong magkekwek-kwek. Wala ka na bang ibang nakikitang alternative kundi rumebound? Yan na ba yung purpose mo sa buhay? Napakalungkot mo namang nilalang. Katulad ng mga sinabi ko sa taas, marami kang pwedeng gawin para mag-heal at lumimot. Kung lalandi ka, pumapasok ka sa larong walang mananalo, pero lahat masasaktan. Bakit? Para pag nakita ka ng ex mo na may iba na ay mafeel mo na ikaw ang nagwagi? Stupid. From a broken relationship naging paligsahan? Kung sariwa pa ang sugat, wag mo munang kamutin dahil dudugo yan. Give it time hanggang kaya mo nang ngumiti ng matamis at totoo sa ex mo dahil nakahanap ka na ulet ng totoong "other half" at hindi lang basta pang-rebound. At hinding hindi magiging kalandian kung nagkajowa ka ulet after a very long time ng break up. Stop being a bitch din. Masyado ka nang mababaw pag pinarating mo pa sa level na yan. Kase kung magrerelax ka lang at magtetake time bago kumati ulet, masasabi mo sa mata ng ex mo,"I took time to wash away all your residue in my system to be a better person and to be mentally and emotionally ready in my next relationship". Kung nauna na sya lumandi, hayaan mo lang. Business nya yun, wag mo pakelaman. Di ka naman si Kris Aquino.
4. Bihisan ang utak-
Hindi lang ang katawan o itsura.  Magpapaganda ka, magpapagupit ng buhok, magmemake up ng sobrang kapal na parang pupunta sa reunion ng mga McDonalds, seryoso? Stupid. Iligo mo lang yan araw-araw I mean be the normal you and dont do drastic change in your appearance. Be natural. Naconscious ka dahil nagkita kayo ng di sinasadya at mukha kang Badjao sa jeep? Oo, ok naman na mag ayos sa sarili to look good but not too much. And after break-up and for the sake of showing your ex na ok ka pa rin, hindi praktikal na pagbuhusan ng panahon at salapi ang looks. Bagkus, dagdagan mo ng laman ang utak mo. Magbasa ka (dahil binasa mo hanggang sa puntong ito ng blog ko, congrats, magandang simula yan.), magsaliksik, makipag-usap ng may sense sa mga kaibigan mong hindi masyadong bugok at makipagpalitan ng kaalaman sa kanila. Be sharper and smart. Sa ganitong paraan din, tinuturuan mo ang puso mo na hindi lang sya ang otoridad sa pagkatao mo at may utak ka na kelangang magtake over lalo na sa sitwasyon mo. Yung iba magje-gym pa yan, magpapabuff o magpapa-abs. Ok lang naman yan, pero sana lagi ka na lang makipag-break para in shape at fit ka di ba? So sabayan mo ng pag-aaral ng mga bagong bagay. Hindi mo naman kelangan mag-enrol sa University, digital age na. Make it a habit to watch documentary sa youtube or read  lifestyle blogs, local and international news or any article sa net na hindi gawa ni Mocha Uson. Sa kabilang banda, wag ka naman magpakalosyang o magpakapariwara. Minsan gagawin mo pang mural ang katawan mo sa dami ng tattoo o kaya naman ang mga lalaki magpapahaba ng balbas at buhok na parang sasali sa senakulo. Wag naman ganun. Kung feeling mo e para sa fashion at freedom at expression mo yun, gawin mo yun after na halos moved on ka na. Para pag nagkita kayo ng ex mo, hindi nya isipin na nagbago ka ng itsura dahil sa kanya, lalo kase syang yayabang . At kung magkaroon kayo ng chance na magkausap at medyo pa-deep at pa-brainy na ang mga statement mo, ibang level na yan. You will gain his or her respect.
Madami pang pwede gawin sa sarili na magreresulta sa sound at natural na encounter with ex. Madami pang ways para maiwasan ang awkward moments at magresulta sa pag-gain mo ng respeto at paghanga mula sa dati mong karelasyon. Good news kase ikaw din mismo makakatuklas nun kung bukas lang ang mata at isip mo sa katotohanan na wala na talaga kayo at moving on ka na. Tandaan din na ang mga nabanggit dito ay nangangailangan ng proseso. Dapat willing ka na tanggapin ang sistema na ito na may kasamang tiyaga at disiplina. Hindi ito recommended sa mga mahilig sa instant.

At paalalaa na hindi ang mga suhestiyon na ito ang dapat mong gamitin kung gusto mong magkabalikan kayo. Hindi ka naman magtatry na mag-move on kung gusto mo pa ring makipagbalikan. Either tanga ka or confuse pag ganun.

Share