Tuesday, October 16, 2018

Pinoy Xennials


Tuwing tatanungin ka, kung ilang taon ka na.
Indenial ka at para bang nahihiya pa.
Dahil ba nagkamuwang nung dekada otsenta?
In denial ka sa katotohanang "lodi maswerte ka".

Pinanganak ka ng papatapos ang martial law.
Tanging may sense na musika ang nakamulatan mo.
Bunga ng mga makabayan at intelektwal na musikero.
Na hindi pa distracted sa makabagong mundo.

May karapatan kang tuligsain ang mga musika ngayon.
Dahil namulat ka sa originals hindi sa ikalawang version.
May karapatan kang pumalag sa mga kantang walang kwenta.
Dahil namulat ka sa mga kantang, lyrics pa lang solve ka na.

Ignoramus ka sa computer nang ito'y nauso na.
Pero tinuruan ka rin nito kung paano magpasensya.
Habang ang pamangkin mo'y puro reklamo sa speed.
Ikaw nama'y relax lang, mas worst pa yan nung 90's.

Habang naenjoy mo ang VHS at cassette tape.
Mga kabataan ngayo'y di mapakali sa mga gadget.
Wala silang happinness at kulang sa contentment.
Habang alam mong pahalagahan ang simpleng entertainment.

Tinanong ka ng bata kung bakit ka may peklat.
E kasi nung bata ka, puro laro lang sa labas.
Tumbang preso, habulan at taguan ay the best.
Hindi ka man SD card, pero mayaman ka sa memories.

Naging teenager ka sa panahong puno ng sweetness at kilig.
Sa love letter namulat ka at later na lang sa text.
Bago ka naexpose sa panahon ng social media.
Alam mo kung panu manligaw at rumespeto ng dalaga.

Ikaw ay namulat sa mabilis na pagbabago.
Minsan hirap kang, kumawala sa past mo.
Kaya hindi ka masyadong old school, di rin masyadong moderno.
Alam mo ang analog bago naging otomatiko.

Maaaring labis na advance at hi-tech na ng kasalukuyan.
at maaaring mas matalino ngayon ang mga kabataan.
Pero sasabay ka at hindi magpapa-iwan.
Advance ka sa karanasan, advance ka sa wisdom.

Share