Ang population ng USA ay more or less 300 million samantalang ang Pilipinas ay more or less 100 million. Eto ang best part, ang land area ng USA ay 9.834 million km² samantalang ang Pilipinas ay 300,000 km² lang. Sabihin mo saken ngayon, ano pang paraan ang pinaka-efffective para masolusyonan ang problemang ito?
Maraming nagsasabi na hindi solusyon ang pamamahagi ng condom sa mga high school students dahil pinoprovoke natin sila na makipagsex. Magtapatan tayo, anung edad ka nade-virginize (lalaki ka man o babae)? May internet na ba nung panahon na yun? Malamang wala pa (or hindi pa laganap) kaya mas malala ang kinakaharap ng mga kabataan ngayon in terms of temptations.
Karamihan ng mga parents ngayon na nasa edad 40 pataas ay nabuntis habang "teen" pa lang sila. Sila ang nagshare ng pinakamarami sa 100 million na population na ito. Bakit sila nakipagsex agad sa murang edad nung mga panahon na yun? Saan nanggaling ang idea nila? Ano ang nagtulak sa kanila para makipagsex sa murang edad? Ang tanong ngayon, "ano ba talaga ang nagtutulak sa tao para makipag-sex?".
Masyado bang suggestive ang pamamahagi ng condom sa mga kabataan para mag-engage sila sa PMS (pre-marital sex)? Pwes, ano ang nagsuggest sa mga magulang noon na nabuntis sa murang edad at nagpalobo ng populasyon na ito? Imoral daw ba kamo? Question, so hindi imoral magkaroon ng mga batang nagugutom, hindi nakakapag-aral at paglaki'y kriminal at pasakit sa lipunan?
Sex education daw ang dapat at hindi ang pag-suggest na makipagsex sila basta may proteksyon. Anung klaseng sex education? May mga module na ba? Anung approach? Na-train na ba ang mga teachers natin? Na-prove na ba na effective ang method na ito? Gaano katagal pa bago natin masabi na "well educated na ang mga kabataan, hindi na kelangan itong pamamahagi ng condom" Kelan? pag 200 million na tayo sa kakapirasong pulo-pulong bansa na ito?
Ang problema sa ating mga Pinoy, masyado tayong konserbatibo pero GUSTO NATING ABUSUHIN ANG MGA SENSITIBONG BAGAY NG PALIHIM lalo na ang sex. Inaabuso natin ang sex pero ayaw natin itong pag-usapan dahil ito "daw" ay pribado at sensitibong bagay. 100 million!!! 12 million ay nasa kapirasong lupa ng Metro Manila at nagpapahirap sa traffic! Yet, pinapanatili pa rin natin ang pagiging konserbatibo? Seryoso? Sa kalidad ng edukasyon sa Pilipinas, tingin mo sapat ito para i-combat ang problema sa populasyon?
Enabling law at law enforcement ang solusyon para mapaglabanan ang problemang binabanggit ko dito. Dahil sa bansang katulad natin na ang disiplina ay hindi halos nakikita at napapag-usapan lang madalas tuwing inuman, walang solusyon kundi pangunahan ng gobyerno ang pagresolba sa mga social issues partikular na ang populasyon. Gaano man ka-extreme ang maging hakbangin ng gobyernong ito.