Wednesday, August 8, 2018

Signs na HINDI ka Bagay sa Long Distance relationship (LDR)


Maraming hopefool este hopeful pagdating sa LDR. Maraming sumusugal sa uri ng relasyon na to. But let’s be real, ano nga ba naman ang opsyon mo kundi sumugal sa LDR lalo na kung kelangan talaga kayong magkalayo? Ang hard naman kung sasabihin mo, “O break na tayo, LDR e, hindi magwowork.”. Bukod sa ang weak ng datingan, it also shows na hindi ka ganun kasincere sa partner mo. Only lame people can end relationships right away because of LDR and they are certified losers for not even trying. Pero ang tanong, handa ka ba para sa LDR? Kaya mo bang i-handle ang long distance relationship? Ano ang garantiya na hindi ka or hindi sya bibigay sa malayuang pakikipagrelasyon? Heto ang mga pahiwatig na HINDI ka bagay sa LDR:
1. Wala sa Mood- Nangyayari ito sa mga matagal nang nagsasama, sanay na sa isa’t isa pero biglang nagkalayo. Ang epekto, kawalan ng epektibong komunikasyon sa isa’t isa.

Stressful na araw dahil sa traffic, heavy workload, namatay ang kuko sa paa etc. Sa LDR na sa social media,txt o tawag lang kayo nagkocommunicate, it’s a NO, NO na sabihin mong “wala ako sa mood”. If your partner ask you, “How are you bhe?”, pwede ka magkwento, pwede mo isalaysay ang mga nangyari sa araw mo after all, your partner is willing to listen,  just don’t say na wala ka sa mood na pwede nya isipin na ayaw mo sya kausap. Kahit totoong wala ka sa mood, hindi mo yun kelangang ipamukha sa kanya dahil baka mas matindi pa yung pinagdadaanan ng partner mo pero mas inuna mo yung mood mo kesa pakinggan din sya. Do not be selfish. Kahit sanay na kayo sa isa’t isa, kahit nakakapag-adjust na kayo sa mga negativities nyo, iba pa rin yung may kakayanan na gawing positibo ang pakikipagkomunikasyon sa partner lalo na kung malayo ka. Pero syempre di mo kelangan magsinungaling just to cover up and please him/her. Let your story make your partner feel and understand (as if sya mismo nakadiskubre) na you have a bad day and maybe not in the mood and he/she will try to cheer you up. Ngayon, kung sadyang balahura ka at ugali nang  ipamukha sa partner mo na wala ka sa mood…pag-isipan mo na kung hanggang saan aabot ang LDR mo.

2. Call Center/Chat Support- Tinalo mo pa ang mga taga Globe at Smart na tawag ng tawag na offer ng offer ng kung anu-ano o yung head hunter na text ng text na akala mo ay sila mismo yung kumpanya ng BPO na nag ooffer ng trabaho. Sadyang  makulit ka, ayaw mo patahimikin ang messenger ng partner mo. Tanong ka ng tanong kung kumain na, ano ang ginagawa etc. Take note, may trabaho ka din and understood na pareho kayo busy or maaaring hindi sya busy pero still, may tamang oras para mag-usap kayo.
Hindi na mainam ang palagiang pag-check. Nakipag relasyon ka sa tao na may common sense na hindi mo kelangan usisain parati dahil alam din nila kung paano patakbuhin ang buhay nila. Cute yung notion na maalalahanin ka pero creepy na pag minu-minuto ay inaalala mo sya. Its either over-possesive ka or may ADHD o kaya naman ay sadyang mali ang interpretation mo ng constant communication. Di ba’t ang saya kung maglalaan kayo ng takdang oras para mag-usap, magkwentuhan, magbulay-bulay ng mga naging kaganapan sa araw nyo kesa magflood call or text or chat? Sistema ang tawag dun. At tsaka maaaring hindi ka mapagod sa kakacheck sa partner mo pero paano kung sya na ang mapagod? Besides, ginagawa mong cheap, sobrang pangkaraniwan ang persona mo sa partner mo na dahilan para mabawasan ang pagiging espesyal mo sa kanya in the long run. At mare/pare, hindi porke ganun na lang kabilis i-access ang communication device sa panahon ngayon ay aabusuhin mo na. Mas mahalaga yung may sustansya ang pinagsasasabi at pinagtatatanong  mo at hindi paulit-ulit. Kung lagi kang ganyan, check mo sarili mo, kaya mo ba talaga ang LDR?
3. Mabuti pa ang multo- Mabuti pa yung multo sa CR nyo, nagpaparamdam. Mabuti pa yung crew sa Jollibee, naggu-good morning. Pero ikaw, parang gusto mong  talunin yung lunar eclipse sa dalang mong magtext o mag-call sa partner mo. Ano na? Kaya pa ba?
Minsan, isa ito sa mga pahiwatig na malamlam na ang pagtingin mo sa partner mo. Pero possible din na sadyang ganun ka na talaga dati pa. Hindi naman nagbago ang pagtingin mo sa partner mo pero sadyang kinulang ka ng sense of communication. Hindi na kelangang i-elaborate pa, it is very important na you constantly let your partner know what’s happening. Kung hindi mo kayang baguhin ang attitude na yan at ang pananaw sa pakikipagkomunikasyon habang LDR…hindi para sayo ang LDR kapatid.
4. War freak- Ikaw yung taong laging may rekado sa pag-aaway. Hindi tiyak kung sadyang immature ka lang o lumaki ka sa bayolenteng kapaligiran na puro gulo ang nakamulatan. Ayaw mong tantanan ang partner mo na sa konting pagkakamali (may maling nasabi o na-misunderstood) ay binulyawan mo na, nilait at para bang di ka nagkamali sa buong buhay mo.
Bukod sa selos o tamang hinala, marami pang dahilan kung bakit ganito ang nagiging attitude ng isang tao tuwing LDR. Pero isa ang sure na karaniwang ugat nito, insecurity. Ang isang taong punum-puno ng insecurity sa pagkatao ay sadyang maraming pinaghuhugutan kahit walang kwenta. Ito ang dahilan kung bakit walang distinction ang kababawan at kalaliman ng ipinag-ngingitngit nya. Ito yung mga tao na hindi nakikita ang payapang pakikipag-usap na walang sigawan, walang pagbabanta bilang epektibong paraan para magkaintindihan. May mga couples na minsan ay sadyang hangal sa pagtanggap ng ganitong ugali ng isa’t isa o ng isa sa kanila bilang senyales ng tunay na pagmamahal. Pero sa LDR, hindi mo gustong i-challenge ang pasensya mo sa ganitong pag-uugali. Sa limitado at manipis na paraan para ang magsing-irog ay maging kunektado habang LDR, hindi advisable na puro negatibong emosyon ang pamayinihin. Ang mga taong fan ng ganitong sistema ay karaniwang sanay na sa on and off na relasyon. Pero jusko naman kapatid, on and off na LDR pa? Adik? Imagine mo yung electric fan na sobrang layo na sayo e on and off pa, masaya ba yun? Kung ganito kang tao at naglakas loob ka pang makipag-LDR? Alam mo na…
Syempre  marami pang dapat na kasali sa listahan na ito para masabing hindi ka bagay o hindi ka handa sa long distance relationship. Pero kung mag-aagree ka, ang  mga nabanggit ay ang mga karaniwang tinetake for granted lang ng mga nasa LDR at pag nagkahiwalay ay saka magtatanong kung bakit. Kung agree ka dito or disagree i-comment mo na lang maam/sir. 

Share