Saturday, December 19, 2015

Classification ng mga audience ng Kontrabando ng TV5


Kelan lang ay pumutok ang isyu na gumimbal sa mga tumitingala sa Kontrabando bilang online show na walang takot insultuhin ang mga trapo at sablay na pulitiko. Pero nagbago na ngayon ang ihip ng hangin dahil sa ginawang pagsuporta ng isa sa mga hosts sa isa mga kandidatong dati'y laman ng kanilang pangungutya.

Ang kontrabando ay maihahambing sa mga late night shows na purely satirical and comedy pero dapat i-maintain ang pagiging transparent at impartial lalo na sa usaping pulitika. Pero dahil nahahati ngayon ang mga uri ng audience ng kontrabando from neutral, pro and anti, para saken, ganito ko sila ika-classify:

1. Mga tinitingnan lang ang show as comedy show at nanunuod lang para tumawa - Hindi nila tinitingnan yung value nung show as information disseminating tool (through satire) especially para sa younger audience so walang problema sa kanila kung maging instant "political ad" din ang show dahil sa isa o higit pang host na may ineendorsong kandidato. As long as matatawa sila wala silang pakelam kung ano ang impact ng mga katatawanan na yun sa larger scale.

2. Mga tumitingin sa show as info disseminating tool e.g. voters education tool- Naiintindihan nila na kahit hindi umeere ito sa TV, social media era ito na malaki ang kakayanan para mag-insert ng kaalaman o mag stimulate ng mind ng mga kung hindi man purely critical thinkers ay pati na rin ng mga selective type na netizens. Naiintindihan din nila na may freedom ang mga host sa kanilang private na buhay pero ang presensya ng personalidad na nag-iendorso ng pulitiko ay maghahatid lamang ng thought na ang show ay lumalayo na sa purpose nito at nagiging one sided.

3. Mga pessimist na audience (kung hindi nihilist at worst) - na naghahanap ng show na walang ginawa kundi manglait sa mga pulitiko at sa bulok na gobyerno. Nababawasan ang kanilang pagtangkilik pag lumambot na ang show either because hindi na masyado nambabatikos (dahil meron nang pinapanigan) o nagkaroon na ng kinatatakutan.

4. Mga fanatic na loyalista- Fan sila ng original na career ng mga host i.e. artista, model, komedyante etc. at nanunuod sila just to see their idols. Wala talaga silang pakelam kung para saan ang show at hindi matitibag ang pagiging fans nila. As long as nakikita nila ang mga idol nila, walang makakapigil sa kanila sa pagtangkilik ng show.

5. Mga naniniwalang ok lang na mag-endorso ng kandidato ang show pwera lang ang hindi nila gusto - sinuman sa mga host ang mag-endorse ng kandidato ay sure na panunuorin sa buong show para lang i-criticize.

6. Mga naghahanap ng entertainment na hindi saklaw ng MTRCB- mga pagod na sa programa sa TV na censored at may halong pulitika kaya't umaasang ang mga pagmumura o profanity sa kontrabando ay hindi nagrereflect ng kababawan ng mga pag-iisip ng mga host at ng buong production bagkus ay pagpapakita na ito ang show na tunay na magpapakita ng totoong kulay ng mga issue sa bansa sa kwela at kalog na paraan.

Share