Friday, October 3, 2014
Bakit ka Magugustuhan ng Isang Babae?
Wednesday, October 1, 2014
Friend Zone
Sunday, September 21, 2014
Happy and Religious Pinoy (But why still poor?)
Filipinos are undoubtedly happy and religious. The two attributes mentioned can make a country wealthy or rich only if:
On being happy:
1. You're happy not because you know how to when you're forgetting your problems but because you know how to when you're solving you're problems.
2. You're happy not just because something good happened to your life but because you can share it with others.
3. You're happy not because you have enough financial means to have a life but because you have enough financial means along with a hope to have a quality life in this country.
On being religious:
1. You are religious not because you wanna be saved from hell when you die but because you want to help saving the community from becoming a hell while you are still alive.
2. You are religious not because prayers make you feel good even though you're not working for anything to happen. You are religious because prayers make you feel reinforced and motivated in reaching your goals and making change.
3. You are religious not just because you love god but also because you love your country Philippines.
Saturday, August 30, 2014
A Test of Humility
JosemarÃa Escrivá’s 17 Signs of a lack of humility:
- Thinking that what you do or say is better than what others do or say
- Always wanting to get your own way
- Arguing when you are not right or – when you are – insisting stubbornly or with bad manners
- Giving your opinion without being asked for it, when charity does not demand you to do so
- Despising the point of view of others
- Not being aware that all the gifts and qualities you have are on loan
- Not acknowledging that you are unworthy of all honor or esteem, even the ground you are treading on or the things you own
- Mentioning yourself as an example in conversation
- Speaking badly about yourself, so that they may form a good opinion of you, or contradict you
- Making excuses when rebuked
- Hiding some humiliating faults from your director, so that he may not lose the good opinion he has of you
- Hearing praise with satisfaction, or being glad that others have spoken well of you
- Being hurt that others are held in greater esteem than you
- Refusing to carry out menial tasks
- Seeking or wanting to be singled out
- Letting drop words of self-praise in conversation, or words that might show your honesty, your wit or skill, your professional prestige…
- Being ashamed of not having certain possessions…
Saturday, August 2, 2014
Kababalaghan sa Opisina Part 2 (My Own Experience)
Nakaidlip ako sa ganung posisyon at dun na ako nanaginip. Nakita ko ang sarili ko sa panaginip na nakabaluktot at nakapulang hoody (suot ko sa mga oras na yun). Unti-unting umikot ang lazy boy ko, mabagal, pabilis nang pabilis hanggang maging sobrang bilis na parang ikot ng elesi ng electric fan. Hindi ito ang gusto kong panaginip at feeling ko binabangungot na naman ako. Iginalaw ko ang pinky ko kasunod ang paa. Nagmadali ako sa pagmulat ng mata at HOLY S**T! Isang klarong imahe ng braso ang tumambad saken. Alam kong hindi ko yun braso dahil nakalong sleeves ako. Mga ilang segundo kong tinitigan ang brasong iyon na parang nakakapit sa ulunan ng lazy boy na hinihigaan ko. Maputi at mabalahibo ang braso at halos dumikit na sa mukha ko sa sobrang lapit. Dahil nakabalukot ako nun, malapit sa mukha ko ang tuhod at nakita ko ang kupas na maong ko, walang anino ng kung sino man knowing na dapat ay nahaharangan nya (kung tao man yun na nakatayo sa tapat ko) ang konting liwanag na tumatagos sa zen room. Kumisap ang mata ko at sunod na nakita ko ay tuhod ko na lang, wala na ang kamay na kanina’y nakaharang. Ano pa ba ang ibig sabihin nito? Hindi ako nabigo at isang “friend” na naman ang naencounter ko this time.
Gusto ko nang lumabas ng zen room, nagsimula na kong kilabutan. Sapat na siguro yun ngayong gabi at sa ibang gabi naman yung iba. Mga ilang minuto akong natulala, sobrang tahimik sa loob ng zen room. Ang nakakabinging katahimikan ang nagdala sakin sa tatawagin kong “closing remark” ng bawat experience ko sa lugar na ito, ang “mala-insidous” na panaginip. Bumangon na ulet ako sa higaan pero alam kong tulog pa rin ako nun. Pagbukas ko ng pinto palabas ay bumulaga agad sakin ang isang bata na hindi ko masyadong madescribe kung babae o lalaki pero medyo mahaba ang buhok nito, nakahandusay sya sa sahig katabi ng trash can na aluminum (weird lang kase wala namang trash can na ganun sa building namin) at di sya gumagalaw. Nasa bandang kaliwa ko ang batang ito na siguro ay nasa edad 5 or 6 at pagtingin ko sa kanan ay isa namang babaeng may headband na nakapormang parang pang 90's at tandang tandang ko ang itsura nya dahil nakatingin sya sa akin. Palagay ko ay edad 23-26 ang babae na may fair na pangangatawan. Tumakbo ako sa madilim na hallway at bago ko marating ang internet kiosk na usual kong dinadaanan sa lahat ng panginip ko, nakita ko ang dalawa pang bata na hindi nalalayo ang edad sa una kong nakita. Tingin ko ay babae’t lalaki ang mga bata na nakaupo naman at may katabi ring aluminum na trash can. Tumunog na ang orasan ko bago pa man ako makarating sa dalawang bata at pagkagising ko, hindi ko maexplain kung nabitin ba ako o dapat ba akong magpasalamat dahil natapos agad ang isa na namang nakakakilabot na panaginip.
Lumabas ako ng zen room (totoo na dahil gising na ko this time) na nahihilo pa dahil sa biglaang gising. Lumabas ako at nakita ko ang TL ko sa lung center (smoking area). Matagal na sya sa opisina namin kaya tinanong ko sya kung sino na nga ba yung nagpaparamdam sa buong building. At sinabi nya na si “Lenlen” isang bata ang madalas na nangungulit sa opisina. Napangiti na lang ako. Tingin ko ay may friends pa itong si Lenlen.
Abangan ang susunod ko pang post.
Thursday, July 31, 2014
Kababalaghan sa Opisina (My Personal Experience)
Year 2011. Unang taon ko sa pinagtatrabahunan kong kumpanya. Sa taong ding ito naganap ang sunod sunod na kababalaghan na naranasan ko sa mismong building namin. Noong una, kumportable akong nakakatulog sa sleeping quarter. Pero nung mga bandang huli, parang kakaiba na ang mga naramdaman ko. Nung una binalewala ko lang. Una kong mararamdaman, bumibigat pakiramdam ko na para bang may nakadagan na kung ano sa katawan ko. Magpupumiglas ako pero di ako makagalaw. Di rin ako makapagsalita o makasigaw. May mga pagkakataon pa na mararamdaman ko na may humihila sa damit ko o kaya may aangat sa braso ko. Alam kong hindi yun kung sino na nangtitrip lang dahil the moment na imulat ko mata ko, wala akong ibang nakikita kundi mga kapwa ko pagod at natutulog na agents. Mga ilang beses nangyari ito sa akin kasama ng mga panaginip na iisa lang ang tema, nasa sleeping quarter daw ako, babangon sa lazy boy, maglalakad papuntang station ko, dadaan sa computer kiosk at mapapansin kong madilim na parang brown out, may mga makikita akong hindi ko pa namimeet dati, maniniwala akong nagising na ko para magising ulet at marealize na nasa higaan pa rin ako. Hindi ko na nakayanan to at nagpasyang wag na matulog kahit kelan sa zen room (sleeping quarter) bago mag 2012.
Ngayong 2014, things are much more exhausting kase nag-aaral ako, nagwowork at nagkaroon pa ko ng part time job sa college. Nung una kaya ko pa na hindi matulog o matulog lang kung saan sa opisina pag sobrang pagod ko na talaga. Pero later on, napagpasyahan ko na subukan muli ang zen room. At first, paranoid ako, so hindi rin ako makatulog ng maayos na di katulad ng mga ibang agents na parang sanggol matulog. Tinry ko pa rin at ika nga ay napunta rin ako sa "right side of the bed" at nakatulog. Normal, walang paramdam, peaceful ang tulog ko. Sabi ko, wala na siguro, ok na ang lahat at makakagamit na rin ako ng zen room nang maayos. Pero kagabi lang, 07/30/2014, mag-aalas dose ng hatinggabi, naranasan ko ulet ang bagay na hindi na bago saken. To have an extreme flashback, nangyari na to saken nung college. Succubus daw tawag dun at parehong experience nung working na ko. Ang pagkakaiba lang, sexually related ang sa succubus at yung sa office ay talagang parang makagambala lang sa natutulog ang kung anumang entity na yun. Going back, di ko naanticipate ang pagka-ulet ng experience na yun. Una, may humihila ng hoody ko dahilan para sumikip yun sa ulo ko then luluwag at hihilahin ulet. Nahalata ko na na nagpaparamdam ulet sya pero imbes na kilabutan, nacurious ako kung ano naman this time ang gagawin nya saken. Yun nga, kasunod ng pagbigat ng pakiramdam ko ang paghila nya sa hoody ko. Pinagmumura ko sya sa isip ko na 100% sure ako na gising na gising dahil alam ko pag binabangungot ako, kelangan ko galawin ang pinky ko. Bukod sa pagmumura, parang kinamusta ko rin sya, tinanong kung bakit ginagawa na naman nya yun. Tuloy lang sya sa ginagawa nya at shit! Halos maihi ako sa pantalon ng pati baba (chin) ko ay hinawakan at unti-unting bumuka ang bibig ko na para bang may humihila sa baba ko. Weird kase imbes na matakot ako ng tuluyan, chinallenge ko lalo sya. Kumagat ako ng buong higpit para di bumuka bibig ko. Mga ilang minuto kong naramdaman ang kung anuman yun na parang nakikipagpwesahan saken para mapabuka ang bibig ko hanggang sa tuluyan itong nawala. Nakaidlip ako pagkatapos nun dala na rin ng pagod. Para bang combo at kasama sa package at di makukumpleto kung di ko mararanasan ulet ang panaginip na idenescribe ko na sa unang paragraph. Tandang tandang ko pa kung paano ako nilapitan ng gwardya at sinabi saken ang ganito bago ako pumasok ng operation area: "Sir pakialis bike nyo sa gilid." Ang sagot ko naman, "Wala akong dalang bike kuya dahil umulan kanina." "Ganun ba? Ah sige sir kala ko sa inyo yun." sagot nya saka umalis. Nagbababike ako sa pagpasok sa office pero hindi pag maulan at maulan kagabi. Akala ko talaga, gising na ko at totoong nangyari ang conversation na yun with the guard hanggang maisip ko, Pu*******! hindi yun gwardya dito dahil kilala ko lahat ng gwardya sa building at noon ko lang sya nakita at bakit brown out at anung ginagawa ng pusang puti sa loob ng operation area at sino yung mga tao na kasama ng mga katrabaho ko? Mga bagong hire? Overnight nahire at operation agad? Dun na ako nagising at mga isang minuto yata bago ako tuluyang lumabas ng zen room, tumingin muna ako sa paligid at saka minura ang pu*****ng kung anuman yun na umepal na naman. (Shet tumitindig balahibo ko habang sinusulat ko to).
Ishinare ko ang istoryang ito sa mga officemates at di na ko nasorpresa nang magkwento rin ang isa sa kanila ng kaparehong experience saken. Na-overbreak pa nga daw sya dahil akala nya, walang ilaw dahil walang kuryente at masaya syang nakaupo sa station nya dahil downtime para lang marealize later na nananaginip lang sya at di pa sya gising, nasa zen room pa rin ang katawang lupa nya.
Ito ang mga nabuong theory sa isip ko:
1. Bata ang nagpaparamdam saken dahil sa nature ng pagpaparamdam nya. Para syang nangungulet na ewan. At bukod dun, minsan na nya kong dinalaw sa operations nung one time na nakatulog ako sa station ko. Hinila nya braso ko na dahilan para magising ako at ang nakita ko na lang ay laylayan ng damit nya na parang uniform ng babaeng elementary pupil.
2. Nasa sleeping quarters sila dahil laging madilim at dun nagkoconcentrate lahat ng negative energy na galing sa mga stressed out na employees.
3. Hindi talaga mga agents o employees ang mga namimeet namin sa panaginip. Alam nyo na siguro kung ano yung mga yun.
I-aaupdate ko ang istoryang ito sa sunod na tulog ko sa zen room. 100% sure ako na magpaparamdam ulet sya at plano kong makipag-usap na sa kanya. Tingnan ko kung magrerespond sya para malaman ko ang istorya kung bakit nya ginagawa yun.
Saturday, July 26, 2014
Pride at Pagpapakumbaba (Humility)
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin ang level ng pride at humility na meron ka.
1. Kapag merong kumorek sa ginagawa o sinasabi mo, ano reaksyon mo?
2. Gaano ka kabilis at kadalas magpatawad sa mga nakagawa ng kasalanan sayo?
3. Pag nakagawa ka ng kasalanan, inaamin mo ba o naghahanap ka ng masisisi?
4. Palagi mo bang iniisip na kaya ka nagtagumpay ay dahil "the best ka" at angat ka sa iba? Ganun mo na lang ba ito ipagmalaki at ipangalandakan sa iba?
5. Madali ka bang mainis sa ibang tao?
6. Minsan ba feeling mo ay bayani ka? O kaya ay yung tipong pag nakagawa ka ng maganda o pabor sa kapwa mo ay dapat marecognize ka kaagad kung hindi man mabigyan ka ng materyal na kapalit?
Kung ang sagot mo sa #1 ay: "Nagagalit ako, badtrip ako pag ganun..." MaPRIDE ka. Nasaktan ang pride mo pero tandaan mo na tayo ay hindi diyos at nagkakamali tayo. Hindi tayo perpekto na kahit ang Pope sa Roma ay may mga pagkakamali sa buhay. Stand to be corrected kung nagkamali ka man ay wag maging OA kung sa tingin mo ay nasa tama ka. Matuto makinig sa kapwa at wag puro ikaw ang nagsasalita dahil sa tingin mo ikaw ang tama. You always learn something new pag may kumorek sayo pero di mo makakamit ang "something new" na yan kung hindi mo matututunan makinig sa sinasabi ng iba. Ang pagtanggap ng pagkakamali ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.
Kung ang sagot mo sa #2 ay: "Hindi ako mabilis magpatawad.""Piling-pili lang ang pinapatawad ko." MaPRIDE ka. Iniisip mo na sinadya nila yun at ganun-ganun lang ang tingin nila sayo at hinahamon nila ang mga kakayananan mo at...sinaktan nila ang pride mo. Pero wag mo kalimutan na tulad mo, hindi rin perpekto ang kapwa mo. Minsan pa nga ay hindi talaga nila alam ang ginagawa o sinasabi nila. Ang pagpapatawad ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.
Kung ang sagot mo sa #3 ay: "Kagagawan to ni ____." Yung _____ ang dapat sisihin dito." MaPPRIDE ka. Maaaring napakataas ng tingin mo sa sarili at tulad sa #1, ang perpekto ng tingin mo sa sarili mo at iniisip mo na kung di ikaw ang nagkasala, siguradong merong dapat sisihin. In connection with #2, hindi ka hihingi ng tawad at patuloy na magiging ugali mo na maghahanap ng masisisi. Deadly ang ugaling meron ka katulad ng kung paano namatay ang milyong Jewish nung 1940's dahil sila ang sinisi ng mga NAZI sa pagbagsak ng ekonomiya ng Germany. Huwag manisi ng iba, kung kelangan tanggapin ang sitwasyon, gawin mo dahil nangyari na at sama-sama na lang mag-move on. Ang hindi paninisi ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.
Kung ang sagot mo sa #4 ay: "I'm so skilled, I'm so talented, ang taas ng pinag-aralan ko at ang layo na ng narating ko thats why im the best." Kayabangan yan di ba? At maPRIDE ka. Iniisip mo na dapat sayo palagi dumepende ang iba dahil ikaw ang may kakayanan na lumutas sa mga sigalot. Hindi ka humihingi ng tulong o suporta sa iba dahil sa tingin mo ay napaka-strong mo at weak sila at wala silang silbi para sayo. Panu na lang ang kasabihan na "No man is an Island"? Kung akala mo na ang dahilan kaya hindi ka umaapproach sa iba ay dahil sa superiority mo, seryosong problema yan. Ang pagkilala at pagkonsulta sa kakayanan ng iba ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.
Kung ang sagot mo sa #5 ay: "Oo, kase may mga tao talagang stupid, weird, jologs, corny at papansin." MaPRIDE ka. Ikaw ba ang magsasabi kung ano ang hindi stupid? KUng ano ang hindi weird, jologs at corny? Ikaw ba ang magsasabi kung kelan papansin at hindi papansin ang isang tao? Kahit sabihin pa natin na isa ka nang ganap na institusyon sa society na ginagalawan mo, hindi standards mo ang dapat masunod dahil sa katotohanan na iba-iba ang bawat indibidwal. Hindi ikaw ang magdidikta kung alin ang normal na gawin ng iba para lang ma-please ka. Ang pag-unawa at pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng bawat tao ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.
Kung ang sagot mo sa #6 ay: "Unfair kung nag-effort ako tapos wala man lang recognition o kapalit." Selfish ka o puro sarili lang iniisip at walang dudang maPRIDE ka. Paano kung ang isang bagay o isang sitwasyon ay nangangailangan ng participation mo pero dahil nakikita mo na hindi ka naman kikilanin sa parteng yun, hindi mo na lang papansinin? Paano kung sa gitna ng problema at kaguluhan at kelangan ng pakikiisa mo pero iniisip mo na wala ka naman mapapala kung makikiisa ka, babalewalain mo na lang? Humility is not thinking less of yourself but thinking of yourself less. Hindi kahit kailanman nakakasakit sa dignidad ang pagtulong lalo na't para sa ikabubuti ng iyong kapwa. Ang reward at recognition ay hindi tamang gawing motivation sa lahat ng oras para lang makuha ang willingness mo na umaksyon para sa iba. Make it unconditional, make it pure and make it selfless. Sa puntong ito, ikaw ay mayroong pure humility and zero pride kung hindi ka selfish.
Ang artikulong ito ay bunga ng aking self-reflection at sa tulong din ng link na to.
Sunday, July 6, 2014
Know Your Folks
Sunday, June 29, 2014
Facts tungkol sa Call Center Agents sa Pilipinas
1. Karamihan ay fresh grad o college undergrad na ayaw mag-start sa maliit na sahod kaya pinasok ang call center job.
2. 20-25 years old ang average age ng mga call center agents.
3. Insomnia at hypertension ang karaniwang sakit ng mga CC agents dahil sa hindi healthy na diet at kawalan ng sapat na night time sleep. Marami rin ang asthmatic at may sakit sa baga dahil sa tindi ng pagyoyosi. Marami rin ang lulong sa alak at sad but true, marami rin ang lulong sa droga. Mataas din ang rate ng mga nagkaka STD sa industriyang ito.
4. Hindi totoong satisfied ang mga CC agents kumpara sa ibang nagtatrabaho sa ibang industriya. Dahil ito sa kawalan ng quality social life na meron ang iba tulad ng karamihan na nasa day job. Ang mas nagpapasaya sa kanila ay ang "sweldong" nakukuha at benefits sa trabaho dahil sadyang mahirap makahanap ng matatawag na kaibigan sa work na to bagamat marami ang matatawag na tropa o barkada.
5. Bukod sa health issues, isa rin ang relationship o marital issues sa problema ng mga call center agents. Marami ang naghihiwalay dahil sa trabahong ito. Marami rin ang nagkakaroon ng maraming partner sexually o intimately sa industriyang ito. Para ring machine ang isang CC agent (mapababae o mapalalaki) sa bilis magpalit ng partner oras na magkahiwalayan.
6. Call center hopper ang tawag sa CC Agent na hindi nagtatagal sa isang call center company at palipat-lipat ng call center na pagtatrabahuhan.
7. Palaging pressured at stress ang isang CC agent dahil kelangan nyang maging laging productive at ma-hit ang goal na set ng management.
8. Karamihan ng CC agent ay walang pakialam sa karapatan nila tulad ng nasususlat sa labor code at policy ng DOLE. Wala silang problema basta't sumusweldo. Kung di magustuhan ang patakaran ng kumpanya, magreresign at lilipat sa ibang call center company. Hypocrite pero wala rin namang kaayusan ang policy ng gobyerno pagdating sa call center worker's rights so the hell they care.
9. Kung hindi lilipat sa ibang CC company ay mag-aabroad ang isang CC worker.
10. Sadyang mahilig sa gadgets.
11. Karamihan ay magaling magpronounce ng english, mahilig magsalita ng English, pero hindi lahat ay kayang makipag-converse sa pure English.
12. Laging topic ang trabaho kahit nasa labas na ng workplace.
13. Mahilig sa gossip.
14. Halos hindi updated sa mga balita at karaniwang napupulot lang ang balita sa facebook at hindi sa TV o dyaryo. Mas updated pa sa PBA o NBA or local or international showbiz news. At karamihan ay mas gustong manuod na lang ng TV series tulad ng Game of Thrones.
15. Bukambibig ay outing or out of town or kung saan na pwede mag hangout pag free time.
16. Mahusay na team player kesa sa nasa ibang line of jobs.
17. Masayang kasama kahit stress out at puyat.
18. Level up sa pagiging kwela ang baklang CC agent.
19. Matiisin at walang choice kundi maging hardworking.
20. Analytical. Pati taxi na sasakyan o lugar na lalakaran sa gabi ay inaanalyze dahil paranoid din sa holdaper at the same time.
21. Waterproof, Fil-Am (Filipino-Amphibian). Hindi adventurer pero nagiging adventurer lalo na tuwing tag-ulan o tagbagyo. Walang choice kundi pumasok sa work dahil yun ang utos ng management at kliyente.
22. May pagka-racist lalo na tuwing may marerecieve na Chinese o Indian calls.
23. Karaniwang nagreresign tuwing December pagkatapos ng 2 o 3 taon na pagstay sa company.
24. Parehong alam ang holiday sa Pilipinas at US o bansang may hawak ng account nya. Additional pay para sa holiday sa Pinas at walang pasok pag holiday sa US o sa kliyenteng bansa.
25. PINOY PA RIN SA PUSO AT DIWA AT ITINUTURING NA BAGONG BAYANI kasama ng mga OFWs.
R.I.P. Mamita.
Saturday, June 28, 2014
Bagong Adbentyur, Bagong Hamon
Feeling ko, karamihan sa mga pinagbabanggit ko sa blog na to sa nakalipas na apat na taon ay kahit paano'y nagkaroon ng katuturan. At least ngayon, hindi ko na masasabi sa sarili ko na bunga lang ng malikot na imahinasyon ko ang mga nalikha ko sa blog na to. Dahil araw-araw, sa loob ng apat na taon, iba't ibang uri ng tao ang nakasalamuha ko. Nandyan ang mga katrabaho ko sa call center, mga kaklase ko sa masteral course, mga propesor, abugado, duktor, atleta, taksil na ex, adik, kriminal at libo-libong kawawang taxpayers at marami pang iba. At lahat nang natutunan ko mula sa karanasan at mga istorya ng iba't ibang mga tao na yan ay naibabahagi ko sa klase ko. Ang mga positibo at negatibong aspeto ng mga leksyong napulot ko ay maingat kong hinimay para maibahagi saking mga estudyante upang nang sa ganun ay mairelate nila sa tunay na buhay ang mga itinuturo ko.
Hindi madaling magturo ng social science at iba pang subject discipline na relevant sa field of specialization ko. Kelangan mong maideliver ang klarong picture ng tunay na buhay habang iniingatang hindi maalis ang application ng science sa bawat piraso ng impormasyon o konsepto na nakapaloob sa bawat lecture. Bagamat may mga pagkakataon nagiging hadlang ang emosyon sa pagpapalaganap ng mga kaalamang iyon, lagi akong bumabawi upang wag ma-stuck ang discussion sa iisang topic lamang. Hindi ko rin hinahayaan na hindi marinig ang boses ng mga kabataang inihabilin sakin ng institusyon upang gabayan sa kanilang edukasyon. Oportunidad para sakin ang marinig ang kanilang mga ideya dahil gaano man kaliit,kalaki, kakitid o kalawak ang mga ideya nila, mahalagang magkaroon ng makikinig at uunawa sa kanila.
Ang isang educator para saken in a general sense ay taong hindi naqualify mula sa mga kaalamang napulot nya sa libro kundi ang taong naqualify dahil sa balanseng paggamit nya ng wisdom at knowledge. Hindi ka naman kase gagawa ng mga halimaw sa institusyon na kulang sa puso at mayaman sa utak. Ang dapat na nakikita ng isang educator ay ang isang indibidwal na nadevelop ang tamang malasakit sa kapwa at sa lipunan habang taglay ang teknikal o academic skills na napulot nya sa kolehiyo. Marahil ay wala nang kukumpleto pa sa pakahulugan ng "higher education" kung ang bawat bagay na matututunan ng isang estudyante ay tatatak hindi lang sa kanilang memorya o kaisipan kundi pati sa kanilang damdamin.
Ang bagong adventure kong ito ang itinuturing ko nang pinaextreme at marahil ay mananatiling bago hanggat ang hamon ng kasalukuyang sistema sa edukasyon ay walang pagbabago. Nagkaroon ako ng napakataliwas na pamumuhay sa mga nagdaang taon na sapat na para mabuksan ang puso at isip ko upang makita ang totoong kulay ng mundo. Malabo man at ni sa imahinasyon ay hindi ko nakita ang sarili ko na tatayo sa harapan ng mga kabataang ito upang tulungan silang labanan ang kamangmangan, hindi naging mahirap saken na tanggapin ang biglaang hamon na to dahil alam kong sapat ang kaya kong ibahagi sa kanila. Salamat sa mga mali at baluktot na pareho kong naranasan at naobserbahan sa paligid ko. Ngayon ay handa na kong maging instrumento para magapi ang numero unong kaaway ng naghihingalo nating lipunan...ang kamangmangan. Kamangmangang hindi lang nag-ugat sa kawalan ng pormal na edukasyon kundi kamangmangang dulot ng saradong isipan na nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon.
Wednesday, November 20, 2013
Kwentong Volunteering
Naranasan mo na ba magbuhos ng oras at pagod na walang hinihintay na kapalit makatulong lamang sa mga nangangailangan? Eto ang kwento ko.
Linggo, ika-17 ng Nobyembre, boring, nakakatamad at parang gusto kong mahiga na lamang. Dapat ay papunta ako sa Villamor Airbase pero naging malabo ang usapan sa plano kong samahan na grupo kaya pinasya kong mag stay na lamang sa bahay kasama si G at magpakabulag sa sangkatutak na movies sa PC ko. Biglang nagtxt si G para tanungin kung anung gagawin sa araw na yun. Ito ang reply ko: “Maglalaboy tayo…indefinitely.”
Pagkatapos magfoodtrip, tulog naman. Ipinahinga ko ang hapo kong katawan sa isang linggong trabaho, aral at puyat. Gabi na nang marealize kong hindi pwedeng walang mangyari sa araw na ito. Nagpasya kami ni G na tumungo sa Resorts World Manila. Bakas sa mukha nya ang malalim na tanong kung ano ba talaga ang gagawin namin. Lakad, lakad at lakad pa sa loob at labas ng mall na yun. Hanggang sa maisip ko na bat di kaya dumiretso na kami sa Villamor Airbase at kumuha ng pics ng mga dumarating na survivors sa Manila. Tapos uwi na din. Sunod na napansin ko, nasa Villamor Airbase na kami.
Suot ang makasaysayan kong rubber shoes, pantalon at Pilipinas shirt, nagpalakad-lakad na naman ako kasama si G na nakaredshoes at white pants pa na akala ay magsstroll lang kami kung saan. Umakyat kami sa Grandstand ng airport at tumambad saken ang kalunos-lunos na itsura ng sangkatutak na survivors na inaasikaso ng volunteers at DSWD. Dun ko na niyaya si G para magparegister…para magvolunteer…para makiisa sa pagod na dinadanas ng mga nais makatulong.
Napunta kami ni G sa counseling team na kung saan ay in charge kami sa pag-stress debriefing ng mga typhoon survivors. Nagdoubt pa nga ako sa kapasidad ko sa task na ito dahil malayong kamag-anak lang ng Psychology ang course na tinapos ko unlike kay G na Psychology talaga ang background nya. But equipped with pure heart, spirit and determination na makatulong sa mga nasalantang ito…magiging adventurous ang gabing ito, nasabi ko sa sarili ko.
Halos hindi ako makapagsalita sa unang pamilya na inassist ko. Halos hindi ko mahagilap ang mga dapat kong itanong sa kanila. Nang lumabas sa bibig ko ang unang tanong sa unang survivor na nakausap ko (“Kumusta po kayo?”) halos bumulwak ang luha sa mga mata ko sa kanyang isinalaysay. Dalawang araw na pumila para makasakay sa eroplano papunta sa kamag anak sa Manila. Sa dalawang araw na ipinila nila, gutom, puyat at hindi masukat na stress ang kinaharap nila. Hindi sila nakakatulog ng maayos pero habang nasa pila, tulog man sila o gising ay paulit-ulit na inaatake sila ng bangungot na dulot ng bagyong Yolanda. Paulit ulit na hinahagupit ng mapait na ala-ala ang mga puso at isip nila tuwing babalik sa gunita nila kung panung sa mismong harapan nila ay tinangay ng malakas na hangin ang bahay nila at nilubog ng baha ang kanilang kabuhayan. Ginawa ko ang best ko para ibahagi sa kanila ang mga bagay na alam kong dapat nilang gawin para malagpasan ang krisis na yun lalo sa aspetong psychological. Pagkatapos ng stress debriefing, walang kasing-rewarding ang makita ang mga ngiti na para bang papasikat na araw na unti-unting gumuhit sa kanilang mukha. Tumaas ang energy ko at tulad ng orasan na walang pagtigil sa pag-ikot, ginamit ko ang bawat sandali para makapagbigay ng kapanatagan sa iba pang mga survivors.
Pagod na ang lampas kalahati ng mga volunteers at staffs ng DSWD nang maghahatinggabi. Pero walang tumitigil sa pagkilos. Habang kumakain ang mga kararating lang na mga survivors, tumulong na rin ako sa mga marshalls na magbigay sa mga tao ng mga pangangailangan nila mula sa mga donations. Katawan at utak ko na ang magkasamang napapagod pero wala akong regret, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Sa kabilang banda, ang aking si G ay walang complain, tuloy din ang pagkilos.
Mula sa pagtulong sa isang hindi alam kung panu hahanapin ang kaanak sa Manila hanggang sa pagcomfort sa batang pati tunog ng eroplano ay kinatatakutan, hindi ako pumili ng kahit sinong nangangailangan ng assistance dahil lahat sila ay biktima. Hindi ko malilimutan si Ana, isang 10 year old na batang babae na bakas na bakas ang matinding anxiety sa kanyang mukha. Hindi alam ng kanyang ama ang gagawin sa bata. Sobrang payat na nito at bahagya lang kumain. Kinausap ko sya at inalam kung anung nangyari. May mga kalaro syang napasama sa 4,000 na mga namatay at kahit ang pagkakataong makumusta man lang ang mga kaklase at teachers nya ay hindi nya magawa. Pero gustuhin man nyang makasama ang mga kaibigan, pinili na rin nyang sumama sa Maynila dahil ayon sa kanyang ama, baka hindi makarecover agad ang anak nya habang nasa lugar na kung saan ay naganap ang matinding trauma sa buhay nila. Pagkatapos kong kausapin ang kanyang ama, bumalik ako kay Ana at sa paraang maiintindihan nya ay ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at kung panung ang isang tulad nya ay makakaraos sa krisis na iyon. Positive ang response nya. Napansin kong may pagkafashionista ang batang ito at ang ending? Naging counselor/fashion consultant ako ng kanina lang ay puno ng lungkot na si Ana at ilang saglit pa ay naghahanap ng fitting room sa gitna ng airport/evacuation area. Salamat pala sa mga nagdonate ng mga damit, sa ganda at quality ng mga damit na idinonate nyo, baka magmula pa sa mga taga-Samar ang susunod na Next Top Model. Ooops..wala nga pala ako alam sa fashion so maaaring ako pa ang naturuan ni Ana sa part na yun. Ahehe..
Tumatakbo ang oras at 6 hrs, nonstop na kami ni G na nagvovolunteer. Lagi ko syang tinatanong kung kaya pa at kaya pa naman daw. So sige, tuloy ang aksyon. Isang pamilya naman ngayon na galing sa Brgy. Guian sa Samar ang inassist ko. Iba na ang approach ko ngayon sa pakikipag-usap. Mas cool na at ewan ko kung standard pero effective din pala ang mag-crack ng mga jokes na para bang nasa tindahan lang kayo ni Aling Puring at umiinom ng malamig na sopdrings na nasa plastik.
Me: Ate kumusta kayo? Mukang nastress kayo ng konti. Sori dahil di natuloy shooting nyo sa Tacloban dahil sa bagyo.
Ate: (sa salitang War-log=Waray+Tagalog) Ay anu ka ba. Di naman ako artista.
Me: Ay sori kala ko si Marian Rivera ka po na nagulo lang ng konti ang hair.
Hagalpakan ng tawa. Pagkatapos ng tawanan ay naisalaysay nya saken ng buong buo ang nangyari at parang soap sa TV, may iyakan din na nangyari…pero walang malisya yakap ko sa kanya ha. Para macomfort lang (wag judgmental ok?)
Isa pang klasik:
Me: Boy ikaw ba ay nakapag-paalam sa girlfriend mo?
Boy: Hindi nga po kuya e.
Me: Ikaw ba ay magiging loyal sa gf mo ngayong nandito ka na sa Maynila?
Boy: Ay oo naman kuya. Ay san po pala pwede makigamit ng cp kase nasira po cp ko, sim lang naisalba ko.
(Sinamahan ko sa libreng tawag at text booth)
Boy: Kumusta ka na dyan Yolly? Andito na ko sa Manila.
Me: Anug pangalan ng gf mo?
Boy: Yolly po.
Me: Short for?
Boy: Yolanda
Me: Nagpramis ka ha. Hindi mo iiwan yan.
Boy: Opo.
Me: Magaling kung ganun.
Another one:
Sa CR habang pila-pila ang gumagamit. May lumapit saking babae. Nakiusap kung pwede gumamit ng CR ng lalaki dahil blockbuster nga yung sa babae. (Ako ngayon ay counselor/fashion consultant/utility) Go lang ate. Ako bahala. Nagkekwentuhan pa kami ni Ate habang nasa loob sya ng cubicle ng dumagsa ang mga lalaki at kanya kanyang pwesto sa urinal. Ang iba ay naghihintay mabakante ang cubicle. Nagpapawis na ko ng gamunggo dahil ako lang ang naka-ID ng volunteer sa CR at alam ng mga lalaki na ako nag nagpapasok sa babae. Paglabas ni Ate sa cubicle, mistulang dinaanan ng Yolanda ang mga lalaki sa urinal sa lakas ng patak ng ihi dahil sa pagmamadali. Nang makalabas na kami ni Ate ng CR, nagpasalamat sya saken habang ang ibang lalaki ay chinecheck kung tamang CR ba talaga yung napasukan nila. At least walang nabitin sa pag-ihi at lahat ay nakaraos.
Hindi lang sa mga survivors nagkaron ng nakakatawang experience kundi pati na rin sa mga co-volunteers ko.
Sa clothing section:
Me: Bro damit naman para kay lola please.
Bro: (Iniaabot saken ang evening gown)
Me: Ahmmm… Hindi pa nya kayang dumiretso ng party after nito pre. Magpapahinga muna daw sya. Pwede yung mejo pambahay lang?
Bro: Ay sori pre.
(At saglit naging comedy bar ang clothes section na dahilan para mawala ang antok ng mga puyat na volunteers.)
Nang almost 10 hrs na kaming nakaduty ni G, lumabas na ang mga signs na talagang pagod na kami. Pero dahil napakarami ng nangangailangan ng assistance, di pa rin kami humihinto. Pagkatapos kong isakay ang isang pamilya sa taxi na hindi sinuwerteng makatyempo ng volunteer na maghahatid (mula sa Oplan Hatid na talaga namang napakalaking tulong sa mga survivors na magtatravel sa M. Manila at karatig probinsya) bumalik ako sa airbase para kumustahin naman ang isang mag-ina na ki-nounsel ko din. Inindorse ko sila sa dalawang madre for spiritual guidance. Laking gulat ko nang maging ganun na lang ang pasasalamat saken ng mag ina at pati ng mga madre. Pinagtagpo ko ang dalawang relatives na dekada na ang nakakalipas bago muling magkita…si mother superior at si nanay. Niyakap ko ang mag-ina bago ako umalis pero humirit si Sister.
Sister: Anak, akin na ang cel number mo.
Me: Ay sure po Sister. Bakit po pala?
Sister: May opening sa seminary. Tulungan kita magpari.
Me: Di nga po. Seryoso?
Sister: Alam mo anak, kahit di mo na kami tinawag, ramdam ko ang spiritual guidance na naibigay mo sa mag-ina.
Me: (My god nag-adrenaline rush ako, naalala ko lahat ng mga verses sa bible na sinabi sa isang channel sa TV na aksidente ko lang napanuod.) Ahhmm…itutuloy ko na lang po pagiging public servant sister. Magugustuhan din naman po nya yun (sabay turo sa taas) di po ba?
Sister: Magpapari ka anak, magpapari ka. Ok?
Gisselle: (Worried)
Pagkatapos ng halos 12 hrs na volunteering works sa Villamor Airbase, pauwi na rin kami sa wakas. Magkakahalong emosyon ang naramdaman ko. Saya, tuwa at lungkot. Saya dahil sa isang hindi malilimutang experience. Tuwa dahil kahit hindi ko talaga to pinlano ay nangyari ito at higit pa sa ineexpect ko ang satisfaction na naramdaman ko sa pagkakawangawa. Lungkot dahil sa napaikling panahon na nakasama ko ang mga kapwa ko Pilipinong buong tapang na hinarap ang malaking hamon na ito sa kanilang buhay…saglit ko lang silang nakasama at mawawalay na ko sa kanila. Mabuhay ang mga mga survivors ng typhoon Yolanda! Hinding hindi ko kayo makakalimutan.
Friday, November 8, 2013
Makibonding sa Sarili…pag may time
May time na gusto mo nasa isang sulok lang at nakatulala, nag iisip kahit di naman malalim ang iniisip. Gusto mo lang makalayo sa mga bagay na nasanay kang kasama. Di mo alam kung bakit. Siguro for a change? Pero kung madalas nang nangyayari sayo to at mukhang naa-isolate ka na. Wag mong sayangin ang ginagawa mong pag iisa para tanungin ang sarili mo. May problema ba? Wag sayangin ang pagkakataon na yun para makibonding sarili.
Marami ang may gustong palaging may kasama, palaging may kakwentuhan, katawanan at kakulitan. Hindi sila kuntento na mag-isa lang at nakatengga sa isang sulok. Pero hindi man nila aminin, may kung anung nagsasabi sa likod ng isip nila “try mo din kausapin ang sarili mo pag may time”. Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, hindi daw magandang idea ang gumawa ng space para lang makapag-isa. Kelangan daw natin palagi ng kasama, ng mga taong makakashare natin ng mga ating mga thoughts. Pero pansinin mo ang nagiging takbo ng mga interactions ng mga tao pag habitual na o yung palagian na lang. Nagiging dull, at worst nawawalan na ng sense ang mga pinag-uusapan. Yet, if you look at them, masaya pa rin sila nagtatawanan sa kahit anung bagay na lang na napapagkwentuhan na mostly kababawan na. Therefore, minsan hindi na yung kung panu tayo makikipagcommunicate o makikipag interact sa tao ang nagpapasaya o nagbibigay ng enjoyment satin kundi yung mindset natin na “masaya kung hindi nag-iisa”. Ewan ko kung may mag-aagree saken pero minsan, tinetake for granted na lang natin ang pakikipag-socialize sa kapwa.
HIndi ko sinasabi na masaya maging loner. Dahil malamang hindi ko naman pinu-point na maging loner ka. Ang sinasabi ko lang, try to talk to yourself minsan. Try to understand yourself. Ask mo sarili mo, bakit may times na kahit andyan ang tropa, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit nasa gitna ako ng gimik o party, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit sangkatutak ang mga kabarkada ko, hindi pa rin ako masaya? Kase marahil ay may namimiss ka…ang sarili mo.
Sabi daw ang pagmamahal sa sarili ay nakikita sa kung ganu kaayos ang appearance ng isang tao. Kung neat kang tingnan, maganda ang porma, mahal mo sarili mo. Palagay ko hindi sa lahat ng oras. May mga taong kapag kasama ng isang grupo ay okey, parang walang problema pero oras na makapag-isa ay parang kawawa dahil sa lungkot dulot ng kung anuman na pinag-dadaanan. Despite na ganun ang sitwasyon nya kapag mag-isa na lang, BB, FB chat, txting pa rin ang nakakaugalian nyang asikasuhin kung wala talagang makausap sa paligid nya. Pipilitin nyang wag isipin ang pinagdadaanan nya at ida-divert sa ibang bagay. Hindi ko sinasabing mali ang way na yun para maibsan ang lungkot pero kung never mo pa nakausap ang sarili mo ng masinsinan at puro diversion lang ang ginagawa mo…hindi mo sinusolusyonan ang problema mo. Para kang isang bangkang naglalayag na may butas na imbes na tapalan mo ang butas ay nililimas mo lang ang nakapasok na tubig sa iyong bangka at itutuloy ang paglalayag sa sandaling nalimas na ang tubig.
Kung sa tingin mo ay kelangan mo ng time para mag-isa, go ahead. Find some place na kung saan ay pwede kang umiyak, pwede ring tumawa mag-isa, kumustahin at kausapin ang sarili at sa puntong aalis ka na para makuhalubilo muli sa tao ay sabihin mo sa iyong sarili…”babalik ako. hanggang sa next time na bonding natin.”
Sunday, August 18, 2013
Ulan
Isa sa mga gusto kong gawin pag maulan? Gumawa ng tula. Heto ang isa sa mga tulang nagawa ko ngayong maulang umaga ng Linggo:
ULAN
hindi sumikat ang araw ngayong umagang ito
siguro'y nahiya dahil sa ganda ng ngiti mo
kahit gaano man kaganda ang umagang may liwanag ng araw
mas gugustuhin kong magising na maulan at ikaw ang kaulayaw
sa bawat pagpatak ng ulang tikatik
pusong kong hawak mo'y tuloy ang pagpintig
parang champoradong kahit ubod ng init
pilit nating pagsasaluhan katulad ng pag-ibig
hindi tayo maiinis, hindi tayo magagalit
magiging masaya tayo, umulan man o uminit
kahit anong panahon, ikaw lang ang mamahalin
at kahit anong panahon, ikaw lang ang susuyuin
sa loob ng mga ulap, doon ay nagkukulong
ang luha ng langit na papatak sating bubong
sa sandaling dumating na ang hagupit ng ulan
magiging payong mo ang pag-ibig kong walang hanggan
lahat ng tag-ulan ay walang kasing sarap
kung ang taong mahal mo ang kapiling at kayakap
sa gitna ng tag ula'y bumubuo ng pangarap
at kahit bumaha pa'y hinding hindi matitinag
Tuesday, July 30, 2013
11 na mga Kakaibang Tradisyon sa Kasal
Inspired by my Professor sa graduate school, nagkaroon ako ng interes na magsaliksik sa mga weird na traditions sa kasal sa buong mundo. Nagsimula akong maamaze sa tradisyon sa India na kung saan ay kelangang magbayad ang babae sa lalaki para makasal. Sa paghahanap ko sa internet, nakita ko tong “25 Extremely Strange Wedding Traditions” at nacurious ako kung anung tungkol dito. Pumili ako ng ilan sa pinaka-nakaagaw ng atensyon ko mula sa site na to at eto na nga ang mga yun:
1. There is a group of people called the Daur that live in Chinese Inner Mongolia. In order to finalize the wedding date the bride and groom are required to kill a chick while holding the knife together. They then proceed to gut the chick and inspect it’s liver. If the liver looks good then they are allowed to set a date. If not, then they have to repeat the process until they find a satisfactory liver.
Bride to be: Syet darling, bakit ba hindi tayo makakuha ng magandang atay ng sisiw? E halos nauubos na mga sisiw natin ah. Pati yung binebentang sisiw na may mga kulay dun sa piyesta na pinakyaw natin ubos na. Ano bang pinapakain mo sa mga yan at ganyan ang itsura ng mga atay nila?
Groom to be: Hmmmm... kwek-kwek darling. Pinapakain ko sila ng kwek-kwek.
Bride to be: Kaya naman pala. Ayan tuloy nagka-hepa sila. Tsk. Ang tanga mo!
Groom to be: Haisst.. Mali.
2. In India women born as Mangliks (an astrological combination when Mars and Saturn are both under the 7th house) are thought to be cursed and likely to cause their husband an early death. In order to ward of this curse they must be married first…to a tree. The tree is then destroyed and the curse is broken.
Nanay: Anak Mangliks ka. Kelangan mo magpakasal sa puno.
Bride to be: Ay talaga Nay? Anung puno naman ang pakakasalan ko?
Nanay: Di pa nakakapagdecide kung Narra o Yakal. Pero Medyo matatagalan pa dahil kelangan pang kumuha ng permit sa DENR. Relax ka lang muna dyan.
3. For tribes of the Tidong community in Northern Borneo newly married couples are required to be confined to their house while not emptying their bowels or urinating for three days and nights.
Newly wed guy: Tangna. Kung itong tradisyon na ito ay ginagawa bago ikasal, Di na ako magpapakasal sa'yo! Ang baho mo! Nakakaturn-off ka!
Newly wed girl: Tanga wala pang tumatae satin. Yang naaamoy mo, hininga mo. Kase naman, di naman sinabi na bawal magtooth brush. Tooth brush-tooth brush din pag may time. Tsk..
4. In Fiji not only are men expected to ask their father in law for his daughters hand in marriage, they are also expected to bring him a whale tooth.
Aspiring Husband: Syet! Wala na bang ibang option? Hindi ba pwedeng kahit ngipin na lang ng janitor fish? Haisst.. nakakastress mag-asawa dito sa Fiji!
5. In Southern Sudan people of the Neur tribe believe that the marriage is not complete until the woman has had two children. If she fails to do so, the groom is able to seek a divorce.
Husband: 2 years! 2 years na ko naghihintay sa pangalawa nating anak. Hanggang kelan ba ko maghihintay?! Pag naasar ako ide-divorce na talaga kita!
Wife: Ay ang kapal ng mukha. Kung di pa nga ako dumiskarte ni hindi tayo magkakaroon ng kahit isang anak man lang. Baog! Baog! Baog!
6. In Sweden, whenever either the bride or groom leaves their table to use the restroom the other gets kissed a lot. If the groom has to go to restroom, then every guy in the reception will get a chance to kiss the bride and vice versa.
Poging dating Klasmeyt ni Groom sa Hayskul: Te tagay ka pa. Dami pang alak oh. Hehe...
Bride: Bakit ako pinapatagay mo ng pinapatagay? Di ba dapat si Groom? Hi,hi..
Poging dating Klasmeyt ni Groom sa Hayskul: Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to te. Syet, wag kang epal. Ok?
7. In Yugur culture (an ethnic Chinese minority) the groom will actually shoot his bride with a bow and arrow before the wedding…three times. Ok, so the arrows don’t have arrowheads, but still, thats like getting shot with rubber bullets. Once the deed is done, the groom will collect the arrows and break them, thus ensuring that they will love each other forever.
Groom: Pa bakit di natuloy yung una mong kasal sa ibang babae at si nanay ang nakatuluyan mo?
Groom’s father: Wag mo na itanong anak. Sadyang hindi lang talaga magandang sports ang archery.
8 . In some parts of India the groom is required to take off his shoes before approaching the wedding altar. As soon as he does this mayhem ensues. Everyone from the bride’s side of the family tries to steal them while everyone from the groom’s side of the family tries to protect them. If the bride’s family succeeds in their endeavor, then they are allowed to hold the shoes hostage until they get paid a ransom.
Eksena bago ang kasal:
Groom: Bhe mahal na mahal kita. Di kita iiwan.
Bride: Mahal din kita Bhe. Lab yu. Mmmwahh..
Groom: Teka lang Bhe ha. Haisst ang kati…hmmmm ang kati talaga….Syet ang kati! Ang kati ng paa ko!! Ang kati ng mga daliri ng paa ko!!!
Bride to be: (nagtxt sa mga kapamilya) “Kung mahohostage nyo ang sapatos nya…please…wag nyong subukang isuot… nakakamatay ang ALIPUNGA nya.”
9. Although no country in the world officially recognizes human/animal marriages it is practiced in many countries like India to ward off bad spirits.
Girl: Di ako makapaniwala na kelangan ko magpakasal sa hayop dahil dito sa umaaligid na bad spirit saken. Friend may suggestion ka ba na hayop na pwede ko pakasalan? Gusto ko yung mabait ha tsaka friendly.
Friend ni Girl: Daga
Girl: Leche bakit daga? Mabait nga tsaka friendly e tapos daga?
Friend ni Girl: Gaga di pa ko tapos. Daga…si Doding Daga. Kung gusto mo, ipapakilala ka pa nya sa mga friends nya…si B1, si B2, si Amy at si Lulu.
10. In the Congo, if you want to ruin someone’s wedding just hire a comedian. In order for the marriage to be taken seriously the bride and groom are not allowed to smile throughout the entire ceremony.
Groom: Syet ayoko talaga makasal sa kanya. Pinikot lang ako. Kelangan ko gumawa ng paraan.
Sa venue ng kasal:
Nanay ng Bride: Anak malinis ang venue. Wala kahit isang nakakatawang bagay na makikita kayo. Siguradong tuloy na tuloy ang kasal.
Bride: Thanks mom. You’re the best.
Habang nasa altar:
Groom: (pabulong) Babe may kandila ka ba dyan?
Bride: Wala babe. Bakit?
Groom: (pabulong pa rin) Ititirik ko lang sana sa puso kong patay na patay sa’yo.
Bride: (kinilig, napangiti)
Groom: (ngumiti din)
Pari: At hindi na po matutuloy ang kasal na to. Paumanhin.
Groom: Yes!!!
11. Beauty is relative and there is nothing in the world that exposes that more than the country of Mauritania. Mauritanian girls go to fat farms to get fat…and eventually married.
Girl: Baby ang taba taba ko na. Tara pakasal na tayo. Hi,hi..
Boy: Ay oo nga. Lintik ang braso mo parang hita ko na. Tara pakasal na tayo.
Habang nasa harap ng altar. Girl, hinimatay.
Doctor: Ang BP nya ay 280/150.
Boy: (habang nasa tabi ng naistroke na bride to be) Ang sabi ay magpataba…hindi magsuicide.
Thursday, July 11, 2013
Matilda the Dancer
Isang umaga, pagkabangon ni Matilda, di nya alam ang gagawin. Tapos na ang labahin, nakapaglinis na si Reyner at walang pasok si Rosevei (unica hija nila) sa school dahil matindi ang snow sa labas. Wala din syang pasok sa work (TV host sya). Di ko sya kinontrol nung time na yan dahil busy ako kay Reyner na noo'y nag-aaral ng new recipe para mailuto sa pinakamamahal nyang asawa na si Matilda. Since writer by profession si Reyner palaging sya lang ang naiiwan sa bahay pag wala ang mag-ina nya kaya sya ang nakatoka sa house chores (houseband sya).
So pagkagising ni Matilda, binuksan nya ang radyo (na may sentimental value sa kanya dahil minana pa nya sa tito nya) at nang magplay ang music ni J-lo (custom music na ininstall ko sa game) di na nya napigilang sumayaw. Magaling sumayaw si Matilda. Palibhasa'y party goer sya nung dalaga pa at tumigil lang sya sa pag-gimik mula nung makilala nya si Reyner mula sa isang "online dating". Thanks to Matilda's new found love dahil nagkaroon ng direksyon ang buhay nya. Kung hindi naging sila ni Reyner ay malamang laman pa rin sya ng mga gimikan, walang career at nilulustay ang pera ng pamilya nyang may kaya.
Aksidente kong nacapture yang moment na yan at ngayo'y namimiss ko na si Matilda. Patay na kase sya dahil sa katandaan. Pero dahil healthy sya dahil sa everyday exercise nya (dancing) di na rin nakakapanghinayang na namatay sya sa edad na 100+. Hahaha.. Ngayo'y biyudo na si Reyner at naghahanap ng bagong pag-ibig. Suppose to be ay patay na rin si Reyner pero salamat sa writing career nya, natupad ang lifetime wish nya ($50,000 worth of royalties sa mga naisulat nyang nobela) na dahilan para maka-avail sya ng "stop aging" potion (sana may ganun sa totoong buhay).
In the works ang new lovelife ni Reyner at hopefully ay makatuluyan nya ang babaeng bumihag ng puso nya nung mag-aral syang muli sa University at nagtapos ng Fine Arts. Thats another story na pwede niyong subaybayan. (kung gusto nyo) hahaha...
O sya, itutuloy ko na paglalaro. Till next time. :)
Tuesday, July 2, 2013
History
RV: Naappreciate ko ang pagshare mo ng story yesterday. In return, I brought something for you. I’ll give it to you later.
Reyner: Really? That’s so sweet. Thank you so much.
RV is a very sweet looking, young lady and she’ also exceptionally clever. Isa rin sya sa mga killer ng dull moments sa office dahil sa mga kakaibang hirit nya. Well’ I guess dahil na rin yun sa pagiging masayahin nya at pagiging friendly sa lahat. Hindi ko sya masyadong pinapansin noon dahil di ko pa sya masyadong kilala. Masyado rin syang good looking para sa akin na dahilan para dumistansya ako sa kanya. Dumistansya? Oo, dahil sa ilang mga dahilan. Ang tinutukoy ko ay ang mga naexperience ko nito lang nagdaang mga buwan na naging dahilan para maging mailap ako sa tao at maging mas mailap sa mga babae. I managed na hindi maki-get along sa mga babae lalo na sa tulad nya dahil siguro sa tinatawag na “phobia”.
Sinabi ko sa mga naunang post ko ang mga dahilan kung bakit napaaga ang pagdating ng mga bagyo sa buhay ko nitong nagdaang summer. Naikuwento ko rin sa mga malalapit na kaibigan ang istorya ng isa sa mga “biggest failure” ko sa lovelife. Its almost 7 months mula nung maghiwalay kami and sa mga unang buwan ng paghihiwalay na yun ay naghanap ako ng sari-saring outlet para lang gumaan ang pakiramdam ko. Salamat sa mga nakinig at sumuporta saken lalo na sa mga nagbigay ng mahahalagang payo. Pero ang pinakamalaking pasasalamat ko ay napunta sa mga taong totoong nakinig at nakaintindi ng pinagdaanan ko at so far for the longest time, I found an exceptional listener na inakala kong magiging passive lang sa mga maririnig nya.
While waiting for the clock to be at 5 am para makauwi na, napagpasyahan kong makipagkwentuhan naman sa mga hindi ko usually nakakakwentuhan. Lately kase, inilock ko lang ang interaction ko sa iilang mga tao kasali ang mga team mates ko. Sadyang pinili kong bawasan ang social life ko at i-spend lang ang spare hours ko with a handful of people na mapagkakatiwalaan ko. Katunayan, deactivated pa rin ang facebook ko para maiwasan ang too much socializing online at di ko alam kung mareretrieve ko pa ito. Anyway, nakita ko si RV na available that time for some chit-chatting and we started off from simple conversation. Then naging love ang tema nung time na sinabi nyang, historically speaking, highest form of love daw ang male to male relationship (e.g. Alexander the Great and his relationship with his childhood, male friend Hephaestion). Bilang isang ma-utik na thinker pagdating sa mga bagay na may kaugnayan sa love, in-express ko ang madugong pag-oppose ko sa sinabi nya (madugo talaga?) Mangyari kase (pasintabi sa mga gays) ay masidhi ang pagka-dislike ko sa mga gays (pero noon yun) at lately lang nabawasan ang pagkadislike na yun nang may mga naging friends ako na kasali sa koponan ni Bb. Gandanghari. Ayon kay RV, due to superiority na meron sa mga kalalakihan, naisip nang ilan na makipagrelasyon sa mga kapwa nila lalaki para mamaintain ang superiority na yun sa iisang gender lamang. Since love ang pinag-uusapan namin, I pointed it out na hindi matatawag na love ang pakikipagrelasyon dahil lamang sa isang tiyak na purpose. Therefore, hindi matatawag na love at hindi matatawag na highest form of love ang relasyong lalaki sa lalaki kung ibabase sa argument na meron sya. Its still the relationship between opposite sex ang matatawag na highest form of love.
Just to prevent the conversation to turn into an unexpected debate, ipinasya kong i-example sa kanya ang naging lovelife ko na nag-end months na ang nakakalipas. Sinabi ko sa kanya na I so love a girl (who happened to be my total opposite) that I tried hard to blend in sa mga gusto nya para lang magkasundo kami sa mga bagay-bagay. Marami akong mga bagay na hindi ko ginagawa before kahit na sa mga relationships ko, na ginawa ko during our relationship just to show that girl na kaya kong magsacrifice in the name of love, na kaya kong makagawa ng change for that said cause. For example, I almost quit my studies (masteral) just to give her (my ex) enough time and that action, kung natuloy ay masasabi kong pinaka-irrational na nagawa ko sa personal kong buhay. Ngunit worthless yun kung nagkataon dahil sa dikta ng matinding pagkakaiba namin, nauwi rin kami sa hiwalayan. Idagdag pa ang na-short na effort ko para i-please ang mga taong naging isa mga dahilan para tuluyan na kaming magkawalaan…ang mga kaibigan nya. Mga kaibigang hindi ko na-anticipate ang magiging role para sa relasyon naming yun. Well, inisip ko na lang na ginawa ko naman yung best ko…di nga lang enough(Ikaw ba yan James Ingram? ♪♫)
I will not forget the great humiliation that I’ve ever experienced in my whole life mula sa kanya at mula sa mga kaibigan nya nung panahong nagmamakaawa ako for another chance. Despite failure to get that chance, I still managed to recover at ituloy ang buhay. More importantly, hindi ko iwinala ang pag-asa na somehow, somewhere, with a right time, I can still attain happiness with whoever that might come to my life.
Bahagya akong nalungkot pagkatapos kong magkwento at hindi ako sure kung napansin yun ni RV. Matipid ang naging reaksyon nya after ko magsalita at nagbitaw lang sya ng ilang words of encouragement. 5 am na at tapos na ang shift. Tapos na rin ang halos 30 minutes na maiksi pero worth to remember na pag-uusap naming yun.
Kinabukasan, hindi ko inexpect ang sincere na pag-express ni RV ng appreciation sa naging kwentuhan namin lalo na sa pagshare ko ng past lovelife ko. She even gave me a book na talaga namang nagpasaya sakin ng husto. Ang libro ay tungkol sa history. Napakainteresting ng nilalaman nito at para sa history lover na tulad ko, ito ay isang prize possession. Isang sincere na “thanks” ang nasabi ko sa kanya pagkatapos nyang ibigay sakin ang libro.
Si RV ay isang malalim na tao. Ako man ay napagsasabihan din na malalim at minsa’y mahirap “maarok” (diksyunaryong Pinoy translation: maarok-maintindihan). Perp siguro ang pinagkaiba namin, medyo mabigat akong dalhin pero si RV, mas alam nyang makiayon sa agos ng iba’t-ibang sitwasyon kaya di nakakapagtakang mas bukas ang isip nya sa mga bagay bagay. Sa puntong ito, ipinaliwanag nya sakin ang kahulugan at kahalgahan ng pag-move on sa pamamagitan lamang ng isang aksyon at simbolismo. Parang sinasabi nya na ang lahat ng bagay ay nangyayari at lumilipas, pero ang history ay mananatili sa pamamagitan ng ala-ala. At pangit man o maganda ang alaala ng history, tiyak na may mapupulot tayong kaalaman sa mga ito. Kaalamang magagamit natin para maging handa sa pagharap sa mga kaganapang dadating pa sa buhay natin. Mga kaganapang susubok sa abilidad nating magdesisyon. Desisyong magrereflect sa kung anuman ang magiging kasagutan natin sa mga tanong na ito: Papayagan ko bang mangyari itong muli o hindi na?