Friday, November 8, 2013

Makibonding sa Sarili…pag may time

May time na gusto mo nasa isang sulok lang at nakatulala, nag iisip kahit di naman malalim ang iniisip. Gusto mo lang makalayo sa mga bagay na nasanay kang kasama. Di mo alam kung bakit. Siguro for a change? Pero kung madalas nang nangyayari sayo to at mukhang naa-isolate ka na. Wag mong sayangin ang ginagawa mong pag iisa para tanungin ang sarili mo. May problema ba? Wag sayangin ang pagkakataon na yun para makibonding sarili.

Marami ang may gustong palaging may kasama, palaging may kakwentuhan, katawanan at kakulitan. Hindi sila kuntento na mag-isa lang at nakatengga sa isang sulok. Pero hindi man nila aminin, may kung anung nagsasabi sa likod ng isip nila “try mo din kausapin ang sarili mo pag may time”. Sabi ng isa sa mga kaibigan ko, hindi daw magandang idea ang gumawa ng space para lang makapag-isa. Kelangan daw natin palagi ng kasama, ng mga taong makakashare natin ng mga ating mga thoughts. Pero pansinin mo ang nagiging takbo ng mga interactions ng mga tao pag habitual na o yung palagian na lang. Nagiging dull, at worst nawawalan na ng sense ang mga pinag-uusapan. Yet, if you look at them, masaya pa rin sila nagtatawanan sa kahit anung bagay na lang na napapagkwentuhan na mostly kababawan na. Therefore, minsan hindi na yung kung panu tayo makikipagcommunicate o makikipag interact sa tao ang nagpapasaya o nagbibigay ng enjoyment satin kundi yung mindset natin na “masaya kung hindi nag-iisa”. Ewan ko kung may mag-aagree saken pero minsan, tinetake for granted na lang natin ang pakikipag-socialize sa kapwa.

HIndi ko sinasabi na masaya maging loner. Dahil malamang hindi ko naman pinu-point na maging loner ka. Ang sinasabi ko lang, try to talk to yourself minsan. Try to understand yourself. Ask mo sarili mo, bakit may times na kahit andyan ang tropa, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit nasa gitna ako ng gimik o party, di pa rin ako masaya? Bakit may times na kahit sangkatutak ang mga kabarkada ko, hindi pa rin ako masaya? Kase marahil ay may namimiss ka…ang sarili mo.

Sabi daw ang pagmamahal sa sarili ay nakikita sa kung ganu kaayos ang appearance ng isang tao. Kung neat kang tingnan, maganda ang porma, mahal mo sarili mo. Palagay ko hindi sa lahat ng oras. May mga taong kapag kasama ng isang grupo ay okey, parang walang problema pero oras na makapag-isa ay parang kawawa dahil sa lungkot dulot ng kung anuman na pinag-dadaanan. Despite na ganun ang sitwasyon nya kapag mag-isa na lang, BB, FB chat, txting pa rin ang nakakaugalian nyang asikasuhin kung wala talagang makausap sa paligid nya. Pipilitin nyang wag isipin ang pinagdadaanan nya at ida-divert sa ibang bagay. Hindi ko sinasabing mali ang way na yun para maibsan ang lungkot pero kung never mo pa nakausap ang sarili mo ng masinsinan at puro diversion lang ang ginagawa mo…hindi mo sinusolusyonan ang problema mo. Para kang isang bangkang naglalayag na may butas na imbes na tapalan mo ang butas ay nililimas mo lang ang nakapasok na tubig sa iyong bangka at itutuloy ang paglalayag sa sandaling nalimas na ang tubig.

Kung sa tingin mo ay kelangan mo ng time para mag-isa, go ahead. Find some place na kung saan ay pwede kang umiyak, pwede ring tumawa mag-isa, kumustahin at kausapin ang sarili at sa puntong aalis ka na para makuhalubilo muli sa tao ay sabihin mo sa iyong sarili…”babalik ako. hanggang sa next time na bonding natin.” Smile

Share