Maraming nagsisilabasan na tips or guides para sa mga guys
tungkol sa kung panu mo malalaman kung gusto ka ng isang babae, panu ka
magugustuhan ng isang babae etc. This time, para mas intense, subukan nating
i-check ang ating mga sarili bago natin gawin ang mga nabanggit na tips. Bakit
ka nga ba magugustuhan ng isang babae? Ito ay para maiwasan ang pangit na habit
ng pag-aasume o pagbibilang ng sisiw habang di pa napipisa ang itlog.
WARNING: Ang iyong mababasa ay naglalahad ng mga katangian at mga bagay na HINDI kelangang taglay lahat ng isang lalaki. PAGPAPAKATOTOO sa sarili ay kinakailangan.
1. Nag-iisip. Hindi ka henyo, hindi ka katalinuhan at hindi ka rin kabobohan. Sapat lang. Hindi ka man nagkaron ng mala-Einstein na utak o kahit mala-Kuya Kim man lang, nakikita nya na gumagamit ka ng utak na nasasalamin sa kilos at pananalita mo.
Tandaan na naiimpress ang mga babae sa mga matatalinong tao pero natuturn-off sila sa una pa lang pag nakakita na sila ng signs na hindi ka nila kayang kontrolin. Gusto rin ng mga babae ay yung mapapagtanungan nila tungkol sa mga hindi kalalimang bagay na mayroon ding hindi kalalimang sagot. Gusto nila yung mayroong praktikal na kasagutan na malinaw na mabe-visualize nila kesa sa mga mala-E=mc2 ang mga response. Kakambal ng mga thinking na tao ang pagiging maunawain na needless to say ay tinitingnan din ng mga babae sa mga lalaki. Yes, ayaw nila sa mga makikitid ang pag-iisip.
2. Kwela. Lagi mong intensyon na patawanin sya pero di ka trying hard na gawin yun at kahit paano ay meron kang sense of humor.
Sa unang conversation sa mga babae, mahalaga na mapangiti sila at kung mapatawa mo sila, ibang level ka na. Siguraduhin lang na kung magpapatawa ka ay hindi sa extent na magmumukha ka ng stand-up comedian. Always make sure na hindi mako-compromise ang respeto nya sayo at mag-ingat sa pagbitaw ng mga green jokes. Ayaw nila sa pervert.
3. Galante. Hindi ganun karami pera mo, hindi ka anak ng mayaman at lalong hindi ka anak ng corrupt na pulitiko. Gumagastos ka ng pera hindi para magyabang kundi para ilaan sa okasyong iyon na hindi na kelangan ng accountant para kwentahin ang mga nagastos mo. Dahil habang nakikita mong nag-eenjoy ang kasama mo at may sapat kang means para ituloy yun, go lang. Maaaring kuripot ka minsan pero alam mo kung kelan.
Isipin mo kung inaya mo sya ng date at pagdating sa venue ay ipinaalam mo sa kanya na KKB kayo. Hindi lang makapal mukha mo, ang tapang pa ng hiya mo. Ang least na magagawa mo kung talagang short ka sa budget ay hintayin syang mag-initiate pero sana wag na umabot sa ganun, dahil nakafocus ka sa date nyo, dapat nakahanda bulsa mo in the first place. Tandaan na may kusa ang mga babae at ang iba sa kanila ay ayaw isipin na gold digger sila, bilmoko o namemera lang. Ngayon kung talagang rich kid ka, e wag mo naman bilhin si ate...hindi sya for sale.
4. May itsura. Hindi ka kagwapuhan at hindi mo rin kasing katawan si Chaning Tatum pero mukha kang tao, may sense of fashion kahit konti o marunong magdala kahit papano. Ikaw rin yung tao na may tunay na ngiti at hindi inaabuso ang pagpapakita nito (or else pagkakamalan kang autistic).
Gusto ng mga babae yung hindi pa-cute at hindi masyadong maporma. Minsan kase, sa sobrang maporma, napapagkamalan kang aattend ng cosplay. Kung ikaw naman yung type na walang dudang gwapo na talaga, mas ok kung simple ka lang. Wag mong ipangalandakan dahil hindi bano ang mga tao sa paligid mo, nakakita na rin sila ng gwapo.Sa totoo lang, mas gusto ng maraming babae yung hindi kagwapuhan dahil minsan, naiintimidate sila pag sobrang good-looking ng kasama nila. Panatilihin ang tamang postura, makuntento sa kung anung itsura meron ka dahil at the end of the day, character mo pa rin ang mangingibabaw sa isip nya.
5. Humble. Hindi mala-Yolanda ang mga banat mo at walang bahid ng pagmamataas ang kilos at pananalita mo. Though hindi absolute na wala ka talagang kayabangan sa katawan, at least meron kang sapat na amount nun para maging confident ka...not too confident please.
Kung tanungin ka ng babae kung magkano bili mo ng Iphone 6 mo at ano ang mga features nito, sagutin mo ng maiksi at wag mo na pahabain or else magmumukha kang salesman (unless salesman ka talaga). Kung may mga katangian at possesion ka na talagang kapansin-pansin, sabihin mo sa kanya yun in a way na sapat lang para makilala ka nya at wag magmalabis kung ayaw mong mamisinterpret nya ang pagkatao mo. Kadalasan na kapag marami kang kayabangan, nababawasan mo ang pagkakataon ng isang babae para sya naman ang magsalita at magpakilala. Ang resulta, marami kang nai-share na kayabangan pero halos pangalan lang ang natandaan mo sa kanya.
6. Confident. Hindi ka nagpapaligoy ligoy at straight to the point. Alam mo kung anung ginagawa mo at alam mo kung saan ito papunta.
Maraming nang mga mahiyaing kaluluwa ang naglipana sa mundong ito at wag ka na sanang mapabilang dun. Kung ano ang intensyon mo sa isang babae, ipaalam mo na agad though hindi mo kelangang gawing literal sa lahat ng oras at lalong hindi kelangang sa paraang garapal. Dito na papasok ang mga tips na nagkalat sa internet kung paano ipaalam sa isang babae ang nararamdaman mo. Kung rookie ka sa sitwasyong ito, hindi ko inaadvise na magpaka-romantic ka na trying hard naman dahil baka magmukha ka lang ulol. Pero kung veteran ka na sa ganito, ang kailangan mo na lang alamin ay kung anung istilo ang uubra. Basta tandaan na may gauge ang pasensya ng babae at alam nilang hindi sila ang dapat na gumawa ng first move. Kaya kung kasimbagal ng usad ng trapiko sa Pilipinas ang diskarte mo, e magtanim ka na lang ng kamote sa bakuran nyo.
7. Maalalahanin. Alam mo na ang ibig sabihin nito ay ang hindi palagiang pag-check sa kanya at pagremind sa kanya ng mga bagay na obvious namang part na ng routine or else magmumuka kang AI o machine na nakaprogram para gawin yun. Pero alam mo kung kelan dapat na alalahanin sya at iparamdam sa kanya na you're there, that you exist, that you care.
Ang problema sa mga Pinoy, masabi lang na maalalahanin, nawawalan na ng sense of reality. Ang reyalidad ay- hindi kelangan ng mga babae na palagian silang itext o tawagan para lang ipaalam sa kanila ang ginagawa ng normal ng tao o kaya'y ihatid o sunduin sila palagi dahil wala na sila sa gradeschool. Magkaiba ang maalalahanin sa pabida. Ang maalalahanin, tyumetyempo at sincere sa intention, ang pabida, kahit kelan lang o sadyang palagian at gusto lang talaga magpapansin.
8. Gentleman. Pag sinabing gentleman, alam mong hindi ibig sabihin nito ay masyado kang moralista na talagang dapat e standard lahat ng kilos dahil alam mong imposible yun lalo na sa kasalukuyang lipunan. Kaya ikaw yung taong marunong rumespeto, marunong umunawa at kumikilos base sa kung ano ang tama.
Sa pagiging gentleman, hindi mo kelangan ibase lahat ng kilos mo sa kung ano sinasabi ng bibliya o kung ano ang itinuro sayo ng values education teacher mo nung highschool. Ang kelangan mo lang isipin ay yung pagkakaiba ng bawat tao lalo na ng babae't lalaki at kung paano ka magrerespond sa differences na yun. Ang feminine ay iba sa masculine. Kapag alam mo kung panu tratuhin ng tama ang isang babae, gentleman ka.
9. Hardworking. Alam mong bukod sa pakikipagrelasyon, may mga bagay pa sa mundong ito na dapat mong gawin at kung estudyante ka man o working person, nagsisikap ka para mga hangarin mo sa buhay.
But not to the point na talagang workaholic ka at wala ka na halos time. Mahalaga na magkaron ka ng time sa romantic interest mo at lalo na sa official love partner mo. Naappreciate ng mga babae ang mga hardworking na tao dahil nakakaramdam sila ng security lalo na para sa future nila kapag ito ang naging partner nila. Sa totoo lang, maraming mga hardworking na tao ang nagtatagal ang relasyon dahil kapwa nila naiintindihan ang mga sitwasyon nila at kung hardworking din ang prospect mo, siguradong maappreciate nya ng mas malalim ang mga efforts mo.
10. Hindi makasarili. Hindi ikaw ang ideal na model ng kabaitan pero hindi ka selfish at hindi lang puro sarili ang iniisip mo!
Ang hindi pagiging selfish ay ang totoong meaning ng kabaitan. Ito ang pinakamahalaga sa lahat pero mahirap makita ng mga babae sa mga unang encounter sa mga lalaki. Dahil sa simula, ilalaan ni Adan ang lahat ng atensyon nya kay Eba pati mga resources nya at pag nagsuceed na sya sa gusto ay parang "diminishing return" sabi nga sa Economics at unti-unting mawawala, unti-unting magbabago. Kaya kung ikaw ay lalaki, siguraduhin mo na genuine at walang halong pagkukunwari ang pagiging unselfish na ipapakita mo sa kanya. Dahil mas matalino na ang mga babae ngayon at alam nila kung sino ang handang magsacrifice o magcompromise para sa kanila in the name of love na selfless at hindi manggagamit.
Ang mga nabanggit ko ay pawang mga opinyon ko lamang at open for criticsm. Feel free to write your comments. :)