Saturday, July 26, 2014

Pride at Pagpapakumbaba (Humility)


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin ang level ng pride at humility na meron ka.

1. Kapag merong kumorek sa ginagawa o sinasabi mo, ano reaksyon mo?

2. Gaano ka kabilis at kadalas magpatawad sa mga nakagawa ng kasalanan sayo?

3. Pag nakagawa ka ng kasalanan, inaamin mo ba o naghahanap ka ng masisisi?

4. Palagi mo bang iniisip na kaya ka nagtagumpay ay dahil "the best ka" at angat ka sa iba? Ganun mo na lang ba ito ipagmalaki at ipangalandakan sa iba?

5. Madali ka bang mainis sa ibang tao?

6. Minsan ba feeling mo ay bayani ka? O kaya ay yung tipong pag nakagawa ka ng maganda o pabor sa kapwa mo ay dapat marecognize ka kaagad kung hindi man mabigyan ka ng materyal na kapalit?

Kung ang sagot mo sa #1 ay: "Nagagalit ako, badtrip ako pag ganun..." MaPRIDE ka. Nasaktan ang pride mo pero tandaan mo na tayo ay hindi diyos at nagkakamali tayo. Hindi tayo perpekto na kahit ang Pope sa Roma ay may mga pagkakamali sa buhay. Stand to be corrected kung nagkamali ka man ay wag maging OA kung sa tingin mo ay nasa tama ka. Matuto makinig sa kapwa at wag puro ikaw ang nagsasalita dahil sa tingin mo ikaw ang tama. You always learn something new pag may kumorek sayo pero di mo makakamit ang "something new" na yan kung hindi mo matututunan makinig sa sinasabi ng iba. Ang pagtanggap ng pagkakamali ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #2 ay: "Hindi ako mabilis magpatawad.""Piling-pili lang ang pinapatawad ko." MaPRIDE ka. Iniisip mo na sinadya nila yun at ganun-ganun lang ang tingin nila sayo at hinahamon nila ang mga kakayananan mo at...sinaktan nila ang pride mo. Pero wag mo kalimutan na tulad mo, hindi rin perpekto ang kapwa mo. Minsan pa nga ay hindi talaga nila alam ang ginagawa o sinasabi nila. Ang pagpapatawad ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #3 ay: "Kagagawan to ni ____." Yung _____ ang dapat sisihin dito." MaPPRIDE ka. Maaaring napakataas ng tingin mo sa sarili at tulad sa #1, ang perpekto ng tingin mo sa sarili mo at iniisip mo na kung di ikaw ang nagkasala, siguradong merong dapat sisihin. In connection with #2, hindi ka hihingi ng tawad at patuloy na magiging ugali mo na maghahanap ng masisisi. Deadly ang ugaling meron ka katulad ng kung paano namatay ang milyong Jewish nung 1940's dahil sila ang sinisi ng mga NAZI sa pagbagsak ng ekonomiya ng Germany. Huwag manisi ng iba, kung kelangan tanggapin ang sitwasyon, gawin mo dahil nangyari na at sama-sama na lang mag-move on. Ang hindi paninisi ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #4 ay: "I'm so skilled, I'm so talented, ang taas ng pinag-aralan ko at ang layo na ng narating ko thats why im the best." Kayabangan yan di ba? At maPRIDE ka. Iniisip mo na dapat sayo palagi dumepende ang iba dahil ikaw ang may kakayanan na lumutas sa mga sigalot. Hindi ka humihingi ng tulong o suporta sa iba dahil sa tingin mo ay napaka-strong mo at weak sila at wala silang silbi para sayo. Panu na lang ang kasabihan na "No man is an Island"? Kung akala mo na ang dahilan kaya hindi ka umaapproach sa iba ay dahil sa superiority mo, seryosong problema yan. Ang pagkilala at pagkonsulta sa kakayanan ng iba ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #5 ay: "Oo, kase may mga tao talagang stupid, weird, jologs, corny at papansin." MaPRIDE ka. Ikaw ba ang magsasabi kung ano ang hindi stupid? KUng ano ang hindi weird, jologs at corny? Ikaw ba ang magsasabi kung kelan papansin at hindi papansin ang isang tao? Kahit sabihin pa natin na isa ka nang ganap na institusyon sa society na ginagalawan mo, hindi standards mo ang dapat masunod dahil sa katotohanan na iba-iba ang bawat indibidwal. Hindi ikaw ang magdidikta kung alin ang normal na gawin ng iba para lang ma-please ka. Ang pag-unawa at pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng bawat tao ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #6 ay: "Unfair kung nag-effort ako tapos wala man lang recognition o kapalit." Selfish ka o puro sarili lang iniisip at walang dudang maPRIDE ka. Paano kung ang isang bagay o isang sitwasyon ay nangangailangan ng participation mo pero dahil nakikita mo na hindi ka naman kikilanin sa parteng yun, hindi mo na lang papansinin? Paano kung sa gitna ng problema at kaguluhan at kelangan ng pakikiisa mo pero iniisip mo na wala ka naman mapapala kung makikiisa ka, babalewalain mo na lang? Humility is not thinking less of yourself but thinking of yourself less. Hindi kahit kailanman nakakasakit sa dignidad ang pagtulong lalo na't para sa ikabubuti ng iyong kapwa. Ang reward at recognition ay hindi tamang gawing motivation sa lahat ng oras para lang makuha ang willingness mo na umaksyon para sa iba. Make it unconditional, make it pure and make it selfless. Sa puntong ito, ikaw ay mayroong pure humility and zero pride kung hindi ka selfish.

Ang artikulong ito ay bunga ng aking self-reflection at sa tulong din ng link na to.

Share