Tuesday, July 2, 2013

History


RV: Naappreciate ko ang pagshare mo ng story yesterday. In return, I brought something for you. I’ll give it to you later.
Reyner: Really? That’s so sweet. Thank you so much.

RV is a very sweet looking, young lady and she’ also exceptionally clever. Isa rin sya sa mga killer ng dull moments sa office dahil sa mga kakaibang hirit nya. Well’ I guess dahil na rin yun sa pagiging masayahin nya at pagiging friendly sa lahat. Hindi ko sya masyadong pinapansin noon dahil  di ko pa sya masyadong kilala. Masyado rin syang good looking para sa akin na dahilan para dumistansya ako sa kanya. Dumistansya? Oo, dahil sa ilang mga dahilan. Ang tinutukoy ko ay ang mga naexperience ko nito lang nagdaang mga buwan na naging dahilan para maging mailap ako sa tao at maging mas mailap sa mga babae. I managed na hindi maki-get along sa mga babae lalo na sa tulad nya dahil siguro sa tinatawag na “phobia”.
Sinabi ko sa mga naunang post ko ang mga dahilan kung bakit napaaga ang pagdating ng mga bagyo sa buhay ko nitong nagdaang summer. Naikuwento ko rin sa mga malalapit na kaibigan ang istorya ng isa sa mga “biggest failure” ko sa lovelife. Its almost 7 months mula nung maghiwalay kami and sa mga unang buwan ng paghihiwalay na yun ay naghanap ako ng sari-saring outlet para lang gumaan ang pakiramdam ko. Salamat sa mga nakinig at sumuporta saken lalo na sa mga nagbigay ng mahahalagang payo. Pero ang pinakamalaking pasasalamat ko ay napunta sa mga taong totoong nakinig at nakaintindi ng pinagdaanan ko at so far for the longest time, I found an exceptional listener na inakala kong magiging passive lang sa mga maririnig nya.
While waiting for the clock to be at 5 am para makauwi na, napagpasyahan kong makipagkwentuhan naman sa mga hindi ko usually nakakakwentuhan. Lately kase, inilock ko lang ang interaction ko sa iilang mga tao kasali ang mga team mates ko. Sadyang pinili kong bawasan ang social life ko at i-spend lang ang spare hours ko with a handful of people na mapagkakatiwalaan ko. Katunayan, deactivated pa rin ang facebook ko para maiwasan ang too much socializing online at di ko alam kung mareretrieve ko pa ito. Anyway, nakita ko si RV na available that time for some chit-chatting and we started off from simple conversation. Then naging love ang tema nung time na sinabi nyang, historically speaking, highest form of love daw ang male to male relationship  (e.g. Alexander the Great and his relationship with his childhood, male friend Hephaestion). Bilang isang ma-utik na thinker pagdating sa mga bagay na may kaugnayan sa love, in-express ko ang madugong pag-oppose ko sa sinabi nya (madugo talaga?) Mangyari kase (pasintabi sa mga gays) ay masidhi ang pagka-dislike ko sa mga gays (pero noon yun) at lately lang nabawasan ang pagkadislike na yun nang may mga naging friends ako na kasali sa koponan ni Bb. Gandanghari. Ayon kay RV, due to superiority na meron sa mga kalalakihan, naisip nang ilan na makipagrelasyon sa mga kapwa nila lalaki para mamaintain ang superiority na yun sa iisang gender lamang. Since love ang pinag-uusapan namin, I pointed it out na hindi matatawag na love ang pakikipagrelasyon dahil lamang sa isang tiyak na purpose. Therefore, hindi matatawag na love at hindi matatawag na highest form of love ang relasyong lalaki sa lalaki kung ibabase sa argument na meron sya. Its still the relationship between opposite sex ang matatawag na highest form of love.
Just to prevent the conversation to turn into an unexpected debate, ipinasya kong i-example sa kanya ang naging lovelife ko na nag-end months na ang nakakalipas. Sinabi ko sa kanya na I so love a girl (who happened to be my total opposite) that I tried hard to blend in sa mga gusto nya para lang magkasundo kami sa mga bagay-bagay. Marami akong mga bagay na hindi ko ginagawa before kahit na sa mga relationships ko, na ginawa ko during our relationship just to show that girl na kaya kong magsacrifice in the name of love, na kaya kong makagawa ng change for that said cause. For example, I almost quit my studies (masteral) just to give her (my ex) enough time and that action, kung natuloy ay masasabi kong pinaka-irrational na nagawa ko sa personal kong buhay. Ngunit worthless yun kung nagkataon dahil sa dikta ng matinding pagkakaiba namin, nauwi rin kami sa hiwalayan. Idagdag pa ang na-short na effort ko para i-please ang mga taong naging isa mga dahilan para tuluyan na kaming magkawalaan…ang mga kaibigan nya. Mga kaibigang hindi ko na-anticipate ang magiging role para sa relasyon naming yun. Well, inisip ko na lang na ginawa ko naman yung best ko…di nga lang enough(Ikaw ba yan James Ingram?  ♪♫)
I will not forget the great humiliation that I’ve ever experienced in my whole life mula sa kanya at mula sa mga kaibigan nya nung panahong nagmamakaawa ako for another chance. Despite failure to get that chance, I still managed to recover at ituloy ang buhay. More importantly, hindi ko iwinala ang pag-asa na somehow, somewhere, with a right time, I can still attain happiness with whoever that might come to my life.
Bahagya akong nalungkot pagkatapos kong magkwento at hindi ako sure kung napansin yun ni RV. Matipid ang naging reaksyon nya after ko magsalita at nagbitaw lang sya ng ilang words of encouragement. 5 am na at tapos na ang shift. Tapos na rin ang halos 30 minutes na maiksi pero worth to remember na pag-uusap naming yun.
Kinabukasan, hindi ko inexpect ang sincere na pag-express ni RV ng appreciation sa naging kwentuhan namin lalo na sa pagshare ko ng past lovelife ko. She even gave me a book na talaga namang nagpasaya sakin ng husto. Ang libro ay tungkol sa history. Napakainteresting ng nilalaman nito at para sa history lover na tulad ko, ito ay isang prize possession. Isang sincere na “thanks” ang nasabi ko sa kanya pagkatapos nyang ibigay sakin ang libro.
Si RV ay isang malalim na tao. Ako man ay napagsasabihan din na malalim at minsa’y mahirap “maarok” (diksyunaryong Pinoy translation: maarok-maintindihan). Perp siguro ang pinagkaiba namin, medyo mabigat akong dalhin pero si RV, mas alam nyang makiayon sa agos ng iba’t-ibang sitwasyon kaya di nakakapagtakang mas bukas ang isip nya sa mga bagay bagay. Sa puntong ito, ipinaliwanag nya sakin ang kahulugan at kahalgahan ng pag-move on sa pamamagitan lamang ng isang aksyon at simbolismo. Parang sinasabi nya na ang lahat ng bagay ay nangyayari at lumilipas, pero ang history ay mananatili sa pamamagitan ng ala-ala. At pangit man o maganda ang alaala ng history, tiyak na may mapupulot tayong kaalaman sa mga ito. Kaalamang magagamit natin para maging handa sa pagharap sa mga kaganapang dadating pa sa buhay natin. Mga kaganapang susubok sa abilidad nating magdesisyon. Desisyong magrereflect sa kung anuman ang magiging kasagutan natin sa mga tanong na ito: Papayagan ko bang mangyari itong muli o hindi na?

Share