2:50 am. Nagbabrowse ako ng net habang umiinom ng mainit na kape. Naisipan kong buksan ang email ko na reyner561@hotmail.ph na siyang receiver ng mga comments or concern mula sa aking mga reader. Ito ang letter na sobrang pumukaw ng aking pansin at napagpasyahan kong i-share sa inyo ang nilalaman nito pagkatapos kong kunin ang consent ng letter sender. Hindi ako si Papa Jack pero susubukan kong resolbahin ang problemang idinulog ng tawagin na lang nating si Yeanah of Makati.
Dear Reyner,
Hi. How are you? I hope you're doing well.
I just finished reading your blog posts. I really like them and I found them interesting. Just call me Yeanah, I'm 26, not yet married but in serious trouble right now with the kind of relationship that I have with this certain guy. The guy is neither my boyfriend nor someone that I can call mine. He's committed to someone else and he brought it up to me the first time we met. I used to have a boyfriend but he's no longer here on earth just few months ago. I really love my bf but i have to move on. So i found this guy whom happened to be my business partner. Our relationship evolves more on "sex" and I'm totally aware that its really wrong and I'm feeling terribly guilty every time i wake up in the morning.
I have a feeling na ginagamit nya ako for both his career and sexual needs. I do believe na sobra syang nagbebenefit sa skills and resources ko for our business and that I think is one of the reason why he's keeping me beside him. Pero tuloy pa rin ang relasyon namin despite that. One time pa nga ay nameet ko ang gf nya who happened to be part of the company together with our business associates. But prior to that, pinakiusapan na ko ni guy na pakitunguhan ko ng maayos ang babaeng yun at mag-act ako na totally wala kaming ugnayan sa isa't isa ng magaling nyang boyfriend. Sobrang napakahirap nun para sakin pero kinaya ko. Mahal ko na kase sya at ayoko syang madissapoint sakin.
Just recently nag-usap kami about how we should go about this affair. I'm totally bothered na kase to the fact na kamamatay lang ng bf ko tapos ganito ang ginagawa ko, talagang hindi ito tama. I asked him, shall we keep our relationship like this while being business partners at the same time or do we need to choose only one? Ibinalik nya sakin yung tanong at napagkasunduan namin na ipagpatuloy ang ginagawa namin while working together on our business. Pumayag naman ako at inisip ko na lang na isa ito sa mga adventure ng buhay at bilang isang adventurer, tatanggapin ko to kahit delikado at tiyak na may masasaktan at the end of the day. To be honest, confuse din ako sa meaning ng buhay at gusto ko itong iexplore para mas maintindihan pa. Naniniwala din ako na sa ganitong paraan ay mas magiging mature ako. Pero tama ba ito? Tama ba itong pinasok ko? Alam ko na ang consequence pero bakit andito pa rin ako?
After reading some of your articles, narealize ko na dapat ko na syang i-let go pero paano? Araw-araw kaming nagkikita sa office at totoong napaka-sweet nya sa akin though di ko sure kung may feelings sya sakin while i have no doubt na mahal nya ang gf nya. Despite na para akong tanga na palagi nyang katext ang gf nya kahit magkasama kami at pati sarili kong laptop ay ginagamit nya para magsend ng email sa girlfriend nya ay ok pa rin yun sakin. Ni hindi nya nga ko natetxt pag hindi kami magkasama or itext nya man ako, siguro dahil bored sya.
Please, I need your advice. Alam kong katangahan na to pero ayoko nang magpakatanga pa. Ano bang dapat kung gawin? I'm hoping for your response Reyner. Thanks.
Best regards,
Yeanah
-------------------------------------------------
Dear Yeanah,
Thanks for reaching me here. Naappreciate ko talaga na napagtyagaan mong basahin ang lahat ng blog posts ko. Iilang libong readers lang kayo ng blog ko na kayang gawin yun (mayabang ako at may pagkasinungaling, hindi pa naman umaabot ng libo ang readers ko. wish ko lang. hahaha). By the way (highway), after reading your letter meron akong ilang bagay na natuklasan sayo:
* Labis kang nangulila sa iyong namayapang irog (irog talaga?)
* Humble ka, totoong tao at hindi nahihiyang umamin na confuse ka pa rin sa meaning ng buhay. Palagay ko'y fan ka ni Confusius.
* Matapang ka para sa uri ng adventure na pinasok mo. Walang sinabi si Indiana Jones sa'yo (tao ba yun? movie yun di ba? yun na yun).
* Open minded ka sa usaping sexual na sapat na para tawagin kang "matured".
* Alam mo ang ginagawa mo pero kulang ka sa control kaya masasabi kong medyo iresponsable ka pagdating sa bagay na yan.
* Maswerte ka dahil di ka nabuhay nung panahon ni Rizal dahil kung nagkataon ay nakasama ka sa GOMBURZA. Martir ka teh!
* Mahilig ka sa "unli" kaya hindi mo napapansin na sobra ka ng nagagamit. (For only P25 get Unlimited Text to All Networks + 1 hour mobile Internet. Just text UALL25 to 8888.)
May kasabihan na asawa nga daw ay nasusulot pa, boyfriend pa kaya? Pero hindi yan ang gusto kong isuggest na gawin mo. Naiintindihan ko na siguro ay ayaw mo ring masaktan ang gf ni lalaki at natatakot ka ring subukan na papiliin sya kung sino sa inyong dalawa ng gf nya. Malawak ka mag-isip at sa paraan mo kung paano marelieve ang sentimyento mo, tunay na kokonti lang ang nakakaisip nyan. Ngunit hindi habang buhay ay puro "sweet lemoning" or looking at the bright side na kesyo I'm learning something from it that somehow it teaches me lessons in life. To be frank (my way?), hindi ako fan ng mga invalid na paraan ng pagkatuto sa buhay. You can learn lessons in life and you can be a better person by good means, not by the thing that you are into right now. Pero since nag-engage ka na sa ganyang klase ng practice, don't you think you've already acquired enough lessons from it and its time for you to STOP doing such. Otherwise, pati dangal mo ay tuluyan nang mawawasak at hindi mo gugustuhing mangayari yun. Eto na nga at gusto mo nang matigil ang kahibangang yan. Ang tanong mo nga ay paano?