Monday, April 15, 2024

Safe bang kainin ang balat ng mangga? Usapang anti-cancer tayo.

 

Paano naman ako napunta sa topic ng mangga? Well, since nag-stop ako uminom ng alak, naghanap din ako ng pwedeng ipasok sa sistema ko na healthy at lalong magpapabawas ng craving ko sa alak. Also, since ang tagal kong nalulong sa alak e hindi ako nakakasigurado sa risk ng cancer na isa sa mga kumplikasyon nito so naghahanap talaga ako ng panglaban dito. Kaya bukod nga sa pakwan, saging na syang palagi kong nakikita sa tabi ng kalsada, ngayon ay eto at panahon na naman ng mangga at panahon na naman para-mastress yung officemate mong hugis mangga na laging binubully. Anyway, dinaig ko pa ang naglilihi at bigla akong nagcrave so nagcheck ako ng pede mahingan o mabilhan ng mangga na organic at natural, walang pesticide. Baket? Kase may habit ako na pati balat ay kinakain ko at hindi mo gugustuhing kainin ang balat ng mangga na hindi ka sigurado kung saan nanggaling. Thankfully may mga friends tayo sa Norte na napaka sweet (kasing sweet ng mangga nila) na hindi ako binibigo tuwing panahon ng mangga at palagi akong pinapabaunan pauwi mula sa mga puno nila.

Nagsimula akong kumain ng balat ng mangga nung bata ako. It was 1998 at talagang napakahirap ng buhay. El NiƱo na malala na nagpahirap sa mga magsasaka at idagdag pa ang Asian Financial Crisis na nakaapekto din sa Pilipinas. I grew up in Bicol at talaga namang kung usapang prutas kasama na ang mga weird at bihirang makita sa ibang lugar e maaamaze ka sa probinsyang kinalakhan ko. I remember eating pili na hindi lang yung laman, pati balat basta lalagain muna. At dahil nga tag-gutom at hindi katulad ng mga kabataan ngayon na hindi pinapansin ang mga prutas, kami noon ay talagang "nagpo-fruit bearing trees hopping". Dahil din sa kakulangan ng bigas at ulam, e napili namin magmukbang na lang ng mga prutas. Isa ang mangga sa mga pinakapaborito ko pero kung kakainin ko sya on the spot na wala akong dalang kutsilyo, its either babalatan ko sya ng ipen or iuuwi ko na lang. Meaning maglalaway ako habang pauwi sa bahay at hindi sya ok. Then natuklasan ko na itong indian mango or paho kung tawagin samen ay hindi naman pala ganun kapangit ang lasa ng balat. So kinakain ko sya kahit pagkapitas pa lang at mula noon, hindi na ko nag-aabala na balatan pa ito. Bukod sa less hassle, dagdag laman tiyan pa. Pero syempre pag hindi fresh at nabili lang sa fruit stand, hinuhugasan ko ng mabuti kase di ka nakakasigurado kung may pesticide yan. Though later on, mas gusto ko na yung mga mangga lang sa palibot ng bahay na sure na hindi inisprayan at safe kainin ang balat. Check mo din kung may allergy ka sa balat ng mangga lalo na yung mga friends natin dyan na maseselan. Baka bigla ka na lang mamamantal at mangati. Base sa pag-aaral, maaaring may allergic reaction ang iba sa balat ng mangga so ingat.


Bakit ka naman kakain ng balat ng mangga kung may bagoong ka? Well kanya kanyang taste yan. Hindi ko trip ang may bagoong. Asin lang or kahit walang asin, talo talo na. Base sa pag-aaral, may compound sa balat ng mangga na baka magpabago ng isip mo tungkol sa hindi pag-kain nito. Ito ang tinatawag na triterpenes at triterpenoid na pawang anti-cancer at anti-diabetes. Bukod sa mga bagay na yun, mayaman din sa fiber ang balat ng mangga so idagdag mo pa yung laman, baka mas maging mabilis ka pa kesa sa PLDT. Kidding aside, fiber is good sa digestion para sa mga tulad ko dyan na nagkaroon na ng problema sa tiyan, try nyo ang balat ng mangga. Meron ka pang vitamins A, C, E at B6 pati potassium at copper na matatagpuan sa mismong laman na kung titirahin mo din yung balat, may parehong uri ng vitamins na madadagdag plus yung anti-cancer at anti-diabetes na sa balat lang matatagpuan. So kargado ka ng bitamina at minerals, may anti-oxidant ka pa na panlaban sa alta-presyon at iba pang heart disease.

Pero muli, may kanya-kanya tayong preference sa pag-kain ng mangga. Suhestyon ko lang naman kung trip mo din kainin yung balat ng indian mango (again indian mango lang ang matotolerate mo ang lasa pero i-try mo din yung ibang uri ng mangga kung matitripan mo yung balat). Para saken, oo medyo mapakla yung balat pero yung health benefits na ngayon ko lang narealize (dahil dati nga e dala lang ng tag-gutom), baka i-consider mo din na kainin. Personally, anything na anti-cancer na pagkain, go ako.

Advance thank you na agad sa mga friends pa dyan na nais magbahagi ng mga sobra nilang mangga or kung may tip kayo kung saan pede makabili ng bagong pitas at walang pesticide, timbrehan nyo naman ako. Happy mangga season sa lahat at nawa'y maging source ng nutrisyon ang mangga, hindi ng pangbo-bully. Ok? Kung medyo mahaba ang baba nya, be nice na lang. Perfect ka? :D

Share