Pag nalalasing ako, CR ko at kama ko buong mundo. May pa-feeding program din ako sa mga itik at wala akong hiya. Pero nakakapagod din pala yung ganun. Gusto ko na magbago.
13 y/o pa lang ako nang unang makatikim ng alak pero kelan lang nang tuluyan akong magkaproblema sa sobrang pag-inom nito. May pagdugo na sa loob ng tiyan ko dahil sa acute gastritis. Ilang beses ko na din inakalang inaatake ako sa puso pero heartburn pala dahil sa acid. Pero sa kabila ng mga karamdaman na yan, wala ako balak na huminto sa pag-inom ng alak. Wala...hanggang nang nadepress ako at naranasan yung direktang epekto ng alak sa utak ko.
Dalawang linggo na nakakalipas nang makaramdam ako ng sobrang pagka-down. Umiinom kami nun ng utol ko (which was my last drinking session) nang bumuhos yung emosyon ko na parang eksena sa pelikula ni Baron Geisler. Hindi ko na nakayanan yung mga problemang dinadala ko at nung gabing yun balak ko talaga ay mamaalam lang sa utol ko kase gusto ko na umalis sa earth (seryoso). E nung tumaas na tama ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutulo ang luha habang nagpapaliwanag ang utol ko sa opinyon nya tungkol sa mga Pinoy na winalangya ng mga Intsik sa West Philippine Sea. Makabansa ako pero hindi ako para magreact ng ganun sa isang balita na wala namang personal na epekto sa akin. Dun na ako nabuko ng utol ko na may pinagdadaanan ako na mas seryoso kesa sa kinukwento nya. To make the long story short, nag-usap kami ng masinsinan at awkward man kase hindi naman kami lumaki nang ganun na parang drama-rama sa hapon, pinakinggan nya ko at pinayuhan. Bale idinetalye ko na din yung background story ng pagka-alcoholic ko sa link na to: Paano nga ba ako naging alcoholic? para di ka na mahirapang mag-marites. Pero ang purpose ko talaga sa journal na to ay maibahagi (realtime) yung mga pagbabago saken habang lumilipas yung mga araw na hindi ako lasing. E malay mo baka maisip mo rin na sabayan ako pero ihanda mo sarili mo. Kase kung kasingtindi na ng kaso ko ang pagka-alcoholic mo, so far, eto ang mga nararanasan ko. Basa!
Sa loob ng 24-48 hrs na walang alak sa sistema ko, ang una kong naramdaman ay yung hindi maipaliwang na lungkot at kawalan ng pag-asa. Tipong pakiramdam ko e basurang-basura ako at wala na akong space dito sa mundo. Anxiety na malala talaga. Mga ilang minuto akong nakatingin nun sa mga kabaong sa malapit na funeraria (kase di ba may salamin yung funeraria para makita mo yung mga kabaong sa loob para sa effective marketing) at para akong gago habang nakabilad sa araw. 24 hrs na ko walang tulog nun kase di ako nakakatulog pag di ako nakainom so parang pinapanawan na ko ng katinuan. Tapos sabi ko sa utol ko, "tol dyan muna ako sayo kase natatakot ako mag-isa". Cringey pakinggan pero maniwala ka saken o hindi, pag ang tao may sintomas na ng pagiging suicidal, walang baduy na dahilan kung bakit nya naiisip yun. Dahil gaano man kababaw sa tingin mo ang dahilan para perwisyuhin nung tao yung sarili nya? I-extend mo yung pag-unawa mo at tulungan mo yung tao kase naniniwala ka man sa mental health problem o hindi, ang huling bagay na hindi mo nanaisin mangyari ay ang mapahamak ang taong malapit sayo sa sarili din nyang kamay. Yun ay kung may malasakit ka. Anyway, nung araw na yun pagkatapos ng eksena sa funeraria, sinubukan kong matulog sa place ng kapatid ko. Paputol-putol na tulog pero at least meron kesa manatiling gising tapos tulog na forever pagkatapos di ba?
Bukod sa struggle sa tulog at extreme anxiety, wala din ako ganang kumain at medyo nanginginig kamay ko na para akong pasmado. Nang tumingin ako sa salamin, I looked like shit. Para akong zombie sa "World War Z" na nagngangalit ang ngipin. Halos ayaw ko na umalis sa place ng utol ko kase feeling ko tatalon ako sa tulay tapos babagsak ako sa NLEX (tulay yun sa Guiginto) dahil parang may bumubulong saken na ewan, hallucination! Yan yung mga naexperience ko kasama syempre ng pagsuka ng may kasamang dugo dahil sa acute gastritis ko.
Sa ika-tatlong araw, grabe na yung paghahanap ko ng alak. Para akong hayok na hayok na mawawalan ng malay pag di ako nakainom. So ang ginawa ko, uminom ako ng madaming tubig dahil hindi ko din maipaliwanag yung uhaw ko. Tubig lang ng tubig hanggang sa mahilo ako sa dami ng tubig na nainom ko. Nakakakain na ko nun ng ok pero ang dalas ko madumi. Almusal, tanghalian, hapunan magse-CR ako pagkatapos. Pero sa ikatlong araw nakakaramdam na ko ng improvement. Nung araw na yun, bumyahe kami ng utol ko pa-probinsya at parang first time na naexcite ako na makipag-usap sa tao. Hindi ako nakatulog sa buong byahe kahit halos wala akong tulog nung nagdaang araw kase kwento lang ako ng kwento sa utol ko na para bang miss na miss ko sya hanggang namalat na boses ko kakasalita. Weird! Pero at that point, feeling ko nagsstart na yung changes sa behaviour ko at nagsstart na ko makaramdam ng pagkagaan sa loob.
Nung nakita ko nanay ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, para bang may kung anong pwersa na humambalos saken at nagsabing "Yan ba yung mga gusto mong iwan?". Hindi ko maexplain yung saya na para bang ilang dekada ko silang hindi nakita at namiss ko sila nang husto kahit hindi pa naman ganun katagal since last kami nagkasama-sama. Well most of the time pag kasama ko sila, lasing ako. Kaya siguro namiss ko sila ng husto. Ang ugali ko pa nun, pagdating na pagdating ko, iinom agad ako ng alak at yun yung temptation na kinalaban ko kaagad pagdating namin sa bahay.
4th day, umatake na naman yung anxiety ko. Natagpuan ko sarili ko na nakatulala sa terrace namin at iniisip nang malalim yung mga ala-ala ni "Michael Jordan" (itago na lang natin sya sa code name na yan). Yung tulog ko, installment pa din at panay pa din inom ko ng tubig. Mabuti na lang, sa probinsya ang daming prutas na nakatulong sa hydration ko at masarap sa pakiramdam na may mga sustansya na pumasok sa katawan ko. Usually kase after ko uminom ng alak, kung hindi lucky me beef e pares na puro vetsin at punong-puno ng kidney problems ang tinitira ko. Ang sarap kase ng maalat at masebo pag lasing or pag may hangover. Anyway, hindi ako nagsettle sa ganung pakiramdam. Sabi ko eto na yung perfect time para simulan ko yung mental toughness o tibay ng pag-iisip na kaya ko! Kaya kong talunin itong adiksyon na to. So kinuha ko ang bisekleta at nagbike ako hanggang parang malalagutan na ko ng hininga sa pagod. Napakasarap sa pakiramdam! Pero nagslow down ako kase parang mahihimatay na ko sa init. Heat stroke is real lalo na't ang tagal ko nang walang exercise.
Nakatulog ako ng mahimbing nung gabing yun dahil sa sobrang pagod at nagustuhan ko yun. So kinabukasan, nagbike ulet ako. Pero dahil wala pa sa kondisyon ang katawan ko at nagrerecover pa din, naaksidente ako. Laptrip at kahit may mga galos ako, tuloy lang hanggang hindi na ko makapedal kase masakit tuhod ko na naitukod ko nung nag-ala Jackie Chan ako sa pinagsemplangan ko. For a moment, nakalimutan ko ang alcohol at alam ko, achievement yun.
Kinabukasan, easter sunday at eto na yung kinatatakutan kong araw at dito masusubok kung talagang handa na ko i-give up ang alak. So pumunta kami ng dagat, family bonding kasama ang mga kababata at tropa kong 50% tao at 50% quatro kantos. Nang makita ko pa lang yung alak biglang nanuyo lalamunan ko. Panaka-nakang inaalok nila ako ng tagay pero syempre tumanggi ako. Pero deep inside naiimagine ko yung hagod ng alak sa lalamunan ko. Sumali pa din ako sa circle nila para dagdag challenge pero syempre palagi ako tumatanggi. Isang tropang totoo ang nag-inspire saken nung araw na yun. 4 years syang tumigil sa pag-inom at ineducate nya ko kung paano nya yun nagawa at talagang naimpress ako. Nirerespeto nya yung gusto kong mangyari sa katawan at isipan ko na lalong nagpatibay sa paninindigan ko na wag uminom. Nagkaproblema lang sila ng konti kase kung gaano ako kalakas magkwento e ganun din ako kalakas mamulutan. Nagmukbang ako sa beach nung araw na yun. Parang medyo kumapal yung mukha ko pero hindi sa alcohol kungdi dahil sa pamumulutan na walang habas. Mahalaga nasurvive ko yung araw na yun na wala kahit isang patak ng alcohol na pumasok sa sistema ko. Sobrang proud ko at isa yung milestone sa hangad ko na tuluyan nang magwithdraw sa alak.
Sa mga lumipas pang mga araw hanggang sa kasalukuyan, napapagtagumpayan ko pa din na wag uminom ng alak. Although after work, nasstress at andyan na naman yung nakagawiang tumagay, ibinabaling ko na lang sa ibang bagay. Nagjajogging ako, nagbabike at eto...nagsusulat. Naisusurvive ko yung maghapon doing things na matagal ko na dapat ginawa imbes na tumagay nang tumagay. Mas naging matalas na yung pag-iisip ko ngayon athough hindi ko pa rin kayang i-solve ang algebra at least naiisip ko na yung tama. May anxiety pa din at umaatake pa din pero hindi na malala at natatalo ko na. Hindi pa din perfect kase natutulala pa din ako pagmiminsan. Pero mahalaga hindi nauuwi sa pagbukas ng bote ng serbesa.
Hanggang dito na lang muna at bilang pagtatapos ng post na to, hayaan niyong sabihin ko na salamat kase nagawi kayo dito. Lumalaban pa din ako sa araw-araw at 2 weeks pa lang akong sober. Pero yung ambisyon ko na itawid ito hanggang sa ika-365 days ay sadyang ganun ka-strong. 365 days pag kinaya ko yan, kaya kong ituloy-tuloy yan hanggang sa tuluyan na akong maging alcohol-free for life. For now, itatawid ko muna to for a month then another month and another month at wala akong plano na i-dissapoint lalo na yung mga naniniwala saken. Message nyo ko kung nagdadaan kayo sa parehong isyu at gusto nyo magshare or kung magsstart pa lang kayo huminto, siguro pwede tayo magkwentuhan at magtulungan.
FB: @reyner561
TG: @rvyner
IG: @rxv561
See you again. :)