Sinilip ko yung ibang topics na sinulat ko dati nung hindi pa malala ang pagiging alcoholic ko para ikumpara panu ako mag-isip nun kesa ngayon. Wow. Parang mas may sense pa ko nun kesa ngayon. Hindi naman sa pagmamayabang pero dati, ok ang thought processes ko at kahit ako humanga sa mga dati kong naisulat. Ngayon, patuloy na gumaganda ang estado ng mentalidad ko, unti-unti nang nanunumbalik ang dating "sense" ko (a month sober and counting). Heto nga at himayin natin ang pinagsasabi ko sa entry na to nung 2018 at gaano ba ito kaakma sa pinagdaanan ko.
Sa sinulat kong "Signs na HINDI ka Bagay sa Long Distance relationship (LDR)", ako mismo ang tinamaan sa sa mga argumento ko dito. Lalo na sa ika-4 na reason kung bakit sablay ka sa LDR, nabanggit ko yung pagiging warfreak o mainitin ang ulo. Ni sa hinagap ay hindi ko nakita na ako din ang tatamaan ng naturang pahayag. Pero ang naging kulang ko sa argumento na yan ay ang "adiksyon". Adiksyon sa mga substance na nakakapagpabago ng karakter natin at way of thinking like drugs pero on my case...alcohol. So magfocus tayo sa alcohol at kung paano ba ito nakakadagdag sa pagiging iritable natin. On my case, hindi ako naturally warfreak. Alam ko yan dahil nung 2018 nang sinulat ko yan, on the rocks kami ng ex ko na nuon ay nagdesisyon kaming maging LDR to find ourselves. Halos lahat ng reasons ko dyan ay patungkol sa kanya. Sya yung yung palaging galit at iritable, sya yung palaging nag-checheck at sya rin yung palaging wala sa mood. She's a party girl na halos halos gabi-gabing lasing. Hindi pa ko ganun kalulong nung time na yan pero pag nakainom ako, nagka-clash kami until tuluyan na kami magkalabuan at naghanap na nga sya ng iba.
Kapag uminom ka ng alak, ang pinaka kritikal na maaapektuhan nito ay ang iyong frontal lobe. Ang frontal lobe ang bahagi ng utak na responsable sa abilidad mong magdesisyon at magkontrol sa mga gusto mong gawin o sabihin. Pag nakainom ka na ng alak, since dominado na ng alcohol ang frontal lobe mo, lalabas yung mga negativities mo na mainly nanggaling sa amygdala (emotion center ng utak). *Bago ko ipagpatuloy ang explanation, hindi po ako expert at baka ma-bash ako ng mga psych major dyan pero nagturo ako ng general psychology sa college at kahit gasgas na yung memorya ko, tinatry ko best ko pero welcome sa correction po mga kapatid, kung may mali man akong nasabi. Anyway, pag sumirit na yung emosyon mo, mawawalan na ng kontrol ang utak mo at sasabihin mo yung mga nakakatoxic at nakakasakit na words. On some occasion pag smooth naman yung tama ng alcohol at wala naman kayong conflict, nagiging super lambing naman ng isang partner (insert "Pag Lasing, Dun ka lang Malambing" by Mayonnaise). Pero lets focus sa negative na resulta ng alcohol sa negative na emosyon pag amats na at tulad nga ng sinasabi ko, pag ang lalaki na ang naging madada at naging "kupz" sa chat or sa call, better check kung lasing ba yan or meron nang problema sa alcohol. Hindi lang lasing ang nagkakaproblema sa utak kungdi yung mga matagal nang umiinom so take note of that as well. So minsan kahit hindi sya nakainom, matalim pa rin sya magsalita at walang pakelam sa feelings mo kase baka alcoholic na sya. Although hindi natin inaalis yung posibilidad na baka ganun na talaga ang karakter nya kahit wala namang substance abuse. No hate sa mga babae, madalas kahit wala namang alcohol problem, ang parehong sintomas ng epekto ng alcohol ay minsan nakikita sa kanila. I'm saying na hindi lahat ay alcohol related sa ibang tao. Pwedeng sobrang lalim na talaga ng pinaghuhugutan or sadyang overthinker lang. Wag din nating alisin yung posibilidad na sobrang stress yung tao at ang stress ay nakakapagpago din ng takbo ng utak at disposisyon.
While its highly advisable na palaging klaro ang pag-iisip natin (na dapat naman talaga sa lahat nang pagkakataon pero in this case sa LDR), sa bandang huli, naniniwala pa din ako na kung para kayo sa isa't isa, kayo talaga. Kahit anong pagdaanan nyong pagsubok malapit man o malayo kayo, malalagpasan nyo at mamamayani yung pagmamahalan nyo. Kung talagang kayo ang para sa isa't isa, walang distansya na magpapahiwalay sa inyo. Kase pisikal lang na aspeto yung kulang pero yung mga damdamin nyo intact pa din at kunektado pa din sa isa't isa. Ang isa pang kulang sa mga nasabi ko sa previous post ko ay yung malalim na karanasan kaya hindi ko napin-point yung pinaka-main ingredient na dapat ay hindi mawala sa LDR at yun ay ang genuine, authentic, dalisay kumbaga na pagmamahalan. Broad? Masyadong vague? Pero sabi nga ni Lao Tzu "we cannot comprehend the infinite" so bakit natin pag-aaksayahan ng oras na i-define ang love sa kabila ng madaming posibilidad na kaakibat nito? Kase kahit anong paliwanag ang ilapag mo dyan mapa syentipiko o pilosopikal, hinding hindi mo maaarok (solid managalog) o maiintindihan ang lawak o pagiging kumplikado ng tao at relasyon. May nagcocompromise, may nagsasakripisyo, may nag-aadjust nang malala, may nagtitiis para tawirin yung gap at punan yung pagkukulang maresolve lang yung conflict. May nagiging martir at nagtyatyaga sa pagiging one sided ng relasyon ma-sustain lang (though extreme na to pero it works sa iba so respect pa din). Anu't anupaman ang mga naging kasangkapan o paraan para magsurvive ang relasyon ng ibang tao, wala rin naman tayong karapatan na manghusga o makelam kung hindi naman tayo naaagrabyado. Nalilibang tayo pag may namamarites tayong mga relasyon pero hanggang dun lang kase tanging yung mga taong involved lang sa relasyon na yun ang nakakaalam ng mga katotohanan. Minsan nga kahit sila na mismo, hindi rin nila maipaliwanag bakit mahal pa rin nila ang isa't isa so bakit pa tayo makikisawsaw?
Mas malaki ang challenges na nakaatang sa LDR na set-up. Yung mga common na payo, "constant communication lang" daw, sana ganun lang kadali talaga. Honestly, wala talagang perfect na formula para masurvive ang LDR. Panatilihin mo yung optimism mo, yung faith mo sa inyong dalawa pero wag kang lalayo sa reyalidad. May tendency na sa times na may problema kayo, imbes na maging rational ka, gumagawa ka ng alternative reality. Wala kang full control sa inyong dalawa at last time I check, hindi diktadurya ang tema ng intimate na relasyon at hindi mo hawak ang pag-iisip nya. If you get used to dwelling sa mga unrealistic na approach mo, once tuluyan na kayong mag-fail after trying so much, mahihirapan ka nang husto makarecover. Kaya naman just make the most out of each time na kayo pa. Kung mahal mo sya mapa LDR or non-LDR, treat him/her everyday na parang yun na yung huli. Iparamdam mo yung pagmamahal mo ng walang pag-aalinlangan at buong-buo sa bawat araw. Ipanalo mo yung relasyon nyo each day. Piliin mo sya each day at tratuhin mo sya ng may respeto at pag-unawa. Trust me, kung hindi man pumabor sa inyo ang tadhana, at least hindi mo na kelangan ng alternative reality. Nakapag establish ka na ng solid with someone you once dear and loved the most na bagamat kasaysayan na lang ay totoong reyalidad na masaya, puno ng kulay at hindi nakakastress kung sakaling sumagi man sa'yong alaala.