Friday, September 4, 2015

Ang Bubuyog (Part 2)


Minsan, may mga bagay na talagang mahirap paniwalaan. Katulad ko, halos 3 years na nakakalipas nang maghiwalay kami ng landas ng babaeng ito pero alam ko at sigurado ako na hindi ako nagmahal ng kahit sino na kasinghigit ng naging pagmamahal ko sa kanya. Ang totoo, never pa kong na-inlove ulet simula nung magkahiwalay kami. Maka-ilang beses akong na-infatuated sa ilang babae only to realize na sinubukan ko lang palang hanapin sya sa mga babaeng na-meet ko after namin maghiwalay. Anyway, hayaan nyong ibahagi ko itong munting istoryang to na nawa'y kapulutan ng aral ng ibang hangal at nasa isang relasyon na kumplikado pero imbes na ayusin ay lalong pinalala ang sitwasyon.

Kung idedescribe ko sya, sya'y isang babaeng adventurous na gustong sumubok ng maraming bagay. Pero flawed ang character nyang yun dahil hindi sya well equipped nung nasa height sya ng adventures nya. Naging mom sya at the early age. Much worst, nakasal sya amidst being undecided and confused. She told me these stories na talaga namang umantig sa puso ko. Especially nang malaman ko how her husband cheated on her na eventually nagpabago sa perception nya sa pakikipagrelasyon. I tried to read her like a book and I found out how cautious she became on having another relationships. We've had couple few dates, time together and shared lots of things and I felt how she tries to manage not to commit the same mistake again...with me. Everyday, wala akong pinagkaabalahan kundi hangaan at i-appreciate sya sa pagiging open minded at pagiging positibo nya sa mga bagay bagay. Shes a happy person despite the horror na pinagdaanan nya sa buhay. We were not that old that time, In fact I was really young (in experience) to comprehend such case. Pero the more I become curious sa set up namin na yun, mas lalo akong na-fall sa kanya.

Aware ako kung gaano nya gustong i-please ang mga bagay bagay na involve samin at kung gaano nya gustong i-satisfy ang wants and needs naming dalawa. Sa madaling salita, she was in charge on almost everything. Then my first mistake just took place. Na-carried away ako sa awesomeness nya, hindi ko namalayan na halos sya na pala nag-eeffort sa maraming bagay between us. Eventually, nagsimula na kong ma-intimidate sa kanya kase andami nyang nagagawa. Yun pala, kaya marami syang nagagawa dahil pinili kong i-entertain na lang ang sarili kong panuorin sya. And instead na gawin ko yung part ko para maging fair sa kanya, naging busy ako sa pag-iisip kung paano ko sya mas lalong malalamangan at magagamit for my own good. Naging sobrang selfish ako. That time, shes already hooked up to me and I tried to hook her up even more until she finally choked up. Then one day, nakaramdam sya ng pagod at tuluyang bumitaw saken. Nung araw din na yun, natuklasan ko sa sarili ko kung gaano ako ka-immature para hayaang mangyari ang bagay na yun sa kabila ng katotohanan na ang babaing ito ay gusto lang naman maging masaya sa piling ko.

Sinubukan kong i-justify ang mga naging actions ko by blaming her on not giving me specifics kung bakit nya ginagawa saken ang mga bagay na ginagawa lamang ng isang "girlfriend" sa isang boyfriend kahit hindi kami...officially. Hindi sya sumagot. Tumingin ako sa mga mata nya. At nakita ko dun yung pangungusap na parang nagtatanong na "nalimutan mo na ba kung sino talaga ako?". Sa isip ko, napamura ako at narealize kung gaano ako nakalimot at kung gaano ko iwinala yung respeto sa kanya na sya lamang bagay na kelangang kelangan nya. Oo, hindi sya nagpromise at hindi sya nagbigay ng assurance saken na sya namang hinihingi ko. Pero para bang naghahanap sya ng sagot sa tanong na, "kelangan pa bang manggaling sa bibig ko ang mga salita kung sinasabi na yun ng mga actions ko?". Sobrang naging makitid ang utak at nabulag ako ng mga insecurities ko na dahilan para hindi ko mabasa ang mga mensahe na gusto nyang iparating through her actions. The way she takes care about me, the way she make me feel important, di ko yun napansin. At maniwala ka saken o hindi, nagtiwala sya saken na nasa sapat na gulang na ko para maintindihan sya, ang buong pagkatao nya kaya pinili nyang basahin ko sya "in between the lines" at nabigo sya...I failed to decrypt her.

Simula nung pinili naming wag nang magkaroon ng komunikasyon at all, it took me years bago maintindihan ang nangyari samin. Honestly, meron pa rin akong hindi naiintindihan pero palagay ko, nakuha ko na yung pinaka dahilan kung bakit kami sumapit sa ganun at nabanggit ko na kung ano yung mga yun. Yes, its not totally me na dapat i-blame pero sasabihin ko sayo ang totoo...hindi ko pala talaga sya gustong mawala saken. Na dapat pala, gumawa ako ng paraan para mapabalik sya saken. Na dapat pala, ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kainteresado na magbago habang nandyan sya sa tabi ko at umaalalay. Dapat pala, ipinakita ko sa kanya kung gaano ako ka-imperfect at hindi ko kelangang maging perfect pero willing akong maging tama kasama sya. Pero dahil sa lintik na pride na yan, hindi ko yun ginawa. Hanggang sa huling sandali, hindi ko sya pinakinggan. Nagmalaki ako, nagmayabang ako na kaya kong ipagpatuloy ang buhay na wala sya. Kaya ko naman o mas tama sigurong sabihin na "kinaya ko naman". Pero alam mo yung pakiramdam na kulang?

Lahat ng paraan ginawa ko. Nakipagrelasyon ako sa iba. That time, ni-lock ko kaagad ang relasyon namin at ginawang official. Mali. Sobrang mali. Kung may idea ka kung paano ma-trap sa isang relasyon na hindi mo mahal ang partner mo, magegets mo ko. For almost 2 years na naging pagsasama namin ng bagong babaeng inakala kong papatay sa kalungkutan ko, wala yung ibang dinala kundi mas malaking problema. Naniniwala na ko sa true love. Nag-eexist talaga yun. Marami lang talagang amateur na katulad ko na hindi kayang i-separate ang pag-eeksperimento sa pagiging kuntento.

For almost 3 years, hindi ko na mabilang ang mga moments na nagtangka akong i-approach ang babaing totoong minahal ko. Pero dahil sa pilosopiya kong hindi ko na ma-trace kung saan ko nakuha, nakuntento na ko sa lihim na pag-iyak tuwing namimiss ko sya...literal na iyak. Ni isang araw, hindi sya nawala sa isip ko sa loob ng halos 1,095 na araw na nakakalipas. Nung una, naiintindihan ko pa kase officemates kami at natural na makita ko sya everyday. Pero ngayon, kalahating taon na kong wala sa dating work ko at sya pa rin ang naaalala ko. There was a time na pinilit ko syang iwasang tingnan and I was drunk that time. For some reason,  I cried so hard. Isa sa mga pinakamatindi at pinakamahabang iyak na naexperience ko sa buhay ko. You know why? Coz usually, pag nakainom ako, buong lakas loob kong sinasabi sa kanya how much I love her, how happy I am na nakilala at nakasama ko sya. Pero nung time na yun, gusto ko syang iwasan. Sa kagustuhan kong ipakita sa kanya na hindi ako loser, mas pinili kong hindi sya pansinin kesa mag-hi, hello man lang. At ako rin ang nagsuffer dahil sa pagpipigil na yun, nagbreakdown ako.

I miss her so much. But shes already taken. Move on? Believe me, I've been trying to do that for years now and I've actually took all the ways possible. Cut the communication, get rid of all the things na magreremind saken and I think I've already read a lot and studied a lot about moving on and yet...eto ako...still unmoved. Nakakatawa nga kase nakakapagpayo ako and in fact nakatulong ako sa gustong mag-move on without them knowing na hindi ko yun naapply sa sarili ko ni minsan. Im still hopeful though, malay ko ba kung 10 years in the making ang pagmove on na to bago tuluyang makumpleto? Ang mahalaga I'm taking time. Yun naman yung essence ng pag-move on di ba? 

For her, I wish her all the best. If we ever meet again, hindi ko na sya iiwasan. I'm a grown up now like the guy she suppose to be needed back then. But now the guy that she probably dont need anymore. I've stopped searching for another "her" coz its worthless, its waste of time. Theres only one of her kind in this world and I'm glad na minsan, naging parte sya ng buhay ko. 

Thursday, September 3, 2015

Mga Payo para maka-move on mula sa Break-Up si Juan


Ang title ay napaka specific. Ito ay para sa mga Noypi o sa maskuladong Pinoy na walang klarong paraan kung paano mag-move on mula sa pagkasawi sa isang relasyon. Naniniwala ako na hindi universal ang paraan ng pag move on o pag-cope up mula sa break up at mukha mang madali sa mga Kuya natin ang maghandle ng ganitong sitwasyon, ang totoo'y mas mahirap para sa kanila maka-move on kesa sa mga babae. Isa sa mga dahilan ng mataas na mortality rate o kaso ng pagkamatay ng mga lalaki ay ang pagkasawi sa pag-ibig kaya hindi dapat balewalain ang isyung ito. Kaya basahin ang mga sumusunod para mas malinawan.

1. Ang tunay na lalaki ay umiiyak. Para saan pa ang labasan ng luha sa mga mata nating mga lalaki kung hindi naman pala natin ito magagamit? Sadyang napakataas ng ego ng ilan sa atin na ang isang tulo ng luha ay senyales na agad ng kahinaan para sa karamihan. Mali. Hindi lang bentilador ang nangangailangan ng outlet para umikot, tayo ding mga lalaki. Kelangan nating ilabas ang nararamdaman natin. Kelangan nating ibulalas ang nilalaman ng puso nating nadurog na parang paminta mula sa break up na yan. Umiyak sa kaibigan, umiyak sa nanay, umiyak sa tatay o kahit sa kapitbahay na madalas nakakalaro ng chess o kakantyawan sa panunuod ng PBA. Umiyak ka sa ate mo, sa kuya mo o kahit sa harap ng aso mo. Walang masama dun. Gagaan ang kalooban mo. Wag mo lang gawing libangan dahil baka madiscover ka.

2. Hindi mo bestfriend ang alak. Oo, ok lang uminom sa una o pangalawang araw pagkatapos ng break up. Pero kung gagawin mong NAWASA ang alak, may problema, dahil ang singilan dito ay buhay, hindi pera. Hindi mo bestfriend ang alak. Ang alak ay demonyong umuudyok sayo para lalong magpakagago at gawing pariwara ang buhay mo. Imbes na uminom ka ng alak, manuod ka ng youtube at tingnan mo yung mga nauuhaw sa Africa. Habang nagpapakalango ka sa alcohol, may mga tao na ni hindi makainom ng sapat na tubig sa isang araw. Nakakalimot ka ba tuwing nalalasing ka? E bakit hindi mo na lang iuntog nang malakas yang ulo mo sa semento para magka-amnesia ka. At least utak mo lang ang maapektuhan, wag mo nang idamay ang atay mo.

3. Lalong hindi mo bestfriend ang droga. O sadyang adik ka lang talaga. Wag mong gawing excuse ang pagiging broken hearted. Kung marunong ka magmahal ng iba, mas alam mong mahalin ang sarili mo.

4. Wag maghanap ng panakip butas. Maraming isda sa dagat? Bakit mangingisda ka ba? Sa kasawiang dinanas mo, wag ka na mangdamay. Hindi magagamot ng paglalaro ng damdamin ng iba ang sakit na dinadanas mo. Kahit ang amag ay nagtetake ng time bago lumitaw sa pandesal. Kung in-denial ka pa rin kahit alam mong mahal mo pa rin ang ex mo, magpakalalaki ka at matutong maghintay hanggang magaling na ang sugat mo bago ka mangalantari. Magkaiba ang pagmamahal sa panggagamit.

5. Huwag kang emo. Feeling mo ikaw ang biktima, feeling mo ikaw ang naagrabyado. So maghihiganti ka? Ikakalat mo mga pribadong pictures o videos nyo? Kung totoong may bayag ka, hindi mo yun gagawin. Hindi ka gagawa ng kahit anung ikasisira nya na ikasisira mo rin naman. Pag nagpadala ka sa bugso ng damdamin mo, wala kang pinagkaiba sa langaw na natuksong mag-landing sa kape dahil starbucks naman daw. Kapag nasa gitna ka ng matinding emosyon at dahil ikaw si Juan na hindi magpapatalo, makabubuting umupo ka muna sa sulok at mag-isip-isip dahil magpustahan tayo, lahat ng magiging desisyon mo habang emo ka ay siguradong sablay.

6. Wag mo nang kontakin. At dahil ikaw si Juan na makulit at fan ni April Boy, kokontakin mo pa rin talaga si Ate para makipagbalikan. Kung ikaw ay kaluluwa, malamang kaluluwa ka sa UP na hindi matahimik. Wag mo nang kulitin brod, wag mo nang kontakin. Minsan hayaan mo na ang kalikasan ang magreveal ng mga susunod pang kabanata. Habang nasa proseso yun, imbes na makipagcommunicate ka pa sa kanya, enjoyin mo buhay mo, gumawa ka ng ibang bagay. Mag-aral ka maggitara kung di ka pa marunong o kaya mag aral ka ng bagong tipa. O kung wala kang interes sa musika, maglaro ka ng basketbol o kung wala kang hilig sa sports, tulungan mo na lang nanay mo maglaba.

7. Ituloy ang buhay. Sa hinaba-haba ng sinabi ko, ito lang naman talga punto ko, ituloy mo buhay mo. Huminto na ba ang pag-ikot ng mundo dahil sa kanya? Alalahanin mo, Pinoy ka. Sabi nga ni Mc Arthur, "bigyan mo ko ng 1000 na sundalong Pinoy at sasakupin ko buong mundo". Brod nananalaytay sa dugo mo ang pagiging mabagsik na warrior. Kung simpleng lovelife lang ang magpapatumba sayo, hindi ka si Juan dela Cruz na laging matatag ang loob at handa sa hamon ng buhay. Kung nabigo ka man sa aspeto ng pag-ibig, siguradong magtatagumpay ka sa ibang bagay. Nasasayo na lang kung magpapalamon ka sa kasawian mo. Ituring mong history yang kabiguan na yan na nakapulutan mo ng aral at nagamit mo para lalo kang maging mature. Kung mangyari man ulet ito sayo, at least may idea ka na kung paano ito ima-manage. Basta lagi lang tatandaan, hinay hinay lang. Ikaw si Juan Romantiko pero hindi sinabi na ibigay mo lahat...magtira ka para sa sarili mo next time.

Saturday, August 22, 2015

Obsolete na ang Panliligaw sa Pinas


Lahat ay nagbago na sa Pilipinas maliban sa kultura ng ligawan o panliligaw ng mga lalaki sa babae. May nakikita akong mali sa tradisyon na to at kailangan nang  baguhin para na rin mabawasan ang populasyon ng mga nag-aakalang Maria Clara sila pero ang totoo'y sila ang mga tinatawag na "hybrid na pabebe". Ano ang pagkakaiba ng "pabebe" sa "hybrid na pabebe"? Simple. Ang "pabebe" ay kumakain ng mamon at karaniwang walang kilay habang ang "hybrid na pabebe" ay ni hindi marunong kumain ng pride at laging nakataas ang kilay. Kung di mo yan na-gets, ganito yan; ang "pabebe" ay may simpleng problema sa ugali at appearance habang ang "hybrid na pabebe" ay may malalang problema sa character, personality at appearance na rin. So ano ang kinalaman nito sa pagiging obsolete ng ligawan system?

Ang lolo't lola ko, ang nanay at tatay ko ay nagdaan sa ligawan system na masasabi kong totoo at kasing totoo ng mga plaka at cassette tapes na pinatutugtog nila noon, hindi pirata. Literal na umakyat sa hagdan ang tatay ko para manligaw sa nanay ko at ginawa nya yun dahil ang nanay ko talaga gusto nya at ang kumidnap sa puso nya. Wala pang internet nun at wala pang text messaging kaya literal na tumatawid ng ika-pitong bundok ang tatay ko makarating lang sa place ng nanay ko. Ang test ng sincerity noon o katapatan ay literal na nasusubukan sa mga lalaki at ang mga lalaki naman ay nagkakaroon ng sapat na time na mapatunayan ang nararamdaman nila habang nasa proseso ng sinaunang ligawan system. Noon daw, bagama't nagkalat ang mga choices o options sa paligid, hindi pa rin daw katulad ngayon na napakadali mangilatis ng babae o lalaki dahil sa mga profile description online na dahilan minsan para maturn-off si lalaki in the middle of suyuan (sa ngayon) at maghanap ng iba habang nasa gitna ng ligawan. Ang mga lalaki daw ngayon ay may ADHD dahil na rin sa teknolohiya na syang dahilan para mawala ang focus nila sa mga bagay-bagay at maging sapat na dahilan para bumaba ang pagpapahalaga nila sa tinatawag na love. Kung ganun pala, bakit may mga babae pa rin na hybrid na pabebe na umaasa na liligawan sila ng isang lalaking nagpapakita ng "niceness" sa kanila? Bakit may mga girl na hindi kayang pigilin ang sarili na tanugin ang guy "nililigawan mo ba ako?"? Sa panahon ngayon, tama pa bang itanong yan? Ang gusto kong sabihin ay ito na ang future ng pakikipagrelasyon at convinced man ako na maganda ang sistema ng pagsisimula ng relasyon noong unang panahon, wala tayong choice ngayon kundi baguhin na rin ang paniniwala natin pagdating sa usaping lovelife.

Ang mga hybrid na pabebe natin, sa madaling salita, ang syang dahilan para baguhin na ang approach sa pag-start ng relationship. I'm not trying to be sexist on this part pero something is wrong with the Pinay's on their views about getting into relationship. Ilista natin yan:

1. Gusto nila ng lalaking may sense of humor pero ang slow naman nila pumick up. So pag nagstart na magsalita tungkol sa DOTA si guy (na ginagaya ang hairstyle ni Ed Sheeran), TO na si Ate. Ano ba ang humor para sa inyo mga Ateng? Yung feminine type of humor para makarelate kayo? Tapos later on pag lumabas na paminta pala itong si kuya ay ganitong magiging linya mo habang umiiyak sa bestfriend mong isa ring HP, "Enjoy syang kakwentuhan. Alam nya mga KPOP. Kala ko Superjunior sya pero yun pala...2NE1 pala sya. Huhuhu..." Tsk, tsk, tsk...

2. Gusto nila ng mga mala Channing Tatum na itsura, yung matangkad, yung masculine, yung charming. Gusto nila nung matalino, yung nagsasalita ng fluent na English. Pero anung ginagawa nila para ma-feed yung kagustuhan nila? Ginagastusan ang sarili at kulang na lang ay magshoplift mabili lang ang mga gustong make up at damit o sapataos para mapansin ng guy na nabanggit. Seryoso? Ate kahit sangkapan mo ng lahat ng mamahaling gamit ang katawan mo kung ang utak at personality mo naman ay pang-instagram lang, e asa ka pa. Kung sincere na attention ang habol mo sa isang guy, dalhin mo sarili mo ng maayos at wag mong balutan ng kung anumang kumikinang. Ayaw ng mga lalaki sa mga GGSS at lalo na sa mga tiis ganda.

3. Gusto nila, maalalahanin, maalaga, protective etc. Natanong mo naman ba yung gusto nya? Try mo tanungin at sasagutin ka nya, "Kaya nga di ako nagnursing e...ayoko mag-alaga at magbantay ng senior citizen.". Ang problema sa mga HP natin, lumelevel up ang pagiging narcissist at gusto nila, kunsentehin yun ng mga lalaki. Tapos kung maging sila na at paglipas ng isang taon at di na kinaya ni kuya ang pagiging HP ni ate, sasabihin ni ate "Nagbago ka na." Eto naman ang isasagot ni kuya sayo, "Magbabago ka ba?".

I mean, bakit nyo iaaasa sa mga lalaki ang panliligaw kung kayo mismo ay sablay? Hypocrisy yan te. Minsan, alam na ng mga babae na kelangan na nilang tulungan ang sitwasyon para mas makilala pa nila yung guy, lalo pa silang nagpapahard to get. Katwiran nila, mas worth it kung paghirapan ng husto ng lalaki dahil kung talagang mahal sila nung guy, gagawin lahat ni kuya makuha lang ang matamis nyang OO. E dahil nga sa panahon ngayon na kung saan ang proseso ng pagkilala at pagkilatis ng mga lalaki sa mga babae ay kaya nang gawin sa paraan, nagke-quit din si lalaki after a while para magtry na sa iba. Ang ending, marerealize ni girl na sinayang nya dahil ika nga, "malalaman mo ang value ng isang tao, pag wala na sayo".

Hindi natutulungan ng ganitong klase ng paniniwala ng mga Pinay ang mga sarili nila para mabuild up ang character nila. Habang yumayabong ang teknolohiya, lalong umaatras ang development ng pag-iisip ng mga tao. At naobserbahan ko, malalang kaso yan dito sa Pinas at sa iba pang developing countries. Habang naka-stick sila sa idinidikta ng kultura, consumer din sila ng teknolohiya na iba naman (suppose to be) ang impluwensya sa well being natin. We are suppose to be more open minded nowadays. We suppose to think of the possibilities in the fastest way possible kase ang pagkakamali ngayon ay madali nang maitama. Plus kung ganun ka talaga ka-conservative at ayaw mong tumanggap ng changes, wala kang karapatan para mamili o magkaroon ng choice. That means Ate, kung may manligaw sayo, treat him the right way. Don't put him on the test of sincerity as if neophyte sya ng fraternity na hinehazing mo. Tayo namang mga lalaki, wag natin i-tolerate ang mga maltreatment na narerecieve natin sa mga nililigawan natin. Kase pustahan tayo, pag napasagot natin yan, hindi lang naman din yan ang lalandiin natin e. Sabi nga ni Aristotle, "a man by nature is polygamous". That means, tayong mga lalaki ay nakaprogram na magkaron ng higit sa isa na pwedeng mag-may ari ng puso natin. Though may mga lalaking faithful sa partner nila pero iilan lang sa kanila ang nagiging tapat sa sarili at iilang relasyon lang na matagal na ang masasabing "hindi naglolokohan".

So para saan pa ang sistemang Pinoy sa panliligaw kung ang lahat ng effort na binibigay mo ay either bahagi ng malaking kasinungalingan (na mangyayari kung kayo na ) o bahagi ng maliit na porsyento ng katotohanan sa mundong ito? I'm not saying na itapon na ang buong idea ng panliligaw Pinoy style lalo na't ang essence ng sistemang ito ay lagyan ng matibay na pundasyon ang pagsasama. Pero kung panu nagawan ng paraan ng mga inventors natin na pagaanin ang buhay natin sa new age na to, walang dahilan para di natin marealize ang mga alternatives na bagamat makabago (at siguradong babatikusin ng mga matatanda) ay para patibayin ang pundasyon ng dalawang potential na partners. Kaya hindi umuunlad ang bansang ito kase imbes na maging produktibo ang mga lalaki, nauubos ang panahon nila sa panliligaw imbes na sa ibang produktibong bagay habang ang mga babae ay inuubos ang panahon sa pagmaintain ng poise nila imbes na asikasuhin ang mga bagay na mas magdedevelop ng character at personality nila. Throw out the traditional way of panliligaw. Embrace change.

Monday, August 17, 2015

I Wouldn't

I haven't wrote a poem for ages now and I suddenly felt the urge of writing one. I don't know why but I've been hanging out with this very adorable girl for weeks now and she has the most gorgeous smile I've seen in years. She made me do this:

I wouldn't blink if I'm gonna miss seeing your lovely eyes.
I wouldn't breath and rather die if I eternally miss your smile.
I wouldn't leave and will always stay, Oh dear, there's no goodbye.
I will always fall in love with you and I will never get tired.

I would't say hopeless as long as I'm by your side.
I wouldn't keep secrets, whats the point of telling lies?
I wouldn't leave you in danger, with me you're always on a safe side.
I will always take care of you, you're my princess, my most fragile.

I wouldn't take advantage of weaknesses you posses.
I wouldn't expose you in harm, I'll take you away from mess.
I wouldn't give you headaches, you deserve the best.
You are my beauty, my princess, I don't mind being your beast.

I wouldn't offer you roses if I have a whole garden to give.
I wouldn't love you one thousand times, my love for you is infinite.
I wouldn't be infatuated, my feelings for you is ocean deep.
Love me back if I worth it, curse me instead if I ain't.

Sunday, June 28, 2015

29 Interesting Love Facts


Ang mga sumusunod ay produkto ng scientific researchs tungkol sa love at maingat kong pinili para i-relate sa buhay pag-ibig ng karamihan sa mga Pinoy sa blog na ito.

1. Ang pag-ibig na itinago ng mahabang panahon (at finally ay nabunyag) ay kadalasang nagiging simula ng intense na pag-ibig sa dalawang tao at dahil ito sa tinatawag na "phenylethylamine", ang natural na droga na pinoproduce ng brain o mas kilala sa tawag na "love drug".

2. "Romeo and Juliet effect" ang tawag sa mga taong mas lalong naiin-love sa isa't isa habang maraming kumokontra at pumipigil na maging sila.

3.. Karamihan nang kinasal ay inaming nafall-inlove at least 7 times sa buhay nila bago tuluyang nagsabi ng "I do".

4. Ang depekto na kung tawagin ay "hypopituitarism" ay taglay ng mga taong walang kakayanang makaramdam ng pagmamahal. Karaniwang sila yung mga NBSB o NGSB.

5. The more na nirereject mo ang isang tao, the more na naiinlove siya sayo. Ang tawag sa bagay na yan ay "frustration attraction".

6. Isa sa mga patunay na romantic at matindi magmahal ang mga bading ay dahil sa component ng seminal fluid na tumutulong para magrelease ng dopamine, norepinephrine at tyrosine ang ating katawan.

7. Ang taong inlove ay nagpoproduce ng maraming dopamine sa katawan na dahilan para maging feeling high sya. Pero ang taong ayaw ma-inlove pero gustong maramdaman ang parehong epekto ay mas ginugustong magdroga na lang tulad ng paggamit ng cocaine.

8. Sinasabing bobo, bulag etc. ang taong in-love dahil ang neural circuit na connected sa social judgement ay hindi nagpa-function ng maayos kapag sya ay in love.

9. Ang mga taong nabigo sa pag-ibig ay nagpapakita ng grabeng activity sa kanilang insular cortex, ang parte ng utak na nagpoproseso ng physical pain.

10. Ang mga anti-depressants na maaring kahalo ng ilang multivitamin pills na tinetake natin ay nagiging dahilan para tumaas ang serotonin level natin (para antukin) at maging less-sensitive (less emotional) at maging laging tamang hinala na dahilan kung bakit maraming couple ang nag-aaway at naghihiwalay mula sa mga paratang o akusasyon na walang katotohanan.

11. "Kaugali ka ng father/mother ko." Kapag ito ang narinig mong linya sa isang taong type mo, tanungin mo agad kung kasundo ba nya ang mother/father nya. Kapag sinabi nyang hindi, mataas ang tsansa na magustuhan ka din nya dahil may mga taong nagnanais na "sana" naging masaya sila habang lumalaki sa piling ng mother/father nya pero dahil hindi nangyari yun, hahanapin nya ang fulfillment na yun sa piling ng ibang tao habang sya'y nagkakaedad.

12. Maraming cases na nagpapatunay na mas malalim ang nagiging pagtingin ng isang lalaki sa isang babaeng nakilala nya habang nasa gitna ng isang delikadong sitwasyon tulad ng baha, bagyo o kahit sa gitna ng holdapan sa jeep o bus. Ang alaalang nagawa ng naturang sitwasyon ay hindi kayang pantayan ng karaniwang pagmemeet dahil sa common friends, sa public, office, school na walang life threatening events.

13. Karamihan sa mga couples (mostly married) ay naghihiwalay pagsapit ng 4-5 years at kung hindi matuloy maghiwalay ay magsasama ng maayos upang sukatin muli ang pagmamahalan pagdating ng ika-8 na taon ng pagsasama.

14. Karamihan sa mga babae sa buong mundo ay naaattract o tuluyang naiinlove sa mga lalaking edukado, mayaman, respetado, matalino, may sense of humor at mas matangkad kesa sa kanila. Attracted din sila sa may mga kapansin pansin na cheekbone at jawbone (pangahan) dahil ang mga lalaking ganun ang feature ng mukha ay mataas ang testosterone level na may kaugnayan naman sa kanilang pagiging aktibo sa sex. Ang mga babae lalo na kung fertile ay mataas ang tsansang maattract sa feature ng lalaking nabanggit. 

15. Ang lalaking in love ay nagpapakita ng brain activity na more on visual habang sa babae naman ay more on memory. Ang tunay na dahilan ng pagiging ganito ng lalaki ay hindi dahil sa panlabas na anyo lang sya tumitingin kundi dahil sinusukat nya ang kakayanan ng babae na magbuntis para sa magiging anak nila (hindi ito alam ng mga lalaki pero ito ay part ng kanilang unconscious behavior). Sa kabilang banda, sinusubukan namang imemorize ng babae ang ugali ng lalaki para matantya kung ito ba ay good provider.

16. Sabi ni Plato, ang mga tao daw ay originally hermaphroditic (dalawa ang kasarian) at may apat na kamay, apat na paa, dalawang magkahawig na mukha, apat na tenga etc. at sa ganung itsura masasabing normal at BUO ang isang tao. Pero ginalit ng mga taong ito si Zeus na dahilan para hatiin nya sa dalawa ang taong ito para maging lalaki at babae. Ito ang dahilan kung bakit nararamdaman ng ibang tao ang muli ay pagiging BUO pag natagpuan nila ang "other half" nila.

17. Ang pagtitig sa mata ay maaaring maging sanhi na pagkafall-inlove ng dalawang tao sa isa't isa. Sa isang eksperimento, inilagay ang mga hindi magkakakilalang babae't lalaki sa isang room for 90 minutes para mag-interact mainly sa pamamagitan ng pagtititigan. Dalawa sa kanila ay naging mag-asawa pagkatapos ng 6 months.

18. Ang paghahanap ng love partner ay parang pangangailang biological tulad ng pagkain at sex.

19. Base sa pag-aaral, mas mataas ang bilang ng hiwalayan ng mga taong hindi nagdaan sa mahabang proseso ng ligawan kesa sa mga piniling magligawan muna at kilalanin ang isa't isa nang lubusan sa mahabang panahon.

20. Ang totoong pagmamahal ay hindi puro selos at tamang hinala. Makikita sa brain scan ng taong totoong nagmamahal ang activity sa ventral tegmental area (para sa mga inlove na inlove), ventral pallidum (para sa sense ng long attachment) at raphe nucleus (para sa karagdagang release ng serotonin, ang chemical na nag-uutos para maging kalmado at hindi maging obsess).

21. Ang lalaking mas matanda ng 9 years at yung nag-asawa bago mag 24 ay mataas ang posibilidad na makipaghiwalay sa asawa nya. Kasama nito yung mga nagka-asawa na ng dalawa o tatlong beses at yung mga nagkaanak na bago pa makasal. 

22. Ang romantic na relasyon ay tumatagal lang ng higit isang taon dahil ito lang ang kayang i-program ng utak ng tao. Pero pagkatapos ng romantic stage ay ang attachment stage na dahilan kung bakit nagtatagal ang relasyon ng maraming taon. Ganunpaman, hindi ito absolute na nasusunod dahil may mga couples na kayang panatilihin ang romantic love sa mahabang panahon dahil pareho silang nag-eengage sa mga activities na nakakapagpasigla ng kanilang romantic relationship.

23. In relation to #21, ang mga taong may mataas na level ng testosterone ay walang kakayanang tumagal sa relasyon dahil tinatalo ng amount ng testosterone ang amount ng oxytocin at vasopressin (ang mga responsable para sa long attachment). Mga lalaki ang karaniwang dahilan ng hiwalayan pero ang mga sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng anak at ang pagiging malapit ng ama sa kanyang anak ay maaaring magtrigger ng pagbaba ng kanyang testosterone at pag-increase ng oxytocin at vasopressin. Sa mga mag-asawang Pinoy, isa ito sa mga dahilan kung bakit nauuso ang "pikutan" at kahit hindi mahal ng lalaki ang babaeng namikot, tumatagal ang pagsasama nila dahil sa bata.

24. Mas nape-feel ng babae ang pagmamahal kung kinakausap sya ng face to face samantalang mas feel ng lalaki ang love pag nakikipag-usap habang may ginagawa, o naglalaro o kaya naman ay ang kabaliktaran ng face to face.

25. To remain in love for a lifetime, therapists advise couples to listen actively to your partner, ask questions, give answers, appreciate, stay attractive, grow intellectually, include your partner, give him/her PRIVACY, be honest and trustworthy, tell your mate what you need, accept his/her shortcomings, give respect, never threaten to leave, say “no” to adultery, DON'T ASSUME RELATIONSHIP WILL LAST FOREVER, and cultivate variety.

26. Ang lalaking biglang sumunggab sa pakikipagrelasyon ay karaniwang hindi nagnanais ng pangmatagalan at pwedeng sabihin na aksidente lang na tumagal sya sa pakikipagrelasyon kung bumilang na ng taon na sila'y magkasama. Dahil ang totoo, ang lalaking may idealism na magtagal sa isang realsyon ay ang taong hindi agad nakikipagrelasyon at karaniwang choosy at maraming standards.

27. Bukod sa pagdodroga o pagbibisyo na karaniwang ginagawa ng maraming nasawi sa pag-ibig, isa pa sa pinaka epektibong paraan ay ang pag-eexercise at pagpapa-araw dahil ito ay nakakatulong sa pag-increase ng dopamine at norepinephrine. Ang palagiang pagngiti ay nakakatulong din para maging bukas ang mga nerve pathways at maging maganda ang pakiramdam.

28. Ang physical closeness ay malakas makapagstart ng love sa dalawang tao kaya't karaniwang nagkakaroon ng relasyon ang mga magkakatrabaho. Pero sa mga bata, ang mga magkababatang sabay na lumaki from 4-6 years old ay maaaring manatiling bestfriends lang o magkakilala.
 
29. Sa America, lumabas sa survey na mas preferred ng lalaki ang babaeng 3 years na mas bata sa kanya para mapangasawa. Kung sakaling maghiwalay sila, pipili naman sya ng 5 years na mas bata sa kanya at kung hindi pa rin magwork, pipili sya ng 8 years na mas bata sa kanya.

Reference: http://facts.randomhistory.com/2009/08/04_love.html 
Photo credit: http://store.rocksports.net/merchant2/graphics/00000001/SCIENCE_PEACE_LOVE.jpg

Monday, June 22, 2015

E ano kung Pabebe?

Ang mali sating mga Pinoy, masyado tayong mga mapanghusga. Akala mo wala tayong mga kapintasan. E ano kung ganun sila magsalita? E ano kung kung ganun sila kabobong tingnan? Bakit? Naiintindihan ba natin kung gaano kahirap ang ginagawa nila?

Alam nyo ba kung ganu kahirap magpretend na parang batang paslit na nag-aaral pa lang magsalita? Alam nyo ba kung gaano kahirap magbakasakali na sa double digit mo nang edad ay katutuwaan ka pa rin ng mga tao kung kumilos at magsalita ka na parang 7 years old? Alam nyo ba kung gaano kahirap magsalita at isipin na cute ka kahit ang totoo'y mapapagkamalan kang may speech disorder? Alam nyo ba yun?

Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na hindi ka kumakain ng ganun, ng ganito kahit ang totooy muka kang patay-gutom kumain ng kahit ano pag ikaw lang mag-isa? Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na sosyal ka at may pera kahit ang totoo'y pamasahe lang ang laman ng bulsa mo at pagkatapos pati paraan ng pangungutang mo ay pabebe pa rin? Alam nyo ba kung gaano kahirap maghanap ng  tunay na kaibigan o kung madali man ay siguradong pabebe rin pero hindi ka makahanap ng true friend dahil di ka mukhang seryoso? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe lalo na kung di bagay sa mukha mo na mas maayos lang ng konti sa mukha ng iguana?Alam nyo ba kung gaano kahirap masabihan ng "walang sense" at walang kwentang kausap dahil sa paggamit ng mga children terms na dahil nga pambata ay sana nakipag-usap ka na lang sa grade-1 kesa makisali sa usapan ng mga kaedad mo? At dahil dyan, alam mo ba kung gaano kahirap magmanhid-manhidan na ok ka pa ring kausap kahit ang totoo'y mas boring ka pang kausap kesa sa mga adik sa COC (much worst kung pabebe ka na, adik ka pa sa COC)? Alam nyo ba kung gaano kahirap mag-aral ng konting Ingles para magamit kasabay ng baby talk mo para matuklasan mo lang na mali-mali pala grammar mo? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe kung ang wisdom lang na meron ka ay teeth?

Alam nyo ba kung paano magpretend na tanga? At mas mahirap, kung later on, malaman mong hindi ka nagpepretend, tanga ka pala talaga? Alam nyo ba kung gaano kahirap magpretend na may napakababang IQ para malaman mo sa huli na dahil kinasanayan mo nang maging pabebe, e konti lang ang diperensya ng IQ mo sa kapatid mong nag-aaral pa lang maglakad? Yung tipong ganun ka na kabobo? Alam nyo ba kung gaano kahirap maging pabebe sa pag-aakalang magiging attractive ka sa paningin ng boys o girls para lang matuklasan mo na nagmumukha ka pa lang retarded? Alam nyo ba kung gaano kahirap maki-dubsmash sa "Twerk it like Miley" pabebe style na dinadaan lang sa pa-cute kase wala naman talagang talent? At higit sa lahat, alam nyo ba kung gaano kahirap ipagpatuloy ang pagiging pabebe kahit alam nating hindi tayo makakakuha ng respeto ng iba sa ganitong paraan? Alam nyo ba yun? WAG NYONG LAITIN ANG MGA PABEBE! WALA KAYONG ALAM KUNG GAANO KAHIRAP ANG GINAGAWA NILA.

Wednesday, June 3, 2015

Ang mga Personalidad sa Inuman

credit sa manginginom na may-ari ng pic na to
Bill Gates- Ang nagpainom na handang gumastos.

Kapitan Tiago- Ang nagse-set ng rules sa tagay at karaniwang tanggero.

Duterte - Ang tagapagbantay at nagagalit sa mga nagpapass at tumatakas.

Ka Roger- Parang NPA na palipat lipat ng pwesto dahil palaging nagse-CR, palaging may kausap sa telepono o sadyang dumada-moves lang para makaiwas sa tagay.

Steve Nash- Kabaliktaran ni Ka Roger, nagpapaalam kung gusto magpass pero mala-legend sa NBA sa dami ng pass.

Ricky Hatton- Lasing na, tumutumba na pero ang yabang pa rin at humihingi pa rin ng tagay.

Wong Fei Hung- Di na gumagalaw sa upuan, nakatungo na ang ulo, pero di umaalis sa ikot at mabilis gumalaw tuwing ginigising dahil tagay na nya.

Kuya Cesar- Lasing na at mabagal na magsalita pero wala pa ring tigil sa kakakwento ng buhay nya at ayaw din paawat sa pagpapayo lalo na tungkol sa pag-ibig.

Ate Charo- Female version ni Kuya Cesar

Kuya Kim- Biglang tumatalino pag nakainom at maraming trivia. Depende sa lugar ng inuman o kainuman, Matanglawin din sya kung humagod ng tingin sa mga chicks.

Bimby- Halos ayaw magtagalog pag lasing na kahit mali mali ang grammar sa English.

Hollow Man- Bigla na lang mawawala sa inuman.

Bruce Lee- Kungfu...mulutan...ubos. Karaniwang makapal ang mukha at ginagawang kanin ang pulutan.

Baby- Mabilis antukin dahil maaaring pagod sa trabaho at pag nakatulog ay parang sanggol. Madalas pinagtitripan at palaging tulog sa picture pag tinag sa facebook. Sila rin yung madalas manakawan.

Transporter- Ang responsable sa pagbili ng yelo, alak, yosi at pulutan sa malapit na tindahan o 7 11.

The Janitor - Ang tagalinis at taga ligpit pag tapos na inuman.

Aswang- Inaaswang ang girlfriend ng kainuman nya na umalis lang para mag-CR.

Hellboy- Namumula tuwing napaparami na ang inom dahil sa allergy o kung anupaman.

Vice Ganda- Baklang sagad manlait sa tropa pero walang makapalag dahil totoo.

Jeric Raval- Palaging action star ang pormahan na kung todo nakaleather jacket pero huhubarin din dahil mainit sa katawan ang empi.

Floor Manager- Mahilig humiga sa sahig pag lasing na.

Animal Lover- Mahilig magpakain ng itik tuwing nalalasing. Mapapansin na nagkalat ang kanin sa CR pag galing sa loob ang taong ito.

Kim Henares- Ang tagasingil ng ambag at tagasilip ng mga makakapal ang mukha na hindi nag-ambag.

Barista- Ang eksperto sa pagtimpla ng kape para sa mga lasing at kelangang mahimasmasan.

David Guetta- Ang responsable sa sound system at DJ mixes na galing sa youtube.

Boy Logro- Ang tagaluto ng pulutan o tagagawa ng improvised na pulutan tulad ng skyflakes na may tuna o boy bawang na may corned beef.

Kuya Jobert- Mahilig magtago ng chichirya sa bulsa tuwing inuman.

Eli Soriano- Mahilig makipagdebate kahit walang kwenta ang pinagtatalunan.

Eddie Gil- Puro kathang isip ang alam i-kwento. Mahirap paniwalaan.

DOTADIKS COCS- Grupo ng mga putang-inang pakshet na walang alam ikwento kundi DOTA at COC sa inuman.

Pabebe- Mga babaeng ubod ng arte at sana hindi na lang sila kasali sa inuman.

One of the Boys- Mga babaeng walang kaartehan sa katawan at cowboy makipag-inuman.

Bartender- Taga mix ng alak tulad ng shembot, grasshopper at boracay.

Philip Morris- Walang hinto sa pagyosi at parang may ari ng planta ng sigarilyo sa Laguna. Pero hindi sya nanghihingi at sarili nya yosi nya.

Kapal Muks King/Queen- Ang lakas magyosi pero di naman sa kanila yung yosi at di rin sila nag-ambag.

Albularyo- Paboritong bugahan ng usok ang mukha ng katabi tuwing nagyoyosi.

CR ko buong Mundo- Kahit saan na lang umiihi.

Bulalord- Kadalasang nag-hahamon ng away pag lasing.

Introvoys- Mahilig maggitara pero puro intro lang ang alam.

Tiki-tiki- Dropper na lang ang kulang.

DSL- Sobrang bilis malasing.

Mang Kanor- Sex ang hanap pag lasing na.

Maria Ozawa- Female version ni Mang Kanor.

Dora The Explorer- Nagpapaalam pero nakaback pack o dala na mga gamit habang nagpapaalam. Tipong ayaw na talaga magpapapigil at gustong gusto na umuwi.

Pipoy- Ang comedian ng grupo. Kadalasang kalbo.

Microphone Addict- Ayaw paawat sa pagkanta sa videoke.

Tito, Vic, Joey and company- Palaging magkakasama sa inuman. Simula highschool, college hanggang magkatrabaho na, sila pa rin ang magkakainuman.



Saturday, April 4, 2015

Katniss


Ito ay hindi tungkol kay Katniss Everdeen ng Hunger Games, ito ay tungkol sa aso ko na nagcelebrate ng ika-1 taon ng kapanganakan nya. Let me tell you a story of survival and parenthood.

Kakahiwalay pa lang nya nun sa nanay nya at nagsisimula nang kumain ng pagkaing aso nang ibigay saken. Yes, sya po ay askal o aspin (asong Pinoy) kung tawagin. Kumbinasyon sya ng tatlong lahi. Ang ama nya ay half labrador-half aspin habang ang ina nya ay half japanese spitz-half aspin. Wala talaga ako balak mag alaga ng aso nun. Hectic ang schedule ko. Nagtatrabaho ako (call center agent) at nag-aaral (masteral) and mid 2014, nagpart time instructor pa ko. Naiimagine mo ba kung paano ko pinagkakasya oras ko nung mga time na yun? At may aso pa ko na ilang buwan pa lang.

Ang una kong struggle sa kanya ay yung pressure kung makakaya ko ba syang alagaan at palakihin. Dahil lagi akong wala sa apartment ko, sinubukan ko syang ilagay sa kahon dahil maliit pa naman sya. Pero parang katulad sa movie na Escape Plan, nakatakas sya. Hindi rin sya tumitigil nang kakaiyak na dahilan para humingi ako ng dispensa sa mga kapit bahay na sobrang mga understanding naman. Since di umubra ang pagkulong sa kahon sa makulit na tutang si Katniss, hinayaan ko lang sya na walang tali o anupaman sa loob ng apartment. Dun na nagsimula ang problema. Isang umaga, pagkagaling ko sa work, bumulaga saken ang ilang sirang gamit dahil nginatngat nya. Putol na wires, punit na damit at ilang papel na nagmistulang isinalang sa shredder at mga kahoy na mistulang tinira ng beaver. "Oh my god", sabi ko na lang sa sarili. Gusto ko na syang ibalik sa may-ari. Tinitigan ko sya sa mata habang pinapagalitan at para bang nakakaintindi sya at nakatitig lang din saken. Pangalawa kong naging struggle sa kanya ay ang pagdumi sa loob ng bahay. Every morning, kelangan ko mag-mop at mag alis ng dumi nya. Pero kahit ganun kahirap, tiniis ko at nag-isip ako kung paano ko mababawasan itong konsumisyon na binibigay saken ng asong hindi ko inakalang mapapamahal saken ng husto. Sinimulan ko na syang itali after a week at twice a day pagkakain nya, inilalabas ko sya. Parang bonding na rin namin yun mag-ama este mag-amo. Nung una, mahirap. Kumokonsumo sya ng time at pasensya ko. Pero since mag-isa lang ako sa apartment at walang ibang pwedeng asahan, ako lang lahat ang gumagawa. May times pa na nakakaligtaan ko sya ilabas or nagmamadali ako at alam ko na ang iexpect. So kahit masuka-suka ako sa paglilinis, wala akong choice, ginusto ko to e. Infairness naman natutunan din nya yung routine at hindi na sya dumudumi sa loob ng bahay at kasalanan ko na kung di ko sya mailabas. Naging ganun ang routine namin pero sadyang napapagod talaga ako so sinubukan kong hayaan na lang sya sa labas tutal aspin naman sya at sanay ang aspin sa labas ng bahay. Tsaka low maintenance sila at hindi kelangan bigyan ng maramig atensyon. Mali ako.

Isa't kalahating buwan nakalipas, sinubukan ko syang hayaan sa labas tuwing araw habang gising pa ako. Wala syang tali at malayang nakakatakbo sa neighborhood. Harmless naman sya at maamo sa mga kapitbahay. Pero sobrang dugyot sya at parang ayoko na papasukin ng bahay. Kumakain din sya ng mga diapers na nakalkal nya sa basurahan kasama ng isa pang aspin ng kapitbahay. Bukod pa dun, nagreklamo na ang isang kapitbahay dahil tumae sya sa mismong pintuan nila. "Shit, hindi ito maganda" sabi ko sa sarili. So itinali ko ulet sya at nakita ko kung paano sya nalungkot. Tuwing lumalabas kami, hindi na sya kasing sigla ng dati at para bang gusto nyang sabihin saken "Daddy, bakit kelangang nakatali ako? Hindi ba ko pwedeng maging katulad ni Pampu (aso ng kapitbahay) na malaya at nagagawa ang gusto nya?" Parang gusto ko naman sabihin, "Anak, hindi ko afford magbayad ng yaya para alagaan ka lalo na pag wala ako at pu*^#@%$*! wag ka nang demanding dahil aso ka lang." Hahaha... nababaliw  na ko. Hindi ko alam kung dahil sa dami ng ginagawa ko at heto may aso pa ko o sadyang first time ko lang talaga mag-alaga ng aso. Nung kasama ko pa family ko, may mga alaga din kaming aso pero di ko kelangan mag-effort ng ganito dahil nanay ko naman ang nag-aalaga. Namiss ko tuloy nanay ko. Gusto ko na nga syang ipadala nun sa Bulacan para nanay ko na lang mag-alaga pero sabi ko sapat na inalagaan ako ng nanay ko at this time maranasan ko naman kung paano mag-alaga ng mistulang anak ko na kung ituring. Nasa ganung moment ako ng magdecide na alisin muna sya sa pagkakatali at once again ay hayaang magtatakbo sa neighborhood. Nakikipaghabulan sya sa mga bata na para bang feeling nya ay normal na bata din sya  na kasali sa mga laro nila. Except pag nagstart na sya kumain ng diaper, ayawan na, hindi na sya kasali. Lumabas muna ako para bumili ng ulam namin (magkahalong dog food at kanin/ulam ang pagkain nya). Nakita nya ko at gusto ko syang pagalitan dahil ang dugyot na naman nya. Sumunod sya saken hanggang sa kalsada at first time yun na isinama ko sya sa labas ng compound sa kabila ng warning ng kapitbahay na baka mabanggaan sya ng sasakyan. Sabi ko naman, matalino si Katniss at hindi sya naging bida sa Hunger Games kung ganun sya katanga. Dun na nga nagsimula ang pinakamatinding dagok sa aming mag-ama este mag-amo. Nacurious yata siya kung bakit malaki ang tiyan ng mga Blue Boys (traffic enforcers ng Pasig) at gusto nyang tanungin yung isa na nasa kabila ng kalsada pero may humaharurot na single motor na waring umiiwas sa Blue Boys at nasagaan sya. Di ako nakagalaw ng mga 10 seconds habang nakikita syang nakabulagta sa gitna ng kalsada. Buti na lang at may puso yung driver nung jeep na kasunod at huminto. Naluluha na ko nun sa sobrang awa.

Nilapitan ko sya at kinarga. Sobrang lakas ng iyak nya at nakakabingi. Muntik na din nya akong kagatin pero hindi nya tinuloy nung makilala nya ko. She was in real pain! Sobrang sama na nang loob ko lalo na nung hindi man lang nag apologize yung nakabangga at nagderederetso lang. Pinalibutan kami ng mga kapitbahay at pati mga bata na kalaro nya at awang awa sa kanya. Ilang oras na lang at papasok na ko nun sa work pero hindi ko sya pwedeng iwanan sa ganung sitwasyon. Kasama ang isa kong kapitbahay, dinala namin sya sa vet at ang findings ay fractured leg pero di confirmed kung may internal organs pang nadamage especially ulo. Inabisuhan ako na kelangan sya dalhin sa animal hospital para sa lab tests at maconfine. WTF! So para talaga syang tao. Kinausap ko sya na parang sarili kong anak pagkatapos marinig ang sinabi ng vet, "Katniss, walang pera ang tatay mo ngayon dahil kakabayad ko lang ng tuition. Kung makakapaghintay ka, sweldo ko na in 2 days, madadala kita sa ospital. Pero baka may pera tita mo (gf ko) check ko din para madala ka sa ospital bukas." Parang tao na nakatitig lang sya saken, umiiyak pa rin. Hinahaplos na ng kung ano ang puso ko sa sobrang awa sa kanya. Parang ayoko muna pumasok ng trabaho dahil hindi ko sya pwedeng iwan. Gusto ko nang i-txt ang TL ko na hindi ako makakapasok pero nagpakatatag ako, naniwala akong makakasurvive sya at mabubuhay. Binili ko na ang paborito nyang tinolang manok at pinakain. Na-amaze ako sa ipinakita nyang spirit at determinasyon para mabuhay, naubos nya ang pagkain at binigyan ako ng matamis na ngiti na para bang nagte-thank you. Di ko na napigilang maiyak. Di pa ko nakaramdam ng ganun katinding emosyon para sa isang hayop sa buong buhay ko. Inilagay ko sya sa CR pansamantala para di masyado marinig ng kapitbahay ang iyak nya at di masyado makaistorbo. Pero sadyang napakasakit ng nararamdaman nya at nararamdaman ko yun habang naririnig pa rin ang palahaw nya paglabas ko ng bahay. Baon ang matinding pag-asa na mabubuhay sya, nagtrabaho ako nung araw na yun pero masyado akong emosyonal at hindi ako nakakausap nang maayos nang kahit na sino. Late in the day, medyo kumalma na rin ako nung sinabi ng isa sa mga katrabaho ko na baka may mangyayaring masama saken at na-absorb ng aso ko. Araw-araw kase ako nagbibisekleta papasok sa work at dumadaan ako sa isang lugar sa Pasig na madami nang namatay dahil sa car accident kasama ang ilang siklista nung 2014 at mga nakaraang taon. Nagpasalamat na lang din ako though hindi ako fan ng mga pamahiin.

Kinaumagahan, kasama ko ang girlfriend ko pag-uwi sa bahay. Dali-dali akong tumakbo sa restroom dahil wala na ko naririnig na ingay mula sa kanya na kabaliktaran tuwing dumarating ako sa bahay everyday dahil nasa pinto pa lang ako, naririnig ko na syang para bumabati ng "good morning po". Nakita ko syang nakalupasay sa sahig at lalong lumaki ang maga ng kaliwang kamay nya (or isa sa apat nyang paa dahil wala namang kamay ang aso). Shit patay na yata sya. Hinawakan ko sya at gumalaw sya, ngumiti at nagtry bumangon pero pumalahaw ulet nang iyak dahil sa sakit. Napangiti kami ng gf ko at nakahinga ng maluwag. Nilagyan namin sya ng splint para di nya sapilitang igalaw ang fractured leg nya. Napagkatuwaan pa namin sya at kinunan ng pictures. Mukang ok na sya at hindi na namin dinala sa ospital though may worries pa rin kami na baka may tama nga sya sa ibang parte ng katawan. Pero, tiwala lang. Naniwala kami na magiging ok sya and may the odds be ever in her favor.

Pagkatapos ng aksidenteng yun, di ko na hinayaang lumabas muli sa kalsada si Katniss. Mas inalagaan ko na sya. Binigyan ko sya ng attention at pag aaruga na hindi mo makikita sa ibang aspin owners. Kumpeto sya ng vaccines at antidotes pati pamurga at consistent ang dog food nya. Salamat sa girlfriend ko na sobrang supportive. Ang gf ko din ang nag-aalaga sa kanya tuwing wala ako sa bahay. Naaalala ko pa nung pestehen sya ng garapata. How we wish na ubas na lang yung nakadikit sa katawan nya na pwede namin pitasin at deretso isubo pero yun ay mga garapata na walang pinagkaiba sa mga tambay na walang trabaho at umaasa lang sa kung sinumang nagpapakain sa kanila. Kadiring mga garapata. Pinagtulungan naming alisin ang mga yun kahit sa kailalim-ilaliman ng tenga nya. Langya, kaya pala di sya lumalapit nung tinatawag ko dahil barado ng garapata tenga nya. At may suspetsa ako na bine-brainwash na sya ng garapata at kung anu-anong mga makagarapatang pilosopiya ang binubulong sa kanya. Later on, bumili na rin kami ng gamot para mawala ang garapata at ok lang na gumastos ako kung para naman sa kanya. Nawala ang mga garapata at back to normal sya.

Sa ngayon, healthyng healthy si Katniss though medyo hindi sya katabaan dahil conscious sya sa figure nya. Ang mga teen ager nga naman sa panahon ngayon, inuuna pa ang pagiging vain. Haha.. Well, hindi na talaga tumaba si Katniss kahit anung dami ng pakain ko sa kanya at epekto siguro yun ng aksidente nya. Pero mahalaga buhay sya. Ilang buwan pa siguro at magsstart na syang magregla at mabuntis. At isa yun sa mga nakakalungkot para saken na tulad kay Liam Neeson sa Taken 3. Syempre baby ko sya dati at magkakaroon na sya ng sariling baby. Pero bilang lolo magiging proud ako at maaaring ishare nya sa mga anak nya kung paano ko sya pinalaki at in-educate. How I wish lang na responsable ang mga lalaking aso para wala nang mga single mother na mga babaeng aso. Ang ending kase sa parents lang din ng mga babae sila aasa at panibago na namang challenge yun saken. Haissst... Ok lang. Fulfilling naman e. :)

Kelan lang nang manganak ulet ang kuya ko, I mean yung asawa ng kuya ko. Nabanggit na naman ng nanay ko yung interes nya na magkaroon na ng apo saken. Matanda na rin parents ko at gusto na nila makakita ng apo sa aken at masubaybayan siya/sila sa paglaki. Pero, sorry po, hindi pa po talaga ako handa. Sa aso pa nga lang hirap na ko, what more pa sa tao? Madami nagsasabi mas maganda magkaroon ng anak before 30 kase magkakaroon ka kaagad ng dalaga o binata habang hindi ka pa ganun katanda. I wish hindi yun ang main purpose kung bakit nagdecide agad sila magkaroon ng anak dahil karamihan sa nagsabi saken nun ay nasa uri ng buhay na hindi ko gugustuhing maranasan ng mga magiging anak ko. Hindi ako lumaking mayaman at masasabi kong mas mahirap ang pinagdaanan naming magkakapatid kesa sa average 90's babies. Ngayon na naranasan ko na ang hirap na kahawig ng pagiging isang ama at isama pa ang experience kung paano ako lumaki, hindi nyo ko masisisi kung bakit pinili kong i-delay ang magkaroon ng sariling anak. Talking about being responsible. :)

Friday, March 20, 2015

Kahit henyo ay may sablay din: Lesson mula sa buhay may asawa ni Albert Einstein


"ANG PAG AASAWA AY HINDI PARANG KANIN NA ISUSUBO AT KAPAG NAPASO AY ILULUWA". Yan ay original na kasabihang Pinoy na namana pa natin sa mga ninuno natin. Pero tingin ko ay hindi ito masyadong uso sa Germany kase kahit mismong ang isa sa pinaka-henyo sa kasaysayan ay epic fail sa bagay na to. Basahin ang kwento.

11 taon ding nagsama si Einstein at ang una nyang asawa na si Mileva bago sila nagdivorce. Naghiwalay sila kase ika-nga ng kusinero ay "lumamig ang sabaw" at lumamlam ang pagiging romantiko ni Einstein sa asawa niya. Tinry nila isalba ang marriage at para na rin sa mga anak nila at dahil feeling "poging-pogi" ang ating bida, gumawa sya ng listahan ng mga bagay na dapat gawin ni Mileva para magpatuloy pa ang pagsasama nila kahit wala nang pagmamahalan na nagaganap. Heto ang listahan sa wikang Taglish.

A. Siguraduhin mo lang na:
  1. malinis at maayos ang mga damit ko pati na ang mga labahin
  2. dapat regular mo kong hahatiran ng pagkain sa kwarto ko tatlong beses isang araw
  3. panatilihing malinis ang kwarto ko (tulugan at study room) at walang gagamit ng desk ko maliban saken.
B. Isantabi na natin ang mga personal attachments natin dahil di naman yun importante sa social life natin. Lalo nang hindi pwede na:
  1. magkatabi pa tayo sa pag-upo habang nasa bahay
  2. makasama ka pa sa mga lakad ko
C. Susundin mo ang mga nabanggit sa kasalukuyang set-up ng relasyon natin na to:
  1. wala nang kasweetan o kahit anupamang lambingan na mamamagitan sa atin
  2. pag sinabi kong ayoko makipag-usap, manahimik ka lang
  3. pag sinabi kong gusto ko mapag-isa sa kwarto, iwanan mo na agad ako at wag ka na umangal
D. Wag na wag mo kong mamaliitin o memenusin sa harap ng mga anak natin kahit sa paraang parinig o pag-aattitude.

"E di wow!" sabi ni Mileva. Pero sinunod pa rin nya ang kundisyon na to ni Einstein na masyadong direct to the point at sabi nga ng kapitbahay ko e "kakapapalan ng mukha". Pero siguro sabi ni Mileva: ano naman e para naman yun sa mga anak nila. Tsaka si Einstein na ang asawa mo choosy ka pa? Tsaka siguro feeling ni Mileva hindi lang naman sya ang tanga sa mundo na mag-sstay sa asawa para matawag lang na buo ang pamilya. Katunayan marami syang makakachika at makakajamming dito sa Pinas kung nagawi lang sya dito nung mga panahon na yun at actually meron pa rin ngayong 21st century yung mga tulad nya. Anyway, ilang buwan din ang lumipas at natauhan din yata si Ate kase sayang naman at naturingan din syang physicist kung di nya gagamitin ang utak nya, iniwan nya si Einstein sa Berlin at tinangay nya ang mga anak nila. Tsk, tsk..

Hindi ko na idedetalye kung bakit nagkaganito si Einstein sa asawa nya dahil iiwanan ko na yang topic na yan sa inyo para pagtsimisan. Ang totoo kase, ang pag-ibig ay hindi makakayang iproseso ng utak lamang dahil para saan pa at may puso di ba? Nangyari na itong si Mileva ay nag-iisang klasmeyt na babae ni Einstein at dahil laging busy sa pag-iisip, hindi na nag-effort na tumingin tingin pa sa paligid at sinunggaban agad si Ate. Ito naman si Ate, komo henyo nga at astig pa mag-play ng violin, sinagot agad si Einstein kahit laging magulo ang buhok. E nung nag-iisip ng theory of relativity si Einstein masyado syang busy at ang function ng puso para sa kanya ay magpump lang ng blood. Di naman sya fully walang puso talaga kase di naman nya kakalabanin ang dating kumpare nyang si Fritz Haber na umimbento ng poison gas nung World War 1 dahil trip lang nya. May concern kase sya hindi lang sa libong sundalo na namatay dun kundi pati na rin sa mga sibilyan at meaning, nakakaramdam din sya ng love. Anyway, sana lang nagpakatotoo na lang si Einstein kase kawawa naman si Ate Mileva. Biruin mo, sa Letter C, number 3 ng listahan ng kundisyon nya, "pagkatapos nila mag-sex" at kelangan na bumalik ng henyo sa malalimang pag-iisip, itataboy na lang nya asawa nya? Wala man lang kahit konting dirty talk or kindatan or kagat labi? Extreme di ba? Tsaka nakahanap siya ng maid na nagkataong nanay din ng mga anak nya. Astig. Ang sarap maging henyo, instant pogi at sikat.

Sa kabila nang kinahatnan ng marriage life na to ni Einstein, pwede mo pa rin sabihin na justified nya kung bakit ganito ang nangyari and therefore pwede nyang sabihin na hindi ito epic fail. Pero gusto kung iparating sa sambayanang maginoong Pinoy na hindi mo kailangang gawin ito sa isang babae na pinangakuan mong mamahalin at pakikisamahan mo till the end. Dati ko pang kinukwestiyon kung bakit walang divorce system dito sa Pinas para madali lang sana ang hiwalayan pero siguro narealize na rin ng mga mambabatas natin na ang pagpapakasal ay hindi tulad ng facebook status na pwede mong palitan agad pag nagkawalaan na. Paalala lang sa mga katropa ko ha, tayo ay may puso din at hindi lang puson ang meron tayo. Nagpapakasal tayo dahil mahal natin ang babae hindi dahil nakahanap lang tayo nang mag-aasikaso at mag-eentertain satin. Oo, may posibilidad na "lumamig ang sabaw" anytime soon pero iba ang machong Pinoy. Ang totoong Pinoy lover ay parang klima sa Pinas, oo may taglamig pero babalik din yan sa tag-init. At pag sinabing tag-init, mainit na mainit. Wheww... hanggang dito na lang dahil tumatagaktak na pawis ko. Happy summer 2015! :)

Tuesday, March 17, 2015

So you wanna go to college?

This is just my opinion and I'm not going to present any astounding facts to support it coz this thing has been going into my mind for a decade now and ofcourse everyone is entitled for his/her own opinion.

Today, young people flock from different walks of life trying to seek a brighter future through higher education in the form of lottery. Yes, it kinda look like a lottery for me simply because these young people don't even know where to go, what they want and the worst part? They don't even know the answers to the basic "why's" of life. I mean ask them why they're there, why they exist, and you'll get nothing but a smile just like that of facebook emoticon that they post or send out to their chatmates when they ran out of words to say. What I'm saying is, It looks like this generation can't seem to deal with this 21st century and the modernization manipulates them instead of them manipulate this digital age.This fact is directly observable in a third world countires like Philippines and this is not taking us to somewhere better if we are talking about the future.

In selecting college course, rarely that I encounter young people who speak about the exact thing that they want to their life. Some of them are so honest that they humiliate themselves for having no idea of what they want to be while some of them even boast their plans to their lives that are obviously just a product of other people's ideas primarily their parents'. Yes, I mentioned parents. Large number of upcoming college students have their courses picked by no one but their parents. I think this is not just applicable for this generation as few have this same problem in the past but why should this thing has to go on? Is it because you really can't figure out yet what you want or you just don't really care?

I see a lot of young people busy playing online games, talking about latest trends and fooling themselves with all this flirtings and relationship stuff. Im not a conservative person but among all things that you can be busy with, why waste your time finding an intimate partner like you are entitled to do this together with other stuff while you are 17? And why would you spend tons of your time playing COC etc. when the rest of the world are struggling on how to make both ends meet?  Maybe you have so much means to waste time and resources because you happened to be a lucky bastard sucking up your parent's hard earned money but would you be a little considerate and start moving your ass to do something productive or meaningful? Now having these things that are obviously and unimaginably rampant these days, how would you expect a young people decide and make directions for themselves?

I'm not gonna mention any specific courses that young people are crazy about these days coz its really obvious what basically are they thinking right now. Its obvious what really are their priorities and sad to say, education is not one of them. They say that you go into college not to be smarter or brighter but only to get title so you can apply to what you think is higher or at least decent paying job  once you graduate. Isn't it a misconception about taking a higher education? In the Philippines, you can hear both parents and children agreeing that in order to get a job, you dont even need to graduate, just spend couple of years in college and you'll land a job somewhere. You know what I'm talking about. Really? Is that how things should go? Then at the end of the day, households will blame the government for not providing enough means for quality education. Yes, we blame the government often for our misseries but have we tried to make things better from our end? From a desperate point of view when it comes to higher education, I dont think that we have a full right to blame institutions why we fail after getting a college degree.

In some countries, they have rich resources of labor force that came from a balance proportion of skilled workers especialized on different fields. In the Philippines what do we have the most? Nurses, ITs, engineers etc.? Does this country even maximize the use of those mentioned overlapping population of proffesionals when only half of them ended up on where they are suppose to go? My point now here is, why keep pushing yourself to something that you obviously just took for granted then after a while of wasting time acquiring it, you'll either regret or blame things on why you ended up to be such a loser?

On a philosophical point of view, I don't think that we have to take higher education to just earn money consequently. We take higher education to be a better person. We take higher education so we can spend the rest of our lives with the path that we have chosen. We desire to have that diploma on our hands to establish contentment not solely by means of money but also by principle. Can you even speak of principle after you graduated from something that later you realized is not something that you want?

Finally, I say to the youth who are attempting to go to college this year, choose a course that best fit your interest and not something that you just learned from your parents or friends. Otherwise, take sometime to think about it. You don't necessarily need to enroll to college right away after highschool just to see yourself doing something that you don't like and regret later on. Take sometime and think over about things. You don't need to be on a rush if you haven't made up your mind yet. Be someone useful not just for yourself, not just for your family but also to the community. Stop being a bullshit and start planning for your life.

Sunday, February 22, 2015

RH Night

And so here I am again drinking my all time favorite Red Horse Beer while watching Leila Barros Beach Volleyball and Becky Hammon's Basketball Career Highlights. Its been a while since I did this and I missed it so much. Sunday's could be this chilly and lonely as this thing suggest and I'm certain that it will last for quiet a while.

Me, falling in love is like Halley's Comet (not Hale–Bopp that we saw in 1997 coz it appears every thousand years) that , only appears and happen every several decades. I tried to break this "curse like" event but I failed. I tried to feel it as soon as I got up from a previous relationship but I failed. Despite that I keep hearing that love can be learned, it appears that I'm not a fast learner when it comes to that so lets say I'm in a class where everybody is learning about love, for sure I won't get my diploma at a given time. I suck when it comes to lovelife and I hate that fact .

In almost my 28 years of existence, I've only remembered falling thrice and ended up having a relationship with two of them. Relationship that didn't last long coz Im not likely to be with them for a long time and thats another problem. When I heard my mom sounding like she wants to have a granddaughter from me, I felt sad simply because, I just can't produce one. I mean, I can have that whenever I want to but having a child is not like asking a hen to lay eggs. You gotta have it with someone you love or else just go to the nearest sperm bank and bear 533 children and have your life retold in a movie. You know I'm saying?

Now I'm looking at this girls over you tube who are famous in sports which I'm certain no man in this planet could deny they're damn hot. And I'm telling myself, "Why can't I end up having a relationship with one of these?" And a voice came in "Coz they couldnt afford to be just your personal entertainment". Right, you dont get to a relationship just to be entertained. It means that joking can be done in many things but if you have a real balls, try not to do it in a relationship. Unfortunately and I admit, I've done it and I'm telling you, It's not fun. Boy if you are reading this, spare those innocent girls at once and have some life, seriously. My point is, if you wanna have some fun, share it with someone you dear and not just with someone you only want to flirt.

I'm on a second bottle of Red Horse now while chatting with  my Thai friend, while watching Leila and Becky and while writing this (what a multi tasking) and I'll be drunk in a moment but the fact stays. There are so many precious things in this world and one of them is love. If its a true a love, its not just precious, its a gem, probably a diamond. I'd like to have one. But for now...all I have is my sparkling, ice cold Red Horse. Cheers! :)

Wednesday, February 11, 2015

Kelan naging OK ang pagiging NAGGER?


Ang sagot? Hindi kailanman. Una, alamin natin ang kung sino at ano ang nagging at ang pagiging nagger. Ang nagger ay ang taong libangan na yata ang pumuna ng lahat ng kamalian o misbehavior sa isang tao ayon sa kanyang paniniwala. Sabi sa isang episode ng "Southpark", ang nagger ay ang mga tao na nakakainis. Nakakainis dahil sa non-stop na complain nila sa halos lahat ng bagay. Karaniwan nang kakabit ng salitang nagging ang mga babae. Sabi ng isang expert, isa sa mga dahilan kung bakit sila nagger ay dahil lumaki sila na iniisip na sadyang maraming mali sa mga lalaki at dapat i-korek. Salamat sa media o social media dahil sa panahon ngayon, lalong dumagdag ang population ng mga nagger. Isa sa mga sign na ang babae o kahit lalaki ay nagger ay yung habitual na pagpopost nya ng mga thoughts na tumutuligsa sa opposite sex o circumstances sa maraming aspeto. Mapapansin mo na ang mga nagger ay may mayamang reference ng mga idea tungkol sa pagiging sablay ng mga bagay-bagay pero kulang sa sariling idea. Nakafocus sya sa mga pagkakamali o hindi pagiging maayos ng iba na para bang ito na ang kinalakihan nyang order at di na mababago. May mga tao nga nag-sasabi na mas maaappreciate pa nila ang mga tao na nagpopost sa FB tungkol sa kung anong kinain nila nung tanghalian kesa sa mga tao na walang ginawa kundi i-justify ang imperfection ng iba by posting quotes na kumpleto kasama ang pangalan ng author.

Ang pagiging nagger ay hindi tanda ng pagiging smart o matalino kundi expression lamang ng negative emotions sabi ni Robert Meyers, isang psychologist. Dahil dito, ang kung anumang "ipinagpuputok ng butse" nya ika nga ng mga Pinoy ay nagdudulot lamang ng mas pangit na resulta.

Ate: Dapat ganito, dapat ganun. Ito ang gawin mo, ganito ang gawin mo...blah,blah,blah...

Kuya: (Inis at hindi makapaniwala.)

Halimbawa sa isang relasyon, may mga girlfriend o wife na daig pa ang nakainom ng ilang galon na red bull sa taas ng energy na i-criticize ang partner nila. Criticsm na para bang dinidiktahan nila kung ano ang dapat gawin kasama ng threat na kung hindi sila susundin ay may pangit na mangyayari. Kung ginagawa nila yun to secure na mag-wowork ang relationship nila, mali! Walang kahit sinuman na matino ang pag-iisip ang papayag na masupress ang freedom dahil sa pagsunod sa mga salita ng isang nagger. Ang resulta? Lalayo sila at hindi magwowork ang relationship.

Isa pang tanda ng pagiging nagger ay ang patuloy na paninisi o pag-point ng kamalian sa kanyang partner sa pangit na bagay na nangyari o naranasan nya. Lagi nyang ipinapamukha sa kanyang partner na nangyari ang isang bagay na yun dahil sa kagagawan ng partner nya.

Ate: Sinasabi mo na wala akong pakialam samantalang nag-effort ako na pumunta dito para ayusin to kahit ang layo ng pinanggalingan ko...blah,blah,blah...nawala pa cellphone ko along the way..blah,blah,blah...ang init ng sikat ng araw...blah,blah,blah

Kuya: ?????

Ang nagger ay magtatry na i-shutdown ang kanyang partner at dahil ang mga salita na nanggaling sa bibig nya ay nonsense dahil puro negative emotions lang, hindi sya susundin, iignorahin at patuloy ang problema na initially, gustong maresolve ng isang nagger...sa nagging na paraan.

Ate: Kung gusto mong magtagal tayo, kung talalagang mahal mo ako, susundin mo ako!

Kuya: Mag-isa ka.

Naggers...hindi kayo tama, you're not making point...galit lang kayo. Kung gusto nyong mangyari ang gusto nyo, baguhin nyo ang approach. Maki-cooperate kayo sa partner nyo, iparamdam nyo na dalawa kayo sa relasyon na dapat magtulungan. Huwag mong pilitin kontrolin ang realsyon dahil lang sa tingin mo ikaw ang tama.

Ate: Wala akong trust sa mga lalaki. Hindi kayo magbabago lalo ka na. Kaya kung mahal mo ako, sundin mo sinasabi ko at magiging ok tayo.

Kuya: Tsk, tsk...nagger.

Naggers, kung nagtataka kayo at hindi nyo maramdaman ang affection ng partners nyo dahil hindi nila kayo pinapansin mula ng mahalata nila na nagger nga kayo, then stop being nagger habang hindi pa huli ang lahat.

Ate: Lagi kang late, sinabi ko na sayo na wag kang malelate. Napakasensitive mo, sinabi ko na sayo na wag kang magpakasensitive pagdating saken. Hindi mo ko sinusunod. Hindi mo ako mahal. Hindi na ako naniniwala sa mga sinabi mo dati...blah,blah,blah

Kuya: Salamat sa pagiging nagger mo, I'm turned off.

Para sa mga feeling nila ay nagger ang partner nila, heto ang uri ng mga nagger mula sa http://www.askmen.com/dating/curtsmith_60/86b_dating_advice.html:

The Innocent- Hindi nya intensyon na galitin ang partner nya pero randomly, lumalabas ang complains nya. May chance na maopen-up nya yun habang good mood sila pareho at may chance na mas mapakinggan sya. Resulta? Peaceful ang pag-uusap.

The Chatterbox- Andami nilang sinasabi o reklamo o protesta! Sa sobrang hindi na sila masawata, ang option ng partner nya? I-kick out sa conversation na parang nagchachat lang sa office communicator o social media chatroom.

The Riddler- Yung taong may inoopen na bagay na nakaka-puzzle, halos hindi mo magets kung bakit pa nya yun in-open.

Ate: Mas ok kung ito ang pabango na gagamitin ko ngayon...blah,blah,blah... Mas ok kung ganito ang kulay ng buhok ko pag feeling ko...blah,blah,blah

Kuya: Ok?

The T-Rex- Ang pinakaworst na nagger sa lahat. Yung parang may unlimited na source ng mga pinaghuhugutan ng mga reklamo. Almost perfectionist o perfectionist na nga na para bang lahat ay mali. Nagagalit sya at para kang sasagpangin pag di nya nakuha ang gusto nya. Mararamdaman mo yun pag biglang feeling mo ay kayganda ng araw pero parang biglang dumilim at uulan ng malakas pag nag-start na sya magsalita at maging...NAGGER.

SUMMARY:

May dalawang uri ng lover sa mundo. Isang tanga na willing mag-stay kahit nadedeprive o nahihirapan na sya at isang wise na nakikita ang kagandahan ng salitang "move on" kahit masakit sa loob ang makipaghiwalay. Para sa mga naggers, huwag nyo pong palaging i-test ang pasensya ng partners nyo dahil kahit gaano po kayo kamahal nyan, mapuputol yan na parang goma pag nasobrahan ng binat. Para naman sa mga patners ng isang nagger, kelangan kayo ng partner nyo para maunawaan sila at pagbigyan. Pero kung feeling nyo ay dinaig nyo pa ang social worker sa dami ng amount ng pasensya na ibinibigay o kelangan nyo ibigay sa kanya, quit and move on.

Hindi mawawala ang mga nagger sa mundo. Pero kung makakatagpo ka ng less nagger at totoong mahal mo at mahal ka, mag-hold on ka sa kanya at magkasama nyong iresolba ang inyong mga problema.



Wednesday, January 28, 2015

Right Love at the Wrong Time

I know people na nasa ganitong sitwasyon at talagang masasabi ko na sobrang hirap nito. Yung tipong kahit mga bituin sa langit ay hindi nag-aagree na posibleng maging kayo or maging kayo man pero parang "you and me against the world" ang magiging tema nyo. Sa panahon pa naman ngayon na parang lahat ng bagay ay di na makapaghintay, napakahirap i-manage ng uri ng pagmamahal na yan (na sinasabing mali) at sa napakastressful na mundong ito, matinding suffering ang pagdadaanan ng kahit sino na mapupunta sa ganitong sitwasyon.

Sabi nga, napakapowerful daw ng love. Kaya nitong magwasak ng mga damdamin at gawing miserable ang buhay ng isang tao. Pero sa mga taong nakatagpo ng tunay na pagmamahal sa gitna ng kumplikadong sitwasyon, ibayong sakripisyo ang kelangan nyang isaalang-alang. Magiging makasarili ba sya at susundin ang nararamdaman kapalit ng pagkawasak ng damdamin ng iba o mananatili syang walang ginagawa pero hindi masaya? Oo, madaling sabihin na mag-take time hanggang ok na ang lahat pero ang amount ng damage na ginagawa mo sa sarili mo ay lalong lumalaki habang tumatagal at ang matinding kalungkutan mula sa hindi mo pagsunod sa puso mo ay halos bawian ka ng katinuan. Ang nangyayari, naghihintay ka ng tamang oras at the same time, sinasayang mo rin ito.

Hindi ko naman sinasabi na maging sobrang bilis na para bang puso mo na lang ang sinunod mo at hindi man lang gumamit ng utak. Pero kung naniniwala ka na natural lang na labanan mo ang lungkot at pasakit para lang pigilan ang sarili habang nasa proseso ka ng pagja-justify at pagbabalanse ng magiging desisyon mo, gawin mo. Pero tandaan mo, sa prosesong yun, hindi ka nagsasayang ng oras dahil alam mong may patutunguhan. Ang desisyon mo ay magiging "the best" ayon sa dikta ng puso, isip at konsensya mo pero ito ay dapat na hindi maging produkto ng pagiging padalos-dalos kung ayaw mo magsisi sa huli.

Ipaglaban daw kung ano ang nararamdaman pero isaalang-alang din kung mag-isa ka lang bang nakikipaglaban o kung meron kang katuwang. Kung naghahanap ka ng kalayaan para lamang sa isang tao, maaaring mag-isip isip ka pa. Ang cost ng kalayaan ay hindi ganun ka-cheap at hindi mo itatapon ang sarili mo para lamang mabigo ulet. Kung ipaglalaban mo man ang kalayaan mo para sa tiyak na tao, mas maganda kung dalawa kayo ng taong yun na magtutulungan para makamit ito.Kung wala kang makuhang tulong mula sa tao na dapat ay dahilan ng iyong paglaya, wag umasa na hindi lang ang taong hihingan mo ng kalayaan ang masasaktan dahil posibleng pati ikaw ay manghinayang.

Right love at the wrong time. Kung gaano man ito ka-right sa pagkakataong iyon at sa tingin mo ay ganun ka-wrong ang iyong sitwasyon para dito, pag-aralan kung paano mo gagamitin ang TIME para gawing kasangkapan at gawing "right love at the right itme" ang sitwasyon mo. At wag kalilimutan, oras na kumalas ka sa isa pa, tiyaking alam mo na ang halaga nya, mawala ka man o magstay sa piling nya.

Tuesday, January 20, 2015

Lucia


Naniniwala ako sa succubus. Yung babaeng demonyo/espirito/elemental na animo'y nakikipag talik sa isang lalaki sa paraan na tila panaginip pero gising ang taong ginagawan nito.

Nung 1st year college ako, taong 2006. Madalas mag-isa lang ako sa bahay lalo na sa gabi. Call center agent kase ang ate ko na sya lang kasama ko sa bahay. Hindi ako pala-labas at wala rin akong barkadang pwedeng samahan. Im a total loner na kuntento na sa mga books, TV at video games. Sa kalahatian ng semester, mag-uumaga nun ng una ko tong maranasan. Hapong-hapo ako sa magdamag na laro sa playstation at nagpasyang matulog ng bandang alas kwatro ng madaling araw. Wala pang 30 minutes akong nakahiga nang may maulinigan akong boses ng babae na nagsasalita ng ibang lengguwahe. Mabilis sya magsalita at sa boses ay parang nasa late 20s ang edad nya. Naisip ko na siguro sadyang pagod lang ako kaya di ko masyado maintindihan pero baka sya na ang ate ko na kararating lang galing trabaho at galit yun pag matagal ako magbukas ng pinto. So bumangon ako at tumakbo sa may pintuan. Pagbukas ko ng pinto, walang tao kahit saan at naramdaman ko ang malamig na hamog ng umagang iyon ng Oktubre 2006. Bumalik ako sa higaan na parang walang strange na nangyari. Back in Bicol nung doon pa kami nakatira (nasa Pasig na ako nang 2006), nakakaexperience na rin ako ng mga ganito sa malaking bahay namin at halos normal ang mga ganun saken. So bumalik na ko ng higaan at siguro'y wala pang sampung minuto ng makaramdam ako ng tatlong sunod, sunod na palo ng kamay sa pwet ko na parang may pagnanasa, mahalay. Narinig ko na naman ang boses ng babae. Parang katutubo ang salita nya na gamit ng sinaunang Pilipino. Duon na ako naalarma at kinumpirma na may kababalaghang nangyayari saken. Itinuloy ko pa rin ang pagtulog hanggang sa nakita ko ang imahe ng babaeng nakatalikod habang nakaupo sa gilig ng higaan ko. Napakahaba ng buhok nya at itim na itim. Hindi yun ang first time ko na makakita ng white lady dahil nakakita na ko nun nung 8 years old ako pero hindi kasing klaro ng nakikita ko nung time na yun ang nakita ko nung bata pa ko. Patuloy sa pagsasalita ang babae hanggang sa kusa itong nawala. (Habang sinusulat ko to ay kinikilabutan pa rin ako).

Nakakwentuhan  ko ng araw na yun ang kapitbahay namin na nakapalitan namin ng ate ko ng apartment at sinabi nya na nakita nya rin ang babaeng yun. Buti na nga lang daw at pumayag kaming makipagpalitan dahil nagkakasakit ang mga anak nya sa unit na yun. Fair lang naman dahil mas mura ang nilipatan namin pero sabi ko sa sarili ko, pag nagpatuloy ang kababalaghan na yun, mapipilitan akong umalis.

Nang sumunod na gabi, maaga ako natapos magplaystation. 1 am pa lang ay patulog na ko at hindi usual saken dahil commonly, nanunuod pa ko ng cable until 3 am. Pero parang may kung anung pwersa na humatak saken para matulog agad sa kabila ng sangkatutak na kape na ininom ko mula sa school pa lang. Paglapat ng katawan ko sa higaan at makalipas pa lang ang ilang minuto, nakaramdam na ko ng parang mabigat na bagay na nakadagan saken. Kasunod nuon ay naramdaman kong may nakayakap saken at ilang sandali pa ay madiin at mapusok na halik ang naramdaman ko sa labi ko. Hindi hinding ko iminumulat ang mata ko dahil baka di kayanin ng katinuan ko kung sakaling makita ko sya. Alam kong gising na ko ng mga sandaling yun pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Napaka-sekswal ng mga sunod na nangyari pero hindi ko yun nagustuhan dahil sinong matinong tao ang magugustuhan ang ganung kakilabot na pakikipag-intercourse sa isang ispiritu o kung anupaman. Unti-unti syang nawala at gumaan na ang pakiramdam ko. Bumangon ako sa higaan at umupo at hinahabol ang hininga ko. Nasa state of shock ako nun at di na ko nakatulog hanggang mag-umaga.

Hindi ako mahilig mag-kwento ng mga bagay tungkol saken lalo na't bago pa lang ito nangyari. Ipinag kibit balikat ko lang ang experience na yun na inakala kong hindi na mauulet. Mas lalo pa akong naging busy sa pag-aaral at part time job ko. Nung mga time na yun, wala akong tropa, wala akong kaibigan at lalong wala akong girlfriend. I felt so alone with my life pero sadyang ganun talaga ako nun at ang mag-isa ang tangi kong kaligayahan. Anyway, isang gabi lang ang pinalipas ng succubus na pinangalanan kong si Lucia nang muli syang umatake. Wala pa kong idea sa succubus nun at nalaman ko lang yun after 2 weeks na sunod sunod ko nang naexperience ang nakakapangilabot na paranormal activity na yun. Habang tumatagal ay lalong nagiging detalyado saken ang mga pangyayari pero isa lang ang hindi ko tinangkang gawin at yun ay ang imulat ang mata ko. Siguro sa pangpitong gabing naexperience ko to nung naglakas loob akong magsalita habang ginagawa nya yun. "Bakit mo to ginagawa?" Yun ang nasabi ko habang nasa kalagitnaan kami ng weird na activity na yun. Muli kong narinig ang boses at lengguwahe na yun na hindi ko maintindihan. Mabilis syang nawala pagkatapos kong itanong yun.

Nagresearch ako about sa succubus at nalaman ko na umaatake sila sa mga taong punong-puno ng deppression at masyadong isolated. Nung mga time na yun, galit na galit ako sa father ko at halos anti-social na ako dahil feeling ko, hindi ako belong sa kahit anung grupo. Lahat nang negativities sa loob ko ang naging dahilan para maattract ko ang succubus na yun at maranasan ang mga nakakakilabot na mga gabing yun. Isang pagpapasya ang nabuo sa isip ko, kelangan ko nang magbago.

Sinimulan ko sa mga klasmeyts ko ang pakikipagkaibigan. Nagstart na ko magkwento sa kanila ng mga bagay sa buhay ko. Nagstart na rin ako makinig ng mga stories nila. For days, naramdaman ko kaagad na hindi ako alone. Ipinagpatuloy ko yun hanggang sa dumalang na ang pagdalaw ni Lucia. Finally, inopen-up ko ang tungkol sa kanya sa mga profs at kaklase ko. Sinabi ko rin ito sa ate ko na agad nag-freak out pero hindi naman masyado naapektuhan dahil hindi naman sya nagsstay sa bahay ng gabi. Pinayuhan ako na magdasal at tumawag sa Diyos pero sadyang di ako madasalin kaya di ko yun nagawa. Bagkus tinuloy-tuloy ko ang pakikihalubilo sa iba't ibang tao hanggang sa hindi na nagparamdam si Lucia.

Although nakakaramdam pa rin ako ng mga ganitong experience mula nung 2011 hanggang 2014, hindi na yun ganun katindi na di katulad nang kay Lucia. At yun yung mga time na nasa great depression ako. Ang tanong ko lang, si Lucia pa rin kaya ang nagpaparamdam saken na bumabalik-balik tuwing makakahanap sya ng oportunidad?

Friday, January 9, 2015

Buking

Bumisita ang nanay sa tinutuluyan ng kanyang anak na lalaki. Napansin nyang may kasama ang kanyang anak na isang babae na diumano ay "roommate" lang. Sabay sabay silang naghapunan nung gabing yun.

Habang kumakain, hindi mapigilan ng nanay na kilatisin ang babaeng kasama ng kanyang anak. Di nya lubos maisip na kashare lang sa bahay ang napakagandang babaeng ito. Siguradong girlfriend ito o ka-live in ng anak nya.

Nahalata na sya ng anak nyang lalaki at nagsalita. "Ma, hindi kami. Friends lang talaga kami at nagsheshare lang kami sa apartment."

Isang lingo nakalipas, nagtaka si babae kung bakit nawawala ang isa sa mga mamahaling plato nila. Sinabi nya to kay lalaki. "Siguro naman hindi dinala ng nanay mo yung isang plato natin di ba?"

Para kumpirmahin, tinext ni lalaki ang nanay nya:

"Ma, nawawala isang plato namin dito mula nung nag-dinner tayo. Pasensya na pero baka aksidente mo nadala dyan sa bahay natin. Pakicheck pls."

Nagreply ang nanay nya at ito ang sabi:

"Anak, ilang araw na ang nakakalipas mula nang mawala ang plato nyo. Kung natutulog ang babaeng yan sa sarili nyang kama, unang gabi pa lang, matutuklasan nyang nasa ilalim lang ng unan nya yung plato..."

Share