Wednesday, February 11, 2015

Kelan naging OK ang pagiging NAGGER?


Ang sagot? Hindi kailanman. Una, alamin natin ang kung sino at ano ang nagging at ang pagiging nagger. Ang nagger ay ang taong libangan na yata ang pumuna ng lahat ng kamalian o misbehavior sa isang tao ayon sa kanyang paniniwala. Sabi sa isang episode ng "Southpark", ang nagger ay ang mga tao na nakakainis. Nakakainis dahil sa non-stop na complain nila sa halos lahat ng bagay. Karaniwan nang kakabit ng salitang nagging ang mga babae. Sabi ng isang expert, isa sa mga dahilan kung bakit sila nagger ay dahil lumaki sila na iniisip na sadyang maraming mali sa mga lalaki at dapat i-korek. Salamat sa media o social media dahil sa panahon ngayon, lalong dumagdag ang population ng mga nagger. Isa sa mga sign na ang babae o kahit lalaki ay nagger ay yung habitual na pagpopost nya ng mga thoughts na tumutuligsa sa opposite sex o circumstances sa maraming aspeto. Mapapansin mo na ang mga nagger ay may mayamang reference ng mga idea tungkol sa pagiging sablay ng mga bagay-bagay pero kulang sa sariling idea. Nakafocus sya sa mga pagkakamali o hindi pagiging maayos ng iba na para bang ito na ang kinalakihan nyang order at di na mababago. May mga tao nga nag-sasabi na mas maaappreciate pa nila ang mga tao na nagpopost sa FB tungkol sa kung anong kinain nila nung tanghalian kesa sa mga tao na walang ginawa kundi i-justify ang imperfection ng iba by posting quotes na kumpleto kasama ang pangalan ng author.

Ang pagiging nagger ay hindi tanda ng pagiging smart o matalino kundi expression lamang ng negative emotions sabi ni Robert Meyers, isang psychologist. Dahil dito, ang kung anumang "ipinagpuputok ng butse" nya ika nga ng mga Pinoy ay nagdudulot lamang ng mas pangit na resulta.

Ate: Dapat ganito, dapat ganun. Ito ang gawin mo, ganito ang gawin mo...blah,blah,blah...

Kuya: (Inis at hindi makapaniwala.)

Halimbawa sa isang relasyon, may mga girlfriend o wife na daig pa ang nakainom ng ilang galon na red bull sa taas ng energy na i-criticize ang partner nila. Criticsm na para bang dinidiktahan nila kung ano ang dapat gawin kasama ng threat na kung hindi sila susundin ay may pangit na mangyayari. Kung ginagawa nila yun to secure na mag-wowork ang relationship nila, mali! Walang kahit sinuman na matino ang pag-iisip ang papayag na masupress ang freedom dahil sa pagsunod sa mga salita ng isang nagger. Ang resulta? Lalayo sila at hindi magwowork ang relationship.

Isa pang tanda ng pagiging nagger ay ang patuloy na paninisi o pag-point ng kamalian sa kanyang partner sa pangit na bagay na nangyari o naranasan nya. Lagi nyang ipinapamukha sa kanyang partner na nangyari ang isang bagay na yun dahil sa kagagawan ng partner nya.

Ate: Sinasabi mo na wala akong pakialam samantalang nag-effort ako na pumunta dito para ayusin to kahit ang layo ng pinanggalingan ko...blah,blah,blah...nawala pa cellphone ko along the way..blah,blah,blah...ang init ng sikat ng araw...blah,blah,blah

Kuya: ?????

Ang nagger ay magtatry na i-shutdown ang kanyang partner at dahil ang mga salita na nanggaling sa bibig nya ay nonsense dahil puro negative emotions lang, hindi sya susundin, iignorahin at patuloy ang problema na initially, gustong maresolve ng isang nagger...sa nagging na paraan.

Ate: Kung gusto mong magtagal tayo, kung talalagang mahal mo ako, susundin mo ako!

Kuya: Mag-isa ka.

Naggers...hindi kayo tama, you're not making point...galit lang kayo. Kung gusto nyong mangyari ang gusto nyo, baguhin nyo ang approach. Maki-cooperate kayo sa partner nyo, iparamdam nyo na dalawa kayo sa relasyon na dapat magtulungan. Huwag mong pilitin kontrolin ang realsyon dahil lang sa tingin mo ikaw ang tama.

Ate: Wala akong trust sa mga lalaki. Hindi kayo magbabago lalo ka na. Kaya kung mahal mo ako, sundin mo sinasabi ko at magiging ok tayo.

Kuya: Tsk, tsk...nagger.

Naggers, kung nagtataka kayo at hindi nyo maramdaman ang affection ng partners nyo dahil hindi nila kayo pinapansin mula ng mahalata nila na nagger nga kayo, then stop being nagger habang hindi pa huli ang lahat.

Ate: Lagi kang late, sinabi ko na sayo na wag kang malelate. Napakasensitive mo, sinabi ko na sayo na wag kang magpakasensitive pagdating saken. Hindi mo ko sinusunod. Hindi mo ako mahal. Hindi na ako naniniwala sa mga sinabi mo dati...blah,blah,blah

Kuya: Salamat sa pagiging nagger mo, I'm turned off.

Para sa mga feeling nila ay nagger ang partner nila, heto ang uri ng mga nagger mula sa http://www.askmen.com/dating/curtsmith_60/86b_dating_advice.html:

The Innocent- Hindi nya intensyon na galitin ang partner nya pero randomly, lumalabas ang complains nya. May chance na maopen-up nya yun habang good mood sila pareho at may chance na mas mapakinggan sya. Resulta? Peaceful ang pag-uusap.

The Chatterbox- Andami nilang sinasabi o reklamo o protesta! Sa sobrang hindi na sila masawata, ang option ng partner nya? I-kick out sa conversation na parang nagchachat lang sa office communicator o social media chatroom.

The Riddler- Yung taong may inoopen na bagay na nakaka-puzzle, halos hindi mo magets kung bakit pa nya yun in-open.

Ate: Mas ok kung ito ang pabango na gagamitin ko ngayon...blah,blah,blah... Mas ok kung ganito ang kulay ng buhok ko pag feeling ko...blah,blah,blah

Kuya: Ok?

The T-Rex- Ang pinakaworst na nagger sa lahat. Yung parang may unlimited na source ng mga pinaghuhugutan ng mga reklamo. Almost perfectionist o perfectionist na nga na para bang lahat ay mali. Nagagalit sya at para kang sasagpangin pag di nya nakuha ang gusto nya. Mararamdaman mo yun pag biglang feeling mo ay kayganda ng araw pero parang biglang dumilim at uulan ng malakas pag nag-start na sya magsalita at maging...NAGGER.

SUMMARY:

May dalawang uri ng lover sa mundo. Isang tanga na willing mag-stay kahit nadedeprive o nahihirapan na sya at isang wise na nakikita ang kagandahan ng salitang "move on" kahit masakit sa loob ang makipaghiwalay. Para sa mga naggers, huwag nyo pong palaging i-test ang pasensya ng partners nyo dahil kahit gaano po kayo kamahal nyan, mapuputol yan na parang goma pag nasobrahan ng binat. Para naman sa mga patners ng isang nagger, kelangan kayo ng partner nyo para maunawaan sila at pagbigyan. Pero kung feeling nyo ay dinaig nyo pa ang social worker sa dami ng amount ng pasensya na ibinibigay o kelangan nyo ibigay sa kanya, quit and move on.

Hindi mawawala ang mga nagger sa mundo. Pero kung makakatagpo ka ng less nagger at totoong mahal mo at mahal ka, mag-hold on ka sa kanya at magkasama nyong iresolba ang inyong mga problema.



Share