Saturday, August 22, 2015

Obsolete na ang Panliligaw sa Pinas


Lahat ay nagbago na sa Pilipinas maliban sa kultura ng ligawan o panliligaw ng mga lalaki sa babae. May nakikita akong mali sa tradisyon na to at kailangan nang  baguhin para na rin mabawasan ang populasyon ng mga nag-aakalang Maria Clara sila pero ang totoo'y sila ang mga tinatawag na "hybrid na pabebe". Ano ang pagkakaiba ng "pabebe" sa "hybrid na pabebe"? Simple. Ang "pabebe" ay kumakain ng mamon at karaniwang walang kilay habang ang "hybrid na pabebe" ay ni hindi marunong kumain ng pride at laging nakataas ang kilay. Kung di mo yan na-gets, ganito yan; ang "pabebe" ay may simpleng problema sa ugali at appearance habang ang "hybrid na pabebe" ay may malalang problema sa character, personality at appearance na rin. So ano ang kinalaman nito sa pagiging obsolete ng ligawan system?

Ang lolo't lola ko, ang nanay at tatay ko ay nagdaan sa ligawan system na masasabi kong totoo at kasing totoo ng mga plaka at cassette tapes na pinatutugtog nila noon, hindi pirata. Literal na umakyat sa hagdan ang tatay ko para manligaw sa nanay ko at ginawa nya yun dahil ang nanay ko talaga gusto nya at ang kumidnap sa puso nya. Wala pang internet nun at wala pang text messaging kaya literal na tumatawid ng ika-pitong bundok ang tatay ko makarating lang sa place ng nanay ko. Ang test ng sincerity noon o katapatan ay literal na nasusubukan sa mga lalaki at ang mga lalaki naman ay nagkakaroon ng sapat na time na mapatunayan ang nararamdaman nila habang nasa proseso ng sinaunang ligawan system. Noon daw, bagama't nagkalat ang mga choices o options sa paligid, hindi pa rin daw katulad ngayon na napakadali mangilatis ng babae o lalaki dahil sa mga profile description online na dahilan minsan para maturn-off si lalaki in the middle of suyuan (sa ngayon) at maghanap ng iba habang nasa gitna ng ligawan. Ang mga lalaki daw ngayon ay may ADHD dahil na rin sa teknolohiya na syang dahilan para mawala ang focus nila sa mga bagay-bagay at maging sapat na dahilan para bumaba ang pagpapahalaga nila sa tinatawag na love. Kung ganun pala, bakit may mga babae pa rin na hybrid na pabebe na umaasa na liligawan sila ng isang lalaking nagpapakita ng "niceness" sa kanila? Bakit may mga girl na hindi kayang pigilin ang sarili na tanugin ang guy "nililigawan mo ba ako?"? Sa panahon ngayon, tama pa bang itanong yan? Ang gusto kong sabihin ay ito na ang future ng pakikipagrelasyon at convinced man ako na maganda ang sistema ng pagsisimula ng relasyon noong unang panahon, wala tayong choice ngayon kundi baguhin na rin ang paniniwala natin pagdating sa usaping lovelife.

Ang mga hybrid na pabebe natin, sa madaling salita, ang syang dahilan para baguhin na ang approach sa pag-start ng relationship. I'm not trying to be sexist on this part pero something is wrong with the Pinay's on their views about getting into relationship. Ilista natin yan:

1. Gusto nila ng lalaking may sense of humor pero ang slow naman nila pumick up. So pag nagstart na magsalita tungkol sa DOTA si guy (na ginagaya ang hairstyle ni Ed Sheeran), TO na si Ate. Ano ba ang humor para sa inyo mga Ateng? Yung feminine type of humor para makarelate kayo? Tapos later on pag lumabas na paminta pala itong si kuya ay ganitong magiging linya mo habang umiiyak sa bestfriend mong isa ring HP, "Enjoy syang kakwentuhan. Alam nya mga KPOP. Kala ko Superjunior sya pero yun pala...2NE1 pala sya. Huhuhu..." Tsk, tsk, tsk...

2. Gusto nila ng mga mala Channing Tatum na itsura, yung matangkad, yung masculine, yung charming. Gusto nila nung matalino, yung nagsasalita ng fluent na English. Pero anung ginagawa nila para ma-feed yung kagustuhan nila? Ginagastusan ang sarili at kulang na lang ay magshoplift mabili lang ang mga gustong make up at damit o sapataos para mapansin ng guy na nabanggit. Seryoso? Ate kahit sangkapan mo ng lahat ng mamahaling gamit ang katawan mo kung ang utak at personality mo naman ay pang-instagram lang, e asa ka pa. Kung sincere na attention ang habol mo sa isang guy, dalhin mo sarili mo ng maayos at wag mong balutan ng kung anumang kumikinang. Ayaw ng mga lalaki sa mga GGSS at lalo na sa mga tiis ganda.

3. Gusto nila, maalalahanin, maalaga, protective etc. Natanong mo naman ba yung gusto nya? Try mo tanungin at sasagutin ka nya, "Kaya nga di ako nagnursing e...ayoko mag-alaga at magbantay ng senior citizen.". Ang problema sa mga HP natin, lumelevel up ang pagiging narcissist at gusto nila, kunsentehin yun ng mga lalaki. Tapos kung maging sila na at paglipas ng isang taon at di na kinaya ni kuya ang pagiging HP ni ate, sasabihin ni ate "Nagbago ka na." Eto naman ang isasagot ni kuya sayo, "Magbabago ka ba?".

I mean, bakit nyo iaaasa sa mga lalaki ang panliligaw kung kayo mismo ay sablay? Hypocrisy yan te. Minsan, alam na ng mga babae na kelangan na nilang tulungan ang sitwasyon para mas makilala pa nila yung guy, lalo pa silang nagpapahard to get. Katwiran nila, mas worth it kung paghirapan ng husto ng lalaki dahil kung talagang mahal sila nung guy, gagawin lahat ni kuya makuha lang ang matamis nyang OO. E dahil nga sa panahon ngayon na kung saan ang proseso ng pagkilala at pagkilatis ng mga lalaki sa mga babae ay kaya nang gawin sa paraan, nagke-quit din si lalaki after a while para magtry na sa iba. Ang ending, marerealize ni girl na sinayang nya dahil ika nga, "malalaman mo ang value ng isang tao, pag wala na sayo".

Hindi natutulungan ng ganitong klase ng paniniwala ng mga Pinay ang mga sarili nila para mabuild up ang character nila. Habang yumayabong ang teknolohiya, lalong umaatras ang development ng pag-iisip ng mga tao. At naobserbahan ko, malalang kaso yan dito sa Pinas at sa iba pang developing countries. Habang naka-stick sila sa idinidikta ng kultura, consumer din sila ng teknolohiya na iba naman (suppose to be) ang impluwensya sa well being natin. We are suppose to be more open minded nowadays. We suppose to think of the possibilities in the fastest way possible kase ang pagkakamali ngayon ay madali nang maitama. Plus kung ganun ka talaga ka-conservative at ayaw mong tumanggap ng changes, wala kang karapatan para mamili o magkaroon ng choice. That means Ate, kung may manligaw sayo, treat him the right way. Don't put him on the test of sincerity as if neophyte sya ng fraternity na hinehazing mo. Tayo namang mga lalaki, wag natin i-tolerate ang mga maltreatment na narerecieve natin sa mga nililigawan natin. Kase pustahan tayo, pag napasagot natin yan, hindi lang naman din yan ang lalandiin natin e. Sabi nga ni Aristotle, "a man by nature is polygamous". That means, tayong mga lalaki ay nakaprogram na magkaron ng higit sa isa na pwedeng mag-may ari ng puso natin. Though may mga lalaking faithful sa partner nila pero iilan lang sa kanila ang nagiging tapat sa sarili at iilang relasyon lang na matagal na ang masasabing "hindi naglolokohan".

So para saan pa ang sistemang Pinoy sa panliligaw kung ang lahat ng effort na binibigay mo ay either bahagi ng malaking kasinungalingan (na mangyayari kung kayo na ) o bahagi ng maliit na porsyento ng katotohanan sa mundong ito? I'm not saying na itapon na ang buong idea ng panliligaw Pinoy style lalo na't ang essence ng sistemang ito ay lagyan ng matibay na pundasyon ang pagsasama. Pero kung panu nagawan ng paraan ng mga inventors natin na pagaanin ang buhay natin sa new age na to, walang dahilan para di natin marealize ang mga alternatives na bagamat makabago (at siguradong babatikusin ng mga matatanda) ay para patibayin ang pundasyon ng dalawang potential na partners. Kaya hindi umuunlad ang bansang ito kase imbes na maging produktibo ang mga lalaki, nauubos ang panahon nila sa panliligaw imbes na sa ibang produktibong bagay habang ang mga babae ay inuubos ang panahon sa pagmaintain ng poise nila imbes na asikasuhin ang mga bagay na mas magdedevelop ng character at personality nila. Throw out the traditional way of panliligaw. Embrace change.

Share