1. Ang pag-ibig na itinago ng mahabang panahon (at finally ay nabunyag) ay kadalasang nagiging simula ng intense na pag-ibig sa dalawang tao at dahil ito sa tinatawag na "phenylethylamine", ang natural na droga na pinoproduce ng brain o mas kilala sa tawag na "love drug".
2. "Romeo and Juliet effect" ang tawag sa mga taong mas lalong naiin-love sa isa't isa habang maraming kumokontra at pumipigil na maging sila.
3.. Karamihan nang kinasal ay inaming nafall-inlove at least 7 times sa buhay nila bago tuluyang nagsabi ng "I do".
4. Ang depekto na kung tawagin ay "hypopituitarism" ay taglay ng mga taong walang kakayanang makaramdam ng pagmamahal. Karaniwang sila yung mga NBSB o NGSB.
5. The more na nirereject mo ang isang tao, the more na naiinlove siya sayo. Ang tawag sa bagay na yan ay "frustration attraction".
6. Isa sa mga patunay na romantic at matindi magmahal ang mga bading ay dahil sa component ng seminal fluid na tumutulong para magrelease ng dopamine, norepinephrine at tyrosine ang ating katawan.
7. Ang taong inlove ay nagpoproduce ng maraming dopamine sa katawan na dahilan para maging feeling high sya. Pero ang taong ayaw ma-inlove pero gustong maramdaman ang parehong epekto ay mas ginugustong magdroga na lang tulad ng paggamit ng cocaine.
8. Sinasabing bobo, bulag etc. ang taong in-love dahil ang neural circuit na connected sa social judgement ay hindi nagpa-function ng maayos kapag sya ay in love.
9. Ang mga taong nabigo sa pag-ibig ay nagpapakita ng grabeng activity sa kanilang insular cortex, ang parte ng utak na nagpoproseso ng physical pain.
10. Ang mga anti-depressants na maaring kahalo ng ilang multivitamin pills na tinetake natin ay nagiging dahilan para tumaas ang serotonin level natin (para antukin) at maging less-sensitive (less emotional) at maging laging tamang hinala na dahilan kung bakit maraming couple ang nag-aaway at naghihiwalay mula sa mga paratang o akusasyon na walang katotohanan.
11. "Kaugali ka ng father/mother ko." Kapag ito ang narinig mong linya sa isang taong type mo, tanungin mo agad kung kasundo ba nya ang mother/father nya. Kapag sinabi nyang hindi, mataas ang tsansa na magustuhan ka din nya dahil may mga taong nagnanais na "sana" naging masaya sila habang lumalaki sa piling ng mother/father nya pero dahil hindi nangyari yun, hahanapin nya ang fulfillment na yun sa piling ng ibang tao habang sya'y nagkakaedad.
12. Maraming cases na nagpapatunay na mas malalim ang nagiging pagtingin ng isang lalaki sa isang babaeng nakilala nya habang nasa gitna ng isang delikadong sitwasyon tulad ng baha, bagyo o kahit sa gitna ng holdapan sa jeep o bus. Ang alaalang nagawa ng naturang sitwasyon ay hindi kayang pantayan ng karaniwang pagmemeet dahil sa common friends, sa public, office, school na walang life threatening events.
13. Karamihan sa mga couples (mostly married) ay naghihiwalay pagsapit ng 4-5 years at kung hindi matuloy maghiwalay ay magsasama ng maayos upang sukatin muli ang pagmamahalan pagdating ng ika-8 na taon ng pagsasama.
14. Karamihan sa mga babae sa buong mundo ay naaattract o tuluyang naiinlove sa mga lalaking edukado, mayaman, respetado, matalino, may sense of humor at mas matangkad kesa sa kanila. Attracted din sila sa may mga kapansin pansin na cheekbone at jawbone (pangahan) dahil ang mga lalaking ganun ang feature ng mukha ay mataas ang testosterone level na may kaugnayan naman sa kanilang pagiging aktibo sa sex. Ang mga babae lalo na kung fertile ay mataas ang tsansang maattract sa feature ng lalaking nabanggit.
15. Ang lalaking in love ay nagpapakita ng brain activity na more on visual habang sa babae naman ay more on memory. Ang tunay na dahilan ng pagiging ganito ng lalaki ay hindi dahil sa panlabas na anyo lang sya tumitingin kundi dahil sinusukat nya ang kakayanan ng babae na magbuntis para sa magiging anak nila (hindi ito alam ng mga lalaki pero ito ay part ng kanilang unconscious behavior). Sa kabilang banda, sinusubukan namang imemorize ng babae ang ugali ng lalaki para matantya kung ito ba ay good provider.
16. Sabi ni Plato, ang mga tao daw ay originally hermaphroditic (dalawa ang kasarian) at may apat na kamay, apat na paa, dalawang magkahawig na mukha, apat na tenga etc. at sa ganung itsura masasabing normal at BUO ang isang tao. Pero ginalit ng mga taong ito si Zeus na dahilan para hatiin nya sa dalawa ang taong ito para maging lalaki at babae. Ito ang dahilan kung bakit nararamdaman ng ibang tao ang muli ay pagiging BUO pag natagpuan nila ang "other half" nila.
17. Ang pagtitig sa mata ay maaaring maging sanhi na pagkafall-inlove ng dalawang tao sa isa't isa. Sa isang eksperimento, inilagay ang mga hindi magkakakilalang babae't lalaki sa isang room for 90 minutes para mag-interact mainly sa pamamagitan ng pagtititigan. Dalawa sa kanila ay naging mag-asawa pagkatapos ng 6 months.
18. Ang paghahanap ng love partner ay parang pangangailang biological tulad ng pagkain at sex.
19. Base sa pag-aaral, mas mataas ang bilang ng hiwalayan ng mga taong hindi nagdaan sa mahabang proseso ng ligawan kesa sa mga piniling magligawan muna at kilalanin ang isa't isa nang lubusan sa mahabang panahon.
20. Ang totoong pagmamahal ay hindi puro selos at tamang hinala. Makikita sa brain scan ng taong totoong nagmamahal ang activity sa ventral tegmental area (para sa mga inlove na inlove), ventral pallidum (para sa sense ng long attachment) at raphe nucleus (para sa karagdagang release ng serotonin, ang chemical na nag-uutos para maging kalmado at hindi maging obsess).
21. Ang lalaking mas matanda ng 9 years at yung nag-asawa bago mag 24 ay mataas ang posibilidad na makipaghiwalay sa asawa nya. Kasama nito yung mga nagka-asawa na ng dalawa o tatlong beses at yung mga nagkaanak na bago pa makasal.
22. Ang romantic na relasyon ay tumatagal lang ng higit isang taon dahil ito lang ang kayang i-program ng utak ng tao. Pero pagkatapos ng romantic stage ay ang attachment stage na dahilan kung bakit nagtatagal ang relasyon ng maraming taon. Ganunpaman, hindi ito absolute na nasusunod dahil may mga couples na kayang panatilihin ang romantic love sa mahabang panahon dahil pareho silang nag-eengage sa mga activities na nakakapagpasigla ng kanilang romantic relationship.
23. In relation to #21, ang mga taong may mataas na level ng testosterone ay walang kakayanang tumagal sa relasyon dahil tinatalo ng amount ng testosterone ang amount ng oxytocin at vasopressin (ang mga responsable para sa long attachment). Mga lalaki ang karaniwang dahilan ng hiwalayan pero ang mga sitwasyon tulad ng pagkakaroon ng anak at ang pagiging malapit ng ama sa kanyang anak ay maaaring magtrigger ng pagbaba ng kanyang testosterone at pag-increase ng oxytocin at vasopressin. Sa mga mag-asawang Pinoy, isa ito sa mga dahilan kung bakit nauuso ang "pikutan" at kahit hindi mahal ng lalaki ang babaeng namikot, tumatagal ang pagsasama nila dahil sa bata.
24. Mas nape-feel ng babae ang pagmamahal kung kinakausap sya ng face to face samantalang mas feel ng lalaki ang love pag nakikipag-usap habang may ginagawa, o naglalaro o kaya naman ay ang kabaliktaran ng face to face.
25. To remain in love for a lifetime, therapists advise couples to listen actively to your partner, ask questions, give answers, appreciate, stay attractive, grow intellectually, include your partner, give him/her PRIVACY, be honest and trustworthy, tell your mate what you need, accept his/her shortcomings, give respect, never threaten to leave, say “no” to adultery, DON'T ASSUME RELATIONSHIP WILL LAST FOREVER, and cultivate variety.
26. Ang lalaking biglang sumunggab sa pakikipagrelasyon ay karaniwang hindi nagnanais ng pangmatagalan at pwedeng sabihin na aksidente lang na tumagal sya sa pakikipagrelasyon kung bumilang na ng taon na sila'y magkasama. Dahil ang totoo, ang lalaking may idealism na magtagal sa isang realsyon ay ang taong hindi agad nakikipagrelasyon at karaniwang choosy at maraming standards.
27. Bukod sa pagdodroga o pagbibisyo na karaniwang ginagawa ng maraming nasawi sa pag-ibig, isa pa sa pinaka epektibong paraan ay ang pag-eexercise at pagpapa-araw dahil ito ay nakakatulong sa pag-increase ng dopamine at norepinephrine. Ang palagiang pagngiti ay nakakatulong din para maging bukas ang mga nerve pathways at maging maganda ang pakiramdam.
28. Ang physical closeness ay malakas makapagstart ng love sa dalawang tao kaya't karaniwang nagkakaroon ng relasyon ang mga magkakatrabaho. Pero sa mga bata, ang mga magkababatang sabay na lumaki from 4-6 years old ay maaaring manatiling bestfriends lang o magkakilala.
29. Sa America, lumabas sa survey na mas preferred ng lalaki ang babaeng 3 years na mas bata sa kanya para mapangasawa. Kung sakaling maghiwalay sila, pipili naman sya ng 5 years na mas bata sa kanya at kung hindi pa rin magwork, pipili sya ng 8 years na mas bata sa kanya.
Reference: http://facts.randomhistory.com/2009/08/04_love.html
Photo credit: http://store.rocksports.net/merchant2/graphics/00000001/SCIENCE_PEACE_LOVE.jpg