Friday, March 20, 2015

Kahit henyo ay may sablay din: Lesson mula sa buhay may asawa ni Albert Einstein


"ANG PAG AASAWA AY HINDI PARANG KANIN NA ISUSUBO AT KAPAG NAPASO AY ILULUWA". Yan ay original na kasabihang Pinoy na namana pa natin sa mga ninuno natin. Pero tingin ko ay hindi ito masyadong uso sa Germany kase kahit mismong ang isa sa pinaka-henyo sa kasaysayan ay epic fail sa bagay na to. Basahin ang kwento.

11 taon ding nagsama si Einstein at ang una nyang asawa na si Mileva bago sila nagdivorce. Naghiwalay sila kase ika-nga ng kusinero ay "lumamig ang sabaw" at lumamlam ang pagiging romantiko ni Einstein sa asawa niya. Tinry nila isalba ang marriage at para na rin sa mga anak nila at dahil feeling "poging-pogi" ang ating bida, gumawa sya ng listahan ng mga bagay na dapat gawin ni Mileva para magpatuloy pa ang pagsasama nila kahit wala nang pagmamahalan na nagaganap. Heto ang listahan sa wikang Taglish.

A. Siguraduhin mo lang na:
  1. malinis at maayos ang mga damit ko pati na ang mga labahin
  2. dapat regular mo kong hahatiran ng pagkain sa kwarto ko tatlong beses isang araw
  3. panatilihing malinis ang kwarto ko (tulugan at study room) at walang gagamit ng desk ko maliban saken.
B. Isantabi na natin ang mga personal attachments natin dahil di naman yun importante sa social life natin. Lalo nang hindi pwede na:
  1. magkatabi pa tayo sa pag-upo habang nasa bahay
  2. makasama ka pa sa mga lakad ko
C. Susundin mo ang mga nabanggit sa kasalukuyang set-up ng relasyon natin na to:
  1. wala nang kasweetan o kahit anupamang lambingan na mamamagitan sa atin
  2. pag sinabi kong ayoko makipag-usap, manahimik ka lang
  3. pag sinabi kong gusto ko mapag-isa sa kwarto, iwanan mo na agad ako at wag ka na umangal
D. Wag na wag mo kong mamaliitin o memenusin sa harap ng mga anak natin kahit sa paraang parinig o pag-aattitude.

"E di wow!" sabi ni Mileva. Pero sinunod pa rin nya ang kundisyon na to ni Einstein na masyadong direct to the point at sabi nga ng kapitbahay ko e "kakapapalan ng mukha". Pero siguro sabi ni Mileva: ano naman e para naman yun sa mga anak nila. Tsaka si Einstein na ang asawa mo choosy ka pa? Tsaka siguro feeling ni Mileva hindi lang naman sya ang tanga sa mundo na mag-sstay sa asawa para matawag lang na buo ang pamilya. Katunayan marami syang makakachika at makakajamming dito sa Pinas kung nagawi lang sya dito nung mga panahon na yun at actually meron pa rin ngayong 21st century yung mga tulad nya. Anyway, ilang buwan din ang lumipas at natauhan din yata si Ate kase sayang naman at naturingan din syang physicist kung di nya gagamitin ang utak nya, iniwan nya si Einstein sa Berlin at tinangay nya ang mga anak nila. Tsk, tsk..

Hindi ko na idedetalye kung bakit nagkaganito si Einstein sa asawa nya dahil iiwanan ko na yang topic na yan sa inyo para pagtsimisan. Ang totoo kase, ang pag-ibig ay hindi makakayang iproseso ng utak lamang dahil para saan pa at may puso di ba? Nangyari na itong si Mileva ay nag-iisang klasmeyt na babae ni Einstein at dahil laging busy sa pag-iisip, hindi na nag-effort na tumingin tingin pa sa paligid at sinunggaban agad si Ate. Ito naman si Ate, komo henyo nga at astig pa mag-play ng violin, sinagot agad si Einstein kahit laging magulo ang buhok. E nung nag-iisip ng theory of relativity si Einstein masyado syang busy at ang function ng puso para sa kanya ay magpump lang ng blood. Di naman sya fully walang puso talaga kase di naman nya kakalabanin ang dating kumpare nyang si Fritz Haber na umimbento ng poison gas nung World War 1 dahil trip lang nya. May concern kase sya hindi lang sa libong sundalo na namatay dun kundi pati na rin sa mga sibilyan at meaning, nakakaramdam din sya ng love. Anyway, sana lang nagpakatotoo na lang si Einstein kase kawawa naman si Ate Mileva. Biruin mo, sa Letter C, number 3 ng listahan ng kundisyon nya, "pagkatapos nila mag-sex" at kelangan na bumalik ng henyo sa malalimang pag-iisip, itataboy na lang nya asawa nya? Wala man lang kahit konting dirty talk or kindatan or kagat labi? Extreme di ba? Tsaka nakahanap siya ng maid na nagkataong nanay din ng mga anak nya. Astig. Ang sarap maging henyo, instant pogi at sikat.

Sa kabila nang kinahatnan ng marriage life na to ni Einstein, pwede mo pa rin sabihin na justified nya kung bakit ganito ang nangyari and therefore pwede nyang sabihin na hindi ito epic fail. Pero gusto kung iparating sa sambayanang maginoong Pinoy na hindi mo kailangang gawin ito sa isang babae na pinangakuan mong mamahalin at pakikisamahan mo till the end. Dati ko pang kinukwestiyon kung bakit walang divorce system dito sa Pinas para madali lang sana ang hiwalayan pero siguro narealize na rin ng mga mambabatas natin na ang pagpapakasal ay hindi tulad ng facebook status na pwede mong palitan agad pag nagkawalaan na. Paalala lang sa mga katropa ko ha, tayo ay may puso din at hindi lang puson ang meron tayo. Nagpapakasal tayo dahil mahal natin ang babae hindi dahil nakahanap lang tayo nang mag-aasikaso at mag-eentertain satin. Oo, may posibilidad na "lumamig ang sabaw" anytime soon pero iba ang machong Pinoy. Ang totoong Pinoy lover ay parang klima sa Pinas, oo may taglamig pero babalik din yan sa tag-init. At pag sinabing tag-init, mainit na mainit. Wheww... hanggang dito na lang dahil tumatagaktak na pawis ko. Happy summer 2015! :)

Share