Friday, October 24, 2014

6 Reasons Cheaters Are in the Call Center


What you are about to read on this post are only applicable to those who deserve to be called as a cheater in the call center world. This exclude the ones that work on daytime as well as those who are not in the Philippines set up.


1.      Necessity for immediate outlet- Call center is a stressful job. You get to experience different kind of pressure each night and so you need an outlet to release your tensions. Some folks find escape through smoking or drinking after shift but some take it to a different level which called flirting. Married, single, legally separated or not legally separated and even those who are not annulled yet are engaging to the exciting but dangerous world of cheating in this industry. The demand for the immediate affection is so high that some don’t bother to have an affair with their co-agents while they already have one at home. Compare to other jobs, call center set up has more tempting environment. As agent, you don’t have your own cubicle or office that can give you a bit of solitude or place where you can think clearly before you act. Instead, you have to work on a certain area (which is always busy and noisy) together with your teammates and other agents where open interaction is always present. Hence, since it’s a stressful job and due to accessibility, you get to socialize with them easily and voila, you make tons of friends including few of  potential prospects.
2.      Boring and monotonous working hours- In this job, you have to stay at work at least 9 hours everyday or shall I say, every night. If you’re newbie, you will find the job as something you need to focus and you can’t tolerate boredom. But as days goes by and thanks to same routine everyday, you find yourself in the midst of a tremendous boredom. Because call center is a “live Facebook” and you can easily talk to your vast network of friends, you can easily find someone to have a conversation with. It commonly happens during break time or even at operations. Because you think you have to kill some time to refresh your mind with some funny chit-chat, you get hooked up to that person until both of you realize that some form of attraction is already forming between the two of you. That would either continue or stopped depending on the level of your consciousness and discipline. It is almost fine, no problem except the fact that…you are already committed to someone… cheater!
3.      Emotional deprivation- You are exhausted and strained from this environment and any niceness that would come on your way would be highly appreciated. You are less rational, meaning you cant think straight and right coz you are in great need of other soul who can understand your situation. Since call center is surrounded by lots of pervs, womanizers and vultures, you exposed yourself to them, they saw your vulnerability and they wasted no time to attack you. You might be single or already in a relationship but when you are sleepless and tired, your emotion is the one who makes decision for you. You will slowly fall into the world of unfaithful and cheater human beings.
4.      Abundance of resources- Compare to other jobs, call center pays a bit bigger especially for entry level type of workers. Because average age in the call center is 20-25, young and probably immature, all they want is to spend money to whatever their material body desire. This kind of attitude attracts the same specie who sees world as all material and can be moved by money. This is despite the fact they have things to take care of aside from lust and they probably have their own commitment with someone outside work.
5.      Friends OK’d it- Sometimes, its not a single soul that has to be blamed in this kind of immoral activity. Friends tolerate it. You probably know some folks who felt they are so important to their peers that anyone they approved for him/her is ok to be with for a certain period of cheating time. One thing you don’t know is, you really don’t have much of true friends and most of them just ride on for fun. Well you are probably aware of this but you are maybe curious or just really want to be part of the game. At this moment, another soul has received a certified cheater award.
6.      Time zone differences- If your partner is not nocturnal like yourself, she/he would probably not understand so you would resort to your co-agent who knows what its like to be at your situation. Your lucky if your partner can adjust but you have to consider the possibilities that they might give up because of your availability. Remember that you are on a different timezone and you are aware that night job has extreme psychological effects to you. You have great chance of missing daytime events that need your presence except its your day-off. Your maybe able to make it with your partner during the day but still the feeling of having no sleep affects your mental capability as well as emotional capability.


To sum up this list, only call center people understand their own kind and if you have a lover outside of this nocturnal world, theres a great chance for break-up if you lose grip of another reality which states that “despite of the challenges put up by circumstances, you will always stick to one.”

Sunday, October 5, 2014

7 Nakakapraning na Pamahiin sa Pilipinas

Sa digital age na kung saan, kahit mga lolo't lola ay nagpe-facebook na rin at gumagamit ng monopad pag nagseselfie, maniniwala pa ba tayo sa mga pamahiin na to? Eto ang mga nakakapraning na mga pamahiin sa Pilipinas tungkol sa relasyon,kasal at pag-aasawa na palagay ko ay epekto ng kung anumang herbal na tinira ng mga ninuno natin nung unang panahon.

1. Kung concern ka sa gustong makapag-asawa, huwag magligpit ng pinagkainan hangga't hindi pa tapos kumain ang lahat. Hindi makapag-a-asawa ang taong naiwan.

Ano ang nangyari kay Kris Aquino? Sigurado tayong hindi sya naiwang kumakain habang nililigpit ang hapag-kainan nila dahil konti na lang ay mabubuo na nya ang letters ng alphabet sa mga napangasawa at nakarelasyon nya. Pero ngayon ay wala syang asawa. Nirequest nya bang iligpit ang hapag-kainan habang kumakain pa sya? Sa kabilang banda, may nagligpit ba agad ng mesa habang kumakain pa si Noynoy? May misteryo ang pamahiin na to.

2. Huwag hayaang mahulog ang belo at aras, higit lalo ang mga singsing bago ito maisuot ng ikakasal sapagkat magdudulot daw ito ng kamalasan sa buhay ng bagong mag-asawa.

Yung sa singsing na lang. Isinasuggest ng pamahiin na to na wag maging pasmado ang kamay. Kaya sa mga teenagers na lalaki, wag maghuhugas ng kamay pagkatapos mag......

3. Ang pagbibigay ng arinola ay sinasabing magbibigay ng swerte sa bagong kasal.

Seriously? Siguro, kung gagamitin ang arinola pag walang mabilis na paraan para makapag-CR ay swerte talaga ito dahil makakaiwas ang mag-asawa sa UTI.

4.  Pwede mong regaluhan ng panyo ang iyong kasintahan, pero lagi siyang iiyak. 

So kung trip mo na regaluhan sya ng panyo, bakit di mo na lang sya suplayan ng tissue paper. Pareho lang ng function sa panyo pero hindi sya panyo, di ba? Ngayon kung ayaw mo talaga umiyak ang kasintahan mo.....................idelete mo facebook account mo.

5. Kapag umulan sa araw ng kanilang kasal, ang mag-asawa ay magkakaroon ng mga iyaking anak.

Tips para sa mga guys. Tanungin ang nililigawan kung anung season nang kinasal parents nya. Bakit kamo? Una, kung tag-ulan kinasal parents nya at maging kayo, may chance na active ang tear gland ng babaing yan at di mo magugustuhan na iwanan ang CP mo na hindi nakasilent at walang lock sa harap nya. Pangalawa, kung hindi naman rainy season kinasal parents ni girl at naging kayo at lagi syang umiiyak sa piling mo, ibig sabihin, hindi ka babaero, nagsinungaling lang talaga si girl. May habagat nung kinasal ang parents nya.

6. Wag magpapalit o kakain sa dalawang plato. Dalawa ang magiging asawa mo.

In the first place, bakit ka kakain sa dalawang plato? Masyado na bang mura ang Joy Dishwashing Liquid? May dishwasher ba kayo? Si Geneva Cruz ba ay kumain sa dalawang plato? Oo, pati si Kris Aquino (ayaw tantanan si Kris Aquino e nu? Hahaha...). Kung kuntento ka sa isang bagay at well served naman ang purpose ng bagay na yun sayo, bakit mo pa papalitan? At kung hindi ka ganid o greedy, bakit mo pagsasabayin ang dalawang bagay na pwede namang isa lang. Make sense.

7. Ang isang biyuda na hinaplos ang mukha ng kanyang patay na asawa,ay siguradong mag-aasawa muli.

So kung si Mahal ay sabihin nating nakatuluyan si Jimboy at sa di inaasahang pangyayari ay nadedo si Jimboy at hinaplos ni Mahal ang mukha ni Jimboy, sa tingin mo? Ito bang pamahiin na to ay:
a. nagbibigay ng kumpyansa
b. isang hamon o pagsubok
c. all of the above

Friday, October 3, 2014

Bakit ka Magugustuhan ng Isang Babae?

Maraming nagsisilabasan na tips or guides para sa mga guys tungkol sa kung panu mo malalaman kung gusto ka ng isang babae, panu ka magugustuhan ng isang babae etc. This time, para mas intense, subukan nating i-check ang ating mga sarili bago natin gawin ang mga nabanggit na tips. Bakit ka nga ba magugustuhan ng isang babae? Ito ay para maiwasan ang pangit na habit ng pag-aasume o pagbibilang ng sisiw habang di pa napipisa ang itlog.

WARNING: Ang iyong mababasa ay naglalahad ng mga katangian at mga bagay na HINDI kelangang taglay lahat ng isang lalaki. PAGPAPAKATOTOO sa sarili ay kinakailangan.

1. Nag-iisip. Hindi ka henyo, hindi ka katalinuhan at hindi ka rin kabobohan. Sapat lang. Hindi ka man nagkaron ng mala-Einstein na utak o kahit mala-Kuya Kim man lang, nakikita nya na gumagamit ka ng utak na nasasalamin sa kilos at pananalita mo. 

Tandaan na naiimpress ang mga babae sa mga matatalinong tao pero natuturn-off sila sa una pa lang pag nakakita na sila ng signs na hindi ka nila kayang kontrolin. Gusto rin ng mga babae ay yung mapapagtanungan nila tungkol sa mga hindi kalalimang bagay na mayroon ding hindi kalalimang sagot. Gusto nila yung mayroong praktikal na kasagutan na malinaw na mabe-visualize nila kesa sa mga mala-E=mc2 ang mga response. Kakambal ng mga thinking na tao ang pagiging maunawain na needless to say ay tinitingnan din ng mga babae sa mga lalaki. Yes, ayaw nila sa mga makikitid ang pag-iisip.

2. Kwela. Lagi mong intensyon na patawanin sya pero di ka trying hard na gawin yun at kahit paano ay meron kang sense of humor.


Sa unang conversation sa mga babae, mahalaga na mapangiti sila at kung mapatawa mo sila, ibang level ka na. Siguraduhin lang na kung magpapatawa ka ay hindi sa extent na magmumukha ka ng stand-up comedian. Always make sure na hindi mako-compromise ang respeto nya sayo at mag-ingat sa pagbitaw ng mga green jokes. Ayaw nila sa pervert.

3. Galante. Hindi ganun karami pera mo, hindi ka anak ng mayaman at lalong hindi ka anak ng corrupt na pulitiko. Gumagastos ka ng pera hindi para magyabang kundi para ilaan sa okasyong iyon na hindi na kelangan ng accountant para kwentahin ang mga nagastos mo. Dahil habang nakikita mong nag-eenjoy ang kasama mo at may sapat kang means para ituloy yun, go lang. Maaaring kuripot ka minsan pero alam mo kung kelan.

Isipin mo kung inaya mo sya ng date at pagdating sa venue ay ipinaalam mo sa kanya na KKB kayo. Hindi lang makapal mukha mo, ang tapang pa ng hiya mo. Ang least na magagawa mo kung talagang short ka sa budget ay hintayin syang mag-initiate pero sana wag na umabot sa ganun, dahil nakafocus ka sa date nyo, dapat nakahanda bulsa mo in the first place. Tandaan na may kusa ang mga babae at ang iba sa kanila ay ayaw isipin na gold digger sila, bilmoko o namemera lang. Ngayon kung talagang rich kid ka, e wag mo naman bilhin si ate...hindi sya for sale.

4. May itsura. Hindi ka kagwapuhan at hindi mo rin kasing katawan si Chaning Tatum pero mukha kang tao, may sense of fashion kahit konti o marunong magdala kahit papano. Ikaw rin yung tao na may tunay na ngiti at hindi inaabuso ang pagpapakita nito (or else pagkakamalan kang autistic). 

Gusto ng mga babae yung hindi pa-cute at hindi masyadong maporma. Minsan kase, sa sobrang maporma, napapagkamalan kang aattend ng cosplay. Kung ikaw naman yung type na walang dudang gwapo na talaga, mas ok kung simple ka lang. Wag mong ipangalandakan dahil hindi bano ang mga tao sa paligid mo, nakakita na rin sila ng gwapo.Sa totoo lang, mas gusto ng maraming babae yung hindi kagwapuhan dahil minsan, naiintimidate sila pag sobrang good-looking ng kasama nila. Panatilihin ang tamang postura, makuntento sa kung anung itsura meron ka dahil at the end of the day, character mo pa rin ang mangingibabaw sa isip nya.

5. Humble. Hindi mala-Yolanda ang mga banat mo at walang bahid ng pagmamataas ang kilos at pananalita mo. Though hindi absolute na wala ka talagang kayabangan sa katawan, at least meron kang sapat na amount nun para maging confident ka...not too confident please.

Kung tanungin ka ng babae kung magkano bili mo ng Iphone 6 mo at ano ang mga features nito, sagutin mo ng maiksi at wag mo na pahabain or else magmumukha kang salesman (unless salesman ka talaga). Kung may mga katangian at possesion ka na talagang kapansin-pansin, sabihin mo sa kanya yun in a way na sapat lang para makilala ka nya at wag magmalabis kung ayaw mong mamisinterpret nya ang pagkatao mo. Kadalasan na kapag marami kang kayabangan, nababawasan mo ang pagkakataon ng isang babae para sya naman ang magsalita at magpakilala. Ang resulta, marami kang nai-share na kayabangan pero halos pangalan lang ang natandaan mo sa kanya.

6. Confident. Hindi ka nagpapaligoy ligoy at straight to the point. Alam mo kung anung ginagawa mo at alam mo kung saan ito papunta.

Maraming nang mga mahiyaing kaluluwa ang naglipana sa mundong ito at wag ka na sanang mapabilang dun. Kung ano ang intensyon mo sa isang babae, ipaalam mo na agad though hindi mo kelangang gawing literal sa lahat ng oras at lalong hindi kelangang sa paraang garapal. Dito na papasok ang mga tips na nagkalat sa internet kung paano ipaalam sa isang babae ang nararamdaman mo. Kung rookie ka sa sitwasyong ito, hindi ko inaadvise na magpaka-romantic ka na trying hard naman dahil baka magmukha ka lang ulol. Pero kung veteran ka na sa ganito, ang kailangan mo na lang alamin ay kung anung istilo ang uubra. Basta tandaan na may gauge ang pasensya ng babae at alam nilang hindi sila ang dapat na gumawa ng first move. Kaya kung kasimbagal ng usad ng trapiko sa Pilipinas ang diskarte mo, e magtanim ka na lang ng kamote sa bakuran nyo.

7. Maalalahanin. Alam mo na ang ibig sabihin nito ay ang hindi palagiang pag-check sa kanya at pagremind sa kanya ng mga bagay na obvious namang part na ng routine or else magmumuka kang AI o machine na nakaprogram para gawin yun. Pero alam mo kung kelan dapat na alalahanin sya at iparamdam sa kanya na you're there, that you exist, that you care.

Ang problema sa mga Pinoy, masabi lang na maalalahanin, nawawalan na ng sense of reality. Ang reyalidad ay- hindi kelangan ng mga babae na palagian silang itext o tawagan para lang ipaalam sa kanila ang ginagawa ng normal ng tao o kaya'y ihatid o sunduin sila palagi dahil wala na sila sa gradeschool. Magkaiba ang maalalahanin sa pabida. Ang maalalahanin, tyumetyempo at sincere sa intention, ang pabida, kahit kelan lang o sadyang palagian at gusto lang talaga magpapansin.

8. Gentleman. Pag sinabing gentleman, alam mong hindi ibig sabihin nito ay masyado kang moralista na talagang dapat e standard lahat ng kilos dahil alam mong imposible yun lalo na sa kasalukuyang lipunan. Kaya ikaw yung taong marunong rumespeto, marunong umunawa at kumikilos base sa kung ano ang tama.

Sa pagiging gentleman, hindi mo kelangan ibase lahat ng kilos mo sa kung ano sinasabi ng bibliya o kung ano ang itinuro sayo ng values education teacher mo nung highschool. Ang kelangan mo lang isipin ay yung pagkakaiba ng bawat tao lalo na ng babae't lalaki at kung paano ka magrerespond sa differences na yun. Ang feminine ay iba sa masculine. Kapag alam mo kung panu tratuhin ng tama ang isang babae, gentleman ka.

9. Hardworking. Alam mong bukod sa pakikipagrelasyon, may mga bagay pa sa mundong ito na dapat mong gawin at kung estudyante ka man o working person, nagsisikap ka para mga hangarin mo sa buhay.

But not to the point na talagang workaholic ka at wala ka na halos time. Mahalaga na magkaron ka ng time sa romantic interest mo at lalo na sa official love partner mo. Naappreciate ng mga babae ang mga hardworking na tao dahil nakakaramdam sila ng security lalo na para sa future nila kapag ito ang naging partner nila. Sa totoo lang, maraming mga hardworking na tao ang nagtatagal ang relasyon dahil kapwa nila naiintindihan ang mga sitwasyon nila at kung hardworking din ang prospect mo, siguradong maappreciate nya ng mas malalim ang mga efforts mo. 

10. Hindi makasarili. Hindi ikaw ang ideal na model ng kabaitan pero hindi ka selfish at hindi lang puro sarili ang iniisip mo! 

Ang hindi pagiging selfish ay ang totoong meaning ng kabaitan. Ito ang pinakamahalaga sa lahat pero mahirap makita ng mga babae sa mga unang encounter sa mga lalaki. Dahil sa simula, ilalaan ni Adan ang lahat ng atensyon nya kay Eba pati mga resources nya at pag nagsuceed na sya sa gusto ay parang "diminishing return" sabi nga sa Economics at unti-unting mawawala, unti-unting magbabago. Kaya kung ikaw ay lalaki, siguraduhin mo na genuine at walang halong pagkukunwari ang pagiging unselfish na ipapakita mo sa kanya. Dahil mas matalino na ang mga babae ngayon at alam nila kung sino ang handang magsacrifice o magcompromise para sa kanila in the name of love na selfless at hindi manggagamit.

Ang mga nabanggit ko ay pawang mga opinyon ko lamang at open for criticsm. Feel free to write your comments. :)

Wednesday, October 1, 2014

Friend Zone

I wrote this poem back in 2008 and this is the one of the few that survived from my multiply.com blog. I wrote this for myself when I fell for someone that can never be mine (or maybe that was just my premature conclusion). Now I'm sharing it for those who are afraid to take a risk but still want a connection with that person through the most universal relationship...FRIENDSHIP.

I dont know whats happiness till i see you smile
I only know sadness not until you arrive
With your eyes so beautiful and your mysterious glance
You always make me wonder and you make my heart dance

If I had lived during Da Vinci's time and he asked me a favor
To find a model for his Mona Lisa with a smile so beautiful,
I will recommend you coz no one else has it
No one else has that smile, a smile just so perfect.

Your charm is undeniably strong
I doubt that you practiced it coz i'm certain for you its inborn
You got me stuck up the first time i saw you
It was unbelievable I thought you're not true

But though you put me in a bit of shock I managed to recover
I composed myself and put back things in order
I tried to convince myself that no! Angels arent real
And I was wrong coz if they dont exist, then what are you doing here?

You are capable of changing other soul's kind of thinking
Coz when I picked up my broken heart, I promised not to fall again
What kind of power do you possess to make me change my mind?
Is it supernatural or we're just destined to collide?

Even though we collide I assume you dont care
You are what you are so who I am anyway?
But in case and in some instance i got a bit of your attention
Please dont throw me that madness yet, I won't even ask for affection.

If maybe I get a chance to get to know you better
If I ever get lucky to hear a word from an angel
I would behave myself coz i dont want you to be gone
Guess all i want is to let you know, im your friend if you still need one


Sunday, September 21, 2014

Happy and Religious Pinoy (But why still poor?)

                                                            Photo Credit: http://deathmarked.info/tag/funny-pics

Filipinos are undoubtedly happy and religious. The two attributes mentioned can make a country wealthy or rich only if:

On being happy:
1. You're happy not because you know how to when you're forgetting your problems but because you know how to when you're solving you're problems.
2. You're happy not just because something good happened to your life but because you can share it with others.
3. You're happy not because you have enough financial means to have a life but because you have enough financial means along with a hope to have a quality life in this country.

On being religious:
1. You are religious not because you wanna be saved from hell when you die but because you want to help saving the community from becoming a hell while you are still alive.
2. You are religious not because prayers make you feel good even though you're not working for anything to happen. You are religious because prayers make you feel reinforced and motivated in reaching your goals and making change.
3. You are religious not just because you love god but also because you love your country Philippines.

Saturday, August 30, 2014

A Test of Humility

Recently, I've been reading and studying about lowering pride o pagpapakumbaba. Ito kase yung area na namiss ko bigtime sa buhay ko. Palagi ako mapagmataas, hindi tumatanggap ng pagkakamali at hindi nagpapatalo. So far nagwowork naman until last night, 08/29/2014, dumating ang isang pangyayari na humamon at nagbigay ng test saken tungkol sa tinatawag na humility.

Alam ko na maraming sensitive sa mundong ito na kapag personal na ang assault sa kanya to the point na nadedegrade na sya, either magrereact sya ng exaggerated kumbaga or kikimkimin na lang nya at iipunin hanggang sa sumabog sya. Kabilang ako sa mga taong yun  pero dahil aware ako na hindi yun positive na sign for being emotionally healthy, pilit ko syang kinokontrol by being more rational. Ang problema, lalabas at lalabas ang natural ng tao kahit gaano mo ito pigilin. So last night, isa sa mga co-worker ko ang dati pang walang habas kung magbitaw ng mga salita na totoong mean at masakit kung papakinggan. Ako naman bilang isang kilala na "kalog" at easy going, (dahil yun ang way ko para smooth lang ang pakikipagsocialize ko) ay madalas na magsuffer sa tinatawag na prejudice at humiliation. In short, napakadali lang para sa iba na ipaalam saken ang mga feedbacks o reaksyon nila saken, negative o positive. Naaappreciate ko yun dahil mas lalo ko nakilala ang sarili ko sa ganung paraan at nag-oopen din yun ng opportunity para makilala ko ang isang tao. Yun nga lang, kadugtong nito ang sari-saring offending, foul and below the belt na mga panghuhusga na inaabot ko sa kanila. To give an example,  I'm commonly called as non-sense, OA, sabaw, baliw and stupid. Fine! Criticisms accepted. Pero last night, the co-worker that I'm talking about, went beyond the usual and laid down the judgement to me as if ako yung naka-default na dapat masisisi agad at mahusgahan agad when a certain problem or issue in a team arises.

As a response, I tried my best para diplomasyahin sya, makipag-usap ng mahinahon kahit at the bottom of my heart, nandun na yung sobrang pain at sabi ko sa sarili ko, "this is too much". Base on that situation, i was offended and I asked for apology. Although hindi ko ineexpect na mag-aapologize sya pero I felt na since ako yung naagrabyado, ok na lang naman siguro na makarecieve ako ng apology tulad ng normal na tao. I failed, di sya nag-apologize and i broke down and i felt really sorry for myself for the very first time in my life. Sabi ko, talagang mahihirapan nako ire-stablish ang sarili ko as someone na kahit paano ay nangangailangan din ng pag-unawa at respeto mula sa iba. So after a short conversation with our supervisor who tried to mediate our situation, I told him "I have no choice but to just forget and forgive this time. But the pain brought by the truth that im ridiculed, humiliated because of what I am will stay for a while inside me."

Going back to the concept of pride and humility na nabanggit ko sa simula, yun ay dalawang salita na mahirap maintindihan at maisakatuparan. Pero seryoso ako na maattain yan sa sarili ko at alam ko na kelangan ko makarecieve ng ganitong mga challenges bago ko maachieve yan. So una kong natuklasan na challenge is yung pagtanggap ng pagkakamali na sobrang hirap at bigat sa kalooban. Out of the situation na nabangit ko, tinangap ko yung pagkakamali ko at ngayon ay nagmo-move on ako despite the fact na puro pagmamataas pa rin ang nakikita ko sa taong yun. Anyway, iba-iba naman ang tao at merong mga hindi lang ipapakita sayo ang meaning ng pagpapakumbaba, ituturo pa nila yun sayo. Special mention to my friend Abs na nagcecelebrate ng birthday nya ngayon (Happy birthday brad!). Ang taong ito na nagshare saken ng kagandahan ng pagbaba ng pride ay hindi nagsettle sa pangangaral lang sa pamamagitan ng salita kundi ipinakita nya saken kung ano ang ibig nyang sabihin nang minsang nagkabangga kami. Habang ako ay kasingtigas ng adamantium na naninindigan na ako ang tama at ni hindi ko sya iaappoach nung nagka-away kami, sya naman ay kasing lambot ng marshmallow na ibinaba ang pride at nag-open ng way para magreconcile o magkaayos kami...despite na narealize ko later, ako talaga ang may kasalanan ng lahat.

Hindi ko hinahangad na maging dakila pero sasabihin ko sa lahat ng makakabasa ng post na to, walang kasing-rewarding ang mabuhay sa pagpapakumbaba. Yan ang natuklasan ko, isasabuhay ko at ibabahagi ko rin sa iba.

Josemaría Escrivá’s 17 Signs of a lack of humility:

  • Thinking that what you do or say is better than what others do or say
  • Always wanting to get your own way
  • Arguing when you are not right or – when you are – insisting stubbornly or with bad manners
  • Giving your opinion without being asked for it, when charity does not demand you to do so
  • Despising the point of view of others
  • Not being aware that all the gifts and qualities you have are on loan
  • Not acknowledging that you are unworthy of all honor or esteem, even the ground you are treading on or the things you own
  • Mentioning yourself as an example in conversation
  • Speaking badly about yourself, so that they may form a good opinion of you, or contradict you
  • Making excuses when rebuked
  • Hiding some humiliating faults from your director, so that he may not lose the good opinion he has of you
  • Hearing praise with satisfaction, or being glad that others have spoken well of you
  • Being hurt that others are held in greater esteem than you
  • Refusing to carry out menial tasks
  • Seeking or wanting to be singled out
  • Letting drop words of self-praise in conversation, or words that might show your honesty, your wit or skill, your professional prestige…
  • Being ashamed of not having certain possessions…

Saturday, August 2, 2014

Kababalagh​an sa Opisina Part 2 (My Own Experience​)

Nagiging entertainment na saken ang mga encounters ko. "Spooky first of August" na matatawag ang gabing ito para saken. Nagpasya akong pumunta ulet sa zen room tulad nang nabanggit ko sa last post ko. Paghiga ko pa lang, alam kong may kakaiba nang mangyayari. 10 pm, 3 minutes na kong nakahiga, nakikiramdam pero lumipas ang sampung minuto, walang mabigat na kung ano akong naramdaman at wala ring humihila ng damit ko. Nakabaluktot ako nun na parang armadillo na dumidepensa sa panganib. Di ko alam kung bakit yun ang posisyon ko pero siguro gusto ko lang yakapin ang sarili ko at magself-rescue kung sakaling maging worst ang gabing ito.

Nakaidlip ako sa ganung posisyon at dun na ako nanaginip. Nakita ko ang sarili ko sa panaginip na nakabaluktot at nakapulang hoody (suot ko sa mga oras na yun). Unti-unting  umikot ang lazy boy ko, mabagal, pabilis nang pabilis hanggang maging sobrang bilis na parang ikot ng elesi ng  electric fan. Hindi ito ang gusto kong panaginip at feeling ko binabangungot na naman ako. Iginalaw ko ang pinky ko kasunod ang paa. Nagmadali ako sa pagmulat ng mata at HOLY S**T! Isang klarong imahe ng braso ang tumambad saken. Alam kong hindi ko yun braso dahil nakalong sleeves ako. Mga ilang segundo kong tinitigan ang brasong iyon na parang nakakapit sa ulunan ng lazy boy na hinihigaan ko.  Maputi at mabalahibo ang braso at halos dumikit na sa mukha ko sa sobrang lapit. Dahil nakabalukot ako nun, malapit sa mukha ko ang tuhod at nakita ko ang kupas na maong ko, walang anino ng kung sino man knowing na dapat ay nahaharangan nya (kung tao man yun na nakatayo sa tapat ko) ang konting liwanag na tumatagos sa zen room. Kumisap ang mata ko at sunod na nakita ko ay tuhod ko na lang, wala na ang kamay na kanina’y nakaharang. Ano pa ba ang ibig sabihin nito? Hindi ako nabigo at isang “friend” na naman ang naencounter ko this time.

Gusto ko nang lumabas ng zen room, nagsimula na kong kilabutan. Sapat na siguro yun ngayong gabi at sa ibang gabi naman yung iba. Mga ilang minuto akong natulala, sobrang tahimik sa loob ng zen room. Ang nakakabinging katahimikan ang nagdala sakin sa tatawagin kong “closing remark” ng bawat experience ko sa lugar na ito, ang “mala-insidous” na panaginip. Bumangon na ulet ako sa higaan pero alam kong tulog pa rin ako nun. Pagbukas ko ng pinto palabas ay bumulaga agad sakin ang isang bata na hindi ko masyadong madescribe kung babae o lalaki pero medyo mahaba ang buhok nito, nakahandusay sya sa sahig katabi ng trash can na aluminum (weird lang kase wala namang trash can na ganun sa building namin) at di sya gumagalaw. Nasa bandang kaliwa ko ang batang ito na siguro ay nasa edad 5 or 6 at pagtingin ko sa kanan ay isa namang babaeng may headband na nakapormang parang pang 90's at tandang tandang ko ang itsura nya dahil nakatingin sya sa akin. Palagay ko ay edad 23-26 ang babae na may fair na pangangatawan. Tumakbo ako sa madilim na hallway at bago ko marating ang internet kiosk na usual kong dinadaanan sa lahat ng panginip ko, nakita ko ang dalawa pang bata na hindi nalalayo ang edad sa una kong nakita. Tingin ko ay babae’t lalaki ang mga bata na nakaupo naman at may katabi ring aluminum na trash can. Tumunog na ang orasan ko bago pa man ako makarating sa dalawang bata at pagkagising ko, hindi ko maexplain kung nabitin ba ako o dapat ba akong magpasalamat dahil natapos agad ang isa na namang nakakakilabot na panaginip.

Lumabas ako ng zen room (totoo na dahil gising na ko this time) na nahihilo pa dahil sa biglaang gising. Lumabas ako at nakita ko ang TL ko sa lung center (smoking area). Matagal na sya sa opisina namin kaya tinanong ko sya kung sino na nga ba yung nagpaparamdam sa buong building. At sinabi nya na si “Lenlen” isang bata ang madalas na nangungulit sa opisina. Napangiti na lang ako. Tingin ko ay may friends pa itong si Lenlen.

Abangan ang susunod ko pang post.

Thursday, July 31, 2014

Kababalaghan sa Opisina (My Personal Experience)


Year 2011. Unang taon ko sa pinagtatrabahunan kong kumpanya. Sa taong ding ito naganap ang sunod sunod na kababalaghan na naranasan ko sa mismong building namin. Noong una, kumportable akong nakakatulog sa sleeping quarter. Pero nung mga bandang huli, parang kakaiba na ang mga naramdaman ko. Nung una binalewala ko lang. Una kong mararamdaman, bumibigat pakiramdam ko na para bang may nakadagan na kung ano sa katawan ko. Magpupumiglas ako pero di ako makagalaw. Di rin ako makapagsalita o makasigaw. May mga pagkakataon pa na mararamdaman ko na may humihila sa damit ko o kaya may aangat sa braso ko. Alam kong hindi yun kung sino na nangtitrip lang dahil the moment na imulat ko mata ko, wala akong ibang nakikita kundi mga kapwa ko pagod at natutulog na agents. Mga ilang beses nangyari ito sa akin kasama ng mga panaginip na iisa lang ang tema, nasa sleeping quarter daw ako, babangon sa lazy boy, maglalakad papuntang station ko, dadaan sa computer kiosk at mapapansin kong madilim na parang brown out, may mga makikita akong hindi ko pa namimeet dati, maniniwala akong nagising na ko para magising ulet at marealize na nasa higaan pa rin ako. Hindi ko na nakayanan to at nagpasyang wag na matulog kahit kelan sa zen room (sleeping quarter) bago mag 2012.

Ngayong 2014, things are much more exhausting kase nag-aaral ako, nagwowork at nagkaroon pa ko ng part time job sa college. Nung una kaya ko pa na hindi matulog o matulog lang kung saan sa opisina pag sobrang pagod ko na talaga. Pero later on, napagpasyahan ko na subukan muli ang zen room. At first, paranoid ako, so hindi rin ako makatulog ng maayos na di katulad ng mga ibang agents na parang sanggol matulog. Tinry ko pa rin at ika nga ay napunta rin ako sa "right side of the bed" at nakatulog. Normal, walang paramdam, peaceful ang tulog ko. Sabi ko, wala na siguro, ok na ang lahat at makakagamit na rin ako ng zen room nang maayos. Pero kagabi lang, 07/30/2014, mag-aalas dose ng hatinggabi, naranasan ko ulet ang bagay na hindi na bago saken. To have an extreme flashback, nangyari na to saken nung college. Succubus daw tawag dun at parehong experience nung working na ko. Ang pagkakaiba lang, sexually related ang sa succubus at yung sa office ay talagang parang makagambala lang sa natutulog ang kung anumang entity na yun. Going back, di ko naanticipate ang pagka-ulet ng experience na yun. Una, may humihila ng hoody ko dahilan para sumikip yun sa ulo ko then luluwag at hihilahin ulet. Nahalata ko na na nagpaparamdam ulet sya pero imbes na kilabutan, nacurious ako kung ano naman this time ang gagawin nya saken. Yun nga, kasunod ng pagbigat ng pakiramdam ko ang paghila nya sa hoody ko. Pinagmumura ko sya sa isip ko na 100% sure ako na gising na gising dahil alam ko pag binabangungot ako, kelangan ko galawin ang pinky ko. Bukod sa pagmumura, parang kinamusta ko rin sya, tinanong kung bakit ginagawa na naman nya yun. Tuloy lang sya sa ginagawa nya at shit! Halos maihi ako sa pantalon ng pati baba (chin) ko ay hinawakan at unti-unting bumuka ang bibig ko na para bang may humihila sa baba ko. Weird kase imbes na matakot ako ng tuluyan, chinallenge ko lalo sya. Kumagat ako ng buong higpit para di bumuka bibig ko. Mga ilang minuto kong naramdaman ang kung anuman yun na parang nakikipagpwesahan saken para mapabuka ang bibig ko hanggang sa tuluyan itong nawala. Nakaidlip ako pagkatapos nun dala na rin ng pagod. Para bang combo at kasama sa package at di makukumpleto kung di ko mararanasan ulet ang panaginip na idenescribe ko na sa unang paragraph. Tandang tandang ko pa kung paano ako nilapitan ng gwardya at sinabi saken ang ganito bago ako pumasok ng operation area: "Sir pakialis bike nyo sa gilid." Ang sagot ko naman, "Wala akong dalang bike kuya dahil umulan kanina." "Ganun ba? Ah sige sir kala ko sa inyo yun." sagot nya saka umalis. Nagbababike ako sa pagpasok sa office pero hindi pag maulan at maulan kagabi. Akala ko talaga, gising na ko at totoong nangyari ang conversation na yun with the guard hanggang maisip ko, Pu*******! hindi yun gwardya dito dahil kilala ko lahat ng gwardya sa building at noon ko lang sya nakita at bakit brown out at anung ginagawa ng pusang puti sa loob ng operation area at sino yung mga tao na kasama ng mga katrabaho ko? Mga bagong hire? Overnight nahire at operation agad? Dun na ako nagising at mga isang minuto yata bago ako tuluyang lumabas ng zen room, tumingin muna ako sa paligid at saka minura ang pu*****ng kung anuman yun na umepal na naman. (Shet tumitindig balahibo ko habang sinusulat ko to).

Ishinare ko ang istoryang ito sa mga officemates at di na ko nasorpresa nang magkwento rin ang isa sa kanila ng kaparehong experience saken. Na-overbreak pa nga daw sya dahil akala nya, walang ilaw dahil walang kuryente at masaya syang nakaupo sa station nya dahil downtime para lang marealize later na nananaginip lang sya at di pa sya gising, nasa zen room pa rin ang katawang lupa nya.

Ito ang mga nabuong theory sa isip ko:

1. Bata ang nagpaparamdam saken dahil sa nature ng pagpaparamdam nya. Para syang nangungulet na ewan. At bukod dun, minsan na nya kong dinalaw sa operations nung one time na nakatulog ako sa station ko. Hinila nya braso ko na dahilan para magising ako at ang nakita ko na lang ay laylayan ng damit nya na parang uniform ng babaeng elementary pupil.

2. Nasa sleeping quarters sila dahil laging madilim at dun nagkoconcentrate lahat ng negative energy na galing sa mga stressed out na employees.

3. Hindi talaga mga agents o employees ang mga namimeet namin sa panaginip. Alam nyo na siguro kung ano yung mga yun.

I-aaupdate ko ang istoryang ito sa sunod na tulog ko sa zen room. 100% sure ako na magpaparamdam ulet sya at plano kong makipag-usap na sa kanya. Tingnan ko kung magrerespond sya para malaman ko ang istorya kung bakit nya ginagawa yun.

Saturday, July 26, 2014

Pride at Pagpapakumbaba (Humility)


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin ang level ng pride at humility na meron ka.

1. Kapag merong kumorek sa ginagawa o sinasabi mo, ano reaksyon mo?

2. Gaano ka kabilis at kadalas magpatawad sa mga nakagawa ng kasalanan sayo?

3. Pag nakagawa ka ng kasalanan, inaamin mo ba o naghahanap ka ng masisisi?

4. Palagi mo bang iniisip na kaya ka nagtagumpay ay dahil "the best ka" at angat ka sa iba? Ganun mo na lang ba ito ipagmalaki at ipangalandakan sa iba?

5. Madali ka bang mainis sa ibang tao?

6. Minsan ba feeling mo ay bayani ka? O kaya ay yung tipong pag nakagawa ka ng maganda o pabor sa kapwa mo ay dapat marecognize ka kaagad kung hindi man mabigyan ka ng materyal na kapalit?

Kung ang sagot mo sa #1 ay: "Nagagalit ako, badtrip ako pag ganun..." MaPRIDE ka. Nasaktan ang pride mo pero tandaan mo na tayo ay hindi diyos at nagkakamali tayo. Hindi tayo perpekto na kahit ang Pope sa Roma ay may mga pagkakamali sa buhay. Stand to be corrected kung nagkamali ka man ay wag maging OA kung sa tingin mo ay nasa tama ka. Matuto makinig sa kapwa at wag puro ikaw ang nagsasalita dahil sa tingin mo ikaw ang tama. You always learn something new pag may kumorek sayo pero di mo makakamit ang "something new" na yan kung hindi mo matututunan makinig sa sinasabi ng iba. Ang pagtanggap ng pagkakamali ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #2 ay: "Hindi ako mabilis magpatawad.""Piling-pili lang ang pinapatawad ko." MaPRIDE ka. Iniisip mo na sinadya nila yun at ganun-ganun lang ang tingin nila sayo at hinahamon nila ang mga kakayananan mo at...sinaktan nila ang pride mo. Pero wag mo kalimutan na tulad mo, hindi rin perpekto ang kapwa mo. Minsan pa nga ay hindi talaga nila alam ang ginagawa o sinasabi nila. Ang pagpapatawad ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #3 ay: "Kagagawan to ni ____." Yung _____ ang dapat sisihin dito." MaPPRIDE ka. Maaaring napakataas ng tingin mo sa sarili at tulad sa #1, ang perpekto ng tingin mo sa sarili mo at iniisip mo na kung di ikaw ang nagkasala, siguradong merong dapat sisihin. In connection with #2, hindi ka hihingi ng tawad at patuloy na magiging ugali mo na maghahanap ng masisisi. Deadly ang ugaling meron ka katulad ng kung paano namatay ang milyong Jewish nung 1940's dahil sila ang sinisi ng mga NAZI sa pagbagsak ng ekonomiya ng Germany. Huwag manisi ng iba, kung kelangan tanggapin ang sitwasyon, gawin mo dahil nangyari na at sama-sama na lang mag-move on. Ang hindi paninisi ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #4 ay: "I'm so skilled, I'm so talented, ang taas ng pinag-aralan ko at ang layo na ng narating ko thats why im the best." Kayabangan yan di ba? At maPRIDE ka. Iniisip mo na dapat sayo palagi dumepende ang iba dahil ikaw ang may kakayanan na lumutas sa mga sigalot. Hindi ka humihingi ng tulong o suporta sa iba dahil sa tingin mo ay napaka-strong mo at weak sila at wala silang silbi para sayo. Panu na lang ang kasabihan na "No man is an Island"? Kung akala mo na ang dahilan kaya hindi ka umaapproach sa iba ay dahil sa superiority mo, seryosong problema yan. Ang pagkilala at pagkonsulta sa kakayanan ng iba ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #5 ay: "Oo, kase may mga tao talagang stupid, weird, jologs, corny at papansin." MaPRIDE ka. Ikaw ba ang magsasabi kung ano ang hindi stupid? KUng ano ang hindi weird, jologs at corny? Ikaw ba ang magsasabi kung kelan papansin at hindi papansin ang isang tao? Kahit sabihin pa natin na isa ka nang ganap na institusyon sa society na ginagalawan mo, hindi standards mo ang dapat masunod dahil sa katotohanan na iba-iba ang bawat indibidwal. Hindi ikaw ang magdidikta kung alin ang normal na gawin ng iba para lang ma-please ka. Ang pag-unawa at pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng bawat tao ay pagbaba ng pride, ang pagbaba ng pride ay humility.

Kung ang sagot mo sa #6 ay: "Unfair kung nag-effort ako tapos wala man lang recognition o kapalit." Selfish ka o puro sarili lang iniisip at walang dudang maPRIDE ka. Paano kung ang isang bagay o isang sitwasyon ay nangangailangan ng participation mo pero dahil nakikita mo na hindi ka naman kikilanin sa parteng yun, hindi mo na lang papansinin? Paano kung sa gitna ng problema at kaguluhan at kelangan ng pakikiisa mo pero iniisip mo na wala ka naman mapapala kung makikiisa ka, babalewalain mo na lang? Humility is not thinking less of yourself but thinking of yourself less. Hindi kahit kailanman nakakasakit sa dignidad ang pagtulong lalo na't para sa ikabubuti ng iyong kapwa. Ang reward at recognition ay hindi tamang gawing motivation sa lahat ng oras para lang makuha ang willingness mo na umaksyon para sa iba. Make it unconditional, make it pure and make it selfless. Sa puntong ito, ikaw ay mayroong pure humility and zero pride kung hindi ka selfish.

Ang artikulong ito ay bunga ng aking self-reflection at sa tulong din ng link na to.

Sunday, July 6, 2014

Know Your Folks

There are people who are good at names. They can easily remember other people and recognize them through names.

There are some who are good at familiarizing faces. They can tell who the person is by looking at his/her face.

In my case, I use a little of both of the two i mentioned but a large portion of my way to recognize people is through their way of thinking. I can easily remember people who have ideas that not too many people can conceive. And so while I was trying to identify who my students really are, the following short essay caught my attention. It was written by one of them and i quickly admire the courage that he possessed when writing this kind of revolutionary thought. But hey, stating the truth and realities are often times revolutionary and off at other people's ears and so we got nothing to do but to dig our mind a bit deeper and throw some appreciation to those who chose to open their eyes to what really exist in this f****** world. Here it is:

It's this generation of internet slaves/television dreamers, people who are convinced that they could be Movie Gods, Rock Stars but end up being white collar pawns working for the job that they hate, so they could buy shit that they don't need just to impress people they don't like ... see? That doesn't make sense! ... or does it? And I don't blame you for that, I blame your past time activities for that. It's maybe because you watch alot of television. 'Cause they have some seriously generic telenovelas and they have this dumbass sitcoms with cliche jokes. They don't even have the guts to produce well made films, they only show us Drama, Romance, Comedy and Horror, 'cause all their goal is to profit. Which eventually makes them more rich and "you" more obsess to what they're selling.
Let me tell you something about the local music industries and our radio stations. In this generation, their only goal is to be competitive, it's true, they've been playing this "Number One, love radio, Number two yes fm" for about forever. And don't get me started about this "Papa Jack Relationship Advice" segment that gives obvious advice to his shallow-minded callers. It's bad. Most of these television programs are bad and highly overrated.

Enough with my hipster-ish dialog. Let's go back to me being sarcastic about our generation.
For my fellow 1st year, specifically those who are between 16 to 18 that are having trouble growing up and still have the "Peter Pan Syndrome". Look ... we're grown ups now, so deal with it. We're suppose to face our responsibilities and bills and other big words that sounds extremely terrifying like taxes. Some of you will agree with me in here, unless you really want to be the course that you enrolled to, which makes me happy 'cause you're pursuing your dreams and you're being yourself. And for those who doesn't know what they want to be or don't know who they really are, if you want to know why society seems to shun you, or why you seem to get no respect, it's because society is full of people who need things. They need houses built, they need food to eat, they need entertainment, they need fulfilling sexual relationships. You will end up realizing that being kind wouldn't be in your resume and you will slowly realize that you are the asshole you always hated. That you enrolled in a school that the society wants, convincing you that, that's what you're programmed to do. And hiding you the truth that you end up fulfilling other peoples dreams, rather than your own. You will slowly learn these facts, and it's kinda depressing.


As you may know, as you grow, time seems to speed up and I don't know why this is happening but I'm not a big fan of it. And if you ask me, If I ever want to be younger if I could, well ... no, God no, I do not. I like this adulthood thing, it give me a much deeper understanding about the world. I remember back when I was in 1st year highschool, and teachers be like "Wilmer, this is the best time in your life" and I was like "Well it better not be". I might sound like a hypocrite or an asshole to you right now, which I kinda am. And most of you think that I don't know what I'm saying 'cause I'm too young and I don't have an idea how to do my own taxes. Well ... it's my speech! (or note, 'cause this is a note right?)

Sunday, June 29, 2014

Facts tungkol sa Call Center Agents sa Pilipinas

PALALA: Hindi lahat ng Call Center Agents sa Pilipinas ay pare-pareho. Pero karamihan sa kanila ay nagtataglay ng mga katangiang mababasa nyo sa page na to.

1. Karamihan ay fresh grad o college undergrad na ayaw mag-start sa maliit na sahod kaya pinasok ang call center job.

2. 20-25 years old ang average age ng mga call center agents.

3. Insomnia at hypertension ang karaniwang sakit ng mga CC agents dahil sa hindi healthy na diet at kawalan ng sapat na night time sleep. Marami rin ang asthmatic at may sakit sa baga dahil sa tindi ng pagyoyosi. Marami rin ang lulong sa alak at sad but true, marami rin ang lulong sa droga. Mataas din ang rate ng mga nagkaka STD sa industriyang ito.

4. Hindi totoong satisfied ang mga CC agents kumpara sa ibang nagtatrabaho sa ibang industriya. Dahil ito sa kawalan ng quality social life na meron ang iba tulad ng karamihan na nasa day job. Ang mas nagpapasaya sa kanila ay ang "sweldong" nakukuha at benefits sa trabaho dahil sadyang mahirap makahanap ng matatawag na kaibigan sa work na to bagamat marami ang matatawag na tropa o barkada.

5. Bukod sa health issues, isa rin ang relationship o marital issues sa problema ng mga call center agents. Marami ang naghihiwalay dahil sa trabahong ito. Marami rin ang nagkakaroon ng maraming partner sexually o intimately sa industriyang ito. Para ring machine ang isang CC agent (mapababae o mapalalaki) sa bilis magpalit ng partner oras na magkahiwalayan.

6. Call center hopper ang tawag sa CC Agent na hindi nagtatagal sa isang call center company at palipat-lipat ng call center na pagtatrabahuhan.

7. Palaging pressured at stress ang isang CC agent dahil kelangan nyang maging laging productive at ma-hit ang goal na set ng management.

8. Karamihan ng CC agent ay walang pakialam sa karapatan nila tulad ng nasususlat sa labor code at policy ng DOLE. Wala silang problema basta't sumusweldo. Kung di magustuhan ang patakaran ng kumpanya, magreresign at lilipat sa ibang call center company. Hypocrite pero wala rin namang kaayusan ang policy ng gobyerno pagdating sa call center worker's rights so the hell they care.

9. Kung hindi lilipat sa ibang CC company ay mag-aabroad ang isang CC worker.

10. Sadyang mahilig sa gadgets.

11. Karamihan ay magaling magpronounce ng english, mahilig magsalita ng English, pero hindi lahat ay kayang makipag-converse sa pure English.

12. Laging topic ang trabaho kahit nasa labas na ng workplace.

13. Mahilig sa gossip.

14. Halos hindi updated sa mga balita at karaniwang napupulot lang ang balita sa facebook at hindi sa TV o dyaryo. Mas updated pa sa PBA o NBA or local or international showbiz news. At karamihan ay mas gustong manuod na lang ng TV series tulad ng Game of Thrones.

15. Bukambibig ay outing or out of town or kung saan na pwede mag hangout pag free time.

16. Mahusay na team player kesa sa nasa ibang line of jobs.

17. Masayang kasama kahit stress out at puyat.

18. Level up sa pagiging kwela ang baklang CC agent.

19. Matiisin at walang choice kundi maging hardworking.

20. Analytical. Pati taxi na sasakyan o lugar na lalakaran sa gabi ay inaanalyze dahil paranoid din sa holdaper at the same time.

21. Waterproof, Fil-Am (Filipino-Amphibian). Hindi adventurer pero nagiging adventurer lalo na tuwing tag-ulan o tagbagyo. Walang choice kundi pumasok sa work dahil yun ang utos ng management at kliyente.

22. May pagka-racist lalo na tuwing may marerecieve na Chinese o Indian calls.

23. Karaniwang nagreresign tuwing December pagkatapos ng 2 o 3 taon na pagstay sa company.

24. Parehong alam ang holiday sa Pilipinas at US o bansang may hawak ng account nya. Additional pay para sa holiday sa Pinas at walang pasok pag holiday sa US o sa kliyenteng bansa.

25. PINOY PA RIN SA PUSO AT DIWA AT ITINUTURING NA BAGONG BAYANI kasama ng mga OFWs.

R.I.P. Mamita.

Saturday, June 28, 2014

Bagong Adbentyur, Bagong Hamon

Matagal na panahon na mula nung huli akong magsulat sa blog na to. At sa mga panahong nagdaan na naiwang nakatiwang-wang ang blogsite na to, ako'y busy sa paggawa ng sari-saring mga bagay. Nariyang halos di ako natutulog para matapos lang ang mga assignments sa masteral, malasing ng todo na mala "Hangover" movie ang tema, magbisikleta ng walang humpay hanggang sa magbakbak ang balat ko sa sunburn at halos di na maigalaw ang binti sa pagod, ano pa ba? Ah basta madami. Pero ang highlight ay ang kasalukuyang pinasok ko na alam ng lahat na di biro pero dala ang sapat na lakas ng loob at determinasyon, pinasok ko ang mundo ng pagtuturo...Isa na kong instructor/lecturer ngayon sa isa sa mga kolehiyo dito sa Manila.

Feeling ko, karamihan sa mga pinagbabanggit ko sa blog na to sa nakalipas na apat na taon ay kahit paano'y nagkaroon ng katuturan. At least ngayon, hindi ko na masasabi sa sarili ko na bunga lang ng malikot na imahinasyon ko ang mga nalikha ko sa blog na to. Dahil araw-araw, sa loob ng apat na taon, iba't ibang uri ng tao ang nakasalamuha ko. Nandyan ang mga katrabaho ko sa call center, mga kaklase ko sa masteral course, mga propesor, abugado, duktor, atleta, taksil na ex, adik, kriminal at libo-libong kawawang taxpayers at marami pang iba. At lahat nang natutunan ko mula sa karanasan at mga istorya ng iba't ibang mga tao na yan ay naibabahagi ko sa klase ko. Ang mga positibo at negatibong aspeto ng mga leksyong napulot ko ay maingat kong hinimay para maibahagi saking mga estudyante upang nang sa ganun ay mairelate nila sa tunay na buhay ang mga itinuturo ko.

Hindi madaling magturo ng social science at iba pang subject discipline na relevant sa field of specialization ko. Kelangan mong maideliver ang klarong picture ng tunay na buhay habang iniingatang hindi maalis ang application ng science sa bawat piraso ng impormasyon o konsepto na nakapaloob sa bawat lecture. Bagamat may mga pagkakataon nagiging hadlang ang emosyon sa pagpapalaganap ng mga kaalamang iyon, lagi akong bumabawi upang wag ma-stuck ang discussion sa iisang topic lamang. Hindi ko rin hinahayaan na hindi marinig ang boses ng mga kabataang inihabilin sakin ng institusyon upang gabayan sa kanilang edukasyon. Oportunidad para sakin ang marinig ang kanilang mga ideya dahil gaano man kaliit,kalaki, kakitid o kalawak ang mga ideya nila, mahalagang magkaroon ng makikinig at uunawa sa kanila.

Ang isang educator para saken in a general sense ay taong hindi naqualify mula sa mga kaalamang napulot nya sa libro kundi ang taong naqualify dahil sa balanseng paggamit nya ng wisdom at knowledge. Hindi ka naman kase gagawa ng mga halimaw sa institusyon na kulang sa puso at mayaman sa utak. Ang dapat na nakikita ng isang educator ay ang isang indibidwal na nadevelop ang tamang malasakit sa kapwa at sa lipunan habang taglay ang teknikal o academic skills na napulot nya sa kolehiyo. Marahil ay wala nang kukumpleto pa sa pakahulugan ng "higher education" kung ang bawat bagay na matututunan ng isang estudyante ay tatatak hindi lang sa kanilang memorya o kaisipan kundi pati sa kanilang damdamin.

Ang bagong adventure kong ito ang itinuturing ko nang pinaextreme at marahil ay mananatiling bago hanggat ang hamon ng kasalukuyang sistema sa edukasyon ay walang pagbabago. Nagkaroon ako ng napakataliwas na pamumuhay sa mga nagdaang taon na sapat na para mabuksan ang puso at isip ko upang makita ang totoong kulay ng mundo. Malabo man at ni sa imahinasyon ay hindi ko nakita ang sarili ko na tatayo sa harapan ng mga kabataang ito upang tulungan silang labanan ang kamangmangan, hindi naging mahirap saken na tanggapin ang biglaang hamon na to dahil alam kong sapat ang kaya kong ibahagi sa kanila. Salamat sa mga mali at baluktot na pareho kong naranasan at naobserbahan sa paligid ko. Ngayon ay handa na kong maging instrumento para magapi ang numero unong kaaway ng naghihingalo nating lipunan...ang kamangmangan. Kamangmangang hindi lang nag-ugat sa kawalan ng pormal na edukasyon kundi kamangmangang dulot ng saradong isipan na nagpasalin-salin na sa bawat henerasyon.


Wednesday, November 20, 2013

Kwentong Volunteering

1460043_555248791219127_974168327_nNaranasan mo na ba magbuhos ng oras at pagod na walang hinihintay na kapalit makatulong lamang sa mga nangangailangan? Eto ang kwento ko.

Linggo, ika-17 ng Nobyembre, boring, nakakatamad at parang gusto kong mahiga na lamang. Dapat ay papunta ako sa Villamor Airbase pero naging malabo ang usapan sa plano kong samahan na grupo kaya pinasya kong mag stay na lamang sa bahay kasama si G at magpakabulag sa sangkatutak na movies sa PC ko. Biglang nagtxt si G para tanungin kung anung gagawin sa araw na yun. Ito ang reply ko: “Maglalaboy tayo…indefinitely.”

Pagkatapos magfoodtrip, tulog naman. Ipinahinga ko ang hapo kong katawan sa isang linggong trabaho, aral at puyat. Gabi na nang marealize kong hindi pwedeng walang mangyari sa araw na ito. Nagpasya kami ni G na tumungo sa Resorts World Manila. Bakas sa mukha nya ang malalim na tanong kung ano ba talaga ang gagawin namin. Lakad, lakad at lakad pa sa loob at labas ng mall na yun. Hanggang sa maisip ko na bat di kaya dumiretso na kami sa Villamor Airbase at kumuha ng pics ng mga dumarating na survivors sa Manila. Tapos uwi na din. Sunod na napansin ko, nasa Villamor Airbase na kami.

Suot ang makasaysayan kong rubber shoes, pantalon at Pilipinas shirt, nagpalakad-lakad na naman ako kasama si G na nakaredshoes at white pants pa na akala ay magsstroll lang kami kung saan. Umakyat kami sa Grandstand ng airport at tumambad saken ang kalunos-lunos na itsura ng sangkatutak na survivors na inaasikaso ng volunteers at DSWD. Dun ko na niyaya si G para magparegister…para magvolunteer…para makiisa sa pagod na dinadanas ng mga nais makatulong.

Napunta kami ni G sa counseling team na kung saan ay in charge kami sa pag-stress debriefing ng mga typhoon survivors. Nagdoubt pa nga ako sa kapasidad ko sa task na ito dahil malayong kamag-anak lang ng Psychology ang course na tinapos ko unlike kay G na Psychology talaga ang background nya. But equipped with pure heart, spirit and determination na makatulong sa mga nasalantang ito…magiging adventurous ang gabing ito, nasabi ko sa sarili ko.

Halos hindi ako makapagsalita sa unang pamilya na inassist ko. Halos hindi ko mahagilap ang mga dapat kong itanong sa kanila. Nang lumabas sa bibig ko ang unang tanong sa unang survivor na nakausap ko (“Kumusta po kayo?”) halos bumulwak ang luha sa mga mata ko sa kanyang isinalaysay. Dalawang araw na pumila para makasakay sa eroplano papunta sa kamag anak sa Manila. Sa dalawang araw na ipinila nila, gutom, puyat  at hindi masukat na stress ang kinaharap nila. Hindi sila nakakatulog ng maayos pero habang nasa pila, tulog man sila o gising ay paulit-ulit na inaatake sila ng bangungot na dulot ng bagyong Yolanda. Paulit ulit na hinahagupit ng mapait na ala-ala ang mga puso at isip nila tuwing babalik sa gunita nila kung panung sa mismong harapan nila ay tinangay ng malakas na hangin ang bahay nila at nilubog ng baha ang kanilang kabuhayan. Ginawa ko ang best ko para ibahagi sa kanila ang mga bagay na alam kong dapat nilang gawin para malagpasan ang krisis na yun lalo sa aspetong psychological. Pagkatapos ng stress debriefing, walang kasing-rewarding ang makita ang mga ngiti na para bang papasikat na araw na unti-unting gumuhit sa kanilang mukha. Tumaas ang energy ko at tulad ng orasan na walang pagtigil sa pag-ikot, ginamit ko ang bawat sandali para makapagbigay ng kapanatagan sa iba pang mga survivors.

1452518_555249454552394_1722451197_nPagod na ang lampas kalahati ng mga volunteers at staffs ng DSWD nang maghahatinggabi. Pero walang tumitigil sa pagkilos. Habang kumakain ang mga kararating lang na mga survivors, tumulong na rin ako sa mga marshalls na magbigay sa mga tao ng mga pangangailangan nila mula sa mga donations. Katawan at utak ko na ang magkasamang napapagod pero wala akong regret, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko. Sa kabilang banda, ang aking si G ay walang complain, tuloy din ang pagkilos.

Mula sa pagtulong sa isang hindi alam kung panu hahanapin ang kaanak sa Manila hanggang sa pagcomfort sa batang pati tunog ng eroplano ay kinatatakutan, hindi ako pumili ng kahit sinong nangangailangan ng assistance dahil lahat sila ay biktima. Hindi ko malilimutan si Ana, isang 10 year old na batang babae na bakas na bakas ang matinding anxiety sa kanyang mukha. Hindi alam ng kanyang ama ang gagawin sa bata. Sobrang payat na nito at bahagya lang kumain. Kinausap ko sya at inalam kung anung nangyari. May mga kalaro syang napasama sa 4,000 na mga namatay at kahit ang pagkakataong makumusta man lang ang mga kaklase at teachers nya ay hindi nya magawa. Pero gustuhin man nyang makasama ang mga kaibigan, pinili na rin nyang sumama sa Maynila dahil ayon sa kanyang ama, baka hindi makarecover agad ang anak nya habang nasa lugar na kung saan ay naganap ang matinding trauma sa buhay nila. Pagkatapos kong kausapin ang kanyang ama, bumalik ako kay Ana at sa paraang maiintindihan nya ay ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at kung panung ang isang tulad nya ay makakaraos sa krisis na iyon. Positive ang response nya. Napansin kong may pagkafashionista ang batang ito at ang ending? Naging counselor/fashion consultant ako ng kanina lang ay puno ng lungkot na si Ana at ilang saglit pa ay naghahanap ng fitting room sa gitna ng airport/evacuation area. Salamat pala sa mga nagdonate ng mga damit, sa ganda at quality ng mga damit na idinonate nyo, baka magmula pa sa mga taga-Samar ang susunod na Next Top Model. Ooops..wala nga pala ako alam sa fashion so maaaring ako pa ang naturuan ni Ana sa part na yun. Ahehe..

1465182_555249021219104_909525656_nTumatakbo ang oras at 6 hrs, nonstop na kami ni G na nagvovolunteer. Lagi ko syang tinatanong kung kaya pa at kaya pa naman daw. So sige, tuloy ang aksyon. Isang pamilya naman ngayon na galing sa Brgy. Guian sa Samar ang inassist ko. Iba na ang approach ko ngayon sa pakikipag-usap. Mas cool na at ewan ko kung standard pero effective din pala ang mag-crack ng mga jokes na para bang nasa tindahan lang kayo ni Aling Puring at umiinom ng malamig na sopdrings na nasa plastik.

Me: Ate kumusta kayo? Mukang nastress kayo ng konti. Sori dahil di natuloy shooting nyo sa Tacloban dahil sa bagyo.

Ate: (sa salitang War-log=Waray+Tagalog) Ay anu ka ba. Di naman ako artista.

Me: Ay sori kala ko si Marian Rivera ka po na nagulo lang ng konti ang hair.

Hagalpakan ng tawa. Pagkatapos ng tawanan ay naisalaysay nya saken ng buong buo ang nangyari at parang soap sa TV, may iyakan din na nangyari…pero walang malisya yakap ko sa kanya ha. Para macomfort lang (wag judgmental ok?)

Isa pang klasik:

Me: Boy ikaw ba ay nakapag-paalam sa girlfriend mo?

Boy: Hindi nga po kuya e.

Me: Ikaw ba ay magiging loyal sa gf mo ngayong nandito ka na sa Maynila?

Boy: Ay oo naman kuya. Ay san po pala pwede makigamit ng cp kase nasira po cp ko, sim lang naisalba ko.

(Sinamahan ko sa libreng tawag at text booth)

Boy: Kumusta ka na dyan Yolly? Andito na ko sa Manila.

Me: Anug pangalan ng gf mo?

Boy: Yolly po.

Me: Short for?

Boy: Yolanda

Me: Nagpramis ka ha. Hindi mo iiwan yan.

Boy: Opo.

Me: Magaling kung ganun.

Another one:

Sa CR habang pila-pila ang gumagamit. May lumapit saking babae. Nakiusap kung pwede gumamit ng CR ng lalaki dahil blockbuster nga yung sa babae. (Ako ngayon ay counselor/fashion consultant/utility) Go lang ate. Ako bahala. Nagkekwentuhan pa kami ni Ate habang nasa loob sya ng cubicle ng dumagsa ang mga lalaki at kanya kanyang pwesto sa urinal. Ang iba ay naghihintay mabakante ang cubicle. Nagpapawis na ko ng gamunggo dahil ako lang ang naka-ID ng volunteer sa CR at alam ng mga lalaki na ako nag nagpapasok sa babae. Paglabas ni Ate sa cubicle, mistulang dinaanan ng Yolanda ang mga lalaki sa urinal sa lakas ng patak ng ihi dahil sa pagmamadali. Nang makalabas na kami ni Ate ng CR, nagpasalamat sya saken habang ang ibang lalaki ay chinecheck kung tamang CR ba talaga yung napasukan nila. At least walang nabitin sa pag-ihi at lahat ay nakaraos.

Hindi lang sa mga survivors nagkaron ng nakakatawang experience kundi pati na rin sa mga co-volunteers ko.

Sa clothing section:

Me: Bro damit naman para kay lola please.

Bro: (Iniaabot saken ang evening gown)

Me: Ahmmm… Hindi pa nya kayang dumiretso ng party after nito pre. Magpapahinga muna daw sya. Pwede yung mejo pambahay lang?

Bro: Ay sori pre.

(At saglit naging comedy bar ang clothes section na dahilan para mawala ang antok ng mga puyat na volunteers.)

1461205_555249284552411_192942033_nNang almost 10 hrs na kaming nakaduty ni G, lumabas na ang mga signs na talagang pagod na kami. Pero dahil napakarami ng nangangailangan ng assistance, di pa rin kami humihinto. 1390470_555249151219091_2039513140_n (1)Pagkatapos kong isakay ang isang pamilya sa taxi na hindi sinuwerteng makatyempo ng volunteer na maghahatid (mula sa Oplan Hatid na talaga namang napakalaking tulong sa mga survivors na magtatravel sa M. Manila at karatig probinsya) bumalik ako sa airbase para kumustahin naman ang isang mag-ina na ki-nounsel ko din. Inindorse ko sila sa dalawang madre for spiritual guidance. Laking gulat ko nang maging ganun na lang ang pasasalamat saken ng mag ina at pati ng mga madre. Pinagtagpo ko ang dalawang relatives na dekada na ang nakakalipas bago muling magkita…si mother superior at si nanay. Niyakap ko ang mag-ina bago ako umalis pero humirit si Sister.

Sister: Anak, akin na ang cel number mo.

Me: Ay sure po Sister. Bakit po pala?

Sister: May opening sa seminary. Tulungan kita magpari.

Me: Di nga po. Seryoso?

Sister: Alam mo anak, kahit di mo na kami tinawag, ramdam ko ang spiritual guidance na naibigay mo sa mag-ina.

Me: (My god nag-adrenaline rush ako, naalala ko lahat ng mga verses sa bible na sinabi sa isang channel sa TV na aksidente ko lang napanuod.) Ahhmm…itutuloy ko na lang po pagiging public servant sister. Magugustuhan din naman po nya yun (sabay turo sa taas) di po ba?

Sister: Magpapari ka anak, magpapari ka. Ok?

Gisselle: (Worried)

Pagkatapos ng halos 12 hrs na volunteering works sa Villamor Airbase, pauwi na rin kami sa wakas. Magkakahalong emosyon ang naramdaman ko. Saya, tuwa at lungkot. Saya dahil sa isang hindi malilimutang experience. Tuwa dahil kahit hindi ko talaga to pinlano ay nangyari ito at higit pa sa ineexpect ko ang satisfaction na naramdaman ko sa pagkakawangawa. Lungkot dahil sa napaikling panahon na nakasama ko ang mga kapwa ko Pilipinong buong tapang na hinarap ang malaking hamon na ito sa kanilang buhay…saglit ko lang silang nakasama at mawawalay na ko sa kanila. Mabuhay ang mga mga survivors ng typhoon Yolanda! Hinding hindi ko kayo makakalimutan.

1452064_555249201219086_520123428_n

Share