Monday, April 15, 2024

Safe bang kainin ang balat ng mangga? Usapang anti-cancer tayo.

 

Paano naman ako napunta sa topic ng mangga? Well, since nag-stop ako uminom ng alak, naghanap din ako ng pwedeng ipasok sa sistema ko na healthy at lalong magpapabawas ng craving ko sa alak. Also, since ang tagal kong nalulong sa alak e hindi ako nakakasigurado sa risk ng cancer na isa sa mga kumplikasyon nito so naghahanap talaga ako ng panglaban dito. Kaya bukod nga sa pakwan, saging na syang palagi kong nakikita sa tabi ng kalsada, ngayon ay eto at panahon na naman ng mangga at panahon na naman para-mastress yung officemate mong hugis mangga na laging binubully. Anyway, dinaig ko pa ang naglilihi at bigla akong nagcrave so nagcheck ako ng pede mahingan o mabilhan ng mangga na organic at natural, walang pesticide. Baket? Kase may habit ako na pati balat ay kinakain ko at hindi mo gugustuhing kainin ang balat ng mangga na hindi ka sigurado kung saan nanggaling. Thankfully may mga friends tayo sa Norte na napaka sweet (kasing sweet ng mangga nila) na hindi ako binibigo tuwing panahon ng mangga at palagi akong pinapabaunan pauwi mula sa mga puno nila.

Nagsimula akong kumain ng balat ng mangga nung bata ako. It was 1998 at talagang napakahirap ng buhay. El NiƱo na malala na nagpahirap sa mga magsasaka at idagdag pa ang Asian Financial Crisis na nakaapekto din sa Pilipinas. I grew up in Bicol at talaga namang kung usapang prutas kasama na ang mga weird at bihirang makita sa ibang lugar e maaamaze ka sa probinsyang kinalakhan ko. I remember eating pili na hindi lang yung laman, pati balat basta lalagain muna. At dahil nga tag-gutom at hindi katulad ng mga kabataan ngayon na hindi pinapansin ang mga prutas, kami noon ay talagang "nagpo-fruit bearing trees hopping". Dahil din sa kakulangan ng bigas at ulam, e napili namin magmukbang na lang ng mga prutas. Isa ang mangga sa mga pinakapaborito ko pero kung kakainin ko sya on the spot na wala akong dalang kutsilyo, its either babalatan ko sya ng ipen or iuuwi ko na lang. Meaning maglalaway ako habang pauwi sa bahay at hindi sya ok. Then natuklasan ko na itong indian mango or paho kung tawagin samen ay hindi naman pala ganun kapangit ang lasa ng balat. So kinakain ko sya kahit pagkapitas pa lang at mula noon, hindi na ko nag-aabala na balatan pa ito. Bukod sa less hassle, dagdag laman tiyan pa. Pero syempre pag hindi fresh at nabili lang sa fruit stand, hinuhugasan ko ng mabuti kase di ka nakakasigurado kung may pesticide yan. Though later on, mas gusto ko na yung mga mangga lang sa palibot ng bahay na sure na hindi inisprayan at safe kainin ang balat. Check mo din kung may allergy ka sa balat ng mangga lalo na yung mga friends natin dyan na maseselan. Baka bigla ka na lang mamamantal at mangati. Base sa pag-aaral, maaaring may allergic reaction ang iba sa balat ng mangga so ingat.


Bakit ka naman kakain ng balat ng mangga kung may bagoong ka? Well kanya kanyang taste yan. Hindi ko trip ang may bagoong. Asin lang or kahit walang asin, talo talo na. Base sa pag-aaral, may compound sa balat ng mangga na baka magpabago ng isip mo tungkol sa hindi pag-kain nito. Ito ang tinatawag na triterpenes at triterpenoid na pawang anti-cancer at anti-diabetes. Bukod sa mga bagay na yun, mayaman din sa fiber ang balat ng mangga so idagdag mo pa yung laman, baka mas maging mabilis ka pa kesa sa PLDT. Kidding aside, fiber is good sa digestion para sa mga tulad ko dyan na nagkaroon na ng problema sa tiyan, try nyo ang balat ng mangga. Meron ka pang vitamins A, C, E at B6 pati potassium at copper na matatagpuan sa mismong laman na kung titirahin mo din yung balat, may parehong uri ng vitamins na madadagdag plus yung anti-cancer at anti-diabetes na sa balat lang matatagpuan. So kargado ka ng bitamina at minerals, may anti-oxidant ka pa na panlaban sa alta-presyon at iba pang heart disease.

Pero muli, may kanya-kanya tayong preference sa pag-kain ng mangga. Suhestyon ko lang naman kung trip mo din kainin yung balat ng indian mango (again indian mango lang ang matotolerate mo ang lasa pero i-try mo din yung ibang uri ng mangga kung matitripan mo yung balat). Para saken, oo medyo mapakla yung balat pero yung health benefits na ngayon ko lang narealize (dahil dati nga e dala lang ng tag-gutom), baka i-consider mo din na kainin. Personally, anything na anti-cancer na pagkain, go ako.

Advance thank you na agad sa mga friends pa dyan na nais magbahagi ng mga sobra nilang mangga or kung may tip kayo kung saan pede makabili ng bagong pitas at walang pesticide, timbrehan nyo naman ako. Happy mangga season sa lahat at nawa'y maging source ng nutrisyon ang mangga, hindi ng pangbo-bully. Ok? Kung medyo mahaba ang baba nya, be nice na lang. Perfect ka? :D

Saturday, April 13, 2024

Bakit mahirap para sa Pinoy ang tumigil sa pag-inom ng alak?

Bago ang lahat, SALAMAT sa mga nagpaabot ng suporta at encouragement! Mahal ko kayong lahat!

For today's topic, pag-usapan natin kung bakit nahihirapan ang isang "machong Pinoy" sa pagtigil sa pag-inom ng alak? Sa salitang "macho" pa lang, may idea na tayo sa bagay na yan. Sa sosyolohikal na opinyon, ang mga Pinoy ay heavily influenced pa din ng kulturang namana natin sa mga Kastila na kung saan, party is life! At i-combine mo yan sa patriarchal culture na impluwensya din ng nasabing mga dayuhan at meron kang perfect recipe para sa hindi masasawatang pag-inom lalo na ng mga kalalakihan. Ayokong magpaka-academic dito dahil topic ko yan sa mga susunod ko pang entries pero just in a nutshell, sa society na dominated ng mga lalaki, kakaunti lamang ang cases na tumigil sa adiksyon (alak in particular) ang isang lalaki dahil sa impluwensya ng babae. Ire-realtalk kita at sasabihin ko to hindi galing sa aklat kungdi sa sarili kong experience at observation. 

Titigil sa pag-inom ang Pinoy kung:

1. May health problems na (high blood, liver disease, stroke etc.)

2. Naging relihiyoso at nakilala si Jesus.

3. Be-breakin na ng gf o asawa dahil hindi na lang sya ang naaapektuhan kungdi pati sila.

Sa tatlong nabanggit, yung unang dalawa lang talaga dyan yung madalas na dahilan. Yung pangatlo, pinapaabot na nila yan sa hiwalayan kase malamang sa malamang, may mga pisikal at verbal nang violence na involve dyan at talagang di na kaya. Habang meron namang iba na naaagapan pa at nasosolusyonan bago pa humantong sa hiwalayan. Btw pag naghiwalay na, lalo lang lumalala ang pag-inom. Maswerte na kung marealize nya agad na ginagago nya lang sarili nya at kelan nyang magrecover at magkaron ng redemption.

Sa kabilang banda, madami pa din naman na nagkakaroon ng internal realization at sa pagputok ng salitang "mental health" na bihira namang mabanggit kahit nung early 2000s, e nagkaroon na ng awareness ang madami na kapag itinuloy tuloy nila ang pag-inom e lalo lang lalala ang depression nila hanggang hindi na sila mag-function ng maayos lalo na sa pakikipagrelasyon sa kapwa mapa-intimate o iba pang uri ng relasyon. Pero sa kulturang Pinoy na wala naman talagang alcoholic dito, lahat ay moderate lang, wala tayong mental health problem. May mga nagsesuicide, may mga naaksidente, may mga nakakagawa ng krimen pero chill lang. Sa sobrang chill natin, may presidenteng nanalo dahil sa pag-exploit ng kahinaan natin sa mga nakakaadik na substance na kung tutuusin, kung karamihan saten e hindi addicted sa kung anuman at nakakapag-isip nang maayos, hindi natin kelangan ma-impress sa sinumang pulitiko na isho-showcase yung abilidad nya na pahintuin yung adiksyon natin samantalang kaya naman natin yung baguhin sa mga sarili natin. Alam mo yung alam na nating yung mga personal nating problema pero ayaw nating tanggapin na kelangan pang maging pulitikal bago tayo mamulat.

Moving on, in comparison sa ibang nation sa kaka-browse ko na din ng mga alcoholic confessions at mga inspirational videos, mas malalim ang mga dahilan nila kung bakit humihinto sa pag-inom. Karamihan sa kanila ay hindi na umabot sa mga worst scenarios para magbago although madami din na naabot na yung sukdulan pero nakakakuha pa din ng second chance. Pero iba kase talaga ang Pinoy. One time, may nakakwentuhan ako tungkol sa kung paano namatay ang partner nya sa alcoholism at inamin nya kung ano yung naging mali nya. Tinolerate nya only because, "parang normal lang naman daw". Eto rin yung nangyari sa relative ko na sumakabilang buhay dahil sa kumplikasyon sa atay na tinolerate din ng pamilya nya lalo na ng asawa nya dahil nakakapagprovide naman. I mean dahil siguro sa pagiging 3rd world country natin na immune na tayo sa katoxican ng mga sitwasyon, nanormalize na natin yung mga negative na epekto ng pakikipagrelasyon sa isang "machong Pinoy" na kung behaved naman e sige ok lang. May mga post pa nga sa social media na ang reward ng asawa sa partner nyang matino naman ay ang payagang uminom o maglasing. Kase unlike sa mga first world country, ang isa sa common nilang concern e yung productivity. They are mainly about brain function sa mga kabuhayan nila and with alcohol, ang bilis makita ng epekto sa mga performance nila na nagtatranslate sa mga hindi nila kanais-nais na asal pag-uwi nila ng bahay. Ang mga Pinoy ay hindi naman lahat blue collared employees na madaming stress na dinadala from work. Karamihan saten ay "masa" na madaming time at may simpleng hanapbuhay. At dahil majority nga ng mga trabahador ay nasa parehong bracket ng mga hanapbuhay, hahanapin nila yung isa't isa at sa pamamagitan ng alak na pagsasaluhan para mararamdaman nilang hindi sila nag-iisa at madami silang may parehong mga pinagdadaanan. Bilang epekto, hindi na narerealize yung malalim pang epekto ng alak sa mental na aspeto dahil sa katwiran na bakit yung mga tropa nila e ayos lang naman. Ok na sila sa estado ng buhay nila at wala na sila gustong baguhin so wala na ring pressure sa pagbabago. So bakit pa nila iisipin yung pagbabago o innovation sa takbo ng buhay nila kung immune na sila sa kasakuluyang sitwasyon na mabuhay lang sa kasalukuyan at mairaos ang maghapon. Again, I'm talking about "masa", hindi ko nilalahat.

Ngayon, may mga intervention naman sa iba na nagiging reason ng paghinto nila sa pag-inom ng alak either napalapit sila sa diyos dahil naging Christian o Iglesia ni Kristo etc. Ang nakakatakot lang sa reason na to ng paghinto e, paano kung subukin na naman sila ng tadhana at may malaki na namang dagok na dumating sa buhay nila? Kekwestyunin nila yung pananampalataya nila at muli na naman silang babalik sa nakagawian. Although this is very effective sa setting ng Pinas na heavily religious at madami akong kilala na nakalaya sa bisyo dahil kay lord. Amen.

Pero bakit nga ba nahihirapang huminto sa pag-inom ng alak ang karamihan sa mga Pinoy? Kase generally, hindi naman kelangan huminto. May problema ba tayo sa alcoholism? Wala! Katulad nga ng nabanggit ko, walang alcoholic sa Pinas, moderate drinkers lang. At sabi nga ni dok, basta wag lang sobra. Mahalaga ba ang paghinto sa pag-inom ng alak? Hindi! A wise kainuman once said to me, "uminom ka lang pag masaya ka, wag pag may problema ka". E wala naman tayong problema e (karamihan ganito mindset). At kahit meron, hindi naman natin pinoproblema so umiinom tayo ng alak parati dahil masaya tayo. I guess simulan nating isipin at seryosohin yung mga problema natin at baka dun tayo magsimulang matauhan at maisip na may mas mainam pang gawin kesa maglasing. Baka dun lang tayo hihinto sa pag-inom ng alak.

Sa mga partner naman o kahit sinong nagmamahal (mapa-kapamilya o kaibigan) sa isang meron nang alcohol drinking disorder kung tawagin, wag nyo nang kunsintihin. Sang ayon naman ako sa occasional  na pag-inom na ok lang yun pero ang Pinoy ay hindi nawawalan ng okasyon. Kung walang okasyon, gagawa yan ng okasyon. Kung walang magawang okasyon, maghahanap yan ng may okasyon. Ang problema dito, wala sa mindset ng machong Pinoy na makinig at sumunod sa pagbabawal o restriksyon ng kahit sino lalo na ng opposite sex. So dahan dahan nilang imamanipulate hanggang madominate ang sinuman na nagtatangkang kumontrol sa kanila. Madalas nagtatagumpay sila pero sa huli, sila din naman ang talo.

Mga obserbasyon ko lamang ito at hindi ako specialist. Ang totoo, nasa proseso pa din ako ng paglaban sa toxic na alcohol at araw-araw kong isine-celebrate ang hindi pagtikim nito. Naisip ko, sa paghinto sa pag-inom ng alak, wag mong isipin yung future, isipin mo yung ngayon. Talunin mo yung tukso ng alak kada araw. Parang kadena kumbaga na araw-araw mong dinudugtungan hanggang makabuo ka na ng solid na tanikala na matibay at sya mong gagawing tulay patungo sa mga level up pang chapter ng buhay mo. Unlike sa alak na tanikalang igagapos mo sa sarili mo ang mabubuo mo, sa pag-quit ng alak, makakabuo ka ng daan tungo sa mas maayos pang bersyon ng pagkatao mo.

I keep pushing myself everyday to be a better person by starting from quitting alcohol na syang nagpalugmok saken. One day, babalikan ko ang mga isinulat ko dito at sasabihin kong hindi ako nagkamali sa desisyon ko. I still have friends na walang indikasyon ng paghinto sa alak and I still love them but I want to love them more once na buong buong na din yung pagmamahal ko sa sarili ko.

Tuesday, April 9, 2024

Going Strong and Still Undefeated! - My Alcohol Abstinence Journey

I gotta put this one in global language for my foreign friends. It's not my native tongue but I'll try my best.

In my previous posts, I shared about my reasons on why I decided to quit alcohol. If google translate failed to be precise, let me go through it really quick. It so happened that I succumbed to deep depression which I could’ve easily combated if only I didn’t count on alcohol. Such depression is mainly caused by recent break-up but variety of life problems also chipped in. As crazy as it sounds, as soon as I stepped into serious existential crisis, my alcoholism shoots up over the scale that I couldn’t control it anymore. Health problems arise but mental health did the most destruction. That morning when I woke up at the floor with my stuff scattered all around together with fucked up messages I sent to my ex, I said, I got enough…time to quit!

The tough part of quitting alcohol which I believe is nothing different with all kind of withdrawals from addiction, is the urge to do it again or just go straight on having relapse unconsciously. On my first 72 hrs of not having ethanol in my system, I tried to bargain to myself like what if I just take it to moderation? I mean quitting is so extreme and I may not be able to do it. But then the other side of my brain started to function a bit more normal and told me that I’ve already been alcoholic for a decade and it all started from being moderate up to being this extremely addicted. Like “am I really that loser already?” What an insult right? Then I went back to my facebook posts and saw how I tried to quit alcohol each year as a new year’s resolution but failed. I mean I’ve been just fooling myself all these times and when I’m gonna be serious about it? It already cost me relationships, career/jobs what else do I want to lose? The only thing that is left for me is my family whom still believes and still has a little respect for me. I still have friends but I’ve been hideous to them not until recently that I finally made it public that they showed support. I gotta redeem myself. I still care about people’s respect but I have to start respecting myself first. So, the first week was really tough and I’m kind of back and forth fighting on my demons who always want me to stick to my destructive habits. Believe it or not, each day is like a paper-thin chance of me not having to at least have sip of alcohol then I will dramatically maneuver till the urge is gone. I feel like I’m in Madmax where water is so scarce that even a sip is already a luxury but no! I should not have even a sip of alcohol and there’s no degree of self-negotiation that will compromise my goal to absolute abstinence to ethanol. I started to establish a tremendous mental toughness to fight the urge and day by day, I’m winning.

When the large chunk of memories of my past relationship are tied up to my environment and even a tiniest event reminds me of her, the urge to drink really emerge. (Friends, it may sound cringey to some and some even find it less masculine or exaggerated but each of us has their own battles and there’s no deep or shallow reason if the one who’s having it is already in deep burden in my opinion. I believe there’s a dynamic in people’s personal crisis from petty to severe which varies in each standards or norms. While some are strong enough to face their own struggles, some are still weak and I’m ashamed to admit that I’m one of the latter hence I’m working hard to be strong.) I’m no longer a child that will always give in to my “id” and I gotta do something especially in the midst of all the temptations. In my country, we’re not that accustomed to pubs or certain drinking places. I’m not saying we’re already that worst in the drinking addiction category but the people drinking are so visible that you can even see them in your peripheral vision e.g. under the tree, in front of mini stores and even in your social media walls. To fight these temptations, I can’t describe enough how hard I’m punishing myself everyday by working out e.g. cycling, jogging and home workouts (I’ll be hitting the gym soon) until I’m already gasping for breath. That gasping by the way is probably due to my lack of exercise for a long time which I know will disappear gradually as I go along this journey. Then I will go under the sun extensively to let that Vitamin D go through my system and help repair what alcohol already fucked up. With those regimen, I feel like oxygen finds its way again to my nervous system much better and my brain approves what I’m doing. I do that everyday while listening to Huberman or Goggins to name a few and I go like a well oiled machine.

I would do my house chores after a long day of work (on top of my daily workout) to consume all the energy that I’ve obtained from a minimal carbs that I intake until I’m already fully physically exhausted and my body is begging to rest and sleep. Alcohol has already messed up my sleep pattern but it’s getting back to normal and boy it’s so refreshing.  This has been my routine for more than two weeks now and I don’t have a plan to slow down until “I’m me again” or even surpass my former better self.

Consistency and discipline are the only things in question now and whether I’m hungry enough for this change or not is still yet to be answered. But each day is a promise of hope that I always eager to embrace and an opportunity to achieve my goal one step at a time. I gave myself 30 then 60 then 90 up to 365 days to prove to myself that I’m a man of action and I can beat this addiction that one day…I can stand and face people and show them that I made it, I won. I will not relapse and my mind is stronger than my desire. My family is always at my back especially my brother whom I cannot afford to disappoint. He’s my number one supporter and I’ve let him down many times but not this time.

To all who are going through this same crisis and also hungry for change to be a better version of themselves, come brothers and sisters and let’s all win this battle! Let’s keep going! No excuses! No relapse! We can do it!

Sunday, April 7, 2024

Ayoko na uminom! - Alcohol Free Week 2 (#365_Days_Alcohol_Free_Challenge)

Pag nalalasing ako, CR ko at kama ko buong mundo. May pa-feeding program din ako sa mga itik at wala akong hiya. Pero nakakapagod din pala yung ganun. Gusto ko na magbago.

13 y/o pa lang ako nang unang makatikim ng alak pero kelan lang nang tuluyan akong magkaproblema sa sobrang pag-inom nito. May pagdugo na sa loob ng tiyan ko dahil sa acute gastritis. Ilang beses ko na din inakalang inaatake ako sa puso pero heartburn pala dahil sa acid. Pero sa kabila ng mga karamdaman na yan, wala ako balak na huminto sa pag-inom ng alak. Wala...hanggang nang nadepress ako at naranasan yung direktang epekto ng alak sa utak ko.

Dalawang linggo na nakakalipas nang makaramdam ako ng sobrang pagka-down. Umiinom kami nun ng utol ko (which was my last drinking session) nang bumuhos yung emosyon ko na parang eksena sa pelikula ni Baron Geisler. Hindi ko na nakayanan yung mga problemang dinadala ko at nung gabing yun balak ko talaga ay mamaalam lang sa utol ko kase gusto ko na umalis sa earth (seryoso). E nung tumaas na tama ko, natagpuan ko na lang ang sarili kong tumutulo ang luha habang nagpapaliwanag ang utol ko sa opinyon nya tungkol sa mga Pinoy na winalangya ng mga Intsik sa West Philippine Sea. Makabansa ako pero hindi ako para magreact ng ganun sa isang balita na wala namang personal na epekto sa akin. Dun na ako nabuko ng utol ko na may pinagdadaanan ako na mas seryoso kesa sa kinukwento nya. To make the long story short, nag-usap kami ng masinsinan at awkward man kase hindi naman kami lumaki nang ganun na parang drama-rama sa hapon, pinakinggan nya ko at pinayuhan. Bale idinetalye ko na din yung background story ng pagka-alcoholic ko sa link na to: Paano nga ba ako naging alcoholic? para di ka na mahirapang mag-marites. Pero ang purpose ko talaga sa journal na to ay maibahagi (realtime) yung mga pagbabago saken habang lumilipas yung mga araw na hindi ako lasing. E malay mo baka maisip mo rin na sabayan ako pero ihanda mo sarili mo. Kase kung kasingtindi na ng kaso ko ang pagka-alcoholic mo, so far, eto ang mga nararanasan ko. Basa!

Sa loob ng 24-48 hrs na walang alak sa sistema ko, ang una kong naramdaman ay yung hindi maipaliwang na lungkot at kawalan ng pag-asa. Tipong pakiramdam ko e basurang-basura ako at wala na akong space dito sa mundo. Anxiety na malala talaga. Mga ilang minuto akong nakatingin nun sa mga kabaong sa malapit na funeraria (kase di ba may salamin yung funeraria para makita mo yung mga kabaong sa loob para sa effective marketing) at para akong gago habang nakabilad sa araw. 24 hrs na ko walang tulog nun kase di ako nakakatulog pag di ako nakainom so parang pinapanawan na ko ng katinuan. Tapos sabi ko sa utol ko, "tol dyan muna ako sayo kase natatakot ako mag-isa". Cringey pakinggan pero maniwala ka saken o hindi, pag ang tao may sintomas na ng pagiging suicidal, walang baduy na dahilan kung bakit nya naiisip yun. Dahil gaano man kababaw sa tingin mo ang dahilan para perwisyuhin nung tao yung sarili nya? I-extend mo yung pag-unawa mo at tulungan mo yung tao kase naniniwala ka man sa mental health problem o hindi, ang huling bagay na hindi mo nanaisin mangyari ay ang mapahamak ang taong malapit sayo sa sarili din nyang kamay. Yun ay kung may malasakit ka. Anyway, nung araw na yun pagkatapos ng eksena sa funeraria, sinubukan kong matulog sa place ng kapatid ko. Paputol-putol na tulog pero at least meron kesa manatiling gising tapos tulog na forever pagkatapos di ba?

Bukod sa struggle sa tulog at extreme anxiety, wala din ako ganang kumain at medyo nanginginig kamay ko na para akong pasmado. Nang tumingin ako sa salamin, I looked like shit. Para akong zombie sa "World War Z" na nagngangalit ang ngipin. Halos ayaw ko na umalis sa place ng utol ko kase feeling ko tatalon ako sa tulay tapos babagsak ako sa NLEX (tulay yun sa Guiginto) dahil parang may bumubulong saken na ewan, hallucination! Yan yung mga naexperience ko kasama syempre ng pagsuka ng may kasamang dugo dahil sa acute gastritis ko.

Sa ika-tatlong araw, grabe na yung paghahanap ko ng alak. Para akong hayok na hayok na mawawalan ng malay pag di ako nakainom. So ang ginawa ko, uminom ako ng madaming tubig dahil hindi ko din maipaliwanag yung uhaw ko. Tubig lang ng tubig hanggang sa mahilo ako sa dami ng tubig na nainom ko. Nakakakain na ko nun ng ok pero ang dalas ko madumi. Almusal, tanghalian, hapunan magse-CR ako pagkatapos. Pero sa ikatlong araw nakakaramdam na ko ng improvement. Nung araw na yun, bumyahe kami ng utol ko pa-probinsya at parang first time na naexcite ako na makipag-usap sa tao. Hindi ako nakatulog sa buong byahe kahit halos wala akong tulog nung nagdaang araw kase kwento lang ako ng kwento sa utol ko na para bang miss na miss ko sya hanggang namalat na boses ko kakasalita. Weird! Pero at that point, feeling ko nagsstart na yung changes sa behaviour ko at nagsstart na ko makaramdam ng pagkagaan sa loob.

Nung nakita ko nanay ko, mga kapatid ko, mga pamangkin ko, para bang may kung anong pwersa na humambalos saken at nagsabing "Yan ba yung mga gusto mong iwan?". Hindi ko maexplain yung saya na para bang ilang dekada ko silang hindi nakita at namiss ko sila nang husto kahit hindi pa naman ganun katagal since last kami nagkasama-sama. Well most of the time pag kasama ko sila, lasing ako. Kaya siguro namiss ko sila ng husto. Ang ugali ko pa nun, pagdating na pagdating ko, iinom agad ako ng alak at yun yung temptation na kinalaban ko kaagad pagdating namin sa bahay.

4th day, umatake na naman yung anxiety ko. Natagpuan ko sarili ko na nakatulala sa terrace namin at iniisip nang malalim yung mga ala-ala ni "Michael Jordan" (itago na lang natin sya sa code name na yan). Yung tulog ko, installment pa din at panay pa din inom ko ng tubig. Mabuti na lang, sa probinsya ang daming prutas na nakatulong sa hydration ko at masarap sa pakiramdam na may mga sustansya na pumasok sa katawan ko. Usually kase after ko uminom ng alak, kung hindi lucky me beef e pares na puro vetsin at punong-puno ng kidney problems ang tinitira ko. Ang sarap kase ng maalat at masebo pag lasing or pag may hangover. Anyway, hindi ako nagsettle sa ganung pakiramdam. Sabi ko eto na yung perfect time para simulan ko yung mental toughness o tibay ng pag-iisip na kaya ko! Kaya kong talunin itong adiksyon na to. So kinuha ko ang bisekleta at nagbike ako hanggang parang malalagutan na ko ng hininga sa pagod. Napakasarap sa pakiramdam! Pero nagslow down ako kase parang mahihimatay na ko sa init. Heat stroke is real lalo na't ang tagal ko nang walang exercise.

Nakatulog ako ng mahimbing nung gabing yun dahil sa sobrang pagod at nagustuhan ko yun. So kinabukasan, nagbike ulet ako. Pero dahil wala pa sa kondisyon ang katawan ko at nagrerecover pa din, naaksidente ako. Laptrip at kahit may mga galos ako, tuloy lang hanggang hindi na ko makapedal kase masakit tuhod ko na naitukod ko nung nag-ala Jackie Chan ako sa pinagsemplangan ko. For a moment, nakalimutan ko ang alcohol at alam ko, achievement yun.

Kinabukasan, easter sunday at eto na yung kinatatakutan kong araw at dito masusubok kung talagang handa na ko i-give up ang alak. So pumunta kami ng dagat, family bonding kasama ang mga kababata at tropa kong 50% tao at 50% quatro kantos. Nang makita ko pa lang yung alak biglang nanuyo lalamunan ko. Panaka-nakang inaalok nila ako ng tagay pero syempre tumanggi ako. Pero deep inside naiimagine ko yung hagod ng alak sa lalamunan ko. Sumali pa din ako sa circle nila para dagdag challenge pero syempre palagi ako tumatanggi. Isang tropang totoo ang nag-inspire saken nung araw na yun. 4 years syang tumigil sa pag-inom at ineducate nya ko kung paano nya yun nagawa at talagang naimpress ako. Nirerespeto nya yung gusto kong mangyari sa katawan at isipan ko na lalong nagpatibay sa paninindigan ko na wag uminom. Nagkaproblema lang sila ng konti kase kung gaano ako kalakas magkwento e ganun din ako kalakas mamulutan. Nagmukbang ako sa beach nung araw na yun. Parang medyo kumapal yung mukha ko pero hindi sa alcohol kungdi dahil sa pamumulutan na walang habas. Mahalaga nasurvive ko yung araw na yun na wala kahit isang patak ng alcohol na pumasok sa sistema ko. Sobrang proud ko at isa yung milestone sa hangad ko na tuluyan nang magwithdraw sa alak.

Sa mga lumipas pang mga araw hanggang sa kasalukuyan, napapagtagumpayan ko pa din na wag uminom ng alak. Although after work, nasstress at andyan na naman yung nakagawiang tumagay, ibinabaling ko na lang sa ibang bagay. Nagjajogging ako, nagbabike at eto...nagsusulat. Naisusurvive ko yung maghapon doing things na matagal ko na dapat ginawa imbes na tumagay nang tumagay. Mas naging matalas na yung pag-iisip ko ngayon athough hindi ko pa rin kayang i-solve ang algebra at least naiisip ko na yung tama. May anxiety pa din at umaatake pa din pero hindi na malala at natatalo ko na. Hindi pa din perfect kase natutulala pa din ako pagmiminsan. Pero mahalaga hindi nauuwi sa pagbukas ng bote ng serbesa.

Hanggang dito na lang muna at bilang pagtatapos ng post na to, hayaan niyong sabihin ko na salamat kase nagawi kayo dito. Lumalaban pa din ako sa araw-araw at 2 weeks pa lang akong sober. Pero yung ambisyon ko na itawid ito hanggang sa ika-365 days ay sadyang ganun ka-strong. 365 days pag kinaya ko yan, kaya kong ituloy-tuloy yan hanggang sa tuluyan na akong maging alcohol-free for life. For now, itatawid ko muna to for a month then another month and another month at wala akong plano na i-dissapoint lalo na yung mga naniniwala saken. Message nyo ko kung nagdadaan kayo sa parehong isyu at gusto nyo magshare or kung magsstart pa lang kayo huminto, siguro pwede tayo magkwentuhan at magtulungan. 

FB: @reyner561 

TG: @rvyner

IG: @rxv561

See you again. :)

Wednesday, April 3, 2024

Paano nga ba ako naging alcoholic? - Intro to my 365 Days Alcohol Free Journey

Mahigit isang linggo na din ang nakakaraan mula nang magdesisyon akong tumigil na sa pag-inom ng alak. From March 24, 2024, ganap kong binigyan ng kalayaan ang sistema ko sa mapanirang alak. Nais kong bigyan ang sarili ko ng "365 Days No Alcohol Challenge" at determinado akong isakatuparan ito.

Hindi madali ang naging desisyon ko na ihinto na ito lalo't ang una kong isasakripisyo ay ang aking social life. Alam kong magkakaroon ng gap sa relasyon ko with my friends na mga drinker everytime na tatanggihan ko sila. Pero ikaw na nakakabasa nito na lang ang humusga kung justified ba ang aking desisyon base sa kasaysayan ng alcoholism ko at paano ako nito sinira. Kung interesado ka kung gaano kalalim ang alcoholism ko, ituloy mo lang ang pagbasa.

I'm going 37 this year. I started drinking when I was 13. Mula nuon, patago na kong umiinom ng alak with friends. At the early age of 14, certified drinker na ko. Most of my cousins na di naglalayo sa edad ko were drinking at para maiwasan ang peer pressure, uminom na din ako. Pero hindi lang peer pressure talaga ang pinaka ugat ng pag-inom ko ng alak. It all rooted from lack of support ng pamilya ko sa mga gusto kong gawin sa buhay ko. I was a very creative and academically inclined teen nung panahon na yun. Pero ang tatay ko e walang kahit anong bahid ng pagka-impress sa mga academic at creative achievements ko. Kung hindi kulang e sadyang walang financial support mula sa kanya. Yes, naisip kong magsettle na lang sa minimum at yun ay financial support kase wala talaga akong makukuhang moral support sa tatay ko knowing na kahit sya ay hindi rin naman nakapagtapos. Pero all in all, no support came from him at to make matters worst, tinetake for granted lang din ng nanay ko ang edukasyon ko at mga gusto ko.

I managed to still do good in school somehow but not until mag 3rd year ako. I had zero academic awards and my aim to replicate the highest award I got during elementary met its demise. Napabarkada na ko nang husto at sa tender age na 15, may alcohol problem na agad ako. My family still don't care and I'm pretty much on my own. Mas lumala pa ang hidwaan namin ng tatay ko when I finally had the courage to vent my frustrations to him while I was under the influence. Ginulpi nya ko at dun na ko tuluyang nagrebelde.

I almost didn't finish high school. Pumapasok na lang ako nung 4th year para sa mga tropa. A once brilliant student finished high school at the near bottom of the ranking all because of alcohol and other substances. I thought that things will change after highschool pero dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa buhay namin, hindi na ko makakapagtuloy ng pag-aaral. Lumipat din kami sa malayong lugar dahilan para mahiwalay ako sa friends. Pero nalayo man ako sa kanila, I found the new ones, pero mas worst. I learned to befriend those na mas nakakatanda saken at mas may extreme na habit sa mga bisyo. Tuloy ang pag-inom ko ng alak at tuloy ang walang katapusang away namin ng tatay ko. 

2006 after a rough night sa inumang kanto with tambay friends, I wanted to end my life. I was happy the night before pero after bumaba tama ng alak, umatake yung anxiety, depression, feeling of emptiness. I was extremely emotional nung araw na yun at hindi ako mapakali. May dala akong patalim at natagpuan ko ang sariling naglalakad sa magubat na parte ng ginagawang subdivision. I put the knife up in the air and I was ready to stab myself. A loud "moooo" from a cow grazing distracted me for a second. Split second na lang at malapit ko nang itarak yung patalim sa katawan ko until I got distracted. Dun na ko pumalahaw ng iyak at narealize kung gaano kamali yung gusto kong gawin. I went home at nadatnan ko at napansin ko nanay kong pinagmamasdan ako. Namumugto ang mata ko at maya maya pa kinausap nya ko. Ang lakas ng instinct ng mga nanay. Nalaman nya kung anung gusto kong gawin nung hapon na yun at walang pagsidlan yung pag-aalala nya. Sabay kaming umiyak nun at nai-voice out ko sa nanay ko kung ano na talaga yung sitwasyon ko being out of school youth for 2 years na labag sa kalooban ko na kung competitive lang sila at may tamang plano para saken, baka nagka-college din ako. I ended up working different jobs at the young age kesa mag-aral at napakabata ko pa para maging ganun agad ang buhay ko na hindi ko gusto. Pagod na ko sa lahat at nagsstack up lang ang mga bisyo ko at pabulusok na talaga ako nang husto. My sister called that night at kinausap nya ko. She offered to help me to go back to school. Pagtutulungan nila ng nanay ko na makapag-college ako pero I still have to work. Not a bad deal I said at nun nga ring taon na yun ay nakabalik na ko sa school.

Motivated at determinado, naiwasan ko ang alak sa unang taon ng college life ko. I was doing good at school and I feel na maaachieve ko yung naunsyami kong pangarap na magclimb up ulet sa academics at makuha yung mga awards na hindi ko nakuha nung highschool. My father came to the scene again questioning the resources na ginugugol saken when I can just quit school at magwork na lang. This is another episode na nagpaguho na naman ng mundo ko. Binitawan ako ng ate ko at naiwan ako on my own. We were already recovering financially that time and ayoko na magtrabaho para makapagfocus ako sa pag-aaral pero kahit nanay ko e hindi buo ang suporta saken. I cut my units which later on naging cause para mag extend ako ng 1 year sa college sa kadahilanang hindi na ako sigurado kung gagradweyt pa ko. I came back to my old habit, drinking and "some" drugs.

Hindi na ko nagseryoso nun sa pag-aaral. Without family at my side, I felt lost. Hindi sila naniniwala saken at hindi na rin buo yung confidence ko sa sarili ko na kaya ko pa. So everytime na may resources ako nun at may pagkakataon, umiinom ako. Pag wala akong pera, naghahanap ako ng mga tropa na pwede ko samahan uminom. Bumagsak na ko sa ilang subjects at decided na kong tumigil nun.

Sa kabutihang palad, naging close din ako sa mga matitinong kaibigan. Nung una awkward kase hindi sila mabisyo na katulad ko pero natutunan kong yakapin yung kultura nila at hindi nila ako diniscriminate. Alcohol was still there pero hindi na ganun kadalas ang intake ko. Hindi na rin ako "nagsusunog" nun. With the right set of friends na talaga namang nakatulong, nakagraduate ako ng college.

After college, punong puno ako ng pag-asa at enthusiasm. Nagtrabaho ako sa BPO at maganda ang naging simula ko only to find out na hindi yun ang place para manatili akong sober. Wala naman talaga akong matinding drug problem which BPO is known for pero my sobriety is still at infancy na dahilan para bumalik na naman ako sa pag-inom at this time...malala. Lahat nang friends ko ay drinker mapababae o lalaki o kahit anupamang gender. Dahil sa pag-inom  ko nun, palagi akong wasted, palagi akong wala sa huwisyo and I was just a total trash. Sa kabila nun, hindi ko sinisi ang alak. Bagkus ay nagstart akong magwork out to enhance my physical being. I was still young so my body didn't have a hard time to shape up to a form na mas desirable sa mga BPO folks na punumpuno ng stress ang katawan. I gathered more friends and more drinking buddies.

Despite being always drunk, I was still looking good and in shape dahil sa workout. I even decided to push through my masters degree. At first going well naman yung lifestyle ko and I met someone na eventually nakarelasyon ko. I was literally a robot that time working 2 jobs as BPO employee and a part time instructor sa college while trying to finish my masters at the same time trying to give time to my girlfriend. Idagdag mo pa yung weekend habit na pag-inom ng alak with friends. My body finally said "no" and yun na yung start ng lahat nang problema ko. I slowed down sa pag-inom at pakikipagsocialize at nagfocus ako sa studies at jobs. At dahil pati time ko sa gf ko ay nawawala na din, she didnt hesitate to find other company. What's next is the first major pain na naexperience ko sa pakikipagrelasyon. We broke up and it destroyed me bigtime! Para akong pinagsakluban ng langit at lupa at sadyang hindi ko yun matanggap.

Napadalas ang pag-inom ko ng alak at dun ako nag-umpisang uminom mag-isa na halos araw-araw. I stopped working out and I gave up my second job as teacher kase di ko na talaga kayang pagsabay-sabayin. I was too depressed na nagkaroon pa ko ng alopecia o yung mga patse-patse sa ulo. Sobrang bumaba na self steem ko nun and I was not looking good. My job performance also got affected and walang shift na wala akong co-worker na hindi ko nakakasagutan. Everybody hated me except some drinking buddies na nandun para damayan ako basta may alak. Pero sabi ko this should not go on. I gotta have some changes though quitting alcohol is not one of those.

I went back to the gym like your classic moving on stories. I began to look good again and few months later, I had a new girlfriend. She helped me curb down my drinking habits at naappreciate ko yun. For the next 2 years in the same job place, I struggled to move on. I still really love my ex and when I finally saw that shes pregnant sa ipinalit nya saken, muling nawarat ang puso ko and alam mo na ang sunod na nangyari...drink till I pass out. This time, tuluyan na ko nawalan nang motivation at kinuwestyon ko na yung existence ko. The incident I had back in 2006 came back again at naisip ko na naman tapusin ang buhay ko. Hindi na ako nakakapag-isip nang maayos. Pero despite the effects of alcohol sa mental being ko, I didnt quit it. I quit my job instead.

So nagresign ako dahil yun lang ang natatanging paraan na nakikita ko para makawala sa memories namin ng ex ko at tuluyang maka move on. I broke up with my girlfriend that time na dumagdag pa sa anxiety ko kase wala naman sya nagawang mali saken, sadyang di ko lang talaga sya mahal. Gusto ko lumayo at kalimutan ang lahat at nagpasyang magturo na lang ulet. I took sometime to repair my heart habang naghihintay ng pasukan sa college sa school na naghire saken.

I was a full time teacher that time at iisipin mo na magbabago na ko at imomoderate man lang ang pag-inom para maging good example? You're wrong. I was already moved on sa exes ko pero my alcoholism continues. Madalas akong nalelate sa klase dahilan para lagi akong sabunin ng dean. Pero dahil naturally, alam ko yung craft ko and all my students testify how I'm able to do my job more than other faculties, hindi ako natanggal. I felt like teaching was really for me at wala akong binago sa routine ko. Turo sa araw, inom sa gabi. There are even times na nakikipag-inuman ako sa mga estudyante ko which is not allowed. Things are going fine until may mabuong relasyon samen ng isa sa mga estudyante ko. Hulaan mo kung paano nabuo.

Alam kong gusto nya ko pero hindi ko sya pinapansin kase teacher ako at nirerespeto ko yung propesyon ko. Yung series ng pang-iignore ko sa kanya ang lalong nagpasolid ng pagkagusto nya saken until matutunan nya yung kahinaan ko, alcohol. She invited me sa place nya one night at uminom kami. Katulad ng mga istoryang napapakinggan mo sa mga FM radio, may nangyari samen. Huli na ang lahat nang kinaumagahan e makita ko sya tabi ko at kapwa kami walang saplot. Yun na ang simula ng isa na namang madilim na bahagi ng buhay ko.

Tinry kong iresist sya dahil hindi tama na magkaroon kami ng relasyon pero sadyang mapusok sya. Ang dapat ay one time lang na nangyari samen ay nasundan pa at alam mo na kung bakit...dahil sa alak. Sa bawat iinom kami ng alak, may nangyayari samen at ang kinatatakutan ko nga ay nangyari na. 2 months bago matapos ang semester, inamin nya saken na buntis sya. Gumuho na naman ang mundo ko at alam ko na its just a matter of time para kumalat ang eskandalong yun sa buong campus. I decided to quit my job again at bumalik sa dati kong buhay-BPO bago pa man kumalat ang balita.

We decided to live together ng estudyante ko na nuon nga ay buntis na. I realized na hindi ko sya mahal at pakikisamahan ko lang sya dahil nabuntis ko sya. Sa araw-araw na magkasama kami, wala akong gustong talunin kungdi denial ko na ok pa din ako sa kabila ng pag-give up ko sa pangarap ko. Di bale sabi ko, babalik na lang ulet ako sa pagtuturo after ko makaipon at masuportahan ang pagbubuntis nya through my BPO job. Sounds like a plan na pero may butas yung plano e, kase everytime na nalalasing ako, bumubuhos yung frustration ko, yung dissapointment ko at lahat na nang pagka depress. I noticed later on na may mga symptoms na ko ng borderline personality disorder pati ng bipolarism although hindi naman ako nagpatingin sa especialist so wala akong official na diagnosis. Ang alam ko lang, palagi kaming nag-aaway ng buntis kong partner at everyday akong stressed. Dun ko unang napansin yung epekto ng alcohol sa psychological being na itinuturo ko dati pero iba pala pag ikaw na mismo yung nakakaexperience.

Isang araw, nagkaroon kami ng heart to heart na pag-uusap ng ex ko. Hindi ako nakainom nun so medyo matino ako mag-isip. Napakaganda ng naging pag-uusap namin at sa moment na yun natanggap ko na ang kapalaran ko at nagdecide ako na itaguyod na lang ang mag-ina ko sa paglabas ng bata. Hindi na ko masyadong umiinom ng alak nun at nag-improve yung realsyon namin. Hanggang isang araw, pumutok ang masamang balita.

Nakunan ang partner ko. Lahat ng paghahanda namin, baby shower and all pati yung pag-aabang ng parents at mga kapatid ko sa bagong dagdag sa angkan namin, lahat yun nauwi sa dissapointment. E anong magagawa? Siguro sadyang hindi para samen. I was already gearing up on being a father pero naunsyami. Nagdecide akong makipaghiwalay sa partner ko na sya kong sinisi sa nangyari lalo nang malaman ko na umiinom pa din sya ng alak na hindi ko alam kahit buntis na sya. But then she showed symptoms of pospartum depression at suicidal din sya kaya nagstay ako sa tabi nya.

My drinking habit became worst. When my ex recovered from her miscarriage, nag-team up kami sa paglalasing. Hindi na kami romantic sa isa't isa at unti-unti ko nang nakikita yung pagbabago nya. We came to the point na hindi na namin maramdaman yung affection ng bawat isa at nagkasundo kami na itigil na muna ang paglive-in at hanapin muna ang mga sarili namin. Pumayag naman sya at nuon nga ay nagdesisyon akong bumalik sa pagtuturo. Sa kasamaang palad, naghigpit na ang mga school (salamat sa K-12) and while they still accept unit earners sa masters, kelangan mong makipaglaban sa mga degree holder. Thesis na lang ako nun at makukuha ko na ang diploma ko sinubukan kong tapusin ang thesis ko. Kami pa din ng ex ko nun at sa pangalawang pagkakataon, nabuntis ulet sya.

Kayod kalabaw ako nun para suportahan ang thesis ko at the same time yung pagbubuntis nya. Pero dumating sa point na kelangan ko lang mamili kung alin ang ipaprioritize ko dahil kakapusin ako ng pinansyal. Pinili ko ang pagbubuntis nya at inihinto ko muna ang pagthethesis. Ibinigay ko lahat nang pangangailangan nyang pinansyal at para hindi sya mastress, sa kauna-unahang pagkakataon, nakapagpigil akong uminom ng alak sa matagal na panahon. Naging stable ang pag-iisip ko at nakapagsave pa ko ng pera nung huminto ako sa pag-inom. Then dumating na nga ang panahon at nabuhay ang sanggol. Walang pagsidlan ang tuwa ko at sa unang pagkakataon, naging sobrang seryoso ako sa buhay. Nape-picture ko na ang buhay may pamilya at kung paano ko sila itataguyod. Eto ang masakit, biglang nakipagbreak ang ex ko sa katwirang wala na syang nararamdaman saken at pwede ko na sila kalimutan ng bata. Ganun lang kabilis at tuluyan na nya ako blinock sa lahat. Hindi ko na sila nahagilap at hindi ko na alam kung saan na sila pumunta. Sabi ko sa sarili ko, siguro kelangan ko lang ng konting panahon para i-compose yung sarili ko at muli syang suyuin. I fell to another deep depression again. 

I was doing good sa shipping company na pinagtatrabahunan ko but not until I was denied of rights sa "anak ko". Due to depression, I decided to quit my job at may konti pa kong natira nun mula sa budget na inilaan ko sa pagbubuntis nya na gagamitin ko para sa thesis ko. Sabi ko baka pagka-graduate ko ng MA at makabalik ako sa academe e makuha ko ulet yung respeto nya. I displayed an exceptional mental toughness that time at hindi ko naisip na maglasing nang maglasing na tulad nang nakasanayan ko. Then COVID happened.

Nang pumutok ang COVID, lahat nang plano ko ay nauwi sa wala. Sa dami ng restrictions sa labas, hindi ko na naituloy yung pagconduct ng research. Ang masaklap, hindi rin ako makahanap agad ng bagong trabaho at ang pinakamasaklap sa lahat ay hindi ako makalabas para hanapin ang "anak ko". Alak! Sunod-sunod na naman ang naging pag-inom ko at katulad ng COVID na walang katiyakan kung kelan matatapos, wala na rin ako balak nun na lubayan ang alak.

Halos lahat ng budget na meron ako e napunta lang sa alak. Akala ko matatapos agad ang COVID at makakapagtrabaho agad ako pero alam nating lahat kung gaano katagal bago bumalik lahat sa normal. Nag-aalala na saken ang pamilya ko at sa pinaka-lowest na yun na punto ng buhay ko ay hindi ko na nga naitago sa kanila ang mga nangyari. Alam nilang hindi na ako OK at sa kasagsagan ng COVID, bumyahe ako pabalik sa pamilya ko sa probinsya dala-dala ang lahat ng problemang pinagdadaanan ko. Pero maniwala ka o hindi, never nila akong dinown at nanatili silang nakasuporta saken. Nasurprise ako dahil hindi sila ganun saken nung kabataan ko. I realized na lahat pala talaga ay nagbabago at darating sa point na pamilya mo pa din ang number one na dadamay sayo.

Naquarantine ako nang matagal bago ako tuluyang makauwi sa bahay namin sa probinsya. Ang quarantine din na yun ang nagsilbing rehab ko mula sa alcoholism. Mahirap ma-quarantine pero parang naging blessing in disguise sya kase nahinto ako sa pag-inom ng alak. Although I showed symptoms of withdrawal like that one time na nagpass out ako sa quarantine quarter at napagkamalan pa ngang infected ako ng COVID pero negative naman. Nang matapos ang quarantine ko, I felt better. First time ko makakasama tatay ko ulet pagkatapos ng matagal na panahon. This time inopen-up ko sa kanya problema ko at sa unang pagkakataon, naging best friends kami. Ibinahagi nya mga natutunan nya sa buhay panu mag-cope up sa problema. Kung may isang magandang naidulot ang COVID19? Yun ay ang paglapitin ang mga pamilya sa isa't- isa.

Things are going well saken although desidido pa din ako na suyuin ang ex ko para makasama ko sila ng "bata" para lang isang araw ay magulat ako sa rebelasyon. Hindi ko anak ang bata. I was scammed by her and her new partner (yes magkasabwat ang mga walanghiya) para tustusan ang pagbubuntis nya. It wasn't a simple pregnancy at sinigurado ko na talagang maidedeliver nya ang bata na ligtas at I dont care about the cost (it was CS section). Pero wala na ko pakialam sa nagastos ko. Ang nagpahirap saken e yung katotohanan na naloko ako, niloko ako at ginago.

Balik na naman ako sa pag-inom ng alak. Alak pa! Sobrang blurry na ng hope ko sa buhay at kasagsagan pa ng COVID at hindi ako makakilos para maghanap ng diversion. May maliit akong negosyo nun na hindi na nga kumikita, nauubos ko pa sa alak. Talagang sobrang wala na akong maiisip na paraan para mag-go on sa buhay. Until one day, I decided to find a new love. Thats the time na napunta ako sa facebook dating.

Nakilala ko tong isang girl na milya-milya ang distansya saken na nung una ay hindi ko sineryoso dahil hindi na ko naniniwala sa LDR. Ngunit kalaunan, lumalim ang mga palitan namin ng mensahe at walang dudang naging OK ang ugnayan namin. Pero may dark truth behind sa good LDR relationship na yun. Surprisingly, alcohol helped me bridge our gap na hindi lang distansya kungdi sa edad. She's a Gen-Z and though age doesn't matter, meron akong insecurities. With alcohol though, I was always cool and calm everytime na magkachat kami or nagtatawagan. Alcohol provided me an alternative personality na jolly at happy lang at full of youth.

Natuklasan ko how alcohol changed my personality from being potentially toxic to a jolly person nang masense ko how this girl is not really far from my situation (actually mas malala pa). She's a frontliner who always put herself at risk everyday sa mga nakakasalamuha nyang pasyente. On top of that, breadwinner din sya at inaasahan ng pamilya nya. She wanted nothing but an outlet sa pakikipag-ugnayan nya online at dapat ay happy lang. Hindi ko maipoprovide yung hinahanap nya kung wala akong stimulant na tulad nang alcohol na magpapagaan ng mood ko. Masaya ako na kausap sya pero nagwoworry ako kung paano ko yun masusustain na hindi sya mabobored at tuluyang hindi na magreply. Dahil ang alcohol ay nagpapump ng dopamine o happy hormone kung pang-good mood ang magiging purpose mo dito at the moment na masimulan mong masaya ang topic nyo, magtutuloy tuloy na masaya ang magiging conversation nyo (at least in my experience). From the mysteries of the universe down to fictional stuff, naishare ko na yata sa kanya lahat ng diversionary topics na maglalayo samen sa stress sa nangyayaring pandemya nun at mga personal naming problema. But she didn't know that I was always under the influence if not totally drunk sa majority ng communications namin. She's not aware that she was dealing with an alcoholic.

Kapag hindi ako nakakainom ng alak nun at kausap ko sya, hindi ako ganun ka-engaging sa pag-uusap namin so I needed to at least have a sip kahit tirik ang araw. I know its weird na all the stuff I said earlier about sa kung anong nagtetrigger saken para uminom ng alak (which are majority due to negatives) is totally opposite ng dahilan kung bakit ako umiinom ng alak at this point. I can officially say na naging all purpose na saken ang alak (parang isoprophyl lang) at yung bonding namin (ng alak) ay talagang solid na.

Things are going well with "drunken master" style ko nun ng pakikipag-ugnayan sa kanya online until I caught an accident sa motor due to drunk driving. Hindi ganun kagrabe yung injury ko pero enough na yun para maglay low ako sa pag-inom. Dahil hindi na ko madalas under influence, nagkaron ako ng clarity at sa hinaba-haba na din ng ugnayan namin online for few months already, I knew that its already something else...I'm falling for this girl. She supported my alcohol moderation at the expense of me whom starting to get boring. Pero di ko yun pinansin coz I trusted her so much and I trust na naestablish na namin yung relationship namin at mas malalim na yung unawaan. Pero...I was wrong. That was also the time na she started having "another business."

There came a time na need ko na i-stop ang small business ko kase hindi naman na talaga kumikita. At that point e "kami na". Online bf/gf pero for me, kasing seryoso sya ng non-LDR relationships. So I trust na dadamayan nya ko sa pinagdadaanan ko but she changed...or I changed. Dahil sa stress ng pagkawala ng business ko, I drank so much again but this time, all I had in mind was stress and all the toxicity. Kung anu-ano ang mga nasabi ko sa kanya which in short e sya yung napagbuhusan ko ng lahat ng negativities. Ang dating alcohol na kasangkapan ko para mapasaya sya, ngayon ay insrumento na para istressin sya. Next thing I know, naputol ang communication namin for more than a week and I'm determined to let her go para na rin sa kapakanan nya. Its me again being alcoholic dahil sa isa na namang dagok na dumating sa buhay ko.

Paano ko nasabing I was wrong? Kase it turns out na hindi naman pala talaga sya seryoso saken. Naayos namin yung gusot at akala ko back to normal na kami pero yun nga, may iba na syang "napapagkaabalahan". Maaaring funny person yung taong nameet nya at naibibigay yung emotional support na need nya. Support na kritikal at hindi ko maipagkaloob sa kanya lalo't napakalayo ko sa kanya na di katulad ng "other one" na pisikal nyang nakakainteract. Truth prevailed at inamin nyang she wasnt entirely honest saken, she was also with someone else. You know what happened next? I crumbled and I shattered into pieces. As if hindi pa enough yung betrayal na ginawa saken nung ex ko, heto na naman ang isa. Sabi ko I'm done. I drowned myself again sa certified na hindi nang-iwan talaga saken kahit kelan...ang alcohol.

Tinibayan ko loob ko although alak always interrupt at hindi solid yung strength na meron ako. I was really angry sa kanya but she's right kase bakit ko seseryosohin nang husto yung nagawa nya e ni hindi pa nga kami nagmemeet. I still managed to survive my newly found job na work from home that time and hindi ako nagquit. Pero hindi ako nakaligtas sa feeling ng emptiness. One of the main reasons why I pursued that job is to have funds to finally meet her at magkaroon ng permit at reasons na makaluwas papunta sa office namin dahil yun lang ang paraan para makatawid ako sa mga bantay sa daan due to COVID restrictions. I did have a lot of thinking pero sa kabilang banda, sabi ko enough na. I've had enough of betrayals pero alcohol already made me weak. Wala nang araw na hindi ako umiinom at idagdag pa ang night shift na trabaho ko na dahilan para yung decision making capacity ko e madominate ng emosyon ko. I still love her despite what she did. Tumiklop din ako after sometime at ako pa nga ang nakipag-ayos sa kanya after nya magsuffer ng lahat ng galit ko at masasamang sinabi. We both agreed to continue our relationship after she promised that shes done with the "other" and I should trust her na ako na lang that time until magmeet kami at magkasama. It wasn't easy for me pero pag mahal mo, mahal mo. Though...hindi na normal ang lahat sa amin at least in my perscpective. May halo nang vengeance sa damdamin ko.

I became so jealous and paranoid at naging madalas na ang katoxican ko. She even asked me why do I still want to pursue her kung hindi ko na din naman sya nirerespeto? Mag-aapologize ako pero iinom na naman ako ng alak at mawawarfreak na naman ako at sya na naman ang mapagbubuhusan ko ng lahat ng katoxican. Until she finally gave up for good. Dun na ko natauhan...temporarily. I wanted to meet her para sukatin kung gusto ko ba talaga sya at kung worth it ba sya for another chance kahit may damage nang nangyari.

I packed my bags after ko isecure lahat nang mga requirements sa pagtravel nung COVID times to finally meet her. At nangyari na nga, we met for the very first time. She was fine. Family oriented sya and she introduced me to her family na malugod naman akong tinanggap so sabi ko I can live with this. For couple of months, naigive-up ko ang alak and we were very happy couple. But then the habit kicked in again since wala naman talaga akong planong i-withdraw ang bisyo ko. Why? Paranoid pa din ako at insecured and I dont trust 100% na magiging tapat sya saken. Kumbaga sama na lang ako sa agos nun at ineenjoy ang bawat pagkakataon na kasama sya but when she's not looking, I'm in the darkness at bumabalik sa mga nangyari saken magmula nung iniscam ako down to the betrayal na ginawa nya saken. I would disguise na OK lang ako pag kasama sya pero yung takot kong mabigo ulet, hindi nawawala kaya patuloy pa rin akong umiinom ng alak. Sa kasamaang palad, dahil sa epekto ng alak sa mental health ko, I treated her like shit. Naging on and off kami dahil sa mga pag-aaway namin na hindi naman talaga dapat na lumaki pero I was never the same guy since she broke my trust. Ganun ang naging tema until one day, things changed.

Months bago sya mag-abroad, we had this major fight and we broke up...again. Decided na rin akong i-letgo sya nun until one night, I was heavily drunk. I was crying from all the fucked up na nangyari sa buhay ko and namalayan ko na lang na kinokontak ko ulet sya. Yung point na yun ang pinakcrucial sa lahat kase kung hindi dahil sa alak baka hindi ako umabot sa finale na sobrang lala na ng lahat. What I'm saying is, kung niletgo ko na sya as early as 2022, hindi na magke carryover ang suffering ko until 2024 na still, nilalabanan ko pa rin. Pero alcohol proved me weak once again at sinuyo ko sya at pinagsikapang i-winback. I got what I want, naging kami ulet at justification ko nun, let's spend sometime together up to the very end. "End" being her departure to overseas. Alcohol made me so irrational by taking that risk na alam ko naman talagang magpaparusa lang saken later on. But was it love or just an obsession? Could it be a combination of two? Hindi ko din alam. All I know was I made that decision over a bottle of redhorse and I wasn't thinking straight.

Sa natitirang mga buwan na nasa Pinas pa sya. I gave her my all. This is another part na namiss ako ng alak kase all I wanted was to stay sober para mapicture ko ng malinaw sa memories ko lahat ng mga huling pangyayari habang magkasama pa kami. I think I really fell in love with her for real. Naachieve ko naman na marecord sa subconscious mind ko yung memories but those vivid pictures of our last happy times together ang main reason kung bakit ako dumating sa pinagdadaanan ko ngayon na totoong hindi madali. Keep reading to know why.

We broke up at the latter part of 2023 after few months of struggle to maintain things as they are at masurvive namin yung distance like how we did nung mga unang taon namin. We failed...big time. Since she left, bumalik ako sa pagiging paranoid at lalong tumaas yung anxiety ko. During this whole story, dito lang sa point na to sasabihin ko sayo yung quantity ng alak na tinetake ko to combat both loneliness and emptiness nung umalis sya. I drank almost everyday since January 2023 at kada inom ko, nagbablack out ako as in lasing na lasing. Regardless kung may trabaho ako o wala, I will drink to combat my feelings, my emotions dahil sa distance namin. I tried to control my temper everytime na magkausap kami para di nya mahalata kase malamang sa malamang nakainom ako nun. Ang resulta e puro kawalan ng kaseryosohan lang mga nasasabi ko. I tried to be funny pero its no longer 2020 ng una kaming magkakilalala from a distance kung saan noon, hindi pa ganun kaseryoso ang tema ng buhay nya unlike ngayon na sobrang laki ng need nya iprovide sa pamilya nya sa Pinas kaya lagi syang pagod sa trabaho at kung meron man syang need e yung makikinig sa kanya na makakatulong sa kanya para makapagvent. Alcohol strengthened my selfishness na puro sarili ko inisip ko, yung mga insecurities ko lang ang inintindi ko na nalimutan ko kelangan din nya pala ako as someone na masasandalan nya, hindi yung someone na mangsstress pa sa kanya. All in all, she found me worthless at dun na sya kumalas nang tuluyan.

She got tired and she gave up on me. Lahat ng mga pangarap namin together, hindi na matutuloy. It hit me so hard that it almost gave me a heart attack literally. Dahil sa alcohol, mataas na BP ko. It also worsen my physique. I no longer workout and I'm already overweight. Not only my mental but my overall health is now compromised. I got a bleeding stomach dahil sa malalang gastritis. Naging laman ako ng ospital multiple times. I tried to rationalize yung pakikipaghiwalay nya by looking strong and unbothered but it only lasted for few days at ang cycle ng pinakadevastating na epekto ng alcohol saken ay nagsimula sa yugto na yun.

Remember when I said na dapat 2022 pa lang e tuluyan ko na syang niletgo? Coz if I did that, sana ok na ngayon. Pero why I didnt let her go? Kase everytime na under influence of alcohol ako, yung strong denial na wala na kami ay pahihirapan ako hanggang hahanapin ko ulet yung daan patungo sa kanya para makipagbalikan. Hence, dapat yung alcohol ang una kong ni-letgo noon pa lang. With alcohol, paiba-iba ang state of mind ko. Paiba-iba ang mood ko at halos wala nang trace ng dating ako na namamaniobra pa yung sarili sa time ng great depression. Yung decision ko ngayon ay mababago ulet later on kapag lasing na naman ako, ganun kalala. Naging slave ako ng alcohol.

I would send her long emails or chats although hindi na sya nagrereply kase ano pa nga ba naman ang sasabihin nya e tapos na ang lahat samen. Ipa-flood ko pa rin sya ng maraming messages to get her attention pero kahit ako di ko na matracked kung ano ang mga pinagsasabi ko dun since sinusulat ko lang yun pag lasing. At first, namamanage ko pa na puro neutral lang, expression of grief or panghihinayang yung mga sinesend ko sa kanya. Then came the point na extreme bargaining na yung pinopropose ko sa kanya basta pansinin lang nya ako. Pero lahat nang yun e dahil wala na ko kontrol sa emosyon ko at puro na lang hapdi yung namamayani saken dahil sa hiwalayan namin. Tatanungin mo ko, gusto ko pa ba talagang maayos namin? Ang sagot ko, oo. Pero ako mismo, sarili ko, hindi na ako maayos. Kung may dapat ayusin, sarili ko. Kase kung normal pa ko, hindi ako magrereset everytime na nakakainom ako or better yet kung normal pa ako, hihinto na ko sa pag-inom ng alak kase obviously, alak na ang nagpapatakbo ng pagkatao ko. Now, how did I finally come up to ending this alcohol dominance sa buhay ko?

Almost 2 weeks ago when I finally sent her a serious threat which shows na hindi na lang ako basta emotionally unstable, naging violent na din ako. Thankfully it was just an empy threat at wala akong resources para isakatuparan yun kase kung meron, I will be commiting a serious crime that will ruin my life and her's. Nakakatakot at hindi ko papayagan na mangyari yun. Hindi nya kasalanan lahat nang to, this is all my fault. It came to this point because of me so bakit ko pa sya idadamay? Although you may say na somehow may justification ako dahil sa nagawa nya before pero past na yun at remember na nagtake risk pa rin ako sa kanya although flawed yung decision ko kase mostly lasing ako but not an excuse kase responsibility ko pa din yun. Ayun na nga at kinabukasan, nagdesisyon ako na tuluyan nang i-give up ang alak. Ayoko na. Change must start from quitting alcohol.

A large chunk ng cause ng alcoholism ko was love problem. Pero isa din sa nagpahirap saken na magquit ay ang biglaang pagpanaw ng tatay ko na nuon ko pa lang nagiging close. Also my sister died na hindi na kami totally ok at hindi kami nagreconcilliate totally before she passed away. Pero alam naman natin na sa lahat nang yun, moving on lang at tiwala sa time na tutulungan tayong mag-heal ang pwede nating gawin. But I relied on alcohol on those tough times.

This is now my second week na alcohol free. I promised myself  that I will make a journal regarding this journey. I will reclaim myself and this time, I will be in my strongest form. Umaasa ako na by giving up alcohol, mas bubuti ang pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko at mas magkakaroon ako ng clarity pati ng better decisions sa buhay.

On my next content, I will describe mga pinagdadaanan kong challenges dahil sa pagquit ko na to sa isa sa mga common addiction sa buong mundo na tinetake for granted lang ng karamihan. Watch out for that at kung gusto nyo ko sabayan sa challenge na to, tara. Let's all be better together.

Please samahan nyo ako sa journey na to at maaappreciate ko yung suporta nyo by sending me words of encouragement.

https://web.facebook.com/reyner561

IG: @rxv561

TG: @rvyner

I will also upload images ng mga changes sa physical features ko if you're interested, you can check them out sa socials ko.

Thanks.

Share