Wednesday, December 5, 2012

Ang Bubuyog

Ang bubuyog, ang insektong palaging abala. Insektong walang gustong gawin kundi magtrabaho at kumayod buong araw. Walang sinasayang na oras at hindi nagliliwaliw para makaipon ng sapat na pagkain para sa kanilang kolonya. Ito ang buhay na gusto kong mangyari ngayon.

Masyadong maraming bagay ang nangyari sakin nitong mga nakaraang araw. Mga bagay na nagbigay sakin ng depresyon na hindi ko naramdaman sa nakaraang halos tatlong taon. Frustration na hindi ko inakalang darating sakin lalo na't magpapasko pa naman. Hindi ko maipaliwanag pero bakit tuwing ganitong season, sumasablay at tuluyang nawawala ang bagay na lubos na nagpapasaya sakin. Bagay na inakala kong magtatagal kahit paano sa kabila ng pagiging kumplikado nito ngunit bibigay at matitibag din pala agad-agad.

Ilang araw na ang nakakalipas nang tuluyan kong tinapos ang ugnayan namin ng taong sobrang naging espesyal sakin. Ang taong hindi ko maikakaila na mahal ko at ang naging siyang laman lang ng puso ko. Ngunit ngayon, pilit ko na syang kinakalimutan dahil sa pangyayaring sadyang hindi karapat dapat at wala akong magagawa kundi ang magpaubaya. Ito ay sa kadahilanang sa una pa lang, ang ugnayan na meron kami ay nakatadhana nang masira. Pareho naming alam yun pero hindi ko alam na sa ganung paraan pala magtatapos ang lahat. Hindi ko alam kung anung naging pagkukulang ko. Alam kong may naging pagkukulang ako pero hindi ko na naramdaman man lang na ganito ang magiging kapalit nun. Hindi ko naman matawag na ako ay pinagtaksilan dahil sa una pa lang, ako ay isa nang "other man". Samakatuwid, ako'y walang karapatan para angkinin sya dahil naging akin man sya, meron pa ring tunay na nagmamay ari sa kanya. Andito nga at kelangan kong mag-give way. Aminado ako na ipinangako ko sa kanya na sa sandaling darating ito, kusa akong aalis. Ngayon ay magagandang ala-ala na lang ang tangi kong kasama at wala na kong alam at hindi ko na pakikialaman ang buhay niya/nila.

Mabigat sa pakiramdam kapag may bagay na nakasanayan mo nang nandiyan na nagpapangiti sayo, nagbibigay sayo ng saya at sa di inaasahang pagkakataon ay mawawala. Pero sabi nga, walang permanente sa mundong ito. Ang lahat ay maaaring magbago at kahit ang mga pangako na kala mo'y matutupad ay maaaring maging kasinungalingan na lang. Napakahirap magtiwala at mas lalong nagpapahirap dito ay ang mga karanasang nagbigay sayo ng hapdi na sa paglipas ng panahon ay halos maging parte na ng sistema mo. Gusto mong makalimot pero hindi mo maisip kung paano. Sa isang iglap pag wala na siya sa tabi mo, magiging para kang estranghero sa mundong nabuo mo kasama sya. Mundong una'y hindi mo matatanggap na pakawalan pero wala kang choice kundi hayaan na lang gumuho dahil anu pa ang saysay nito kung mag-isa ka na lang na mananatili dito. Minsan kapag hindi mo na kaya, pati ikaw at ang reyalidad sa buhay mo ay gusto nang bumigay. Pero kelangan mong maging matapang, kelangan mong tumayo, kelangan mong magkaroon ng bagong pag-asa.

Kaya ngayon, katulad ng isang bubuyog, nakakapagod man, isinusubsob ko ang sarili ko sa trabaho, pag-aaral at sa isa pang trabaho. Kelangan kong maging busy, kelangan kong may pagbalingan ng atensyon. Atensyon at ang pinakamalaking bahagi nito na sana'y sa kanya ko lang ilalaan pero hindi na maaari. Nangungulila man ako sa kanya at inaamin kong hinahanap ko ang bawat minuto na kasama sya, ngayon, pipilitin ko na lang na ituon ang buong atensyon ko sa mga bagay na bagamat hindi kasingsaya kapag kasama ko siya ay tiyak na magbibigay sakin ng personal na satisfaction at magpapaluwag sa nararamdaman ko sa pagpalipas ng panahon.

Nawalan ako ng "matamis na pulot" ngunit alam kong iyon ay hindi sakin. Ganunpaman, nandyan pa rin ang mga bulaklak na naghihintay na galugarin ko upang makagawa ako ng mas matamis na pulot at matatawag kong akin lamang.

Monday, October 22, 2012

Sinigang na (Century) Tuna


"Nagmamahalan na ang mga bilihin, tayo na lang ang hindi."

Sa panahong mahal ang karne at isda, makakatipid ka ba kung magluluto ka ng: Sinigang na Bangus? Sinigang na Baboy? Sinigang na Hipon? Naaahhhh... Eto try mo-Sinigang na (Century) Tuna! Ano ang lasa ng sinigang na canned tuna? Gaano ito kadaling lutuin? Gaano ito katipid at paano nito mapapasaya ang araw mo?

Mahabang intro:
4:30 am. Nagising na medyo masakit pa ang leeg dahil nakatulog na naman ako ng pitong oras sa kawayan na sofa sa aking sala. Wala pang laman ang aking tiyan dahil mas inuna ko ang tulog kesa pagkain nung nakaraan gabi. Buhay call center talaga pag weekend, mas gusto mong matulog kesa kumain. Anyway, hinigop ko muna ang mainit na kape para magising ang aking diwa kasabay na kinain ang left over na pandesal na pinainit lang sa rice cooker dahil wala naman akong microwave (merry christmas and thanks in advance sa magreregalo saken ng microwave sa pasko. nyahaha..). Habang nasa ganung posisyon ako at iniisip kung gaano kamiserable ang kalagayan ko na kumakain ng lumang pandesal na may peanut butter, naitanong ko sa sarili ko, "may magagawa pa ba ako para gawing interesting at masaya ang araw na to?"

Tumingin ako sa kanan kung saan nandoon ang mga grocery items ko na pinamili ko isang dekada na ang nakakalipas (actually few weeks ago lang). Kinapa ko ang nasa loob ng eco bag at kung anuman ang makuha ko sa loob ay gagawan ko ng kagimbal gimbal na recipe na maaaring magpabago sa buhay ko (tatanghalin akong "best PATSAM cook of all time". pero alam kong walang ganung award giving body kaya itutuloy ko na lang ang patsambang recipe na naglalaro sa isip ko.) Nadaklot ko ang nagmamakaawang "century tuna hot and spicy" at kahit ayaw nyang mainvolve sa karumaldumal na patsambang luto ko, wala na syang magagawa dahil desidido na kong lutuin sya bago pa sya mag-expire. Lumabas ako ng bahay at ilang hakbang lang ay nasa harap na ko ng tindahan ng gulay na kung saan ay mukang di pa nakakabalik sa reyalidad ang diwa ng tinderong si Manong dahil kakagising lang. Heto ang mga binili ko kay Manong para sa napagpasyahan kong iluto sa umagang ito:

Ingredients for my "Sinigang na (Century) Tuna":

1 talong
5 piraso okra
1 big green sili
1 taling kangkong (na di ko alam kung sa Marikina o sa Pasig river nanggaling. pero mukang malinis naman)
1 taling sitaw
1 maliit na labanos
5 pirasong siling labuyo (maliliit)
1 pack sinigang sa sampaloc mix
1 kilo bigas (na mukang kulang sa timbang pero ok lang, di ko naman nakita)
1 classic piece of advice mula kay Manong tungkol sa pagluluto ng sinigang (actually libre yung advice)

(More or less 60.00 kasama na yung century tuna. good for 3-4 people.)

Lumakad na ko pauwi habang dala ang mga item para sa aking love potion este sinigang. Dali dali kong kinuha ang kutsilyo at chopping board para hiwain at itransform ang mga gulay sa isang "state of the art delicacy". Hinugasan ko na rin ang bigas at inilagay sa kaserola ang pinaghugasan (up to 800ml) para magsilbing sabaw ng aking sinigang(take note: hugas bigas ang dapat isabaw para mas malapot at mas malinamnam ang sinigang). Isinalang ko sa gasullete ang sinaing at sa rice cooker ang pinaghugasan ng bigas. Baliktad ba? Actually, napansin ko rin pero mas trip kong lutuin sa rice cooker yung sinigang kase perfect na ang init ng rice cooker at di na kelangang iadjust para sa recipe kong ito. Habang nakasalang ang sinaing at epic na hugas bigas sa kanilang respected na lutuan, huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang noo'y nagpupumiglas na 155 grams na century tuna, hot and spicy. Kinuha ko ang sabaw o tubig nung tuna at inilagay sa separate na lalagyan. Piniga ko pa ang tuna hanggang sa wala na itong katas at isinet aside ang tuna meat. Ini-honda (inihabol) ko ang katas ng tuna at ibinuhos sa malapit nang kumulong hugas bigas habang naka-set aside pa rin ang tuna meat. Inihalo ko na rin ang sinigang mix kasama ng tuna juice at hugas bigas at tsaka nilagyan ng konting patis para magblend na ang lasa nila at tsaka tinakpan ulit ang rice cooker. Habang hinihintay kong kumulo ang sabaw, eto muna ang mga ginawa ko:

Nag-good morning kay Honey at nag-update ng status sa facebook
Nanuod ng HBO
Nanuod ng CNN
Nanuod ng Hisory Channel
Nanuod ng...nanuod nghh...(dahil sa anti-cybercrime law, hindi ko pwedeng sabihin)

May nag-comment na sa tanong ko sa FB wall ko na Ano ang translation sa english ng "pang-ilan ka sa pila?" at tyempong kumukulo na ang hugas bigas. Mamaya ko na ko magcocomment sa wall ko at ikoclose ko na yung isa pang window na ipinagbabawal ng batas.

Heto na nga at inilagay ko na ang mga gulay na chinap-chop ko kanina sa kumukulong hugas bigas. Hiniwa ko rin ng pino ang siling labuyo at inihalo sa mga gulay (pwede nang hindi lagyan ng siling labuyo kung hindi ka true-blue Bicolano na tulad ko. hehe..) Tinikman ko ang sabaw at inihinto agad ang pagtikim bago ko malimutan ang aking pangalan dahil sa sobrang sarap nung sabaw (wala pa yung tuna meat nun). Dinagdagan ko pa ng konting patis para mas malasa. Di ko ginamitan ng asin ang sinigang ko dahil yun ang payo ni Manong..."only use patis". Samantalang, luto na ang sinaing ko at inalis ko na sa gasullete. Pinalitan ko naman yun ng kawali at pinainit at tsaka inilagay ang tuna meat. Pwede mo namang hindi na initin ang tuna meat pero dahil sabi ng nanay ko mas ok na initin ang mga canned goods, ininit ko na rin pero di ko muna hinalo sa sinigang mismo kase madudurog ng husto.

After ko magcomment sa makukulit na sagot para sa FB question ko, bumalik na ko sa sinigang ko na ilang minuto nang kumukulo. Hindi pwedeng maover cook or else mawawala sustansya at papangit ang lasa. Perfect! Luto na ang "Sinigang na (Century) Tuna" ko at ready na kong kumain!

Inilagay ko na sa ibabaw ng sinigaw ang tuna meat. At dahil mag-isa lang ako, ako lang din ang naghain sa sarili ko. Mamaya ko na lang bibigyan si Richie na kapitbahay ko dahil tulog pa sya. Naappreciate ko talaga ang umagang ito dahil sa aking "Sinigang na (Century) Tuna" na mura na, masustansya pa dahil puro gulay, less fatty at di macholesterol tulad ng ibang sinigang. May omega 3 pa daw sabi ni Angel Locsin. Time saving din dahil di mo na kelangan magpalambot ng karne o maghintay nang matagal para maluto ang isda. Makakatipid ka din ng energy dahil ambilis lang lutuin. Sa lasa, hindi ka kelangang magworry dahil yung tuna juice ay sapat na para magkaroon ng malinamnam na lasa ang sinigang mo at ang tuna meat ay sadyang huli nang inilalagay para hindi magmukang kaning baboy ang sinigang mo.

Salamat sa Sinigang na (Century) Tuna. Ngayon interesting at masaya na ang araw ko at nakagawa pa ko ng blogpost after 10 years dahil dito. :) Salamat pala sa flavoursofiloilo.blogspot.com para sa perfect picture at few tips. Try nyo na Sinigang na (Century) Tuna. Sobrang dali lang lutuin at napakasarap!

Reminder: Sa bawat pagluluto, tiyaking may kasama itong pagmamahal. Puso ang pinaka-nagpapasarap sa mga lutuin at dahil hindi literal na pwedeng isama ang puso mo sa bawat lutuin, lagyan mo lang ito ng pagmamahal at siguradong sasarap ito. ;)

Thursday, August 16, 2012

Status Quo


Naranasan mo na bang ma-hotseat? Hindi ka normal kung hindi mo pa nararanasan na mapunta sa isang sitwasyon na lahat nang nasa harapan mo ay mistulang machine gun sa sunod-sunod at dami ng tanong na ibinabato sa'yo. Mabuti sana kung masasagot mo lahat ng tanong nila. E panu kung ang itinatanong nila ay something na hindi mo masagot o kaya mong sagutin pero sobrang dami mong kino-consider na mga bagay bago ka magbitaw ng salita?

Napapatanong ako kung bakit may mga bagay na dapat lagyan ng eksaktong label o katawagan samantalang kaya naman nitong mag-exist na maayos at walang aberya kahit hindi tiyak ang tamang katawagan dito. At nagtataka ako kung bakit hindi maintindihan ng ilang mga tao na may mga bagay na sadyang hindi pa talaga kayang tawagin sa kung anumang dapat itawag dito lalo na kung nangangailangan pa ito ng sapat na panahon bago ito tuluyang maestablish sa kung anumang kategorya na dapat ito'y makabilang. Anyway, wag kukunot ang noo mo kung hindi mo masyado magets ang sinasabi ko. Ang tinutukoy ko lang dito ay ang "intimate na relasyon" sa pagitan ng dalawang indibidwal. Alam nyo sa sarili nyo na gusto nyo ang isa't isa. Pero isang hindi popular na desisyon ang pinili nyo para sa inyong pagtitinginan at yun ay ang manatiling nasa "status quo". Nosebleed? Kase ayoko gamitin ang ON, MU,complicated, exclusively dating etc. Status quo ay term na inaapply lang sa mga state and political matters na applicable din para bigyan ng katawagan ang bagay na gustong mangyari ng dalawang taong involve sa isang relasyong may goal, may objective, maayos na tumatakbo pero walang tiyak na label. Sa status quo, nasa sitwasyon kayo na maayos ang halos lahat ng bagay at gusto nyong panatilihin ang mga nangyayari na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin na maging "kayo officially" unless magkaroon ng isang malinaw at unquestionable na dahilan na magbibigay ng go signal sa inyong dalawa para kumawala sa status quo at maging ganap na "officially, kayo" Naisip ko ang konseptong ito dahil sa dami ng mga kaso ng mga relasyon na heavily complicated on its own reason at both party involve are extremely confuse on where they are. Ang key words lang sa salitang status quo ay preservation, patience at open mindedness. Preservation para sa pagpapanatili ng maayos na pagtitinginan. Patience o paghihintay sa tamang panahon. Open mindedness o pagiging bukas ang isip sa mga pagbabago.

Hindi ka tinitigilan ng mga tanong. "Ano na ba talaga sitwasyon nyo?" "Kayo na ba?" "Makakahigop na ba kami ng mainit na sabaw?" Hindi mo mahagilap ang isasagot. May sagot ka na nagpaparoo't parito sa mga sulok ng utak mo pero ni hindi mo maibulalas. Nanatili kang tahimik hanggang madisapoint na ang lahat sayo. Sa huli, naisip mo na hindi mo man naplease ang nakararami, at least naipreserve mo ang mga salitang mas mainam na makita sa gawa kesa marinig lamang sa salita. Hindi ka nag-iisip ng perfect timing pero magpapasalamat ka kung may maka-appreciate sa patience mo sa paghihintay ng tamang panahon para ilagay sa ayos ang mga bagay-bagay.

Time understands love. Mahirap intindihin ang love kung materyal, literal o pisikal na pakahulugan ang gagamitin na batayan. Pero kung "magtetake-time" kayo at hahayaang mangyari ang mga bagay-bagay na susubok sa tatag ng pagsasama ninyo habang nasa status quo, siguradong magkakaroon kayo ng matibay na pundasyon na mapapakinabangan ninyo pag tuluyan nang "officially, kayo". Hindi ito playing safe kung alam nyo sa sarili nyo na hindi kayo naglalaro. Hindi ito lokohan kung alam nyo sa sarili nyo na seryoso kayo.

Maaaring sabihin mo na hindi makatotohanan ang mga binanggit ko at maaaring imposible ang mga thoughts na inilatag ko sa post na to. Anupaman ang maging perception o opinyon mo sa mga nasabi ko, igagalang ko yan.  At the end of the day, respeto pa rin para sa kanya-kanyang paniniwala at pilosopiya ang sana ay mamayani sa bawat isa. :-)

Friday, August 10, 2012

Unawain ang Damdamin ni Kuya


Pa'no ko ba ilalarawan ang araw  na to? Masaya? Nakakatuwa? Oo, kase finally wala ng baha. Malungkot? Nakakabadtrip? Oo din dahil may mga nangyari sakin na hinding hindi ko ikatutuwa at sadyang hindi talaga masaya.

Ako ay nasa estado na hindi ko talaga alam kung ano ang tawag dito. I'm not into a relationship but i'm with someone (a girl ofcourse) whom i really care and give importance the most. For a certain reason, di ko na ieelaborate kung panu nangyari na di tiyak kung ano kami.  Basta ang magiging sentro ng laman ng post ko ngayon ay tungkol sa nangyari sa araw na to sa aming dalawa ng babaing tinutukoy ko.

Aminado ako na minumulto pa rin ako ng past relationship ko. My ex-gf cares for me so much that she still show concern in certain events good or bad sa buhay ko until now. The worst thing is, shes already committed with someone and she got caught by his guy that she's still communicating with me. I got really upset when his mad guy texted me accusing me of different things. Of course, foul talaga yun kase i and my ex are good friends at kaya nga sya nag-bf ay dahil alam nyang wala ng pag-asang magkabalikan kami. I also got mad kay ex-gf dahil sa pagpayag nya na makuha ni guy ang number ko samantalang alam nya na i treat my number as part of my private life. Alam din nya na kahit ako ay hindi basta basta nagbibigay ng cel number ko kung kanino man. And so nagstart na kaming magtalo ni ex until things got worst that i have to warn "my current girl" about surprise, annoying  messages or calls that she may receive from unknown. I managed to end our argument at that day and ex-gf even sent me her "sorry's" as im writing this article.

So curious si current girl kung anung nangyari and im about to tell her about it na kami lang dalawa pero we're with her friend that time and its odd to tell this kind of matter with someone else around. I ended up telling her the bottomline of the story and hoped to tell her the whole thing na kami lang dalawa after the shift. Aware din kase ako na ayaw nya as much as possible ang anything na involve ang ex ko so if by chance may issue na ganito, she always want to straighten it out. On my surprise in less than 10 minutes, nasabi nya agad and i quote "baka ikaw ang unang nagtext at may something na ikinagalit ng bf nya". Hindi yun naging maganda sa pandinig ko at lalong hindi yun nakatulong sa pilit kong pinapagandang mood ko sa mga oras na yun. Doubt and suspicion agad ang sumalubong sakin sa bagay na tanging intensyon ko lang ay ipakita sa kanya na sincere ako at ipapaalam ko sa kanya ang bagay na dapat nyang malaman. Confident kase ako na maiintindihan nya ang sitwasyon at mas may magiging maayos syang judgement o conclusion at the end of the day. The first time narinig ko ang panghuhusga nya, di na ko nagpakita ng reaksyon pero hindi naging ok ang mood ko throughout the day after nun.

At the end of the shift, hinintay ko sya nang matagal until shes done para magkausap kami. I've been so honest with her na hindi ko tinatago ang emosyon na dapat lumabas sakin. Ofcourse dissapointed ako at feeling ko ay inalisan ako ng karapatan na marinig ang side ko bago ako husgahan. Unusual para sakin na silent lang at straight face when im with her. Pero that time, sinabi ko sa sarili ko na once masabi ko sa kanya ang mga gusto ko pa sabihin ay back to normal ako. Surprisingly, after a long wait, isang walang kaabog abog na "bakit di ka na lang umuwi?" ang tanong na bumulaga sakin. Hindi ako masaya sa narinig ko at lalo akong nalungkot. Sa point na yun, nilamon na ko ng emosyon ko and when she tried to re-open the topic, hindi na ko makapagsalita dahil nalito na ko kung alin ang ioopen up ko. Kung yun pa rin bang issue na binabanggit ko dito o ang sintimyento sa klase ng treatment na biniggay nya sakin pagkatapos ng matyaga kong paghihintay.

Lumipas ang mga minuto at nanatili akong tahimik. Gusto ko nang magwalk out pero hindi ako bastos na basta na lang tumatalikod dahil lang sa dissapointments ko etc. For the second time ay itinaboy nya ko paalis dahil aniya ay hindi ko masabi ang dapat ko sabihin in detail. Sobrang kontrolado na nya ang sitwasyon at sa bandang huli'y naiwan akong hindi lang dissapointed kundi sobrang frustrated na rin. Noon ko naisip na may mga bagay tungkol sa'ting mga kalalakihan na hindi naiintindihan ng mga kababaihan...

Aminado ako na pagdating sa pagmanage ng emosyon, below average ako. It will take a while until ma-ease out ang pakiramdam ko bago ako makapagsalita. Naniniwala ako na hindi ako nag-iisa sa ganitong category. Pero ang kalalakihan na tulad ko ang mas nangangailangan ng pag unawa kesa sa mga may kakayanang magsalita ng magsalita at mag insist ng point nila. Hindi kami dapat jina-judge agad base sa sandaling pananahimik namin at kung hindi man namin masabi ang mga gustong marinig ng mga babae ay hindi ito katwiran para tuluyan na kaming mamisinterpret. Sa part ng kababaihan, may magagawa kayo maliban sa pagsabay sa negative na damdamin naming mga lalaki na kung dissapointed kami, dissapointed na rin ba dapat kayo agad? Siguro dapat nyong simulan sa pag-attempt na basahin kung ano ang naiisip o nararamdaman nya bago nyo sya akusahan sa di pagsasabi ng nasasaloob nila. Katulad ninyo, may mga bagay din na nahihirapan kaming mga kalalakihan na iexpress sa salita lalo na kung may kaugnayan ito sa emosyon o damdamin. Alalahanin nyo sana na mas mahirap para samin ang maghayag ng nararamdaman lalo na pag emosyonal at ito ang malaking pagkakaiba ng mga babae samin. Actually, hindi mo na kelangan mag-ask ng detalye o specifics o facts ng subject matter  kung nais mo syang intindihin lalo na kung hindi naman kelangan maging technical ang approach para masolusyonan ang problema nyo. Kelangan mo lang maging "SENSITIVE" sa nararamdaman nya. Ang komunikasyon sa relasyon ay hindi tungkol lamang sa mga tiyak na salita at lenggwahe kundi tungkol din sa pagkakaintindihan ng mga damdamin. Without even saying words and by so called body language, you will be able to tell whats going on. Kung gusto nyo pala ng mga madetalyeng description ay bakit hindi na lang kayo magtayo ng law firm at kayo mismo ang abogado. Ayaw nyong magtalo na parang mga lawyer at tandaan na the more you ask for details, the more you ask for argument at hindi essential sa relasyon ang puro argumento. Kahit ang obligation and contacts na naglalaman ng teknikal na interprtasyon ng batas ay sang ayon na masesettle-down ang isang bagay kung merong "meeting of mnds". At kelan magmemeet ang minds sa isang relasyon? Kapag napatunayan nyo despite of tough situation, you can still have the "meeting of hearts".

Although sa kaso ko at magiging honest ako sa inyo, mahihirapan akong iapply ang mga sinabi ko dito dahil we're not even official and it will take a real hard time para maging posible na maging official kami (but it will help guys who has the same situation as mine). Dapat lahat ng sinabi ko dito ay sinabi ko sa kanya in person pero natatakot ako na sabihin nya o isipin man lang na "lumalagpas na ko sa limit na itinakda namin...". Pero kung mababasa niya to, sana malaman nya how i try hard para maisurvive ang relasyon namin following only very simple ways na tulad ng nabanggit ko sa taas. I hope she do the same. I hope magtulungan kami. Siya lang ang nasa puso ko at walang kahit sino man  lalo na ang naging parte ng nakaraan ko ang magmamay-ari pa nito... (korni pero totoo).

Ngayong natapos ko nang isulat ito, medyo gumaan na pakiramdam ko. Sana kahit panu magkaroon ng sense sa inyo ang naishare ko na to ngayong araw. Till next time. :-)

Wednesday, August 8, 2012

Nameless Bagyo/Baha 2012



Kinilala sya bilang Ondoy noong 2009. Ang bagyo/baha na nagparealize sa mga Pilipino kung paano mapraning ang kalikasan. Ngayong 2012, ano ang itatawag natin sa pamysterious type na disaster na to na suppose to be ay may pangalan kasama ng bagyo? Nakikilevel na rin ba sya sa mga lindol, tsunami, tornado (isama na rin ang mga political maneuvers ng mga sugapang pulitiko) na dumadating at namemerwisyo kahit walang pangalan? Aba hindi pwede to. Sinasalanta tayo pero hindi natin alam kung anong itatawag sa kanya.

Juan: Pare naalala mo pa ba nung 2012, nung sinalanta tayo ng baha? Ang tindi nun nu? Parang Ondoy nung 2009.

Peter: Oo nga pre. Anu na nga pala pangalan nung bagyong yun?

Juan: Di bagyo yun pre. Dala lang yun ng habagat na tinulak nung bagyong "haynaku" sa bandang Taiwan.

Peter: Juan di ko alam kung bobo ka o sadyang galit ka lang sa mga Intsik.  "Haikui" pare, yun ang pangalan nung bagyo.

Juan : Bobo na agad? Di ba pwedeng...di ba pwedeng hindi lang talaga alam?

Peter: Pre dumidilim ang langit. Uulan na naman yata ng malakas.

Juan: Tanga paningin mo lang ang dumidilim. Di pa kase tayo kumakain simula kahapon. Hayup din naman dito sa evacuation center oh. Mukang dito pa tayo matutuluyan ah.

Peter: Juan tama nga ang dinig ko kay Doc kahapon...matatagalan ka pa dito sa mental. Tsk... ang tindi ng naging epekto sayo ng pagkawala ng pamilya mo dahil dun sa "bahang walang pangalan" na yun nung nakaraang taon.

(Nurse, dumating para painumin ng gamot si Juan.)

Nurse Marian: Juan lika na. Oras na ng medication mo. Alam mo sana makaget-over at gumaling ka na. Kase nahihirapan na rin yung janitor maglinis dun sa kanal natin sa labas. Lagi mo na lang tinatapon yung basurahan dun. Akala mo siguro katulad pa din ito sa labas na wala kang habas magtapon ng basura sa ilog at mga estero. Haynaku... tara na Juan. Tsaka nga may iinjection ako sayo, mas malaki kesa dun sa kahapon.

Peter: Nurse Marian kelan daw pala ako lalabas? May info ka ba?

Nurse Marian: Pag narealize mo nang hindi puno yung poste na trip na trip mong lagariin ng patpat araw araw dyan sa labas. Tingin ko matatagalan ka pa dito Peter. Malubha ang tama mo sa ulo nung mabagsakan ka nung puno na ini-illegal log nyo.

Doc: Guys, narinig ko na una nyong pinagtalunan yung bagyo/baha na walang pangalan nung 2012.
Alam nyo hindi problema kung anuman ang pormal na pangalan ng isang kalamidad. Ang problema ay ang perwisyong dulot nito. Kaya ikaw Juan, sana magbago ka na at wag mo nang ugaliin magtapon ng walang pakundangan sa mga ilog at estero natin. Bumabalik satin ang mga basurang itinapon natin e. Ikaw naman Peter, wag ka na mag-illegal logging. Daig pa ng grupo nyo ang barbero ko kung kalbuhin nyo ang gubat.

Peter: Dati ka nang kalbo Doc. Nagpapabarbero ka pa ba?

Doc: Di ko na maalala kung kelan yung last. Este, hindi yun ang pinag uusapan natin Peter. Ang mga punong pinutol nyo ay wala nang kakayanan para higupin ang mga tubig ulan at matulungan maiwasan ang baha.
Ikaw naman Juan, sana rin pag gumaling ka na, matuto ka nang makinig sa  mga paalala ng otoridad. Pag kelangan nang lumikas, lumikas na agad. Hindi natin kaibigan ang baha o bagyo at kahit kaaway natin ito, wala tayong magagawa kundi maghanda na lang at kumilos para sa kaligtasan.

Juan:  Doc bakit mo samin sinasabi to e baliw kami di ba? Hindi ka namin maiintindihan.

Doc: Bakit Juan? Ang panahon ba naiintindiahan mo din nung matino pa pag-iisip mo? Kahit nga ako ay hindi ko maintindihan kung ano na talaga ang klima natin dito sa Pilipinas. Tsaka ito ang gustong mangyari ng nagsulat ng blogpost na to kaya wag ka na makulit. Pareho lang tayong character dito. : P

Nurse Marian: Doc itutuloy ko na ba ang pagbigay ng gamot kay Juan?

Doc: Marian, hubarin mo ang uniform ni Nurse Lovi. Nalusutan mo na naman ang security ha. At pwede ba? Hindi Marian pangalan mo....MIRIAM!

May Part 2...

Sunday, July 15, 2012

25


It is a square number, being 5² = 5 × 5. It is the smallest square that is also a sum of two (non-zero) squares: 25 = 3² + 4². Hence it often appears in illustrations of the Pythagorean theorem.

Dumugo ba ang ilong mo? Ako din.

Ang edad ay hindi kinukwenta gamit ang mathematics. Ito ay kinukwenta gamit ang mga mahahalagang pagbabago na nangyari sa buhay mo. Kwentahin mo man ang edad mo gamit ang numero, kung pinili mo naman maging walang kwenta sa mga nagdaang taon, wala pa ring saysay ang pagkekwenta mo. Pero kung kekwentahin mo ang edad mo na tanggap ang mga ginawang pagkakamali kasabay ng pagbukas ng isip sa positibong pagbabago, magkakaroon ng saysay ang pagbilang mo sa iyong edad.

Gawin mong calculator ang iyong mga karanasan sa pag-compute sa mga equation ng pagsubok sa buhay. Isali mo sa formula ang mga pangako sa iyo ng kung sinuman na hindi natupad, mga panlolokong idinulot sa'yo ng iyong pinagkatiwalaan at ang bitterness na tinamo mula sa dati mong minahal. Ang mga leksyon na nakuha mo mula sa negatibo at positibong pinagdaanan mo sa buhay ang magsasabi kung gaano ka na katanda. Sa puntong ito papasok ang salitang "maturity" at ang tanong na "Are you matured enough?"

Lilipas pa ang mga taon at makikita mo na ang malaking pagbabago sa pisikal mong anyo. Pero wag mong hayaan na anyo mo lang ang magbago. Hindi pa huli ang lahat para mag ambisyon...at hindi ka pa ganun kahina para kumilos tungo sa gusto mong pagbabago sa buhay.

JULY 11, 2012- Silver anniversary ng existence ko sa mundo. Marami nang nagbago at marami pang pagbabagong darating. Pero ang pagiging positibo nang pananaw ko sa buhay ay hindi matitibag gaano man kahirap ang aking pagdaanan.

Thursday, June 21, 2012

...ni Reyner

Matagal tagal na rin akong hindi nakapagsulat at sobrang namiss ko talaga ang mag-share ng kahit ano na lang dito sa site ko. At dahil nag-uumapaw na sa utak ko ang mga bagay na gusto kong i-share sa inyo, sisimulan ko na at eto nga ang mga "softcore" at "hardcore na mga naencounter ko recently.

Hardcore: Ang Pagbabalik Eskwela ni Reyner
Habang umiinom ako ng kape isang umaga at hawak-hawak ang isang pirasong pandesal, bigla ko na lang naisip ang college life ko. Ang mga masasayang sandali kasama ang barkada, ang mga adventure sa exams at thesis, ang mga kabaliwan na sana hindi ko ginawa pero nagawa at napagsisihan ko na etc. ay ang mga bagay na nagpangiti sakin nung umagang yun. Wala pang 5 minutes ay nakapagdesisyon na kong mag-aral ulit. Eto nga at 2nd week ko na sa graduate school o yung tinatawag na masteral. Naeenjoy ko naman ito kahit kelangang gising ako 24 hours tuwing Saturday dahil yun lang ang araw ng pasok ko. Trabaho buong gabi ng Friday then aral buong maghapon ng Saturday. Alam kong mahirap ito pero dahil ginusto ko to, paninindigan ko to at pagsisikapan kong makuha ang Masters Degree na pinapangarap ko.

Softcore: Ang naghihingalong OKC ni Reyner

So, isang umaga nadatnan ko ang mga kapitbahay na nagdidiwang. Maya-maya pa ay nilapitan na ko ni Richie para isiwalat sakin ang dahilan ng selebrasyon...panalo ang Heat. Shet! yun na lang ang nasabi ko. Hindi pwede matalo ang OKC dahil ang dami kong kapustahan at dahil fan talaga ako ni Kevin Durant, sa OKC lang ako pumusta. Pag nagkataon nga ay lilipaprin sa hangin ang 600.00 ko dahil sa pagkatalo sa pustahan. Pero ayos lang, habang sinusulat ko ito ay kakatapos lang ng game 4. Di pa tapos ang championship.at di pa rin ako nawawalan ng pag-asa...actually....malapit na ako mawalan ng pag-asa sa OKC... Ipanalo nyo yan OKC! Parang awa nyo na!


Hardcore: Abnormal ang tibok ng puso ni Reyner

Wala akong sakit sa puso at hindi ako tinatalaban ng mga cholesterol ng pares at mami na paborito kong kainin tuwing umaga sa tapat ng overpass, malapit sa pinagtatrabahunan ko. Pero lately, sobrang iba tong nararamdaman ko (basahin ang post na to para sa clue). Matagal ko na syang crush pero mula nung magkaroon kami ng chance na magkasama at magkausap in person...wow...she's so incredible...niyanig niya talaga ang mundo ko. :-) Pag nakikita ko sya, parang laging first time yung reaction ko. Hindi talaga nagbabago yung pagtingin ko sa kanya at parang tumitindi pa nga lalo yung nararamdaman ko para sa kanya. Ano ba tong nararamdaman ko Kuya Cesar? Pakiesplika naman po.


Softcore: Naextend ang mundo ni Reyner

Hindi naman sa burn-out kundi totally burned out na talaga sa pagiging call center agent kaya naghanap ako ng paraan na magpapaiba ng takbo ng routine ng buhay ko. Narealize ko lately na ang nature ng trabaho ko ang siyang nagbibigay ng kalawang sa utak ko kaya't para magfunction naman ito sa medyo ibang paraan ay talagang nagpursue akong pasukin muli ang unibersidad. Marami akong nameet na friends na galing sa ibat-ibang "walks of life". May police officer, may konsehal ng siyudad, may propesor, may bank employee, may tambay at may mayaman na bored lang kaya napadpad sa akademya. The best part nito, despite of differences ay nagkakaisa ang lahat at mararamdaman mo ang equality sa loob ng klase. Sabado ang ice breaker ng linggo ko. Mahirap man sigurong maintindihan ng mga kapwa ko call center agent, pero im having fun to what i'm doing. :-)


Hardcore: Si Honey...
Magtataka ka kung bakit lahat ng mga naunang title ng mga sub-posts ay laging may kadugtong na salitang "..ni Reyner".
Si Honey...siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit ako masaya sa mga panahong ito. Siya yung dahilan kung bakit natutulog ako at nagigising na may built-in na ngiti sa mukha ko. Siya ang dahilan kung bakit mas naaappreciate ko na ang mas maraming bagay sa mundo. Matyaga nyang tinatanggal ang monotony ng buhay ko araw-araw.
Si Honey na noong una ay nagbigay ng abnormal na tibok sa puso ko pero ngayon ay...siya nang...nagmamay-ari nito. Ganunpaman, may isang malaki at seryosong bagay kung bakit hindi ko pwedeng itulad sa format ng naunang titles ang title ng sub-post na to. Kung anuman yun ay hindi ko na idedetalye. :-( Pero despite of that reason, buong buo ko siyang tinatanggap sa buhay ko at talagang proud ako sa kanya.
Kung magbabago man ang resulta ng naging pangyayaring yun sa buhay nya ay alam kong matatagalan pa.
Pero hindi mawawala ang pag-asa ko na makumpleto pa rin ang title ng sub-post na to...

Hanggang dito muna mga kapatid dahil kelangan ko rin matulog. Ciao!

Sunday, May 27, 2012

052412


2000- May mga nakilala ako na nag-asawa na agad bago dumating ang taong ito sa paniniwalang end of the world na daw. Samantalang bukod sa wala akong pakialam sa usaping pakikipagrelasyon ay sadyang busy ako sa mga bagay na may kinalaman sa kamusmusan.

Flag ceremony, 7 am sa JPNHS. Nangangalahati na ang watawat sa flagpole na itinataas ng dalawang estudyante habang kinakanta ng lahat ang bayang magiliw este lupang hinirang. Napalingon ako sa kaliwa mula sa linya naming mga 1st year at nakita ko ang babaeng pinakauna kong naging crush sa buong buhay ko. Sobrang ganda nya na nakuha ko pang malimutan ang lyrics ng pambansang awit na 7 years ko na noong kinakanta uma-umaga. Sobrang gustong gusto ko sya na nagawa kong magpasermon sa teacher ko pagkatapos kong sundan yung girl at ma-late sa klase ko. Mula nun ay araw araw na akong pumapasok ng maaga para hindi mamiss ang flag ceremony at makita si Dana na nooy 4th year higschool na. Sinabi ko noon na kung magkakaroon ako ng chance makilala sya in person, ipagtatapat ko sa kanya na sya ang dahilan ng paglaki ng eyebags ko dahil sya ang naging motivation ko para pumasok sa school ng maaga.

2011 & 2012- Meron na namang mangilan-ngilan na pumatol sa prediksyon ng mga Mayans at nagsi-asawa agad. Wala pa rin akong asawa, 12 years ago ng hulaan na magugunaw na ang mundo. Andito naman ako at laman ng isang call center company at kung dati ay bayang magiliw (ang kulit nu? sinabi na ngang Lupang Hinirang e) ang lagi kong kinakanta, ngayon naman ay "Thank you for calling..." ang lagi kong binabanggit.

Ilangg linggo na kong call boy nun este call center agent at nababato na ko (nababato, hindi nagbabato. ok?). Isang gabi, tumayo ako saglit para mawala ang antok ko at di sinasadya ay nasapul ng paningin ko mula sa L1 bay ang babaing sa sobrang ganda ay nakalimutan ko ang opening spiel ko na 7 linggo ko nang inuulit ulit sabihin sa loob ng walong oras everyday. Sa tindi ng paghanga ko sa kanya ay di ako nag-alala na mapagalitan ng TL ko nung maover-break ako para lang mapagmasdan sya. Mula noon ay araw araw akong pumapasok sa trabaho para makasilay kay Miss H. sa bay ng L2. Sinabi ko sa sarili ko na kung magkakaroon ng chance na makausap ko sya in person, sasabihin ko sa kanya na dati nang malaki ang eyebags ko at hindi yun nakakapagtataka dahil lahat naman kami ay palaging puyat. Pero syempre nonsense kung yun ang sasabihin ko kaya ang pinaka sasabihin ko talaga sa kanya ay ang bagay tungkol sa hindi ko maipaliwanag na paghanga ko sa kanya.

Months ago and history keeps on repeating itself. Dead kid pa rin ako at ni hindi ko magawang makipagkilala sa kanya in person. Until may FB invitation na bumulaga sakin isang araw at dahil di ko pa alam pangalan nya, tinitigan ko muna ang picture at tsaka ko lang in-accept...si Miss H. ang nag add sakin. Dahil sa tulong ng teknolohiya, nakilala ko sya at nakapag usap kami, bagay na hindi nangyari before. Ngunit  ang lahat ay virtual lamang at wala talagang personal contact na nangyari. Sa di ko malamang kadahilanan, umuurong ang dila ko pag andyan na sya at kaya nga siguro 2 letter word lang ang salitang "hi" ay para madaling sabihin pero bakit ni hindi ko man lang yun masambit pag dumadaan sya? Nakuntento ako sa tamang chatting lang with her na good thing ay nagrerespond sya.

One day after 7 mos. mula nung una ko syang makita, baon ang lahat ng lakas ng loob para sa unang pagkakataon ay makausap at makasama ko sya ng personal, nagpasya akong makipagmeet sa kanya. Hindi sya suplada tulad ng inakala ko, hindi sya masungit and the best of all, she has smile that can launch a thousand ships. She's not your ordinary girl. She's so hardworking and strong type when it comes to overcoming trials in life. She'd been through lots of problems in life that she managed to resolve the way other people can't. Her sense of companionship is exceptional. She may think na madaldal siya pero that was just too perfect sa tulad kong silent type (oo, silent type nga). Shes outgoing type which totally opposite to a home buddy like me but its fine coz opposites attract. She has qualities that made me feel like how Marco Polo felt when he discovered  China. She's amazing...

The world may end anytime unknown to us...but for me...it's just on its beginning.

Monday, April 16, 2012

TRIVIAS Part 3 (Tungkol sa mga Kahayupan)

The largest earthworm on record was found in South Africa and measured 22 feet.
Yan yung anak nya

Cows can sleep standing up, but they can only dream lying down.- Kayang managinip ng tao kahit gising at kayang matulog ng call center agent kahit nagte-take ng calls.

Tigers can see 6 times better at night than humans. - Kayang makita ng kaklase mong nangongopya ang sagot mo 10 times na mas malinaw pag malapit na matapos ang exam.

Parrot parents "name" their children with a signature call.- Pero wag sasama ang loob mo at wag tawaging parrot ang parents mo kung binigyan ka nila ng pangalan na "Juan Agapito Adoracion".


Lobsters have blue blood.- E anong tawag sayo pag berde ang dugo mo?

The oldest known animal in the world was 'Ming' the 405 year old clam, discovered in 2007. - at tumanda syang walang edukasyon, mahirap at hindi natutong mag-text man lang.

Sharks, like other fish, have their reproductive organs in their chests. - Cool!!! E panu kung yung sa tao nasa dibdib din?

The elephant brain weighs about 6,000g.- E yung utak mo gaano kabigat? May silbi naman ba? hahaha...


One reason that kittens sleep so much is because a growth hormone is released only during sleep. - Isang dahilan kung bakit natutulog ng marami ang isang call center agent pag may pagkakataon ay dahil...ilang araw na syang walang tulog.

It is physically impossible for pigs to look up into the sky.- at tatandaan na kung hindi mo na rin kayang tumingala sa langit, hindi nangangahulugan na baboy ka na rin...tinamad ka lang talaga mag-diet.


Dogs have been man's pet for over 14,000 years. - at hanggang kelan ka ba magiging teacher's pet? magbago ka na, unfair sa mga kaklase mo. haha...


There are more chickens than people in the world.- Ang karamihan sa kanila ay nasa Jolibee...

The world's smartest pig, owned by a mathematics teacher in Madison, WI, memorized the multiplication tables up to 12.- Ang talinong baboy. Paano nya kaya sinasagot yung tanong?
Amo: Pig, 2x2?
Baboy: Oink,oink,oink,oink
Amo: Very good! 6x12?
Baboy: (shet napasubo ako ah. ang sakit sa ilong nito.)


Cats have a weak sense of taste. They have only 473 tastebuds, humans have 9,000.- Pero bakit palaging sarap na sarap sila sa ulam na nilalagay ko sa lamesa? Tsk...

Flies are deaf.- E ano naman? Bingi nga, lintik naman sa dami ng mata at kung makadapo sa pagkain mo e wala man lang pasintabi. Ayoko sa kanila, kadiri sila. ahahaha...


A crocodile cannot stick out its tongue.- Kaya asar talo ang buwaya sa palaka.

Bees never sleep.- Ano ang pinagkaiba ng bubuyog sa call center agent? Ano? Ang bubuyog ay may "buzzzzzzzzzz". Ang call center agent ay walang "zzzzzzzzzzzzzzz".


In Brazil, there's a species of cockroach that eats eyelashes, usually those of young children while they are asleep.- Ang mga ipis sa Pinas hindi kumakain ng kilay...pero makakapal ang mukha, kahit gising ang tao sa bahay tinitira ang mga pagkain nila.


Cockroaches can live for 9 days after their head has been cut off.- Ang tangang asawa na palaging binubugbog ng mister nya ay kayang mabuhay sa katangahan sa matagal na panahon kahit may ulo pa.

The longest recorded flight of a chicken is 13 seconds!- At nagawa nya yun dahil hinahabol sya ng amo nya para gawing tinola.


If NASA sent birds into space they would soon die; they need gravity to swallow.- E panu yung baklang astronaut?

An ant brain has about 250,000 brain cells. A human brain has 10 million- Ito ang basehan kung bakit may tinatawag na "utak langgam".

Monday, April 9, 2012

A Story about the Guy Who Missed to experience LOVE


If you love someone, let them know. Life is short and and just keeping your feelings towards him/her for a long time is just wasting valuable time of your life. 


A boy walked into a CD store
and saw a girl behind the counter.


She smiled and he thought it was the most beautiful smile he has ever seen before and wanted to kiss her right there.


He said "Uh... Yeah... Umm... I would like to buy a CD." Though the truth is he really don't like to buy anything, he picked one out and gave her money for it.
"Would you like me to wrap it for you?" she asked, smiling her cute smile again.
He nodded and she went to the back.


She came back with the wrapped CD and gave it to him. He took it and walked out of the store. He went home and from then on, he went to that store everyday and bought a CD, and she wrapped it for him. He took the CD home and put it in his closet. He was still too shy to ask her out and he really wanted to but he couldn't so he just managed to visit the store everyday to see the girl. His mother found out about this and told him to just ask her.
So the next day, he took all his courage and went to the store. He bought a CD like he did
everyday and once again she went to the back of the store and came back with it
wrapped. He took the CD and decided to ask the girl for a date but just like the regular thing, he ended up to just look at the girl's face and leave. However, something happened this day and when the girl wasn't looking, he left his phone number on the desk and rushed outside the store.


!!!RRRRRING!!!


The mother picked up the phone and said, "Hello?"


It was the girl!!! She asked for the boy whom she's not seeing for days. She thought that the guy might be sick or something and she want to know his condition. She got surprised when mother started to cry on the other line and said, "You don't
know? He has terminal cancer, he JUST DIED recently...


The line was quiet except for the cries of the boy's mother...and a silent cry of the CD girl.


Later in the day. The mother went into the boy's room because she wanted to remember him. She thought she would start by looking at his clothes. So she opened the closet. She was face to face with piles and piles and piles of unopened CDs (Yes, the boy didn't even open the CDs). She was surprised to find all those CDs and she
picked one up and sat down on the bed and she started to open one.
Inside, there was a CD and as she took it out of the wrapper, out fell a piece of paper. The
mother picked it up and started to read it.


It said: 


Hi, I think you are really cute. Do you wanna go out with me? 


Love, 
Jacelyn


The mother opened another CD then opened another one and opened all of them to be surprised from discovering the notes from each CD saying the same thing:


Hi, I think you are really cute. Do you wanna go out
with me?

Love, 
Jacelyn


There's another moral for this story. "Don't buy pirated CD or DVD, you will hardly find a girl vendor that is gorgeous and has that lovely smile...and the girl who will mind to put a sweet note in your purchased item." :-)

Sunday, April 8, 2012

Paano Makipaghiwalay Kung...



2:50 am. Nagbabrowse ako ng net habang umiinom ng mainit na kape. Naisipan kong buksan ang email ko na reyner561@hotmail.ph na siyang receiver ng mga comments or concern mula sa aking mga reader. Ito ang letter na sobrang pumukaw ng aking pansin at napagpasyahan kong i-share sa inyo ang nilalaman nito pagkatapos kong kunin ang consent ng letter sender. Hindi ako si Papa Jack pero susubukan kong resolbahin ang problemang idinulog ng tawagin na lang nating si Yeanah of Makati.


Dear Reyner,
Hi. How are you? I hope you're doing well. 
I just finished reading your blog posts. I really like them and I found them interesting. Just call me Yeanah, I'm 26, not yet married but in serious trouble right now with the kind of relationship that I have with this certain guy. The guy is neither my boyfriend nor someone that I can call mine. He's committed to someone else and he brought it up to me the first time we met. I used to have a boyfriend but he's no longer here on earth just few months ago. I really love my bf but i have to move on. So i found this guy whom happened to be my business partner. Our relationship evolves more on "sex" and I'm totally aware that its really wrong and I'm feeling terribly guilty every time i wake up in the morning.


I have a feeling na ginagamit nya ako for both his career and sexual needs. I do believe na sobra syang nagbebenefit sa skills and resources ko for our business and that I think is one of the reason why he's keeping me beside him. Pero tuloy pa rin ang relasyon namin despite that. One time pa nga ay nameet ko ang gf nya who happened to be part of the company together with our business associates. But prior to that, pinakiusapan na ko ni guy na pakitunguhan ko ng maayos ang babaeng yun at mag-act ako na totally wala kaming ugnayan sa isa't isa ng magaling nyang boyfriend. Sobrang napakahirap nun para sakin pero kinaya ko. Mahal ko na kase sya at ayoko syang madissapoint sakin.


Just recently nag-usap kami about how we should go about this affair. I'm totally bothered na kase to the fact na kamamatay lang ng bf ko tapos ganito ang ginagawa ko, talagang hindi ito tama. I asked him, shall we keep our relationship like this while being business partners at the same time or do we need to choose only one? Ibinalik nya sakin yung tanong at napagkasunduan namin na ipagpatuloy ang ginagawa namin while working together on our business. Pumayag naman ako at inisip ko na lang na isa ito sa mga adventure ng buhay at bilang isang adventurer, tatanggapin ko to kahit delikado at tiyak na may masasaktan at the end of the day. To be honest, confuse din ako sa meaning ng buhay at gusto ko itong iexplore para mas maintindihan pa. Naniniwala din ako na sa ganitong paraan ay mas magiging mature ako. Pero tama ba ito? Tama ba itong pinasok ko? Alam ko na ang consequence pero bakit andito pa rin ako?


After reading some of your articles, narealize ko na dapat ko na syang i-let go pero paano? Araw-araw kaming nagkikita sa office at totoong napaka-sweet nya sa akin though di ko sure kung may feelings sya sakin while i have no doubt na mahal nya ang gf nya. Despite na para akong tanga na palagi nyang katext ang gf nya kahit magkasama kami at pati sarili kong laptop ay ginagamit nya para magsend ng email sa girlfriend nya ay ok pa rin yun sakin. Ni hindi nya nga ko natetxt pag hindi kami magkasama or itext nya man ako, siguro dahil bored sya.


Please, I need your advice. Alam kong katangahan na to pero ayoko nang magpakatanga pa. Ano bang dapat kung gawin? I'm hoping for your response Reyner. Thanks.


Best regards,
Yeanah


-------------------------------------------------

Dear Yeanah,

Thanks for reaching me here. Naappreciate ko talaga na napagtyagaan mong basahin ang lahat ng blog posts ko. Iilang libong readers lang kayo ng blog ko na kayang gawin yun (mayabang ako at may pagkasinungaling, hindi pa naman umaabot ng libo ang readers ko. wish ko lang. hahaha). By the way (highway), after reading your letter meron akong ilang bagay na natuklasan sayo:
* Labis kang nangulila sa iyong namayapang irog (irog talaga?)
* Humble ka, totoong tao at hindi nahihiyang umamin na confuse ka pa rin sa meaning ng buhay. Palagay ko'y fan ka ni Confusius. 
* Matapang ka para sa uri ng adventure na pinasok mo. Walang sinabi si Indiana Jones sa'yo (tao ba yun? movie yun di ba? yun na yun).
* Open minded ka sa usaping sexual na sapat na para tawagin kang "matured".
* Alam mo ang ginagawa mo pero kulang ka sa control kaya masasabi kong medyo iresponsable ka pagdating sa bagay na yan.
* Maswerte ka dahil di ka nabuhay nung panahon ni Rizal dahil kung nagkataon ay nakasama ka sa GOMBURZA. Martir ka teh!
* Mahilig ka sa "unli" kaya hindi mo napapansin na sobra ka ng nagagamit. (For only P25 get Unlimited Text to All Networks + 1 hour mobile Internet. Just text UALL25 to 8888.)

May kasabihan na asawa nga daw ay nasusulot pa, boyfriend pa kaya? Pero hindi yan ang gusto kong isuggest na gawin mo. Naiintindihan ko na siguro ay ayaw mo ring masaktan ang gf ni lalaki at natatakot ka ring subukan na papiliin sya kung sino sa inyong dalawa ng gf nya. Malawak ka mag-isip at sa paraan mo kung paano marelieve ang sentimyento mo, tunay na kokonti lang ang nakakaisip nyan. Ngunit hindi habang buhay ay puro "sweet lemoning" or looking at the bright side na kesyo I'm learning something from it that somehow it teaches me lessons in life. To be frank (my way?), hindi ako fan ng mga invalid na paraan ng pagkatuto sa buhay. You can learn lessons in life and you can be a better person by good means, not by the thing that you are into right now. Pero since nag-engage ka na sa ganyang klase ng practice, don't you think you've already acquired enough lessons from it and its time for you to STOP doing such. Otherwise, pati dangal mo ay tuluyan nang mawawasak at hindi mo gugustuhing mangayari yun. Eto na nga at gusto mo nang matigil ang kahibangang yan. Ang tanong mo nga ay paano?

Sunday, March 25, 2012

Reyner in Wonderland (Gumaus 2012)

Intro: Taong 2004, emosyonal at wari'y hindi matangap ng mga puno ng niyog, saging at bayabas ang aking paglisan sa Gumaus, Paracale, Camarines Norte. Bawat puno na aming madaanan ay waring kumakaway upang magpaalam. Pati mga "damo" sa kinalakhan kong lugar ay nagtangis sa aking pag-alis. Sa gitna ng tanawing iyon ay aking ipinangako ang matamis na pagbabalik bagamat hindi tiyak kung kelan.
(Vroooommm... Syet ang usok ng sasakyan namin. Papacheck-up ako ng baga pagdating sa Manila)

Fast forward: Summer 2012! Isang biyayang maituturing nang maaprubahan ang vacation leave na matagal kong minithi. May listahan ng destinasyon na pwede kong puntahan i.e. Mars, Moon, Jupiter at Boracay pero isa lang ang gusto kong puntahan at yun ay ang aking lupang sinilangan (hindi ito panunumpa sa watawat ng Pilipinas). Inimpake ko na ang mga bagahe at binitbit na rin ang aking utol para sa sumasabog sa kasiyahan na bakasyon 2012!

Yes!!
March 14, Wednesday - Hindi na ko nakaligtas sa mutant na humahabol sa kin at ganap na nyang itinarak ang palakol ng kamatayan sa aking dibdib. Maya-maya pa ay pinagsasaluhan ng mga cannibal ang aking karne. Wala pa talaga akong tulog nun dahil sa excitement kaya pati ang Wrong Turn na palabas sa bus ay nakapasok sa aking unang panaginip nung ako'y maidlip pagkalipas ng 20 oras na gising. Masaya ang byahe lalo na nang mameet namin ang cool na mag-kaibigang ito:
Hindi po sila mga characters sa sesame street at mas kwela po sila kesa kay Willie Revillame at Joey de Leon.
Mach 15, Thursday- Madaling araw at tuluyan na akong iginupo ng pagod. Biglang may isang maliwanag na ilaw na animo'y galing sa spacecraft ng mga alien ang tumama sa aking mukha. Syet, piniktyuran ako ng utol ko habang nagliliwaliw sa mundo ng panaginip...with mouth wide open:
Pero ang aga ng karma ng utol ko at daig pa nya ang tumira ng isang case na redhorse nang dumaan ang bus sa zigzag road ng Sta. Elena...mabuti na lang at may CR sa loob ng bus at dun sya nagpakain ng itik.
Ilang sandali pa at narating namin ang Bicolandia. First stop sa bahay ng tita ko sa motherside. Sa unang pagkakataon sa loob ng 8 years ay noon lang ulet ako nakakita ng "carabao shit" (sosyal) o tae ng kalabaw. Gusto sana itong tikman ng kapatid ko para makumpirma kung tae nga ng kalabaw pero pinigilan ko sya at piniktyuran na lang namin ang inosenteng tumpok ng "forbidden cake".
yummy!








Sunod na stop ay sa pinagpipitagan at labis kong iniirog na Jose Panganiban National Highschool kung saan ako grumadweyt ng hayskul. Napaka-conservative ko nung ako'y nasa highschool at ang mga usapang sexual para sakin ay imoral (kung maniniwala ka na ganun nga ako nun e bahala ka. hahahahaha!!!)

Si Sir Joven, ang taong nagkaloob sakin ng karunungan na kahit ilang beses akong holdapin sa Manila ay hinding hindi sa akin mananakaw.
Ready na kami ng utol ko na magparty-party sa bundok kaya't nakaposisyon na kami sa jumbo bus ng Gumaus na literal na aahon sa bundok.
Kuha ang matarik, paahon at mabatong kalsada na to mula sa bubong ng sasakyan kung saan ako nakasakay. Top load kung tawagin at pwedeng pwede pumwesto sa bubong dahil wala namang MMDA na manghuhuli.

Narating na namin ang Baranggay Gumaus, ang lugar na nagturo sakin ng pagmimina, pagbubukid, pangingisda at pagdadamo este paggapas ng damo. Maganda pa rin ang lugar bagamat marami nang new faces dahil sa pagdagsa ng mga taga-ibang lugar para magmina ng ginto. Malalaki na rin ang mga dating bata lang nung umalis kami. Sa katunayan ay nakagawa na rin sila ng bata. Matanda na ang lola ko pero malakas pa. Naipagluto pa nga nya kami ng pinakamasarap na tinolang native na manok:
Pasintabi po sa PETA at sa mga vegetarian dyan pero napakasarap po talaga ng tinola na to na luto ng lola ko.
Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa "tailings dam" kung tawagin. Ito ay dating minahan ng ginto pero ilang dekada nang abandonado at nag-iwan ito ng magandang tanawin at paliguan.

Ang mga diwatang Bicolana na nagbabantay sa nakatagong paraiso ng Gumaus at ang mga bida ng Bourne Legacy at Terminator na wala pang tulog.
Tailings dam ilang dekada na ang nakalipas. Swimming pool ngayon.
Sinasabing may buwaya sa lawa na to pero wala pang matibay na patunay na meron nga talaga. Isa lang ang sigurado at may matibay na ebidensya...totoong may buwaya sa mga opisina ng gobyerno.
Ang buwis buhay na planking ni utol sa puno ng aguho.
Pagsapit ng dilim, sumigaw na ang umaluhokan upang ipaalam sa mga tao na oras na para uminom ng alak upang ipagdiwang ang aming pagdating. Naganap nga ang munting kapiyestahan at hindi umuwing luhaan ang lahat ng aming kababata at kamag-anak na nakipag-inuman samin...umuwi silang gumagapang at sumusuka ng konti. Hahahaha!!! Ang yabang ko pero mas matindi ang nangyari sakin nung nalasing ako. :-)

March 16, Friday- Binisita namin ang aming alma mater kung saan kami nagtapos ng elementary. Masaya ang naging experience lalo na't inulit namin ang dati'y araw-araw naming ginagawa noon, ang maglakad ng nasa 5 kilometers gamit lamang ang aming paa at pudpod na tsinelas.

Wednesday, January 25, 2012

"Mahirap ka lang! Wala kang karapatang mahalin ako!"

Yan ang mga katagang narinig ng isang binata mula sa mayamang dalaga na matagal na nyang mahal at sa unang pagkakataon na nagpropose sya dito, sagad sa butong panlalait ang inabot nya.

"Wow! San ka kumuha ng lakas ng loob para magpropose sakin? Ang ginagastos ko araw-araw ay katumbas na ng pang-isang buwang sweldo mo. Mag isip ka nga! Di tayo bagay. Bakit di ka maghanap ng babaeng ka-level mo na mahirap at mababang uri at sya ang pakasalan mo!"

Lumisan na lulugo-lugo ang pobreng lalaki at pinilit kalimutan ang sosyal, alta sociedad at mapanghamak na rich girl na wala syang naging ibang kasalanan dito kundi ang mahalin ito ng totoo at buong katapatan.

10 years ang lumipas...

Sa isang mall:

Rich Girl: Hey! Ikaw pala Mr. Poor. Kumusta ka na? Alam mo bang may asawa na ako ngayon? Kasal na ko sa isang lalaking sumusweldo ng P200,000 kada buwan. Can you imagine? P200,000 at mas matalino pa sya kesa sayo! Hahaha!

Nangilid ang mga luha sa mata ng binata matapos marinig ang sinabi ng babae.

Ilang sandali pa at dumating ang asawa ni  Rich Girl  at bago pa masambit ng babae ang iba pang makapandurog pusong panghahamak sa tinawag nyang Mr. Poor na nasa harapan nya, nagsalita ang kanyang pinagmamalaking mister:

Mister: Oh Sir andito ka na pala! Syanga pala meet my wife. Honey, siya si Sir Randy at siya ang may-ari ng worth P2 billion project na itatayo sa area na to at isa ako sa mga assistant nya. Alam mo bang bachelor pa rin yan si Sir at hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-aasawa dahil isang babae lang talaga ang mahal nya at gusto nyang makasama habang buhay pero ayaw ng babaeng ito sa kanya. Napakaswerte ng babaeng yun di ba honey? Kung sino man sya, its her lost to reject someone like Sir Randy who can love sincerely and perhaps eternally.

Rich Girl: Honey I'll just go to the restroom. Excuse me...Sir... (sinabi nya ito na hindi makatingin sa mata ng tinawag nyang "Mr. Poor").

@@@

Ang buhay ay hindi permanente sa isang bagay lamang. Magkakaroon ng pagbabago sa paglipas ng panahon dahil sa mundo, pagbabago lang ang tanging permanente. Wag maging mapangmata at wag maging mapagmalaki ng husto, baka magkapalit kayo ng sitwasyon ng taong hinahamak mo pagdating ng panahon. Respeto sa kung anumang pagkakaiba na meron kayo. 
At kung ang paniniwala mo sa pag-ibig ay pera-pera lang, ang masasabi ko sayo...ang masasabi ko sayo ay....(ayoko na magmura. nirerespeto kita kung yan ang paniniwala mo.)

Tuesday, January 10, 2012

Usapang Sex Scandal



Pag sinabing sex scandal...big tym yan. Meron kang Paris Hilton, Kim Kardashian, Katrina, Hayden at ngayo'y Janelle na syang pinakabago at marami pang iba! Matindi ang epekto nito sa sambayanang manyakol. Marami ang interasadong makapanuod nito at hindi natin alam kung pati ang mga moralistang kilala natin ay lihim na nanunuod nito dahil sa curiosity sa kung paano nga ba makipag-sex ang isang sikat na personalidad.

Si Charles P. Ginsburg ang naglabas ng pinakaunang video cam nung 1950's. Napakahalaga ng role na ginampanan nuon ng video cam para sa media upang maipakalat ng epektibo ang impormasyon sa publiko. Sobrang mahal pa nun ng video cam kaya mayayamang tao lang ang afford ang instrumentong ito. May mga naglabasang sex videos nung 70's at 80's pero halos lahat yun ay mga tinawag na old school porn at hindi sex scandal. Sa pag usad ng panahon lalo na ng dumating ang 90's, eto na, naglabasan na ang mga sex scandal. Sumulpot na kase ang mga digital camera. Maraming mga celebrities ang nagbuyangyang ng kanilang mga kaluluwa sa harap ng publiko at yun ay hindi nila inaasahan. Nasadlak sila sa kahihiyan pero wala na silang nagawa dahil nagbunga na ang kanilang extreme sex adventure.

Dumating ang 20's at ang kapatid ni digicam na si internet ay ganap ng mature. Dahil sa kompetisyon ng digicam sa merkado, nagbagsak presyo ang mga digicam at dahilan yun para si Kuya ay bumili rin ng sinsabing digicam na umano'y kayang magrecord ng mga masasayang ala-ala nya nang mas malinaw at efficient. Pero isang araw, kumain ng bicol express si Kuya at nakita nya ang girlfriend nya na naka miniskirt. Dahil gusto ni Kuya na macapture ang mga unforgettable moments, kinuha nya ang consent ni Ate para ivideo ang gagawin nilang ritwal. Pumayag si Ate at nangyari na nga. Pagkalipas ng ilang araw, linggo o buwan...namiss ni digicam ang kanyang kapatid na si internet kaya gusto nya itong dalawin pero hindi nya alam kung paano. Buti na lang nailipat na ang kanyang video sa isang memory device at ready nang isalpak sa computer. Naghintay pa ng ilang panahon si digicam para mameet nya ang kanyang kapatid na si internet at natupad iyon nung araw na masira ang laptop ni Kuya. Dinala ang laptop sa repair shop at nang marescue ni Boy Demonyo si sex video sa flash drive, hindi ito nagdalawang isip na papasukin si sex video sa tahanan ng kanyang kapatid na si internet. Mula noon ay namalagi na si sex video kasama ang kanyang kapatid at si digicam naman ay hindi na makapaghintay na makagawa ulit ng pag-uusapan at pagkakaguluhang sex scandal!

Kung paano naging ganun kahalaga ang video recorder nung unang panahon ay ganun na ito ka-mapanira sa panahong ito. Pero masisisi ba natin ang pag-unlad ng teknolohiya na sadyang walang ibang pupuntahan kundi ang ika nga'y maging mas high-tech pa sa mga darating pang panahon. Kung umuunlad pala ang teknolohiya, ibig sabihin mas uunlad ang mga isipan natin at mas magiging mature tayo at responsable. Ang digicam, camcorder, iphone mong bago na may 8 megapixel o kahit yang mp5 mo na nabili mo sa Muslim, ang mga yan ay nagrerespond lang sa kung panu mo gamitin ang iyong freedom o kalayaan . Malaya kayong mag-lugawan sa harap ng camera kung yun ang magpapasaya sa inyo(Papa Jack?) pero responsibilidad nyo ang maayos na pagdispose nito upang hindi mabulgar. Kung mabulgar man despite na iningatan mo ng husto, wag ka manisi ng kahit sino o ng kahit ano, ginusto mo yan e..ginusto nyo yan. Hindi ako relihiyoso pero ang mismong pagtatalik lalo na kung di kayo mag-asawa ay malaki nang pagkakamali at mas malaking pagkakamali kung itoy irerecord nyo pa.

Boy: Irekord natin hon.
Girl: Ayoko
Boy: Sige na. Buburahin ko din agad.
Girl: Sige na nga.

Headline sa dyaryo kinabukasan: Isang sex video scandal, kumalat sa buong motel.

Girl: Shet ka! Kala ko ba buburahin mo agad! I hate you!
Boy: Hon, sensya na nahigaan ko yung cellphone pagkatapos natin e... di ko namalayan...nasend via blue tooth ... hu! hu! hu!..pero don't worry, nabura ko na hon. Ayan wala na oh.

@@@

Share