Dumugo ba ang ilong mo? Ako din.
Ang edad ay hindi kinukwenta gamit ang mathematics. Ito ay kinukwenta gamit ang mga mahahalagang pagbabago na nangyari sa buhay mo. Kwentahin mo man ang edad mo gamit ang numero, kung pinili mo naman maging walang kwenta sa mga nagdaang taon, wala pa ring saysay ang pagkekwenta mo. Pero kung kekwentahin mo ang edad mo na tanggap ang mga ginawang pagkakamali kasabay ng pagbukas ng isip sa positibong pagbabago, magkakaroon ng saysay ang pagbilang mo sa iyong edad.
Gawin mong calculator ang iyong mga karanasan sa pag-compute sa mga equation ng pagsubok sa buhay. Isali mo sa formula ang mga pangako sa iyo ng kung sinuman na hindi natupad, mga panlolokong idinulot sa'yo ng iyong pinagkatiwalaan at ang bitterness na tinamo mula sa dati mong minahal. Ang mga leksyon na nakuha mo mula sa negatibo at positibong pinagdaanan mo sa buhay ang magsasabi kung gaano ka na katanda. Sa puntong ito papasok ang salitang "maturity" at ang tanong na "Are you matured enough?"
Lilipas pa ang mga taon at makikita mo na ang malaking pagbabago sa pisikal mong anyo. Pero wag mong hayaan na anyo mo lang ang magbago. Hindi pa huli ang lahat para mag ambisyon...at hindi ka pa ganun kahina para kumilos tungo sa gusto mong pagbabago sa buhay.
JULY 11, 2012- Silver anniversary ng existence ko sa mundo. Marami nang nagbago at marami pang pagbabagong darating. Pero ang pagiging positibo nang pananaw ko sa buhay ay hindi matitibag gaano man kahirap ang aking pagdaanan.