Thursday, August 16, 2012
Status Quo
Naranasan mo na bang ma-hotseat? Hindi ka normal kung hindi mo pa nararanasan na mapunta sa isang sitwasyon na lahat nang nasa harapan mo ay mistulang machine gun sa sunod-sunod at dami ng tanong na ibinabato sa'yo. Mabuti sana kung masasagot mo lahat ng tanong nila. E panu kung ang itinatanong nila ay something na hindi mo masagot o kaya mong sagutin pero sobrang dami mong kino-consider na mga bagay bago ka magbitaw ng salita?
Napapatanong ako kung bakit may mga bagay na dapat lagyan ng eksaktong label o katawagan samantalang kaya naman nitong mag-exist na maayos at walang aberya kahit hindi tiyak ang tamang katawagan dito. At nagtataka ako kung bakit hindi maintindihan ng ilang mga tao na may mga bagay na sadyang hindi pa talaga kayang tawagin sa kung anumang dapat itawag dito lalo na kung nangangailangan pa ito ng sapat na panahon bago ito tuluyang maestablish sa kung anumang kategorya na dapat ito'y makabilang. Anyway, wag kukunot ang noo mo kung hindi mo masyado magets ang sinasabi ko. Ang tinutukoy ko lang dito ay ang "intimate na relasyon" sa pagitan ng dalawang indibidwal. Alam nyo sa sarili nyo na gusto nyo ang isa't isa. Pero isang hindi popular na desisyon ang pinili nyo para sa inyong pagtitinginan at yun ay ang manatiling nasa "status quo". Nosebleed? Kase ayoko gamitin ang ON, MU,complicated, exclusively dating etc. Status quo ay term na inaapply lang sa mga state and political matters na applicable din para bigyan ng katawagan ang bagay na gustong mangyari ng dalawang taong involve sa isang relasyong may goal, may objective, maayos na tumatakbo pero walang tiyak na label. Sa status quo, nasa sitwasyon kayo na maayos ang halos lahat ng bagay at gusto nyong panatilihin ang mga nangyayari na hindi masyadong pinagtutuunan ng pansin na maging "kayo officially" unless magkaroon ng isang malinaw at unquestionable na dahilan na magbibigay ng go signal sa inyong dalawa para kumawala sa status quo at maging ganap na "officially, kayo" Naisip ko ang konseptong ito dahil sa dami ng mga kaso ng mga relasyon na heavily complicated on its own reason at both party involve are extremely confuse on where they are. Ang key words lang sa salitang status quo ay preservation, patience at open mindedness. Preservation para sa pagpapanatili ng maayos na pagtitinginan. Patience o paghihintay sa tamang panahon. Open mindedness o pagiging bukas ang isip sa mga pagbabago.
Hindi ka tinitigilan ng mga tanong. "Ano na ba talaga sitwasyon nyo?" "Kayo na ba?" "Makakahigop na ba kami ng mainit na sabaw?" Hindi mo mahagilap ang isasagot. May sagot ka na nagpaparoo't parito sa mga sulok ng utak mo pero ni hindi mo maibulalas. Nanatili kang tahimik hanggang madisapoint na ang lahat sayo. Sa huli, naisip mo na hindi mo man naplease ang nakararami, at least naipreserve mo ang mga salitang mas mainam na makita sa gawa kesa marinig lamang sa salita. Hindi ka nag-iisip ng perfect timing pero magpapasalamat ka kung may maka-appreciate sa patience mo sa paghihintay ng tamang panahon para ilagay sa ayos ang mga bagay-bagay.
Time understands love. Mahirap intindihin ang love kung materyal, literal o pisikal na pakahulugan ang gagamitin na batayan. Pero kung "magtetake-time" kayo at hahayaang mangyari ang mga bagay-bagay na susubok sa tatag ng pagsasama ninyo habang nasa status quo, siguradong magkakaroon kayo ng matibay na pundasyon na mapapakinabangan ninyo pag tuluyan nang "officially, kayo". Hindi ito playing safe kung alam nyo sa sarili nyo na hindi kayo naglalaro. Hindi ito lokohan kung alam nyo sa sarili nyo na seryoso kayo.
Maaaring sabihin mo na hindi makatotohanan ang mga binanggit ko at maaaring imposible ang mga thoughts na inilatag ko sa post na to. Anupaman ang maging perception o opinyon mo sa mga nasabi ko, igagalang ko yan. At the end of the day, respeto pa rin para sa kanya-kanyang paniniwala at pilosopiya ang sana ay mamayani sa bawat isa. :-)