Wednesday, August 8, 2012
Nameless Bagyo/Baha 2012
Kinilala sya bilang Ondoy noong 2009. Ang bagyo/baha na nagparealize sa mga Pilipino kung paano mapraning ang kalikasan. Ngayong 2012, ano ang itatawag natin sa pamysterious type na disaster na to na suppose to be ay may pangalan kasama ng bagyo? Nakikilevel na rin ba sya sa mga lindol, tsunami, tornado (isama na rin ang mga political maneuvers ng mga sugapang pulitiko) na dumadating at namemerwisyo kahit walang pangalan? Aba hindi pwede to. Sinasalanta tayo pero hindi natin alam kung anong itatawag sa kanya.
Juan: Pare naalala mo pa ba nung 2012, nung sinalanta tayo ng baha? Ang tindi nun nu? Parang Ondoy nung 2009.
Peter: Oo nga pre. Anu na nga pala pangalan nung bagyong yun?
Juan: Di bagyo yun pre. Dala lang yun ng habagat na tinulak nung bagyong "haynaku" sa bandang Taiwan.
Peter: Juan di ko alam kung bobo ka o sadyang galit ka lang sa mga Intsik. "Haikui" pare, yun ang pangalan nung bagyo.
Juan : Bobo na agad? Di ba pwedeng...di ba pwedeng hindi lang talaga alam?
Peter: Pre dumidilim ang langit. Uulan na naman yata ng malakas.
Juan: Tanga paningin mo lang ang dumidilim. Di pa kase tayo kumakain simula kahapon. Hayup din naman dito sa evacuation center oh. Mukang dito pa tayo matutuluyan ah.
Peter: Juan tama nga ang dinig ko kay Doc kahapon...matatagalan ka pa dito sa mental. Tsk... ang tindi ng naging epekto sayo ng pagkawala ng pamilya mo dahil dun sa "bahang walang pangalan" na yun nung nakaraang taon.
(Nurse, dumating para painumin ng gamot si Juan.)
Nurse Marian: Juan lika na. Oras na ng medication mo. Alam mo sana makaget-over at gumaling ka na. Kase nahihirapan na rin yung janitor maglinis dun sa kanal natin sa labas. Lagi mo na lang tinatapon yung basurahan dun. Akala mo siguro katulad pa din ito sa labas na wala kang habas magtapon ng basura sa ilog at mga estero. Haynaku... tara na Juan. Tsaka nga may iinjection ako sayo, mas malaki kesa dun sa kahapon.
Peter: Nurse Marian kelan daw pala ako lalabas? May info ka ba?
Nurse Marian: Pag narealize mo nang hindi puno yung poste na trip na trip mong lagariin ng patpat araw araw dyan sa labas. Tingin ko matatagalan ka pa dito Peter. Malubha ang tama mo sa ulo nung mabagsakan ka nung puno na ini-illegal log nyo.
Doc: Guys, narinig ko na una nyong pinagtalunan yung bagyo/baha na walang pangalan nung 2012.
Alam nyo hindi problema kung anuman ang pormal na pangalan ng isang kalamidad. Ang problema ay ang perwisyong dulot nito. Kaya ikaw Juan, sana magbago ka na at wag mo nang ugaliin magtapon ng walang pakundangan sa mga ilog at estero natin. Bumabalik satin ang mga basurang itinapon natin e. Ikaw naman Peter, wag ka na mag-illegal logging. Daig pa ng grupo nyo ang barbero ko kung kalbuhin nyo ang gubat.
Peter: Dati ka nang kalbo Doc. Nagpapabarbero ka pa ba?
Doc: Di ko na maalala kung kelan yung last. Este, hindi yun ang pinag uusapan natin Peter. Ang mga punong pinutol nyo ay wala nang kakayanan para higupin ang mga tubig ulan at matulungan maiwasan ang baha.
Ikaw naman Juan, sana rin pag gumaling ka na, matuto ka nang makinig sa mga paalala ng otoridad. Pag kelangan nang lumikas, lumikas na agad. Hindi natin kaibigan ang baha o bagyo at kahit kaaway natin ito, wala tayong magagawa kundi maghanda na lang at kumilos para sa kaligtasan.
Juan: Doc bakit mo samin sinasabi to e baliw kami di ba? Hindi ka namin maiintindihan.
Doc: Bakit Juan? Ang panahon ba naiintindiahan mo din nung matino pa pag-iisip mo? Kahit nga ako ay hindi ko maintindihan kung ano na talaga ang klima natin dito sa Pilipinas. Tsaka ito ang gustong mangyari ng nagsulat ng blogpost na to kaya wag ka na makulit. Pareho lang tayong character dito. : P
Nurse Marian: Doc itutuloy ko na ba ang pagbigay ng gamot kay Juan?
Doc: Marian, hubarin mo ang uniform ni Nurse Lovi. Nalusutan mo na naman ang security ha. At pwede ba? Hindi Marian pangalan mo....MIRIAM!
May Part 2...