8:30 pm- Gigising, tatanga sa tv ng mga 10 minutes. Magbibigay ng opinyon sa napanuod na balita. Magkakape, magyoyosi. 9 pm maliligo then pasok sa trabaho.
10:30 pm- Magsstart na magtrabaho, hihikab, masstress, magkakape ulet, kakain, magyoyosi, makikipagkwentuhan ng konti at pipiliting maging masaya sa tatlong 30 minutes na break sa loob ng 9 hours.
7:30 am- Labasan na sa trabaho. Tatambay konti tapos susuntok ng ilang ulit sa punching bag ng company gym then magdedecide na magbuhat ng barbel...magbubuhat pa ng ilang ulit pag natripan hanggang sa mapansin na nanggigitata na sa pawis at saka titigil. Titingin sa muscle at hahanga sa sarili sabay magtatanong sa isip..."shet, bakit single pa rin ako?". Aalis sa building pagkatapos ng 10-15 minutes na pagcheck sa FB (inaabot ng 30 minutes pag nakasabay yung type na girl sa internet kiosk).
9:15 am- Nasa bahay na. Busog na dahil nag-chow na sa nadaanang kainan. Anung gagawin? Manunuod ng balita o maglalaro ng Final Fantasy 9? Manunuod muna ng News To Go (nagpromote pa ng show) then maglalaro ng antique na PS game sa antique na PS1.
11:00 am- Showtime na. Sisilipin ng konti ang outfit ni Anne Curtis at pag ok, manunuod ng konti. Pag nabadtrip sa mapanghamak na punchline ni Vice Ganda, ililipat ang channel. May laro ang NBA, dun muna. Hahanga sa mga NBA players at mangangarap na sana ay ganun din ako katangkad. Ichecheck kung HYY na para magpantasya ng konti kay Toni Gonzaga at sa mga contestant ng My Girl. Magugutom.
12:00 pm- Lalabas ng bahay para maghanap ng foodtrip. Kung anong mapagtripang kainin, bibilhin, lalantakan at kung nagkataong kaharap ang pusa ng kapitbahay, isheshare sa pusa. Halos tapos na ang araw, magbebrainstorming ng konti- matutulog o hindi muna? Magbabasa? Magsusulat? Manunuod ng TV? Manunuod ng X? (x-men,x factor, :))Maglalaro ng PS? Maglalaba? Maglilinis ng bahay? Mag*******?
1:30 pm- Kadalasan ay tulog na pero minsan ay gising pa. Nakikinig ng mga kanta ni Baby Face o ng Eheads. Nagmumuni muni habang nakatingin sa kisame. Tatanungin ulet ang sarili... "shet, bakit single pa rin ako?"
8:30 pm- Magsisimula na naman ang monotonous, boring, one-sided at walang kathrill-thrill na daily routine ng "Taong Single".
Weekends
Depende kung anung trip. Pwedeng uuwi sa Bulacan o magsstay sa apartment. Pag umuwi sa Bulacan, either maglalaro sa PC hanggang tumilaok ang manok o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang utol ko. Pag nagstay sa apartment, either matutulog maghapon at magdamag o magpapatadyak sa pulang kabayo kasama ang mga mukang kabayo este mga tropapips. May times din na lumalabas, pumupunta sa mall, pumupunta sa beach, sa falls, sa swimming pool at sa kung saan-saan pero..."shet, bakit hindi girlfriend ang kasama ko?"
@@@
Masaya naman ako kahit walang nagtetext sakin ng "i love you, ingats bhe mmmhwa..". Pero i should admit na hinahanap hanap ko yun. Sa ngayon ang kinakapitan ko na lang ay ang pag-asa na someday...someday...darating din sya ng kusa at hindi ko sya kelangang hintayin. Darating sya na parang magnanakaw na hindi nagpapaalam at nanakawin nya ang puso ko at magmamahalan kami ng wagas at dalisay. Pag dumating yung time na yun, sisiguraduhin kong...sisiguraduhin kong...hindi yun yung kapitbahay ko.