Tuesday, April 2, 2024

After Break-up: Ano na? Part 2 - Depression at Acceptance

 Sa nakaraang post ay ibinahagi ko ang karanasan at mga ilang matututunan tungkol sa anong gagawin sa mga unang bahagi ng break up (eto yun: After Break-up: Ano na? Part 1 - Denial, Anger at Bargaining). Dahil sa holy week break e hindi ko agad nasundan ang nasabing post dahil I spent sometime sa lugar na malayo sa kabihasnan. Pero eto na nga at itinuloy na natin.

Sa sarili kong karanasan, may pagkakataon na bumabalik ako sa pinaka unang phase ng pag-move on o minsan nakakaramdam ako ng galit at minsan naman ay sinusuyo ko ang ex ko na para bang nakikitapagtawaran ako tulad nang nagbabakasali ako na imaintain naman namin yung koneksyon kahit simpleng magkaibigan na lang...sinasabi ko yan while under the influence of alcohol. Kapatid, ang depression po kapag naging talamak na at sinamahan mo pa ng adiksyon sa mga substance tulad ng alak o kaya droga, hinding-hindi ka magpo-progreso sa mga steps para maka-move on. Yan ang eksaktong nangyari saken nung tuluyan na kong nalulong sa alak nung na-depress na ako. 

Itinuturing kong pinaka malala ang naging break up sa buong kasaysayan ng pakikipagrelasyon ko itong most recent ko.Alcohol ang naging kasangkapan ko sa naturang hiwalayan at tulad nga nang nabanggit ko na, hinding hindi mo gugustuhin na mapunta sa sitwasyon na napuntahan ko dahil hindi lang pisikal kungdi pati mental mong kalagayan ang sisirain ng alcohol kapatid. Irereset ng alcohol lahat ng progreso mo sa pag-move on at magpapaikot ikot ka lang na parang loop at hindi ka makakarating sa last stage which is yung acceptance. Sobrang lala ng naging alcoholism ko na isusulat ko sa bukod na posts ang karanasan ko tungkol dyan.

Para bigyan kita ng konting pasilip sa perwisyo na nagawa saken ng alcohol after break-up, nakapagsalita ako sa ex ko ng mga bagay na nakakastress at nakakabahala sa parte nya. At one point ok ako at magrereach out sa kanya telling her na positive ako na malalampasan ko at nagpapasalamat ako na nagkaroon kami ng memories and then iinom ako, malalasing at makakaramdam na naman ako ng strong denial na susundan ng sobrang anger na ilalabas ko lahat sa kanya. Nung una nakokontrol ko pa pero kalaunan nung tuluyan nang sinira ng alcohol ang mental state ko, tuluyan na ko naging delusional at nagtagni-tagni ng mga bagay na ikaka-stress din ng ex ko. I'm talking about empty threats na nabuo sa isip ko dahil naging bayolente na ko kapag nalalasing. Yung pakiramdam na parang galit na galit ako sa mundo at ibinubuhos ko yun lahat sa ex ko na ang tanging naging kasalanan lang ay buksan pa din ang channels ng komunikasyon namin at subukan pa din akong pakinggan kahit sobrang toxic ko na. Mangyari ay may suicidal tendency ako at alam nya yun (na mas lalo pang pinalala ng alcohol) pero at that point na gusto ko na wakasan ang buhay ko at ibinuhos ko na lahat ng galit ko sa kanya pati ng mga pagbabanta kasama ng plano ko na wakasan na din ang buhay ko nung araw ding iyon, tuluyan na rin syang gumive-up at ipinakita nya saken kung gaano na ako ka-helpless at tuluyan na nyang isinara lahat nang komunikasyon namin. Thankfully nang makita kong blocked na ko sa lahat ay wala na rin akong lakas nun para kumilos at isakatuparan ang binabalak kong pagputol sa buhay ko. Iyon na yata ang pinakamatinding pag-inom ng alak na nagawa ko at yung quantity pa lang ng alak na tinake ko nung araw na yun ay sapat na para ikamatay ko. Luckily nagising pa din ako at nanlumo sa nagawa ko. I feel disgusted to myself for being so weak like "pagpapakamatay na lang ba ang talagang solusyon?" Obviously, hindi ko itinuloy pero natatakot ako kung magpapatuloy ang ganitong routine ko. Humingi ako ng paumanhin sa kanya at sa araw ding yun, nagdesisyong akong humingi na ng tulong sa natitira pang mga tao na may malasakit saken. Nag-open up na ko sa pamilya ko.

Mataas ang pride ko at ayokong ipakita sa mga malalapit saken kung gaano ako kahina. Ngunit ang nasabing mindset din ang naglugmok saken at nagpahirap nang husto. Natagpuan ko na lang ang sarili ko nung araw na yun na nasa harap ng kapatid ko at tuluyan ko nang inamin sa kanya ang mas matindi pang depression na pinagdadaanan ko na akala nya ay nahahandle ko nang maayos pero obviously, hindi. Hindi ako nakarinig ng panglalait sa kanya o pangmamaliit bagkus ay sinserong pag-unawa at pagdamay. May konting panic sa side ng kapatid ko nang makita nya ang kalunos lunos kong kalagayan at alam nya na hindi malayong gawin ko ang binabalak ko base sa history ko ng suicide na minsan ko nang ginawa at pinalad lang akong makaligtas isang dekada na din ang nakakalipas. Inamin ko sa kanya na sagad na ang pag-kaadik ko sa alak at hindi na talaga ako ok. Daglian nyang kinontak ang nanay ko at iba ko pang kapatid na sa una'y hindi ko ikinatuwa at nagkaroon ako ng pagsisisi dahil mawawala ang respetong pinaghirapan kong i-earn mula sa kanila. Ngunit nagpakita sila ng buong suporta at muli ay ipinabatid nila saken na ang pamilya and pinaka the best na tutulong at dadamay sayo.

Para maredeem ko ang respeto saken ng pamilya ko, nagdesisyon na akong tumigil sa pag-inom ng alak. Tulad ng sinabi ko sa unang bahagi ng post na to, isusulat ko din ang aking paglalakbay tungo sa "alcohol-free" lifestyle. Nakatulong ang pag-block saken ng ex ko sa lahat ng channel dahil sa unang lingggo ng pagiging alcohol free ko, nagkaroon na agad ako ng clarity na wala na talaga. Wala pa ring paglagyan ang pagsisisi ko sa mga stress na naibigay ko sa kanya. Walang pagsidlan ang paghingi ko ng tawad sa kanya na marahil ay hindi ko na naipaabot dahil sa kawalan ng instrumento ng komunikasyon pero kung magawi sya dito, sana mabatid nya ang sincere na paghingi ko ng kapatawaran.

This is my testament of full acceptance sa break-up na to. Medyo matagal na din akong walang kontak sa alcohol at bagamat mahirap, nagiging maayos na ang mental state ko at itutuloy-tuloy ko to. Self love muna at tuloy-tuloy na pag-improve sa physical at mental health ko. Lastly, nakikiusap ako sa makakabasa nito, iwasan ang alak sa estado ng pag-move on. Kahit anong substance (lalo na drugs) o habit na maaaring sumira ng mental health mo lalo sa panahon ng depression mapa-break up man yan o anupamang life problems na meron ka, iwasan ang anumang kemikal na maghahari sa pagkatao mo. Hinding hindi ka ka makakarating sa acceptance stage dahilan para hindi mo maresolba ang problema na pinagdadaanan mo. Maraming instrumento para maayos mo ang gusot sa buhay mo at wag mong i-underestimate ang magagawang tulong ng mga malalapit sa'yo, magtiwala ka sa kanila. Pero tandaan na ang malaking bahagi ng recovery mo ay manggagaling sa iyo kaya samahan mo ng tiwala sa sarili at determinasyon. Katulong ang time, slowly but surely, go on each day kahit sa maliliit na hakbang patungo sa tuluyan mong paggaling.

Kita kita tayo sa next.

Saturday, March 23, 2024

After Break-up: Ano na? Part 1 - Denial, Anger at Bargaining


Maaaring hindi lahat pero karamihan saten nakaranas na ng break-up. Kahit anung uri ng break-up mapa sa bestfriend man yan, kapamilya, asawa at yung most common lalo na sa teens at young adults, sa bf/gf. Kung isa sa mga nabanggit o kahit anupamang hiwalayan yung napagdaanan mo, mababaw o malalim, for sure nakaramdam ka ng hapdi o negatibong pakiramdam. Masakit di ba? 

Sa portion na to ng blog ko, hihimayin ko to sa ilang parte. Mangyari ay may 5 stages ang pag-move on. Yun ay ang denial, anger, bargaining, depression at acceptance. Mahalagang malaman ang limang estado na to ke ikaw yung nakipagbreak or ikaw yung brineak. May mga mababaw na break up na hindi naman masyado naging madamdamin at parang iwinagwag lang at ilang araw makalipas, ok na. Pero hindi natin madedeny na merong mga break up na sadyang ganun kaseryoso to the point na yung iba pa nga ay nagko-cause ng buhay habang yung iba ay kailangan na ng propesyonal na tulong dahil sa bigat ng mental health impact ng naturang hiwalayan.

Wala akong ibang gagamitin na halimbawa dito kungdi ang sarili ko. Sarili kong karanasan at kung paano ito pinagdaanan at napagtagumpayan. Magsimula tayo sa denial stage. Heto ang kwento.

2011 nang mameet ko tong si Ate mula sa simpleng "hoy andyan ka naman sa kiosk". Wala pa masyadong android phone nun so sa workplace, may kiosk kami na pwede kami mag-internet dun, mag social media at kung anupamang internet activities na allowed. Di ako interesado sa kanya nung una pero makailang beses nya ko pinuna tungkol sa pag-stay ko sa kiosk na medyo ikinainis ko kase ano ba pakelam nya? She's cute though, very attractive at nagstart akong marealize yun nung inistalk ko sya sa facebook. Wala akong balak na i-add sya or what so tamang stalk lang ako sa kanya right at that kiosk na walang privacy at makikita ng dumadaan yung screen mo.

One day on my surprise, may nag-add saken. "Puro ka view, hindi mo pa i-add". Sya na nga ang nag-initiate na mag-add saken. Sabi ko ok, no biggie. Another facebook friend kako among thousands na meron na ko that time. But then we started chatting that weekend and she made me realize how alone I am and how sad of a person I am that time. College fresh grad, di alam ang purpose sa mundo, di alam ang gusto at undecided sa lahat, yun ako dati. She had this cheerful personality at napaka engaging sa convo na dahilan para mahook up ako sa kanya. In-unlock nya yung social capability ko at ilang araw pa nga ang nakalipas ay nakikipagsabayan na din ako sa kanya ng mga malulutong na banat na ipinamana pa saken ng ninuno ko. We were so different to each other dahil sobrang modern nya habang ako e sadyang fan ng makalumang gawi. Patunay yung mga embarassing moments ko with her nung later on e nagstart na kami magdate. Pero yung differences na yun ang lalong nagpatibay ng connection namin. Pagkatapos nga ng mga ilang dates pa at naging kami na din. Masaya nung una, walang problema pero hindi lahat e masayang kwento. Nagstart na kami magtalo, mag-away madalas.

Katulad ng mga klasik na kwento, ang naging dahilan ng hiwalayan namin ay 3rd party. She started meeting someone habang kami pa at napakasakit nun. At the end of the day, yung differences namin na naging sentro ng atraksyon namin sa isa't isa ang sya ding sumira sa relasyon namin. She was to liberated for me and hindi ako nakapag adapt.

Early 2013 nung ako na mismo yung nakipaghiwalay. Siguro sa unang week na wala kami, I felt pride and sense of fulfilment as a man kase nagawa yung tama. Then loneliness hit, namimiss ko sya nang husto. Denial kicked in at nagising ako one day na hindi makapaniwala na wala na kami. So tinry kong kontakin sya at nagrespond naman sya. Sinuyo ko ulet sya, sinubukan ko ulet syang i-winback. Natagpuan ko yung sarili ko na bumabalik sa mga dati naming routine tulad nang paghihintay sa kanya sa labas hanggang matapos ang shift nya. Only this time sa waiting area, meron na ding ibang naghihintay sa kanya at sa moment na lumabas na sya ng building, hindi naman ako yung sasamahan nya. Parang pinupunit ang dibdib ko sa mga tagpong yun.

Darating pala sa punto na i-rereject mo yung bagong reyalidad after ng break up at mamamayani yung strong desire mo na ibalik lahat sa dati. Makailang beses ko pang sinubukan na kumbinsihin sya na kami na lang ulet pero walang epekto. Dun na ako nag-burst out. We were chatting nun nang inisa-isa ko sa kanya yung mga naging sacrifices ko for her, mga nagawa ko sa kanya, mga bagay na hindi nya nasuklian at meron na rin mga threats. Anger! Tuluyan nang lumabas yung galit ko at bumuhos na lahat nang emosyon at kung anu-ano na ang mga nasabi at nagawa ko na nagresulta lamang sa mas malaki pang damage. 

Hindi pa ako aware sa stages ng pag-move on so I was totally noob on those phase. I realized na as early as denial stage, kung talagang gusto mong maayos, kalmado mong tatanggapin yung nangyari at siguro magpalipas ka ng ilan pang panahon bago ka maging mapusok sa paggawa ng mga hakbang. Kase kung nagmamadali kang makuha yung resulta na gusto mo, it will lead to anger at katulad nga sa nangyari saken, yang anger na yan ang magdedetermine kung pwede pa ba or wala na talaga. Pero tao ka lang at alila ka ng emosyon mo lalo na pag-down na down ka. So don't confuse denial with acceptance kahit gaano mo kagaling hinandle yung denial stage mo kase most likely, dinelay mo lang yung epekto ng denial, hindi mo talaga sya naremedyuhan. Pero kung di ka nagburst out sa galit at nahandle mo nang maayos yung epekto sayo sa early stage, namanage mo lang sya ng ok pero hindi pa rin tapos yung proseso.

Ang kritikal na parte kase after ng anger at nailabas mo na lahat ng hinanakit mo, parang biglang may mga realizations na magpa-flash sa isip mo na "pwede pa, kaya pang ayusin". Eto na yung bargaining stage. Dito mo na ile-laydown lahat ng baraha mo depende sa tindi ng emosyon mo. Again its all just emotion. Yung reyalidad, blurry na, di mo na masyado makita. Nakafocus ka na lang sa target outcome mo which is magkabalikan. When I say magkabalikan, you will even resort to "kahit friendship na lang". Yes you heard that righ, kahit as friends na lang. Kumbaga kahit yung pinakaminimum na lang na ugnayan ang mahalaga meron. Though you know deep within you na sa balikan pa rin gusto mong mauwi yung friendship na inooffer mo. Sa puntong ito, tulad ng denial at anger kaya mo rin mamanage to. Ang naging mali ko dito, nag-all out ako para lang makita sa bandang huli na mas pinu-push ko sya palayo kesa mahila palapit.

Sa unang tatlong phase ng pag-move on na diniscuss ko dito, it takes a very discipline person to achieve yung outcome na gusto nya. If plano mo na i-winback ang taong mahal mo, you will only get to bargaining stage and your moving on will not be complete kase naging kayo ulet or somehow magiging kayo ulet if magsucceed man yung "friendship bargaining" na inoffer mo. Pero kung wala sa kahit anong phase na yan ang nagdulot ng balikan effect, you have to prepare yourself to much more devastating phase of the moving on process which is tatalakayin natin sa next entry ko.






Thursday, March 21, 2024

Palayan

Sinulat ko to para sa ex kong nakipagbreak saken habang LDR kami. Sharing it here para sa mga makakarelate. Btw the title will give you hint kung taga saang probinsya sya. :D Shout out sa mga taga dyan!



 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa sariwang ala-ala ng iyong ganda
Natagpuan ang sarili na tigmak ng luha
Lulan ng sasakya'y sa bukid bumaba
Upang pakawalan ang lungkot na dala

Ang dagat ng luha na sa mata'y humaharang
Sa luntiang paligid dagliang naparam
Ang pausbong na palay wari'y syang nagpatahan
Wika'y "Tahan na't lilipas din ang mga agam-agam."

Sa paghampas ng banayad na hangin sa'king pisngi
Lakip ay mensaheng pag-asa'y mananatili
Sa papalubog na araw sa dakong kanluran
Luntiang paligid ay naging ginintuan.

Oras na upang magpatuloy sa paglakbay
Anu't anupaman, ipagpapatuloy ang buhay
Luntian, ginintuan kulay ay magbabago
Ngunit mananatiling ang puso ko'y sayo.

Yaring palay ay umusbong, yumabong at bumalik sa simula
Damdami'y may yugto din at hindi laging dakila
Ugnayan ma'y lumamlam at tuluyang mawala
Ang pag-ibig ay nanatili bagamat nangungulila

Sa pagbalik tanaw sa ala-alang kayrikit
Mangha'y di mailarawan na para bang panaginip
Isa kang tula na kaygandang isulat.
At magiging inspirasyon sa bawat pagmulat.

Saturday, December 4, 2021

State of Decay 2 Comprehensive Guides 2021



 A lot of players struggle in this game and just choose to give up come the highest difficulty. While the game is still enjoyable in lower difficulty, the real juice of the game is in the highest difficulty.

Surviving in post apocalyptic world is not walk in the park so why not play it close to realistic experience?

Here are the comprehensive guides players new and old may find helpful. Come check them out survivors!

[Top 10] State of Decay 2 Best Base Locations and Why They're Great

[Top 5] State of Decay 2 Best Special Enclaves

State of Decay 2 Best Maps - Which To Choose

[Top 15] State of Decay 2 Best Traits in Lethal Zone

[Top 10] State of Decay 2 Best Ranged Weapons

Sunday, July 25, 2021

Betrayal


 Hindi ko alam paano sisimulan ang entry na to. Ang tagal ko na nagsusulat sa blogsite ko na to pero ngayon lang siguro ako maglalahad dito ng pinakamasakit na karanasan na dumating sa buhay ko.

Nakilala kita sa dating app. Kasagsagan ng "total devastation" ko nun sa buhay. Betrayal. Natagpuan mo ko sa kalagitnaan ng krisis ko. Sariwang sariwa pa kung paano ako iniwang sugatan at lasug-lasog ng ex kong sumama sa ibaba at pinagmuka akong tanga sa mahabang panahon para mabunyag bandang huli, napakalaki ko palang gago. Sa ganung tagpo ng magkrus ang landas natin sa dating app na kung saan nakuha mo agad ang atensyon ko dahil sa kakaibang karisma na meron ka.

Masaya kang kausap. Huling huli mo ang kiliti ko. Natumbok mo ang pagiging narcissistic ko at binusog mo ko sa atensyon na kinaoobssesan ko. Ipinadama mo saken "hindi ako loser" katulad ng nararamdaman ko para sa sarili ko nung mga panahong yun dahil na rin sa pagiging nasa "lowest point" ko ng buhay ko. Lumevel ka sa takbo ng utak ko. Nagrespond sa mga unorthodox na way of thinking ko at hindi ko na napigilang bumulusok sa pagkagusto sayo.

Araw araw tayong in-touch. Laging updated sa bawat isa. Gustong gusto ko ang pagiging mayumi mo. May innocence level ka nagpaimpress saken at nagpaniwala saken na napaka-pure mo. Lumalim nang lumalim ang tinginan natin hanggang sa puntong automatic na ikaw na ang babaeng magpapaliko at babali ng hatred ko sa mga kauri mo. Ang babaeng tutulong saken para itapon na lahat ng negatibong bagay at kalimutan ko na ang noo'y solid nang pagiging "woman hater" ko. Isinurrender ko na sayo ang aking sarili, inilaylay ko na ang tiwala at sinabing "ikaw na ang bahala saken".

Parang gabing hindi naman hinuhukay pero lumalalim, naging ganun ang ugnayan natin. Bagamat lahat ay virtual dahil na rin sa sitwasyon na nagpipigil satin para magkita, we made the most out of "online relationship". You got my back, I got your back. Nang iniwan tayo ng mahal natin sa buhay sa halos magkadikit na panahon, pinagsaluhan natin ang timba timbang luha. Nandun tayo para sa isa't-isa, malayo pero hindi kinapos ng presensya. Nasambit ko, ikaw na nga, ikaw na talaga ang siyang hahawak ng puso ko at hindi na ito magbabago sa matagal na panahon kundi man hanggang sa huling hininga ko.

Lumalakad ang panahon at ang sitwasyon ay unti-unti nang lumuluwag. Ang pag-asa koy di na mapigilan sa pagpiglas, nalalapit na ang araw na tayo'y magkakapiling. Pinuno kita ng pagmamahal sa araw-araw na dumaan at pinangako ko na sa oras na magkasama na tayo, ikaw at ikaw lang ang tatamasa ng lahat kaligayahan na ibibigay ng pag-ibig ko sayo. Lumalapit na, ramdam ko na ang pagdating ng araw na mayayakap na kita for real. Madarama na din ang init ng iyong yakap na ipinangako mo rin saken. Lahat ay gumuho na parang kastilyong buhanging hinampas ng galit na alon. Anung nangyari?

Tumabang ang kapeng inakala kong hindi kakapusin ng tamis. Nahalata ko at inalam ko kung bakit. Sa pinakashocking na revelation na natanggap ko sa buhay ko, inamin mo saken na meron kang ka-affair na iba maliban saken. Bago ko ituloy sa puntong ito, masakit pero irereview ko muna ang nangyari saken bago kita nakilala.

Alam mo kung panu ako binetray ng ex ko. Alam mo kung paanong pati bulsa ko ay nalaspag dahil sa pang-iiscam ng ex ko at ng kalaguyo nya. Alam mo kung paanong halos nasiraan ako ng bait dahil sa intensity ng panloloko na ginawa saken. Sa sobrang lala ng betrayal na inabot ko sa kanya na kinuwestyon ko na ang self worth ko. Alam mo yun dahil nilay-down ko sayo lahat ang pinanggalingan ko na dinamayan mo naman ko sa best na magagawa mo. Pero ginawa mo rin yun sa akin. At alam mo kung anung masakit? Alam ko sa kaibuturan ng damdamin ko na mahal na mahal kita at ang betrayal na ginawa mo saken ang siya nang pinamasakit na naranasan ko sa buhay ko to date.

Inamin mo saken na hindi lang ako ang lalaking nakakacommunicate mo. Inatake ka ng konsensya kaya't brineakdown mo saken ang kasalaulaan na ginawa mo kasabay ng paghingi mo ng tawad at second chance. Chance dahil sabi mo'y tuluyan ka ng "ginhost" ng lalaking gumalaw sayo and chance dahil napatunayan mong mahal mo pala ako? Ipinaramdam mo saken kung panung isa lang akong spare tire na nakadikit sa likod ng sasakyan mo na gagamitin mo sa panahon ng kagipitan.

Naging loyal ako sayo. Naalala mo nung nasugatan ako sa mukha dahil nagdrive ako ng lasing makauwi lang sa bahay dahil dun lang may wifi at para makita ang matamis mong ngiti at marinig ang boses mo. Miss na miss kita sa kada pagpitik ng orasan. If I died that night thats because I just wanted to go home and not miss the night na hindi ka makapiling kahit virtually. I guess I could've died for nothing then.

Sinubukan kong iproseso ang ginawa mo. Dininig kita kahit parang nilalatigo ng may tinik ang puso ko. Masakit, sobrang sakit na sumuka pa ko dahil sa stress na idinulot ng rebelasyon mo. Namanage kong maging mahinahon. Iyak ka ng iyak dahil walang pagsidlan ang paghingi mo ng tawad. Naawa ako sayo dahil bumalik sa ala-ala ko ang palahaw mo nung nawalan ka ng mahal sa buhay. Buong taimtim kong inunawa, ni-rationalize ang pangyayari. Ipinagdiinan mo na hindi mo gusto ang naging affair mo at ako talaga ang mahal mo. I get that but why? Paano na ako in the long run?

Paano na yung respeto ko sa sarili ko na binuild up ko ng husto at napagtagumpayan kong taglayin sa sarili ko? Tinulungan mo pa nga ako na ma-gain yun e. With you, naboost ang confidence ko na meron pang babae na "pure", dalisay na deserve ingatan at hindi dapat hayaang mawala sa piling. Sa pagkakataong inilahad mo saken ang totoo mong kulay, naappreciate ko ang honesty mo pero ang motive mo ay hindi katanggap tanggap.

Sinabi ko sayo na wala pa ring nagbago. Buo ka pa rin para saken. It was just a physical encounter with you and that guy and we can still go as planned leaving all those stuff behind na hindi natin kailangan. Pero nagsusumigaw ang likod ng utak ko..."kelan ka tatanda at kelan pa magtatanda brod?". Tang-ina, tama na. I've had enough.

Hinampas ako ng reyalizasyon na eto na naman ako, nagpapakabayani. Ilang beses kong pinatawad ang ex ko nun sa mga kababuyan nya para lang sa ultimatum ay sabihin nya saken na wala akong kwenta na hindi sya naging masaya saken kahit kelan. Sinabi nya yun saken habang nakangisi silang dalawa ng bago nya. Ngayon, kung bibigyan kita ng tsansa, ano ang assurance ko na hindi mo na ulet gagawin? And in the process, panu na ang magiging treatment ko sayo ngayong sadsad na sa putik ang pagtingin ko sayo? At ano ang assurance na hindi ako magse-seek ng revenge along the way na sure na hindi rin makakatulong saken? Basag na. Paano pa ibabalik sa dati? Grabe ka...grabe ka.

Sa huling minuto ng ilang oras ding pag-uusap natin, tila may malaking hollow block na tumama sa ulo ko. Natauhan ako. And tang-ina ulet, I AM BETTER NOW THAN WHAT I USED TO BE. I'm a new version of myself now, stronger, mightier, fiercer. Never again that I will be invaded by my failures and miseries. I know na ipinagsisigawan ng puso ko na mahal kita at may room pa ng kapatawaran sa ginawa mo at kaya ko pa rin lumigaya pero malinaw din na ang kalidad ng naturang kaligayahan ay wala nang kasing-worst. Quality na sobrang fucked up, bakit mo pa ike-keep? Itapon mo na lang.

Sayang yung mga kantang kinanta ko sayo. Sayang yung mga tulang ginawa ko para sayo. Sayang ang lahat nang oras na ginugol ko sayo. Sa isang iglap, naging alikabok lahat.

Alam kong hindi madali pero its just a matter of time. Time will heal. Rest assure na hindi ako gaganti sa mga babae na tulad ng tipikal na ginagawa ng karamihan sa mga lalaking binetray. Di ako magiging ganun. The respect that I want for myself, I will relay sa ibang tao, sa mga babae so I can get the same back. Sa dalawang instance ng magkasunod na panloloko na ginawa saken, tawagin mo na kong pa-victim if thats how sound to you, pero if you can dive deep down kung saan ako nanggagaling, you might as well try to learn from me. And what I can tell you is, iba-iba pa rin ang mga babae just like iba-ba pa rin ang mga lalaki. But for me, I might as well rest and heal for a good, long time.

My family loves me. Tuwing nakikita ko ang ngiti ng pamangkin ko sa umaga, napapawi lahat ng lungkot ko. Somewhere, may uri ng pagmamahal na walang kondisyon, puro o dalisay. It doesn't have to be a person but love itself that will give us happiness. Draw it from somewhere if a certain person failed you. 

Let time take the wheel for now. 

To you, sorry sa pangit na word na nasabi ko sayo at the end. I still wish you well. I hope na hindi naman maging kumplikado sa personal mong buhay yung consequences ng ginawa mo. Please learn from it and move on. Wala akong magiging ibang basis ng "feeling inlove" maliban sa naramdaman ko sayo. Though if I feel the same again, sa itinuro mo saken, I may not end up to your kind anymore..hopefully. 

Di magpe-fade ang nararamdaman ko sayo sa mahabang panahon but it will be gone eventually. In the process, I aim zero contact with you. At the same time i Will focus sa kung paanong mamaintain na hindi magtanim ng universal na galit sa mga babae dahil alam kong kakatok na naman yan saken sa hindi ko alam kung kelan. 

Be well "sinta" ko. Hanggang dito na lang. 

Salamat.




Wednesday, March 24, 2021

Kelan Pwedeng Maging Walangya sa Prof?

 

credit to Barcenas Francis

Isa nang kaligayahan na maituturing para sa isang guro ang igalang, ang irespeto ng kanyang estudyante. Pero ayon sa larawan na ito, mahalagang isipin ng makakakita kung ito ba ay sa pagitan ng isang college student o highschool o SHS at ng kanyang guro.

Kung ito'y asal ng isang non-college student, masasabi kong hindi ito tama. Sa hayskul or SHS, mahalagang ipamulat sa kanila ang paggalang sa kanilang guro. Hindi dahil importante ang gumalang kungdi importanteng matutunan at ipraktis mo ang paggalang.

Sadyang may mga tao na hindi biniyayaan ng natural na kakayanan na rumespeto. Sadyang bastos sila na kelangan pa nila pag-aralan sa school ang tamang pag-uugali. Kung kaya naman, ang mga natural na bastos na mag-aaral ay marapat na i-take advantage ang pagkatuto na gumalang sapagkat ito'y mapapakinabangan din nila sa mga susunod na yugto ng buhay nila.

Meron din namang estudyante na natural na magalang, sobrang effortless nila sa pagrespeto. Hindi nila kailangang turuan kung paano rumespeto dahil natural ito sa kanilang pagkatao. Ngunit saang yugto nga ba nagkakatalo ang mga magalang at ang mga hindi?

Sa college. Ang punto ng buhay mo na dapat ay alam mo na kung paano gumalang at kung kelan mo babawasan ang stress mo sa pamamagitan ng "pagkawala ng galang". Mangyari ay hindi lang paggamit ng po at opo ang porma ng paggalang sa pinakamataas na antas ng edukasyon. Ang paggalang sa yugtong ito ng edukasyon mo ay mas masusukat sa tamang asal mo sa pagsunod at paggawa ng mga requirements na ibinigay sayo ng iyong instructor o propesor. Ang sukatan ng respeto sa higher education ay ang kakayanan mong iprisinta sa mukha ng propesor mo ang pinagpuyatan at pinagpaguran mong asignatura. Ang paggalang sa kanila ay masusukat kung paano ka umasal sa harapan nila habang under pressure. Ang paggalang sa kanila ay hindi masusukat kung paano mo sila kausapin kungdi kung ano ang sense ng pinagsasabi mo.

Sure may mga guro talaga sa college na masasabing kupal in all sense. Yung mga tipong feeling diyos na huhusgahan ka kung panu mo sya kausapin. Yung mga tipong hindi ka pwede magpaliwanag sa kanya. Ngunit as long as hindi mo sya minumura, hindi mo sya pinepersonal, as long as may sustansya ang paliwanag mo at nananatili ka sa edukadong katwiran, hindi ka dapat maging sensitibo sa nararamdaman nya dahil sa totoo lang, siya ang mas nakakaunawa at dapat mag-adjust sayo bilang estudyante nya. Ito yung point na pwede ka nang kumawala sa tradisyunal na nakamulatan mong paggalang. Ito na yung simula na nag-iipon ka na ng panibagong rekado sa karakter mo, ang pagiging matapang at palaban.

Not to the sense na aktibista type ka kaagad but to the sense na sa bawat challenge na nalalampasan mo sa higher education ay nagiging matibay ka ng ilang porsyento hanggang maging kumpleto patungo sa totoong laban ng buhay pagkagraduate mo. Hindi mo kailangang mag-asal anghel sa harap ng propesor dahil pakiramdam mo obligado ka. Ipakita mo sa kanya kung anong totoong kulay mo as long as relevant sa subject matter ang inaasal mo.

Maraming porma ang paggalang pero wag mong papayagan na mag-convert ito sa takot at panghihina ng loob. Ang buhay after college ay puno ng deception at kailangan alam mo kung ang paggalang ay nasa iyong advantage o wala.


Saturday, March 20, 2021

Usapang Cheating

 


Lahat naman may kakayanan mag-cheat pero hindi talaga siya makatuwiran. Laging susubukan ng nag-cheat na i-justify yung ginawa nya to make it reasonable sa mata ng niloko nya pero wala kase talagang universal na katanggap-tanggap na dahilan kaya nagloko ang isang tao. Laging ang ending pa rin nyan, nagcheat ka or nag-cheat kayo sa isa't isa at MALI sya sa kahit saang anggulo.

Kung ang reason mo ay dahil nagsawa ka, kesyo ang tagal niyo na and gusto mo maka-experience ng iba, sige magcheat ka. Pero maging fair ka. Dapat bigyan mo rin ng lisensya ang partner mo na lumandi sa iba. Kase sabi mo "normalize cheating" para labanan yung "nagkasawaan" di ba? So ang mangyayari, magkakaroon kayo ng contest ng padamihan ng cheating. Magiging ganito ang dialogue nyo:
Boy: Kumusta kayo ni Juan?
Girl: Nag-change oil kami kagabi. Kumusta kayo ni Maria?
Boy: Ganun din. Nag-enjoy ba kayo?
Girl: Oo naman. E kayo ba?
Hindi na yan cheating actually. "Polyamory" na ang tawag dyan na kung saan, ok lang sa inyo na makipagrelasyon sa iba habang kayo.
Samakatuwid, ang cheating na pinapayagan nyong dalawa ay hindi talaga cheating kundi acceptable na ginagawa ng ibang kultura. It only means na ang totoong cheating ay laging pabor lang sa iisa. So para ma-normalize ang cheating kelangan ma-normalize din ang makasakit at masaktan. Kelangan i-normalize din na may damdaming nadudurog tuwing sya'y niloloko. At lahat nang ito, para lang ma-maintain ang kahulugan ng cheating sa relasyon.
To sum it up, normalizing cheating is beating the purpose of a monogamous relationship. Kung may mindset ka ng cheating bago ka pumasok sa relasyon, that means na hindi ka naka-program na sumaya sa iisang tao lang. Which means hindi ka naka-program na pumasok sa solid na commitment. Which means, hindi ka dapat pumasok sa relasyon at nakipagcommit in the first place.
Samantalang kung nasa kalagitnaan ka ng relasyon nang nag-cheat ka, suriin mo ulet sarili mo kung gusto mo pa ba ipagpatuloy yung relasyon o hindi na. Kase ang pangunahing sangkap ng intimate na relasyon ay pagmamahalan. Yung nagsawa ka nga lang indikasyon na yun na hindi mo na mahal e, lalo pa yung naghanap ka ng iba. So just give it up, mag-break kayo, let go at gawin mo gusto mo. Bitawan mo na agad ang partner mo at wag nang lokohin ng matagal o paulit paulit. Maiksi lang ang buhay, wag kang selfish, at ibigay mo sa partner mo ang tsansa na makapag-heal agad at makatagpo ng hindi kasing-asshole mo.

Tuesday, March 16, 2021

NO LABEL: Alaala ng College


"Anong favorite mong element sa Chemistry?" tanong mo sa dalaga

"Ikaw muna." 

"Ang paborito ko ay Europium" sagot mo naman

"Baket?" ang kanyang pagtataka

"Dahil sa Eu lang ako, Eung-eu." kasabay ng iyong nakakalokong ngiti

"Ako ang paborito ko naman Silicon, Germanium at Barium." wika ng dalaga

"Baket?" alam mo sa sarili mo kung ganu ka kabobo sa Chemistry at wala pang android phone nung panahon mo para i-google nang mabilis kung ano yung mga yun. Hindi na nya nasagot ang tanong mo dahil nagpaalam na sya na papasok sa next class. Ang tanging iniwan nya lang sayo ay nilalanggam na ngiti. Naiwan kang nakatulala sa table of elements na hinablot mo sa kaklase. Wala kang kasinglandi, kahit sa loob ng library, hindi mo pinatawad.

__________

College life. Sino bang makakalimot sa pinakamalanding yugto ng buhay mo? Well hindi naman sa lahat kase karamihan ay hindi paglalandi ang priority sa college at may call center naman or nung nakagraduate na sila or whatever. Anyway, panu mo malilimutan ang mga struggle, mga adventure, mga cringey moments? Maliban na lang kung hindi ka nagcollege so may iba kang yugto ng kalandian ngunit anu't anupaman, masayang balikan ang mga awkwardness at mga happenings nung late teenage days mo. Ituloy natin ang kwento.

___________

Kinabukasn, may joint event ang college departments nyo at kayong mga freshman ang madaling mauto kaya't kayo lang ang participants. Tinawag itong camaraderie ng mga Psyche habang tinawag nyo itong torture ng mga kaklase mo sa Pol. Sci. Malakas ang ulan, malamig at lahat kayo ay nakapiring ang mata. Naulinigan nyo na ang activity ay tungkol sa trust. Sa panahong gamit na gamit ang salitang "trust" sa ibang bagay, wala kang ibang maisip na safe na kahulugan dito lalo na ng sabihin nila na tatalon ka mula sa upuan at sasaluhin ka ng mga team mates mo.

"Nakita ko kausap mo si Katarina kahapon sa library." ang tinig ng kaklase mong si Berto na noo'y so-so na kaibigan mo.

"Ano naman sayo tol?" ang tanong mo sa tinig ni Robin Padilla

"Sa akin sya bro. Ang kay Pedro ay kay Pedro" ang pagbabanta niya

"Alam ba niya?" ngunit wala kang narinig na sagot sa loob ng tatlumpong segundo

"Hindi pa pero lagi ko sya tinutulungan sa assignments nya. May unawaan na kami bro kaya hayaan mo na kami."

"Yun nga so kayo na nga? Tapos pag nalaman nyang kayo, break na kayo ganun?"

Biglang may babaeng humagikhik sa di kalayuan na tila nakikinig sa inyong dalawa.

"Oh humanda na ang mga nakapiring. Trust your team mates na sasalo sa inyo ok?" sigaw ng organizer

Nagpasalamat ka kase hindi isa si Berto sa sasalo sayo dahil hindi mo alam kung anong kaya nyang gawin para sa pag-ibig.

Nakaraos naman sa activity na yun na wala kang injury at ilang sandali pa'y tinanggal nyo na ang piring. Tanging mga ilaw lang ng kandila ang nagsisilbing liwanag at laking gulat mo sa nasaksihan, isang lalaking may panyo sa ulo na may hawak na kandila at kulang na lang ay mga dahon ng sambong para magmukhang albularyo ang kasalukuyang lumalandi kay Katarina! Medyo matagal ang pagkakapiring mo kaya't nanlabo ang iyong paningin or sadyang mahirap lang talaga makita si Berto sa medyo madilim na kapaligiran pero sigurado kang sya ang lumalandi sa diwatang na-meet mo kahapon.

"Mawalang galang na binibini pero maaaring lumayo ka ng konti sa taong iyan bago tuluyan kang madala sa kanyang orasyon." ang bungad mo sa dalaga 

"Ay hello" ang sweet na bati niya sayo

"So napag-isipan mo na ba yung sagot sa tanong ko?" ang tinig ni Berto na nagtatanong sa dalaga at kasalukuyang nainterrupt ng iyong presensya

"Ah yung sa id, ego at super ego?" ang paglilinaw ng dalaga

"Hindi yung isa pa. Yung...." hindi na naituloy ni Berto ang kasunod dahil tuluyan ka nang umentrada

"Katarina, naniniwala ka ba sa reincarnation?"

"Uhhmmm... kinda. Baket?

"Kase tingin ko dati kang apoy"

"Hala baket?"

"Kase feeling ko unti-unti na kong nadadarang sayo." kasabay na naman ng ngiti mong medyo nanginginig pa ang labi

"So dati kang kahoy ganun?" ang natatawang tanong ng dalaga.

"Oo, at sayo lang ako magiging marupok"

"Boom! Haha..." ang priceless na halakhak ng dalagang aliw na aliw sa kalandian mo habang naiwang nagpapatulo ng kandila si Berto sa sarili nyang balat.

Ilang sandali pa'y nag-announce ng quick break ang organizer at nauna nang lumabas ang naiinis na si Berto. Habang galit na galit sa straw ng zesto ay kinausap ka nito.

"Bro, hindi ako bilib sa mga diskarte mo. Hinahamon kita. May the best man win." 

Hindi mo masyadong sineryoso ang sinabi ng kaibigan habang hawak-hawak sa bulsa ang piraso ng papel na naglalaman ng landline number ni Katarina na patagong iniabot ng dalaga. Tanging ngisi lang ang ibinato mo sa nilalang na wala kang idea na magiging kaibigan mo on and off sa unang limang taon at magiging kapatid mo na sa mga darating pang mga dekada.

Salamat sa Bayantel at sa unli call nito, hindi mo kelangan gumastos ng malaki sa cellphone load. Lingid sa kaalaman ng lahat, lagi na kayong inaabot ni Katarina ng madaling araw sa pag-uusap. Grabe ang koneksyon nyo, walang dull moments, nagkakasundo kayo sa kahit anong topic. Madalas na rin kayong nakikitang magkasama sa campus at sa mga fishbolan sa labas ng campus.

Lumipas ang mga araw at ganap na ngang natanggap ni Berto ang kanyang pagkatalo ng malaman nyang Mag-Un na kayo ni Katarina. Naging supportive na lang sya at winish na maging maligaya ang lahat sa mga relasyon nila lalo na si Mich na martir na isa nyo ring kaibigan. Subalit ang relasyon na iyong napasukan ay hindi pangkaraniwan. Maswerte pa ang maxx candy, sweet at may label, samantalang yung sa inyo, sweet lang.

Sweet kayo sa isa't isa, kumakain kayo sa labas, suki kayo ng Megamall foodcourt, naglalaro kayo sa arcade, may terms of endearment pa kayo. Nagke-care ka sa kanya at nagke-care sya sayo ngunit tila may kulang. Hindi naman officially kayo. Isang araw, hindi mo napigilang magtanong sa kanya.

"Ano ba tayo?"

"What do you mean?"

"Etong set-up natin. Anu ba tayo?"

"We're fine. We're good naman. Why?"

"Naiisip ko lang kase, can't we make it more official? Kase alam mo background photo na kita sa friendster ko tapos nakalagay ka na sa bio ko pero ikaw wala ka man lang pinopost na photo or anything about saken?"

"Dun lang ba yun nasusukat? Tsaka ok naman yung company natin kahit di natin i-broadcast."

"Ganun ba? So ok lang din na ibinubugaw ka ni Lafing sa mga Management students? Kase nga wala naman tayo label at pwede mong gawin kung anung gusto mo?"

"Watch your mouth! Anong tingin mo saken bitch para ibugaw?"

"Sorry naman. Nadala lang ako ng damdamin ko. Patawarin mo na ko. I'll give you time, I'll stay with you no matter how long. Gusto ko lang matawag kang "mine" officially.

"I don't feel we want the same things down the line. Alam mo na in the first place na studies ang priority ko. I can do whatever I want as long as I'm not attached to anything but to my studies."

"Ok I understand. Sige I'll just stay here with you."

"No. Stay away na. You're making it weird now. At burahin mo na yung mga friendster pics ko pakiusap. If you'll excuse me, malelate na ko sa Chemistry class ko."

Tumingala ka sa langit para hindi tuluyang malaglag ang mga luha mo. Kahit yung hindi na lang sana pagpatak ng luha mo ang matirang palataandaan na matigas ka pa rin kahit durog na durog na ang puso mo. Pero hindi, pumatak pa rin ang butil ng luhang iniingatan mong malaglag.

"Bro, samahan mo ko RTC, wala ako mahanap sa jurisprudence ng kaso ni Castellvi...umiiyak ka ba?" ang tanong ni Berto na animo'y bigla na lang iniluwa ng punong mangga.

"Hindi bro. May nalaglag dun sa puno, napuwing ako. Sige tara. Tapos ipagdamot natin sa classmates natin kase tayo naman yung nagpakapagod."

Inilihim mo kay Berto ang kasawiang yun dahil sa kahihiyan. Sa bandang huli, wala naman talagang "best man" na nanalo sa inyong dalawa. Inisip mo pa nga na mas maswerte si Berto dahil di na nya naranasan ang naranasan mo.,.ang mapasok sa "no-label" relationship na maaaring nagawa nyo na lahat sa isa't-isa, kulang na lang ay yung "kayo".

Thursday, March 11, 2021

A DEY IN DA LAYP OP BATANG 90S.

Walang alarm clock, bunganga lang ng nanay mo sapat na. Tuwing alas-singko y media ng umaga, kelangan mo bumangon para pumasok sa eskwela. Maswerte ka sa umagang iyon dahil hindi ka ginising ng hanger. Tumulala ka muna ng 10 seconds bago pumunta sa hapag kainan. Sinalubong ka ng umuusok pang isang tasang kape, tuyo, pritong itlog at sinangag. Daglian kang pumwesto sa mesa at nagsimulang kumain. Habang ngumunguya ay pinilit mong alalahanin kung kelan ka huling nakatikim ng gatas o milo sa almusal. Pero nagkibit balikat ka na lang kase sabi ng nanay mo, walang budget para dun kaya nescafe na walang creamer na lang ang inumin nyong magkakapatid. Minsan kapeng bigas pero Ok na rin at least may almusal.

Natapos kang kumain at tumakbo ka na sa sapa para maligo. Hindi ka magliligong uwak ngayon dahil Lunes at nakatulog kang puro putik pa ang paa dahil sa panghuhuli ng gagamba kagabi kasama sina Babalu. Lumangoy ka na parang hito at umahon ka sa tubig na umuusok pa ang katawan. Wala kang idea na sa 2020s, ginagawa lang ito ng mga youtuber para sa views pero sa panahon mo, wala kang choice kundi gawin ito tuwing umaga kahit kulay-ube na ang labi mo sa ginaw. Sana nga sabi mo ipag-init ka naman ng tubig ng nanay mo. Pero nagtitipid kayo ng panggatong at hindi ka naman mahinang nilalang. Napatingin ka sa iba pang mga batang kasabay mo maligo sa sapa. Kaygandang pagmasdan ng mga kulay ng balat nyo na nahiya lang ng konti sa kulay ng pwet ng kawali, kumikintab pa sa itim.

Sa wakas ay handa ka nang pumasok sa paaralan. Heto ang checklist mo:

-Isang bundle na teks na may pamato na nilagyan ng mantika? Check!

-Kadenang lastiko o goma na inipon nyo ng kabakas mong si Junjun? Check!

-Isang supot na holen? Check!

-Tatlong trumpo na gawa sa puno ng bayabas na mahal na mahal ng lola mo? Check!

-Isang posporo ng gagamba na sa loob ay kasama ang pambato mong "lawang number 1" na nakuha mo sa dahon ng sili? Check!

-Makapal pa ba ang rambo mo? Kaya pa ba para sa finishan ng tsinelas? Check!

-Pitong notebook at pitong libro? Check!

Maglalakad na kayo papuntang school. Dumating na ang mga kasabay mong sila Tipoco. Nagsawa ka nang kalaban sya sa teks habang papunta sa school dahil lagi lang naman nauuwi sa suntukan. Hindi kayo magkaaway sa araw na yun kaya pinagkwentuhan nyo na lang ang palabas sa betamax kagabi na pinagbibidahan ni Ace Espinosa. Tumatambling kayo sa kalsada habang dala ang mabibigat na aklat at notebook pero di kayo nag-alala na baka mabali ang balikat nyo sa bigat kundi baka masira ang bag.

Ilang kilometro na lang at malapit na kayo sa school. Napansin nyong hitik sa bunga ang santol ni Nana Leni. Dagliang nyong inakyat at kumuha ng ilang piraso, sapat na para kainin hanggang makarating sa eskwelahan. Subalit naglaway kayo sa malig-ang at hindi nyo napigilang kumuha rin nito. Ilang sandali pa ay puro mantsa na ang inyong mga damit. "Ok lang" sambit mo sa sarili. "Kayang-kaya ng tops at chlorine yan". Ngunit sa pagkakataong ito, makakaya mo kaya ang palo ng nanay mo? Isang palaisipan pero mamaya pa yan malalaman pagdating mo sa bahay. Enjoy now, worry later.

Ang buong tropa ay loaded na ng vitamin C sa katawan dahil sa mga prutas na kinain. Nagtatawanan, nagkukulitan. Ang mga girls ay nagtsitsismisan sa murang edad habang ang mga boys ay busy sa paglagay ng bato sa bag ni Jay-ar. Punumpuno na ng mga gamit sa school tapos kanda-kuba na rin dahil sa dami ng graba sa loob ng bag nya. Later pa nya yun madidiskubre.

Umulan habang umaaraw at lumabas ang bahaghari. Nagdrawing ng malaking araw na nakangit si Onyo sa gitna ng kalsada. Di mo alam kung anung konek pero para daw manaig ang araw at wag nang umulan. Ilang sandali pa at maaraw na ulet. Itinapon nyo na ang mga dahon ng saging at galyang.

Nakarating na kayo sa eskwelahan. Flag ceremony time. Ang itsura ng mga klasmeyt nyo ay naaayon sa oras habang ang sa inyo ay pang-uwian na. May natira ka pang malig-ang at likas kang mapagbigay kaya shinare mo kay Jayson. Mabait din si Jason at shinare nya kay Alvin. Ilang sandali pa, tatlo na kayong dugyot na puro mantsa ang puting damit sa pila habang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. Salamat sayo, hindi na lang iisa ang mapapalo ng nanay sa araw na yun.

Nagsimula na ang klase. Nakagawa ka ng assignment kagabi kaya hindi ka pinalo sa kamay. Pero hindi ka nakaligtas sa sili ng ilista ka ni Jessica na "noisy" sa blackboard. Hindi naman masyado sumama ang loob mo dahil sa daming beses mong pinakain ng sili, parang kendi na lang sayo. Ang hindi mo ma-take ay ang pa-squatin dahil nauubos ang enerhiya mo na sana ay para sa agawan base mamayang recess.

Tang! tang! tang!. Ang pinakahihintay ng lahat, recess! Takbo sa tindahan ni Tsang Conching para kumain ng sopas pagkatapos ay ihahanda ang mga teks para sumagupa sa mga mortal na kalaban. Buo na ang tropa, heto na't sasagupa na pero kelangan muna manggulo sa mga babaeng nagteten-twenty at chinese garter. Makakatanggap ka ng mag-asawang sampal kay Rosalyn pero di ka magagalit, crush mo e.

Ilang sandali pa at umaatikabo na ang labanan sa teks. Parehong teknik, parehong panggugulang. Ang dami mo nang teks , makapangyarihan ka na. Marami ka nang kabakas, marami nang nangangailangan sayo. Isa ka nang mafia boss ngayon. Ngunit natuklasan nilang bukod sa may mantika ang pato mo, meron ka ding isang pato na ginagamit mo pag dehado na. Ang pato na to ay espesyal...pareho kase silang ibabaw...walang likod. Natuklasan ni Tipoco ang iyong lihim at muli na naman kayong nagkagalit. Nakita kayo ng Grade 4 na si Ayan at hindi nya pwedeng palagpasin ang pagkakataong makapanuod ng Pacquiao vs. Marquez.

Ayan: Hawakan mo nga sa kamay...Hawakan mo nga sa tenga...Hawakan mo nga sa pisot...

Tang! tang! tang! natapos na ang recess. Balik na naman sa silid-aralan. Nawalan ng gana si Ayan dahil hindi natuloy ang suntukan habang sa kabilang banda ay puno ng pagbabanta mula sa kampo ni Tipoco. Saan kaya hahantong ang tapatan na ito? May trilogy kaya? Abangan sa lunch break.

Maganda naman ang naging performance mo sa classroom at hindi ka nadistract sa amoy nyong magkakaklase. Sanay na rin ang teacher nyo pati sa itsura nyong parang mga gremlins na nakipag breed sa "Anak ni Janice". Ganun kayo kadugyot.

Muling tumunog ang bell at lunch break na. Wala kayong imikan ni Tipoco hindi dahil bati na kayo, kundi dahil pareho kayong walang lakas ng pa-squatin ni Maam dahil sa ingay ng bantaan nyo. Kapwa na rin kayong gutom at tanging pagkain ang naglalaro sa isip nyo. Ceasefire.

Sa dating venue, sa puno ng katmon ang paborito nyong lugar upang mananghalian. Inilabas na ang mga baong kanin at ulam. Hindi kelangang maganda ang lunch box, hindi ito pagandahan. Kalidad ng pagkain ang pinag-uusapan dito. Si Marcelo nga na dahon lang ng saging ang lalagyan ng pananghalian ay hindi tinutukso. Lahat kayo ay nakapaligid sa kanya dahil sa ulam nyang bayawak na adobo sa gata. Inofferan mo sya ng pritong hito at noodles na malamig na agad nyang tinanggap kapalit ng kapirasong adobong bayawak. Nakita kayo ni Tipoco at agad nag-offer ng ulam nyang kinunot na pagi kay Marcelo kapalit ng bayawak. Naglaway ka sa ulam ni Tipoco kaya nag-offer ka rin ng hito kapalit ng kanyang kinunot. Ilang sandali pa, pinag-uusapan nyo na naman ang pelikula ni Ace Espinosa nung nakaraang gabi. Ang bilis nyong makalimot sa hidwaan. Salamat sa adobong bayawak ni Marcelo.

Tapos na ang pananghalian at tumatakbo na si Eumito sa agawan base na walang pakialam sa apendisaytis. Nag-stretching ka muna gamit ang tali ng trumpo habang naghahanap ng kalaban. Nakita mo si Tipoco na kaumpukan ng iba pang kaklase mo. Mangyari ay naglalaro sila ng trumpo pero ayaw ka nilang pasalihin. Masyadong delikado ang trumpong bayabas mo na ilang trumpo na ang sinira. Medyo may kirot sa puso mo dahil sinakripisyo mo ang unli supply ng bayabas para lang sa trumpo mo plus ikaw na rin ang paboritong paluin ng lola mo sa inyong magpipinsan. Ganunpaman, hindi ka nawalan ng pag-asa. Nakita mo sa di kalayuan sina Richard na naglalaro ng finishan ng tsinelas. Sumali ka pero umayaw ka din dahil ilang beses kang natalo at masakit na ang kamay mo sa palo ng tsinelas nila. Naisipan mong magteks pero kumalat na ang balita na scammer ka sa teks kaya ayaw ka na nila kalaro. Mabuti na lang at naalala mo ang "lawang number 1" na nasa bahay na posporo at kelangan na rin nitong mananghalian.

Sumugod ka sa mga nagsasabong ng gagamba upang pakainin ang iyong alaga. Ganun ka kakumpyansa na mananalo ka. Hawak na ni George ang tingting at lahat ng tambay sa silong ng bahay nila Joan na malapit sa school ay nakafocus sa laban ng gagamba nyo. Ngunit ilang saglit ay natigilan ang lahat. Oh no! nahuli ng kalaban si Pipoy! Inihinto nyo muna ang sabong para tapusin ang episode ng Kapitan Pinoy sa araw na yun.

"Red, white and blue! Stars over you! Nanay said, Tatay said I love you! Kapitan Pinoy!"

Sabay sabay nyo pang binigkas ang mga katagang yan nang makawala si Pipoy at makatakbo sa sagingan para magtransform sa pagiging Kapitan Pinoy. Tutok na tutok kayo sa programa at nasambit mo na lang sa sarili "sana hindi lang ito sa radyo".

Natapos ang programa at walang gusto makinig kay Tiya Dely. Ilang salpukan lang ang itinagal at nakita mo kung paano balutin ng sapot ng kalaban ang gagamba mong si #1. Wala ka nang nagawa kundi gunitain na lang ang masasayang ala-ala nyo ni #1. Pero ganun kase talaga. Sa laban ng gagamba, may nananalo, may natatalo. Move on.

Masama ang loob mong iniwan sina George na maligayang maligaya sa tanghalian ng gagamba nya. Nakita mo si Junjun sa di kalayuan na nakikibaka para sa kaban ng lastiko nyo. Wala kang gana maglaro ng goma dahil namatayan ka ng paborito mong gagamba kaya tamang cheer ka na lang sa kaibigan.

Natapos ang lunchbreak at muli na naman kayong nasa silid aralan. Mas matindi na sa pagkakataong ito dahil nanununtok na ang mga amoy nyo. Si Ernestong may kwintas na libag, si Jayson na may dugo sa damit, si Richard na wasak ang short, si Sharon na nanigas na ang buhok sa pisngi dahil dumikit sa sipon at marami pang iba. Oh napakasaya ng tagpong iyon lalo na nang makakuha ka ng 100% sa short quiz sa Sibika at Kultura.

Dumating na ang pinaka-aasam ng lahat, ritera na, uwian na. Sa araw na ito ay hindi kayo maglalakad pauwi dahil pasasakayin kayo ni Digoy sa bus nya. Mukhang palagi na kayong makakasakay sa bus pauwi simula nung ilang beses nyong pakuin ang gulong ng kawawang sasakyan. 

Palihim mong binuksan ang tsitseryang "Basta Pinoy" na binili mo sa Tindahan ni Nana Saling. Iniiwasan mong may makakita sayo pero nadistract ka sa laman ng bag ni Jay-ar. Puno na naman ito ng bato at nagsimula ka ng magduda kung may nangbully na naman ba sa kanya o sadyang nangongolekta talaga sya ng graba. Napansin ka ni Benhur na agad nanghingi sayo. Binigyan mo naman dahil tropa pero sinigurado mong hindi yung laruang sundalo ang makukuha nya sa loob ng tsitserya. Napatingin sayo si Mayong na noo'y kumakain ng gumihan. Sinubukan mong alukin ng "Basta Pinoy" sa pag-asang sana ay mabahaginan ka ng buto ng gumihan pero muntik na nyang ipalo sa ulo mo yung prutas na hawak nya. Mas malaki sya sayo at madami sila, di mo sya kaya, nastress ka. Malayo ang kinauupuan ni Tipoco, wala kang mapagbabawian kaya nanahimik ka na lang hanggang makarating sa bahay nyo.

Dumaan ka sa kusina ng bahay para di makita ng nanay mo kung panu naging brown-violet yung dating puti mong damit. Nagtagumpay ka at nakapagpalit ng damit. Pero alam mo sa sarili mong nadelay lang ang paluan. Malalaman pa rin nya yun.

Ikaw na lang ang iniintay sa basketball court. Ang buong tropa ay nandun na pati mga babae na naglalaro ng bakya, chinese garter at tsismis-tsismisan.

Nene 1: Di kita bati.

Nene 2: Di rin kita bati!

Joven: Bati nyo ko?

Sariwa pa sa ala-ala nila ang pang-iiscam na ginawa mo sa teks kaya walang gustong makipaglaro sayo. Buti na lang may naglalaro ng saparilya o tansan na pinapaikot sa tali. Daglian kang sumali pero nabored ka kagad. Walang thrill ang magputulan lang ng tali. Kelangan mo ng mas maaksyon. Sa di kalayuan ay naglalaro ng tumbang preso sina Mark. Kaagad kang sumali at hindi sila nagprotesta. Makailang ulit kang naging bayani nang mapatumba mo ang lata nung ikaw ang huling tumira. Mangyari ay tsinelas kase tatay mo ang ginagamit mo na mas malaki at mas malapad. Teknik na hindi alam ng mga kalaro mong tyupol. Naging boring ang laro dahil kahit bantay-suka ay hindi ka kayang hulihin. Level 999 ang skill mo sa tumbang preso.

Bang! bang! Hindi ito tunog ng baril, tunog ito ng bunganga ni Ronnie na seryosong nakikipagbarilan kay Ruel. Hindi sila makamove on sa pagka-idolo kay Ronnie Rickets na kailangan nilang magbarilan gamit ang sanga ng ipil-ipil o kung anuman na hugis baril. Boring na ang tumbang preso kayat sumali ka din sa kanila. Sa barilan na to, walang kahit sinong kailangang masaktan. Basta magaling ka lang magtago at umakting kung sakaling matamaan ka ng inbisibol na bala, pasok ka sa larong ito.

"Sumuko ka na Ronnie!"

"Hindi ako susuko Ruel! Magkakamatayan muna tayo!"

Sabay silang lalabas mula sa mga puno na pinagtataguan habang hawak ang kalibre 45 na ipil-ipil sa parehong kamay. Pareho silang tatamaan ng bala at mangingisay ng mga isandaang beses bago tuluyang babagsak. Pero buhay pa pala ang isa at babangon upang iputok ang huling bala sa ulo ng isa pa. Malaking misteryo para sayo kung panu naging masaya ang laro na ito pero wala ka nang pakialam, basta masaya sya.

Nasa ganun kang pagmumuni muni ng biglang lumitaw si Babalu sa harapan mo. Naglitanya muna sya na parang si Romy Diaz ngunit ng akmang puputok na, nawalan sya ng bala. Alam mong senyales ito na eksenang suntukan naman ang gusto nyong maging ending ng sa inyo at kelangan mong ipaghiganti si Ronnie na nakahandusay at akting na akting. "Klik! klik!" Wala ka na ring bala. Isa lang ang ibig sabihin, martial arts time. Lumilipad ang mga sipa nyo. Sunod sunod ang mga suntok! Ngunit kelangan nyong mag-usap kung panu tatapusin ang kahibangang yun lalo na't lumulubog na ang araw kaya't pagdedesisyunan nyo kung sino ang mananalo. At dun na matatapos ang laro.

Natapos ang moro-morong barilan at makikita mong si Juvy ang taya sa tagu-taguan. Sumali ka din dahil...bakit naman hindi? Masaya ang naging takbo ng laro pero kumakagat na ang dilim. Bumalik na si Ronnie sa basketball court matapos utusan bumili ng paminta ng nanay nya. Sumali din sya at sya ang naging taya.

"Makabilang akong tatlo nakatago na kayo! Isa! Dalawa! Tatlo!"

Ngunit wala syang na-pung o nahanap. Nagsiuwian na kayong lahat sa kanya kanyang bahay. May pag-uusapan na naman kayo kinabukasan habang naglalakad papunta sa eskwelahan.

Ilang dekada na ang nakakalipas at ngayo'y matanda ka na. Alam mo sa sarili mo na walang kasingsaya ang naging kabataan mo at hindi mo ito ipagpapalit sa trip ng mga kabataan ngayon. Gintong kumikinang na walang katumbas na halaga ang alaala ng batang 90's. 



Friday, February 12, 2021

Valentines ng Single

 


Tuwing may nakikita kang magjowa na mas matamis pa sa JCO, either inaatake ka ng kabitteran or napapa "sana all" ka na lang. Mixed reactions e. Kung single ka at wala kang reaction, well questionin mo na sarili mo kung tao ka ba o machine. Anyway...

Madaming walang karelasyon dahil pwedeng by choice or sadyang wala pa talaga. Minsan sinasabi nila na di talaga sila jowable etc. Anu't anupaman ang dahilan kung bakit ka single, ikaw ang mas nakakaalam nyan. Pero sa mga single dahil natatakot kesyo magulo makipagrelasyon, baka masaktan lang sila atbp, tara magreview tayo nang mabilis lang.

Meron bang perfect na relasyon na nag-eexist? Wala naman di ba? Sa isang relasyon talagang may sakitan na nagaganap. (Not necessarily na sakitang pisikal pero nangyayari din yan pag panabong kayo pareho o ang isa sa inyo.) Pero usually kase ang sakitan sa relasyon nagsisimula sa kawalan ng tiwala ng isa sa kanyang sarili. Yung feeling nya na may mas higit pa sa kanya at anytime pwede syang palitan. Yung selos, yung insecurity, yung hindi na kelangan si Ed kase sya naman ang gumawa ng sarili nyang multo. Pero mainly yung feeling talaga na kaya sya nasa relasyon para mahalin nang buo kahit minsan ay nananadya na sya (na para bang hindi karelasyon ang kelangan nya kundi si Jarvis) ang nagiging cause ng malaking problema. Hindi ko nilalahat pero maraming namimisinterpret ang true love by counting on their partner as relentless, formidable love machine na hindi sila iiwan. Nangyayari naman yan. I mean "The Notebook" is a great movie. But true love is not about challenging your relationship through acceptance of flaws but having self-love that you are willing to extend to the other half (whos hopefully willing to do the same). Kase kaya wala kang tiwala sa sarili mo at palagi kang naninibugho kase may chance ka na mahalin ang sarili mo nung single ka pa pero di mo ginawa kaya wala kang true self-love na maishare. Yan tuloy nung lumabo na, napakanta ka na lang ng The Juans. Walang perfect na relationship, right relationship meron. Pero to have a right one shall start within yourselves.

Kung preferred mo pa rin maging single dahil takot ka talaga sa conflict, heartbreaks, again, di naman naiiwasan talaga yan. Alalahanin mo, isasabotahe at isasabotahe ka ng reyalidad from time to time. Pero katulad nang nabanggit ko sa taas, you cannot settle on being afraid all the time. Maybe hindi ka pa ready and thats acceptable, but to go completely negative is only good for covid test, not to your own hapiness.

Happy Valentines kapatid.




Share