Saturday, March 23, 2024

After Break-up: Ano na? Part 1 - Denial, Anger at Bargaining


Maaaring hindi lahat pero karamihan saten nakaranas na ng break-up. Kahit anung uri ng break-up mapa sa bestfriend man yan, kapamilya, asawa at yung most common lalo na sa teens at young adults, sa bf/gf. Kung isa sa mga nabanggit o kahit anupamang hiwalayan yung napagdaanan mo, mababaw o malalim, for sure nakaramdam ka ng hapdi o negatibong pakiramdam. Masakit di ba? 

Sa portion na to ng blog ko, hihimayin ko to sa ilang parte. Mangyari ay may 5 stages ang pag-move on. Yun ay ang denial, anger, bargaining, depression at acceptance. Mahalagang malaman ang limang estado na to ke ikaw yung nakipagbreak or ikaw yung brineak. May mga mababaw na break up na hindi naman masyado naging madamdamin at parang iwinagwag lang at ilang araw makalipas, ok na. Pero hindi natin madedeny na merong mga break up na sadyang ganun kaseryoso to the point na yung iba pa nga ay nagko-cause ng buhay habang yung iba ay kailangan na ng propesyonal na tulong dahil sa bigat ng mental health impact ng naturang hiwalayan.

Wala akong ibang gagamitin na halimbawa dito kungdi ang sarili ko. Sarili kong karanasan at kung paano ito pinagdaanan at napagtagumpayan. Magsimula tayo sa denial stage. Heto ang kwento.

2011 nang mameet ko tong si Ate mula sa simpleng "hoy andyan ka naman sa kiosk". Wala pa masyadong android phone nun so sa workplace, may kiosk kami na pwede kami mag-internet dun, mag social media at kung anupamang internet activities na allowed. Di ako interesado sa kanya nung una pero makailang beses nya ko pinuna tungkol sa pag-stay ko sa kiosk na medyo ikinainis ko kase ano ba pakelam nya? She's cute though, very attractive at nagstart akong marealize yun nung inistalk ko sya sa facebook. Wala akong balak na i-add sya or what so tamang stalk lang ako sa kanya right at that kiosk na walang privacy at makikita ng dumadaan yung screen mo.

One day on my surprise, may nag-add saken. "Puro ka view, hindi mo pa i-add". Sya na nga ang nag-initiate na mag-add saken. Sabi ko ok, no biggie. Another facebook friend kako among thousands na meron na ko that time. But then we started chatting that weekend and she made me realize how alone I am and how sad of a person I am that time. College fresh grad, di alam ang purpose sa mundo, di alam ang gusto at undecided sa lahat, yun ako dati. She had this cheerful personality at napaka engaging sa convo na dahilan para mahook up ako sa kanya. In-unlock nya yung social capability ko at ilang araw pa nga ang nakalipas ay nakikipagsabayan na din ako sa kanya ng mga malulutong na banat na ipinamana pa saken ng ninuno ko. We were so different to each other dahil sobrang modern nya habang ako e sadyang fan ng makalumang gawi. Patunay yung mga embarassing moments ko with her nung later on e nagstart na kami magdate. Pero yung differences na yun ang lalong nagpatibay ng connection namin. Pagkatapos nga ng mga ilang dates pa at naging kami na din. Masaya nung una, walang problema pero hindi lahat e masayang kwento. Nagstart na kami magtalo, mag-away madalas.

Katulad ng mga klasik na kwento, ang naging dahilan ng hiwalayan namin ay 3rd party. She started meeting someone habang kami pa at napakasakit nun. At the end of the day, yung differences namin na naging sentro ng atraksyon namin sa isa't isa ang sya ding sumira sa relasyon namin. She was to liberated for me and hindi ako nakapag adapt.

Early 2013 nung ako na mismo yung nakipaghiwalay. Siguro sa unang week na wala kami, I felt pride and sense of fulfilment as a man kase nagawa yung tama. Then loneliness hit, namimiss ko sya nang husto. Denial kicked in at nagising ako one day na hindi makapaniwala na wala na kami. So tinry kong kontakin sya at nagrespond naman sya. Sinuyo ko ulet sya, sinubukan ko ulet syang i-winback. Natagpuan ko yung sarili ko na bumabalik sa mga dati naming routine tulad nang paghihintay sa kanya sa labas hanggang matapos ang shift nya. Only this time sa waiting area, meron na ding ibang naghihintay sa kanya at sa moment na lumabas na sya ng building, hindi naman ako yung sasamahan nya. Parang pinupunit ang dibdib ko sa mga tagpong yun.

Darating pala sa punto na i-rereject mo yung bagong reyalidad after ng break up at mamamayani yung strong desire mo na ibalik lahat sa dati. Makailang beses ko pang sinubukan na kumbinsihin sya na kami na lang ulet pero walang epekto. Dun na ako nag-burst out. We were chatting nun nang inisa-isa ko sa kanya yung mga naging sacrifices ko for her, mga nagawa ko sa kanya, mga bagay na hindi nya nasuklian at meron na rin mga threats. Anger! Tuluyan nang lumabas yung galit ko at bumuhos na lahat nang emosyon at kung anu-ano na ang mga nasabi at nagawa ko na nagresulta lamang sa mas malaki pang damage. 

Hindi pa ako aware sa stages ng pag-move on so I was totally noob on those phase. I realized na as early as denial stage, kung talagang gusto mong maayos, kalmado mong tatanggapin yung nangyari at siguro magpalipas ka ng ilan pang panahon bago ka maging mapusok sa paggawa ng mga hakbang. Kase kung nagmamadali kang makuha yung resulta na gusto mo, it will lead to anger at katulad nga sa nangyari saken, yang anger na yan ang magdedetermine kung pwede pa ba or wala na talaga. Pero tao ka lang at alila ka ng emosyon mo lalo na pag-down na down ka. So don't confuse denial with acceptance kahit gaano mo kagaling hinandle yung denial stage mo kase most likely, dinelay mo lang yung epekto ng denial, hindi mo talaga sya naremedyuhan. Pero kung di ka nagburst out sa galit at nahandle mo nang maayos yung epekto sayo sa early stage, namanage mo lang sya ng ok pero hindi pa rin tapos yung proseso.

Ang kritikal na parte kase after ng anger at nailabas mo na lahat ng hinanakit mo, parang biglang may mga realizations na magpa-flash sa isip mo na "pwede pa, kaya pang ayusin". Eto na yung bargaining stage. Dito mo na ile-laydown lahat ng baraha mo depende sa tindi ng emosyon mo. Again its all just emotion. Yung reyalidad, blurry na, di mo na masyado makita. Nakafocus ka na lang sa target outcome mo which is magkabalikan. When I say magkabalikan, you will even resort to "kahit friendship na lang". Yes you heard that righ, kahit as friends na lang. Kumbaga kahit yung pinakaminimum na lang na ugnayan ang mahalaga meron. Though you know deep within you na sa balikan pa rin gusto mong mauwi yung friendship na inooffer mo. Sa puntong ito, tulad ng denial at anger kaya mo rin mamanage to. Ang naging mali ko dito, nag-all out ako para lang makita sa bandang huli na mas pinu-push ko sya palayo kesa mahila palapit.

Sa unang tatlong phase ng pag-move on na diniscuss ko dito, it takes a very discipline person to achieve yung outcome na gusto nya. If plano mo na i-winback ang taong mahal mo, you will only get to bargaining stage and your moving on will not be complete kase naging kayo ulet or somehow magiging kayo ulet if magsucceed man yung "friendship bargaining" na inoffer mo. Pero kung wala sa kahit anong phase na yan ang nagdulot ng balikan effect, you have to prepare yourself to much more devastating phase of the moving on process which is tatalakayin natin sa next entry ko.






Share