"Kung sa mga unang araw o linggo pa lang ng relasyon mo ay nakakaramdam ka na agad ng selos sa partner mo, hindi para sayo ang relasyon na yan. Hindi kayo magkakasundo at hindi kayo magtatagal kaya i-give up mo na agad yan." - rxv1989
Bago tayo magpakalalim sa topic na to, tingnan muna natin ang mga katotohanan tungkol sa buhay seloso ng Pinoy at Pinay.
Scenario 1: FB case 1- Nag-aaway tungkol sa tagged picture ng kaibigan sa boyfriend nya.
Ate: T$#(*%^&!! sino itong babaeng kaakbay mo sa pic na to? Kalandian mo to no? Hayup ka! manloloko!
Kuya: Ahmmm... Fellowship namin yan sa church at obvious naman nasa labas kami ng chapel. Bukod dun, pinsan ko din sya. Confirm mo kung ok lang sayo pero useless na dahil break na tayo.
Scenario 2: FB case 2- May nagmessage kay Kuya nang "hi"at isa itong babae.
Ate: Shit! Sinong tong nag-hi sayo? Pinagmumura ko tuloy. Babae mo nu? Umamin ka!
Kuya: Ang katotohanan na kahit sino ay pwede magmessage sa kahit sino depende sa privacy setting ng FB mo ay hindi maiiwasan. Sa kabila ng pinagkatiwala ko sayo ang password ko dahil wala akong itinatago at hindi perpekto ang teknolohiya natin, ganyan-ganyan mo na lang ako husgahan. Pu*&^*^&%# ka napakasama naman ng ugali mo.
Scenario 3: Texting case: May nagtext kay Ate na unsaved number at nabasa ni Kuya.
Kuya: Anak ng pu--. Sino tong gagong nagreply na pwede ka na raw tumawag? Pinagtataksilan mo ko nu?
Ate: Anung nireply mo?
Kuya: Sabi ko pu*(^&*##*& nya. Maghanap sya ng ibang lalandiin.
Ate: Good job. Ngayon hindi ko alam kung may trabaho pa kong babalikan dahil minura mo lang naman ang number one client ng kumpanya namin. Salamat sayo.
Scenario 4: Nakitang nagkangitian ang girlfriend at ang magtataho.
Kuya: Landi mo ha.
Ate: Landi agad? Grabe. Di ba pwedeng natuwa lang dahil masarap yung langka flavor na taho nya? Haisst...
Scenario 5: Headline sa dyaryo.
"Engineer, Pinutulan ni Misis Dahil sa Selos...Patay! (hindi sa blood loss, tuluyan nang nagpakamatay yung engineer.)!"
-----ang mga close minded at certified seloso at selosa ay hindi na babasahin ang mga susunod pa mula sa point na to-----
Iilan lamang yan sa mga halimbawa ng mga kaso na kung saan, ang sakit na selos ang naging dahilan para lumala ang sitwasyon sa isang relasyon. In fact, may teorya ako na isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang bansa natin ay dahil sa mga seloso at selosa. Pag sobrang seloso kase ng partner mo, mapipigilan ka nya magkaroon ng self-growth at madevelop pa ang ibang potentials mo. At dahil lahat ng atensyon ng seloso mong karelasyon ay nasayo, limitado lang din ang mundo nya sayo na dahilan para di rin sya mag-grow. Ang epekto, hihina ang manpower dahil sa kawalan ng mga produktibo, skilled at talented na manggagawa. Ilang milyong kababayan natin ang may ganitong pananaw at practice sa buhay? Sa dami nila, sila ang threat sa paglago ng ekonomiya natin.
I also heard stories ng mga tao na pinipigilan ang partner nila na mangibang bansa, mag-aral o magtrabaho sa malayo o kaya ay mapromote sa trabaho dahil sa SELOS! "Anong kabwisitan yan?" yan ang madalas sabihin ng nanay ko tuwing may oportunidad na pinalalagpas dahil lamang sa maliit at hindi rasyonal na bagay.
Hindi naman ito exclusive lang sa mga Pinoy dahil buong mundo ay may ganitong problema. Pero sa kulturang Pinoy na mas pinaiiral ang damdamin kesa isip, mas madalas ang selosan. Sa panahon din ngayon, mas tumindi pa ang kaso ng pagturing ng bawat partners sa isa't isa bilang "pag-aari o pagmamay-ari". Ang relasyon para sa kanila ay ownership o possesion at ang sistema na to ang tinatawag nilang pagmamahalan at obviously---bullshit ang idea na yan. Sa totoong mundo na nakita mo nung wala ka pang bf o gf o asawa, natural lang na makipagsocialize ang isang tao. Ito ay sistema na hindi mo na kelangang basahin sa libro ni Charles Darwin para patunayan dahil ikaw mismo bilang tao na hindi naman nadiagnose na retarded o mentally challenged ay mauunawaan ito. Ngayon itanong mo sa sarili mo, bakit sobra mo kung limitahan ang galaw ng partner mo lalo na sa pakikipag-interact sa iba pang specie na tinatawag ding TAO. Ikaw ay isang certified at karumaldumal na SELOSO/SELOSA!
Sa pagpili ng partner, hindi mo pipiliin ang isang tao na naba-vibes mo o napapakiramdaman mong hindi mo makakasundo at lalo nang hindi mo dapat piliin ang taong sa una pa lang ay may sintomas na dadaan ka sa pagseselos. Maaaring ang partner mo ay good looking or talented or hot or charming etc. at marami kang agam-agam at insecurities na baka maagaw sya sayo. Dahil dun, todo protekta at bantay ka na parang ungas na kahit maliit na bagay ay pinagseselosan mo. TANGA! The more na ginagawa mo yan, the more na inilalayo mo ang loob ng partner mo sayo! At the more na puro pagseselos ang ginagawa mo, the more na magloloko ang partner mo sayo dahil sino ba ang may gusto ng feeling na hindi malaya? Kahit anong kontrol ang gawin mo sa partner mo, wa-epek! Dahil ang kontrol na ginagawa mo ay isang ILUSYON. Meaning, hindi talaga yan pag-kontrol na tulad sa pesticide na may scientific basis dahil ang katotohanan sa tao ay...may natural tayong kakayanan na magdecide para sa mga sarili natin at sundin ang gusto natin. Kung gusto ng partner mo na lumandi, gagawin nya yun at yun ay dahil ikaw ang nagtrigger para gawin nya yun! Anyway, depende sa kategorya ng paglalandi at kung ito ba ay tolerable pa pero laging tatandaan na ang paratang na walang matibay na basehan ay mananatiling paratang lang. At ang paghanap ng basehan at pag-iimbestiga sa karelasyon ay parang pagpiga ng isang damit na hindi naman nabasa at hindi kelangang pigain na dahilan para maging gusot-gusot ito. KUNG MAHAL KA NG ISANG TAO, SA'YO LAMANG SYA MAKIKISAMA AT DAHIL HINDI KA NAMAN TANGA AT UNFAIR, SUSUKLIAN MO YUN NG PAGTITIWALA AT HINDI PAGSESELOS.
Hindi lahat ay kelangang maging Mass Communication Degree holder para matutong makipagkomunikasyon sa kanilang partner. Sa nakikita ko, ang lahat nang seloso at selosa ay yung mga taong hindi marunong makipag-usap o makipagkomunikasyon. Kung sa unang phase pa lang ng pakikipagrelasyon, example, sa ligawan stage ay nakapag-usap na at nagkaunawaan na ang dalawang magiging magkasintahan sa magiging direksyon ng relasyon nila, malalaman na nila kung saan sila patungo at kung magkaproblema, madali nila yung mahaharap at masosolusyonan. So, ang mga date nyo na puro foodtrip lang at pagsakay sa mga rides sa Enchanted Kingdom at walang masyadong pag-uusap ay kaistupiduhan. At pag naging kayo na, isipin na ang intimate relationship ay nangangailangan din ng teamwork at kung hindi nyo alam mag-usap ng maayos, nasan ang teamwork? Sa puntong ito, may mensahe ako sa inyo guys: "Guys, kung may iba pa kayong kakayanan maliban sa pagbili ng toblerone sa mga nililigawan nyo, yun ay ang makipag-usap sa kanya bilang mature na tao na nakakaintindi sa sinasabi ng puso at isip nya. At girls, kung malinaw na ang damdamin nyo kay guy, itranslate nyo na yan sa words at magset na kayo ng certain agreement kung ano ba talaga kayo. Wag nang makipaglaro!"
Kapag feeling mo ay nagseselos ka at knowing na selos lang yan, tumingin ka sa limang daliri ng isang kamay mo. Gawin mo silang simbolo ng maayos at matagumpay na relasyon:
1.
communication- Wag sumigaw! Maging mahinahon, wag masyadong emosyonal at tiyakin na may patutunguhan ang pag-uusap nyo.
2.
appreciation- Dalawa kayo sa isang relasyon at wag mong isipin na ikaw lang ang nag-eeffort. Pakikinggan mo sya palagi at magrespond ka sa mga reactions nya nang tama at walang exageration.
3.
passion- Ang pagmamahal o pag-ibig ay hindi tulad ng pagkahumaling sa isang kagamitan tulad ng cellphone. Sounds impossible pero marami nang nakagawa nito, ang pagkakaroon ng unconditional love.
4.
trust- Kung 10% lang ang nagagamit ng tao sa utak nya para mag-isip, wag mong ubusin ang 10% na yun sa pag-iisip ng mga posibilidad na nagche-cheat ang partner mo sayo dahil mababaliw ka sa dami. Just TRUST him/her. Kung wala kang trust sa kanya, wala kang trust sa sarili mo. At kung wala kang trust sa sarili mo, hindi mo rin mahal ang sarili mo. Kung hindi mo mahal ang sarili mo, paano mo magagawang magmahal ng iba?
5.
have fun- Ang pakikipagrelasyon ay maraming surpresa na maaaring ibigay. Huwag mong masyadong planuhin o i-set up ang mga bagay bagay tungkol sa inyo para lang masigurado na sayong-sayo lang sya. Minsan, masaya kung hahayaan nyo lang na tangayin kayo ng agos at makaencounter ng mga problema...basta ba walang iwanan sa ere at magkasama nyo yung haharapin at reresolbahin.
Kung nagmahal ka at sa kabila ng hindi mo pagiging seloso o selosa ay niloko ka pa rin, yan ay reyalidad ng buhay. Ganun talaga, nagkakamali tayo kase nga tao lang. Pero sa katotohanan na hindi ka seloso o selosa, ibig sabihin, may pagmamahal ka sa sarili mo at maniwala ka sa akin, hindi ka mahihirapan magmove on at hindi ka mahihirapan makatagpo ng taong susuklian ang pagmamahal mo ng buong tapat at buong puso.
Pahabol: Kung nakarating ka ng pagbabasa sa dulo ng article na to, ibig sabihin, seloso ka na matiyaga magbasa o hindi ka seloso at bored ka lang. Hahaha... At sa mga hindi nakarating sa part na to, seloso ka na nga, tamad ka pa magbasa. Hahahaha...